This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of RMN with Georgina Hernandez

    Office of the Vice President

    27 June 2017

    Q: Magandang umaga po, good morning. Welcome po sa government in action, Ma’am. GEORGINA: Magandang umaga po, DK at Angel at sa lahat po ng ating mga tagapakinig.

    Q: Opo, Ms. Hernandez, kahapon po nagpunta po si Vice President Leni Robredo sa Marawi, kumusta po iyong pagbisita niya? GEORGINA: Tama ho. Kahapon po ang pangalawang pagbisita ni VP Leni Robredo sa mga internally-displaced persons, o iyong mga pamilyang lumikas mula sa Marawi City papunta sa iba’t-ibang mga bayan na labas po ng Marawi City. Ang unang-una iyong napuna ni VP Leni malaki iyong naging pag-improvement o iyong pagiging mas maayos kumpara doon sa una niyang pagpunta tungkol sa kalagayan ng mga evacuation center. Iyong napuntahan niya ay sa munisipyo ng Balo-i kung saan iyong lokal na pamahalaan ay talagang hands-on din na tumutulong doon sa mga evacuees kahit pa sila’y taga-Marawi City. At mayroong mga sistema, mayroong mga in-charge kada kuwarto para sa paglilinis, kahit papaano, kumpleto ngayon iyong mga kagamitan sa pagluluto, at sa pangangalaga ng kanilang kalusugan. Pero siyempre dahil tumatagal po iyong paghintay nila doon sa mga well ngayon, hindi natatapos iyong mga problema nila katulad ng pagkain. Kailangan tuluy-tuloy ang pagbibigay sa kanila ng pagkain, pero sinisumulan na rin natin ngayon, inilapit nila kay VP Leni, na kung pupuwede bigyan na rin sila ng mga pang-kabuhayan, at sa mga gamit na pangnegosyo para habang sila ay nandoon lamang sa mga evacuation center, o iyong mga holdings, puwede sila maging produktibo, meron silang puwedeng gawin sa kanila oras at pwede rin itong mapagkakitaan.

    Q: Ano po iyong posibleng maging tugon doon ng pangalawang pangulo sa hiniling na magkaroon sila ng pangkabuhayan doon? GEORGINA: Actually nasimulan na po kahapon, dahil naiparating na nila ito sa amin noong huling bumisita ang aming team, kasama po ako doon noong June 16 at 17, so mayroon na tayong mga sewing machine na ipinamahagi kahapon sa ilang mga home-based IDP, so siyempre tinitingnan muna natin kung may kakayahan na ba sila, kaalaman sila tungkol sa klaseng negosyong ito sa pananahi, so sila naman ay mananahi at mga weaver din sa Marawi so marunong sila, at nakuwento nila sa amin na maraming mga babaeng, kababaihan na naghahanap ng mga damit na nararapat sa pagdarasal, iyong mga tinatawag po nilang Mokra, iyon iyong kanilang tatahain, so siguradong may mga maghahanap at may mga bibili ng produkto nila kahit mga NGO, namimili po ng mga Mokra para ipamigay sa mga evacuees natin dito sa Iligan at sa iba pang mga karatig na bayan. Hindi lang naman po sa sewing machine, iyong mga nakausap naman po ni VP Leni kahapon, ang interesado sila at kaya nila ay iyong mga food processing at pag-gawa halimbawa ng mga Turmeric. Ito po ay pag-aaralan pa ho ng ating mga local na partner NGOs at makapagbibigay po ng tulong si VP Leni as soon as may rekomendasyon na po mula sa mga lokal partners po natin.

    Q: Ayan po sana iyong susunod kong tanong na kung posible po kaya na makahatak o makipag-ugnayan iyong ating pangalawang pangulo sa mga nais tumulong magturo, manahi o kung ano pa mang pwedeng ituro na pangkabuhayan sa mga apektadong biktIma sa Marawi? GEORGINA: Opo meron naman po tayong Facebook page sa Office of the Vice President at Leni Robredo, lahat po ng mga gustong magvolunteer or gustong magbigay ng tulong, puwede po kayong makipag-ugnayan sa amin doon sa mga Facebook page na iyon, Leni Robredo at Office of the Vice President. Pero ang pangangailangan ngayon syempre kung maaari na nandoon na sila malapit sa lugar na iyon, kasi para alam naman natin na iyong, mahirap iyong entry dahil may mga checkpoint, gusto natin na masiguro din iyong kalagayan ng ating mga volunteers at makakauwi sila sa kanilang mga bahay pagkatapos.

    Q: Ayan, tama ka diyan Ms. Georgina, at katulad po o kaugnay nga po niyan, gusto din po natin matutukan iyong long-term solutions, diba iyong pangmatagalang solutions, kasi itong mga bakwit na ito, pagbalik din nila sa kanilang mga tahanan, kung may babalikan pa sila, kasi nakikita naman natin sa mga larawan diba, sa mga video na talagang sirang-sira na ang kanilang mga tahanan, siyempre wala silang mga hanap-buhay. So aside from pagbibigay po ng mga gamit sa pagtahi, sa pag-gawa ng mga Turmeric, ano pa po iyong iba pa nating naiisip mula po sa OVP na para po sa long-term solution noong ating mga kababayan, iyong mga bakwit? GEORGINA: Iyong sa pangmatagalan naman po, kausap po ni VP Leni kahapon si Mayor Gandamra, ang mayor ng Marawi City pati na din po si ARMM Regional Vice Governor Lucman at siya rin po ang concurrent na DSWD Secretary ng ARMM. Mayroon na silang mga minunumungkahi na mga barangay sa Marawi City na hindi gaano tinamaan ng strike, ng mga bomba at baril, at na-declare na rin na safe, so mayroon silang mapag-uusapan ngayon doon sa kanilang lugar with the security team kung papayagan na bang makabalik iyong mga pamilya as soon as magkaroon ng go signal mula po sa ating mga local government, in partnership with the AFP, na makabalik na po iyong mga pamilya. Ang aming pong opisina ay aktibo pong makikibahagi para sa pangangailan nila sa pangkabuhayan at pangnegosyo dahil iyon talaga iyong mas kakailanganin nila para makabalik muli sa normal iyong kanilang buhay. Ipinakita din po sa amin ni Mayor Gandamra iyong kanyang proposed na site para sa temporary shelter para doon naman sa mga nasiraan ng bahay at iyong commitment po naman namin doon, kapag kakailangan ng dagdag na tulong, at mga materyales para sa bahay o kaya sa tubig, makapagset-up ng water system, iyan po ay under sa programa ng Angat Buhay na puwede pong maitulong ng aming opisina.

    Q: Maari po, anong programa isagawin ni Vice President Leni Robredo? Tanong po, kamusta po iyong budget? GEORGINA: Opo, iyong budget po, iyong sa mga relief operations na nagagamit po natin iyong budget ng Office of the Vice President pero napakaliit lamang, mga P3M iyong nagamit natin para sa mga food pack. Iyong iba dito, sa mga nabanggit ng mga assistance kanina, bigay po iyan ng mga private sector at ng mga NGO partner dito sa Office of the Vice President kasi kahit pa po kulang na kulang, maliit ang budget ng aming opisina, hindi po titigil si VP Leni sa pagtulong sa mga nangangailangan, lalong-lalo na iyong mga lumikas mula sa Marawi City kaya po maraming mga partners na kinakausap ng aming opisina para makipagugnayan po sa government through our office. Iyon amin pong opisina, dagdag lang iyong tulong na binibigay namin kasi alam naman natin na ang nakatutok talaga dito ay iyong mga local government, kasama po ng mga national government agencies katulad po ng DSWD, siyempre, at ang DOH. At nakausap din po naman sila ni VP Leni kahapon, nagkaroon po ng pagpupulong din with the National Emergency Response Cluster, na under po ito sa Office of Civil Defense, and NDRRMC, so sinigurado po ni VP Leni na lahat po ng dagdag na tulong ng aming opisina ay well-coordinated din po sa national government.

    Q: Buti na lang po, may nalalapitan si VP Leni sa mga private sector na makakatulong. Pero iyong Office of the Vice President, gumawa po ba ng hakbang kahit papaano madagdag pa ang iyong budget para marami pa kayong matulungan? GEORGINA: Opo, para po sa 2017, kasi alam naman natin na approved na iyong budget na iyan so hindi na madadagdagan, tinitignan nalang kung may iba pa kaming mga savings na puwedeng mairequest sa DBM kung puwedeng gamitin namin sa mga pagtulong sa mga nangangailangan. Hindi lang dito sa mga evacuees mula sa Marawi City, pero sa iba pang mga lugar ng Angat Buhay. Pero sa 2018, may proposal po talaga tayo na magkaroon ng funding para sa Angat Buhay para direktang makatulong po ang aming opisina gamit ang aming budget sa mga pamilya pong nangangailangan.

    Q: Opo. Miss Georgina, kasi iyong mga kababayan natin mga evacuees, ang problema nila maliban sa pagkain, sa hanapbuhay, sa tirahan, iyong mga bata, iyong mga kahit sino, na-trauma po sila. So mayroon po bang hakbang ang OVP para sa kanila? Para nang sa ganoon ay makalimot, or kung baga ma-stress debriefing iyong ating mga kababayan diyan sa Marawi? GEORGINA: Opo. Iyong aming opisina po, nagprovide ng donation ang DepEd at sa UNICEF. Maliit lang, P100K para sa mobilization po ng mga volunteers na nagko-conduct ng mga psychosocial sa mga kabataan pero iyong mga evacuation centers kasi sila iyong sama-sama na talaga, pero pinag-aaralan pa natin ngayon kung paano mas makakapagugnayan sa mga home base ng mga families or mga pamilya para magkaroon ng mga psychosocial hindi lang sa mga kabataan, pero pati sa lahat po. Mayroon tayong mga na-observe na nasuportahan natin is nakapag-conduct sila ng psychosocial debriefing, iyong mga iba art therapy, nagdrawing at naglalaro.

    Q: Iba-iba pala iyong mga approach dito. GEORGINA: Opo, depende rin kung ano iyong kakayahan at iyong kagustuhan ng mga bata. May mga nabisita po si VP Leni kahapon na mga bata, sa evacuation centers sa Balo-i na nagdrawing sila ng mga tao, tapos nilagay nila doon kung ano iyong ikinakatakutan nila, kung ano naman iyong mga mahahalagang bagay sa buhay nila, at kung ano iyong mga pangarap nila. So ito iyong bahagi sa pagtanggap sa kanilang sitwasyon, pero pagsisigurado na mayroon pa silang pag-asa sa buhay. So napaka-moving, medyo mabigat pero at the same time, nakakatuwang makita na iyong mga bata, kahit napakahirap ng pinagdadaanan nila, nananatili po silang nangangarap. Mayroong mga iba doon, gustong maging doktor, gusto maging guro, mayroong iba na—

    Q: May gusto bang maging sundalo, Miss Georgina? GEORGINA: May mga naglagay na gusto maging pulis, iyon po iyong nakita namin.

    Q: Pero po sa dalawang beses na pagbisita ninyo, kagaya ng nabanggit ninyo, kamusta po iyong napansin natin na pagbabago? Iyong kilos ba ng mga bata, ramdam ba nila na sila ay hindi nasa magandang sitwasyon sa mga oras na ito? GEORGINA: Opo. Natatakot iyong mga bata na baka raw hindi na nila makita iyong mga ibang mga tao na mahahalaga sa kanila, iyong mga kaklase nila, iyong mga iba nilang kapamilya dahil nagkahiwa-hiwalay na iyong ibang mga malalaking pamilya. Iyong mga iba naman na nakausap ni VP Leni kahapon, gusto nang mag-aral muli. Ang sinasabi nila, dapat nakapagsimula na silang mag-aral, pero dahil sa gulo ay hindi pa nga sila nakakapasok. Pero nakausap na po ni VP Leni iyong local na DepEd doon, ang sabi naman mayroon ngang mga temporary learning spaces at ang kulang nila doon iyong mga upuan. So nagpadala po ang aming opisina, in partnership with Uratex and Negrense Volunteers for Change ng 3,000 chairs. So ang sunod na hinihingi ng mga bata ay mga school bags, so iyon po iyong inaayos natin ngayon para makapagpadala ng school bags na may school supplies sa kanila.

    Q: Miss Georgina, sabi ninyo nga po dalawang beses bumisita ang ating Pangalawang Pangulo diyan sa mga biktima po diyan sa Marawi. Mayroon pa po ba tayong maasahang third time, fourth time na makakapagbisita pa po? GEORGINA: Opo, kasi ang talagang pangako ni VP Leni sa lahat ng mga nakakausap, lalong-lalo na iyong mga nakausap niya kahapon, na hindi iyon iyong huli nilang pag-uusap, at tuloy-tuloy iyong magiging ugnayan ng aming opisina sa kanila, at kahit po dalawang beses palang si VP Leni nandoon, may team po kami mula sa aming opisina na nakatutuok po talaga mga sa relief and rehabilitation efforts dito po sa Iligan, sa Balo-i, sa Saguiaran at sa iba pang mga towns. Kahit iyong medyo malalayo, nakapagpadala po ng tulong iyong aming opisina, sa Bukidnon at sa mga iba pang mga malalayong bayan ng Lanao del Norte. So makakaasa po kayo na hindi po ito last time, na dalawang beses lang pero patuloy po habang kinakailangan at iyong aming programa ng Angat Buhay nationwide naman ito. Hindi naman natin napapabayaan, mayroon pa rin kaming mga volunteers, mga partners, mga staff na nakatutok doon sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa anti-poverty program ni VP Leni sa negosyo at trabaho.

    Q: Partner, yung salita kasi na hindi pa ito huli at magkikita pa tayo, doon makakalma iyong loob ng mga biktima diyan sa Marawi kasi alam nila kahit papaano may masasandalan sila. May nag-aalaga sa kanila diba? GEORGINA: Iyon yoong binabanggit ng mga nakausap nila kahapon na tuwang-tuwa, iyong iba umiiyak, na kahit papaano nabisita sila ng isang opisyal ng pamahalaan na nakakausap din nila at iyong paulit-ulit po talaga nilang tanong ay kung kailan sila makakabalik at iyong takot nila na baka wala nga silang mabalikan na mga bahay at iyon naman po ay wala na talagang masagot iyong ating pangalawang pangulo kung hindi makiisa na lang sa kanila at bigyan sila ng lakas ng loob.

    Q: Paningurado, magkasundo kumbaga, iisang opinyon iyong ating pangulo at saka pangalawang pangulo. Ang sabi kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong gulo sa Marawi, ibabalik niya sa normal. Kumbaga talagang isasaayos niya itong Marawi City. Pangako niya yan at siyempre supporta po diyan iyong Pangalawang Pangulo. GEORGINA: Opo. Tama ho yan, at yun nga ang panawagan talaga ni VP Leni sa ngayon, huwag na muna tayong mag turuan kung sinong may pagkukulang, kung sinong may mali, at ang kinakailangan ngayon ay lalong mag-kaisa dahil ito iyong magiging paraan para magkaroon muli ng kaayusan at kapayapaan sa Mindanao.

    Q: Miss Georgina, tumatanggap po ba inyong opisina ng mga donasyon doon sa mga nakikinig sa atin na gustong mag-donate, mag bahagi ng kanilang mga sobra, mga pagkain, mga sleeping materials diyaan, tumatanggap po ba? At kung tumatanggap po, saan po puwede silang makipag ugnayan? GEORGINA: Opo. Mayroon pong mga detalye sa aming Facebok page sa Office of the Vice President at Leni Robredo page, nasa photo section po may mga infographics o information kami doon. Ang tumatanggap po na partner organization namin ay iyong Kaya Natin na non-government organization at sila iyong nakikipag-unayan sa aming opisina para sa pag distribute nitong mga donations na ito. Kapag in-kind donations naman po, puwede nating idiretso sa mga partners natin sa mga LGUs at NGOs in coordination with us. Iyon po, puwede rin po silang mag text sa in-charge sa aming relief operations, ang pangalan po niya ay si Mr. Raffy Magno at ang number po niya ay 09985968820.

    Q: 09985968820. Iyan, at kung iyong mga binabanggit po natin na nalilikom nating pondo, donasyon na ipagkakaloob sa mga biktima ng Marawi, ito po ay nakalaan lamang doon sa mga pamilya na apektado o mababahagian din po iyong mga sundalo natin na nasugatan, nabiktima, kasi partner iyong iba ganoon diba? Mayroong para sa mga biktima, mayroong para sa mga militar, sa mga sundalo, may mga sa mga estudyante, at mayroon din sa mga pamilya po. Paano po iyon? GEORGINA: Opo. Mayroon din pong naibigay na tulong iyong Office of the Vice President gamit po ang aming budget na, para doon sa mga pamilya nga mga sundalo na namatayan, at doon sa mga sundalo ng mga nasugatan. Mayroon din po tayong tulong na naibigay doon. Pagkatapos, iyong isang nalilimutan, iyong Bureau of Fire Protection o BFP nasa front line din sa pag re-rescue. Nag request sila sa amin ng mga hygiene kits at iba pang mga pangangailangan nila. Kasama din po iyon, hindi lang ito para sa mga sibilyan, pero para rin sa mga uniform personnel at mga kawani rin ng gobyerno na nasa front line.

    Q: Ang hirap nga din pala ng sitwasyon noon partner, hindi masyado nababanggit, yung mga Bureau of Fire Protection, nag-aapula sila ng sunog. Nasa bingit din ng ano iyong kanilang mga buhay, hindi ba? Hindi lang apoy ang iiwasan nila, pati bala iiwasan din nila. GEORGINA: Sila rin po kasi iyong in-charge sa rescue.

    Q: Noong nagpunta po kayo kahapon diyan, June 27.. GEORGINA: 26 po.

    Q: Oo, 26. Ayan po iyong kasagsagan eh ng Eid al Fitr, pagtatapos ng Ramadan. Kamusta po iyong pagdiriwang ng taga Marawi City na kapatid nating Muslim? GEORGINA: Siyempre, noong Linggo talaga sila nag kuwan, dahil napa-aga iyong parang fighting noong bagong buwan, pero siyempre hanggang kahapon nagse-celebrate pa rin sila at kahit papaano ay nagdiwang sila pero sabi nila ito iyong pinaka malungkot na Eid al Fitr sa kanilang buhay at nauunawaan naman natin iyon. Pero patuloy pa rin sila na umaasa.

    Q: Binabanggit pa dati partner, ang sasarap daw ng kinakain nila kasi parang Pasko yan. Sa ating Kristiyano, parang Pasko. May mga bagong damit, may masasarap na pagkain, pero noong pagpunta nila diyan, ano po ang nakain nila? GEORGINA: May mga pinamahagi po iyong DSWD na tinatawag na Ramadan Pack at medyo mas espesyal ng kaunti. May mga fruit cocktail at may mga bihon. Hindi iyong mga usual na food packs iyong binigay sa mga pamilya. Para sa paghahanda, para sa Eid al Fitr. May special food pack silang ibinigay.

    Q: Miss Georgina huling tanong na lang po, kasi sa July 24 ay ikalawang SONA po ng ating Pangulo, so ano pong masasabi, assessment po ng ating Pangalawang Pangulo dito po sa unang taon ng Duterte Administration? GEORGINA: Siyempre maririnig natin iyong mismong magiging pahayag ni VP Leni sa araw na iyon, hindi pa rin naman po natin naririnig iyong kabuuan noong ulat ng ating Pangulo. Pero si VP Leni po umaasa na lahat ng kanyang mga napupuna na mga isyu ay sana matugonan. Kasama diyan iyong mga issues sa mga Human Rights Violation, itong mga nangyayaring gulo. Magkaroon ng kasagutan, kasama po ng mga lahat ng mga ordinaryong Pilipino, naghahanap ng kasagutan sa kung ano po iyong mga magiging tugon sa mga problema ng ating lipunan ngayon.

    Q: Huling tanong na lang po sa part mo Ms. Hernandez ano, iyong may mga lumalabas na ulat, binabanggit din po ng ilang militanteng grupo na may balak daw po iyong mga militar na gahasain iyong ilang pamilya na naipit diyan sa (mga kababaihan) conflict area na ayaw lumikas diyaan sa nasabing lugar. May natanggap po bang sumbong? Verified po ba itong report na ito, Ms. Georgina? May nag sumbong ba kay Pangalawang Pangulo natin, sa Pangalawang Pangulo? GEORGINA: Wala naman hong na nakarating sa amin na balita at umaasa tayong hindi totoo iyong bagay na iyon pero kung may katotohanan o iba pang mga bagay na kahit hindi ganoon mismo, para kay VP Leni maganda na ma-document, mai-report sa mga NGOs at mga LGUs para hindi mangyari at o kaya kung may mga masamang nangyayari ay dapat po ay ito ay maibigay natin sa mga local partners, local NGOs, at local LGUs.

    Q: Pagka ganyan kasi, lumabas lang iyong mga ulat na iyon nang di alam kung saan nanggaling na binabanggit din ng mga ilang militanteng grupo, pero kapag nandiyan naman kasi iyong Pangalawang Pangulo natin na may pagkakataon silang mag sumbong, alam nila na may masasandalan sila. Lalo na babae rin ang Pangalawang Pangulo, kahit papaano magandang balita rin kasi, wala namang lumapit na may banta ng panggagahasa sa ilang biktima diyan sa Marawi City. Marmaing salamat po. GEORGINA: Maraming salamat po. Maraming salamat po sa lahat ng sumusubaybay. Patuloy tayo na magdasal at magka-isa para sa kapayapaan sa Mindanao.

    -30-

    Posted in Transcripts on Jun 27, 2017