This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Vice President Leni Robredo

    Host: Dean Mel Sta. Maria

    MEL STA. MARIA: Magandang umaga po sa inyong lahat, mga kaibigan, mga kapatid! Ako po si Dean Mel Sta. Maria. Narito po kayo sa Interview with Dean Mel. Ngayon po ay isang espesyal na episode sapagkat makakapanayam natin ang isa sa mga importanteng personalidad ng ating bansa. Alam niyo po, tuwing halalan, tayo po rin ay nagpapahiwatig—nagpapahiwatig po tayo kung ano ang gusto natin sa mga niluluklok natin na mga opisyal sa ating bansa. Gusto po nating isakatawan nila ang ating mga adhikain, ang ating mga posisyon, ang ating mga ninanasa, at ang ating mga ideals.

    Sa ating pagbabalik, makikilala natin ang ating espesyal na guest. Diyan lang po kayo! Huwag po kayong aalis.

    [music break]

    MEL STA. MARIA: Welcome back po, mga kapatid, mga kaibigan. Hindi ko na po ipapatagalin pa, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, ang atin pong panauhin ngayon, walang iba kundi ang kagalang-galang, the Vice President of the Republic of the Philippines, Maria Leonor “Leni” Robredo. Magandang umaga po, Ma’am!

    VP LENI: Magandang umaga, Dean Mel.

    MEL STA. MARIA: Unang una po, Ma’am, nagpapasalamat po kami kasi iyong inyong accommodation sa amin para pumunta dito sa aming humble studio. Your generosity, your humility, your kindness, your confidence comes out. We appreciate it very much and thank you very much.

    VP LENI: The honor is mine, Dean Mel.

    MEL STA. MARIA: Ay naku, maraming, maraming salamat po! Unang tanong na po, Vice President.

    VP LENI: Sige lang.

    MEL STA. MARIA: Expectations? Almost two and a half years as Vice President, ano po ang lessons na natutunan niyo? Ano po ang mga pagbabago sa ekspektasyon niyo mula po noong nagkakampanya kayo at ngayon nakaluklok na kayo at ito, ang laki-laki ng responsibilidad niyo?

    VP LENI: Actually, Dean Mel, ako, aaminin ko na noong ako… noong tinanggap ko iyong hamon, parang wala pa akong expectations, kasi parang biglaan lahat—hindi ko siya pinlano, hindi ko siya pinangarap, tapos biglang, parang, naitulak ako sa isang sitwasyon na kandidato na ako. Pero iyong isa—naaalala ko, iyong isa sa mga pagkukumbinsi sa akin noon, sabi nila pinakamadali daw na posisyon iyong Vice President. Iyong sabi nga sa akin, “Mas madali pa ito kaysa mag-congressman ka”—kasi congressman ako dati and sinasabi ko sa kanila na iyong pinagpipilian ko lang kung magre-reelect pa ako o hindi na. So iyong sabi nila, ito iyong pinakamadali sa lahat. So iyong sa akin, parang iyong expectation, mas ganoon. Pero iyong expectation din kasi historically, ‘di ba, parang iyong Vice President, parati siyang binibigyan ng Cabinet position. So alam ko na under the Constitution, talagang relegated to being a spare tire iyong Vice President. Pero ako, ine-expect ko na kapag nahalal, magkakaroon ako ng specific assignment. Pero after na nanalo na, naaalala ko, isa sa mga pinakaunang pronouncements ni Pangulo, wala siyang balak bigyan ako ng Cabinet post.

    So iyon, pinaghandaan ko iyon. Sinabi ko sa staff ko na, “Maghanda tayo sa isang sitwasyon na hindi ako bibigyan ng Cabinet post. Hindi naman ako puwede na anim na taon ako dito, lahat lang ceremonial lang na trabaho iyong gagawin ko.” Kasi sabi ko, ang feeling ko, sasayangin ko iyong anim na taon. So even before the inauguration, parati na kaming nagmi-meeting noong core noong staff, “paano ba natin mare-reinvent iyong office?” Pinag-aralan namin iyong budget, pinag-aralan namin iyong mandato. Paano ba namin mare-reinvent iyong office from a, parang, purely ceremonial one, to one that is more advocacy-heavy? So doon namin na-conceptualize iyong Angat Buhay.

    Pero iyong pinakaproblema kasi namin noon, gusto namin itong gawin pero wala namang pondo for that, so kailangang maging creative. Kaya naposisyon namin iyong opisina namin na parang conduit kami, na kami iyong gumagawa ng lahat na groundwork, kami iyong naghahanap ng communities, pero kami din iyong naghahanap kung saan kukunin iyong pagtulong. So during the inauguration, isang konsepto na iyon.

    Pero parang a few weeks into my being Vice President, in-offer nga sa akin iyong Housing, so parang na-relegate iyong pag-launch ng Angat Buhay kasi mayroon akong bagong assignment. So iyon, inasikaso ko iyong aking Housing portfolio. Maraming problema, pero parang iyong lahat na energies ko at first, doon nakatutok. Pero a few months din into my being Housing secretary, medyo mahirap siya. Medyo mahirap siya kasi fully aware ako na iyong Cabinet secretary kasi, alter ego ng Presidente, so dapat shine-share niya iyong mga paniniwala, shine-share niyo iyong mga values. Hindi ko ma-resist na kapag hindi ako sang-ayon, binoboses ko iyong aking hindi pag-sang-ayon. Noong umpisa, parang feasible pa siya. In fact, naaalala ko, sinabi ko during one Cabinet meeting, very vocal na ako noon tungkol sa extrajudicial killings, pero I wasn’t being reprimanded. Pero ready ako. Pero because I wasn’t being reprimanded, I remember sinabi ko sa Cabinet meeting na salamat, “Salamat, Mr. President, na hindi mo tine-take against me iyong pagpoposisyon ko. Akala ko kahit ganoon iyong sitwasyon, it will work. Pero iyon nga, dumating din iyong point na talagang hindi siya magwo-work. So noong papunta na doon sa sitwasyon na iyon, nag-decide na kami na i-launch iyong Angat Buhay.

    MEL STA. MARIA: Iyong Angat Buhay, ano, diyan kayo nakilala. Ako nga, nakita ko na rin iyan, iyong naghahanap kayo ng isang sitwasyon na papakita ang kagalingan ng isang Pilipino. Ipaliwanag niyo nga pansumandali iyan?

    VP LENI: Iyong sa amin kasi, iyong gusto namin sa Angat Buhay, anti-poverty, anti-poverty advocacy siya. Ang ginawa namin at first, tiningnan namin iyong 20 poorest provinces, tapos iyong 20 poorest provinces, nagpababa kami ng mga teams, hinahanap among… parang, within iyong provinces na iyon kung ano iyong mga communities na parang hindi pa masyadong nakakatanggap ng tulong sa gobyerno. And iyong napili namin, talagang hindi sila nakakatanggap masyado kasi sobrang layo talaga. Parang hindi na inaabot ng tunog ng kampana. So sila iyong mga pinili namin, pero iyong problema nga, wala kaming budget for that. Kung tiningnan mo iyong budget namin, mas ano talaga, operations, salaries ng employees, ceremonial functions. So iyon, pinagtuonan namin ng pansin iyong, parang, iyong konsepto ng collaboration. And iyong pinakamaganda doon, kasi iyong na-find out namin, ang daming private na individuals, groups, na gusto talagang tumulong, hindi lang alam kung paano. So parang kami iyong nag-fill ng gap na, “Gusto niyong tumulong, ito iyong mga dapat tulungan, pumili kayo.”

    MEL STA. MARIA: Alam mo, Vice President, ano, alam ko rin iyong pinanggalingan ninyo, ano. Kayo lang yata ang Bise Presidente na nakaramdam ng mga grassroot level, whether legal or non-legal, at iyang klaseng advocacy na iyan, parang iyan ang dinala ninyo doon sa inyong mga proyekto ngayon.

    VP LENI: Saka parang ano din kasi, Dean, parang all my life iyon na iyong ginagawa ko. So natural naman sa akin. Halimbawa, nag-aral kasi ako ng Law, may asawa na ako. And noong nag-aaral ako ng Law, mayor na iyong asawa ko. So parang naging natural sa akin na iyong hahangadin ko na klase ng pag-aabogado, iyong parang konektado din sa public service. So ako, iyon talaga iyong hinangad ko. So after nakapasa ako ng Bar, sa PAO ako pumasok, dahil akala ko iyon lang iyong available na avenue for public service. Pero nadiskubre ko itong isang NGO, iyon nga, SALIGAN, na parang mas buwelo, mas buwelo kasi… Iyong PAO kasi, parang traditional lawyering siya. Pero iyong SALIGAN, parang pinakilala niya iyong ibang aspekto ng pag-aabogado, na iyong abogado iyong bumababa sa communities, hinahanap iyong mga pinakamalalayo na halos wala nang access sa justice system. Parang mas gusto ko iyon. More than 10 years ako doon, Dean, and even after nag-resign ako, volunteer pa din ako nila. Parang doon ko nahanap iyong, parang, iyong meaning, iyong gusto kong gawin habambuhay. Noong namatay iyong asawa ko, parang na-cut short iyon, eh. Na-cut short iyon, so noong naging public official ako, parang dala ko pa din.

    MEL STA. MARIA: Alam mo, VP, ano, you were… your election was one of the most dramatic.

    VP LENI: [chuckles]

    MEL STA. MARIA: Mercurial, spectacular rise, ‘di ba? Natatandaan ko, noong nasa TV5 ako at ako iyong toka doon sa nag-a-anchor doon sa medyo midnight hanggang madaling araw, eh. Nakatanga na kami lahat doon sa monitor namin, kasi sabi namin, “Huwag muna tayo mag-annotate, dahil nakikita niyo ba si Robredo? Parang humahabol siya.” Hanggang by morning, spectacular talaga. It was such a—I mean, everybody clapped. Hindi naman sa gusto namin iyong isa o hindi. Kasi we saw the kind of… iyong paghahabol ba? And para bang perder? Kumbaga sa karera, perder, dehado, biglang ay, ang sarap, nanalo iyong tinatawag nating underdog. Anong naramdaman niyo noon?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, Dean, klaro kasi sa akin na… parang hindi ko siya hinangad. Pati iyong pag-congressman ko, parang never na nasa horizon. Parang naitulak lang ako sa isang sitwasyon na kailangan kong humalili sa naiwan na espasyo ng asawa ko. Pero akala ko nga iyong pinaka-participation ko sa politics, iyong pagiging congresswoman, and tingin ko sa akin noon, parang transition lang ako. Parang nagta-transition iyong lugar namin na wala na iyong asawa ko. Kasi parang for a very long time, siya iyon, eh. Tapos bigla siyang nawala, na hindi nakapaghanda iyong mga kasama, so ako iyong transition. So akala ko, pansamantala lang. Akala ko makakabalik ako sa dati kong buhay. Kaya noong dumating iyong pagkandidato for Vice President, sa akin talaga, destiny na iyon. Kasi parang lahat na nakakakilala sa akin in the past… Mahiyain ako, Dean, eh. Iyong siguro lahat na classmates ko, from grade school until college, parang ako iyong least likely, ako iyong least likely na papasok sa pulitika. Never akong kumandidato sa student council, kasi never ko nakikita iyong sarili ko na magsasalita ako before big crowds. Iyong mga play sa school namin before, iyong kapatid kong younger sa akin, parating bida, eh. Pero iyong ako, ako iyong nasa kurtina, ako iyong tumutulong sa script.

    MEL STA. MARIA: Iyong background…

    VP LENI: Tapos iyong mga academic contests, doon ako sa essay o doon sa mga quiz bee. Pero never ako doon sa mga declamation, sa mga—alam mo iyon? So least likely.

    Noong mayor na iyong asawa ko, talagang nasa shadows ako. Very actively tumutulong ako sa kaniya, pero ako iyong gumagawa ng dirty work sa likod. Kapag magkakampanya siya, ako iyong bahala sa headquarters. Ako iyong bahala kapag magpapa-imprenta ng mga billboards, ng mga kung anong campaign materials. Pero parang never na sa akin iyong spotlight.

    So noong dumating iyong pagkakataon, alam ko na na destiny iyon. Alam ko na… alam ko na may dahilan—parang napaka-unlikely kasi na mananalo ako, eh, when I started, kas anim kaming magkakalaban, ako lang iyong babae, tapos iyong lima dumaan na sa national elections, kasi lahat sila senador. Naaalala ko, Dean—parati ko itong kinukuwento—iyong first few… siguro first two months, siguro hanggang December, kasi nag-announce ng October, naglakad na ako para magpakilala, wala sa aking pumapansin. Kapag sinasamahan ako ng mga mas kilala na pulitiko, sila iyong papansinin, ako hindi. Pinakilala na ako, parang i-a-acknowledge lang ako noong tao, “Ah,” tapos hindi na ako papansinin. Kapag sinabi iyong pangalan ko, makikita mo nagbubulungan sila, “Sino daw iyon?”

    So talagang alam ko na sobrang dehado. Nasa bottom ako noong six, 1% iyong awareness ko. Pero iyong sa akin kasi, sanay ako sa hirap, eh. Sanay ako sa pagod. Sanay ako’ng hindi ako iyong boss. Sanay ako’ng ako iyong nagtatrabaho. So sobrang sipag ko.

    MEL STA. MARIA: Mrs. Vice President, sabi niyo dati mahiyain kayo, dati nasa shadows kayo. Dati, hindi naman kayo ang boss. Pero ngayon, pinangatawanan niyo na iyong pagiging Vice President, at nakikita na ng ating mga kababayan at ang dami niyo nang nagagawa. At sa gitna niyan, ang dami nang nagbabatikos sa inyo ngayon. Ang sentro na ay ang daming nagto-troll sa inyo, nafe-fake news kayo. Every now and then nakikita natin kung saan-saan nagfe-fake news sila, nagfo-photoshop sila ng kung ano-ano para lang siraan kayo. Ano ngayon ang ginagawa niyo para malampasan lahat iyan?

    VP LENI: Ako kasi… ako, Dean, iyong sa akin, parang all my life, mahirap iyong pinagdaanan ko. Para sa akin, parang ito, isa lang doon sa mga kahirapan na pareho siya noong mga dating kahirapan. Hindi ko siya tinitingnan na extraordinary. Siguro kakaiba siya in the sense na ibang klase naman, pero hindi ko siya iniisip na parang krus na pasanin. Mayroong frustration. Iyong frustration noon, kasi kahit noong ganoon naman sa pulitika na talagang sisiraan ka, pero noong kumakandidato kasi ako sa Congress, saka congressman na ako, marami din iyong paninirang natanggap ko, pero kapag lokal kasi, hindi umuubra iyong mga paninira kung walang basehan kasi kilala ka ng mga tao. Parang one thing that I realized, sa national hindi ganoon, kasi kapag siniraan ka at hindi naman ikaw kilala ng tao, may tendency iyong tao na maniwala.

    MEL STA. MARIA: Ito pa, Mrs. VP: iyong ating gobyerno ngayon, the awesome power of the State. Sa tingin niyo, at least by your perception, na-cha-channel ba ito sa negative side o sa positive side? Kasi nga iyong ating persepsyon ngayon sa Southeast Asia, we are the new international concern for—at least by perception, ano—mass killing. Halimbawa, sinabi niyo na nga iyong EJK, sinabi niyo na nga iyong pagtaas ng mga presyo. Para bang eternal na itong mga problema natin. Mayroon ba talagang pag-asa, at anong… paliwanag niyo nga anong kaisipan niyo dito?

    VP LENI: Ako, tinitingnan ko siya na parang hump lang sa atin. Alam ko malalampasan natin. Alam ko na iyong mga Pilipino resilient pero may saturation point. Kapag tiningnan natin iyong ating kasaysayan, ganoon naman tayo, eh. Parang FPJ, ‘di ba? Parang nagpapabugbog nang matagal, pero kapag panahon para umaksyon, umaaksyon. Kaya iyong sa akin, nababahala ako in the sense na iyong erosion of values, iyon iyong mas kinakabahala ko. Pero hindi ako nababahala na hindi natin ito malalampasan, kasi alam ko malalampasan natin. Pero iyong mas pagkabahala ngayon, iyong nasasanay tayo sa bad news. Parang dati, iyong kaunting, parang kaunting aberration, nagrereklamo na tayo, pero ngayon, dahil parang every day may dumarating na bad news, parang nana-numb, nana-numb iyong tao na pagod nang magreklamo. Iyon iyong mas inaalala ko.

    MEL STA. MARIA: Ang gandang insight noon. Ang gandang insight noon, Ma’am VP, ano, iyong erosion of values. Pag-uusapan po natin iyan. Magbabalik po ako, at magiging interesting po ang aming talakayan. Sandali lang po.

    [music break]

    MEL STA. MARIA: Nagbabalik po kami. Si Dean Mel Sta. Maria po ito, ang inyong lingkod. Ang atin pong panauhin, ang ating kagalang-galang na Vice President of the Republic of the Philippines, si Madam Leni Robredo.

    Ma’am, gusto kong sundan iyong sinabi niyo kanina, iyong tingin niyo iyong erosion of values, at nag-refer kayo sa ating kasaysayan. Pumunta tuloy sa isip ko iyong kasaysayan natin: from the Katipunan na maliit sila, tinangka nilang hamunin ang isang Espanya. Maliit na Katipunan, hinamon nila ang Amerika. And then hinamon natin ang mga Hapon. Then hinamon natin ang bagsik ng Marcos regime. Ngayon, hinamon rin natin ang Tsina. As a matter of fact, si PNoy, talagang— With all… to the credit of President Aquino, that was the first step to make the legal foundation on the West Philippine Sea. At hinamon natin ang isa talagang dambuhalang…

    VP LENI: Superpower.

    MEL STA. MARIA: Superpower! Iyong erosion na iyon, nakikita ba nation iyon? Iyon din kasi iyong kinakabahan ako, eh. Iyong erosion of that kind of courageous value. Anong paliwanag niyo diyan?

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, Dean Mel, ako, halo, eh: iyong halo ng logic saka faith. Parati kong sinasabi sa sarili ko na, ‘di ba, parang magigising ka isang araw, tatanungin mo, bakit parang in so short a time, bakit nandito na tayo? Tinatanggap natin iyong napakaraming dati hindi naman natin tinatanggap. Pero on the other hand, iniisip ko din bakit kaya tayo pinapadaan sa ganito? Malamang may dahilan. Malamang masyado tayong complacent. Pero ako… ako kasi, very hopeful ako na matatapos din ito. Very hopeful ako na one day, sasabihin ng mga Pilipino, “Hindi tayo ganito, eh.” Kasi ganito tayo. Marami ngayong—

    Ako, kapag nakikita ko iyong mga fake news laban sa akin, laban sa iba, parang ma-a-amaze ka na… parang mayroon bang mga tao na ganito kasasama, na gagawa talaga ng mga kuwento na wala namang basehan? Pero then again, sasabihin mo sa sarili mo, siguradong may dahilan.

    MEL STA. MARIA: Ang dami ngang nagsasabi ngayon, madaming nagpupuna at nag-o-obserba, at ang tanong nila, namumukhaan niyo pa ba ang Pilipinas? Namumukhaan niyo pa ba iyong dating mga Pilipino na masasaya? Mayroon ba talaga kayong nakikitang maganda diyan sa litrato na EJK ba iyan? Ganoon ang tanong, eh.

    VP LENI: Pero ako, Dean Mel, tingin ko dadaan din ito, babalik din tayo sa kung sino tayo. Iyon nga, ang tingin ko phase lang ito. Siguro hindi lang natin inaasahan sa bilis ng pangyayari, pero gigising din tayo. Tingin ko better off tayo ngayonthan last year, in the sense na mas marami na ngayon iyong mas malakas iyong loob magpahayag ng kanilang dissent. Hindi dissent sa isang tao, pero dissent sa mga bagay na hindi maganda. Ako, tingin ko iyon iyong first step. Tingin ko nga maraming dahilan kung bakit tayo dumadaan sa ganito. Baka hinuhubog din tayo na mas maging mabuting mga Pilipino. Pero ako, sigurado akong, parang in the shortest possible time matatapos din.

    MEL STA. MARIA: Maganda iyong sinabi niyo, VP, ano: hindi sa isang tao tayo kinamumuhian natin siya, kundi iyong environment situation na seem to be created by the development of the times, ano. Sa tanong na iyan… sa sitwasyon na iyan, ano ang nakikita niyo para mapadali ang pagbabago, kung mayroong babaguhin?

    VP LENI: Ako, ang sa akin, parang given what we have now, dapat iyong mga malalakas iyong loob magboses, magboses, dahil kahit kaunti kayo, hindi nasasayang iyong boses. Iyong pushback parating mahalaga kasi kung lahat tatahimik, parang lalong lumalayo ang liwanag. Pero ngayon, tingin ko, sinabi ko nga dati, kung dati parang binubugbog tayo ng mga kasinungalingan, walang umiimik, pero ngayon lumalaban na, eh. Kaunti pa, kaunti pa iyong lumalaban kumpara sa gumagawa ng masama, pero tingin ko papunta tayo doon.

    MEL STA. MARIA: Ipaliwanag niyo nga, Madam VP, iyong kahalagahan ng isang oposisyon sa demokrasya? Kasi akala nila, basta nag-o-oposisyon ka, ikaw ay nanggugulo lang—nanggugulo lang, nangsisira ka lang, nangbababa ka lang ng tao.

    VP LENI: Saka sa akin, every time magpupuna ako, ang sasabihin nagmamadali akong maging pangulo.

    MEL STA. MARIA: May color na!

    VP LENI: Parang sa isip ko lang, Dean Mel, sino bang gustong maging pangulo? Ang hirap hirap kayang maging pangulo. Pero iyong sa akin lang, mahalaga kasi ito for checks and balance, eh. Kasi alam naman natin, ‘di ba, nakikita natin iyong mga pulitiko, maraming pumapasok sa public service with only the very best of intentions. Talagang kapag pumasok, very noble, gustong makatulong, gusto to make a difference. Pero kapag nakaramdam na ng kaunting pribilehiyo, parang umiiba, parang mas nangingibabaw iyong kagustuhan to stay in power. So iyong sa akin, hanggang hindi— Iyong kakaunti, hanggang hindi siya lumalaban, lalo lang lalawak iyong ayaw nating mangyari. Lalong lalawak iyong hindi maganda sa pulitika. Kaya parati ko itong sinasabi na, “Kahit sasampu lang kayo, kahit sasampu lang tayo, sige lang, kasi mahalaga ito para sa Pilipino.”

    MEL STA. MARIA: Punta tayo sa mga specific kong mga topics, ha, Madam VP? Nabigla din po ba kayo doon sa TRAIN? Sa TRAIN Law na iyan, na talagang nagpataas ng inflation rate natin.

    VP LENI: Actually, nabigla ako sa effect, kasi ako, aaminin ko, Dean Mel, naghahanap ako ng maraming paraan para maging supportive sa policies ng Pangulo. In fact, noong pino-propose pa lang iyong TRAIN Law, nag-imbita kami several times ng mga taga-DOF para i-explain sa amin kung ano iyong mga expectations. In fact, nag-sponsor pa ako ng isang forum sa Naga na nandiyan iyong mga taga-DOF, para iyong multi-sectoral groups sa amin, marinig iyong pahayag.

    So noong umpisa, alam ko na mayroong dangers nito, pero ito, gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon. Gusto ko siyang bigyan ng pagkakataon. Pero noong na-implement na kasi, nakita ko iyong… hindi lang iyong epekto, pero iyong kahinaan ng implementation. Halimbawa, may expectation talaga na maaapektuhan iyong pinaka-lowest 30%. Pero iyong batas, nagpo-provide siya ng safety nets. Halimbawa, sinasabi niya na magpo-provide siya ng monthly na subsidy na 200 pesos a month, parang to compensate. Tapos pipiliin niya 10 million of the poorest. So okay, 10 million of the poorest. Tapos para doon sa mga maliliit na mga drivers na maaapektuhan ng pagtaas ng gasolina, magbibigay siya ng Pantawid Pasada.

    Pero in-implement iyong batas January; ngayon, December na, hindi pa siya fully implemented. Parang pinaabono mo iyong mahihirap, pinaabono mo sila na, parang, ‘Gastos ka muna, saka na namin iko-compensate.” Eh wala na nga itong mga panggastos, eh. Sana bago sana iyan nag-take effect, siniguro muna, siniguro muna na handa iyong mga pinakamahihirap na harapin iyong dagdag na kahirapan na ibibigay nito. Wrong timing pa siya kasi sumabay siya sa pagtaas ng world prices ng oil.

    Pero iyong mas nakakalungkot para sa akin iyong kung paano nag-respond iyong ating pamahalaan, na sana tinake na nila urgent ito, sana tiningnan na nila na “huwag na nating pahirapan pa iyong mga tao.” Pero parang sobrang bagal ng pag-respond. As early as the start of the year, kino-call na natin iyong attention nila about the rising prices of rice, iyong pagtaas ng presyo ng commodities. Pero parang nag-respond lang, parang second half of the year na, na hindi man lang naisip na… hindi man lang naisip na… alam mo iyon… marami nang— Parang sa atin na sumusuweldo nang sapat buwan-buwan, ramdam natin pero kaya nating mag-survive. Pero paano iyong iba na wala talaga?

    MEL STA. MARIA: May naalala tuloy ako, Madam VP, ano. Iyong perception, iyong trust ng gobyerno. Halimbawa, iyong kakulangan ng bigas, napanood naming lahat iyong isang secretary or Cabinet member, pumunta siya sa telebisyon at kinain niya iyong bukbok. Pero ang sabi nga, hindi naman isyu kung puwedeng kainin ang bukbok; ang isyu, kung bakit tayo umabot dito, ‘di ba? Anong tingin niyo ang direksyon ng response ng gobyerno sa mga ganoon? Parang hindi, ano, eh, hindi sapul sa target, eh.

    VP LENI: Iyong sa akin kasi, unang una, iyong pinaka-nakapaglala sa sitwasyon, sila-sila nag-aaway. Sila-sila hindi nagkakasundo sa policy. Halimbawa… halimbawa iyong NFA, nagre-recommend na siya na mag-import last year pa, later part of last year. Iyong DA ayaw kasi ini-insist noong DA na rice self-sufficient tayo. Pero— Mayroon na kaagad conflict iyong NFA and DA, pero sa loob mismo ng NFA mayroon pa din. While iyong management saka iyong council nag-a-agree na mag-i-import, ibang klaseng pag-import iyong gusto ng management, ibang klaseng importation ang gusto ng council.

    Pero iyong sa akin lang, dapat sana may nag-step in na, paran ma-break iyong impasse, para desisyunan na, kasi hindi naman makakahintay iyong mga mahihirap.

    Noong panahon na krisis, Dean Mel, umikot ako nang umikot. Naaalala ko, galing ako sa Baseco, early part of the year. Mayroong ale na during the forum umiiyak. Sabi niya, “Ma’am, dati nakakakain pa kami nang tatlong beses sa isang araw, ngayon hindi na.” Pumunta ako sa Zamboanga. Ang haba ng pila. Ito iyong time na sinasabi nila na okay na. Sobrang haba ng pila ng bigas, sobrang mahal ng pinipilahan, tapos mayroon pang isang grupo na walang capacity na pumila kasi walang pambili. Kahit walang pila, wala tuloy silang pambili, at during our forum sa public market, sinasabi nila, “Ma’am, ilang buwan na kami na ang kinakain namin kamoteng kahoy.”

    Alam mo iyon? Na may gusto kang i-insist na paniniwala na hindi mo man lang inisip iyong mga maliliit na nagsa-suffer. Ako, naaalala ko, Dean Mel, siguro in the middle of this year, kino-call ko na iyong attention ng DA, binalikan pa ako, ininsulto pa ako. Hindi na ako… hindi na ako dumagdag pa, pero hindi naman iyon pulitika, eh. Kaya natin kino-call iyong attention nila dahil naghihirap iyong ating mga kababayan. Pero parang iyong frustrating kasi, may problema na, hindi pa ina-acknowledge iyong problema. At tinitingnan pa na pulitika.

    MEL STA. MARIA: Iyon na nga. Iyon na nga iyong para yatang nahahalang na direction. Isa pang topic, Ma’am VP, iyong ating military, sa tingin mo, mayroong signs of being politicized? Kasi… kaya ko nasabi iyan kasi iyong proclamation na ni-re-revoke iyong amnesty niya, inuutusan iyong military mag-arrest, but that’s a police function, ‘di ba? So what do you think about that?

    VP LENI: Ako, tingin ko, at this point hindi pa. Sana hindi mangyari. Ako, at this point, totoo na may pagsubok na i-politicize siya, pero so far holding well ang military. Na-resist niya iyong mga efforts ng mga pulitiko na ma-influence iyong kaniyang desisyon. So far professional pa. At ako, very hopeful ako na until the end ganoon. Iyong sa akin naman, iyong mga namumuno, ano naman, respetado natin. Alam natin na while sumusunod sa commander-in-chief, may hangganan iyon. Ilang beses din akong nagkaroon ng briefing din and parating iyong assurance nila, iyong loyalty nila nasa Constitution, at nasa bandila. At hanggang ngayon, naniniwala ako na ganoon pa din. Iyong… ito kasi, napakahalagang institusyon nila dahil make-or-break ito para sa buong bansa, na hanggang iyong military very professional pa, wala pa tayong masyadong kailangang ikatakot, in the sense na kahit may abusive na mga leaders, basta iyong military hindi siya magpagamit, okay pa tayo.

    MEL STA. MARIA: Ito naman, isa pang punto: iyong ating Konstitusyon at alam niyo naman, VP, ang daming nagtatangkang baguhin—hindi lang baguhin—replace the Constitution totally, ano, at nakita natin ang Bayanihan Constitution, ang daming umangal dito. May survey pa nga around 70% to 76% ng Filipino people, ayaw and then, bigla na lang lumabas itong kay GMA, na aba’y mayroon pa palang isang niluluto diyan. Bakit ganoon? Ano ang tingin niyo dito? How do you… how do you… what is your observation here?

    VP LENI: Ako, Dean Mel, without… parang without discussing the specific provisions ng draft na ayaw ko, iyong sa akin, kung mayroong proposal na mag-amend ng Constitution, sana sundin iyong proseso na bigyan ng boses iyong ordinaryong mamamayan. Hindi siya mamadaliin, hindi puwedeng mga pulitiko lang iyong nag-uusap, dapat ipaalam sa bawat Pilipino kung anong gustong sabihin ng mga provisions nito. Kasi halimbawa, Dean Mel, nakita ko pa lang… nakita ko pa lang sa isang balita doon sa amin, nagre-reklamo iyong mga mayors na pinatawag na naman sila para sa Federalism na event. Pumunta sila, pagdating nila doon, may dalang speakers—iyong isa official ng DILG, iyong isa official ng another agency. Hindi naman diniscuss iyong Federalism. Interesado sana silang pakinggan. Hindi naman diniscuss iyong implications ng pagbabago pero nag-rant lang nang nag-rant, nanira lang ng ibang mga pulitiko, tapos lahat lang, papuri sa Pangulo.

    Iyong sa akin, hindi ito lugar—may… Puwede niyo namang purihin iyong Pangulo sa ibang… sa ibang sitwasyon. Pero ito, inaasahan mo na iyong local officials iyong magre-relay ng mensahe, parang respeto man lang na ipaalam—kung halimbawa, gusto mo Federalism, i-discuss niyo sa amin bakit siya mag… bakit siya mabuti?

    MEL STA. MARIA: Bakit siya mabuti? O masama?

    VP LENI: Hindi iyong i-e-equate siya sa suporta sa Pangulo. Parang, kung hindi ka para sa Federalism, hindi mo sinusuportahan si Pangulo. Tingin ko unfair iyon.

    MEL STA. MARIA: Alam niyo, mapunta tayo diyan, ano. Ang nakikita kong instititusyon na sasangga ay ang Senado at mayroon ngang nagsasabi na baka ito na ang—either sa… between the two Houses of Congress—the Senate and the House of Representatives—baka ito na lang ang pag-asa. At kaya, napakahalaga ng eleksyon na darating pagdating sa Senado kasi Senate is cerebral, eh. Ano ang tingin niyo rito sa darating na eleksyon patungkol sa Senado?

    VP LENI: Ako, agree ako 100% with you, Dean Mel. Kung nakikita natin in the past two and a half years, marami iyong gusto iyong executive na sang-ayon—sang-ayon iyong House of Representatives. Hindi siya naipa-pasa dahil sa Senado.

    MEL STA. MARIA: Yes, oo.

    VP LENI: Halimbawa, iyong pagpasa ng death penalty.

    MEL STA. MARIA: Yes.

    VP LENI: Hindi na siya diniscuss sa Senado so parang natulog na siya. Halimbawa iyong pag… pagpalit ng Konstitusyon—kung naaalala natin—iyong dating leadership sa House, talagang ni-railroad ito, na ipinasa na walang diskusyon nang maayos. Pero naharang kaya hindi itinuloy. Ngayon itinuloy pero nagsasabi iyong Senado na, “Hindi namin iyan ite-take up. Hindi namin iyan ire-railroad kasi marami kaming ibang bagay na ginagawa.”

    Iyong sa atin, Dean Mel, hanggang ganito pa iyong Senado, okay pa tayo. Ang gusto kong sabihin, siguro may frustrations tayo sa mga individual na senators pero so far, sila iyong nag-che-check and balance; so far, sila iyong nagbibigay ng, parang, mas logical, mas sane na pagtingin sa mga bagay-bagay.

    Kaya tingin ko iyong 2019, opportunity. Opportunity para sa ating lahat. Hindi ito… hindi ito puwedeng i-equate na, “Kung hindi mo bobotohan ito, kontra ka sa Pangulo.” Pero ito… pero ito mas dapat sana iyong botohan natin iyong karapat-dapat na nakaupo sa Senado na walang kikilingan kung sino iyong Pangulo, na ang parating basehan ng desisyon: kung mabuti ba o hindi iyong panukala.

    MEL STA. MARIA: Alam mo, Madam VP, ano, dito iyong pinupunto ninyo, hindi sa tao nakatuon, eh, kung hindi sa sitwasyon na nake-create ng isang environment. Kasi para sa akin, napaka-linaw ng demarcation line, eh. EJK, ayaw mo sa EJK; taas ng presyo ng bigas, ayaw mo sa taas ng presyo ng bigas; Konstitusyon, ayaw mo ng Konstitusyon; TRAIN, ayaw mo ang TRAIN. Parang napaka-linaw-linaw talaga kung ano ang pagpipilian, ano.

    VP LENI: Totoo. At saka ito, ako, sa point of view naman ng… point of view ko bilang public official, parati kong iniisip na kami ng mga public officials, parating maraming crossroads na pagdadaanan. Pero iyong crossroads na iyon, iyong pag-decide mo ng kung anong road to take, parati sigurong ang tanong mo, papaano… ano ba iyong purpose mo dito? Papaano mo gustong maalala ka kapag wala ka na? Gusto mo bang maalala ka bilang longest serving politician na hindi natatalo sa eleksyon? O gusto mo bang maalala ka bilang independent na pulitiko na kapag panahon na puwedeng mag-sang-ayon, suma-sang-ayon pero malakas iyong loob na sumalungat kapag kailangang sumalungat?

    Tingin ko, parating iyon iyong tanong namin, eh, at every crossroad. At sadly, maraming mga pulitiko, ang survival iyong iniisip. Parating, “Dito ako kasi kung hindi ako dito, baka matalo ako sa eleksyon.” O, “Dito ako kasi ayaw kong… ayaw kong makuha iyong ire ng Pangulo.” O, “Dito ako kasi ayaw kong ma-zero budget ako.” Iyong mga pulitikong iyon, gusto lang tumagal sa puwesto. Pero ito, sinasabi niya na, “Gagawin ko ito. Ide-decide ko na ito kahit magagalit sa akin lahat dahil tingin ko, morally… morally, mali ito kaya hindi ko ito papayagan.” Ito, ito iyong pinili mo kasi gusto mong maalala ka bilang pulitiko na matapang, handang ipakipaglaban iyong pagmamahal sa bayan.

    MEL STA. MARIA: The line is between advocacy and convenience, ika nga, Madam VP. Okay, mga kaibigan, tayo po ay mag-ga-gap sandali. Sandaling sandali lang po ito at babalikan po natin si VP Leni Robredo. Sandali lang po.

    [music break]

    MEL STA. MARIA: Nagbabalik po tayo dito sa ating panayam kay kagalang-galang na Vice President ng ating Republika, si VP Leni Robredo.

    Mabaling ako sa mga ibang tanong, VP, ha. Trabaho pero may pamilya kayo. Iyan naman, ibang klaseng trabaho iyan. Alam naman natin tatlo ang anak ninyo. Papaano ninyo naba-balanse ang napaka-bigat na responsibilidad ng Vice Presidency and ang pagka-nanay?

    VP LENI: Actually, mahirap siya. Mahirap siya hindi lang ngayong VP na ako pero magmula noong naging Congressman ako. Kasi ako, Dean, iyong lahat ng anak ko, tutok ako doon. Parang ano ako, tiger mom. Noong growing up pa lang sila, wala akong driver, wala akong anyone, ako talaga. Ako iyong magha-hatid sa kanila sa school, ako iyong susundo, ako iyong babantay sa lahat ng mga ginagawa nila, ako—share naman kaming mag-asawa—pagtu-tutor, etcetera. Pero parang all their lives, nandoon ako.

    Tapos nawala iyong tatay nila—nawala iyong tatay nila, all of a sudden, nahati din iyong atensyon ko. Kasi noong nasa Congress ako, masipag talaga ako sa constituency work. Half of the week, wala ako dito. Iyong sessions namin noon is from Monday to Wednesday, kapag Thursday, nasa distrito na ako. Thursday to Saturday iyon, so three days a week, nandoon ako. Sunday nandito ulit ako. Iyong Sunday, iyon lang iyong pahinga ko with them. So parang sobrang… sobrang hirap for all of us dahil sa oras. Kasi ako, Dean, ako iyong Nanay na iyong paniniwala ko, iyong quality time mangyayari lang after mo bigyan ng quantity time. Hindi ako naniniwala doon sa quality time lang.

    Tapos ngayon na nag-VP ako, ganoon din. Because of Angat Buhay, halos every week, bumababa din ako sa mga probinsya. Sobrang busy na. Pero wala naman kasi ako, Dean, ng… wala akong… parang wala akong ibang pinupuntahan—trabaho, bahay.

    MEL STA. MARIA: Ito bang mga anak ninyo, nahihilig rin mag-public service?

    VP LENI: Wala, Dean.

    MEL STA. MARIA: Ah, wala, wala.

    VP LENI: Ang public service nila, hindi pulitika. Halimbawa, iyong panganay ko, tapos na siya sa kaniyang Master’s. Pagbalik niya—

    MEL STA. MARIA: Iyon iyong sa Harvard, ano?

    VP LENI: Oo. Ngayon, may ginagawa siyang dalawang… dalawang… may consultancy siya sa dalawang… sa dalawang organizations. Iyong isa, anti-poverty din iyong ginagawa niya sa communities. Iyong isa naman, disaster relief and rehab. So iyon iyong ginagawa niya. Iyong pangalawa ko, magdo-doktor; medical clerk na siya ngayon. Iyon, mula noong nasa Ateneo siya, very immersed na in community work.

    MEL STA. MARIA: I see.

    VP LENI: Iyong pangatlo lang siguro iyong wala masyadong community work kasi nasa US siya ngayon, nag-aaral. Pero gaya noong panganay ko, maraming… maraming nagyaya na kumandidato this elections, talagang ayaw. Talagang ayaw niya, na mabuti naman. Kasi iyong sa akin, Dean, noong— May kumausap kasi sa akin na seryoso na gustong i-draft iyong anak ko. Sabi ko, kapag ako pala, parang handa akong… handa akong mag-take ng risk. Pero kapag anak mo na pala, parang gusto mo i-protect.

    Ako, noong kinakausap ako, sinasabi sa akin kung bakit dapat iyong anak ko iyong kumandidato, iniisip ko na, sabihin na natin na kumandidato siya ngayon, sabihin pa nating manalo siya, sabihin pa nating manalo siya ng three terms. Thirty [years old] siya ngayon, matatapos siya 39 [years old], anong gagawin niya after… after mag-39 siya? Parang ngayon ano pa lang siya… parang, alam mo iyon, kahit matagal na siyang nagwo-work, climbing up her own ladder of success tapos papupuntahin mo sa pulitika? Iyong… marami na, Dean, na sumasagi sa isip ko na hindi rin mabuti na masyadong maaga na pinapapasok sa pulitika kasi parang kino-close mo na iyong lahat na options sa anak mo.

    MEL STA. MARIA: Pumasok tuloy sa isip ko iyong political dynasty. Marahil, kaya nagkakaroon ng political dynasty ay iyong mga pulitiko, bata pa pinapa-run na nila. Wala na ngang magagawa so iyong susunod, sunod nang sunod through the generation.

    VP LENI: At saka, Dean, ayaw ko iyong kaya ka tumatagal sa politika kasi wala ka nang mapupuntahan. Parang para sa akin, unfair iyon para sa bata na… alam mo iyon, kahit pa siguro mayaman kami na kahit hindi siya mag-trabaho, puwede. Tingin ko… tingin ko, iyong pagbigay niya ng meaning sa worth niya, hindi pa rin okay. Kaya iyong sabi ko, hindi ko naman siya haharangan na pumasok na pulitika, pero kapag kaya na niya. Kapag hindi na niya ako kailangan. Pero kung mananalo siya because of me, or because of her Dad, una, unfair iyon sa tao; pangalawa, unfair din sa kaniya.

    MEL STA. MARIA: Alam niyo, ano, noong aking na-interview si President Aquino noong siya ay Presidente pa, ang huli kong tanong sa kaniya: Kung nakita mo ang nanay at tatay mo ngayon, ano sa tingin mo ang sasabihin mo sa kanila? Ayan. Sabi niya sa akin: “Ah, sila ang magsasabi sa akin dahil tatay ko madaldal, nanay ko,” sabi niya, “Medyo ganoon.”

    Kayo, kung makikita niyo si Secretary Robredo ngayon, ano sa tingin mo ang sasabihin niya sa inyo?

    VP LENI: Ako, tingin ko, Dean, matatawa siya sa akin. Kasi iyong asawa ko, six terms nag-Mayor. After noong three terms niya, parang natural naman siguro iyon sa mga leaders iyon na ang gusto nila, ako iyong humalili. Ayaw nila ng change. Kasi kung ako iyong… kung ako iyong nandoon, asawa ko pa rin. So kinausap ako ng asawa ko. Sabi niya, “Gusto ng mga tao, ikaw.” Ang sagot ko sa kaniya, “Over my dead body.”

    MEL STA. MARIA: Talaga? [chuckles]

    VP LENI: Hindi niya—in fairness to him—hindi niya pinilit. Hindi siya kumuha ng family member, nag-endorse siya ng iba. Bumalik siya in 2001. Tapos noong 2007—after his second term—kumandidato na siya for a third term. Every elections kasi, Dean, fina-file-an siya ng disqualification because of his citizenship. Natalo siya sa isang division ng COMELEC. So parang madi-disqualify. Ang feeling namin noon—oposisyon iyong asawa ko for a very long time—palagay namin, tutuluyan siya. Masasayang iyong mga boto for him kasi kandidato na siya. Pinilit niya akong mag-file ng certificate of candidacy just in case i-disqualify siya para hindi masayang iyong boto. Pinag-awayan namin iyon na napaka-grabe. Nag-file pa rin ako, pero iyon iyong… siguro iyon iyong only away namin bilang mag-asawa, na ako, grudgingly, parang iyong sa akin, ginawa ko na lang for the people na hindi masayang iyong kanilang boto. Buti na lang, hindi natapos iyong kaso laban sa kaniya so siya pa rin—until… until the last day of the campaign, hindi siya na-disqualify. So ako iyong… ako iyong nag-withdraw.

    Pero noong pagkatapos niya noong 2010, kinausap niya ulit ako. Sabi niya, tingin niya, ano, ripe na ako. Tapos para lang mag-provide lang transition at gusto iyon ng mga tao, baka gusto kong i-consider. Sinabi ko sa kaniya, “Iyon iyong hindi ko gagawin sa buong buhay ko.” Tapos noong nawala siya, nag-kandidato ako.

    Kaya parati kong ini-imagine, siguro kapag tinitingnan niya ako ngayon… kasi parati niya sa akin sinasabi dati na tingin niya, magiging mahusay akong pulitiko dahil sa instinct. Kasi kahit ako active sa pulitika, parang he depended on me a lot pagdating sa pulitika. Iyong pag-asikaso sa tao, ako iyon, so parati niyang sinasabi na, “Puwede ka, puwede ka.” So siguro ngayon, natatawa siya na, parang, “I told you so.”

    MEL STA. MARIA: Tama siya. [laughs] Madam VP, bilang huli na lang, ano iyong ating mensahe sa mga ating mga kababayan, sa ating mga kapatid, sa mga tagapanood natin ngayon, at sa mapapanood pa rin itong AVP na ito. Anong mensahe ninyo sa bayan?

    VP LENI: Iyong sa akin, mas pakiusap, Dean Mel. Iyong pakiusap na pagsusuporta natin ng mga kandidato, lalo na ngayong mag-e-eleksyon. Sana iyong kapakanan ng bayan iyong parating nasa isip, huwag iyong pansamantala. Kasi iyong parating… iyong parating nagiging basehan, “Sino ba iyong kakilala ko?” Sino ba iyong malalapitan ko kapag oras ng kagipitan? Kanino ako mas malakas?” Pero sana hindi ganoon kasi iyong future ng bayan natin nakasalalay sa atin, eh.

    Sana i-value iyong… sana bigyan natin ng halaga iyong boses natin. Iyong boses natin na baguhin kung ano iyong ayaw natin kasi marami tayong reklamo kung ano iyong ayaw natin sa pamahalaan. Pero hindi naman tayo willing to make the sacrifice. Iyong sa akin lang, sana… sana gamitin natin iyong kapangyarihan natin bilang botante. Sana huwag tayong magpapatalo sa—huwag tayong panghinaan ng loob na… Iyong parati ko kasing assurance, Dean, iyong mabuti naman iyong mananalo sa huli eh. Kahit bali-baligtarin natin iyong mundo, iyong totoo at iyong kabutihan iyong magwa-wagi.

    Kaya kung puwedeng… kung puwedeng maging daan na tayo para doon sa katotohanan at kabutihan, gawin na natin ngayon. Huwag iyong masyadong short-sighted iyong pagtingin natin. Marahil, may mga sinusuportahan tayong mga tao. Pero sana iyong sa pagsuporta, bukas din iyong dalawang mata natin. Kung tama naman—tingin ko, mas natutulungan pa nga kaming mga pulitiko.

    Kaya ako, Dean, I don’t mind criticisms. Kasi tingin ko, iyon iyong nagpapahusay sa amin, eh. Pero kapag ayaw kasi natin na pinupuna tayo, papaano tayo mag-i-improve? So iyong sa akin, sana ganoon; sana tingnan natin na naka-depend din sa atin iyong kinabukasan ng bayan natin. Hindi tayo beholden sa mga pulitiko. Nasa… nasa kamay natin iyong kinabukasan natin.

    MEL STA. MARIA: Maraming, maraming salamat—

    VP LENI: Maraming salamat, Dean.

    MEL STA. MARIA: —Vice President Leni Robredo. It was a pleasure, and again, I’d like to express our appreciation, your humility, your kindness, your generosity in coming to our humble little studio. Thank you, thank you very much.

    VP LENI: Maraming salamat.

    MEL STA. MARIA: At mga kaibigan, diyan na po nagtatapos ang ating special edition ng Interview with Dean Mel. At tatandaan po natin: ang kritiko ay nagmamahal rin sa ating Inang Bayan. Maraming salamat po.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Dec 10, 2018