This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Brgy. Tumana, Marikina City

    Metro Laylayan event ​​Barangay Tumana, Marikina City Q: Ma’am, kasalukuyan pong may hearing tungkol sa extension ng martial law. Ano po iyong komento niyo, Ma’am? Payag po ba kayo sa one-year extension muli ng martial law? VP LENI: Iyong sa akin po kasi, tiwala tayo sa AFP, tiwala po tayo sa DND—kay Secretary Lorenzana—sa kanilang assessment kung ano ang kailangan para ma-secure iyong Marawi, ma-secure iyong Mindanao. Gusto po nating bigyan ng suporta. Pero iyong sa akin lang po, sana… sana sa hearing, mapag-usapan iyong mga tanong na nasa isip nating lahat. Unang una, bakit kailangang isang taon? Sunod, bakit kailangang buong Mindanao? Pangatlo, ano ba iyong mga dagdag na kapangyarihan na puwedeng ibigay ng martial law sa pamahalaan para makatulong para mas ma-fast track—number one, para ma-fast track iyong rehabilitation ng Marawi; pangalawa, ma-ensure iyong seguridad sa lugar. Nagtatanong din po tayo na ano ba iyong… ano ba iyong tulong ng martial law para, iyon nga, mapabilis iyong rehabilitasyon? Gusto ba nitong sabihin na iyong mga regular na proseso ay puwedeng i-shortcut? Kung ang sagot doon oo, ano ba iyong mga safeguards para hindi maabuso, para walang korapsyon na mangyari? Ito lang naman po, ang pakiramdam ko, gusto nating sumuporta, pero sana mapag-usapan sa Kongreso. Sana po maitanong, maitanong sa pamahalaan kung mayroon na bang plano kung anong gagawin doon sa isang taon? Kasi tingin ko po karapatan naman nating malamang lahat. Gusto nating—gaya ng sabi ko, tiwala naman tayo sa assessment nina Secretary Lorenzana saka ng AFP. Q: Kung kayo po, Ma’am, ang masusunod, mga ilan po ba katagal ang extension ng martial law? VP LENI: Wala kasi tayo sa lugar para magsabi. Parang wala tayong capacity para magsabi kung gaano siya katagal na mangyayari. Iyon ay kailangang itanong natin. Parang sa atin lang po, inaasahan natin iyong ating mga senador at mga kongresista, itatanong iyong mga nasa likod ng isip natin para klaro kung bakit kailangan, gaano katagal talaga, at ano iyong puwedeng asahan habang na-e-extend iyong martial law. Q: Ma’am, itanong ko na rin po dahil nasa laylayan po. Iyong mga naapektuhan po ng Dengvaxia vaccine, bilang Vice President po, ano po iyong maitutulong natin, o iyong komento natin tungkol sa Dengvaxia, Ma’am? VP LENI: Ako, nasabi ko na ito before—tingin ko tama na imbestigahin para alam natin iyong puno’t dulo. Mahirap iyong paratang na walang ebidensya na piniprisenta, kaya tingin ko po makakabuti sa ating lahat kapag masusi iyong imbestigasyon. Parusahan iyong mga nagkasala, kung mayroon man. Pero mayroon kasing isang bahagi nito na nakakaligtaan: parang iyong datos, sinasabi na doon sa mga 700,000 na mga bata na na-vaccinate, mga 10 percent doon may aasahan tayong adverse effects. Iyong tanong ko po ngayon, na-identify na ba natin iyong 10 percent na iyon, at ano iyong ginagawa natin para siguruhin na—‘di ba?—para ma-arrest o magamot iyong mga adverse effects ng vaccination? Ngayon kasi, nakatutok lahat sa finger-pointing, pero nakakalimutan iyong mga batang maaaring, ‘di ba, maaaring may maramdaman na hindi maganda dahil sila ay tumanggap noong bakuna. Q: Ma’am, last question: Ma’am, patapos na po iyong taon. What can you say about iyong nangyari noong 2017 when it comes to your accomplishments and on politics? And Ma’am, for 2018, do you have any New Year’s resolution, or any plans or programs to implement? VP LENI: Ito, masaya tayo sa nangyari sa 2017, kasi kung naaalala natin, nagsimula kami ng 2016 na wala kaming budget para sa Angat Buhay, kung kaya’t umandar iyong Angat Buhay na entirely dependent kami ng private partnerships. Pero nagpapasalamat po tayo kasi noong budget hearing sa Senado, ni-raise ito actually ni Senator Sotto, tinatanong niya kung magkano ba iyong budget sa Angat Buhay. So sinabi natin na wala, at sinabi natin iyong katotohanan, at naglagay sila ng budget. Kahit maliit iyong budget na nilagay, nagpapasalamat tayo kasi malaking bagay na ito para sa opisina namin—mula sa wala hanggang sa mayroon nang budget para sa programa. Malaking malaki na iyong maitutulong nito. Tayo naman po ay masaya sa… iyong sukat ng ginawa, kasi kahit iniasa lang natin lahat sa private partnerships, mga 83,000 families ang natulungan natin. As of now, nasa 170-plus na tayo na mga communities. At ngayong 2018, nagkaroon na po kami ng strategic planning. Gusto naming mag-concentrate sa pilot na mga lugar. Mayroon kaming na-identify na pinakamahihirap talaga, na napakaraming tulong, na may capacity iyong partners natin na tumulong. May na-identify na kami na 19 [areas]. Itong 19 [areas], all over the Philippines—mayroong Metro Manila, Luzon, Visayas, Mindanao—pero ito iyong bibigyan natin ng concentration, iyong susukatin talaga natin ano iyong nangyari sa bawat tulong na ibinibigay, para sigurado na kapag iniwan natin, sustainable pa rin iyong programa. So ito iyong medyo kakaiba sa 2017 saka 2018. Parang sa 2017 kasi, lahat na pumapasok na tulong ibinababa natin on the ground, while 2018, ganoon pa din pero may greater focus saka concentration doon sa 19 pilot areas. Q: In connection po sa New Year, ano po ang plano niyo ngayong holiday season? Saan po kayo mag-i-spend with the family po? VP LENI: Ah, dito lang po. Dito lang po kami sa Maynila dahil iyong anak ko na nag-aaral sa Amerika, uuwi siya pero ilang araw lang kasi iyong kaniyang bakasyon, kaya siguro wala ding panahon para magbakasyon kami as a family. Iyong mahalaga naman sa Christmas, kahit saan mo iyon i-spend, basta kasama iyong pamilya at mga mahal sa buhay, masaya na iyon. Q: Okay, thank you, Ma’am! VP LENI: Thank you sa inyo! Maraming salamat! – 30 –

    Posted in Transcripts on Dec 11, 2017