This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at Angat Kabuhayan Launch

    17 October 2017

    Angat Buhay 1st anniversary / Angat Kabuhayan launch SMX Convention Center, Pasay City

    OVP: Unang tanong, kay Grace Casin of UNTV.

    VP LENI: First honor!

    Q: Ma’am, ngayong year po ba may project kayo for the rehabilitation of Marawi? ‘Di ba, Ma’am, binigyan kayo ng 20 million [pesos na budget for Angat Buhay ng Senate]?

    VP LENI: Even before… Noong umusbong iyong labanan, nandoon na kami. The day after, nag-set up na kami ng command station doon, nagbibigay ng relief. Nagsimula na din kaming tumulong sa livelihood noong mga kababaihan na nandoon. Hinihintay lang namin na magkaroon ng clearance from—

    Nakapasok na kami [sa Marawi] several times, iyong aming team, pero naghihintay lang kami ng clearance na puwede nang magsimula [ng rehabilitation efforts]. Maraming… Marami na din kaming kausap na partners who are willing to help—magbigay ng school buildings, gamit sa paaralan, iyong shelter kits para sa mga nawalan ng bahay. Marami nang nag-pledge, lahat lang naghihintay para magkaroon ng clearance.

    Tingin ko naman very, very soon maki-clear na lahat, para makaumpisa na tayo ng trabaho.

    Q: Ma’am, iyong 20 million [pesos], mayroon na kayong mga projects?

    VP LENI: Iyong 20 million [pesos] kasi for next year pa iyon. Pero iyong usapan namin sa office, parang ise-set aside siya [para sa] iyong mga emergency, lalo na iyong mga sakuna. Iyong hindi emergency, parang napaghahandaan namin, so nakakahanap kami ng partners. Pero iyong mga sakuna, iyon iyong the following day, kailangan mo na kaagad. So mas nakikita namin na mapupunta siya doon. Kasi ang nangyayari, kahit tumutulong kami sa mga… sa mga emergency situations, minsan mabagal dahil wala kaming sariling pondo. Pero ngayon na mayroon na, iyong 20 million [pesos], napakalaki noong tulong para sa amin.

    Q: Ma’am, tungkol doon sa destab[ilization] plots lang, puwedeng magtanong? Nabanggit din kasi in connection with the transport strike. Is that a valid statement, especially coming from the LTFRB rin? Sila iyong nagsabi din na baka linked sa destab plots iyong strike?

    VP LENI: Ako, matagal na kasing sinasabi iyong destab. At parating… parating whipping boy iyong Liberal Party. Ako, tingin ko very unfair accusation iyon, kasi nakita niyo naman siguro na iyong lahat na oras namin at effort, sa pagtrabaho.

    Walang basehan para sabihin na bahagi kami ng destabilization. Sana hindi irresponsible iyong pagsasabi. Kung mayroong ganoong paratang, sana mayroong basehan na maayos, para hindi naman—

    Kasi lalong nagpaparatang nang ganiyan, lalong hindi nagkakasundo-sundo, lalong gumugulo iyong sitwasyon. Sa akin lang, sa dami ng problema ng bansa natin ngayon, sana nagkakaisa tayo, eh. Dapat nagtutulungan. Hindi nakakatulong iyong irresponsible statements na ganiyan.

    OVP: Okay, Llanesca?

    Q: Ma’am, may petition po sina Mr.—iyong FLAG lawyers po led by Mr. Diokno—questioning the constitutionality, the legality of the drug war. Are you in favor of declaring it unconstitutional? Tingin niyo po ba may sapat na legal parameters to declare it unconstitutional?

    VP LENI: Ako, hindi ko nabasa iyong buong complaint. Ako nabasa ko iyong bits and pieces of it, kaya parang mahirap naman para sa akin na husgahan… husgahan kung may basehan o wala.

    Pero sa akin lang, tulad ng sinasabi ko dati, tayo ay very, very supportive na dapat talaga pagtulungan, hindi lang ng pamahalaan, pero pagtulungan nating lahat iyong problema natin sa ilegal na droga. Pero hindi lang tayo sumasang-ayon sa manner ng pagsasagawa nito. Hindi tayo sang-ayon na sa ngalan ng pakikipaglaban sa ilegal na droga, napakaraming namamatay. Iba-ibang grupo, iba-iba iyong itinutulak, pero pareho lang naman iyong kagustuhan natin: na hindi magpatuloy iyong culture of impunity, na hindi magpatuloy iyong—parang hindi nabibigyan ng halaga iyong… iyong buhay ng isang tao.

    OVP: Steve?

    Q: Ma’am, iyong nabanggit po ni Presidente iyong revolutionary government. Ano po ang tingin niyo doon?

    VP LENI: Para kasi sa akin, ano iyong basehan?

    Q: Iyong destab daw po.

    VP LENI: Pero ano nga iyong basehan… anong basehan ng paratang? Kasi madali lang magparatang, pero ano iyong basehan ng paratang?

    Baka naman— Parang nag-aalala lang tayo na maraming mga sinasabing walang basehan, irresponsible na pagsabi, na imbes na nagkakaisa-isa tayo… nagkakaisa tayong mga Pilipino na sugpuin iyong napakarami nating mga problema, lalong nag-aaway-away, dahil sa mga paratang na walang basehan.

    OVP: Okay, Ms. Helen…

    Q: Ma’am, iyong martial law stays po sa Marawi kahit na po napatay na iyong dalawang top terrorists. Do you agree that it should stay sa Mindanao?

    VP LENI: Ako kasi iyong parati ko namang posisyon diyan, lahat naman tayo naniniwala na iyong martial law should be the last resort. Pero dahil nagdesisyon na iyong korte na it stays, hintayin natin kung ano iyong sasabihin ng Department of National Defense saka ng militar, kung necessary pa ba ito. Kasi kung naaalala natin, noong isinusulong pa lang ito, ang sabi nila until necessary lang. Sana sa lalong madaling panahon ma-lift na ito, kasi marami din iyong nagrereklamo na naaapektuhan iyong turismo, hanapbuhay. Maraming umaasa ditong hanapbuhay.

    Q: Ma’am, clarify lang, iyong sa revolutionary government. Nag-aalala, nag-aalangan? Ano po iyong sabi niyo—nag-aalala, nag-aalangan?

    VP LENI: Nag-aalala.

    Q: So it’s a cause of concern?

    VP LENI: Nag-aalala tayo na maraming mga paratang na ganito. Tingin ko hindi nakakatulong, hindi nakakatulong na magsabing mayroong destabilization. Hindi nakakatulong noong nagsabing magde-declare ng revolutionary government. Kasi nagke-create ito ng fear among sa mga tao. At alam mo iyong turuan, iyong paratang na walang basehan, lalo lang nagiging divisive, eh. Lalong napo-polarize iyong mga tao. Hindi iyon iyong kailangan natin ngayon, eh. Ang kailangan natin ngayon, magkaisa.

    Kapag tayo ay nagki-criticize, hindi naman gustong sabihin noon gusto nating hindi magtagumpay iyong gobyerno. Kaya tayo nagki-criticize kasi kabaligtaran iyong gusto nating mangyari—gusto nating ipaalala na mayroong mga bagay na hindi tayo sang-ayon, pero hindi ko sasabihin na gusto nating hindi magtagumpay iyong administrasyon na ito.

    Kaya sa akin lang, sana iwasan iyong pagsalita nang walang basehan, na iyong epekto nito mas madaming masama ang maidudulot nito kaysa mabuti.

    OVP: Last question, Patty?

    Q: Ma’am, speaking of unity po and pagkakaisa, kasi po si [PNP Chief] Bato [dela Rosa] nag-comment po sa inyo about working with the President. How do you respond to that po?

    VP LENI: Actually, actually, natawa ako doon sa statement. Ang biro ko nga, malalaman siguro ni General na may ambisyon ako kapag mayroon na din akong mascot at mayroon na akong standee sa mga mall. Pero hanggang wala pa akong mascot at standee sa mga mall, gustong sabihin hindi ko pa inaambisyon.

    Napakaraming oras iyong kailangan natin para magtrabaho para isipin iyong susunod na eleksyon.

    OVP: Okay, thank you!

    VP LENI: Okay na? Thank you!

    Q: Thank you, Ma’am!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 16, 2017