This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of Radyo ng Bayan – Iloilo with Georgina Hernandez

    Office of the Vice President

    20 June 2017

    [On VP Leni’s activity in Relief Ops]

    GEORGINA: Opo, alam ninyo po, si VP Leni, simula noong pumutok iyong gulo dito po sa Marawi City, talagang araw-araw niyang mino-monitor at tinitingnan kung ano po iyong kaniyang maitutulong kaya po less than a week after nangyari iyong gulo, noong May 29, personal po siyang bumisita doon po sa Iligan para pumunta sa mga evacuation center at nakipagpulong din po siya sa mga local government units.

    At sa panahon na iyon, nakapagdala rin po kami ng 8 thousand food packs and non-food items para po sa mga internally displaced persons. Mag-iisang buwan na rin po, almost 1 month simula noong nagkaroon ng mga evacuees at nagconvene po ang Office of the Vice President ng meeting kasama po ng mga private sector partners para magkaisa at magtulung-tulong dito sa pagpasok ng early recovery at rehabilitation phase para sa mga residente ng Marawi na naapektuhan.

    Maganda ho iyong tanong ninyo, actually ang rason po ay napakalaki po kasi ng problema at hindi kakayanin ng iisang ahensiya lang o kahit ng buong goberyno at kailangan magtulong-tulong, pati ang mga local at international NGOs, pati po ng mga private sector at isa rin po kami sa mga players doon.

    Kung baga, dagdag po iyong tulong, augmentation doon sa ibinibigay ng mga local government units at binibigay ng DSWD. Alam naman natin ang DSWD ang naka-pronto dito at napakalaki po ng binibigay nila, pero ganoon pa man, mayroon pa rin kaming mga natatanggap na mga requests mula po direkta sa ilang mga evacuees.

    Nag-tetext po sila sa amin at ilang mga local government units na humihingi rin ng tulong at rumeresponde po ang aming opisina gamit po ang maliit naming pondo, at pati na rin po ilan sa mga donation na natatanggap kaya po noong Friday, June 16 sa imbitasyon po ng Marawi City governors at Marawi City mayor, si Mayor Gandamra, tayo po ay pumunta rin sa Marawi City para makita iyong kanilang plano for temporary shelter at sinabi po namin kung ano po iyong hindi nila kakayanin na i-cover sa pagbuo ng mga temporary shelter ay nandito po ang aming opisina para tulungan din sila.

    Pati halimbawa po sa pagbukas ng eskuwela, alam natin na hindi lahat ng bata ay makakabalik sa kanilang mga paaralan, kaya mayroon pong mga temporary learning spaces na binuo ang UNICEF at ang DepEd. Pero tulad ng sabi ko, iyong kulang iyon po iyong dinadagdag ng opisina namin so iyong kulang po nila ay iyong budget para sa mga upuan. Kaya po iyong mga chairs para dito sa mga temporary learning spaces ay nanggaling sa aming opisina at ganoon po iyong aming ginagawa, iyong kung ano po iyong hindi matutugunan ng mga ahensiya at ng mga lokal na pamahalaan, iyon po ang aming binibigay.

    Alam ninyo po, iyong Angat Buhay, isa po iyan ang Lanao del Sur at Marawi City sa aming area. Noon pong March nagpunta kami para magbigay ng livelihood assistance sa mga kababaihan na involved sa paghahabi.

    Pagkatapos naman, noong April, mayroong grupo mula sa aming opisina, mga staff po namin na nagpunta para magbigay ng mga farm input support at tsaka po ng mga kalabaw. Nakita namin noong pagpunta, nandoon pa iyong mga tanim ng mga gulay, pero siyempre nagsilikas na iyong mga pamilya at mukhang kakailanganin nilang ulit na simulan pagkatapos.

    Iyon iyong ilan sa mga nakakalungkot na mga bagay kasi nakikita natin na napakataas talaga ng kahirapan iyong poverty incidence dito sa Lanao del Sur, pero at nagsisimula silang bumangon noong panahon na iyon para makaalis sa kahirapan pero mukhang magsisimula pa muli, back to zero kung baga, pag sila ay nakapasok na ulit. Iyon pong nakatanggap ng tulong sa paghahabi, na-meet po namin sila noong Sabado. Mayroon naman kasi kaming cell phone number sa kanila, nag-text sila sa amin.

    Una, nanghihingi ng tulong sa pagkain dahil wala pa silang natatanggap so nabigyan na namin sila agad noong pang 3 days after nilang mag-evacuate, at ang hinihingi nila ngayon sa amin mga sewing machines. Sabi nila, mahirap kung maghabi dahil napaka-labor intensive, at malaki iyong space na makukuha at wala naman silang enough space. Pero kung sila po ay magkaroon ng sewing machines, at ilang mga raw materials, iyong mga tela, kasi kinakailangan po nila iyong mga mock–iyon ang mga damit ng mga babaeing Muslim, sila po ay nagdadasal at iyong ilan sa kanila hindi nakapagdala ng ganito–sa katunayan, marami sa kanila ang hindi nakapagdala nito.

    So iyon po iyong tulong, iyong livelihood assistance para sa kanila, kahit po sila ay mga IDPs, actually kung ikwento ko sa inyo iyong scenario, karamihan po sa kanila ay nasa bahay, wala po sila sa mga evacuation center, iyong mga tipikal na eskuwelahan, dahil kultura po sa Maranaw iyong makitira sa kanilang mga kapamilya kaysa po pumunta sa evacuation center.

    Pero napakahirap na rin po ng situwasyon na yan kasi sa isang bahay may 8 hanggang 10 pamilya at nahihirapan na rin po iyong host family, kaya iyong tulong po para sa mga hygiene kits at sa mga food items, iyong mga malong at iba pang pangangailan nila ay patuloy natin na tinutugunan.

    [Angat Buhay still on-going nationwide despite focus on Marawi relief] GEORGINA: Opo, alam niyo po minsan nakakatanggap kami ng mga message na baka naman masyado ng nakatutok iyong opisina namin sa mga relief operations sa Marawi City at nakalimutan na namin iyong ibang mga bahagi ng bansa. Sa totoo lang, iyong ating programang Angat Buhay nationwide po ito, at tuloy-tuloy pa rin po iyong mga programa noong kami ay nasa Marawi.

    Last week, iyong aming chief of staff na si Under Secretary Philip Dy ay nasa Hinoba-an, Negros Occidental para po mag turn over ng mga classrooms in partnership po with Negrense Volunteers for Change and Negros Women for Tomorrow Foundation.

    May mga on-going projects tayo sa Luzon. Diyan naman po Lambunao, Iloilo mayroon pong play garden construction in partnership with Feed the Hungry. At may on-going po na feeding program po para sa 731 severely malnourished children.

    Batay po itong 731, napili po sila batay sa datos ng ating local government unit at ang estimated value po nito ay 2.5 million dahil talagang araw-araw ito hanggang sila ay makaalis mula sa danger zone noong pagiging severely malnourished.

    Isa po ito sa pinakamahalagang adbokasiya para kay VP Leni, iyong issue ng pagiging malnourished or iyong stunting dahil napakaraming bata, 3.4 million na mga bata sa buong bansa ay stunted or severely malnourished.

    Maliban po diyan, mayroon tayong tulong pang edukasyon in partnership with Sinerhiya Foundation, mga 5,000 pieces of workbooks and handbooks para sa mga remedial program ng mga kabataan sa Lambunao, Ilo-ilo. At mayroong din pong mga sa San Remigio, Cebu mga Fishery projects, water sanitation projects at mga assistive devices para sa mga health, iyong mga wheel chairs.

    Tuloy tuloy po iyong mga programa natin all throughout Luzon, Visayas, Mindanao sa ilalim po ng anti-poverty program ng ating pangalawang pangulo na Angat Buhay.

    [On Electoral Protest of BBM] GEORGINA: Opo, iyong electoral protest on-going naman po. Alam natin iyong pinakahuli talagang update diyan iyong pinagbayad iyong parehong kampo ng deposito para umusad iyong kaso.

    Ang preliminary hearing po ay nai-schedule sa July 11 at naniniwala tayo na magiging maayos itong prosesong mangyayari dahil ang aming kampo po ay naniniwala na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin po nagpapakita ng malinaw na ebidensya ang si Mr. Marcos, si BBM.

    Tanging mga manufactured evidence lamang ang lumalabas at mga alegasyon na walang basehan. Ganoon pa man ang aming kampo rin ay may nakita rin ng mga iregularidad na pumapabor kay Mr. Marcos. Itong mga bagay na to ay umaasa kaming mapag-uusapan doon sa preliminary hearing sa July 11.

    [On contacting OVP for assistance] GEORGINA: Opo, sa amin naman po nagpapasalamat po tayo sa pagkakataon na makapagbahagi kung ano iyong ginagawa ng ating pangalawang pangulo. Hindi po lahat ay nakakaalam na kahit na po limitado iyong kakayahan niya, limitado iyong pondo ng kanyang opisina, ay ginagawa po niya ang lahat para po matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bahagi po ng bansa. Kung mayroon po na nais maiparating sa amin, puwede po kayong pumunta sa Facebook page ni VP Leni Robredo, iyong Leni Robredo Facebook page. At doon po ay tutugunan po namin ang inyong mga tanong at kung may mga suggestions din po kayo. Iyon lamang po.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jun 20, 2017