This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with OVP Chief of Staff Usec. Philip Francisco Dy

    House plenary deliberations on the OVP 2020 budget

    House of Representatives

    REPORTER 1: Sir, kanina po may mga ilang kongresista na nag-manifest po na dadagdagan iyong P673-million na budget ng OVP. Ano pong masasabi po natin dito?

    USEC. PHILIP DY: Unang una, kami ay nagpapasalamat, sa ngalan ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo at ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo, na may ganitong pinapakitang suporta ang ibang mga kongresista patungkol sa budget ng Office of the Vice President. Malinaw naman na iyong budget ng Office of the Vice President, tinututok talaga ito para makapagbigay ng tulong at ayuda sa mga nangangailangan, lalo na doon sa mga malalayong lugar na tinutulungan ng aming opisina. So anumang dagdag na maibibigay, ito ay talagang pag-aaralan namin at titiyakin namin na makakarating para sa pagbibigay [ng] dagdag na tulong sa mga communities na tinutulungan sa pamamagitan ng Angat Buhay program ng mahal na Bise Pangulo.

    REPORTER 1: Sir, magkano po ba iyong mga ideal amount na gusto niyo po sanang ipadagdag sa budget niyo?

    USEC. PHILIP DY: Ito ay isang bagay na pag-aaralan pa namin. Actually kasi nagpapasalamat kami dahil iyong aming recommended budget level para sa 2020, hindi na siya masyadong nalalayo sa recommended budget level namin noong 2019, at at the same time, iyong aming nirekomenda na budget, particularly para sa aming operating expenses, ginrant naman iyon. So pag-aaralan namin kung ano pa iyong pinakamagandang gamit ng dagdag na pondo para mas mapag-ibayo pa iyong aming Angat Buhay program at iba pang initiatives ng Office of the Vice President sa ilalim ng pamumuno ni Bise Pangulo Leni Robredo. Kasi mayroon ding mga bagong initiatives na ini-introduce iyong Office of the Vice President. Maliban doon sa aming flagship anti-poverty program na Angat Buhay, mayroon din kaming initiative na ginagawa para mas maging malalim iyong aming pakikipag-engage sa mga sectoral groups, na mai-represent iyong kanilang mga issues—iyong mga batayang sektor, mga urban poor groups, farmers groups, fisherfolk communities. So ito iyong mga pag-aaralan namin kung magkakaroon ng karagdagang budget pa, paano namin ito masusulit at magagamit para mas mapaganda pa iyong mga tulong na maibibigay ng opisina.

    REPORTER 2: Sir, how much of the budget of the OVP goes to Angat Buhay?

    USEC. PHILIP DY: Kapag titingnan iyong budget ng OVP, kapag tingnan mo iyong operating expenses, close to 68% noon napupunta para sa subsidies. At itong mga subsidies, iyan mismo ang ginagamit ng opisina para makapagbigay ng tulong, whether doon sa medical assistance, burial assistance, or iyong iba’t iba pang klase ng programang pinapatupad under Angat Buhay.

    Pero iyong konsepto kasi ng Angat Buhay, maliban doon sa paggamit ng OVP resources, mas malaki doon sa budget na ginugugol para sa Angat Buhay nanggagaling actually sa mga private sector partners ng Office of the Vice President. Kasi noong sinimulan ng opisina iyong Angat Buhay noong 2016, sa pamumuno ni Vice President Leni Robredo, wala pa namang budget na napaloloob sa aming budget—wala pa namang specific allocation na napapaloob sa aming budget na specifically puwede naming gamitin sa Angat Buhay. So nagsimula iyong Angat Buhay na ang aming inaasahang pondo para makapagbigay naman kami ng mga proyekto, galing sa private sector organizations. Sa loob ng tatlong taon, as of August 2019, nakapag-mobilize na ng more than P340-million worth of resources ang Office of the Vice President, at ito lahat galing sa pakikipagtulungan sa private sector organizations para sa aming Angat Buhay projects. So while nagpapasalamat kami na ngayon mayroon nang porsiyento ng aming budget na maibibigay at magagamit para sa Angat Buhay program, patuloy pa rin ang aming pakikipag-partner at pakikipag-engage sa iba’t ibang organizations para makapagbigay-tulong sa aming adopted communities.

    REPORTERS: Thank you, sir!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 17, 2019