This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo at the 154th Birth Anniv of Andres Bonifacio

    30 November 2017 ​​154th birth anniversary of Gat Andres Bonifacio Caloocan City

    Q: Ma’am, I just want to get your reaction po doon sa gaganapin na revolutionary government rally later sa Davao? VP LENI: Ito, nakakabahala ito, kasi… kapag sinabi kasing revolutionary government, gusto mong isantabi iyong Konstitusyon. Ito, ano ito, laban ito sa mga existing na batas, kaya nakakabahala na… Iyong tanong nito, iyong mga sasali ba dito may be held legally—‘di ba?—may be held liable? Kasi iyong pag-alsa laban sa Konstitusyon, pag-alsa iyon laban sa pamahalaan. Q: Do you find it especially alarming na mukhang kasama pa sa organizers iyong some officials of the government? VP LENI: Alarming iyon kasi gusto mo… parang gusto kang mag-alsa laban sa pamahalaan, na isa ka sa mga kinatawan. Parang very ironic iyong ganoong sitwasyon. Q: Ma’am, how about on reports na pinapangakuan daw iyong mga barangay officials na kapag um-attend po sila ng pro-RevGov rally, sila daw iyong magiging OIC sa mga barangay nila kapag natuloy iyong revolutionary government. What is your reaction to this? VP LENI: Actually, hindi siya unang pagkakataon na narinig natin. Kahit doon sa distrito namin [sa Camarines Sur], mayroong retired na military officer, mayroong nagpo-pose na representative ng pamahalaan, na iyong magre-register para sa movement in support of the revolutionary government, kapag nagkaroon ng revolutionary government, sila iyong i-a-appoint na mga local officials. Ito, marami na itong dumulog sa atin, pero if you will recall, iyong DILG na iyong nag-issue ng statement na hindi ito sanctioned ng DILG, so I hope nagsasabi sila ng totoo. Q: May panawagan po ba kayo sa mga aattend? VP LENI: Ito kasi, baka hindi naiintindihan ng karamihan iyong implikasyon ng pagdeklara ng revolutionary government. Iyong pagdeklara ng revolutionary government, sinasabi na wala na tayong paniniwala sa gobyernong ito, wala na tayong paniniwala sa Konstitusyon na iyon iyong platform kung saan nakatayo iyong present na pamahalaan. Halimbawa, kami ni Pangulong Duterte, pareho kaming na-elect using the 1987 Constitution, kaya nakakaalarma kung mga kinatawan ng pamahalaan mismo iyong nagsusulong nito, kasi gustong sabihin, iyong plataporma kung saan nag-ascend ka sa responsibilidad mo ngayon, parang in effect sinasabi mong hindi ka na dito naniniwala at gusto mong umalsa laban dito. Q: Ma’am, nabanggit ni President kasi na he won’t call for a revolutionary government unless there is a plot to destabilize his government, or him. Ma’am, ano po iyong masasabi niyo po doon? Is it enough justification? And also, is there an existing destabilization plot against him? VP LENI: Ako, gusto kong panghawakan iyong statement ni Pangulo na hindi siya magde-declare ng martial law all over the country, hindi siya magde-declare ng revolutionary government. Tingin ko napakahalaga ng statement niyang iyon, kasi dapat it will put to rest iyong lahat na mga haka-haka na baka ito, baka mag-declare. Kapag si Pangulo na mismo iyong nagsabi na hindi magde-declare, iyon iyong panghahawakan natin. Kung maaalala natin, itong mga destabilization [allegations], si Secretary Lorenzana na mismo at iyong AFP leadership ang nagsabi na walang destabilization plot. Sila iyong nasa posisyon para magsabi kung totoo ito o hindi. Madali lang kasing manumbat, madali lang maghaka-haka, pero sino ba iyong may capacity para magsabi kung totoo o hindi ang mga ito? Siyempre iyong ahensya na may capacity na magkaroon ng intelligence na mga activities. Sila na mismo iyong nagsabi sa atin. Idineklara nina SND at AFP leadership na walang ganitong destabilization plot, kaya wala talagang dahilan. Q: Ma’am, last na lang po: reaction na lang din po doon sa formal termination ng peace talks with the NPA? And iyong plano din pong pag-tag sa NPA as a terrorist group? VP LENI: Ito kasi, unang una, ano ba iyong definition ng terrorist? Iyong terrorist, ‘di ba, ito iyong nag-aalsa laban sa pamahalaan, nangingikil, nampapatay ng sibilyan, naghahasik ng gulo sa sambayanan. Siguro iyong pinakatanong natin: ganito ba sila? At kung ganito sila, nararapat lamang na i-tag sila as terrorists. Parati naman tayong nangangarap na sa ating bansa, makamtan natin iyong kapayapaan between government and all the other forces. Kaya sa atin, parating aspiration iyon. Hindi naman natatapos iyong aspiration na magkaroon tayo ng mas sustainable na kapayapaan. Kaya kahit mayroong mga— Gusto nating tingnan na parang temporary hump ito sa ating quest para magkaroon ng kapayapaan. Pero obligasyon natin na parating naghahanap ng paraan para makamtan ito. Q: Ma’am, doon sa order ng Pangulo na kapag may nakitang rebelde, patayin kaagad. Ano po iyong reaksyon niyo? VP LENI: Parang hindi naman ganoon iyong sinasabi ng Konstitusyon natin at mga batas na nandiyan. Ang sinasabi ng ating mga batas, na kapag mayroong nagkasala, mayroong proseso para alamin kung totoo ba iyong paratang, at mayroon namang nararapat na penalidad sa mga paratang. Kung pinapayag natin na ilagay sa ating mga kamay iyong batas, parang pinapawalang-bisa natin iyong ating demokrasya, pinapawalang-bisa natin iyong rule of law at iyon iyong simula para magkagulo-gulo tayo. Kaya tayo mayroong mga institusyon dahil itong mga institusyon na ito ang nagsisigurado na parating maayos iyong pang-araw-araw na pagkabuhay natin. Kapag sasabihin natin na puwede tayong magpatay kasi mayroon tayong binibintangan na gumawa ng krimen, anong mangyayari sa ating lahat, ‘di ba? Q: Ma’am, doon sa ongoing impeachment [proceedings sa House of Representatives], kahapon po humarap si Associate Justice Teresita de Castro. May mga sinabi siya tungkol sa paratang kay Chief Justice Sereno. Ano ho ba ang nakikita niyo dito, at ano iyong statement niyo dito? VP LENI: Ako kasi, hindi ko napanood iyong hearing kahapon, kaya tingin ko unfair para mag-comment. Pero tayo pareho naman iyong parati nating ipinapaglaban, pinapagdasal, pinagtatrabahuhan: na parati dapat nagkakaisa tayo para siguraduhin na malakas at matatag iyong mga institusyon ng demokrasya, kasi ito iyong magsisiguro na parating magiging maayos iyong buhay ng bawat Pilipino sa pang-araw-araw. Kapag nag-weaken iyong institutions na ito, doon tayo dapat mabahala. Kaya sana iyong mga proseso na magaganap, iyong kaniyang kakahinatnan, lalong papalakasin iyong institusyon, hindi lulusawin at hindi papahinain. Q: Ma’am, last na lang: iyong mga nakalipas na linggo, sinampahan ng kaso iyong mga dating Cabinet secretaries na under kay President Noynoy Aquino. Nakikita niyo ba dito na parang may crackdown na sa LP, pinupuntirya na iyong mga nasa partido? VP LENI: Ako, mahirap magparatang, pero sa akin, kapag may nagkasala, tama lamang na sampahan ng kaso. Iyong atin lang ninanais, sana iyong pagsampa ng kaso ay base sa datos na maayos. Hindi siya ginagawang dahilan para lang maghanap ng scapegoat para sa mga bagay na hindi nagagawa. Dapat kung mag-file ng kaso, ito ay base sa ebidensya na mayroon talagang pagkakasala na ginawa. Ang nakakatakot lang, baka ginagawa ito para magpasa ng blame sa iba. Ito iyong dapat hindi pinapayagan. Q: Okay po, thank you! VP LENI: Thank you!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 29, 2017