Search

Christmas message to all OFWs and Filipinos living abroad

Mga kababayan,

Assalamualaikum.

Madayaw ug maayung adlaw kaninyong tanan!

Magandang araw sa inyong lahat.

Nais kong ipaabot ang aking taos pusong pagbati sa lahat ng Pilipino saan mang panig sa mundo.

Isa ito sa pinaka paborito kong pagdiriwang kung saan ang sentro ng ating kaligayahan ay ang hindi maitatangging liwanag na nagmumula sa araw ng kapanganakan ng mahal na Hesus at ating pananampalataya.

Sa aking pangalawang kapaskuhan bilang inyong Pangalawang Pangulo, nais kong ibahagi ang mensahe ng ‘Pagpapasalamat’.

Walang hanggang pasasalamat sa ating mga kababayan na nasa labas ng bansa, ang ating mga minamahal na Overseas Filipino Workers at Filipinos Living Abroad. Dahil sa inyong mga sakripisyo, ang ating ekonomiya ay nananatiling matatag. Kayo ang repleksyon ng progreso at talento na nag-aangat sa bandila ng Pilipinas saan mang panig ng mundo. Maraming salamat sa inyong lahat, ang mga bagong bayani ng ating bansa.

Inaalala namin kayong lahat na wala rito sa Pilipinas - nawa’y nararamdaman ninyo ang aming pagmamahal at pagsaludo sa inyong katatagan at katapangan lalo na sa mga nawalay sa inyong pamilya ngayong kapaskuhan.

Ang lagi kong dasal na ang inyong mga pagsisikap ay masusuklian ng tagumpay upang ang inyong mga anak, pamilya at sarili ay magkaroon ng maginhawang kinabukasan. Makakaasa kayo na ako ay nasa inyong likuran upang sumuporta sa inyong mga pangarap, pagsisikap at sa inyong paglalakbay tungo sa magandang kinabukasan.

Among iampo nga hatagan kamo sa Ginoo ug igong kadasig, maayong panglawas, ug kaluwasan sa kakuyaw ug kalisod.

Salamat sa inyong pagmahal sa atong nasud.

Malipayong Pasko kaninyong tanan.

Maligayang Pasko sa inyong lahat.