This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo in Bacolod City

    5th Negros Occidental Small Fishers Alliance (NOSFA) Congress

    Bacolod City

    REPORTER 1: Ma’am, what’s your reaction regarding the proposal of the camp of Speaker GMA that in the new constitution, the second-in-command… or the second will not be the Vice President anymore to take over but the Senate President?

    VP LENI: Actually maraming reaksyon. Unang una, naisip ko, parang masyado naman yatang desperado. Lahat na lang iniisip kung paano ako matanggal. May kaso sa Supreme Court. Siguro alam nila na hindi magpo-prosper. Kung ano-ano. Dati, may impeachment na finile. Ngayon na naman, ito ipapalusot sa konstitusyon. Narinig natin iyong iba pang mga kongresista, na hindi nila alam na may ganoong probisyon. Parang nilusot lang talaga siya.

    Pero iyong medyo nakakatawa, iyong statement ni Congressman [Vicente] Veloso, iyong Chairman [ng House committee on constitutional amendments], na kaya daw nila iyon inilagay kasi hindi daw alam kung sino talaga iyong vice president dahil sa protest case. Parang, sa akin lang, ipapaalala ko lang sa kaniya na ako, iyong lamang ko kay Mr. Marcos, more than 200,000. Siya, iyong lamang niya sa eleksyon, less than 100. Mayroon ding protest laban sa kaniya. Gusto bang sabihin, dapat sana before natapos iyong protest case, huwag muna siyang umupo bilang congressman, at hindi muna niya puwedeng gawin iyong mandato niya dahil mayroong protest?

    Alam naman natin na dito sa atin, kapag may eleksyon, maraming mga nananalo na talagang kinakasuhan—kinakasuhan ng mga hindi matanggap iyong resulta noong eleksyon. Pero hindi natin iyon hahayaan na makagambala sa mandatong binibigay sa atin. Ano ba iyong mandato ng Pangalawang Pangulo? Ang mandato ng Pangalawang Pangulo, na kung mayroong mangyari, siya iyong hahalili. Kung aalisin mo iyong mandatong iyon, ano iyong matitira? Mas mabuti pa wala nang pangalawang pangulo.

    Ito, mabuti naman nagsalita na iyong ibang congressman, iyong mga senador. Si Senate President Sotto mismo, nagsalita na, na hindi ito makakalusot sa Senado.

    Pero iyong sa akin lang, para sa mga kababayan natin, pagpapaalala na hindi talaga tayo puwedeng magkampante, kasi ngayon, more than two years after the elections, talagang gumagawa pa din ng paraan para makaupo. Hindi nadala sa eleksyon, ginagawa through other means. Alam naman natin na hindi ito ipapayag ng ating mga kababayan.

    REPORTER 2: Ma’am, in the survey for senatoriables, it seems that no opposition [candidate] ang pumapasok sa mga surveys? No opposition senatoriables. Anong reaksyon niyo doon?

    VP LENI: Medyo expected siya. Expected siya dahil popular iyong ating Pangulo. Midterm elections ito; kapag midterm elections, iyong popularity ng Pangulo parating factor. Pero tayo, hindi ito dahilan para hindi natin piliin iyong karapat-dapat. Ayaw natin pumili na dahil winnable lang, kahit hindi naman karapat-dapat, ikakandidato natin kasi winnable. Iyong sa atin, gusto nating magbigay ng alternatibo, na magbibigay tayo ng contrast doon sa mga ino-offer na iba, na iyong ino-offer natin, kahit hindi masyadong mga kilala, mahaba iyong karanasan at mahaba iyong kasaysayan ng paninilbihan. Ako mismo, ako iyong example na iyong surveys at this time, hindi—iiba pa. Noong ganitong panahon, nag-umpisa ako 1 percent. Nag-umpisa ako 1 percent. Noong mga October, parang nasa 4 percent ako. Sa anim na kandidato, pang-anim ako. Pero ang tao naman, kapag nakikilala ka—lalo na kapag nakikita ka, nakakausap ka—nararamdaman iyong pagkatotoo, umiiba naman iyong pakiramdam. Iyon iyong aking paniniwala sa mga kandidatong ipapakilala namin, na ito, hindi ito basta-basta. Hindi ito basta tinuro lang na, “Ikaw, kandidato ka.” Pero ito, nagdaan sa masusing deliberations, pag-aaral ng mga kakayahan. Hindi kami magbibigay ng kandidato sa ticket na kaduda-duda iyong kakayahan.

    REPORTER 3: Ma’am, iyong sa problema po sa inflation, what’s your take on that?

    VP LENI: Ito, matagal na akong nagsalita tungkol sa inflation—nag-uumpisa pa lang iyong taon. Nag-uumpisa pa lang iyong taon, hinihingi ko na sa administrasyon na asikasuhin na iyong supply ng bigas, kasi iyong lahat na senyales nandoon na. Iyong lahat na senyales na magkakaroon ng pagkukulang, nandoon na. Hindi tayo pinansin. Hindi sineryoso iyong problema.

    Ngayon, ano na, October. Iyong driver talaga noong inflation, iyong presyo ng bigas. Sinasabi nila na dahil ito sa world prices ng fuel, pero iyong world prices ng fuel, isa lang iyong sa factor, isa lang iyon sa factor na nag-drive ng inflation. Marami tayong mga karatig-bansa na pareho din dumaan sa mataas na world prices ng fuel, hindi naman ganito kataas iyong inflation. Kung titingnan natin, titingnan natin iyong inflation dito kumpara sa mga katabi natin, sobrang taas natin.

    Ito, iyong nakakalungkot lang dito, parang hindi nararamdaman, hindi nararamdaman iyong pagtitiis ng mga kababayan natin na mahihirap. Iyong ibang mga kababayan natin, siguro hindi masyadong nararamdaman, pero hindi iyong dahilan para hindi subukang maramdaman din kung ano iyong kahirapan na pinagdadaanan. Kagaya ako, sa programa naming Angat Buhay, two or three times a week, nasa baba kami—nasa pinakamalalayo, pinakamahihirap na lugar—pare-pareho iyong sinasabi: iyong pag-aalala na baka hindi na mapakain iyong pamilya nila tatlong beses isang araw. Galing ako sa Zamboanga last month. Ang sabi ng mga nakausap namin, hindi na sila nakakabili ng bigas, ang kinakain nila iyong kamoteng kahoy.

    REPORTER 3: Do you have any solution to this?

    VP LENI: Marami na kaming inihain na solusyon. Iyong pinakauna doon, as early as two months ago, sinasabi na namin na sana i-suspend iyong pagtaas ng excise tax sa fuel, kasi nasa TRAIN 1 iyan. Nagtaas na tayo noong January, magtataas na naman ngayong susunod na January. Sana i-suspend na iyon.

    Pangalawa, sana bilisan na iyong pagpapatupad noong unconditional cash transfer, kasi mayroong 10 million Filipino families na dapat nabigyan na ng 200 pesos a month since January. Pero as of this month, parang nasa 7 million pa lang iyong nabibigyan, eh iyong pagdurusa nag-start na noong January, mayroon pa ring hindi nakakatanggap. Ang pinakamahirap nito, iyong mga hindi nakakatanggap, iyong mga walang-wala talaga.

    Pangatlo, sana i-expand, hindi lang 10 million, pero halimbawa, iyong mga mangingisda. Bakit ba napakataas ng presyo ng isda natin ngayon? Kasi gumagamit sila ng gasolina. Napakataas ng gasolina. Sana makasali din sila sa unconditional cash transfer, o sa pantawid pasada, dahil isa din sila sa nagsa-suffer noon.

    Iyong sa atin, iyong 200 pesos a month, hinihiling natin na sana i-revisit, kasi iyong kuwenta nila ng 200 pesos a month, hindi doon tinake into consideration iyong ibang factors. Hindi tinake into consideration na baka iyong inflation, gaya ngayon, 6.7 [percent] na. Iyong parameters noon, nasa 2 to 4 percent pa lang iyong inflation, eh ngayon na 6.7 percent na, kulang na kulang iyong 200 pesos a month.

    REPORTER 4: So how do you rate the government’s action sa inflation?

    VP LENI: Iyong sa akin, malaki talaga iyong pagkukulang ng pamahalaan. Iyong sa akin lang, iyong inaction. Parang napakabagal mag-aksyon. Matagal nang may problema, mayroon pang di-pagkakaintindihan sa loob. Halimbawa, itong bigas, dahil ito sa away sa loob ng NFA. Halimbawa ngayon, nag-import na tayo, pero ‘di ba last year pa sinasabi na mag-import na kasi magkakaroon ng kakulangan? Hindi nag-i-import kasi kontra dati iyong DA, tapos ngayon payag na iyong DA. Mag-i-import, wala pa naman iyong— May dumating na iyong first batch, pero wala pa iyong susunod, dadating siguro by November. Pagdating ng inimport, panahon na ng ani. Kapag panahon na ng ani, kakumpitensya na iyong mga ani din ng local farmers natin, eh ‘di ang matatamaan na naman iyong mga local farmers.

    Iyong sa akin lang, sana kapag gutom, kapag sikmura na ng mga kababayan natin, medyo bilisan iyong aksyon. Hindi puwedeng babagal-bagalan, kasi iyong araw-araw na lumilipas, napakahalaga sa ating mga kababayan.

    REPORTER 4: Ma’am, can you name the candidates of LP?

    VP LENI: May ini-announce na kaming tatlo: Sen. Bam Aquino, Atty. Chel Diokno, saka former Cong. Erin Tañada. Pero ayaw ko kasing pangunahan iyong pag-announce ng iba, kasi naka-set ito sa 24, October 24. Dapat sana kahapon. Dapat sana kahapon, pero mayroon pa kasing pinaplantsa. Halimbawa, pinag-uusapan pa kung kukumpletuhin iyong 12 o hindi. Kasi halimbawa, ako, ina-advocate ko na sana mga walo lang, para— Ayaw din natin na para makumpleto iyong 12, alam mo iyon… Gusto natin iyong i-o-offer natin sa tao, iyong quality talaga. Mukhang ma-a-achieve naman. Pero sabi namin, tutal ang filing naman is until the 17th, so magkakaroon ng formal na pagpapakilala sa October 24.

    REPORTER 4: What about in the local? Mayroon ba kayong mga local candidates?

    VP LENI: Sa local, pinapabayaan na natin iyong local parties na magdesisyon.

    Pero iyong sa atin lang, siguro mas panawagan sa atin mga kababayan na sana mas seryosohin iyong eleksyon, dahil ito, kung sino man iyong mahahalal natin, ito iyong mamumuno sa atin for the next three years—sa Senado, for the next six years. Hindi ito kung sino lang iyong personal na kakilala mo. Dapat sana iyong mapapagkatiwalaan mo ng mga karapatan mo.

    Lalong lalo na sa Senado. Nakita natin over the last two years na maraming pushback na nagawa iyong Senado—hindi naipasa iyong death penalty, hindi nakakausad iyong pag-railroad ng Constitution, dahil sa Senado. Kaya napakahalaga kung sino iyong mga iboboto natin, kasi ito iyong pang-harang sa mapang-abusong panunungkulan ng ibang legislators. Hindi naman natin nilalahat, kasi marami namang mabubuting legislators, pero sana huwag nating hahayaan na iyong hindi mabubuti iyong… alam mo iyon… iyong magdidikta kung saan patutungo iyong ating bansa.

    REPORTER 1: Ma’am, what’s your take on the medical condition of the President?

    VP LENI: Iyong sa akin, masaya tayo na ini-announce ni Pangulo na free of cancer siya. Kasi tingin ko dapat nga mas maaga na tayo na-update, kasi hindi nakakabuti sa atin na may speculations. Sino naman magwi-wish ng ill sa Pangulo? Kailangan ng bansa natin na malusog iyong kaniyang mga namumuno, kasi kailangan talaga ng trabaho namin iyong focus, iyong oras. Kailangan talagang malusog kami. Pero nagpapasalamat tayo na yesterday, finally, kinonfront niya iyong isyu head-on, kasi lalong hindi kino-confront, lalong nagbi-breed ito ng speculations, na kadalasan iyong speculations, mas sobra kaysa doon sa totoo.

    REPORTER 1: Ma’am, anong response kay Mocha?

    VP LENI: Ay, wala na. Huwag na natin iyong pag-aksayahan ng panahon. [laughter]

    REPORTER 4: Ma’am, iyong proyekto niyong Angat Pinoy?

    VP LENI: Angat Buhay po.

    REPORTER 4: Angat Buhay, sorry.

    VP LENI: Iyong Angat Buhay po, kung pamilyar kayo sa mandato ng aming opisina, halos wala kami talagang mandato to implement programs. Kung titingnan niyo iyong budget namin, pinaka… halos isa kami sa pinakamaliit sa entire bureaucracy. Pero kapag nakikita kasi natin iyong pangangailangan… Nakikita natin iyong kahirapan. Sinasabi namin hindi dapat namin hayaan na iyong kakulangan ng budget magiging dahilan para hindi tumulong. So inimagine namin kung paano kami makakatulong nang wala naman kaming pera? Alam namin na maraming communities ang nangangailangan. Alam din namin na maraming gustong tumulong, hindi lang alam kung paano tutulong. So kami iyong nag-serve na, parang, tulay between doon sa mga nangangailangan ng tulong saka sa mga gustong tumulong.

    And in the last… ika-second year ngayong October ng— Actually, ngayong araw, October 10, ika-second year ng Angat Buhay. Nakatulong kami sa 155,000 families, nasa 176 municipalities na kami, at siguro mga 252 million [pesos] na iyong nakalap na resources.

    Kaunti ito. Kaunti kumpara sa available resources ng gobyerno. Pero iyong kabutihan kasi nito, parang, pino-promote mo iyong spirit of collaboration. Iyong bayanihan, ‘di ba, iyon iyong essence ng pagiging Pilipino natin—na kung sino iyong nakakaangat, iyon ang tutulong sa hikahos. Parang… Iyong pagbibigay ng respeto sa bawat mamamayan, na pagkikilala na tayong medyo pinalad, dapat tayo ang tumulong sa iba. Nakikita namin dito, very inspiring iyong na-e-evoke na, parang, spirit of bayanihan sa ating mga kababayan.

    REPORTER 4: Ma’am, may reaction kayo, dito sa Negros nag-merge iyong dalawang major political groups, local? Is it healthy sa election?

    VP LENI: Iyong sa atin naman, sa lokal iba iyong parameters. Iyong parameters sa lokal, actually iyong national politics hindi masyadong ramdam ng ordinaryong mamamayan. Iyong mahalaga naman sa lokal, ang parating tanong: iyong pag-merge ba, to the better interest ng mga taga-Negros? Kasi kung ang sagot oo, mabuti iyong pagsasanib. Iyong hindi lang naman mabuti iyong pagsasanib, kung nagiging daan ito para mawalan ng opportunities iyong iba na pumasok din. Iyon iyong ayaw namin. Gusto sana natin na klase ng pulitika, na anuman iyong estado mo sa buhay, may pagkakataon ka na manilbihan. Iyong ayaw natin na pagsasanib, iyong, parang exclusive lang siya sa mga mayayaman, exclusive siya sa mga political families. Iyon iyong ayaw natin, kasi nali-limit iyong choices ng tao sa kaniyang public servants.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Okay, salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 09, 2018