This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview at Project Pearls

    12 January 2017

    Project Pearls Activity Center, Helping Land Community, Brgy. 105, Tondo

    Q: Ano pong mayroon dito? Can you tell us about this project/visit?

    VP Leni: Itong Helping Land kasi parang isa siya sa mga adopted na mga communities ng Project Pearls. Ang Project Pearls ay isang NGO na tumutulong sa mga mahihirap.

    Nakilala namin sila sa Bocaue, Bulacan. Pero kinuwento nila na nandito din sila kaya nag-request kami kung puwede kaming makabisita. Ang programa ng Project Pearls, araw-araw nagpapakain sila ng mga bata. Mga 200-300 children ang pinapakain nila araw-araw.

    Ito ang mga batang pumapasok sa eskuwelahan na walang mga laman ang tiyan. Aside from that nagfi-feeding program din sila sa mga malnourished na mga bata. Mayroon din silang literacy, pinakita din nila kanina na nag-set-up na sila ng clinic.

    Nag-usap na kami last month na makikipag-partner na kami with them. Titingnan kung paano kami makakatulong. Iyong pagpasok ko dito, parang sobrang daming tulong na kailangan ng community.

    Nag-usap na kami ni Kapitana. Iyong pabahay, ang aking proposal sana kasi ang may-ari ng lupa NHA lang naman. Ang proposal namin sa NHA parang ibigay na lang ang lupa sa kanila para magawan na ng permanent dwellings.

    Ang isa pang problema nila ay tubig. Bumibili sila ng tubig araw-araw kaya nangako din tayo na papakiusapan natin ang Maynilad para pumunta para maghanap ng permanenteng solusyon.

    Q: Pakikuwento po kung ano nangyari kahapon: Naimbita po ba kayo?

    VP Leni: Ang sabi sa akin, may dumating daw na e-mail, December 28. Actually, noong nasa Bicol ako at umiikot ako sa mga nasalanta ng bagyo. Tumawag sa akin ang aking Chief of Staff, sinasabi niya na mayroon tayong imbitasyon, mag-aattend ka ba? Sabi ko sige, kung inimbitahan tayo, mag-aattend tayo.

    Kaya lang noong January 4, parang tinext ata iyong Office namin na parang disinvited na. Ang dahilan ata limited seats.

    Ang sa akin naman ayaw ko na kasing palakihin. Para sa akin, hindi naman big deal kung iimbitahan ako o hindi. Nakakawalang gana na lang doon iyong manner kung paano ginagawa ang mga bagay.

    Kasi kung galit sa akin, galit sa akin. Pero sana bigyan naman nang kaunting respeto ang opisina. Pero ang sa akin, okay naman iyon.

    Wala na din tayong magagawa, diretso na ang trabaho. Ayaw ko nang palakihin.

    Q: Ma’am umasa po ba kayo na magiging okay na sana ang relationship, given na na-imbitahan pa po kayo?

    VP Leni: Parati naman tayong umaasa. Parati naman tayong umaasa sa kapakanan ng ating mga kababayan kasi tingin ko naman makakabuti para sa lahat kung ang Pangulo at Pangalawang Pangulo sana nagkakasundo.

    Q: We started the year again with a narco list and a warning na we’ll have mayors killed. Do you think it’s a right way to start a year, to make a leaders feel na you really have to shape up or else?

    VP Leni: Ang sa akin kasi okay na kausapin ang mga mayors, hingin ang kanilang tulong sa isang malaking kampanya, gaya nito, kampanya laban sa droga. Okay ang intensyon na yayain ang mga mayors, pero ang pananakot na papatayin, tingin ko kahit sinoman magsabi noon, kahit ba hindi pangulo pero lalo na kung pangulo, hindi tama.

    Kasi ang pinapairal natin sa ating bansa iyong rule of law. Kapag nag-threaten ka na papatay, ano ang mensaheng binibigay? So at whatever time of the year, siguro naka-aggravate pa kasi new year ngayon, umaasa tayo di ba na parang may bagong pag-asa sana. Parang hindi din magandang simula.

    Q: Survey numbers, magkakaibang interpretation pero may continuous slide. How do you look at the numbers?

    VP Leni: Ako iyong sa akin, kasi kung titingnan mo hindi lang ako ang bumaba, lahat kami bumaba. Kahit si Presidente bumaba. Halos nasa lahat ng nasa gobyerno bumaba. Ang interpretation ng karamihan, parang trend talaga siya. Kahit noong mga past administrations.

    Pero ang akin kasi whether trend iyon o hindi, kailangan makinig kami. Kung bumaba, ano ba ang dahilan bakit bumaba?

    Ano ba ang hindi nagugustuhan? Ano ba ang hindi tamang ginagawa?

    Kasi iyon naman ang dahilan ng surveys. Ang dahilan ng surveys hindi lang pagtingin sa popularity, pero mas pagtingin sa dahilan na ano ba iyong tama mong ginagawa at hindi mo tamang ginagawa.

    Q: Ang number ba nakakalimit ba iyon or parang na-momove back ba ang pagiging opposition? Or at least, a critical voice in the administration?

    VP Leni: Sa akin, on a personal basis hindi. Kasi ang pagiging vocal naman natin sa ating opposition, sa policies ng administrasyon, ang basis noon ay ang paniniwala natin kasi maraming pagkakataon sa buhay ng isang public official na kailangan mong gumawa ng mga bagay na hindi popular pero kailangan mong gawin.

    Gaya noong sa akin, alam natin na ang pangulo natin ay very popular anything na sabihin ko na salungat sa kanyang paniniwala can cause me my popularity. Pero it does not mean na hindi ko dapat ito sinasabi kasi sa tingin ko obligasyon ko na sabihin kung ano ang mga saloobin ko sa mga bagay whether in favor iyan o hindi sa ating pangulo.

    Secondary lang ang popularity dito mas gusto kong tingnan iyong numero na basehan kung ano ba ang ginagagawa nating tama o mali.

    And I think iyong pagboboses natin laban sa extrajudicial killings, death penalty parang worth na isugal kaysa sa hindi kami magsalita dahil ayaw naming maapektuhan ang aming popularity.

    Q: Ngayong January po ba tuloy ang meeting ng Liberal Party?

    VP LENI: Wala pa akong balita. Alam ko kahapon nagkaroon ng ManCom ang Liberal Party pero hindi naman kasi ako kasali sa ManComm. Sina Senator Kiko pero mukhang iyon ang pinag-usapan. Wala pa akong balita pero mukhang ang pinag-usapan ay ang schedule ng mga gagawin.

    Q: …

    VP LENI: Gusto kong pakinggan din iyong mga sinasabing hindi maganda kasi pangit naman kung hindi tayo makikinig. Pero kailangang piliin din kung ano ang dapat pakinggan.

    Kasi kung papatulan din natin iyong lahat, baka hindi ko na magawa iyong mga kailangang gawin. Sa akin naman sinusubukan ko na ang focus natin hindi maalis sa mga kailangang gawin at the same time pinapakinggan pa rin kung ano ang sinasabi ng mga kababayan.

    Obviously may mga trolls ngayon so ang mga taong walang gustong gawin kundi manira, huwag mo na lang pakinggan. May mga tao din naman na may tamang sasabihin sa iyon ang dapat pakinggan.

    Q: …

    VP LENI: Ako ok lang sa akin. Wala naman akong magagawa dahil gaya ng sabi nila hawak naman nila kung sino ang imbitado o hindi. Ang sa akin hindi naman iyon sa pag-imbita, iyong manner lang parang… basta… wala namang… pero para sabihing binabawi ang imbitasyon dahil wala ng upuan parang nakakatawa.

    Q: Focus pa rin po kayo…

    VP LENI: Oo ayaw ko na palakihin pa.

    Posted in Transcripts on Jan 12, 2017