This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Interview after the Inspection and Dialogue with Beneficiaries of the AFP- PNP Housing Project

    30 August 2016

    Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan

    Q: Hi VP!

    VP Leni: Hi!

    Q: Ine-expect ninyo po ba ito? Iyong mga sasabihin sa inyo at makikita ninyo?

    VP Leni: Medyo may idea na kasi ako. Kasi noong binisita ako ni Congressman Pancho, talagang mahaba iyong litaniya niya ng problema kaya din ako nag-request sa kanya na puntahan na lang kasi tama iyong hula ko na ang problema ay mas malaki pa kaysa sa naririnig.

    Ano talaga ito, tingin ko hindi lang ito dito. Tingin ko ang problema, all over.

    Medyo magnified lang siguro dito sa Bulacan dahil halos siya talaga iyong naging catch-basin ng lahat na ni-rerelocate from Metro Manila. Pero ito kasi, pagpapakita siya na hindi talaga nag-wowork iyong dati nating polisiya lalo na pagdating sa relocation at saka sa housing.

    Pang-ilan na itong binisita ko. Medyo pareho ang katayuan niya na ni-relocate, wala namang trabaho doon. Tapos ni-relocate, wala iyong utilities. Parang sobrang kawawa talaga.

    Parang kung titignan natin, gaya kanina ipinapakita sa akin iyong before and after pictures, marami kasi dito galing sila sa ulingan sa Tondo. Parang kapag tiningnan mo iyong itsura, better-off talaga dito.

    Pero kahit better off dito dapat sana hindi tayo makuntento na hindi naman hayaan na nag-rerelocate tayo na walang tubig, walang kuryente, kasi ito iyong mga mahihirap eh. For them na bumili ng 20 pesos na drinking water a day, for them na mag bayad ng at least 200 pesos sa tubig na pina-pampaligo, para mamasahe ng grabe, para makapag-aral iyong mga bata, parang hindi fair.

    Kaya ang sa atin lang, ngayon, sa September 1 mayroon kaming strategic planning sa HUDCC. Gusto naming i-take up na iyong lahat ng problema na nakita namin na baguhin ang mindset na ahensiya.

    Kasi parang over the years, naging mindset lang ng ahensiya iyong number of houses build iyong pinaka-accomplishment. Pero sabi ko dapat yata hindi iyon accomplishment. Dapat iyon proyekto lang. pero ang accomplishment, ilang buhay ba ang nabago dahil nagkaroon sila ng bahay?

    Iyong kanina, hindi ko alam kung nakita niyo iyong kausap ko na family. Parang siya, retired sa army. Nag-occupied sila ng bahay na maraming problema.

    Totoo 140,000 yata ang cost ng bahay pero dahil maraming problema iyong bahay na nilipatan nila, nagka-crack iyong mga walls, parang ang nagastos nila, 3 times pa doon sa cost ng bahay.

    Kaya ang sa akin lang, hindi natin mapapayag na ganito pa din iyong maging… ako mas okay pa sa akin na mag moratorium muna tayo ng ilang buwan, huwag munang mag-build. Basta kapag mag-reresume ng pag-build, iyong maayos na.

    Iyong reklamo, nandiyan si Congressman Pancho, iyong reklamo nila actually, hindi naman sa inaayawan nila iyong relocaties pero ang ano lang nila, sana kabahagi sila sa proseso ng pag-desisyon. Kasi kapag nilipat sila dito, sila ang mag-poprovide ng lahat ng social services. Hindi naman sila handa. Hindi sila inihanda.

    So parang nalaman nalang nga daw nila sa TV, na nag-relocate na pala dito iyong mga tao na iyong karagdagan sa IRA ng munisipyo hindi naman sapat para punuan iyong dagdag na cost sa kanila nang paglipat.

    Kaya ngayon, ang pinakadireksyon natin ngayon, mas mabuti talaga in-city. Kung posible on-site, kung hindi posible basta near-site para hindi naa-uproot sa means of livelihood.

    Tapos tinitignan nga natin iyong ibang modalities, sa Valenzuela public rental na sila. Tinitignan natin yan. Iyong gawad-kalinga model use of rak, tinitignan din natin. Kasi tayo, iyong naging policy natin, lahat ownership.

    Ok sana ang ownership. Iyon ang pinaka-ideal na end. Pero nakikita kasi natin, kapag diretsong ownership, hindi pinapahalagahan ng iba. Ang gusto kong sabihin, kapag na-tu-turn over na sa kanila, ibebenta nila sa iba, tapos mag-iinformal settlers ulit sila so hindi natin nabibigyan ng parang final solution iyong homelessness. Kaya ngayon, tinitignan natin ang iba’t ibang modelo.

    In fact tinitingnan natin ang modelo ng Thailand, iyong modelo ng Singapore, iyong modelo ng Hongkong, saka iyong modelo ng mga local governments na nagsubok na kung alin ang mag-wowork.

    Puwede namang mixture ng maraming modelo. Pero hindi na puwede ang ganito. Hindi puwede iyong ganito na nilalayo mo sa place of work para lang ma-decongest iyong Manila. Kasi actually parang dinadagdagan mo lang iyong problema kasi hindi sustainable iyong solusyon.

    Nilipat mo lang iyong problema pero actually mas na-compound pa siya kasi ang kuwento ko kanina, iyong mga heads of the families bumabalik rin doon eh. Gaya nang nakausap ko na family, noong nilipat sila dito, wala siyang makuhang trabaho, nakahanap siya ng trabaho sa Nueva Ecija, so umuuwi siya minsanan lang. So ang social costs sa family, grabe.

    So iyong sa atin lang, ang problema kasi pagpasok ko wala akong nadatnan na parang comprehensive roadmap kung saan patutungo ang housing. Parang gawa lang ng gawa iyong mga ahensiya.

    Gawa lang nang gawa tapos iyong accomplishments nila, iyong number of houses built, na gaya noon, iyong una kong binisita 4,000 houses. Ang occupied 800 lang, to think na madami ang nangangailangan. Iyong mga ganoon.

    Kaya kailangan talaga siyang upuan. Actually si Pangulo tinanong na ako kung kuntento na ako sa budget ng housing. Siyempre hindi kuntento pero ayokong humingi. Ayokong humingi na wala namang plano.

    Kasi kung iyong dating gawi na gawa lang nang gawa, wala talaga eh. Kawawa lang iyong tao. Narinig naman natin iyong mga problema nila, talagang kailangan siyang tutukan. So iyong ginagawa namin ngayon, kapag natatapos kami sa mga provincial na ganito, iyong lahat na mga sinasabi, sinusulat.

    Iyong mga sulat na ibinibigay sa amin, talagang ginagawan namin ng matrix para ihingi talaga ng tulong sa lahat ng organisasyon.

    Iyong limitasyon din kasi ng HUDCC, hindi kami department, coordinating council lang kami so wala kaming mandate na kami ang mag-eexecute ng programa kaya hinihingi din namin sa lahat iyong tulong. Pero I think it can be done habang nag hihintay pa ng mas maayos na solusyon.

    Q: Ma’am iyong sinabi ninyo kanina, iyong tungkol doon sa job, iyong sa bebentahan ng products, bukod po roon, ano pa po ang puwede ninyong help na magawa para sa jobs nila and livelihood opportunities?

    VP Leni: Ang sa akin talaga, mas mabuti na ang kausap malalaking grupo, malaking kumpanya. Halimbawa magtatayo ng factory, lalo na dito sa Bulacan marami namang…

    Q: Sa manpower….

    VP Leni: Oo eh. Nagkukuwento nga si Congressman Apple na parang ang dami na ditong sinayang na pera para sa livelihood trainings. Wala namang napapuntahan. Kaya kung may employment na available, mas mabuti iyon.

    Kami puwede kasi kaming conduit eh. Iyong sa Thailand, iyong ginawa niya, iyong sa housing mismo, iyong ginagamit niyang labor, iyon na mismo ang nakatira. Tine-training niya lang and cinompare niya iyong costs ng contractual ang gumawa, at saka costs noong tao mismo ang gumawa. Ang layo ng difference.

    Kaya iyong walang trabaho, pwedeng sila na ang workforce eh. Gaya ngayon, a few days ago kausap ko iyong asosasyon ng mga nasa socialize housing, sabi nila up daw ngayon iyong real estate business at kulang sila ng mga trabahador.

    Kaya sabi ko, bakit hindi tayo diba? Parang iimbentaryo natin iyong skills dito. Kung kulang man iyong skills, doon sila i-training. Kesa i-training na gagawa ng bags, wala namang mapupuntahan. Eh di mag training tayo sa mga skills na mayroong papapuntahan.

    Q: So maglalabas din po kayo ng pondo para sa training?

    VP Leni: Ibang opisina kasi wala kaming pondo para sa ganoon. Pero madali namang maki-partner kami with TESDA, madaling maki-partner with DSWD. Parang ang mangyayari sa amin, kami lang ang nag-fafacilitate ng partnerships between private and public.

    Pero kapag kami mismo, unang una hindi naman kami puwedeng tumanggap ng donations. Pangalawa, wala rin kaming mandate to execute programs. So mas madali sana kung Department of Housing kami but since hindi pa kami, coordinating council lang kami, parang kami lang iyong secretariat, kami lang iyong runner. Kami ang naghahanap ng solusyon. Pero ang solusyon nasa iba.

    Q: Ma’am reaksyon ninyo lang doon sa pagkakapatay doon sa recently na nagpunta ng DILG last week na mayroon daw silang ibibigay na matrix pero napatay sila kahapon lang. And, Ma’am iyong mensahe niyo po doon sa mga napatay sa Sulu na mga sundalo natin.

    VP Leni: Iyong sa akin kasi, tingin ko iyong solusyon din, parehong-pareho ng sa housing. hindi siya pwedeng parang masyado lang reactive iyong solusyon. Kailangang mas malawakan iyong paghanap ng solusyon sa droga.

    Tayo very supportive tayo sa kampanyang ginagawa ng Pangulo. Pinag-usapan na nga namin sa opisina, ano ba ang puwedeng maging role ng opisina namin to show support sa Pangulo. Iyong nakita namin na parang kulang ngayon, iyong pagdating sa rehabilitation, parang doon may gap pa.

    Ang daming surrenderies pero maraming mga kulang pa ang programa. Kung naaalala ninyo ang kwento ng isang 22-year old na may ginahasa at pinatay na nurse sa St. Lukes, pero ginawa niya iyon just after siya nag-surrender.

    So ito, parang ano ito, whether may patayan, or may nag-surrender, ano ang programa after? Tingin ko parang nauunahan kasi ng execution ang programa. So kami, tutulong ang opisina namin para humabol.

    Effective naman ang programa ng gobyerno sa surrenderies. Pero kami, gagawa rin kami ng programa. Of course in coordination with agencies at saka siguro local government units para dito.

    Kasi parang ang nangyayari ngayon, dahil sa dami ng influx ng pumapasok na information, na surrenderies, parang hindi rin alam kung ano ang gagawin ng marami.

    Mayroong mga LGUs na handa ang programa. Halimbawa iyong Quezon City, malawakan ngayon ang ginagawang programa. Doon sa amin sa Naga malawakan iyong rehabilitation. Pero tingin ko tutulong rin kami sa pag gawa ng mas comprehensive na programa para sa kanila.

    Iyong ano kasi ngayon, iyong napatay na ano, parang ordinaryong kuwento na siya pang-araw-araw na dapat sana hindi ganoon. Pero tayo ayaw naman natin maging sagabal sa kampanya. Ang gusto natin, kung mayroong pagkukulang sa kampanya, tayo rin ang magpupuno.

    Q: Hiling niyo po kay Presidente na gawin nang departamento para sa sarili ninyo makagawa na kayo, bukod sa housing, iyong iba pang problema….

    VP Leni: Actually napag-usapan na siya sa Cabinet meeting. Si DBM Secretary mismo, Secretary Ben Diokno, siya mismo ang nag-express na tingin niya kailangan talagang maging Departamento na ang housing.

    Mayroon ngayong mga pending na bills sa House of Representatives, sa Senate, na itong mga pending bills na ito, ang tagal na na gawing Department of Housing.

    Lalakarin namin kay Pangulo na baka puwedeng i-certify as urgent sana, para iyong problema hindi namin ipinapasa sa iba.

    Kasi ngayon ang dami naming gustong gawin, wala sa mandate namin, pero ipinapasa pa namin sa Office of the President para gawan ng executive order. Parang humahaba masyado ang proseso na puwede namang hindi na.

    Posted in Transcripts on Aug 30, 2016