This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez Damdaming Bayan on DZRH Radio Host: Deo Macalma

    Interview with OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez

    Damdaming Bayan on DZRH Radio Host: Deo Macalma

    DEO MACALMA: Nasa ating linya, mga kaibigan, ang Vice Presidential Spokesman at legal counsel ni Vice President Leni Robredo, si Atty. Barry Gutierrez. Atty. Gutierrez, sir, magandang umaga po sa inyo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga, lakay, at magandang umaga sa lahat ng ating mga tagapakinig.

    DEO MACALMA: Attorney, ano po ang reaksyon ng Bise Presidente, ng inyong kampo, kaugnay sa pahayag ng Pangulong Duterte kagabi na mukha raw walang alam ang Bise Presidente sa foreign policy, Atty. Barry Gutierrez, sir?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ito na naman tayo, lakay, eh. Nakakalungkot lang na nauuwi na lang sa ganito tuwing magbibigay ng ano mang mungkahi ang ating Bise Presidente. Tuwing magsasalita sa ano mang isyu, lagi na lang nagiging ganiyan ang sagot sa atin. Imbis na sagutin doon sa level noong kung ano ba talaga iyong pinag-uusapan, eh paninira at pangungutya ang ating inaabot. At sa totoo lang, nakakalungkot, lakay, dahil kung titingnan niyo ano iyong mga ginawa ni VP noong nakaraang 11 months since nagsimula itong ating lockdown at ang ating problema sa COVID, walang ginawa kundi kumilos para tumulong para sa ating mga kababayan. Pero ang nakikita lang lagi iyong ganiyang klaseng mga usapan at tuwing nagkakaroon ng ganiyan eh pangungutya at paninira ang inaabot. Nakakalungkot lang, lakay, dahil hindi sana nauuwi sa ganito ang ganitong klaseng mga usapan.

    DEO MACALMA: Paano tinatanggap ito ng Bise Presidente, Attorney? Hindi ba siya matatakot ngayon o mangangamba na huwag magsalita o huwag na masyadong gumalaw dahil sa mga banat ng Presidente?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako naman, kilala naman niyo si VP Leni, lakay: klarong-klaro sa kaniya kung ano ang kaniyang responsibilidad. Kung tingin niya mayroong bagay na dapat punahin, pupunahin niya iyon. Sa kabilang banda naman, kung tingin niya mayroong bagay na dapat purihin, gagawin niya iyon dahil iyan naman ang kaniyang pananaw, eh—sasabihin niya kung anong tingin niyang tama, sasabihin niya kung anong tingin niyang totoo. Ilang beses na niyang sinabi na hindi importante iyong popular ang sabihin, ang importante tama ang sinasabi mo. So sa tingin ko, hindi magbabago iyong kaniyang attitude dito sa usaping ito, lakay.

     

    DEO MACALMA: At sabi pa ng Presidente kagabi, Atty. Barry Gutierrez, hindi raw qualified ang Bise Presidente Leni na maging presidente ng bansa.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako naman, ‘di ba, klarong-klaro naman mula Day One ng kaniyang pagiging Bise Presidente na handang-handa na si VP Leni. Kitang kita naman natin: noong panahon na mabagal ang takbo ng ilang programa ng ating pamahalaan patungkol dito sa COVID-19, si VP Leni ang kumilos. Noong kulang ang mga PPEs para sa ating mga ospital, walang budget ang kaniyang opisina, siya ang lumapit sa private sector at nakapag-raise ng mahigit P60 million para mag-distribute ng almost half a million na PPEs sa mga iba’t ibang mga ospital. Noong nawalan ng public transport sa Metro Manila at sa Cebu dahil sa lockdown, siya ang naghanap ng paraan para magkaroon ng libreng sakay ang ating mga frontliners.

     

    So klarong-klaro na kung kahandaan lang ang pinag-uusapan, napatunayan na ni VP Leni iyan. Ngayon, kung sasabihin ni Presidente iyan dahil hindi siya sumasang-ayon sa ibang posisyon ng ating Bise Presidente, ibang usapin iyon. Pero kung kahandaan lang ang pinag-uusapan, tingin ko naman klaro ang kakayahan ni VP Leni.

     

    DEO MACALMA: Speaking of kahandaan, Atty. Barry Gutierrez, sir, so ready po ang Bise Presidente na tumakbong pangulo sa 2022 elections?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako, kailangan siguro siya ang kausapin niyo diyan pero sa kaniyang mga pahayag nitong mga nakaraang linggo, malinaw na ang kaniyang tutok pa rin hanggang ngayon ay itong ating problema sa COVID. Hindi pa tapos ito at lumalabas, sabi ng DOH noong nakaraang linggo, hanggang 2023 pa raw itong magiging problema nating ito dahil doon pa lang tayo aabot sa tinatarget nating herd immunity o iyong pagbakuna sa mga 75 to 80 percent ng ating populasyon. So hanggang eleksyon, ito pa rin ang isyu. So sa ngayon, ang attitude ni VP, ito iyong importante, ito iyong mahalaga sa ating mga kababayan, iyan muna ang ating tutukan, saka na muna natin pag-usapan ang politika. Pero makakaasa ka, lakay, at makakaasa ang ating mga kababayan, sa tamang panahon, magkakaroon ng malinaw na desisyon ang ating Bise Presidente sa usaping iyan dahil kahit kailan naman hindi siya tumanggi ng ano mang hamon sa public service na kaniyang hinarap.

     

    DEO MACALMA: So ano po ang mga aktibidades ngayon ng Bise Presidente, Atty. Barry, sir?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ngayon dahil nakakaikot na kahit papaano, patuloy niyang pinupuntahan ang aming mga lugar kung saan mayroon kaming proyekto ng Angat Buhay o mga livelihood programs na aming tinutulungan. So paunti-unti, muling nagno-normalize iyong kaniyang schedule. Itong nakaraang linggo, tinanggap namin ang recertification sa ISO ng OVP. So malaking karangalan muli na na-recertify ang ISO. Unang pagkakataon na ang Office of the Vice President ay nagkaroon ng ISO certification sa ilalim ng pamumuno ni VP Leni, 2017 iyong una so ngayon na-renew for another three years iyong certification na iyan. So malaki ang pasasalamat natin dito.

     

    DEO MACALMA: Atty. Gutierrez, sir, maraming salamat! Good morning. Thank you.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good morning, lakay, at maraming salamat din.

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Feb 16, 2021