This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez of Saksi sa Dobol B on DZBB Super Radyo Host: Mike Enriquez

    Interview with OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez of Saksi sa Dobol B on DZBB Super Radyo Host: Mike Enriquez

    MIKE ENRIQUEZ: Sa linya po ng telepono natin ngayon sa ganap po na 8:46 si Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Bise Presidente Leni Robredo. Attorney Gutierrez, magandang umaga po! Si Mike Enriquez po ito.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga, Sir Mike, at magandang umaga sa lahat ng ating mga tagapakinig.

    MIKE ENRIQUEZ: Siguro alam niyo na iyong mungkahi ni Senador Joel Villanueva, ano, na magsanib si Presidente at Bise Presidente sa isang infomercial na maghihikayat sa mga Pilipino na magpabakuna at huwag nang pumili ng kung ano mang bakuna na ituturok sa kanila. So ano pong reaksyon niyo diyan sa panukalang iyan, Attorney?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Dati pa namang bukas si VP Leni, Sir Mike, sa anumang hakbang na kailangang gawin para lalong maengganyo ang ating mga kababayan na magpabakuna. Sa katotohanan nga noong nakaraang Pebrero, naglabas na siya ng isang online infomercial na dini-discuss niya iyong iba’t ibang mga katanungan ng ating mga kababayan tungkol sa bakuna. So kung talagang may magri-reach out sa kaniya at magkasama sila ni Pangulong Duterte para magkaroon ng isang infomercial para lalong maengganyo ang ating mga kababayan na magpabakuna sa lalong madaling panahon, bukas po siya diyan.

    MIKE ENRIQUEZ: Wala kayong kondisyones, Attorney?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Wala naman, Sir Mike, dahil sa panahon ngayon dapat talaga gagawin natin ang kailangan, magtulungan para lalong maitulak natin ang ating bansa lampas nitong pandemyang mahigit isang taon na nating binubuno. So sa panahon na ito, dapat isantabi muna iyong pulitika, isantabi muna iyong agam-agam, at magtulungan tayo.

    MIKE ENRIQUEZ: Walang banggitan ng tatak sa infomercial na ito.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ano po?

     

    MIKE ENRIQUEZ: Walang banggitan ng tatak o brand ng bakuna sa infomercial na ito. Ang gagawin lang nila, isa, hihikayatin nila ang mga Pilipino na magpabakuna at pangalawa, hihikayatin nila ang mga Pilipino na huwag nang pipili ng bakuna.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh iyan naman po ang sinasabi ng ating mga eksperto at doktor, hindi ba. Ang pinakamagandang bakuna iyong bakuna na naka-iniksyon sa iyo. At sa kasalukuyan, kahit ano pang brand iyan, mas mabuti iyan kaysa wala. So kung anong mayroon, dapat iyon talaga ang ating ginagamit.

     

    MIKE ENRIQUEZ: Oh sige, malinaw: so sinasabi niyo, kung may ika nga magri-reach out sa panig ninyo, sa panig po—sa kampo po ni Bise Presidente Robredo, papayag po siya na lumabas sa isang infomercial kasama si Presidente Duterte na maghihikayat sa mga Pilipino na magpabakuna at huwag nang pumili ng tatak ng bakuna na ituturok sa kanila. Malinaw ba iyon? Tama ba iyong intindi namin? Naninigurado lang po kami. Alam niyo naman lalo na sa social media, baka masingitan na naman tayo ng mga kung ano-ano diyan, eh, so tama po ba iyong pagkakaintindi namin diyan?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Malinaw po iyon, Sir Mike. Kahit kailan naman sa buong termino ni VP Leni, tuwing siya naman ay nilapitan, hiningi na magsilbi rito, maglingkod dito, sa kahit anong kapasidad, bukas na bukas po siya. Lalo na po ngayon sa panahon ng pandemya, na talaga namang ginagawa po namin ang lahat para makatulong sa ating mga kababayan, at kasama po diyan iyong pagsasanib-puwersa para maengganyo ang ating mga kababayan na magpabakuna sa lalong madaling panahon, eh bukas na bukas po kami diyan.

     

    MIKE ENRIQUEZ: Hindi po ito pulitika, Attorney, ha?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama po. Hindi po. Ito po ay para po sa pagtugon sa pandemya, para po sa pag-engganyo sa ating mga kababayan na magpabakuna, para po sa kabutihan ng ating bayan.

     

    MIKE ENRIQUEZ: Sige po, malinaw. Attorney, nagpapasalamat po kami ha at sinagot niyo iyong mga tanong namin at binigay niyo iyong panig ninyo tungkol dito sa mungkahing ito ni Senator Joel Villanueva. Salamat, Attorney, hanggang sa uulitin. Magandang umaga sa inyo at kay Bise Presidente!

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Maraming salamat din, Sir Mike, at magandang umaga sa inyo!

     

    MIKE ENRIQUEZ: Good morning.

     

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on May 21, 2021