This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Continuing The Culture Of Excellence In The PMA

    13 March 2017

    Message at the Breakfast with the PMA Cadets, Mess Hall, Philippine Military Academy 13, March 2017

    Magandang umaga.

    When I heard that I would be asked to speak this morning, I asked some of my security staff who are PMA also what I should say. Ewan ko lang kung tama ang advice nila pero ang sabi nila, Ma’am magsalita ka po pagkatapos ng breakfast para busog na sila.

    Sabi ko bakit kailangang busog? Baka po mainit ang ulo kapag gutom pa.

    Ang sunod, sabi nila iksian mo lang ang sasabihin mo at huwag masyadong formal kasi sanay po kami matulog sa klase. Di ko alam kung na-exaggerate na nila pero sabi nila iyong iba po sa amin na-develop na ang talent na kahit nakatayo tulog pa rin.

    Pero noong kumakain po kami, di ata nakakain masyado si General Del Rosario kasi nag-oobserve ako sa inyo pinapa-interpret ko sa kanya lahat ng ginagawa niyo. Kanina po may nakita akong nagraraise ng kamay akala ko recitation. Sabi ko bakit may nagraraise ng kamay?

    Sabi niya tatawag po iyan ng waiter kasi may kailangan. Sabi niya paminsan may recitation din dito. Ano iyong nirerecite? Sabi niya iba-iba. Paminsan ni-rerecite iyong menu, breakfast, lunch at dinner. Sino nag-rerecite, iyong mga plebo. Kaya sabi ko siguro tuwang-tuwa iyong mga plebo ngayon.

    I am very much honored to join you in breakfast this morning. I have been here a few times only as a tourist and yesterday was the very first time that I came and was given the opportunity to tour the Academy so I came early. I came an hour before thegraduation. Nag-tour ako sa Navy, sa Air Force, tinatanong ko kung saan iyong Army ang sabi ni General work in progress. Sabi ng ibang Army na kasama ko sana bilis-bilisan naman iyong sa Army para hindi naman kami nahuhuli.

    I was also given the chance to visit the ladies’ barracks. Marami akong natutunan noong binisita ko iyong ladies’ barracks na sobrang linis ng inyong mga kuwarto. Mahihiya kami sa mga kuwarto namin.

    Iyong una kong napansin aside from cleanliness, yung bar sa taas ng pinto. Akala ko iyon yung gamit niyo pang exercise. Sabi nila hindi po diyan po naglalambitin pag isusuot na iyong starched na pants. Kinuwento sa akin kung papaano sinusuot, hindi ko na uulitin.

    Two days every week I go visit our farthest and poorest communities. Kapag nasa hotel kami, kapag gusot iyong aking gamit, iyong mga security ko na galing PMA, palaging may dalang plantsa.

    Iyon pala ay training sa PMA kasi pag gusot ang inyong damit may demerits. Sabi ko di pala ako puwede sa PMA kasi parating gusot ang aking buhok. Buhok tsaka damit.

    Kinukuwento ng mga member ng security detail ko na graduate ng PMA, kayong mga first class na ngayon, ang tawag sa inyo mga Immaculates. Kayong mga Immaculates, you will be in your last year in the Academy.

    Alam ko marami sa inyo excited na gumraduate pero ang nakuha ko sa mga kasama ko, make the most out of your last year kasi when you go out, you will realize that you will miss life in the Academy.

    Alam ko marami kayong reklamo dahil mahirap ang buhay dito pero mas mahirap ang buhay sa labas. And when you go out, i-wiwish ninyo na sana nandito ulit kayo. This is the challenge, not only to savor your last year but also know that evryone will look up to you.

    Kayo iyong magdadala ng pace at tempo ng Academy now that you are the graduating class. Kaya sa mga Immaculates, our very best wishes for a very fruitful last year in the academy. Maraming salamat sa sakripisyong binigay niyo.

    I know it was not a walk in the park and I know that it involves a lot of hard work pero I am sure that if you are given the benfit of hindsight, parati ninyong makikita na iyong mga araw niyo dito sa Academy will be some of the best years in your life.

    Iyong susunod, di ko natanong kung bakit tawag sa inyo cows. Pero kanina iyong isang na-observe ko bakit kayo nag-clap? Sabi ni General pag may upperclassman na nagbiro kahit di nakakatawa iyong mga plebo nag-caclap kaya sabi ko siguro tuwang-tuwa iyong mga dating plebo hindi na sila plebo ngayon.

    Sabi niya pa, pag may kumanta na upperclass kahit di maganda, kailangang mag-clap. I think, correct me if I am wrong, General, pero iyong squad leader iyong second year, mag-thithird year ngayon kaya sabi ko, tinatanong ko siya kung ano ang role ng squad leader.

    Ang nakuha ko doon, as squad leader, alalahanin niyo lang iyong role ninyo na kayo ang magpupuna sa inyong mga kasama at kayo din ang maghuhubog sa character and value ng inyong mga kasama.

    Pati daw iyong uniform at buhok, demeanor, kayo ang pumapansin kaya siguro iyon ang dapat nating tutukan. Na everyone in the squad will depend their discipline on the kind of squad leader that you will be and you have the daunting task of ensuring that future officers of the AFP are loyal to the flag and will perform with distinction in the field.

    To the Yearlings or the Tigers of the Corps: take it easy. Isa pang kinukuwento sa akin iyong mga upperclass puwedeng magbigay ng fatigue duty, sabi ko siguro tuwang-tuwa sila na bigyan ng fatigue duty ng upperclass.

    Sabi ni general, puwede pa naman silang bigyan pero kami na lang ang puwedeng mag-utos. Siguro ang pinakamasaya ngayong araw iyong mga third class. Iyong mga third class kasi yung mga third class tapos na and I know that the most challenging part is your first year. Nakausad na kayo sa first year. I know it is one of the biggest leaps in the academy kais kayo ang sunud-sunuran the entire year. Sa April mayroon na din sa inyong susunod. Pero alalahanin ninyo lang na dahil upperclass na din kayo, be the upperclass that you need to be. Iyong mga kinaiinisan ninyo dating upperclass wag niyo na gayahin. Pero mababait naman daw ang mga second year ngayon pero sana nga totoo.

    Anyway, this is my last message to everyone.

    Kahapon when I attended the graduation rites nakita ko iyong mga tenets ng PMA, courage, integrity and loyalty. Ako sigurado ako na everyday in your life sa Academy binubugbog na kayo sa courage, loyalty at integrity pero para sa akin iyong pinakamadali doon iyong courage at loyalty.

    Ang pinakamahirap iyong integrity. Especially when you go out into the real world kasi iyong mundo niyo dito sanitized pa ‘to. Kahit na mahirap dito hindi pa ito iyong totoong mundo and when you go out into the real world, there will be a lot that will challenge your integrity.

    Pero always remember what you are here for, why you came to the Academy and what your dreams are for our country kasi maraming temptations paglabas. Temptations of wealth, temptations of power, temptations of the good life pero siguro ang advice ko na lang, lagi ninyo iisipin bakit ko ba pinagtiisan ang apat na taon at ang napakahirap na buhay sa PMA?

    And I am sure that if you just allow yourself to ask what made you decide to enter the Academy, hindi ninyo na makakalimutan ang courage, loyalty at integrity. Paglabas ninyo maraming kaaway and you have always been trained na ang kaaway ng ating bansa ay external but that is not the case anymore.

    Nagbago na ang mundo. Hindi na lang external forces ang kalaban. Marami na ring internal forces ang nag-thethreaten sa very core of our country. Di ko alam if you are allowed to have phones or to go online kasi kahapon dumaan kami sa tv room sabi ko wow may tv room din pala.

    Sabi nila, Ma’am nakakapanood din sila ng TV. Anong oras, Ma’am? 9:30-10:00. Sabi ko ano kaya napapanood ng 9:30-10:00? Iyong grabeng threat sa atin ngayon ay cyber attacks.

    Ako mismo I have been on the receiving end of all the viciousness online and the viciousness have been threatening our very core as a country. Matatalino naman kayong lahat, hindi naman kayo makakapasok sa Academy kung hindi kayo matalino.

    Ito ang dadalhin natin. Lahat ng bagay na nag-thethreaten sa atin bilang bansa, labanan iyon whether galing sa labas or sa loob. Pero ang sigurado ako with your training, you will never be content na puwede na, you will never be content na ok na dahil you have been trained to excel in life.

    Kami sa country, we will depend on you in the future as we are depending on our officers and our men now. Paglabas ninyo sa Academy, aasa na kami sa inyo. We will depend not only on the security of the country pero our very core as a country will be in your hands already kaya sa akin naman, I want to let you know that we are pinning our hopes on you.

    Thank you for your service to the country and thank you for your future service to the country.

    Ako parating saludo sa sakripisyong pinagdadaanan ninyo para sa bansa.

    Kaya maraming salamat general for giving me this opportunity to join you even for a short time only.

    Malaking education ito sa akin at appreciation for all the saacrifices you have given us.

    Maraming salamat, magandang umaga muli.

    Posted in Speeches on Mar 13, 2017