This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of DZXL RMN 558 with Georgina Hernandez

    18 November 2016

    Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Q:

    Georgina: Ang ating pangalawang pangulo po ay lubos na nababahala at may nararamdaman din pong pagkagalit dahil hindi po natin inaasahan ang paglibing sa dating Pangulong Marcos na isang diktador, isang magnanakaw, human rights violator.

    At alam naman po natin na si VP Leni ay matagal nang tumatayo laban sa paglilibing sa ating dating pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

    Q: I understand may mga pagkilos na din po, may mga nagwalkout sa Ateneo…

    Georgina: Tama ho iyan. Nakikita naman natin na ang mga protestang nagaganap ngayon ay kusang kumikilos ang taumbayan dahil sila ay galit na galit dito sa nangyari ngayong araw na tila may isang magnanakaw sa gabi na bigla na lamang ililibing ang ating dating pangulo at ito ay hindi ligal dahil hindi pa po pinal ang desisyon ng Supreme Court dahil kailangang magkaroon ng labinlimang araw pa bago maging pinal ang desisyon ng ating Supreme Court.

    Ngunit hindi umabot sa takdang araw at ginawa nila ito nang walang alam ang taumbayan. Paano ho kaya natin masasabi na isang bayani ang ating inilibing kung itinago naman ito?

    At ngayon ay sumisiwalat sa atin lamang ngayon kaya ang mga pagkilosng taumbayan ay nauunawaan natin dahil talaga hong may galit ang nararamdaman ng ating mga kapwa Pilipino.

    Tama ho iyan, sa aming pagkakaalam may mga abugado hong pinag-aaralang mga hakbang para ikundina ang mga nangyayari sa araw na ito dahil labas po ito sa procedure na dapat sinunod kaya ito po ang pinag-uusapan at pinag-aaralan ngayon ang mga hakbang na gagawin laban sa mga involved sa paglilibing na naganap kanina.

    Q: Papaano iyong history book natin, puwede ba nating baguhin ang kasaysayan?

    Georgina: Naninindigan tayo na hindi po mababago ang kasaysayan nang paglilibing ng isang diktador sa Libingan ng mga Bayani at mananatiling sariwa sa isip at puso ng mga Pilipino na ang atin pong inilibing ngayon ay hindi bayani.

    Siya po ay diktador, na magnanakaw na maraming mga karahasan na sinuportahan, mga human rights violations at umaasa tayo na dahil sa nangyari ngayon, na sana ang lahat po ng kabataan ay patuloy pong malaman kung ano ang katotohanan sa ating kasaysayan.

    Q: Alam po natin na ang pangalawang pangulo, alam natin ang stand niya. Ano po ang mga susunod na plano no Vice President Robredo?

    Georgina: Sa amin po, gusto pong malaman ng pangalawang pangulo kung paano naganap at papaano naisaayos ang ganitong activity kanina.

    Kung sinasabi nila na hindi nila alam kung sino, kanina may interview ang Malacanang na sinasabing hindi nila alam iyong kaganapang ito at ang tanong natin ay sino po iyong nag-utos? Sino pong nag-utos?

    At dahil sa atin naman, mukhang planadong planado, nakita natin ang naganap sa Libingan ng mga Bayani. Kumpleto po, nakita po natin, lahat ng kapulisan, may sundalo doon, may gun salute po tayong nakita, paanong mangyayari hindi ito planado at biglaan lamang?

    At ang tanong, tanong ng ating Pangalawang Pangulo, ay sino ang utos? Bakit naganap ang bagay na ito ngayong araw na ito?

    Q: Pinagsabay pa sa pagdating ni Kerwin Espinosa ang pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos.

    Georgina: Mukhang maraming mga isyu talaga na nagaganap ngayong araw kaya kinakailangan na tayong lahat na manatiling na magmasid, manatiling alamin kung ano po ang susunod na pangyayari at huwag natin hayaan na tayo ay magpabaya lamang sa mga nagaganap sa ating paligid.

    Q: Pinangamba lang, Atty, iyong implication po ng desisyon ng Korte Suprema kung kasakali, na nabanggit niyo kanina na nabigyan ng labing limang minuto para pag aralan ang–paano kung ang naging desisyon ay hindi pa-pabor na hindi doon ililibing. Ano ang implication nito sa kabuoan, Atty?

    Georgina: Sa ngayon hindi pa natin alam kung ano ang masusunod na magaganap, ang sa atin lang po, gusto lang po natin malaman ang mga detalye kung bakit ito lahat nangyari at ating pag-aaralan sa araw na ito at sa mga susunod na araw upang makagawa tayo ng tamang mga hakbang para itama rin po iyong mga maling nangyari.

    Q: Opo, opo. Naniniwala ang Pangalawang Pangulo ng bansa na ito’y planadong planado, taliwas sa sinabi nila na biglaan ang paglilibing.

    Georgina: Ang sa amin po, base sa nakita natin, ay hindi puwedeng biglaan po ito dahil may nakita tayong mga kapulisan, mayroon pong gun salute na naganap so paano po kayang biglaan?

    Sa amin po, gusto lang po namin malaman ang katotohanan at mga datos sa mga nakita natin na napanood at sa social media.

    Ito pong mga nakikita nating pagkilos ng kabataan at mga estudyante ay kusa nilang ginagawa at mataas po ang tingin at respeto ng ating Pangalawang Pangulo sa kanila dahil nagpapakita sila ng kanilang paninindigan, at ng kanilang tapang upang protektahan po ang katotohanan at kasaysayan ng ating bansa.

    Sana po huwag tayong mawalan ng loob sa lahat ng nagaganap na ito at tingnan po natin kung papaano po magkakaroon ng tunay paghilom ang ating bayan sa susunod na araw.

    Q: Lastly po ano po ang inyong mensahe po bilang tagapagsalita ng Pangalawang Pangulo ng sambayanang Pilipino kaugnay dito sa pagpapalibing ni diktador Ferdinand Marcos

    Georgina: Tulad po na naglabas po kami ng statement, ang ating Pangalawang Pangulo, na dapat alamin kung sino nag-utos, sino nasa likod ng lahat na ito.

    At huwag natin ibahin ang isyu, pag-usapan po natin ang kababalaghang ginawa ng pamilyang Marcos na patuloy pa ring nagpapakita ng kapangyarihan bagaman wala sila sa posisyon sa ngayon, at tayo po ay patuloy na magbantay.

    Q: Pinaalam niyo po sa sambayanang Pilipino na ang Pangalawang Pangulo ng bansa ay kapag sa tingin niya ay mali, pinaninidigan siya sa tingin niya sa ano ang tama kung ikabubuti ng sambayanang Pilipino, Atty.

    Georgina: Tama po kayo diyan at makakaasa kayo po na ang ating Pangalawang Pangulo ay patuloy na maninidigan para sa tama at para sa katotohanan.

    Q: Maraming salamat, Atty. Georgina Hernandez para sa inyong oras.

    Posted in Transcripts on Nov 18, 2017