This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the Angat Buhay Youth – ARMM Summit

    Cotabato City

    REPORTER 1: Hi, Ma’am, welcome po sa Cotabato.

    VP LENI: Salamat, salamat.

    REPORTER 1: Ma’am, first question ko po: Iyong youth summit ng Angat Buhay dito sa ARMM, 30 youth organizations iyon. Very compelling iyong kanilang mga project proposals. Paano pa po sila matutulungan ng proyektong ito, Ma’am?

    VP LENI: Ito kasi, start lang. Iyong pinaka-purpose niya talaga is to change mindsets. Iyong una, iyong paniniwala sa sariling kakayahan, na kahit bata pa sila, mahalaga iyong role na gagampanan nila sa community. Na kahit bata pa sila, mayroon silang capacity na magsimula ng mga programs. Iyong pinaka-buod talaga nito, empowerment—empowerment ng bawat isa—kasi iyong paniniwala natin, iyong empowerment iyong magtutulak sa governance, sa good governance. Tingin kasi natin, iyong pang-matagalan na solusyon sa kapayapaan, mas governance siya—mas governance, empowerment ng mga ordinaryong mga mamamayan—kaysa purely military iyong solution. Kasi over the years, nakita natin na hindi naman effective. Kahit gaano kausay iyong military natin, hindi effective kung hindi natin inaasikaso iyong governance. Kasi iyong mahusay na paniniwala, iyong iyong magbi-bring about ng empowered citizenry, ng accountability, ng transparency. Iyong ano talaga, iyong paniniwala na hindi nakasalalay sa mga leaders iyong solusyon, kundi bawat miyembro ng society, mayroon siyang obligasyon na gagampanan. Iyon iyong ipinakita natin ngayon: na bahagi sila ng solusyon.

    REPORTER 1: Okay, last on my end, Ma’am: In less than seven months, midterm elections na po. Do you have any call sa mga botante, especially sa kabataan? And if there are things na kailangang i-correct, ano-ano iyon, Ma’am?

    VP LENI: Unang una, makibahagi. Mag-register—although tapos na iyong registration. Huwag sayangin iyong pagkakataon na ipahiwatig iyong boses. Iyon iyong number one.

    Number two, mas maging discerning. Maging discerning in the sense na ano ba iyong hinahanap natin sa leader?

    Pangatlo, hindi madala sa matamis na salita. Kapag panahon ng eleksyon, panahon ng pangako, pero iyong pinaka-mahalaga kasi, yayain natin iyong mga kabataan na pag-aralan kung sino itong nangangako sa atin: ano iyong kaniyang track record, ano iyong nagawa na in the past kahit bago lang sumasabak sa eleksyon—sa dating papel na ginagampanan niya, paano niya ito ginampanan—kasi ito din iyong sukat kung ano iyong aasahan natin sa kaniya.

    Pang-apat, alisin na natin iyong patronage politics, iyong pagyayaya sa pamamaraan ng pagbibigay ng mga materyal na bagay, kasi iyon, napaka-shortsighted na pagtingin sa eleksyon. Na dapat nagde-demand tayo more from the leaders that we elect. Kapag nagbibigay kasi ng mga materyal na bagay at tumatanggap, parang nagiging utang na loob ng botante iyong serbisyo ng leader. Hindi ganoon, eh. It should be the other way around, na kayo na nag-prisinta ng sarili niyo na magli-lead sa amin, kayo iyong may obligasyon sa amin na mag-serbisyo.

    Pero ma-a-achieve lang kasi natin iyon kapag hinayaan natin na ma-empower iyong mga botante. Walang dependence sa leader. Dapat nagsisimula ito sa mga pinipili natin, na binibigyan niya ng pagkakataon iyong tao makilahok.

    Kaya natutuwa tayo sa activity natin ngayon, kasi iyong activity natin ngayon pinakita na iyong solusyon, wala naman sa namumuno lang, pero iyong solusyon nasa ating lahat. Kailangan lang natin iyong namumuno na marunong makinig, iyong namumuno na marunong matuto sa kaniyang nasasakupan, at kumikilos talaga para ma-achieve iyong aspirations ng constituents.

    REPORTER 1: You think, Ma’am, nakikinig iyong mga pinuno natin ngayon?

    VP LENI: Ako, tingin ko dito nakikinig. Kailangan lang iyong pakikinig is something that we demand from them. Iyong dapat sa buong Pilipinas, hindi siya— Ngayon, marami naman tayong patches of good governance around the country, pero dapat kasi hindi siya exemption to the rule; dapat siya iyong rule. Kaya iyong ginagawa namin sa programa, hina-highlight talaga iyong mga lugar na pinamumunuan ng mga empowering na mga leaders, para siya iyong maging halimbawa na posible pala. Kasi kapag empowering iyong leader, umaasenso iyong lugar, kasi lahat tinitingnan na obligasyon ng bawat isa na asikasuhin iyong pangangailangan ng iba.

    REPORTER 2: Ma’am, I was fascinated doon sa sinabi iyong about Basilan, description of Basilan. I grew up in Basilan, tatlong barangays lang away from iyong barangay nina RJ. In a nutshell—I was there last April, nakita ko po iyon—in a nutshell, say, in a scale of one to 10, saang scale umabot iyong efforts ng ARMM to rebuild Basilan from the ashes of conflict?

    VP LENI: Ako kasi, mahirap siyang bigyan ng marka kasi wala akong baseline. First time kong—

    REPORTER 2: Based on what you saw and what you have read in the newspapers?

    VP LENI: Ako, kung ang pagbabasehan ko iyong conversations with the residents, iyong level of satisfaction talaga mataas. Iyong pinaka-mahalaga iyong hopeful, hopeful na papunta sa mabuti. May acceptance na hindi pa perpekto, pero dahil sa nakikita nilang pagbabago, alam nila na magiging mas mabuti iyong bukas kaysa sa ngayon.

    Ako, pleasantly surprised ako, kasi iyong Basilan kasi na nababasa ko bago ako nagpunta, parang mired in conflict, parang hindi normal iyong buhay ng mga tao dahil parating may giyera. Pero pagpunta ko, iba iyong nakita ko. Pagpunta ko, iyong tao mismo iyong nagsasabi na “ibang-iba na po kami ngayon kaysa noon.” Malaki iyong contribution na nagawa noong infrastructure, iyong road network na binuhos ng national government sa Basilan, kasi iyong mobility ng tao, iyong accessibility ng maraming lugar, empowering iyon sa kanila. Iyon iyong kuwento ng mga tao doon, na iyong mga lugar na dati natatakot silang puntahan dahil hindi masyadong accessible, ngayon, parang, freely nakakagalaw sila. Kahit may mga problema pa sa security, ang claim nila confined na lang ito sa ibang mga lugar.

    Ano talaga, iyong tingin ko, iyon talaga iyong dapat na pakiramdam nating lahat: na kahit hindi perpekto, alam natin na papunta sa mabuti. Tingin ko iyon iyong pinaka-mahalaga na nakita ko sa Basilan.

    REPORTER 2: If I would ask you kung ano iyong mensahe niyo sa MILF, which is really doing its best for peace and sustainable development to spread through the Bangsamoro provinces, what would your message be?

    VP LENI: Ako, iyong mensahe, pasasalamat—pasasalamat na bukas, pasasalamat na bukas sila sa kapayapaan. Pasasalamat na willing silang hawakan iyong kamay na naka-extend sa kanila. Malaking— Parang, ito, important step towards achieving peace, eh. Na iyong dating magkakaaway, handang isantabi iyong kanilang differences, at mayroong recognition na pare-pareho iyong ating aspirations para sa ating lugar. Tingin ko iyon iyong pinaka-mahalaga. Pinaka-mahalaga din na binibigyan ng assurance na mahalaga iyong boses ng bawat isa, na kahit gaano ka-minority iyong papahayag ng boses, nararapat pa din na pakinggan sila.

    OVP: Next question, Ma’am, from Sir Norman of Brigada.

    REPORTER 3: Assalamualaikum, Ma’am. Welcome to my humble homeland.

    VP LENI: Salamat, salamat.

    REPORTER 3: Bilang Vice President ho ng Republika ng Pilipinas, pananaw niyo ho sa BOL (Bangsamoro Organic Law)?

    VP LENI: Napakahalaga nito towards the achievement of peace, kasi malaking mensahe siya—malaking mensahe na nagtitiwala ang gobyerno, nagtitiwala ang taumbayan, sa mga kapatid natin dito sa ARMM, na kaya nilang i-lead iyong lugar papunta sa kaginhawaan at kapayapaan. Kasi for many years, parang wala iyong iyong tiwalang iyon. Parang sinasabi, “kahit hindi kami taga-diyan, kami iyong may solusyon sa problema niyo,” na iyon iyong pinagmumulan ng problema.

    REPORTER 3: Suportado ho ba ng inyong tanggapan?

    VP LENI: Suportadong suportado po natin ng aming Tanggapan iyong move na ito. In fact, noong miyembro ako ng 16th Congress, isa ako sa mga nagtulak—isa ako sa mga nagtulak, isa ako sa mga nadismaya na natapos iyong 16th Congress na hindi nakamit iyong pinapanaginip. Pero ngayon, natutuwa tayo na iyong mahalagang hakbang… Maraming agam-agam, pero handa nating isugal, handa nating isugal iyong agam-agam para ipakita sa mga kapatid natin dito na “kaya niyo iyan at nagtitiwala kami sa kakayahan niyo.” Iyong right to self-determination, na kayo iyong nagmamay-ari ng solusyon sa mga problema niyo, hindi kami, kaya nandito lang kami para tulungan kayo, pero kayo iyong mag-iisip ng kung anong gusto niyong mangyari sa inyong lugar. Tingin ko napaka-halaga noon para maibalik iyong tiwalang nawala over the years.

    OVP: Last question po, from Ms. Nicole.

    REPORTER 4: Hello, Ma’am. Months ago, we were able to interview Sir Barry, the spokesperson of your office, kaugnay po doon sa mga housing projects na binigay doon sa families in Marawi. We would like to know kumusta na po sila? Are there any plans na madagdagan po iyong housing projects ng office niyo doon?

    VP LENI: Actually, iyong housing, iyong Angat Buhay Village sa Marawi, it was born out of iyong effort ng isang grupo na gustong tumulong sa kaso ko. Mayroon akong election case sa Supreme Court, na mayroon akong kailangang i-deposit na pera sa Supreme Court na hindi ko ma-raise iyong pera—7.5 million [pesos] iyon, hanggang ngayon hindi ko pa siya nare-raise. Mayroong isang grupo na nagmagandang-loob na nag-raise ng money for me, pero nandiyan na, naka-raise na sila ng 7.5 million [pesos], hindi ko naman matanggap kasi bawal sa akin na tumanggap ng donation. Iyong grupong ito, lumapit sa Supreme Court, sinabi sa Supreme Court na ayaw naming tumanggap, Supreme Court iyong tumanggap. Sabi ng Supreme Court, “hindi puwede kasi kapag tinanggap namin iyan, parang pinayagan namin iyong donation sa Vice President, na bawal siyang tumanggap ng donation sa private [sector].”

    So kami, pinaalam namin sa kanila if we could use the money para sa Angat Buhay Village. At sila mismo iyong natuwa na sila mismo, parang may aalagaan na isang grupo ng mga tao. Ni-link namin sila with our partner there, iyong Ateneo de Cagayan – Xavier University.

    Iyong money pinadala nila diretso sa Xavier University. Iyong partnership namin talaga dapat good for 100 houses siya, pero iyong donation na nakuha namin doon sa lupa can only accommodate 60 [units]. So as of now, 60 [houses] pa lang siya, pero mayroon pa kaming provision for another 40 [units].

    Pero ngayon na wala pang lupang nahahanap, babad na kami doon for iyong social dimension ng paglipat saka iyong livelihood. Tingin kasi namin hindi sufficient na bahay lang; kailangan asikasuhin iyong lahat na pangangailangan nila, lalong lalo iyong kabuhayan. Mayroon kaming isang partner na naglagay ng temporary learning space doon para iyong mga batang lumipat sa Brgy. Sagonsongan, mayroong paaralan na malapit na hindi na mapapalayo iyong mga nag-aaral. Mayroon ding partnership with the City Government saka partnership with private donors para sa isang, parang, market, parang trading place, kasi iyong Maranao, basically mga traders, para mayroon silang lugar para sa kabuhayan. Kasi ngayon, ano, eh, they lost everything, talagang lahat mag-uumpisa sa zero, at kailangan i-handhold sila para makabangon ulit. Kaya ngayon, mayroon kaming team na permanenteng nandoon para i-pave iyong way para makaumpisa na.

    Kulang iyong economic activity as of now, dahil iyong Ground Zero, halos wala pang rebuilding na nakikita iyong mga tao. Kailangan nating ipakita na may gumagalaw na. Tinitingnan namin ngayon iyong Sagonsongan saka Balo-i, na baka puwedeng mag-create doon ng bagong economic centers, para iyong hindi pa nagagamit na lugar sa Marawi, may pag-umpisahan na sa Saguiaran saka sa Balo-i. Marami pang evacuees doon na inaasikaso tayo. May grupo ng kababaihan na binigyan na natin ng hanapbuhay. Habang nasa evacuation center sila, nagha-hanapbuhay na sila. In fact, ni-link natin sila sa isang social enterprise; nag-training na iyong ibang kababaihan doon para iyong mga produkto nila mabenta, hindi lang dito sa Pilipinas pero pati sa international market.

    So iyon iyong ginagawa natin, na hindi natin sila iiwan hanggang hindi pa nila kayang mag-isa. Ngayon kasi, alam natin na nawala talaga lahat—hindi lang iyong pamilya, pero lalong lalo iyong kabuhayan. So matagal-tagal pa ito, pero ang mahalaga naiintindihan ng mga tao doon na hindi natin sila iiwan. Kasi iyong hopelessness, iyon iyong nakaka-drag down, nakakapahina. Kailangan may nakikita silang nangyayari. Kailangan alam nila na nandito para sa kanila.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

    VP LENI: Okay, salamat!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 24, 2018