This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of DZXL with Georgina Hernandez

    29 November 2016

    Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Q: Nasa kabilang linya na ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, si Ms. Georgina Hernandez. Magandang umaga Ms. Georgina, welcome to Government In Action.

    Georgina: Magandang umaga po at magandang umaga po sa inyong mga tagapakinig.

    Q: Good morning po, welcome po sa aming programa. Anyway, Ma’am ito kasi iyong palagi naming naririnig, gusto natin ma-emphasize naman dito iyong trabaho ng bise-presidente. Kasi palagi sa usap-usapan na walang ginagawa si bise-presidente, nag-aabang lang iyan pag na-impeach, o wala sa bansa ang pangulo o na chugi, diba iyong mga ganon. So ano nga ba ginagawa ng ating vice presidet?

    Georgina: Opo, simula po ng pagkaupo ni VP Leni bilang pangalawang pangulo ng ating bansa, sinigurado niya na magiging aktibo po ang aming opisina sa pagsulong po ng kanyang adbokasiya.

    May kinalaman po ito sa mga livelihood programs, may education and health programs, lalong lalo na po sa mga kabataan, sa mga buntis, maternal healthcare.

    At mayroon din pong women empowerment program na naglalayon din na magbigay ng economic opportunities o kaya mga livelihood po sa mga kababaihan. At panghuli po ang food security and hunger na nagiging panawagan po ni VP Leni na magkaisa po lahat ng mga civil society organizations, private companies at maki-isa sa ating pamahalaan para sagutin iyong kagutuman, at hindi lang po iyong issue ng kagutuman, pero ng malnutrition, lalong lalo na sa ating kabataan.

    Ginagawa niya po ang mga programang ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, sa national government, sa local government, pero iyong mga resources na ginagamit para sa programa na ito ay naggagaling sa partners mula sa private sector at civil society.

    Kasi po ang nais ko po ipaliwanag, iyong pong Office of the Vice President ay hindi po talaga siya implementing agency, pero iyong ginagawa ni VP Leni, dahil alam naman natin na she’s a working VP at napakasipag na umikot sa mga tinatawag na laylayan, sa mga malalayong lugar, na hindi talaga halos maabot ng mga national government leaders ay pinupuntahan niya ito para tugnan ang mga pangangailangan nila.

    Ay nakikipag-partner po tayo sa mga private companies at mga NGOs dito sa ating bansa para mas marami po tayong magagawa pag nagsasama at nagkakaisa para gawin ang mga anti-poverty programs na ito.

    Q: Mayroon sa totoo lang, may nadiskubre daw itong Vice President Leni Robredo na eskuwelahan sa isang liblib na lugar, isang malayong lugar, at noong chineck nila sa DepEd, hindi nakarehistro. Pero ngayon, naasikaso na ito at napatayuan pa ng mga classroom. Kung puwede pa kuwento ng iba pang mga detalye dun.

    Georgina: Tama po iyan. Mayroon pong isang lugar sa Bicol kung saan aakyat sila para mabisita ang mga Indigenous Peoples Community pero noong sila ay paakyat, nakita nila may grupo po ng mga nanay na nagtitipon-tipon.

    At noong tinanong ni VP Leni kung ano pong ginagawa nila doon. Sinabi nila na ang principal ay bumaba at bumili ng materyales, mga kahoy, mga pako, para mag bayanihan sila para gumawa ng classroom, kasi magsisiumula na po iyong eskuwela sa susunod na linggo.

    At ang ginamit po ng principal ng eskuwelahan ay kanyang personal na pera kaya po si VP Leni kung anong pera dala niya noon ay iniabot niya sa parent’s association para ambag doon sa ginagawa nilang classroom.

    Pero noong ito po ay binalita niya sa Facebook, napakaraming private companies na nagbigay na sobra sobra na po para sa isang eskwelahan, kaya mas marami pang eskuwelahan na natulungan ni VP Leni na maigawa.

    At hindi na lamang ito sa Bicol, may mga 50 local government areas, municipalities and cities, na magdala po ng proyekto pang-edukasyon, pangkalusugan, at pangkabuhayan.

    Q: Sa pagikot-ikot niyo, bukod sa nadiskubreng paaralan sa Bicol, may iba pa bang nasilip o natisod ang ating bise presidente na kailangan talaga ng tulong ang mga nasa laylayan?

    Georgina: May time sa Agutaya, Palawan, ito po ay napakalayo, para marating dito, kailangan mag 10hr boat trip mula sa Coron, at dito po kulang ng livelihood ang mga pamilya dito, lalong lalo na po sa pangingisda at pagsasaka.

    Kaya nagdala tayo ng partners doon, iyong San Andres Soriano Foundation at iyong World Vision upang alamin kung papaano po natin tutulungan sila pagdating sa kanilang livelihood.

    Pagdating sa malnutrition sa mga bata, nakita po kasi niya na madaming bata na malnourished doon sa lugar na binisita niya, at halos lahat po ng lugar at isa pong mensahe na binabahagi ni VP Leni ay dapat matigil na po ang malnutrition o iyong stunting, dahil mayroon tayong 3.4M na bata na 5 years old and below na stunted.

    At ito pong isyung ito, tinututukan po ni VP Leni dahil malaking bagay ito na pag iyong mga bata nagkaroon ng malnutrition ay mahihirapan na rin sila na matuto sa eskwela at sa trabaho.

    Economic issue din po ito po iyong siklo ng kahirapan na hinaharap ng ating mahihirap na pamilya.

    Aktibo po si VP Leni na kumuha ng supporta sa iba’t ibang sektor para matugunan at matigil po iyong issue po ng stunting.

    Q: Gusto ko magpa-explain po sa inyo iyong Angat Buhay program po, kasi I believe iyon ay kasama sa kanyang 5 advocacies.

    Georgina: Actually iyong Angat Buhay po ay siyang flagship program na nag-uugnay ng adbokasiya ni VP Leni pag dating sa edukasyon, kalusugan, food security and hunger, women empowerment and rural development, lalo na iyong livelihood, kakulangan ng tubig, kakulangan ng kuryente sa mga malalayong lugar, mga tinatawag nating off-grid areas.

    At kaya po ito Angat Buhay, noong Oktubre, mahigit sa isang libong mga indibidwal, mga leader ng organization dito sa Pilipinas, itong mga international NGO, ay nagsama-sama para pakinggan po iyong sitwasyon po ng kahirapan doon po sa 50 partner LGUs ng Angat Buhay at agad-agad po nakakuha tayo ng 716 pledges mula doon sa organizations.

    At itong mga pledges na ito ay may kinalaman sa pamimigay ng livelihood training, pagbibigay po ng feeding program, mga programa para sa mga buntis, para sa mga kababaihan, pagdating sa kalusugan, pagdating sa livelihood.

    Si VP Leni Robredo ay sinisigurado mismo, personal ni VP Leni na gumagalaw, sa pamamagitan po sa kanyang pagpunta sa malalayong lugar, kada linggo po, every Friday and Saturday, pumupunta siya sa Angat Buhay areas at kausap niya mismo ang mga pamilya na makakatanggap ng suporta at alam niyo po yung reception.

    Iyong pagtanggap sa kanya ng mga tao ay talagang naiiyak kasi pakiramdam nila ay first time niyang mabisita ng national, napakataas na leader ng pamahalaan natin.

    Ito po ay simula lamang pero patuloy po kaming kumukuha na mas maraming partners mula sa government and non-government organizations para maipadala ng mabilis at sa tamang pamamaraan ang programang anti-poverty sa mga Angat Buhay areas.

    Q: Iyong mga nabanggit niyo is kung halimbawa, hindi lang pa banjing-banjing ang ating pangalawang pangulo no, kasi sabi ninyo na every weekend talagang pumupunta siya sa malalayong lugar para makita ang sitwasyon ng ating mga kababayan na hindi napuntahan dati.

    Georgina: Tama po iyan, talagang iyong pagod at iyong sipag po ni VP Leni ay hindi po mapapantayan, pero sinisigurado natin na hindi ito basta lang na pag ikot.

    Bago siya pumunta, nandoon na ang mga Angat Buhay Partners, ang mga project natin na naihanda na ma-implement, pagkatapos niya umalis, naiiwan ako minsan para patuloy po ang dayalogo sa mga pamilya at mga opisyal na nandoon sa Angat Buhay Areas.

    Hinihikayat po naman iyong mga organization o mga indibidwal na nais po makiambag sa adbokasiya ng ating Pangalawang Pangulo ay puwede po kayong maki-ugnayan sa aming opisina.

    Q: Paano po, sa mga nakikinig ngayon, nabanggit niyo na Ms. Georgina, may mga mabubuting loob, ang mga good samaritan, paano pa magco-coordinate?

    Georgina: Puwede po mag-email po sa advocacy@ovp.gov.ph at kami po ay agad-agad na sasagot sa kanilang suggestion at offer na tumulong, advocacy@gov.ph.

    Q: Alam ninyo po, Ms. Georgina, ang mga officials natin ay talagang puspusan, halimbawa, si President Duterte o si Bato, kumbaga umabot na sa punto na na-rerealize nila na malaking problema ng bansa at gagawin nila lahat na kanilang kaya para maayos pero naisip nila parang nahihirapan na sila. May punto ba si bise presidente na ang bise presidente na sa kakatrabaho niya, napagod siya at naiiyak na din?

    Georgina: Hindi naman po natin masasabi na umiiyak at nahihirapan dahil sanay naman po si VP Leni sa ganitong trabaho.

    Alam naman po natin na bago siya naging congresswoman at pangalawang pangulo, sa NGO po siya at laging pumupunta sa field.

    Pero siyempre, tao lang din po siya at minsan napapagod din at minsan kailangang magpahinga.

    Pero si VP Leni ay humuhugot ng lakas doon sa mga pamilya na nakakasalamuha natin sa mga Angat Buhay areas. Sila po ang kaniyang nagiging inspirasyon at lakas para patuloy pong maglingkod bilang pangalawang pangulo.

    Q: Madalas pong nababanggit ni VP Robredo na kailangan nating magkaisa, kamusta naman po iyong pakikipag-ugnayan ni VP Robredo kay Presidente Duterte?

    Georgina: Ito pong inisyatiba natin sa Angat Buhay ay lagi pong nirereport ni VP Leni sa Cabinet level. Alam po natin na si Sec. Evasco ang inatasan ni Pangulong Duterte sa anti poverty programs kaya po doon sa ating Partnership Against Poverty para ilunsad ang ating Angat Buhay program inireport ni VP Leni sa gabinete ganoon din kasama po ang NAPC, binigay alam namin kung ano ang mga status ng ating Angat Buhay.

    Sa housing, ang mga EO po na kailangang pirmahan ng pangulo para mapabilis ang pagproseso ng mga requirement sa housing ay ipinasa na po ni VP Leni at hinihintay na lang po natin na ito ay mapirmahan ng Malacanang.

    Kapag ito po ay nailabas na ng Malacanang, umaasa po tayo dahil nangako po ang pangulo kay Vice President na kung ano ang kailangan sa housing ay susuportahan niya ito at hinihintay po natin ito hanggang ngayon.

    Q: Kasi may nabasa po kami na nasa 1.4 na backlog pa po tayo sa ating mga pabahay?

    Georgina: May mga rason po para sa backlog na iyan. Kadalasan po mga documentary requirements para ma-claim ang lupa na pagtatayuan ng housing projects.

    Ang trabaho po ni VP Leni bilang chair ng HUDCC ay pag-aralan ang mga polisiya na puwedeng gawan ng reporma para mapabilis po at sa katunayan po nabawasan na ang requirements para sa socialized housing.

    Pag-upo pa lang niya, nakita niya na 27 na dokumento ang kailangan. Binaba niya po ito sa siyam para mas mapabilis.

    Ganoon pa man, may mga housing agencies na mabagal pa din. Ang inutos po ni VP Leni sa ibang head of agencies gaya ng NHA at SHFC na ibaba po ang bilang ng oras ng pagproseso kasi sa ngayon po umaabot ng isa hanggang dalawang taon bago maproseso ang Community Mortgage Program.

    Ang hamon po ni VP Leni sa mga lider ng mga shelter agencies ay ibaba sa 15 to 30 days at ito po ay tinututukan po niya weekly.

    Regular po siyang nagkakaroon ng mga pagpupulong sa mga key shelter agencies at hands on po siya.

    Very hands on po siya sa pagunawa at pagbibigay ng mga directive sa ating mga key shelter agency.

    Q: Base po sa inyong datos ilan na po ang nabigyan natin ng pabahay?

    Georgina: Mayroon na pong naaprubahan ang socialized housing projects. May mga naturnover na rin na mga pabahay sa Yolanda sites at ito po ay dahil sa regular na pakikipag-ugnayan ng National Housing Authority sa mga loca government units.

    Wala po akong eksaktong datos ngayon puwede ko po itong i-text sa inyo pagkatapos ngunit sinisiguro po natin na tinututukan po ni VP Leni na makumpleto po sa lalong madaling panahon ang Yolanda housing sa pakikipagugnayan sa lokal na pamahalaan at NHA.

    Q: Dati po may kumalat na may libreng pabahay at dumagsa po ang ating mga kababayan sa NHA?

    Georgina: Maraming salamat po at naitanong niyo iyan para malinaw po natin na itong libreng pabahay ay walang katotohanan may socialized housing po tayo na kailangang hulugan per month pero napakaliit lamang po nito.

    Usually 200 pesos lamang po a month depende po sa project. Maliit na halaga lamang po at mahaba ang ammortization period para po ito sa ating mga mahihirap na kababayan na kailangan ng bahay.

    Pero ang patuloy po pinag-aaralan ni VP Leni ngayon ay kung papaano po mabibigyan ng bayad ang mga mahihirap na walang kakayahang magbayad.

    Q: Nabanggit ninyo kanina na magbabayad sila ng 200 per month. Saan po ito at gaano katagal sila magbabayad?

    Georgina: Ang payment terms po ay case to case basis depende sa napagkasunduan pero usually matagal po iyan 20 years o depende sa kanilang agreement. Sa issue po ng kabuhayan, may directive po si VP Leni na hindi po tayo dapat magsagawa ng relokasyon kung hinid kumpleto ang serbisyo sa kuryente, tubig, at kabuhayan.

    Sinigurado po niya na hangga’t maaari ay magkaron ng on-site relocation. Pero kung ito po ay hindi pupuwede dahil danger zones o malalapit sa mga floodway at bodies of water, ang gusto po ni VP Leni in city relocation na malapit sa kanilang trabaho.

    Pero kung hindi po maiiwasan at ilalabas sila sa kanilang city, near city po dapat malapit sa kanilang source of income or magkaroon tayo ng sapat na investors sa kanilang lilipatan para magkaroon po sila ng trabaho o sources of income.

    Q: Minsan po dito sa Metro Manila masyado na po tayong congested. Mayroon pa po bang espasyo?

    Georgina: Nauunawaan po natin iyan ang overcrowding kaya ang isa po nating tinitignan ay ang pagpapatayo ng mga medium rise buildings na hindi kailangan ng malawak na lupa.

    Pero kung ito po ay hindi din magiging posible, kailangang ilabas po natin sila sa Metro Manila pero sisiguruhin po ni VP Leni na magkakaroon sila ng sapat na trabaho, kita, livelihood, transportasyon at may basic utilities at basic social services. Bilang dagdag, sa usapin ng Metro Manila, last week po nakipagpulong po si VP Leni Robredo sa mga mayor ng Metro Manila para pag-usapan ang sustainable urban planning dahil ang HUDCC naman ay housing and urban development.

    Para na rin makaambag tayo sa issue ng trapiko at kakulangan ng pabahay sa Maynila, pinulong po ni VP Leni ang lahat po ng mga alkalde sa Metro Manila at naging positibo po ang resulta at patuloy po kaming makikipag-ugnayan sa mga local government units sa Metro Manila para malutas natin ang ating problema sa pabahay.

    Q: Any parting message po?

    Georgina: Una sa lahat nagpapasalamat po kami sa ganitong pagkakataon na maibahagi kung ano ang ginagawa ng ating pangalawang pangulo dahil hindi masyadong napagaalaman ng publiko kung ano ang kanyang ginagawa sa araw-araw kahit punong puno ang kanyang schedule at umaasa po tayo na sa pamamagitan po nito magkakaroon ng mas maraming suporta sa mga housing projects ng ating pangalawang pangulo dahil ang tagumpay po ni VP Leni sa kanyang mga adbokasiya ay magbibigay po ng tulong sa mga pamilyang nangangailangan lalo na sa mga pamilyang nasa malalayong lugar.

    Posted in Transcripts on Nov 29, 2016