This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview of Brigada News 103.1 with Georgina Hernandez

    11 February 2017

    Georgina Hernandez

    Spokesperson, Office of the Vice President

    Question: Ano po ang gagawin ni Vice buong maghapon? Georgina: Bago po siya pumunta sa Concepcion, mayroon po siyang dinistribute na wheelchairs sa Missionaries of the Poor. Bale apat na bata at siyam na matatanda ang makakatanggap ng wheelchairs. Partnership po ito ng Office of the Vice President with Physicians of Peace at nabanggit niyo na nga po iyong anniversary ng Brgy. Concepcion Pequeña. Dadalo din po siya ngayon sa football for humanity kasama po ng British Ambassador sa LCC center.

    Question: Sanga-yon po si Vice President sa pahayag ng dating pangulo ng Colombia. Kumusta po Ma’am? Georgina: Tama po kayo. Noong narinig ni VP Leni iyong pahayag ng dating pangulo ng Colombia ang hiling niya sana ay pakinggan ito ng administrasyon dahil alam naman po natin na umpisa pa lang na nangyari itong extra judicial killings, sinasabi na ni VP Leni na dapat ito matigil at dapat managot ang may gawa nito dahil ang pinakamasakit sa mga nangyayari ngayon. Bukod sa higit 7,000 na namatay ay kung titignan po natin ang mga namatay karamihan po ay mahihirap so nagiging war on the poor o anti poor po talaga ang mga nangyayari sa war on drugs ng pangulo. Kaya sana po ay matigil na at managot ang mga nasa likod at tignan din po natin ang mga tao na involved dito sa drugs para matulungan po natin sila sa rehabilitation at livelihood programs.

    Question: Ano ba ang nakikitang puwedeng gawin sa halip na magkaroon ng parusang bitay? Georgina: Iyong ating restorative justice system hanggang buhay may pag-asa at puwedeng magbago. Iyon naman yata ang pinapaniwalaan ng karamihan sa ating mga Pilipino at hindi natin dapat ilagay sa kamay ng tao ang pagtapos sa buhay ng isang tao at si VP Leni, human rights lawyer iyan at galing siya dito sa PAO sa Saligan, hindi siya papayag na ibalik ang death penalty. Dapat bigyan natin ng pagkakataong magbago ang tao at bigyan natin sila ng magandang sistema.

    Question: Pero wala po bang pagkakataon na makausap niya ng personal ang Presidente? Georgina: Maliban po sa kanilang naging pagpupulong pagkatapos mag-resign si VP Leni nagkaroon po ng pagkakataong makadalo si VP Leni ng meeting sa Malacanang. Siguro po two weeks ago iyong LEDAC po at napag-usapan po ang iba’t ibang polisiya na nais na ipatupad ng pangulo at personal na naipahayag ni VP Leni ang kanyang posisyon sa mga polisiya na sinusulong ng administrasyon.

    Question: Pinapalakas daw po ni VP Leni ang Liberal? May plano po ba siyang tumakbo? Georgina: Palagi pong sinasabi ni VP Leni na wala siyang ganyang plano. Maaga pa at hindi eleksyon ang tinitignan. Natanong lang po ang pangalawang pangulo sa updates sa Liberal Party. Unang-una po ang interim president po ng Liberal Party ay si Sen. Kiko Pangilinan at nagkaroon po sila ng strategic planning. Two days po iyon pero si VP half day lang po naka-attend dahil may mga ibang meetings pa. At doon po napag-usapan na dapat bumalik ang Liberal Party sa prinsipyo nila at pinagmulan kasama dito ang mga basic sectors. Tinitignan po ng LP ngayon kung papaano sila makakalapit sa ordinaryong mamamayan at hindi lang pulitiko.

    Question: Ano po ang trabaho ng Bise Prsidente lalo na ngayong tinanggalan siya ng puwesto sa Gabinete? Georgina: Bilang elected official naman po mayroon siyang responsibilidad na magsilbi sa mga mamamayan kahit na wala siyang ahensiya na pinanghahawakan. Ang maaari po niyang… maaari po siyang magpatupad ng mga programa na makakatulong sa mga ordinaryong Pilipino. Kaya nga po binuo niya ang Angat Buhay program na nagbibigay tulong sa mga pamilyang nasa laylayan. Bahagi po sa mandato ng pangalawang pangulo na ang mga programa ng pamahalaan ay makakarating po sa mga pamilyang nangangailangan.

    Question: Saan ba nakatutok ang Angat Buhay program? Georgina: Karamihan po mga magsasaka, mangingisda na nasa malalayong lugar. Halimabawa may napuntahan po si VP Leni sa Palawan na 10 hours by boat na hindi gaanong nararating ng gobyerno na dinadala po niya ang pamahalaan na mas malapit sa tao. Mayroon din po sa Ifugao at South Cotabato so all over the country po na farmers, fisherfolk, indigenous people po. Isang kuwento pa po iyong sa Pola ,Oriental Mindoro wala po silang kuryente doon at sa pamamagitan po ng Angat Buhay nakapagdala po tayo ng solar electricity.

    Question: Lahat ba ng pangangailangan nabibigay? Georgina: Nilalayon po ng Angat Buhay na madala lahat ng pangangailangan pero siyempre limitado iyong kapasidad at kakayahan ng pangalawang pangulo at ng kanyang Opisina. Ang ginagawa po namin, maliban sa lumalapit kami sa National Government Agencies, lumalapit din kami sa NGOs at sa private companies para matugunan ang pangangailangan nila. Hindi lang nagtatapos sa solar electricity pero kung may pangangailangan sila sa livelihood, binibigay din.

    Question: Totoo bang Feb 11 ilulunsad itong Angat Buhay na ito sa Naga? Georgina: Ngayon po. Mamaya after lunch, sa USI mag-lalaunch po ng Angat Buhay partnership sa school at dito po sa Camarines Sur ay ka-partner natin iyong sa Tinambak LGU at may mga programa po doon. Marami rin pong local government units ang nakakatanggap ng tulong mula sa OVP at mga partners po nito.

    Question: Ano pong mga lugar at anong partikular na proyekto ang ilalagay niyo dito sa Camsur? Georgina: Iyong mga programa po ay ang alam ko sa Calabanga maliit ang kinikita ng community dahil wala silang mga pautang at iyong access nila sa merkado dumadaan pa sila sa mga trader so titingnan po natin kung papaano lalaki ang kita nila sa pamamagitan ng livelihood intervention. At mayroon din po sa Bula na tinitignan na makakatanggap ng motorboats.

    Question: Ito po bang mga ito babayaran o ibibigay na ng libre? Georgina: Iyong sa amin po dagdag na resources ito sa kung ano ang mayroon ang local government kaya siyempre iyong local government nakakatanggap din ng bangka sa BFAR, sa mga NGO so sinisiguro namin na ang listahan, official na list at walang overlapping at ang nakakatanggap ay iyong mga pinakanangangailangan muna at kung may additional sa iba pang mga pamilya. Hindi nila ito babayaran pero bago nila matanggap ay may mga social preparation, may mga training para magamit nila nang husto iyong kanilang mga matatanggap na bangka. Hindi din nagtatapos doon dahil may mga ugnayan din na magaganap with BFAR kasi minsan iyong huli nila kaunti seasonal so at least may fish drying paggawa ng patis.

    Question: Sino ang namamahala sa pagpili ng beneficiary? Ano ang ginagawa ng OVP para masiguro na ang nabibigyan ay iyong mga dapat mabigyan at hindi palakasan? Georgina: Sa una po nagbabase tayo sa listahan na nakukuha kay kapitan at mayor pero nag-vavalidate po ang aming Opisina. Last week po ako mismo ang nagpunta sa Bula para makausap iyong mga nangangailangan at doon nga nalaman namin na nangangailangan sila ng bangka. So tinitingnan namin ang listahan ng local government pero vinavalidate din namin para masigurado na ang mga pinakanangangailangan ang makakatanggap.

    Question: Regardless po ba ito sa kung sino nakaupo sa pusisyon tulad doon ang nakaupo ay kapartido? Kahit anong partido po ba? Georgina: Yes

    Question: Anong pananaw ng Vice President sa pagpapatapon ng scalawag sa Mindanao? Georgina: Ang tingin ni VP Leni dito ay dapat magkaroon ng masusing imbestigasyon dito at hindi lang gumawa ng shortcuts. Kailangang alamin at aminin kung ano talaga ang sitwasyon sa PNP at ayusin po na hindi iyong mga shortcut at ipapatapon lang. Dapat systematic para hindi pabalikbalik lang at paulit-ulit ang mga problema natin. Katulad ng sinabi ng obispo, deserved din po ng mga taga-Mindanao na maaayos ang mga opisyal na pinapadala sa kanila.

    Question: So di kailangang itapon sa Mindanao? Georgina: Dapat ayusin. I-reform at tulungan na maging mahusay na tagalingkod.

    Question: Nagiba po iyong pader diyan sa Sto. Nino ang sabi po ninyo dati magkakaroon ng imbestigasyon, kumusta na po iyon? Georgina: Kausap po ng Opisina namin iyong assistant district engineer office at sinabi naman po nila na sagot po ng contractor lahat ng gastusin sa pagpapagawa so dapat Feb 15 tapos na. Noong huli kaming nag-follow up dahil daw po sa bagyo magkakaroon lang ng kaunting delay pero nakakasiguro kami na on going iyon at nakatutok kami hanggang matapos pero nanghihingi lang sila ng kaunting palugit dahil po bumagyo.

    Question: Binisita ninyo na po? Georgina: Sina Ms. Allaine po ang nakatutok diyan.

    Question: Pero dapat daw po magkaroon ng imbestigasyon kung sino ang nagkamali? Georgina: Iyon po ang tinututukan ng aming Opisina at ng DPWH para malaman po.

    Question: Regardless kung matatapos nila sa oras magiimbestiga pa din? Georgina: Opo. Makakaasa po kayo na may update tayo sa DPWH at sa aming Opisina.

    Question: Kumusta po ang lovelife ni VP ngayon lalo na at Valentines Day? May umaaligid po ba sa national? Georgina: Iyong tatlo po niyang anak sila-sila magkakasama. Kami sa opisina nagbabalak na magkaroon ng Valentine’s kasama ng aming boss. Masaya pa rin po ang Valentine’s. Siyempre minsan nakukuwento ni VP na na-mimiss niya ang kanyang yumaong asawa pero ito naman kumpleto ang kanyang pamilya. Kami na rin siguro ang kanyang bagong pamilya.

    Question: Wala ba siang balak sa 14 diyan mag-celebrate sa libingan ni Secretary? Georgina: Si VP po di makakapunta dahil may ibang mga activities po na hinahawakan pero ang alam ko na may tradisyon sila na nagbibigay ng bulaklak mukhang matutuloy pa rin iyon may mga representative.

    Question: Iba pang programa na sinusuluong ng OVP? Georgina: Ang sa amin ang pinaka-centerpiece talaga namin ay ang Angat Buhay. Nagsisimula pa lamang ito sa ilang mga municipalities dito ay partnership ito with the private sector and NGOs kaya kung may gusto pa pong tumulong, makipag-ugnayan po sa aming opisina para mas maging coordinated ang tulong na matatanggap. Iyong pinakamahalagang ginagawa ngayon ng ating pangawalang pangulo sa extra judicial killings ay matugunan sana ang mga hinaing at pangangailangan ng mga pamilya na namatayan dahil sa EJK. May mga volunteer lawyers po against EJK ngayon na tumutulong sa mga pamilya na namatayan. Siyempre kailangan din ng hustisya sa mga biktima iyon po ang tinututukan ng mga volunteer lawyers natin.

    Posted in Transcripts on Feb 10, 2017