This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of Orly Mercado, Radyo Singko with Georgina Hernandez

    10 January 2017

    Interview of Orly Mercado, Radyo Singko with Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Q: On latest online issue

    Georgina: Opo, tungkol po sa bagay na iyan naging malinaw po si VP Leni, nagkaroon siya ng interview kahapon. Sinabi niya talaga na hindi siya bahagi sa anumang sabwatan na tanggalin po ang ating pangulo sa kanyang puwesto dahil buong buo pong nirerespeto ni VP Leni ang mandato na binigay ng taumbayan sa Pangulo at sa kanya na rin bilang pangalawang pangulo.

    At itong nabanggit niyo nga hong latest na issue, tingin namin napaka-malisyoso at napaka-misleading dahil tinatawag siyang leak bagama’t public naman ho ang messages noong grupong iyon.

    At pilit din pong idinidikit ang pangalan ni VP Leni dahil lamang nabanggit siya doon sa mga usapan, pero hindi naman po siya bahagi o miyembro noong grupo na iyon.

    Sa palagay nga po ni VP Leni, kung talagang may secret na mga bagay na nangyayari na pinag uusapan doon, hindi naman angkop na lugar ang isang Yahoogroup na may public na messages.

    Kahapon may mga ilang miyembro ng Gabinete na rin ang nagsabi na hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon at ng government resources ang bagay na ito.

    Q: So hindi totoo ang mga issue, parang napagbibintangan lang si VP.

    Georgina: Tama po kayo diyan.

    Sa totoo lang, si VP Leni talaga ang nagiging biktima at nakakatanggap ng organisadong paninira talaga sa social media. Itong huli ang Leni Leaks. Pero natatawa na lang po kami kasi kung anu-ano na lang na kasinungalingan ang binabato.

    Kasama diyan ang misinformation na umabot kay Pangulo na dumalo daw si VP Leni sa ouster rallies o mga anti-Duterte ralllies na hindi niya kailanman ginawa talaga.

    Kumbaga, walang katotohanang bagay na tama po kayo, iyong pinaniniwalaan na lang din bilang totoo. At mukhang nanggagaling po talaga ito sa organisadong paninira na nakikita sa social media.

    Mga pekeng pagbabalita na hindi dapat isinasantabi pero para sa amin hindi din dapat talaga pag-aksayahan ng panahon dahil kung mabubuhos po ang lahat ng aming oras dito sa bagay na ito, mawawala po sa focus ang nais talagang gawin ni VP Leni na patuloy po talagang magsilbi bilang Pangalawang Pangulo at tutukan ang mga mas mahahalagang bagay tulad ng mga poverty reduction at rehabilitation programs sa mga lugar na tinamaan po ng bagyong Nina.

    Q: On latest survey

    Georgina: Tama po ang obserbasyon na nakita ninyo doon. Halos lahat nakakita ng pagbaba doon sa rating. Ang para sa amin naman po, lalong nagbibigay ito ng lakas at inspirasyon kay VP Leni na magsilbi dahil nakikinig tayo sa feedback kung saan nanggaling ang bagay na ito.

    Pag-aaralan pa natin kung paano madadama ng ordinaryong Pilipino itong mga ginagawa ni VP Leni na pagtulong sa mga nasa laylayan.

    Itong Pulse Asia, isa lamang sa mga datos na tinitingnan namin upang patuloy na pagbutihin ni VP Leni ang kanyang pagseserbisyon bilang Pangalawang Pangulo. Pero ang kinagagalak namin na makita ang majority naman po ng mga Plilipino ay naniniwala sa ating Pangalawang Pangulo.

    Q: On VP Leni’s focus

    Georgina: Dalawang bagay po tututugan ni VP Leni. Talagang ang mga rehabilitation programs sa mga pamilya at mga komunidad na tinamaan ng bagyong Nina. Hindi lang po bagyong Nina, noong nakaraang taon may malaking bagyo rin na tumama sa Northern Luzon, ang bagyong Lawin.

    At ito po ay kanyang tututukan para siguraduhin na agad na maibalik ang mga livelihood at mga education and health services sa mga lugar na tinamaan ng bagyo. Pati na rin po sa mga Angat Buhay partner communities ng OVP.

    Ito po ang mga pamayanan na matataas ang poverty incidence at sisiguraduhin na makapagdadala tayo ng suporta mula sa pribadong sector, NGO, at iba’t ibang sangay ng gobyerno para po sa tulong pangkabuhayan sa mga pamilya na nangangailangan ng dagdag na kita sa pamilya.

    Q: Strategy na ginagamit ni VP Leni para malabanan ang kahirapan

    Georgina: Para po kay VP Leni ang stratehiya para mas ma-achieve po natin ang Sustainable Development Goals is malawakan po na pakikipag-ugnayan o partnership at convergence sa iba’t ibang sector.

    Bagama’t pamahalaan ang namumuno sa pagpuksa ng kahirapan, si VP Leni po ay akitbo na nakikipag partner sa mga pribadong sektong.

    Mayroon din pong coalition na Zero Extreme Poverty na binubuo ng iba’t ibang NGO na aming kinakausap para magtulung-tulong po para dito sa mga poverty reduction initiatives na tingin po namin talaga ay mas mahalagang pagtuunan ng pansin kaysa doon sa mga balita na wala naman pong katotohanan.

    Salamat po. Magandang umaga.

    Posted in Transcripts on Jan 10, 2017