This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview with Atty. Barry Gutierrez Bombo Radyo Iloilo

     [RECORDING STARTS] Q: —unang magpabakuna si VP Leni, Attorney?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Actually, kung siya ang unang magpapabakuna—matagal nang sinabi ni VP Leni na kung kailangan, kung siya ay sasabihan na mauna siya para lalong ma-inspire ang ating mga kababayan, mabigyan ng kumpiyansa na magpabakuna, gagawin niya. Pero noong dumating iyong mga vaccines, ang sabi ng IATF, hindi raw bibigyan ng bakuna itong mga public officials. Uunahin daw ang mga frontliners. So ginagalang naman niya kung anong klaseng polisiya ng IATF.

     

    Q: Marami ngang lumabas noon na nagpabakuna siya tapos doktor pala iyon.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, fake pala, ‘di ba. [laughter] Iyon nga iyon, eh. Malinaw ang posisyon ni VP Leni na kung kailangan, willing siya—publicly—na magpabakuna. Pero kung sasabihan na naman siya na “hindi na kailangan, unahin natin iyong mga frontliners,” suportado rin niya iyon. Dahil gaya nga noong sinabi niyo kanina, Bombo John, kahapon nagbigay-pugay si VP Leni sa ating mga frontliners dahil dito sa mahabang taon na ito at mukhang hindi pa tapos ang ating problema sa COVID, talagang itong mga frontliners natin—mga doktor, mga nurse, mga health workers, sila talaga ang naging mga bayani dito. At lahat ng suporta na maibibigay natin sa kanila, dapat talaga ibigay natin at pakinggan natin kung ano iyong kanilang mga mungkahi dito sa problemang ito dahil iyan ang tanging paraan na tayo ay makakaahon.

     

    Q: Doon naman sa challenge sa kaniya na bibigyan siya ng pera, siya na ang magsha-shop for COVID-19 vaccines. Anong sabi ni Vice dito,ni VP Leni? 

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Unang-una, hindi naman niya trabaho iyan. Trabaho talaga iyan ng gobyerno. At hindi naman maganda na parang—ano iyan, parang palengke, ‘di ba. Alam naman natin na iyong pag-acquire ng vaccine, buwan ang proseso. Kailangang gobyerno sa gobyerno dumaan, kailangan dumaan ka roon sa COVAX facility. At ang problema natin ngayon, napakahaba na ng pila kasi lahat ng bansa sa mundo, pumipila dito. Ang problema, medyo nahuli tayo nang kaunti sa pila na iyan. Hindi kaagad naipasa iyong ibang mga requirements kaya naghahabol tayo ngayon. So hindi iyan usapin ng basta makakabili ka, parang bumili ka ng gamot sa botika, ‘di ba. Mahaba at masalimuot na proseso ito. Pero ginagawa naman ni VP Leni lahat para makatulong sa ating bayan at sa ating pamahalaan sa kaniyang makakaya.

     

    Pero ang pakiusap lang namin sa IATF at iba pang kasapi sa ating pamahalaan na nakatutok dito sa usapin ng COVID, sana naman ano, mas alisto tayo dito sa mga kailangang gawin para hindi tayo nahuhuli. Nakakalungkot lang kasi kapag nakita mo iyong ibang bansa, tuloy-tuloy na ang vaccine rollout, tayo medyo mabagal. At kagabi ang sabi ni Presidente, masks daw ulit. Eh parang ngayon, vaccine na dapat ang pinamimigay. Dapat nagmove on na tayo diyan sa usapin ng contact tracing at pagbibigay ng mga masks. Given na dapat iyan, eh. So umaasa pa rin naman tayo na kahit papaano, umuusad at sa kabila nitong muling pagtaas ng dami ng mga kaso, lalo na rito sa NCR, umaasa tayo at nagdadasal na makaahon na tayo dito sa mahabang krisis na hinaharap nating ito dahil sa COVID.

     

    Q: Okay, with this, maraming salamat. Good morning! Keep safe, Atty. Barry Gutierrez.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ingat din lagi, Bombo John, at maraming salamat sa inyo at mabuhay ka at lahat ng tagapakinig sa Iloilo.

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Mar 16, 2021