This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Hope Becomes Us

    Office of the Vice President 06 June 2017 Message at the Launch of Istorya ng Pag-asa, Eastwood, Quezon City,05 June 2017

    Vice Mayor Joy Belmonte of Quezon City; Congressman Bolet Banal; kasama ko rin po ngayon ang aking Chief of Staff, Undersecretary Philip Dy, nandoon po sila sa likod; Ms. Tefel Besigan-Valentino; SAVP for Marketing and Business Development of Megaworld Commercial Division; Councilor Mayen Juico of District 1; Councilor Star Valmocina of District 2; Councilor Irene Belmonte of District 4; Councilor Ivy Lagman of District 4; Councilor Marivic Co-Pilar of District 6; Barangay Captain Cion Visaya of District 5; Ms. Peachy de Leon of District 3; Ms. Girlie Lorenzo and the Kythe family; Megaworld executives, honored guests, ladies and gentlemen: Magandang hapon po sa inyong lahat.

    Unang-una po, nagpapasalamat kami sa pagpunta ninyong lahat ngayong hapon. Bibigyan ko lang kayo ng kaunting kwento kung bakit tayo may Istorya ng Pag-asa.

    Nakikita po natin na noong mga nakaraang araw, noong mga nakaraang buwan, parang iyong lahat ng napapakinggan natin, lahat ng nababasa natin – parang lahat kaguluhan. Noong isang araw lang po, mayroong kaguluhan sa London ulit. Noong nakaraang linggo, mayroong insidente sa Resorts World na isang lone gunman iyong salarin. Iyong labanan sa Marawi, hindi pa rin natatapos. Parang araw-araw ang naririnig natin – mga kaguluhang gaya nito.

    Hindi ko lang po alam kung pareho iyong pakiramdam natin sa sinasabi ng mga nakakausap natin. Na parang lately, ang nararamdaman – lahat magkagalit, lahat nagaaway-away. Karamihan, frustrated. Karamihan, parang nawawala. Karamihan ang nagtatanong, “Nasaan na ba tayo ngayon?” Hindi lang dito sa Pilipinas, pero sa buong mundo.

    Marami ring fake news na lumalabas. Marami pong fake news na lumalabas at sinasabi po – sinasabi ng mga research – na kaya daw mas kinakagat ng tao iyong fake news ay dahil ito iyong nagpapahayag ng ating pinakamalalim na mga kinakatakutan. Ito iyong nagpapahayag ng mga nakatago nating mga damdamin. Kaya raw mas mabilis kumalat ang fake kaysa sa totoo.

    Ewan ko kung naaalala niyo iyong singer na si Jay-Z. Naaalala niyo ba siya? Noong 2014, naging biktima siya ng fake news. Sinabi na namatay siya. Hindi naman pala totoong namatay. Pero pinapakita po ng statistics na kahit nagbigay ng pagbabawi iyong nagbalita na siya ay namatay, mas kinagat pa rin iyong fake news na siya ay namatay.

    Ang problema po sa atin, ang karamihan ngayon ay parang naniniwala sa mas nakakagimbal. Karamihan sa atin ngayon ay mas naniniwala sa mas nakakatakot. Kaya ito po siguro iyong dahilan kung bakit may mga kasamahan tayo na gusto nang labanan ang ganitong pag-uusap.

    Noong nakaraan pong taon – siguro mga late last year – I was invited to a forum. Itong forum na ito ay organized by very young people, millennials ang nag-organize. Pero iyong tawag nila sa kanilang forum: “Let’s change the conversation.” Hindi ko alam kung ano iyong pupuntahan ko, pero pumunta lang ako. Pero pagpunta ko, apparently, that was their contribution – iyong forum na iyon – to all the negativity that has been happening right now around us.

    Parang ang sinasabi po nila, hindi na namin kayang sikmurain iyong lahat ng mga fake news, iyong lahat ng negativity na kumakalat. Kami na iyong gagawa ng something para mapalitan iyong conversation. Mula po noon, na-inspire ako na kung iyong mga kabataan nga are doing something about all the negativity that is happening around us, bakit tayo hindi?

    And then I was invited to Ayala Museum in an exhibit tungkol sa Istorya ng Pag-asa. Doon po sa exhibit na iyon, Nanay Lorna was there. In-introduce si Nanay Lorna – iyong kinukuwento ni Erick na si Nanay Lorna is a turon vendor. Hindi na siya sari-sari store owner ngayon, Erick, kasi pinaalis na siya doon sa tinitirahan niya. Wala na siyang tindahan. Kaya naglalako na ulit siya. Pero si Nanay Lorna, nakapagpatapos ng mga anak. Gaya ng sabi, mayroon siyang abogado, mayroong titser, mayroong nurse. Tapos iyong isa ay Intarmed student ngayon sa UP.

    Iyong Istorya ng Pag-asa, nagsimula iyan sa Quezon City. Nagsimula siyang project ng Quezon City. Noong nag-attend kami sa Ayala Museum, that gave me the idea: Why don’t we adopt this project and expand it to cover the entire country? Doon po namin naisipan na bakit natin ili-limit sa Quezon City iyong paghahanap. Na siguro marami ding mga kuwento of ordinary people who have gone through extraordinary ordeals but have emerged very successful. So, diniscuss po namin iyon and the office agreed to adopt this project, “Istorya ng Pag-asa.” Iyong sabi namin, let us turn hope into a verb. Hindi na lang iyong hope na feeling lang. Pero hope na verb, na mag-meaningfully search for stories of ordinary people doing extraordinary things.

    Kung naaalala niyo po si Pope Francis, just recently, sabi niya, the future of humankind is not exclusively in the hands of politicians, of great leaders, or of big companies. It is in the hands of ordinary people.

    Iyon po ang sabi ni Pope Francis. This is why he asked for a “revolution of tenderness.” Ang ganda ‘no? A revolution of tenderness for all of us to see the person in front of us, beside us, behind us, and listen. And really, really listen. At ang sabi po ni Pope Francis, and I quote: “… a tiny flicker of light that feeds on hope is enough to shatter the shield of darkness. A single individual is enough for hope to exist, and that individual can be you.” Close quote.

    Ang sabi nga namin, iyong kuwentong makikita natin sa exhibit na ito, may dalawa siyang klase ng tao na gustong ma-inspire. Iyong unang klase, iyong mga taong nagdadaan sa kahirapan ngayon para makita nila na itong mga kuwento ng mga taong ito, dumaan din sa kahirapan pero in the end, they triumphed. Iyon iyong first na gusto nating ma-inspire.

    Pero iyong second na gusto nating ma-inspire iyong mga taong marami nang grasyang natatanggap pero nagre-reklamo pa rin. Iyong gusto natin, na makaabot din sa kanila iyong kuwento. Para kapag nakaabot na sa kanila iyong kuwento sasabihin nila, “Ito iyong mga taong they almost had nothing pero na-convert nila iyong nothing na iyon sa success. So, walang dahilan kung bakit hindi natin kayang gawin iyong kanilang mga ginawa.”

    Ito po, sinimulan natin ito early this year and we have already launched in major cities all over the country. We have already launched, of course, in Quezon City. We have launched in Cagayan de Oro. Nag-launch na po kami sa Cebu province, in Cebu City, in Baguio, in Naga City, and in Dumaguete City. Mayroon na rin kaming dalawang partners. Tatlo na pala. Iyong isa po ay Siliman University in Dumaguete and Xavier University in Cagayan de Oro. Mayroon pang isa, University of the Cordilleras in Baguio. Ito iyong mga partners natin.

    Ano iyong gusto nating gawin? Gusto nating all over the country, iibahin natin iyong conversation. Rather than negativity, positivity iyong ibibigay natin. Rather than awayan, ang isasagot natin hindi tayo makikipag-away din. Pero ang sagot iyong mga kuwento ng ordinaryong tao na mag-i-inspire sa atin, makakapagpa-good vibes sa atin.

    And today, we have brought the exhibit here in Eastwood City. And we would like to thank, of course, the Local Government of Quezon City, Megaworld, and the administration of Eastwood Mall for giving us this space for our travelling exhibit. Now, we can start flooding our communities with real stories that can inspire us, that will uplift us, and hopefully, in that moment of faith, bring people together.

    Kanina, na-mention na ni Ma’am tsaka ni Erick na iyong pinaka-una nating kuwento, iyong kuwento ni Alexander. Kasi si Alexander, dati siyang traffic enforcer dito sa Eastwood. Ginawan namin siya ng hashtag before. Si Alexander: umibig, nabigo, nag-aral sumayaw. Naging dancing traffic enforcer at nakilala dahil sa kanyang pagiging dancing traffic enforcer. Siguro iyong mga madalas sa Eastwood, nakita na si Alexander in the past.

    Noong Sabado, nandoon kami sa Naga, sa Naga nakapag-launch na. Pero gusto nila may another activity noong Sabado. Nagkaroon ng signing of a Memorandum of Understanding with partners and with the owners of the stories. May piniresent sila ulit na sampung mga kuwento. Ang target daw nila, maghahanap sila ng mga 30 o 40 stories. Gusto ko lang i-share sa inyo iyong ibang mga stories na piniresent sa amin noong Sabado.

    Iyong pinaka-unang kwento, ewan ko lang kung napanood niyo siya sa TV, pero siya iyong senior citizen na nakapasa sa bar exam. Senior citizen siya, si Jessie. Kapangalan ng asawa ko. Senior citizen na si Jessie Savilla. Una siyang nag-aral ng abogasya, nag-enroll siya sa law school noong 1981. Noong papasok na siya ng second year sa law school, nag-asawa na siya at nagkaroon na ng mga anak. So, finorgo niya na iyong pag-aaral, kasi mas nauna iyong full-time siyang dapat nagtatrabaho, taking care of the family. Kaya kinalimutan niya na iyong law school. Pero noong tapos na iyong kanyang mga anak, noong 2012, iyong isa niya ring anak naging abogado. At noong naging abogado ang anak niya, siya na iyong kinukulit ng mga anak niya na sila naman ang magpapaaral sa tatay nila. So, noong 2015, bumalik siya. Bumalik siya, nag-aral ulit. Iyong mga anak niya na ang nagpaaral sa kanya at ang kuwento niya nga, nag-self review lang siya sa Bar. Ang kuwento niya, binabantayan siya ng mga anak niya kapag nagfe-Facebook siya. Kasi kapag nagfe-Facebook daw siya, pinapagalitan siya kasi dapat nag-aaral siya. Nakapasa siya. So ngayon, senior citizen siya, abogado na siya. He has been very active in many advocacies and I was telling him na iyong pagiging abogado niya mas makakatulong iyon sa mga advocacies.

    Iyong susunod na kuwentong piniresent sa amin, ngayon he is a Naga City Councilor. Ang pangalan niya ay Salvador del Castillo. Ang tawag po sa kanya ay Badong. Pero interesting po iyong kuwento ni Badong kasi si Badong was a janitor sa City Hall. Janitor siya sa City Hall. He was working during the day, pero at night, una, nag-aral siya ng accountancy. So noong natapos siya, paunti-unti, noong natapos siya ng accountancy, nag-take siya ng CPA boards. He passed during his first take. Naging accountant siya. After that, nagtrabaho na siya bilang accountant sa city. Hindi pa siya nakuntento. Habang accountant siya ng city, nag-aral ulit siya ng law sa gabi. So, evening student siya and full-time accountant during the day. Pag-take niya ng bar exam – take one – nakapasa ulit siya. So CPA lawyer na si Badong. Then naging City Administrator siya, naging City Councilor for nine years, three terms. And when my husband became Secretary of the DILG, he recommended Badong to head the BLGF o Bureau of Local Government Finance. So he was head of a national government agency here in Manila. Ang biro sa kanya every time he goes home, “Badong, pumuputi ka na.” Pero noong namatay iyong asawa ko, ayaw na niya ulit sa Manila. Sabi niya, kaya siya nasa Manila ay dahil sa asawa ko. So he resigned from BLGF and he ran last 2016 as councilor again. And he won again. So iyong kuwento ni Badong, kung iisipin natin, janitor pero nagsumikap.

    Iyong pangatlong kuwento, si Nanay Gilda. Si Nanay Gilda naman maaga siyang nabiyuda. Maaga siyang nabiyuda pero may tatlo siyang anak at hindi niya alam kung paano niya itataguyod iyong mga anak niya. Naging labandera siya. Naglabada siya and sa paglalabada niya, iyong panganay niyang anak, naging pulis at ngayon ay colonel na siya at Chief of Police na. Iyon iyong panganay. Iyong pangalawa, teacher na. At iyong pangatlo, isang microbiologist sa isang Tokyo university. At ikot nang ikot sa mundo iyong bunso niyang anak, sinasama iyong nanay. Kaya ngayon, binibiro siya: from labandera to biyahera.

    Iyong pang-apat, ito na iyong last kong ise-share kasi baka I will be taking up too much of your time. Iyong last kong ise-share – ito, kakilala kong personal. Kasi when my husband was still Mayor of Naga, employed siya sa city as street sweeper. Tagawalis. Ang tawag namin sa kanya, Tiya Charing. Itong si Tiya Charing ay lima ang anak. Pero dahil sa pagiging street sweeper niya, napagtapos niya iyong mga anak niya at naging professionals. Noong naging professionals na iyong mga anak niya – tapos lang kasi siya ng elementary – habang naglilinis siya ng kalsada during the day, nag-aral siya ng high school, night high school. And she graduated from high school at the age of 50. Pag-graduate niya ng high school at the age of 50 – at dahil tapos na iyong mga anak niya – nag-aral siya ulit ng college. Hindi pa rin siya humihinto bilang street sweeper. So, street sweeper siya during the day, tapos nag-aaral siya ng college sa gabi. Natapos siya ng college at the age of 54. ‘Di ba napaka-inspiring?

    Ito ang na-harvest naming mga kuwento. And if we have these four stories from Naga, we are very sure that all over the Philippines, we would be able to harvest more inspiring stories that can inspire our kababayans. Ang sadya natin – only to change the conversation. Kasi ang dami nang nag-aawayan ngayon kapag nagbukas tayo ng Facebook. But ultimately, to inspire others to do well also like our models here. And we never tire of telling these stories over and over again. Because such stories that inspire are more powerful than the darkness around us.

    Imagine-in niyo kung ang pinag-uusapan ay iyong mga kuwento nila. And iyong mga tragedies na ito, iyong ating kalungkutan, kahit papaano, gusto nating maibsan sa mga kuwento ng ating mga ordinaryong mga mamamayan pero extraordinary iyong mga pinagdaanan. At sigurado tayo na kahit matagal na itong proyektong ito, hindi tayo mauubusan ng kuwento kasi in every corner of the planet, maraming-maraming kuwento ng mga ordinaryong tao na gumagawa ng extraordinary things.

    And we hope that these stories, these people will be our ambassadors of hope. Sila iyong mga magbibigay sa atin ng pag-asa, iyong kanilang mga istorya – Istorya ng Pag-asa – na also meant to give us hope. Kaya this afternoon, with your presence, we want to start a movement. Alam ko mas maraming magagandang kuwento kaysa sa kuwento ko.

    Pero this afternoon, with the help of the Quezon City Government and Megaworld, we want to start a movement wherein we would bring out the inspiring stories of these people all over the country. Gusto naming iikot iyong travelling exhibit sa mga malls, sa mga schools, sa mga hospitals, sa mga public places para mas maraming tao ang makakita sa kanila at mas marami tao ang magsasabi na mabuti pa naman pala iyong mundo natin.

    Kaya maraming salamat sa Quezon City Local Government. Maraming salamat sa Megaworld for giving us this chance. We hope to see you again in our future exhibits.

    Magandang gabi sa inyong lahat at maraming salamat!

    Posted in Speeches on Jun 06, 2017