This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at Baguio Country Club

    Office of the Vice President

    August 30, 2017

    Distribution of assistive devices with Physicians for Peace

    Baguio Country Club, Baguio City

    Q: Ma’am, kailan po nagsimula itong parang pagtulong natin sa mga PWDs? VP LENI: Matagal na. Buhay pa iyong asawa ko. Advocacy ito ng kanilang pamilya, kasi iyong pamilya nila may disability. Iyong father-in-law ko, bulag. Every other child in the family, bulag. May mga pamangkin kami, bulag din. So dahil doon sa disability sa family, naisipan ng pamilya na kahit sa gitna ng maraming kahirapan, parang ano din, marami pa ding blessings na dumating. Kaya tumutulong sila talaga sa… silang magkakapatid. Kaya itong Physicians for Peace, bahagi dito si Dra. Penny Bundoc, bunsong kapatid ng asawa ko.

    Q: Ma’am, do you have plans ho ba— After Baguio City, do you have plans of also giving these kinds of assistive devices sa other provinces of the Cordillera? VP LENI: Actually, ano ito, hindi ko lang dala iyong listahan, pero they’ve been around already. Hindi ko lang nasasamahan lahat. Na-timing lang ngayon kasi mayroon akong events dito, pero sila halos weekly nagmi-mission sila all over the Philippines, in partnership with iyong Church of the Latter-Day Saints. Iyon talaga iyong ginagawa nila. Kasama namin sila sa San Remigio, Cebu, sa Sarangani, sa Tawi-Tawi, Batanes. Ano, many years nang all over the Philippines ginagawa ito.

    Q: Can we get your insights about the proposal daw ng Marcoses to return the Marcos gold? It was something that the President announced yesterday. VP LENI: Iyong una, siguro iyong tanong: Is that an admission? Is that an admission na talagang mayroong ill-gotten wealth? Pangalawa, kung sincere, tingin ko dapat sana matagal na itong ginawa. Kasi hindi— Pag-aari ito ng bansa. Saka kung may ibabalik, hindi lang noon pa, pero dapat lahat. Lahat na ill-gotten kailangang ibalik, kasi pag-aari ito ng mga Pilipino.

    Q: Ang impression namin is parang conditional, eh. It’s… They’ll open themselves for audit, then kung ano iyong sobra, iyon iyong isasauli. VP LENI: Ito kasi, nothing is too late, dahil maraming Pilipino ang nangangailangan. Iyong nararapat na may-ari nito, dapat ibalik sa kaniya. Kaya nakakalungkot man na ngayon lang iyong offer na pagbalik nito, pero parati pa ding welcome iyong pagbalik.

    Q: Do you think that it’s real? That it’s a real offer? Kasi so far, wala pang confirmation, eh. VP LENI: Ang makakapagsabi kasi sila lang. Iyong tayo naman, narinig lang natin sa balita, kaya hindi first-hand iyong ating information. Sana totoo. Pero sana bilisan, sana buo.

    Q: One more thing—were you invited po sa LEDAC meeting? VP LENI: Hindi ako inimbita. In fact, in the days leading to LEDAC, nalaman namin sa balita na mayroong LEDAC, we have been contacting iyong Malacañang already. The secretariat. Nagtatanong na kami kung nasaan iyong invitation, ano iyong agenda. Pero iyong sagot sa amin, wala daw clearance na imbitahan ako. So sa akin naman, mandato iyon sa akin ng batas, so sabi ko sa opisina ko, kahit hindi ako imbitahan, magsa-submit ako ng position paper on the issues that were taken up in the LEDAC yesterday.

    Q: What would you want to pursue, Ma’am? VP LENI: Ang problema kasi namin, wala kaming official communication ng agenda.

    Q: No, I meant, in the position paper niyo po, what would you want to pursue? VP LENI: Iyong sa amin kasi, depende kung ano’ng nasa agenda. So malalaman— Parang today pa lang, today pa lang namin… parang today pa lang kami may information kung what were taken up yesterday. Tapos we will be submitting a position paper. Kasi kung hindi papakinggan din iyong boses ko, parang hindi ko din ginawa iyong legal mandate ko to participate in the proceedings.

    Q: Ma’am, noong Monday po, magkasama po kayo ni Presidente. Hindi niyo po ba napag-usapan, or nabanggit iyan? VP LENI: Hindi napag-usapan. Tingin ko naman… Hindi ko alam kung nasa level iyon ng Presidente, kasi mayroon namang secretariat na nag-aasikaso for LEDAC. Nakita ko sa news kanina, si Secretary [Ernesto] Pernia mismo iyong nag-confirm na hinihintay nga nilang—Kasi parang Malacañang yata is the one who sends out the invites. Parang fina-follow up din nila iyong invitation for me, but same yata iyong… same iyong sagot sa amin, na walang clearance to invite me. Pero sa atin naman, we do the best we can despite the roadblocks. Kung hindi tayo ipa-attend, mag-submit tayo ng position paper. Basta in effect, nakapag-participate pa din tayo.

    Q: Ma’am, ang sabi po kasi ng National Defense at ng AFP, malapit na raw pong matapos ang giyera sa Marawi. Tanong ko lang po sana kung mayroon kayong mga naiisip na mga programa para sa rehabilitation? VP LENI: Actually, ongoing. Ongoing iyong project namin sa Marawi. Ako mismo, I’ve been there, kung hindi ako nagkakamali, two or three times. Iyong team namin, halos nandoon every week. In fact, kadarating lang the other week noong team namin from there. Dapat sana sa Tuesday, papunta ako, pero hindi pa kami nakakakuha ng clearance na puwede akong pumasok kasi medyo matindi yata ngayon iyong labanan. Pero constant naman iyong communication ko with Secretary [Delfin] Lorenzana. Bawat dating ko from Marawi, iyong bawat information na nakukuha ko din from the ground, nire-relay ko sa kaniya, kasi siya naman iyong in charge noong lahat. Parang iyong pinakapinapakiusap ko sa kaniya—na receptive naman si Secretary Lorenzana—na sabi ko, sana iyong lahat na rehabilitation plans, bigyan ng maraming boses iyong mga tagaroon mismo. Huwag iyong tayo-tayo lang iyong nagdedesisyon, kasi hindi naman natin alam kung ano din iyong saloobin ng mga taga-Marawi. Kasi noong ilang beses akong bumaba, mukhang ganoon iyong sentiment ng tao, na hindi kami pinapakinggan. So iyon iyong pakiusap ko kay Secretary Lorenzana. Sabi ko, “Sec, sana iyong lahat na planning para sa rehabilitation, kabahagi sila, para una, napapakinggan sila. Pangalawa, nararamdaman din nila na importante sila.” Ang sabi naman ni Secretary Lorenzana, iyon naman daw talaga iyong plano. Nakiusap din kami na kung puwedeng hayaan iyong team namin to participate in the rehabilitation. Ayaw naman naming makigulo, pero tingin ko kasi crucial sa rehabilitation phase iyong speed, iyong speed ng rehabilitation, kasi maraming… maraming itinaya iyong lahat. So crucial iyong bilis. Tingin ko, sana iyong lahat na puwedeng makatulong, mabigyan din ng puwang na makatulong. Pero si Secretary Lorenzana naman has always been very open. Tingin ko hindi naman kami magkakaproblemang tumulong.

    Q: Ma’am, base po sa mga nakukuha ninyong information, ano raw po ba iyong gusto ng mga taga-Marawi doon sa mga grupo na nagpupunta ng Marawi? VP LENI: Iyong sa kanila kasi, iyong feeling lang talaga na kasali sila. Ang feeling nila, parang hindi sila kasali. So iyong feeling lang na kasali sila, na bahagi sila sa pagplano. Dapat intindihin din natin sila dahil maraming nawala sa kanila—hindi lang buhay ng kamag-anak, pero iyong pinundar ng lahat. Kaya mataas talaga iyong emosyon ng lahat. Iyong pakiusap nila sa bawat punta ko, “Pansinin niyo kami.” Ano naman ito, tingin ko vital sa lahat ng ganitong usapin na maramdaman nila na pinapakinggan sila. Ako, confident naman ako. Confident ako na iyong pakiusap din natin kay Secretary Lorenzana masusunod naman.

    Q: Ma’am, ano po iyong ongoing na programa na ginagawa po ng grupo ninyo doon? VP LENI: Ngayon kasi, mas relief operation siya. Hindi siya madali, kasi hindi siya kagaya ng ibang disasters na nakaka-concentrate lang sa mga evacuation centers. Ito, marami iyong mga home-based. Iyon iyong mahirap puntahan. Iyong nasa mga evacuation centers, hindi lang mga taga-Marawi iyong evacuees. Pati mga taga-karating-bayan, nasa evacuation centers na din. Kaya iyong number ng families na bakwit ngayon, mas malaki na sa number ng population ng taga-Marawi. Kaya kailangan talagang pagtulung-tulungan ng lahat. Hindi lang pagkain, pero importante pa hanapbuhay. Mayroon kaming tinutulungan na binigyan namin ng mga sewing machines saka mga tela, para habang nasa evacuation centers sila, nakakapag-hanapbuhay na. Kasi mahirap din iyong nagtatanggap lang sila ng mga food packs natin, na iyong feeling of hopelessness. Pero kapag binigyan natin sila ng pang-umpisa, parang kahit papa’no nakakalakas ng loob. Kaya ngayon, iyong inaasikaso namin, ano ba iyong mga livelihood na puwede nang asikasuhin. Ngayong week, nandito sa Maynila iyong ibang mga barangay captains ng Marawi, at nag-uusap kami. Nag-uusap kami constantly. Ina-identify namin ano na bang mga lugar iyong puwede nang makapag-umpisa. Marami silang mga pakiusap. Kung familiar tayo sa mapa ng Marawi, parang iyong height ng labanan nasa kabila… kabilang bahagi ng ilog. Iyong kabila, parang hindi… parang hindi kasing grabe noong damage. Iyong una sana nilang hinihiling, “Baka puwedeng payagan na kami na makapaglipat doon sa mga areas na na-clear na at wala nang labanan.” Noong una naman, kinonsider iyon, pero in-inform tayo ni Secretary Lorenzana na hindi nila puwedeng isugal iyong safety ng mga tao. Kasi kahit na-clear na nila, puwedeng may sumiklab ulit. Kaya ito, patuloy na nakikipag-usap tayo. Tingin ko kasi kailangang pagtulung-tulungan ito. Hindi puwedeng magkaniya-kaniya tayo. Kung ano’ng maitutulong ng bawat isa, hindi lang from the government, kundi pati iyong mga pribado. Ang dami sa ating tumutulong, nagbibigay ng shelter kits. Pero ang problema kasi sa shelter kits, wala pa namang mapaglalagyan. Mayroon tayong mga partners na nagbigay ng mga upuan para sa mga temporary learning facilities. Nadala na natin ito doon. Pumupunta tayo hindi lang sa evacuation centers sa Iligan, pero pati sa Balo-i, sa Saguiaran. Iyong mga karatig. Pati sa mga bahay-bahay, kasi may mga bahay na mayroong 30 or more families na nakatira, kahit maliit na bahay. Ano talaga, mahirap. Iyong mga sundalo, binibigyan din natin ng hygiene kits, kasi sila talaga iyong napapasabak sa giyera—nawawalay sa pamilya, iyong threat ng security nila, kailangang maasikaso lahat.

    Q: Okay, thank you, Ma’am! VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Aug 29, 2017