This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview at the OVP’s Brigada Eskwela 2017 Initiative

    16 May 2017

    Balara Elementary School, Quezon City, 16 May 2017

    Q: Good morning po VP, kumusta po iyong Brigada Eskwela? VP LENI: Maayos naman, mayroong in-assign sa amin na apat na classroom na ayusin, hindi pa siya tapos ngayon pero tingin ko kasi, iyong Brigada Eskwela, dapat hikayatin iyong lahat ng nagpa-participate kasi isa itong community activity na hindi ma-e-enjoy ng magkakasama pero parang pinapaalala na lahat tayo may stake sa paaralan sa ating community. Kaya ako naman mula noon, mayor pa asawa ko at wala pa ako sa pulitika, hanggang naging congresswoman ako, hanggang ngayon, talagang I make it a point na sumasali sa Brigada Eskwela.

    Q: Ma’am bakit po Balara Elemetary School ang napili ninyo? VP LENI: Gusto po namin isang paaralan sa Quezon City kasi iyong opisina namin nasa Quezon City. Naghanap kami ng paaralan na nangangailangan ng tulong. Isa po iyong Balara Elemetary School sa mga sinuggest sa amin. Ang isang striking samin, napakataas ng severely wasted na mga bata dito, more than 800 na mga bata. Nakita namin na itong Brigada Eskwela puwedeng panimula ng partnership with the school kasi iyong malnutrition, iyong pagsugpo nito isa sa mga programang tinututukan ng aming opisina.

    Q: Ma’am maliban sa beautification, pag-ayos, paglinis ano pa ang kailangan talaga ng eskwelahan, iyong sustainable, iyong tuloy-tuloy hanggang sa matapos ang school year? VP LENI: Iyong sa akin, iyong nutrition ng mga bata. Maraming pumapasok na walang laman iyong tiyan, o kahit may laman iyong tiyan hindi tama iyong pagkain na kinakain. Ito ang silent killer talaga sa atin ngayon. Hindi lang iyong wasting, pati iyong stunting. Iyong stunting, siya iyong pinakamahirap sugpuin, kasi at least iyong wasting makikita natin ang papayat ng mga bata. Pero iyong stunting, parang akala natin na bansot lang, pero iyong pagkabansot, pagpapakita ng grabeng malnutrition. Iyong pinakaproblema dito, after the age of 5 irreversible na siya. Kaya gusto sana namin na kahit papaano, makatulong.

    Q: Ma’am regarding po sa pag-junk po ng House Committee on Justice ng impeachment complaint kay Pangulong Duterte, plano pong iakyat sa ICC ni Magdalo Representative ni Gary Alejano po. Reaction niyo po? VP LENI: Tingin ko hindi natin mahihinto kahit sino na gusto mag-avail ng mga prosesong available. Pero siyempre sa atin, bilang bansa, mas gusto natin na ni-reresolve natin iyong mga problema on our own. Isa naman tayong sovereign na bansa kaya mahalaga din na ipakita ng ating institusyon na hindi niya isinasantabi iyong mga reklamo ng sambayanan para hindi kinakailangan ng maghahanap ng recourse sa iba. Ito sa atin, iyon nga, sinasabi ko na iyong ideal nag-wo-work iyong institutions natin at umaasa tayo at nagtititwala na iyong mga reklamo ng bawat isa natutugunan ng institusyon.

    Q: Ma’am so you hope the same result na iyong impeachment laban sa inyo maibabasura rin? VP LENI: Iyong sa atin kasi, hindi nabigyan ng pagkakataon na maipahayag iyong, hindi nabigyan ng pagkakataon na marinig namin kung mayroong basehan iyong reklamo. Iyong sa atin lang, iyong mga reklamo na idudulog sa korte, sa DOJ, sa fiscal, parang, mabigyan siya ng resolusyon na maayos para hindi kinakailangan na naghihingi tayo ng tulong sa iba.

    Q: Ma’am last na, regarding doon Ma’am, do you think it will prosper, Ma’am? Sa ICC? VP LENI: Parang, hindi ko alam kung mag-po-prosper pero iyong alam ko isa sa mga requirements sa ICC parang sana siya iyong last recourse. Sana siya iyong last recourse, kailangang ma-prove na hindi nakahanap ng recourse sa atin.

    Posted in Transcripts on May 15, 2017