This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Grade 6 students’ Q&A with Vice President Leni Robredo

    Office of the Vice President

    26 September 2017

    Concepcion Integrated School, Marikina City

    TEACHER: Siguro huwag na nating patagalin pa. Excited na rin akong masagot ni Ma’am ang mga katanungan ninyo.

    VP LENI: Grade 6 sila?

    TEACHER: Yes po, Grade 6 po sila… Ready na po tayo? Okay, buksan na po natin ang ating tanungan. Sinong gustong mag-start? Ma’am, puwede po kayong pumili…

    [VP Leni chooses student]

    STUDENT 1: Ano po ba pagkakaiba ng gobyerno noon at gobyerno sa ngayon?

    VP LENI: ‘Di ba iyong lesson natin, Commonwealth?

    TEACHER: Yes po, Commonwealth po.

    VP LENI: Alam niyo, teacher din ako dati. Teacher din ako ng Araling Panlipunan kaya alam na alam ko iyang Commonwealth. Kapag sinabi mong gobyerno noon, gusto mong sabihin— Iyong tanong ni Dannah, iyong kaibahan ng gobyerno noon sa gobyerno ngayon. Gusto mo bang sabihin doon, gobyerno noong panahong Commonwealth?

    STUDENT 1: Opo.

    VP LENI: Noong panahon kasi ng Commonwealth— Alam niyo na iyon, ‘di ba? Noong panahon ng Commonwealth, pagkatapos iyon na sakupin tayo. Pagkatapos na sakupin tayo, una ng Kastila, tapos ng Amerikano. Tapos iyong panahong Commonwealth, anong taon nga iyon?

    STUDENTS: 1935.

    VP LENI: Ito, iyong panahong Commonwealth, parang itinalaga iyon dahil pine-prepare na tayo para sa ating kasarinlan. ‘Di ba alam niyo iyon? Iyong ating independence.

    Noong panahon na iyon, parang hindi pa tayo fully independent. Sinu-supervise pa tayo ng mga Amerikano, pero noong 1935, nagkaroon na tayo ng sarili nating Saligang Batas.

    Pero iyong Saligang Batas noon, 1935 Constitution. Ngayon, 1987 Constitution na. Ano iyong kaibahan ng 1935 Constitution sa 1987 Constitution? Hindi malaki, kasi pareho doon sa 1935 Constitution, mayroon tayong Kongreso na mayroong dalawang kapulungan. ‘Di ba? Ano iyong dalawang kapulungan? Senado at saka House of Representatives.

    Ngayon, ganoong din. Sinasabi ko iyon kasi iba iyon— Aaralin niyo iyon kay Sir later on. Iba iyon kapag 1973 Constitution. Kasi kapag 1973 Constitution, isa na lang iyong kapulungan ng Kongreso. Pero iyong 1935, dalawa. Mayroon ding pangulo, mayroong pangalawang pangulo.

    Pero ano iyong papel ng pangalawang pangulo sa atin? Alam niyo ba iyon? Hindi niyo pa alam iyong papel ng pangalawang pangulo? Ang pangalawang pangulo— Mayroon ba dito sa inyong president saka vice president? Sa klase niyo?

    TEACHER: Mayroon ba? Sinong president sa klase?

    [Student raises hand]

    VP LENI: Ay, si Jerome. Sino iyong vice president?

    TEACHER: Wala siya dito? Wala pa?

    VP LENI: Ah, wala kayong vice president? [laughs] Bakit wala kayong vice president? Paano kapag nagkasakit si Jerome?

    STUDENT: Pipili na lang po.

    VP LENI: Ah, mamimili pa lang. Kasi dito sa atin, iyong vice president iyon iyong trabaho. Iyong trabaho ng vice president, siya iyong tutulong sa president. Siya iyong tutulong sa pangulo. Kapag may nangyari sa pangulo—namatay, nagkasakit, hindi na makakapagsilbi bilang pangulo—iyong vice president iyong hahalili sa kaniya.

    Pero may kaibahan iyon sa ibang bansa. Ano iyong kaibahan sa ibang bansa? Sa ibang bansa, iyong vice president pinipili sa ibang paraan. Dito sa atin— Naaalala niyo ba iyong nakaraang eleksyon?

    STUDENTS: Opo.

    VP LENI: Noong nakaraang eleksyon, boboto tayo sa president tapos boboto din sa vice president. ‘Di ba? Kaya kami ni Pangulong Duterte, magkaiba kami ng partido. Ako, iba iyong ka-partner ko dati. Siya, iba iyong ka-partner niya dati. Nanalo kami, magkaiba kami.

    Sa ibang bansa, gaya ng Amerika, hindi iyon puwedeng mangyari. Kasi sa ibang bansa, hindi binobotohan iyong vice president. Kung sino iyong manalo na president, automatic iyong ka-partner niya na vice president, iyon iyong mananalo. Kuha niyo?

    STUDENT: Opo.

    VP LENI: Dito sa atin, pinagbobotohan nang hiwalay. Pero iyong kabutihan sa ibang bansa, mayroon siyang ibang trabaho maliban sa assistant siya ng president. Gaya sa Amerika, iyong vice president, siya iyong parang presiding officer ng Senado. Pero dito sa atin hindi ganoon. Dito sa atin, parang assistant lang talaga siya ng president. Paminsan puwede siyang bigyan ng Cabinet position ng president. Pero depende iyon sa presidente.

    Okay? Nasagot ko ba, Dannah, iyong tanong mo?

    STUDENT 1: Opo.

    VP LENI: Sino pa po ang may tanong… Sige, anong pangalan mo?

    STUDENT 2: Abjunafar po.

    VP LENI: Hindi ko na nabasa [iyong nameplate]… Abjunafar. Sige, ano iyong tanong?

    STUDENT 2: Ma’am Leni, ako po si Abjunafar at ito po ang aking katanungan: Paano niyo po ginagampanan ang pagiging bise president sa buong bansa?

    VP LENI: Ayon… Iyong ginagampanan natin, maraming iba-iba iyong papel.

    Halimbawa, halos araw-araw tumatanggap tayo ng mga bisita sa opisina na mga kinatawan ng ibang bansa—mga ambassador, mga representatives ng ibang bansa—na bumibisita dito. Tinatanggap natin sila sa opisina. Pinag-uusapan kung paano natin mapapabuti iyong relasyon ng ating bansa sa kanilang bansa. Isa iyon.

    Pangalawa, iyong aming opisina, naglunsad kami ng isang anti-poverty program. Programa para sa mahihirap. Ang tawag namin sa programang ito, Angat Buhay. Ang ginagawa namin, pumupunta kami sa pinakamalalayo, pinakamahihirap na mga lugar dito sa ating bansa, at tinitingnan namin kung ano iyong kanilang mga pangangailangan. Kapag nakita namin kung ano iyong kanilang mga pangangailangan, kami iyong naghahanap ng paraan kung papaano matutugunan iyong mga pangangailangan nila. Dahil iyong opisina namin wala naman sariling pondo para gumawa ng mga programa, iyong gawa namin, naghahanap kami ng pondo galing sa ibang ahensya ng gobyerno o galing sa private organizations. Kaya iyong Teach [For] the Philippines, iyong ating partner ngayong umaga, partner sila ng aming opisina para mapabuti iyong edukasyon dito sa aming bansa.

    Kaya iyon iyong aming trabaho. Kapag may kailangang gawin na halimbawa hindi puwede si Pangulo, kapag sinabi niyang ako muna, ako muna iyong gagawa. Halimbawa noong June 12—hindi ko alam kung nanood kayo sa telebisyon, pero ‘di ba kapag June 12, parang ginagawa natin iyon every year, nagre-raise tayo ng ating bandila sa Luneta bawat June 12 na umaga. Noong June 12 na nakaraan, hindi puwede si Pangulong Duterte, so sinabi ng kaniyang opisina, “Puwede ba, Vice President, ikaw muna kasi hindi puwede ngayon si President.” So ako iyong nag-raise. Iyon iyong trabaho ng vice president.

    TEACHER: Dito naman sa side na ito, mayroong gustong magtanong?

    VP LENI: Si Leanne.

    STUDENT 3: Magandang umaga po.

    VP LENI: Magandang umaga.

    STUDENT 3: Ako po si Agatha. Itatanong ko lang po, maaari ko po bang malaman kung sino ang inyong inspirasyon sa pagiging bise presidente?

    VP LENI: Sino iyong inspirasyon? Maraming inspirasyon. Siguro unang una, mga kabataang tulad niyo. Kasi iniisip ko, kailangan kong pagbutihin iyong aking trabaho kasi iyong kinabukasan niyo nakasalalay sa amin. Iyong kinabukasan, kayo na iyon. Kami, paalis na kami, ‘di ba? Kaya kailangan naming siguruhin na mabuti iyong dadatnan niyo para hindi kayo mahirapan.

    Kasi kung iisipin ko kami lang, kung iisipin ko ilan na ba— Hulaan niyo kung ilan na ang edad ko ngayon. Sige nga! [laughter from the students] Sinong manghuhula? Sige. [picks a student]

    STUDENT: 35.

    VP LENI: 35! [laughter] Anong pangalan mo? … Gerald. Naku! Cong. Miro, 35 ako. Ikaw na bahala kay Gerald. [laughter]

    Naku, Gerald, maraming salamat, pero napakalayo sa tunay kong edad. Kasi ako, 52 na. 52 na ako. Kaunti na lang magre-retire na ako. Alam niyo ba iyong retirement age sa atin?

    STUDENTS: Opo.

    VP LENI: Anong retirement age sa atin?

    STUDENTS: 60.

    VP LENI: 65. [laughter] 65 iyong retirement age sa atin, 60 iyong senior citizen na, pero 65 iyong retirement age.

    Gusto kong sabihin, kung iisipin ko lang ako, kung iisipin ko lang kami nina Cong. Miro— Mas bata iyan sa akin, si Cong. Miro, pero kung iisipin ko lang kami, parang… ‘di ba? Hindi na kami tatagal dito sa serbisyo.

    Pero kayo, mga bata pa kayo. Kailangang siguruhin namin na kapag kayo iyong lumaki na, mabuti iyong mundo na ipapamana namin sa inyo. Kaya kailangan naming paghusayan iyong aming ginagawa, kasi kapag hindi namin paghusayan iyong aming ginagawa, kawawa naman kayo

    Ako, mayroon din akong mga anak. Hulaan niyo kung ilan ang anak ko.

    STUDENTS: Tatlo po.

    VP LENI: Ilan iyong babae?

    STUDENT: Tatlo rin po.

    VP LENI: Tatlo din. Wala akong anak na lalaki.

    Iyon, kapag hindi ko pinaghusayan iyong aking ginagawa, kawawa rin iyong aking tatlong anak na babae. Kawawa naman kayong lahat.

    Kaya ang inspirasyon ko—and I’m sure iyon din iyong inspirasyon ni Cong. Miro, iyon din iyong inspirasyon ng inyong mga teachers—kailangang paghusayan namin. Kailangang maayos iyong aming ginagawa, kasi tinitingnan niyo kami, ‘di ba? Kung palpak kami, kung hindi kami matino, kung hindi kami masipag, kung hindi maayos iyong ginagawa namin, baka gayahin niyo kami. Kaya sisiguruhin namin na iyong nakikita niyo sa amin, iyon iyong gagayahin niyo kapag kayo ay tumanda.

    Mayroon pa ba sa side na ito? … Sige, Jhade.

    STUDENT 4: Magandang umaga po. Ako po si Jhade. Ang katanungan ko po: Paano niyo matutulungan ang estudyanteng tulad ko bilang bise presidente?

    VP LENI: Ayan. Paano matutulungan iyong estudyanteng katulad niyo bilang bise presidente.

    Unang una, kailangang tulungan namin iyong paaralan ninyo. ‘Di ba? Kailangan matulungan namin iyong paaralan niyo, na maayos iyong papasukan niyo. Lahat na gamit, lahat na facilities, lahat na libro na kailangan, nandito, para pumapasok kayo, kumpleto iyong mga kailangan niyo. Iyon iyong isa.

    Pangalawa, kailangan naming ayusin iyong mga teachers niyo, ‘di ba? Hindi naman kayo matuturuan nang maayos kung ang teachers niyo hindi maayos. Kaya dapat inaasikaso ng pamahalaan na iyong kapakanan ng mga teachers maayos.

    Pangatlo, kailangan sisiguraduhin namin na lahat ng bata may pagkakataong mag-aral. Hindi lang na… Hindi magiging dahilan iyong kawalan ng pera para hindi siya makapag-aral. Hindi puwedeng maging dahilan na iyong kawalan ng pamasahe, hindi siya makakapag-aral. Kailangan sisiguraduhin namin na nakakakain kayo nang maayos araw-araw, kasi iyong inyong nutrisyon ay mahalaga sa inyong pag-aaral. Kailangan siguraduhin namin na iyong kalusugan niyo, naaasikaso namin. Kasi kahit maayos iyong paaralan, kung iyong inyong kalusugan hindi naaasikaso, hindi din kayo makakapag-aral nang maayos.

    Okay? Mayroon pa? … Sige. [students raise their hands] Naku, dalawa na iyong questions mo! Sige, ikaw ulit, Dannah.

    STUDENT 1: Ito na po ulit ang aking katanungan: Ano po ang masasabi niyo sa mga krimeng nangyayari?

    VP LENI: Ayan, ano iyong masasabi natin sa mga krimen na nangyayari…

    Siyempre, unang una, nalulungkot tayo.

    Pangalawa, kailangan nating tanungin kung bakit nangyayari iyong mga krimen. Dahil ba ito sa kahirapan? Kasi kung dahil sa kahirapan, kailangan may gawin tayo para masugpo ang kahirapan.

    Pangatlo, dahil ba ito sa kawalan ng values, iyong mga paniniwala natin? Kasi kung dahil ito sa kawalan ng values, kailangang asikasuhin din natin.

    Pang-apat, kumusta ba iyong katarungan sa ating bansa? Iyong mga gumagawa ba ng masama napaparusahan nang maayos? Pero kung ang sagot doon, oo, tamang kaparusahan ba ito? Hindi puwedeng hindi natin sinusunod iyong batas. Kailangan… Mayroon tayong mga batas, kailangan sundin natin iyon. Hindi puwedeng dahil may ginawa iyong isa na masama, papatayin natin siya. ‘Di ba? Masama iyon. Kasi wala naman tayong karapatan para magpatay.

    Kaya ito, tingin natin iyong krimen, responsibilidad namin iyon. Responsibilidad namin bilang mga kawani ng pamahalaan na siguruhin na masugpo ito, kasi kapag hindi ito masugpo, iyong buong lipunan ay maaapektuhan, lalong lalo na kayong mga kabataan.

    Siguro naman nakita natin— Napapanood niyo ba sa tv noong mga nakaraan? Na kahit mga bata pinapatay? Nakakalungkot iyon. Kapag nangyayari iyon, tatanungin natin sa sarili natin, ligtas pa ba tayo? Dapat walang pangamba sa… walang pangamba sa inyo, na natatakot kayong lumabas kasi baka hindi na ligtas.

    Noong nakaraang linggo—ewan ko kung napanood niyo iyon. Siguro si Kian napanood niyo, iyong UP student napanood niyo. Noong mga nakaraang linggo, mayroon na naman, 14 years old—

    STUDENT 1: Si Horacio po.

    VP LENI: Ah, si Horacio, siya iyong namatay dahil sa hazing. Mayroon pa pagkatapos ni horacio. Mayroon pang isang bata sa Pasay. Lumabas lang siya sa bahay nila, tumambay sa labas, mayroong bumaril sa kaniya.

    So obligasyon namin sa pamahalaan na siguraduhin na hindi na ito paulit-ulit

    Mayroon pa po? … O, sige, si Sean.

    STUDENT 5: Paano po ba malulutas ang mga patayan?

    VP LENI: Ayan. Paano daw malulutas ang mga patayan? Unang una, kailangan iyong mga nagpapatay, mahuli, kasi hanggang hindi nahuhuli iyong pumapatay, lalong naeengganyo iyong iba na pumatay kasi hindi naman sila mahuhuli.

    Pangalawa, ulit, obligasyon namin na nasa pamahalaan na wala kaming sasabihin, wala kaming gagawin, para magbigay ng impresyon sa iba na okay lang pumatay. Kasi kung sasabihin namin na okay lang pumatay, baka napakarami pang maengganyong magpatay.

    Nalulungkot ka ba na maraming patayan ngayon?

    STUDENT 5: Opo.

    VP LENI: Sino ba iyong nalulungkot na maraming patayan?

    [Students raise their hands]

    VP LENI: Lahat nalulungkot, ‘di ba? Kailangang matapos na ito. Kailangan iyong ating sistema ng katarungan dito sa atin, maparusahan iyong mga gumawa ng mga bagay na ito. Kasi hanggang hindi sila napaparusahan—hanggang hindi sila nahuhuli, hanggang hindi sila nakukulong—patuloy at patuloy lang na mangyayari.

    Wala nang tanong? [students raise their hands] Iba naman! Iba naman, Dannah… O, sige, Edward.

    STUDENT 6: Paano po ba kayo nakakatulong sa mga taong mahihirap?

    VP LENI: Paano ba tayo nakakatulong sa mga taong mahihirap? Iba’t ibang paraan. Kanina, naikuwento ko sa inyo na mayroon kaming Angat Buhay. Iyong Angat Buhay, ito iyong programa ng aming opisina. Ang ginagawa namin, kami iyong pumupunta sa barangay na mahihirap. Tinitingnan namin kung ano iyong pangangailangan.

    Halimbawa— Ito, example ito, ha? Nagpunta kami sa Samar, sa Eastern Samar. Iyong pangalan noong bayan, Balangkayan. Siguro hindi niyo pa iyon narinig kasi maliit na bayan siya sa Eastern Samar. Pagpunta namin doon, nalaman namin na napakaraming bata kagaya niyo ang hindi pumapasok sa paaralan. Noong tinanong namin kung bakit hindi pumapasok, iyon pala parang sobrang layo ng paaralan, pero walang masasakyan—walang jeep, walang tricycle, walang bus papuntang sasakyan… ay, papuntang paaralan. Iyong iba, naglalakad, pero iyong mas malalayo iyong bahay, hindi na kayang lakarin.

    Paano kami nakatulong? Nagbigay kami ng sasakyan. Nagbigay kami ng sasakyan doon sa bayan, para iyong sasakyan gagawin siya na parang school bus. Para iyong mga sobrang lalayo, susunduin sila sa kanilang bahay para makapag-aral sila.

    Isa pang example. Pumunta kami sa Palawan. Alam niyo saan iyong Palawan? Narinig niyo na, ‘di ba? Iyong Palawan, marami siyang islands—

    Alam niyo ba iyong sa map natin? Iyong Palawan, siya iyong nakalawit dito. May pinuntahan kaming isang bayan sa pinakataas noong lawit. Sobrang liit niya, hindi na siya makita sa map. Isang maliit na dot lang. Ang pangalan ng bayan, Agutaya. Alam niyo iyong Agutaya.

    Pagpunta namin, nalaman namin na iyong buong bayan walang kuryente, kasi hindi nakakarating sa kanila iyong supply ng kuryente. Iyon iyong number one.

    Number two, bumisita kami sa paaralan. Pagbisita namin sa paaralan, nakita namin na iyong school building nila, sira. Walang bubong. So tinanong namin iyong teachers, kailan pa ba ito nasira? Sabi nila, “Apat na taon na pong nasira iyan, dahil sa Yolanda, pero hindi pa po naaayos.”

    Pangatlo, pinahilera nila iyong mga bata para salubungin ako. In-introduce nila, sila iyong Grade 1, sila iyong Grade 2. Na-meet namin iyong mga Grade 1, halos kasing laki lang sila ng mga Grade 5. ‘Di ba dito sa inyo alam niyo na kung sino iyong Grade 1 at Grade 5? Doon sa Agutaya hindi ganoon. Halos magkaka-size lang silang lahat.

    So may kasama kaming doktor. Tinatanong namin, “Doktora, bakit ganiyan? Bakit iyong mga Grade 5, parang Grade 1 lang sila, iyong laki?” Ang sabi ni Doktora, “Kasi stunted po sila.” Narinig niyo na ba iyong word na stunted? Parang iyong Tagalog noon, bansot. Narinig niyo na iyong bansot?

    STUDENTS: Opo.

    VP LENI: Pero iyong pagkabansot pala hindi lang sa height, pati sa mental abilities. Parang kapag sinabing bobo, hindi naman talaga iyon bobo, pero naapektuhan iyong kaniyang mental abilities dahil sa kakulangan ng nutrisyon.

    So noong umalis kami sa Agutaya, inisip namin kung paano kami makakatulong. Iyong una, iyong walang kuryente, naghanap kami ng partners na private. Ngayon, naglagay na iyong mga partners namin doon ng solar panels. Alam niyo iyong solar panels, ‘di ba? Iyong kuryente nanggagaling sa araw. So ngayon maraming mga bahay doon ang mayroon nang kuryente, dahil naglagay na ng solar panels na libre.

    Pangalawa, inaayos na din iyong paaralan na sira. Humingi tayo ng tulong sa pamahalaan na ayusin na iyong paaralan na sira.

    Pangatlo, naglagay na tayo ng isang feeding program na maayos. Hindi lang na papakainin iyong mga malnourished, pero siguraduhin na iyong tamang nutrisyon mula sa pagbuntis ng mga nanay. Para kapag buntis iyong nanay, maganda iyong kalusugan noong nanay, kapag nanganak sila, malusog iyong kanilang mga anak.

    Pang-apat, hindi rin sapat iyong magpapakain lang kami ng mga malnourished. Sinigurado namin na magkakaroon ng hanapbuhay iyong mga taong doon. Kaya nagdala tayo ng mga partners doon para matulungan sa hanapbuhay iyong mga tao, kasi kahit ka magpakain, kung wala naman silang hanapbuhay, maghihirap pa rin sila. ‘Di ba?

    So tinutulungan natin sila ngayon. Ganoon iyong paraan para tayo ay makatulong sa mahihirap. Okay, Edward?

    TEACHER: All right. Alam ko mayroon pang mga estudyante na gustong magtanong, gusto pang malaman ang ibang mga bagay tungkol sa opinyon at kinalaman ni Ma’am Leni sa pamumuno sa bansa, pero hindi na kakayanin ng oras. So i-wrap up natin siya… Ma’am, kung puwede po nating bigyan ng final word itong mga batang ito para ma-continue sila na ma-inspire sa kanilang pag-aaral.

    VP LENI: Okay… siguro ikakabit ko… Ikakabit ko siguro iyong aking final word sa lesson ninyo ngayon. ‘Di ba? Iyong lesson niyo kasi ngayon, pamahalaang Commonwealth. Bakit mahalaga iyong aralin ninyo today? Mahalaga siya kasi ipinapakita kung ano iyong pinagdaanan na kahirapan ng ating bansa sa paraan ng pag-aaral niyo ng ating kasaysayan. ‘Di ba bago niyo pinag-aralan iyong pamahalaang Commonwealth, pinag-aralan niyo iyong mga taon kung saan sinakop tayo ng mga dayuhan. ‘Di ba noong mga panahon na iyon, kulang na kulang iyong ating mga karapatan. Hindi tayo nakakapagdesisyon para sa sarili natin. Iyong panahong Commonwealth, gaya ng sabi ko kanina, parang pine-prepare na tayo para sa ating kasarinlan.

    Ang gusto lang nitong sabihin, pinaghirapan natin ito. ‘Di ba? Pinagsakripisyuhan natin ito, pinaghirapan natin ang ating mga karapatan, pinaghirapan natin iyong ating kasarinlan.

    Ngayon na sarili na natin iyong ating pamahalaan, ngayong marami na tayong tinatamasa na mga karapatan, iyong pinakaaral no’n: Huwag natin sasayangin.

    Huwag nating sasayangin. Kaya sa atin ipinapakilala iyong ating… Kaya sa atin ipinapakilala iyong ating pinagdaanan, para malaman natin kung gaano kahirap natin ito nakamtan. At dahil mahirap nating makamtan, hindi natin sasayangin, hindi natin aabusuhin. ‘Di ba? Iyong mga karapatan natin ngayon, dapat pinapahalagahan natin.

    Halimbawa iyong pag-aaral ninyo. Ito, pinagsasakripisyuhan ito ng ating mga magulang. ‘Di ba? Kaya dahil nagsasakripisyo iyong mga magulang natin para paaralin tayo, mag-aral tayo nang mabuti. Huwag nating sasayangin, kasi kapag sinayang natin iyong pagkakataon, sinong mahihirapan?

    STUDENTS: Kami po…

    VP LENI: Una, magulang. ‘Di ba? Pero mas mahihirapan kayo. Kasi kapag hindi ninyo inayos iyong inyong pag-aaral, baka hindi kayo makakuha ng maayos na trabaho. Kapag hindi kayo makahanap ng maayos na trabaho… Siguro naman mag-aasawa din kayo, ‘di ba, kapag gaya niyo na ako kalaki. Paano niyo bubuhayin iyong inyong mga anak kung wala kayong maayos na trabaho?

    Kaya ano iyong pinaka-lesson dito? Lahat na bagay pinaghihirapan. Kaya kung anuman iyong mayroon tayo ngayon, alagaan natin. Kung anuman iyong mayroon tayo ngayon, kailangan parati tayong nagpapasalamat.

    Si Teacher, dapat pinapahalagahan natin si Teacher, kasi si Teacher naghihirap para maturuan tayo, ‘di ba? Dahil naghihirap siya para turuan tayo, mag-aral tayo nang mabuti. Para sabihin ni Teacher na, “Nagbunga iyong mga hirap ko da pagtuturo kasi iyong mga estudyante ko natuto.”

    Malay niyo kapag kayo ay malaki na, magiging pangulo din kayo. Magiging pangalawang pangulo. Magiging congressman gaya ni Cong. Miro. Magiging mayor. Magiging vice mayor. O magiging principal. Magiging teacher.

    Pero kahit ano pa man iyong magiging tayo, pagbutihin natin, ano po? Naiintindihan?

    Tapos na, Sir, ‘di ba? Nagpapasalamat ako na nakasama ko kayo ngayong umaga. Bigla kong na-miss iyong pagiging teacher. Naging teacher ako for 10 years, habang nag-aaral ako para maging abogado. Nagtuturo ako sa umaga, nag-aaral ako sa gabi. Kaya natutuwa ako na naging teacher ako ulit. Kaya maraming salamat sa inyo!

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 25, 2017