Mga mahal kong kababayan,
Habang nadarama natin ang init ng panahon ng Kapaskuhan, nais kong ipahayag ang aking pasasalamat at taos-pusong pagbati sa inyong lahat na aming mga frontliners, mga sundalo, pulis, bumbero, doctor, nurses, iba pang health workers, disaster response personnel at lahat ng first responders, emergency personnel at mga quick response teams, at iba pa na nagdiriwang ng Pasko na malayo sa inyong mga mahal sa buhay dahil sa inyong trabaho.
Ang inyong walang pag-iimbot na pangako at kahandaang magsakripisyo para sa Diyos, ating bansa, at inyong mga pamilya ay nagsisilbing tanglaw ng pag-asa at katatagan. Kayo ay sumisimbolo ng katapangan at pagkakawanggawa habang pinoprotektahan ninyo ang ating bansa.
Ngayong panahon ng Pasko, habang kayo ay nagsiserbisyo na malayo sa ginhawa ng tahanan, nawa'y malaman ninyo na kayo ay nasa aming mga isipan at panalangin. Hindi man napapansin ang inyong mga sakripisyo ngunit nagdudulot ito ng karangalan sa inyong pamilya.
Nawa'y ang diwa ng Pasko ay magbigay sa inyo ng lakas at ginhawa. Nawa'y maramdaman ninyo ang pagmamahal at pasasalamat na nararamdaman namin para sa inyo, anuman ang distansyang naghihiwalay sa atin. Ti serbisyoyo ket maysa a regalo nga agipakita iti ayatyo, para iti pagilian tayo ken dagiti kababayan. (Ang iyong paglilingkod ay kaloob na nagpapakita ng iyong pagmamahal, para sa ating bayan at sa mga kababayan.)
Magpabiling kamo nga luwas ug lig-on, gikan kanamo ang respeto ug pasalamat. (Manatiling ligtas at matatag, mula sa amin ang respeto at pasasalamat.)
Malipayong Pasko kaninyong tanan.
Maligayang Pasko at Manigong Bangong Taon sa inyong lahat.