This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 93

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Magandang umaga, Pilipinas! Ngayon po ay araw ng Linggo, Feb. 17, 2019. Tayo po ay napapakinggan mula po dito sa DXZL-Manila 558, gayundin po sa RMN-DYHP Cebu, RMN-DXCC Cagayan de Oro, RMN-DXDC Davao, RMN-DWNX Naga, at sa inaabot po ng ating broadcast sa pamamagitan din po ng Facebook. Ako pa rin ho ang inyong Radyoman, Ely Saludar. Samantala, kasama po natin sa ating studio ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos. Sa mga kababayan po natin sa Visayas at Mindanao, maayong buntag.

    ELY: At siyempre ay nagsimula na po ang pormal na kampanya sa national level, iyong mga kumakandidatong senador at party-list. At maraming nagulat, Ma’am, sa nangyaring kampanya diyan po sa Naga—iyong pagkatapos po ng event, ang linis, parang walang nangyari.

    VP LENI: Ano naman iyon, ganoon parati, Ka Ely. Mas grabe nga, Ka Ely, kapag Peñafrancia Fiesta, kasi kapag Peñafrancia Fiesta, milyon iyong taong dumadating, pero pagkadaan lang ng parada, malinis na kaagad. Parang naging ugali siya over the years. Unang una, talagang mahuhusay iyong aming mga street cleaners. Sunod, marami talagang volunteers. Gaya noong kampanya, bago pa noong actual na rally, nagsasabi na iyong mga galing dito sa Manila, na huwag nating gagayahin iyong nangyari sa Pampanga. Ang sabi ko, “Huwag kayong mag-alala, kasi hindi ganiyan sa Naga.” Alam na ng tao kung ano ang gagawin. True enough, pagkatapos ng kampanya—may mga nag-video, Ka Ely, na mga taga-doon—in 8 minutes, malinis na iyong buong plaza.

    ELY: So ako rin, nagulat ako noong nakita ko.

    VP LENI: Mayroon naman, Ka Ely, na mga basura. Hindi naman maiiwasan iyon—

    ELY: Pero iyong kinabukasan, nakakakalat—

    VP LENI: Ah, hindi. Kasi, Ka Ely, iyong asawa ko, noong nabubuhay pa iyon, kahit bagyo na napakarami ng basura, ang gusto niya paggising ng mga tao, malinis na. Kaya parang naging ugali na din ng lahat na tao na—hindi naiiwasan iyong basura pero iyong kabutihan lang hindi nato-tolerate nang matagal.

    ELY: Iyan ang tradition po ng mga Pilipino, ‘di ba, sa bahay: pagkatapos niyong maghapunan ay kailangan malinis na, para kinabukasan wala nang kalat.

    VP LENI: Totoo. Parang mahirap nang masanay na may kalat.

    ELY: Okay, so iyon ho, mga kasama, sana ho sa buong bansa maipatupad po iyong talagang tradisyon ng mga Pilipino. Samantala, sa ilang mga isyu, Ma’am, na ating pag-uusapan din, ito ding pagkaka-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa. Iba’t iba iyong mga pananaw, pero siguro mamaya iyong sa isyu po ng legal na isyu po rito—

    VP LENI: Oo, saka mahalaga iyong bisita natin ngayong umaga, Ka Ely. Marami siyang… tingin ko marami siya puwedeng inputs dahil sa trabaho niya dati saka sa trabaho niya ngayon.

    ELY: Opo. Pero kayo, Ma’am, anong tingin niyo rito sa pagkakaaresto? At marami—sa international community, may reaksyon po dito, ha.

    VP LENI: Iyong sa akin lang, Ka Ely, mayroon pa ding pag-attempt na sabihin na hindi ito pulitika. Ang para lang sa akin, ano ba naman iyan, naglolokohan pa tayo. Masyadong obvious na nagsi-single out. Iyong sa akin nga, Ka Ely, kung talagang hindi nagsi-single out, naku naman, eh ako lang, nasa receiving end ng napakaraming fake news, bakit hindi niyo habulin? Eh iyong mga gumagawa ng fake news laban sa akin, naka-employ pa sa Malacañang iyong iba. ‘Di ba? Iyong sa akin lang, kung desidido tayo na… kung desidido tayo na sugpuin iyong mga fake news na sinasabi nila, o iyong mga libelous attacks, hindi lang iyong umaatake sa gobyerno. Pero iyong umaatake nang walang basehan, gumagawa ng kasinungalingan, dapat habulin nang pantay-pantay. Hindi natin sinasabihan, Ka Ely, na magkaroon ng special treatment. Pero iyong sa atin lang, kung gagawin sa isa, gawin sa lahat.

    ELY: Opo. Iyon. At samantala, ito, magandang isyu ho na pag-usapan din, dahil mismo hong ang Pangulo ang nagsasabi na parang kulang ho iyong mga skilled Pinoy workers para tugunan ito pong pangangailangan sa Build, Build, Build ng ating gobyerno. Kaya iyong iba ho, baka mapunta ho sa iba—sa mga dayuhan.

    VP LENI: Pero dapat may gawin tayo. Totoo naman, Ka Ely, na nawawala sa atin iyong mga skilled workers kasi talagang naeengganyo sa mas mataas na suweldo abroad. Pero ang tanong, ano ba iyong ginagawa natin? Iyong patuloy sanang pagbigay ng skills training, iyong patuloy na paghahanda sa ating mga workers, at pagsisiguro na maganda iyong working conditions dito sa atin para hindi na maengganyong mag-abroad. Kasi natural naman iyon, Ka Ely, ‘di ba? Kung mayroon lang namang pagkakataon dito, bakit iiwan pa iyong pamilya? Kaya siguraduhin dapat natin na wala silang dahilan para umalis pa.

    ELY: Ayon, opo. Samantala, mga kasama, iilan lang po iyan sa mga isyu na pinag-uusapan, at maya-maya siguro ay magandang matalakay din, Ma’am, iyong isyu din dito sa coco levy.

    VP LENI: Ayan, at mahalaga din, Ka Ely, kasi ang bisita natin dito, siguro siya iyong best person na makakasabi kung ano ba ito at ano iyong mga implikasyon ng veto ng Pangulo.

    ELY: Pero dito, Ma’am, sa rice tariffication bill, na ngayon po ay batas na, nalagdaan na, sa pag-iikot niyo, ano ho ba talaga sentimiyento dito ng mga, siguro iyong mga magsasaka?

    VP LENI: Ito, dalawa iyong mukha nito, Ka Ely. Iyong isang mukha, maaapektuhan talaga iyong mga magsasaka. Kaya iyong pinakatanong sa batas, ano ba iyong safety nets? Kung gagawin natin ito, ano ba iyong safety nets natin para siguruhin na hindi negatibo iyong epekto sa mga magsasaka? Kasi sigurado mayroon. Iyong nakakatakot lang dito, parang, kung gagawin natin na test run iyong nangyari sa TRAIN Law, na napakabagal noong pag-implement ng mga safety nets para sa mahihirap, talagang maghihirap pang lalo iyong mga magsasaka. Iyon iyong isang mukha nito.

    Iyong isa namang mukha nito, para sa mga consumers. Iyong, parang, promise dito, Ka Ely, kapag nangyari na itong rice tariffication, mas bababa iyong presyo ng bigas. So ito, kailangan pa nating—

    ELY: Mababawasan iyong kita ng ating mga lokal na magsasaka.

    VP LENI: Sigurado na mababawasan iyong kita, kaya crucial dito sa usapin ano iyong gagawin para hindi maapektuhan nang masama iyong mga magsasaka. Kung gagawin natin ito para sa mga consumers, gagawin natin ito kasi gusto natin na bumaba iyong presyo ng bigas, paano natin ipo-protect iyong ating mga magsasaka? Ito iyong gusto nating malaman, Ka Ely, kaya tingin ko hindi lang iyong batas iyong aabangan natin, pero iyong IRR, iyong implementing rules and regulations. Titingnan natin ano ba iyong mga hinahanda ng pamahalaan para makontra iyong paghihirap ng mga magsasaka.

    ELY: Oo, kasi mahirap dito, kapag nakapagkumpitensiya ng mga lokal ng mga magsasaka sa murang imported na rice, wala nang bibili sa kanila, so mamamatay po iyong sektor ng magsasaka dito.

    VP LENI: Kaya nga, Ka Ely, dalawa iyong mukha. Kaya dalawa iyong mukha kasi parati naman iyong, parang, papel ng pamahalaan maghanap ng balanse, na tutulungan iyong mas nakararami at parang nahaharangan iyong mga masasamang epekto ng mga polisiya.

    ELY: Ayon. [music break] Okay, so iyon po ang ilang isyu, mga kasama. At mamaya, sa ating pagbabalik, ay siguro maganda mahingan natin ng kaniyang mga pananaw at opinyon sa maiinit na isyu—lalo na iyong mga usaping legal—napakaimportante po nito.

    VP LENI: Saka ano, Ka Ely, maganda din na pagpakilala natin sa bisita natin, makilala natin iyong kuwento ng buhay niya, kasi napakalaking inspirasyon.

    ELY: Opo, nakita ko nga din po iyong kaniyang credentials at maganda, magsisilbing inspirasyon sa lahat po.

    VP LENI: Totoo. [music break; END GAP 1]

    ELY: Oras na ho natin, mga kasama, 9:15 na po ng umaga. At samantala, huwag na ho tayong magpaligoy-ligoy pa, at siguro para mas magkaroon po tayo ng mas mahabang diskusyon sa mga isyu. Okay, Ma’am, kayo na po ang magpakilala.

    VP LENI: Ayan, napakahalaga ng bisita natin. Iyong bisita po natin ngayong umaga, kilalang kilala bilang dating solicitor general. Kilala lang siya sa pangalan—kilala siya ng maraming Pilipino sa pangalan, pero parang ngayon lang nagkaroon ng mukha iyong pangalan, ‘di ba? Nagugulat iyong iba na bata pa pala; akala nila dati, iyong Attorney Hilbay may edad na, pero kapag nakikita, batang bata. Pero iyong pinakamahalaga sa kaniya—at nalaman ko ito, Ka Ely, noong ano lang, noong pinakilala sila sa Marikina. Doon ko lang nalaman iyong kaniyang kuwento, kasi kinuwento niya. Napaka-inspiring. Pero kumustahin muna natin. Good morning sa iyo, Atty. Pilo Hilbay!

    PILO HILBAY: Magandang umaga, VP Leni! Magandang umaga, Ka Ely! Magandang umaga, Pilipinas!

    ELY: So para po sa kaalaman ng ating mga listeners nationwide, siya po iyong dating solicitor general.

    VP LENI: Pero, Ka Ely, itong kuwento niya, laking Tondo, laking Tondo si Atty. Pilo Hilbay. Galing sa napakasimpleng pamilya. Nakapag-aral dahil sa mga scholarships. Ang kuwento niya, Ka Ely, ewan ko kung naaalala mo pa iyong RCPI noong panahon natin. ‘Di ba dalawa iyong sikat na ano noon, na parang telegraph companies—iyong RCPI saka PT&T. Iyong tatay niya, Ka Ely, messenger ng RCPI. Iyong tatay niya messenger ng RCPI, nakapag-aral lang hanggang high school, ‘di ba, Attorney Pilo? Nakapag-aral hanggang high school. Iyong nanay niya, natapos lang ng elementary, at naging kasambahay. Pero iyong pinakamahalaga—at ito iyong dapat magbigay ng inspirasyon sa bawat pamilyang Pilipino—na hindi kinakailangan na iyong kakulangan ng magulang magdiretso sa mga anak, ‘di ba? Hindi nakatapos iyong magulang, pero siniguro ng mga magulang na ang mga anak nila makakatapos. Iyon iyong kuwento ng mga magulang ni Attorney Pilo: messenger iyong tatay, kasambahay iyong nanay, hindi nakatapos pero siniguro na makakatapos iyong mga anak.

    ELY: At siyempre, iyong anak, pursigido rin na makatapos. Kasi kailangan kumpleto iyong sangkap, eh—minsan gusto ng magulang pero iyong anak, eh…

    VP LENI: Saka ang kuwento, nag-aral si Pilo sa UST, ‘di ba, Attorney?

    PILO HILBAY: Nagsimula po ako sa Tondo. Nakatawid po ako sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkatapos po noon, naging isang iskolar ng bayan sa UP.

    VP LENI: Pero tama ba iyong kuwento na noong nasa UST ka, parang working student ka din?

    PILO HILBAY: Partial scholar po ako sa UST. Pagkatapos po sa UP, doon po dalawa iyong aking trabaho.

    VP LENI: Paano mo iyon ginawa, Attorney Pilo, na—ako, naging law student din ako, nagtatrabaho din ako, saka evening class ako, pero iyong pagtrabaho ko, dahil nagtatrabaho na ako bago mag-aral. Pero ikaw, nagtatrabaho ka para makatapos.

    PILO HILBAY: Hindi ko na rin po masyadong natatandaan, dahil sa totoo lang, kung iyong buhay mo ay parang survival on a daily basis, parang mahirap iyong short-term memory. Pero ang natatandaan ko po noon, isa akong assistant ng dekano ng aming College of Law. Ginawa din po akong speechwriter para sa isang congressman. So dalawa po iyong aking trabaho. Pero kasama po ako doon sa regular class; hindi po ako evening student.

    VP LENI: Ah! Mas mahirap iyon. [laughter] Mas mahirap iyon kasi araw iyong eskuwela.

    PILO HILBAY: Oho. So full-time law student na ho ako, pero dalawa po iyong trabaho ko.

    VP LENI: Ayon. Mahirap iyon, Ka Ely. Ako, alam ko, galing din ako sa law school. Ako kasi, ano ako, paunti-unti dahil may asawa na ako noong nag-law school ako, pero mahirap iyong nasa regular class ka tapos nagtatrabaho ka pa. Pero ito iyong pinaka-ano kasi dito, Attorney Pilo, na kahit napakahirap noong pinagdaanan mo, naging topnotcher ka sa Bar exam.

    PILO HILBAY: [laughs] Iyan po, parang pangako sa aking mga magulang, at nakita ko na kailangan na magbukas ang isang malaking pinto para sa akin dahil kung medyo nasa ilalim ka, kailangan mas bilisan mo iyong takbo.

    VP LENI: Ito, Attorney Pilo, tatanungin ko ito, ako kasi naaalala ko kung nasaan ako, naaalala ko iyong naramdaman ko noong nalaman kong nakapasa ako. Ikaw, naaalala mo ba?

    PILO HILBAY: Tandang tanda ko po. Birthday ko po noong lumabas iyong Bar exam results—

    VP LENI: Pareho tayo! Birthday ko April 23, Ka Ely. Kaya hindi ko makalimutan kasi birthday ko lumabas iyong Bar exam.

    PILO HILBAY: Sa akin po March 19.

    VP LENI: Naku, parehong-pareho pala tayo.

    ELY: Magkalapit. Talagang March-April lumalabas iyang resulta.

    VP LENI: Dati. Hindi ko alam kung… Hanggang ngayon ba ganoon?

    PILO HILBAY: Minsan lumalabas na po ng Mayo, o kaya dulo ng April.

    VP LENI: Kasi ako, birthday ko, Ka Ely, noong lumabas. At nalaman ko, parang mga 12:05 midnight, 12:05 ng birthday ko. Kaya magandang salubong. Nasaan ka noong nalaman mo?

    PILO HILBAY: Nandoon po kami sa Padre Faura dahil—

    VP LENI: Talagang nag-aabang kayo?

    PILO HILBAY: Opo, dahil sinabihan po ako noong aking kasama na lalabas na daw iyong Bar examination, kaya sabi ko sa mga magulang ko, pati sa mga kapatid, punta na tayo ng Padre Faura—

    VP LENI: So kasama mo iyong magulang mo?

    PILO HILBAY: Kasama ko po ang aking buong pamilya.

    VP LENI: Naku, napaka-exciting, ha! Ano ba iyon, mayroon ka na bang kutob na magta-topnotcher ka?

    PILO HILBAY: Maganda po iyong aking pakiramdam, dahil pananaw ko nakapag-execute noong plano. At sinabi ko din po doon sa aking mga magulang, hintayin nila iyong resulta.

    VP LENI: So ito, mayroon kang kutob na maganda iyong magiging resulta, pero na-imagine mo ba na magna-number 1 ka?

    PILO HILBAY: Pinangarap ko po siya talaga, ano. Siyempre hindi po natin kontrolado kung ano iyong mangyayari, pero naisip ko po talaga, simula pa lang noong nag-review ako ng Bar exam, na iyon iyong aking gustong mangyari.

    VP LENI: Ka Ely, mahalaga iyon. Mahalaga iyon kasi iyon iyong pinaka-leksyon sa buhay, eh: na, ang sabi nila, kapag pinangarap mo iyong isang bagay, parang iyong lahat na energies mo nabubuhos mo para makamit iyong pangarap na iyon. At iyong kuwento ni Attorney Pilo, iyon iyong nangyari.

    Tapos noong nandoon ka sa Padre Faura at nalaman niyo na na number 1 ka, ano iyong pakiramdam?

    PILO HILBAY: Sobrang saya. At noong sinabi ko po sa nanay ko, kasi nandoon kami sa loob ng mall, napaluhod siya.

    VP LENI: Nasa loob kayo ng mall?

    PILO HILBAY: Opo, dahil kumakain po kami noon, pero napansin ko na—

    VP LENI: Sa Robinson’s Place Manila iyon?

    PILO HILBAY: Tama po, maliit pa iyong Robinson’s Place noon. Medyo kinakabahan na po talaga iyong aking mga magulang, kaya iyong sabi ko sa kanila, “Pumunta na tayo sa Padre Faura, dahil ang sabi lumabas na raw.” Habang naglalakad po kami sa loob ng mall, may tumawag na kaibigan galing sa Department of Justice, at noong binigay sa akin iyong telepono, narinig ko iyong pangalan ko—alam ko na maganda dahil nasa listahan iyong pangalan ko—

    VP LENI: Siguro nagsisisigaw na iyong tumawag sa iyo. [laughs]

    PILO HILBAY: Opo, tama po iyan. Then noong sinabi sa akin na, “Florin, ikaw ang number 1 sa Bar examinations,” noong pinrocess ko nang kaunti iyong resulta, nakita ng nanay ko iyong mukha ko, akala niya daw bumagsak ako sa Bar. [laughter]

    VP LENI: Pero hindi mo agad sinabi?

    PILO HILBAY: Hindi ko po kaagad sinabi sa kaniya kasi parang in-internalize ko muna iyong resulta. Noong nalaman niya po, napaluhod po siya doon sa loob ng mall. Sabi ko po, “Nay, kailangan niyo na tumayo.” [laughs]

    VP LENI: Pero ito, curious lang ako, Attorney Pilo, kasi kadalasan iyong nagna-number 1 sa Bar, hindi siya iyong number 1 sa klase, hindi siya iyong 1st honor sa klase. Ganoon din ba iyong sa iyo?

    PILO HILBAY: Ganoon din po. Ako iyong number 13 sa aming batch.

    VP LENI: Madalas iyon mangyari, Ka Ely, na iyong nag-number 1, hindi siya iyong class valedictorian. So talagang napakalaking regalo.

    PILO HILBAY: Opo, napakalaki. Iyon po ang pinakamalaking regalo ko sa aking magulang. Iyon po iyong pinakamalaking regalo sa akin noong 2000.

    VP LENI: Tapos ito, after kang mag-number 1 sa Bar, saan ka nagtrabaho una?

    PILO HILBAY: Ang una ko pong trabaho ay sa Korte Suprema.

    VP LENI: So gobyerno kaagad?

    PILO HILBAY: Buong professional life ko po, sa gobyerno talaga ako. Natatandaan ko po, kapag ikaw, mataas iyong grado mo, iniimbitahan ka noong malalaking offices.

    VP LENI: Oo, kahit iyong mga honor… kahit honor student ka pa lang, parang naghihintay ka pa lang ng Bar, hired ka na ng malalaking law firms.

    PILO HILBAY: Tama po iyan. Kaya po kami noon, iyong Top 20, iyong Top 20 ng batch, inimbitahan ng mga Makati law offices.

    VP LENI: Pero ito, curious ako, Attorney Pilo, kasi siyempre simple lang iyong pinanggalingan mo, hindi ka ba na-tempt, hindi ka ba naengganyo na, “O, kinukuha ako, napakalaki noong suweldo”?

    PILO HILBAY: Hindi po, kasi ang pananaw ko, from zero to something is already something big.

    VP LENI: Ganoon iyong pananaw. Pero ito, Ka Ely, alam natin kung gaano kamakulay iyong pinagdaanan niya bilang abogado. Pero parang iyong naaalala sa kaniya lahat, ng mga tao, ay isa siya doon sa mga nanguna para ipaglaban iyong karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Siguro sa kasaysayan, parang iyong kasalukuyang kasaysayan ng Pilipinas, isa iyon sa pinakamahalaga at pinakamalaking laban natin. Ito ba, Attorney, ano iyong pinagdaanan na proseso, at ano din iyong pakiramdam?

    PILO HILBAY: Well, noong ako po ay nahirang na solicitor general, nagkaroon po ng diskusyon kung sino iyong magrerepresenta sa ating bayan, dahil tatlo po iyong naging solicitor general ni Pangulo Aquino: si SolGen Joel Cadiz from Bicol, si SolGen Jardeleza. Noong na-appoint po siya na justice ng Supreme Court, ang naging desisyon ni Pangulong Aquino ay gawin akong solicitor general. Noong tinanong po ako kung ano iyong gusto kong maging role sa arbitration na iyan, ang sabi ko po puwede bang ibigay na lang doon sa iba, dahil maraming trabaho iyong solicitor general. Pero ang naging desisyon po ni Presidente Aquino, “Ikaw na iyong tumayo na representante ng ating bayan.” Kaya ako po iyong pinakabata doon sa team, dahil nandoon po sina ES Ochoa, Justice Ben Caguioa, si Justice Jardeleza, si Justice Carpio. Kaya napakaraming mga boses—at malalaking boses po iyong ating pakinggan.

    VP LENI: Saka mas senior sa iyo.

    PILO HILBAY: Lahat po sila ay senior. I was 40 years old at the time, at ang aking mga kasama ay mid-60s to late 60s. Kaya medyo nakakakaba rin po iyong pressure ng ganoon. At siyempre kung ikaw iyong hinirang ng Pangulo para sa isang kasong napakalaki—Pilipinas laban sa China—talagang ramdam na ramdam mo iyong pressure pati iyong expectations ng buong bayan.

    VP LENI: Ito, napakahalaga nito, Ka Ely. Naalala ko lumabas iyong desisyon 2016 na.

    PILO HILBAY: July 12, 5:05 p.m., of 2016.

    VP LENI: Naaalala ko, bagong miyembro ako noon ng Gabinete, at pinag-usapan doon iyong desisyon. Pero ito, naaalala mo din ba kung nasaan ka noong lumabas iyong desisyon?

    PILO HILBAY: Nasa loob po ako ng opisina ni Justice Jardeleza. Kasama ko po si Justice Ben Caguioa.

    VP LENI: Talagang hinihintay niyo na?

    PILO HILBAY: Hinintay po namin dahil ang sabi po namin… ang sabi po sa amin noong secretariat noong Permanent Court of Arbitration, end of office hours of July 12. Kaya po naghihintay kami doon sa chambers, dahil kaming tatlo po ni Justice Jardeleza at Justice Caguioa, kami iyong legal team sa Malacañang ni Presidente Aquino, at gusto naming i-brief po si Presidente Aquino kung ano iyong nangyari. So 4:50 p.m. pa lang po naghihintay na po kami. Medyo na-delay dahil mabagal po ng WiFi doon sa opisina, kaya kinabahan kami kung bakit napakatagal noong desisyon.

    VP LENI: Iyon, napakahalaga noon, Ka Ely. Pero mayroon pa kasing isa, Ka Ely, na pinag-uusapan ngayon. Parang nakaraang linggo lang, mayroong vineto si Pangulo na napakahalagang panukalang batas, at ito iyong sa coco levy fund. Ako, naalala ko, Attorney Pilo, ikaw na iyong solicitor general noong panahon na pinanalo din ng gobyerno iyong kaso tungkol sa coco levy fund. Puwede bang bigyan natin, sa maikling pagsasalita, puwede bang bigyan natin ng, parang, ideya iyong ating mga listeners kung ano iyong coco levy fund?

    PILO HILBAY: Noong mga nakaraang administrasyon po, panahon ni Presidente Marcos, nagpataw po sila ng buwis. Kaya po iyan tinatawag na coco levy—buwis po doon sa mga magniniyog. At iyang buwis po na iyan ay kinalap, umabot nang bilyon-bilyon, at napunta sa iba’t ibang korporasyon. Kaya naman po pagkatapos ng EDSA, hinabol po iyong iba’t ibang pagmamay-ari ng pamahalaan, at isa po iyan sa hinabol. Tatlong dekada ng litigasyon po iyan, at maraming kaso po tungkol diyan sa coco levy funds na iyan. Isa po sa mga una kong ginawa bilang solicitor general ay hinimay iyong portion na puwedeng ilagay sa ating… puwedeng ilagay sa kaban ng bayan. So noong panahon ko po, hiningi po natin iyong entry of judgment, para habang hindi pa tapos iyong ibang labanan, kunin na natin iyong puwedeng makuha. At ngayon po, pumapalo na po iyan sa P71 bilyon.

    VP LENI: Napakalaki, Ka Ely… Ito lang siguro iyong tanong natin: iyong pinataw ba iyong buwis, iyong coco levy fund, ano sana iyong pinaka-intensyon niyan noon?

    PILO HILBAY: Ang intensyon po niyan ay para tulungan at iangat iyong ating mga magniniyog. Ang tunay na intensyon po niyan ay direkta iyong tulong ng buwis na iyon para sa buong industriya. Kumbaga po ay isa-isang kukunan ng buwis ang ating mga magniniyog, at kapag nakalap na ang pera po na iyon, para sa kapakanan ng buong mga magniniyog, iyon po iyon.

    VP LENI: At alam natin ito, Attorney Pilo, Ka Ely, ‘di ba, na ang mga magniniyog natin, sila iyong pinakamahihirap sa lahat na magsasaka dito sa Pilipinas. Pero iyong pondong iyon, hindi ba iyon nagamit sa intensyon na dapat sa kaniyang papuntahan?

    PILO HILBAY: Ang totoo po niyan, napunta po sa mga pribadong korporasyon. Kaya nga po hinabol po nang matagal ng ating gobyerno, at hanggang ngayon may mga kaso pa rin po tungkol diyan sa coco levy funds.

    ELY: Pero dito po, para sa kaalaman ng ating mga listeners, vineto po ito ni Pangulong Duterte, iyong measure na magke-create ng P100-billion trust fund para po sa coconut farmers. Kinumpirma na po iyan ni ES, Executive Secretary Salvador Medialdea. Pero wala ho silang paliwanag dito po. At alam niyo ho, Ma’am, dalawang beses po itong sumalang sa bicam—

    VP LENI: Saka ito, Ka Ely, noong miyembro ako ng 16th Congress, isa ako sa mga principal authors noong coco levy fund. Hindi siya nakahabol, hindi siya nakahabol dati, kaya masaya tayo na iyong pakiramdam natin sa 17th Congress naipasa na siya, tapos nangyari iyong veto. Pero ito nga, Ka Ely, marami ding… maraming mga sinasabi na speculations: number 1, kulang daw ng safety nets din—baka daw magamit din sa pang-aabuso, pinag-uusapan iyong komposisyon ng magiging board, pinag-uusapan iyong paghawak ng pera ng PCA. Pero kayo, Attorney, ano iyong pakiramdam mo dito?

    PILO HILBAY: Justice delayed is justice denied, ano. Hinabol po iyang pera na iyan para pagdating ng panahon—at ang panahon ay ngayon na—magamit, finally, sa kapakanan ng ating mga magsasaka at magniniyog. Kaya napakatagal ng proseso sa ating Kongreso. Pabalik-balik po sa bicameral conference committee. At na-veto pa po. So hindi po natin maintindihan kung bakit napakatagal ng proseso para mailabas na ang pera na iyan, para matulungan iyong ating mga magniniyog.

    VP LENI: Saka ito nga, Attorney Pilo, naaalala ko, noong nasa bicam na nga siya at nilabas na, ibinalik pa, ‘di ba? Ibinalik pa ito upon the advice ba of Malacañang. So tayo, noong nakita natin, ang pakiramdam natin baka ito na iyong pakiramdam ng Malacañang na objectionable doon, maaayos na noong bicam, kaya paglabas ulit sa bicam, mas hopeful tayo na sigurado na mapipirmahan. Kaya nakakagulat iyong pag-veto.

    PILO HILBAY: Talaga pong nakakagulat, dahil nag-adjust na po—that’s an extraordinary act on the part of Congress na makinig doon sa Malacañang at sundin iyong abiso ng Malacañang pagkatapos nang umikot iyong proseso sa Kongreso. Pero na-veto pa rin po.

    ELY: Kasi ni-raise ng Malacañang iyong composition ng council. Para raw talagang maprotektahan iyong pondo at iyong maibibigay talaga sa mga coconut farmers. Pero iyong pangalawang pag-aayos ng bicam, wala ring nangyari.

    VP LENI: At saka iyon, Ka Ely, talagang from the very start naman, isa iyon sa pinapakipaglaban natin, na sana mas marami iyong representatives na manggagaling sa mga farmers. Kasi kung mayroon mang interesadong pangalagaan iyong pondo, sila iyon. Kasi para sa kanila iyon. At alam natin na kapag may gusto naman iyong Pangulo, sumusunod naman ang Kongreso, ‘di ba. Marami ngang mga… maraming mga panukala na pinasa ng Kongreso dahil gusto ng Pangulo. Kaya nakakagulat ito sa coco levy.

    ELY: Pero kayo, Ma’am, ano sa tingin ninyo ang magiging implikasyon nito dito sa pag-veto? Kasi maraming umaasa rito na mga magsasaka, at iyong ating industriya o sektor ng magniniyog, talagang pabagsak po, talagang kulang po sila ng suporta ng gobyerno. At karamihan nga sa mga lupa ginagawa nang mga subdivision.

    VP LENI: Hindi, ito nga, Ka Ely, siguro tanungin natin si Attorney Pilo. Ano ba iyong implikasyon? Ano ba ito, parang reset button na mag-uumpisa ba tayo sa umpisa? O hinihingi lang ba ng Pangulo na mayroon lang na ilang probisyon na i-correct?

    PILO HILBAY: Katulad po ng sabi ko kanina, ano, justice delayed is justice denied, dahil matatapos na po ang trabaho ng Kongreso, magkakaroon na po tayo ng eleksyon. Panibagong Kongreso. Malaki ang panganib na pagkatapos ng napakatagal na proseso, may mga bago kang miyembro ng Kongreso na iba na naman ang pananaw, iba na naman ang opinyon—kaya mare-reset at made-delay na naman po iyong hustisya na hinihintay ng ating mga magniniyog.

    VP LENI: Parang panibagong pakikipaglaban na naman.

    PILO HILBAY: Tama po iyon.

    VP LENI: Naaalala ko noong nasa 16th Congress ako, Ka Ely, iyong mga magniniyog, naglakad ito. Naglakad nang napakalayo para makakuha ng atensyon sa kanilang laban. At ito, pagdating nila dito sa Maynila ay tinanggap naman sila sa Malacañang, pinakinggan iyong kanilang hinaing, kaya nga mula noon medyo napabilis. At inaasahan natin sunod-sunod na sana.

    PILO HILBAY: Tama po. Nandoon pa po ako sa Malacañang noong hinarap ni Presidente Aquino iyong mga magniniyog dahil at that time gumagawa po siya ng Executive Order para po marepaso iyong paggamit ng pera na iyan. Pero may nagsampa po ng kaso…

    VP LENI: Kaya naantala ulit…

    PILO HILBAY: Kaya napatagal pa lalo.

    ELY: Siguro dito, ako, bilang isang broadcaster, matagal na ring commentator, siguro gawing issue ito sa kampanya ng mga magsasaka. Itanong nila sa mga kandidato ng administrasyon bakit ba iyon nangyari. Kasi siguro magandang paliwanag po rito, at hindi naman sa inu-obliga po natin ang Malacañang, pero siguro karapatan ng mga magsasaka na makarinig po sila ng paliwanag bakit ivineto. Kasi dalawang beses sumalang po ito sa Bicam.

    VP LENI: Totoo…

    ELY: Ibig sabihin talagang—

    VP LENI: Kakaiba na nga iyon, Ka Ely. Kakaiba na iyon kasi hindi naman iyan kadalasan nangyayari.

    ELY: Kasi pera po ito ng mga magsasaka.

    VP LENI: Pera ng mga magsasaka na matagal nang na-deprive sa kanila.

    ELY: Opo, na sana ho ay makatulong mismo sa kabuuhan ng sektor ng pagniniyog.

    VP LENI: Pero siguro, Ka Ely, ito nga, iyong sabi mo na gawing issue sa eleksyon. Tingin ko ito iyong dapat na mangyari sana—hindi lang ngayong eleksyon, pero bawat eleksyon. Napakaraming kumakandidato, pero kadalasan iyong nagiging basehan ang pagkakilala sa pangalan. Iyong sa atin lang Ka Ely, kami, humihingi kami ng tulong, pero ang pinakaunang nire-request lang namin, kilalanin—kilalanin kung sino ang nagpiprisenta na maglilingkod sa bayan. Hindi lang kilalanin base sa tamis ng pananalita ngayon, pero kilalanin sa mga nagdaan bang mga issues, saan sila tumayo? Kasi kung ano ang magiging sila kung senador na sila, masusukat natin ito kung nasaan sila noong mga nakaraan. Kasi kung sunud-sunuran lang, wala na tayong aasahan.

    ELY: Ayon, tama. Okay so, iyan kasing issue, Ma’am, talagang… Siguro maganda at lalo’t nasa probinsya kayo… maraming magniniyog, maganda ma-explain niyo rin sa kanila.

    PILO HILBAY: Tama po iyan dahil alam naman po natin iyong bawat sektor naghahanap sila ng kanilang kasagutan para doon sa kanilang mga katanungan. Doon po sa pagraradyo ko sa ibang mga lugar, lalo na po diyan sa Mindanao, napakalalim po ng issue na iyan, kaya babad na babad sila doon sa mga detalye ng issue.

    VP LENI: Totoo.

    PILO HILBAY: Kaya sigurado po ako na reresibuhan nila ang mga politiko, iyong mga tumatakbo, pati na administrasyon pagdating sa isyu ng coconut levy fund.

    VP LENI: Iyong ano talaga Ka Ely, ang problema namin dito sa team Otso Diretso, napakahuhusay ng aming mga kandidato, pero kailangan talagang kilalanin pa ng mga kababayan natin. Kaya iyong sa atin po, sa mga nakikinig na kilala na sila, tulungan silang ipakilala pa sila sa iba. Kasi sigurado ako, Ka Ely, kapag nakilala sila walang dahilan para hindi sila tulungan.

    ELY: Ayon opo. Siyempre siguro… Ma’am, maikli lang na pahayag kay Attorney Hilbay, iyong sa issue ng West Philippine Sea. Talagang nagtatak din po tayo diyan, dito sa isyu na ito. So sa ngayon, ano ba ang mangyayari? Parang ang perception ng marami, mukhang parang wala na tayong pakialam, parang—

    VP LENI: Parang naisantabi. Naisantabi iyong gains natin galing sa panalo.

    ELY: Kasi baka magising tayo, parang lahat na may istruktura na mahirap nang tanggalin iyan, ‘di ba? Kahit na atin ang, kumbaga sa ano, atin ang lupain, pero kung may nakatayo na diyan, mahirap na.

    PILO HILBAY: Tama po iyan, ano. Iyong China po, inabot siya ng halos 100 taon para i-execute iyong plano niya na ma-control iyang South China Sea, pati na rin po ang West Philippine Sea. Iyong sa atin po, parang bipolar ang policy natin—urong-sulong. At iyong pag-urong natin sa tingin ko ngayon ay parang napakalayo na ang mga susunod na administrasyon, kahit sino man po ang mahalal na presidente at Kongreso, malayo-layo po ang hahabulin nila dahil naatras tayo nang napakalayo dito.

    ELY: Opo. At siyempre, siguro, panahon na—siguro kung makakarating po kayo sa Senado—bawat polisiya ng isang administrasyon, ito halimbawa kung talagang ito po sa interes ng taumbayan, dapat hindi ho binabago iyan. Dapat dire-diretso. Halimbawa sa West Philippine Sea, nakuha natin na tagumpay, dapat dire-diretso ho iyan at walang politika po dito, dahil kapakanan ng lahat po ito, ‘di po ba?

    PILO HILBAY: Sa tingin ko po, iyong isa sa pinakamalaking trabaho ng Senado ay ang ibilad ang mga issues para maging transparent kung ano ang ginagawa ng ating gobyerno. Hindi puwedeng pumasok sa napakaraming kontrata nang hindi natin alam kung ano ang pinasok na kontrata. At pangalawa, iyong partisipasyon ng mga mamamayan. Dahil alam naman po natin na ang mga politiko, kapag hindi nabantayan ay puwedeng kung anu-ano ang gawin sa likod ng mga mamamayan. Pero kung mulat sa tamang impormasyon iyong mga mamamayan na tulungan ang ating mga politiko ng Senado, ng Kongreso, na ihain nang maayos ang mga issues, magiging maingay ang mga mamamayan at puwedeng magkaroon ng takot iyong mga politiko.

    VP LENI: At saka iyong ayaw nating mangyari na ang Kongreso maging sunud-sunuran lang. Kahit sino pa ang pangulo. Kahit pa iyong pangulo, ito iyong sinuportahan natin noong eleksyon, kahit itong pangulo hindi natin sinuportahan noong eleksyon—mahalaga sa lahat na panahon na hindi sunud-sunuran iyong mga ating mambabatas.

    ELY: Kaya nga hiwalay—tatlong ano iyan… hiwalay na sangay ang pamahalaan.

    PILO HILBAY: Ang madalas ko pong sinasabi kapag tinatanong ako sa aking posisyon, tanggalin natin ang tao doon sa pag-analyze ng mga isyu. Kayo po ba ay pabor doon sa posisyon o hindi? Hindi dahil pabor kayo dahil iyan ang posisyon ng presidenteng ito, kahit sino man po ang presidente na iyan.

    VP LENI: At saka iyong ano sana, Ka Ely, iyong disiplina na tingnan hindi iyong personalidad ng tao pero tingnan ang tinatayuan niya.

    ELY: Okay, so sa panghuli at bago tayo magtapos, dahil sa kulang talaga tayo sa oras, ano, Attorney Hilbay: Kayo ho, ay ano ho ba ang talagang sabihin natin ang isusulong niyo po sa Senado, bukod po sa mga issue na pinag-usapan po natin, para magmarka din po sa ating mga kababayan, at sa kabuuhan po ng Otso Diretso.

    PILO HILBAY: Well, ako po si Pilo Hilbay. Makakaasa kayo na isusulong ang interes ng mga nasa ilalim dahil pantay-pantay po tayo sa karapatan, pero iyong mga nasa ilalim naiiwanan po sila. Kaya po napakaimportante na paulit-ulit na sabihin na those who have less in life should have more in law. Ang tinututukan po natin ay isang, parang, pangmalawakang magna carta para sa mga nasa ilalim, para doon sa mga mahihirap…

    VP LENI: Iyong mga nasa laylayan…

    PILO HILBAY: Iyong mga nasa laylayan, kailangan po natin silang iahon. So sama-sama na po diyan ang ayuda na gamit ang 4Ps, iyong livelihood component, iyong unemployment compensation, iyong employment incentive component para maitutok po natin ang puwersa ng gobyerno sa mga nasa laylayan, at matupad ang pangako ng ating Saligang Batas—social justice.

    ELY: Ayon, okay po. So maraming salamat po.

    VP LENI: Attorney Pilo, maraming salamat. Ito Ka Ely kailangang magpakilala pang lalo, kasi pagmakikilala naman talaga siya, kahanga-hanga iyong kuwento ng buhay, kahanga-hanga ang mga tinayuan.

    ELY: Opo. Okay, mga kasama, iyan po ang dating Solicitor General, si Atty. Pilo Hilbay, mga kasama, miyembro po ng Otso Diretso. So siguro maganda talagang pag-aralan po nila mabuti, Ma’am, ano, iyong walo. Napakadali. I-Google lang ho nila, makikita na.

    VP LENI: Oo nga. Talagang ang pakiusap lang natin, Ka Ely, kilalanin.

    ELY: At walang, walang kaso ng ano mang pagnanakaw sa gobyerno. [laughs] Malilinis po. [laughs] Otso Diretso. Salamat po, Attorney.

    VP LENI: Maraming salamat po.

    ELY: At samantala, oras po natin 9:45. Maya-maya dito po sa ating Istorya ng Pag-asa pero may mga mensahe lang po na babasahin ang ating Bise Presidente.

    VP LENI: Oo basahin lang natin ang ibang nagkamusta sa atin ngayon umaga. Aba marami dito ngayon Ka Ely mga kababayan ko. Ito si Merly Hernandez Indionela galing sa Labo, Camarines Norte. Mayroon pang isang Camarines Norte, Daet, Ramil Jalgalado. Ayon, kamusta po kayo diyan sa Camarines Norte.

    Ito din from Riyadh, Felix Magusara. Kamusta po ang ating mga kababayan diyan sa Middle East. Ito parati tayong sinasamahan nito, si Meli Cabaneros galing ng Ontario, Canada. Ito kababayan ko din from Naga, Mar Briz galing sa Villa Corazon Subdivision, Del Rosario. Kamusta po kamo taga Villa Corazon.

    Ito naman from Japan, Reiggie Ozaki ayon. Ito from Rome naku, at alas dos ng umaga sa kanila ngayon Ka Ely, si Lourdes Lim. Naku napuyat po namin kayo. Pero kamusta po ang ating mga kababayan natin sa Rome. Ito naman naman from San Miguel Bulacan, Juanita Pascual. Ito po si Brian Ibrahim from Cainta, Rizal. Francis Rosales from Jersey City, USA. Si Eagle Eve from Taiwan. Naku marami tayong kasama ngayon Ka Ely na mga nasa labas ng Pilipinas.

    Ito si Lloyd kakilala ko ito, kaibigan ko ito. Si Lloyd Jambaro from Binalonan, Pangasinan. Taga diyan ka pala Lloyd. Estrella Robles from Toronto, Canada. Juana Nito Nasol from Daet ulit, pero nakatira daw siya sa Sydney, Australia.

    Ito for Atty. Pilo Hilbay, Estrela Gustilo, “Hi Atty. Pilo Hilbay, I will definitely vote for you, Otso Diretso.” Ayon, maraming salamat po. Si Loida Mondragon naman, “Atty. Hilbay deserves to be the next senator of our country. May kaalaman sa batas, may pinaglalaban, at may pagmamahal sa bayan.”

    Ito Nilda Albuainain, naku baka mali ang pag-pronounce ko, pero si Nilda. Sana daw mabigyan natin ng pansin ang ating nurses kasi underpaid. Totoo ito Ka Ely. Totoo, dapat talaga asikasuhin natin ang ating mga nurses kasi isa sa mga pinakakinakawawa. Talagang grabe ang trabaho pero hindi sapat ang sweldo. [END GAP 2]

    VP LENI: Ka Ely, sa segment natin ng Istorya ng Pag-asa, meron tayong dalawang bisita from Ateneo de Manila. Kumustahin muna natin sila: Eldrich Marquez—magandang umaga sayo, Eldrich—at si Nikki Dolfo. Si Eldrich and Project Head ng Sigla 2019. Si Nikki naman ay Executive Vice President ng Baybayin Ateneo. Ayun. Pero siguro mag-good morning muna kayo sa ating mga listeners.

    NIKKI DOLFO: Good morning po.

    VP LENI: Siguro tanungin muna natin sila, Ka Ely. Ano ba yung Baybayin Ateneo?

    NIKKI DOLFO: Ang Baybayin po, isang organisasyon siya sa Ateneo de Manila. Tapos ang layunin po namin ay manguna sa diskorso tungkol sa pagkakakilanlang Filipino. Nais naming magawa yun sa pamamaraan ng cultural education at cultural immersion. Bali, nais namin maging maalam pa ang mga mag-aaral sa kultura at kasaysayan ng bansa at nais din namin na maranasan talaga nila ang iba’t ibang aspeto ng kultura.

    VP LENI: Napaka-interesting yun ‘no kasi parang yung mga kabataan kadalasan iba yung pinagkakaabalahan.

    NIKKI DOLFO: Opo.

    VP LENI: Pero kayo gumagawa ng mga hakbang para mas maging culturally-immersed yung ating mga kababayan. Ito, interesting kasi pag-ikot ko sa buong Pilipinas, marami akong nalalaman for the first time. At parang hindi ko siya naaral before. At palagay ko, yung nalalaman ko ngayon kung nalaman ko noon, parang mas nakatulong sana sa akin.

    ELDRICH MARQUEZ: Opo.

    VP LENI: Pero ito very interesting kasi meron kayong parang yearly na activity, yung Sigla.

    NIKKI DOLFO: Yes.

    VP LENI: Ikaw, Eldrich, ang head ng Sigla 2019, diba?

    ELDRICH MARQUEZ: Yes po, Ma’am.

    VP LENI: Ano ‘tong Sigla?

    ELDRICH MARQUEZ: Bali Ma’am, ang Sigla ay taunang selebrasyon ng isang particular aspect ng kulturang Pilipino. Para po sa taong ito, sinikap po namin na magkaroon ng isang tema na sa tingin namin ay napapanahon at yun ang kwento ng Bangsamoro.

    VP LENI: Very interesting nga. Kasi kapapasa lang ng BOL.

    ELDRICH MARQUEZ: Yun nga po.

    VP LENI: At parang maraming energies at maraming mga iba’t ibang grupo ang nakatutok talaga ngayon sa Bangsamoro. Pero tayo na hindi tayo taga-doon ay kulang na kulang yung understanding.

    ELDRICH MARQUEZ: Totoo po yan, Ma’am.

    VP LENI: So paano yung mangyayari sa Sigla 2019 na ang tema niyo nga ay itong kwento ng Bangsamoro?

    ELDRICH MARQUEZ: Sa Sigla 2019 po, binabalik po namin na ihatid ang mensahe ng kultura at kasaysayan ng Muslim Mindanao sa Ateneo. Sapagkat, napansin namin sa curriculum ng aming paaralan—at siguro po maging sa ibang unibersidad—hindi po kasama ang kasaysayan ng Mindanao. Pero nananatili yung mga tanong na, “bakit sila naghihirap?”, “bakit may kaguluhan sa rehiyong iyon?” pero wala tayong mahanap na sagot.

    VP LENI: Saka, diba, parating name-mention yung historical injustice.

    ELDRICH MARQUEZ: Opo.

    VP LENI: Yun yung sinasabi nila na pinaka-ugat ng kaguluhan pero tayo hindi naman naiintindihan kung ano iyon.

    NIKKI DOLFO: Opo.

    ELDRICH MARQUEZ: Opo.

    VP LENI: Pero hindi ko alam, Eldrich and Nikki, hindi ko alam kung nakabisita na kayo sa Cotabato. Kasi kagagaling ko lang doon a few months ago sa Cotabato City doon mismo sa ARMM compound. Meron siyang parang kwento ng Bangsamoro. Yung lahat ng mga provinces na kabahagi ng ARMM, mayroong presentation ng ano siya at ano yung mga paniniwala niya, ano yung kanyang mga tradisyon, at ano yung kontribusyon niya sa kwento ng Bangsamoro. Siguro makakatulong sa preparations niyo.

    ELDRICH MARQUEZ: Oo nga po, Ma’am.

    VP LENI ROBREDO: Papakitaan ko kayo ng mga pictures mamaya.

    NIKKI DOLFO: Sige po.

    ELDRICH MARQUEZ: Sige po.

    VP LENI: Pero baka pwedeng maimbita niyo sila na gumawa din ng parang ganoong exhibit na ginagawa nila sa Cotabato. Kasi nung pumunta ako, meron kaming programa na Angat Buhay Youth. Nagkaroon kami ng ARMM run. First time ko nakita yung kwento ng Bangsamoro sa Cotabato City. So ano ‘to, magiimbita ba kayo ng mga taga doon para sila yung magbigay ng parang kaalaman.

    ELDRICH MARQUEZ: Yes, Ma’am. Bali ang sinabi po namin sa organisasyon, ang Baybayin po ay taga-pakinig din lamang ng kwento. Kung kaya’t lahat po ng mga speakers po naming saka mga performers ay galing sa Mindanao.

    VP LENI: Galing.

    ELDRICH MARQUEZ: Kasama po dito si Mr. Jorjani Sinsuat, student council president ng Ateneo de Davao at si Ms. Samira Gutoc.

    VP LENI: Na taga-Marawi.

    ELDRICH MARQUEZ: Yes po, Ma’am. Kasi bawat isa po sa kanila ay mayroong kwento rin na pwede nilang maiambag sa diskurso kung ano ba talaga ang kwento ng Mindanao.

    VP LENI: Saka ano, Ka Ely, mahalaga siguro ito kasi ako narinig ko na si Samira eh. Narinig ko na siya. Yung marami sa… marami tayong hindi nalalaman. Ano ba yung mgapinagdadaanan ng mga bakwit. Yung mga naiipit sa giyera. Parang yung buhay nila nandoon na sa isang supot na dala-dala nila every time na nakakasali sila gulo. Pero ito, kailan niyo ito balak gawin?

    ELDRICH MARQUEZ: Ang Sigla po ay magsisimula na sa susunod na linggo, February 26.

    VP LENI ROBREDO: Ah, malapit na.

    NIKKI DOLFO: Opo.

    ELDRICH MARQUEZ: Pero ang aming main event, “Ang Kwento ng Bangsamoro Forum” ay sa March 1 na po, 5:00 to 7:00PM sa Ateneo de Manila University.

    VP LENI: Ang galing. Pero ito ba, exclusive ba siya para sa mga estudyante ng Ateneo o i-oopen niyo siya sa labas.

    ELDRICH MARQUEZ: Actually po ito po ay bukas sa lahat ng mga tao hindi lamang po sa mag-aaral sa Ateneo sapagkat ang gusto po namin ay magkaroon ng adbokasiya na baguhin ang core curriculum ng mga paaralan para mailagay naman po ang Mindanaoan studies of peace and education.

    VP LENI: Ngayon ba wala pang ganoon?

    ELDRICH MARQUEZ: Wala po, Ma’am, pero sa loob po ng mga faculty nakahanap po kami ng movement po mga teachers.

    VP LENI: Mga advocates.

    ELDRICH MARQUEZ: Opo. So kami po yung parang nagsisilbing student arm nila.

    VP LENI: Pero ito ba, curious lang ako, yung mga members ba ng Baybayin—kasi organisasyon kayo diba?

    NIKKI DOLFO: Yes po.

    VP LENI: Yung mga members ba ng Baybayin may particular courses lang o open siya sa lahat.

    NIKKI DOLFO: Ay hindi po. Open po talaga siya sa lahat, sa kahit anong course.

    VP LENI: Kasi diba, ikaw Eldrich, ang course mo ay disciplinary studies?

    ELDRICH MARQUEZ: International Relations.

    VP LENI: International Relations. Tapos ikaw, Nikki?

    NIKKI DOLFO: Social Sciences po.

    VP LENI: Magkaiba. Magkaiba kayong kurso pero kayong dalawa papano kayo nagkaroon ng interes dito sa movement na ‘to?

    NIKKI DOLFO: Opo, hindi naman po talagang sa kurso yun eh. Nakita lang po namin talaga na hindi masyado napag-uusapan ang kultura ngayon. Maraming may hindi alam sa ating kasaysayan at talagang nakita namin na magandang pagkakataon ito upang mas marami pang talagang makaalam at sa ngayon nga iba-iba talaga ang mga miyembro ng organisasyon. Mayroong Environmental Science. So talagang nakikita mo na kahit sino talaga pwedeng makaalam pa at maging proud sa ating identity bilang Filipino.

    VP LENI: Ito yung isang tanong – hindi ba kayo nahirapan sap ag-recruit ng members?

    NIKKI DOLFO: Opo.

    VP LENI: Kasi, diba, parang yung kultura kasi parang taken for granted.

    NIKKI DOLFO: Yes.

    VP LENI: So hindi siya pareho ng sports o kung anuman na marami kaagad yung interesado. Pero yung culture diba parang yung impression ng iba masyadong seryosong usapin. Hindi ba mahirap mag-recruit ng members?

    NIKKI DOLFO: Mahirap nga po talaga considering kakasimula palang din ng [organisasyon]…

    VP LENI: Ilang taon na kayo?

    NIKKI DOLFO: Noong 2014. Five years palang po. Kaya mahirap din kumuha ng mga miyembro ngunit kinukuha talaga namin yung mga topic na sa tingin namin interested ang mga tao talaga.

    VP LENI: Nabasa ko parang nagkaroon din kayo ng exposure trip sa Ifugao.

    ELDRICH MARQUEZ: Yes po.

    VP LENI: Diba? Kasi interesting ito kasi mayroon din kaming community sa Ifugao at kabibisita ko lang three weeks ago. At marami din ang nalalaman ko for the first time.

    NIKKI DOLFO: Opo. Nakapunta ka din doon, diba?

    ELDRICH MARQUEZ: Opo. Actually, Ma’am, this year po babalik po kami ulit sa Ifugao and gusto po sana namin magkaroon ng konting kontribusyon doon sa local community kasi doon po sa unang punta namin napansin na yung tourism pamphlets po ay hindi ganoon kaaya-aya kung ako ay isang foreign tourist. Kung kaya’t sa pagbalik namin doon, gusto namin silang tulungan sa publicity materials or kung anoman ang kaya naming i-contribute sa Ifugao.

    VP LENI: Kasi very rich yung kanilang culture saka history. In fact, kung naalala mo Ka Ely, yung mga sinusuot kong mga tela…

    KA ELY: Tama.

    VP LENI: Ay galing yun sa mga weaving communities nila at nagawan ako ng kwento na ang sinusuot ko daw ay death blanket. So noong pagpunta ko doon, mahabang pag-kwento nila kung ano yung death blanket. Hindi naman pala totoo yung accusation pero yung isang interesting na nalaman ko doon yung mga excavations ng mga jars… ito kasi yung nagbibigay sa atin ng kaalaman ano yung pinagdaanan nila, very recent lang. Hindi siya gaya ng ibang kultura, ng sibilisasyon na matagal ng pinag-aralan. Yung kanilang history pero parang sila ngayon palang. So sa tingin ko, yung balak niyong pagtulong sa kanila ay napakalaking bagay.

    ELDRICH MARQUEZ: Opo, sana magtagumpay kami.

    VP LENI: Ito siguro imbitahin ninyo yung mga interesado kasi napaka-interesting ng topic yung sa Sigla 2019.

    ELDRICH MARQUEZ: So, Pilipinas, kayo ay interesado noon malaman ang kasaysayan at kultura ng Bangsamoro at kung naniniwala kayo na kailangan nating tumindig para sa kanilang pangmatagalang kapayapaan at panlipunang kaunlaran, malugod po namin kayong iniimbitahan na dumalo sa aming Kwento ng Bangsamoro Forum. Ito po ay sa March 1 na, Biyernes, 5:00 to 7:00PM sa Ateneo de Manila University.

    VP LENI: Saan ito sa Ateneo?

    ELDRICH MARQUEZ: Sa Leong Hall Auditorium.

    VP LENI: Ah sa Leong. Ito yung papasok sa Gate 3.

    ELDRICH MARQUEZ: Yes, Ma’am.

    VP LENI ROBREDO: Kaya yung mga nagtatanong po yung mga interesado lalo na yung kabataan. Sana mas marami ang kabataan na interesado.

    NIKKI DOLFO: Sana nga po.

    VP LENI: Ito po yung building na pagpasok niyo sa Gate 3 nasa right side, diba? So 5:00 to 7:00PM, March 1.

    ELDRICH MARQUEZ: Yes, Ma’am.

    VP LENI: Anong araw yung March 1?

    ELDRICH MARQUEZ: Biyernes.

    VP LENI: March 1, Biyernes. Sana mas marami yung magpunta kasi napakalaking bagay lalo ngayon na maintindihan natin ang Bangsamoro.

    ELDRICH MARQUEZ: Yes po.

    VP LENI: Iyon, Ka Ely.

    ELY: Opo.

    VP LENI: Wala nang oras. [laughter] 10 o’clock na… Pero nagpapasalamat tayo kay Eldrich saka kay Nikki. Bihira iyong mga kabataan na ito iyong hilig, pero tingin ko nga dapat mas maraming Pilipino ang interesado dapat sa ating kultura. Kaya maraming salamat sa inyo.

    ELY: Salamat… Okay, oras po natin, 9:58 na po ng umaga. At sa panghuli, siguro hingan po natin ng mensahe ang ating Bise Presidente. Ma’am, hingan ko lang kayo ng reaksyon dito, kasi may survey na mukhang kumakaunti na daw ang mga drug users dito po sa ating bansa.

    VP LENI: Mabuti naman iyon. Tayo naman, Ka Ely, from the very start, parati nating sinasabi na iyong anti-drug war, suportado natin iyon—ang kinokontra lang natin iyong paraan na ginagamit. At napakita natin, maraming mga private groups, Ka Ely—in fact, iyong iba dito, ka-partner namin—nakikita natin kung gaano ka-successful iyong ginagawa nilang mga programa ng rehabilitation. Pagpapakita lamang na hindi kailangan ng pagpapatay para masugpo iyong problema natin sa droga. Kaya iyong sa atin naman, basta hindi nagpapatay, hindi naglalabag ng mga karapatang pantao, agree tayo diyan parati.

    ELY: Okay po. Ayan, mga kasama, ayan po ang ating Bise Presidente, Madam Leni Robredo. Sa ngalan po ng ating mga listeners at mga kasama dito sa BISErbisyong LENI, ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar, ang oras alas-diyes ng umaga.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Feb 16, 2019