This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 92

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Mula dito sa DZXL-Manila, tayo po ay napapakinggan din sa RMN-DYHP Cebu, RMN-DXCC Cagayan de Oro, RMN-DXDC Davao, at RMN-DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng inaabot ng ating broadcast nationwide, worldwide, sa pamamagitan din po ng Facebook Live.

    Good morning, Philippines! Ako pa rin ho ang inyong Radyoman, Ely Saludar. Kasama natin si Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na kasama natin ngayong umaga. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol: Marhay na aga sa indo gabos! Sa atin pong mga kababayan sa Visayas at Mindanao: Maayong buntag!

    Ka Ely, bago lang ako magpatuloy, kasi baka makalimutan ko mamaya, iniimbitahan po natin iyong mga kababayan natin sa Bicol—sa Naga, particularly, sa CamSur—mayroon pong malaking proclamation rally diyan sa Wednesday, sa Miyerkules, ngayon pong Miyerkules, Feb. 13, 4:00 o’clock, sa Plaza Quezon. Ako po personal magpapakilala sa walo, sa walo nating kandidato, Otso Diretso. Kaya iniimbitahan po natin. Kahapon, Ka Ely, nandoon ako sa Naga. Iyon iyong pinag-uusapan.

    Maraming gustong sumama. Sabi ko welcome lahat. Kaya kung nandiyan po kayo sa Naga, o sa Camarines Sur, imbitado po kayong lahat pumunta, alas-kuwatro ng hapon, sama-sama po tayo.

    ELY: Okay. Kapag Otso Diretso, siguradong mabibilang, valid ang inyong boto. Kaysa katorse. [laughter]

    Okay po, pero siguro po, gaya ng dati, kasama po sa ating palatuntunan: Kahapon may nangyari, Ma’am, ano. Epekto kaya ito… kasi usap-usapan ito, maging sa social media, parang iyong mga Chinese—mawalang-galang na po sa ibang mga Chinese—pero parang lumalakas po ang loob at ultimo pulis natin, parang hindi po nirerespeto. Ito pong binabanggit natin iyong sa MRT, na kung saan normal naman po talaga na mag-inspect po, at siyempre may mga sinasabing banta ng terorista, at may nangyaring bombing po diyan sa Sulu at sa Zamboanga. Tinapunan ng taho iyong pulis natin. Ano po kaya ang implikasyon nito? Ito po kaya ay may kinalaman na ang ating Pangulo ay malapit po sa mga Chinese?

    VP LENI: Actually, Ka Ely, kahapon sunod-sunod iyong aking mga meeting sa Naga. Lahat na mga meeting na pinuntahan ko, mula umaga hanggang hapon, iyon iyong pinag-uusapan, iyon iyong pinag-uusapan nila sa video.

    Ito, Ka Ely, tingin ko hindi lang pambabastos sa pulis, pero pambabastos ito sa bansa natin. Tayo, alam natin na kapag nasa ibang bansa tayo, ‘di ba, talagang iyong pinakasagad na galang ay binibigay natin, pinapakita natin. Pero iyong pinakita noong Intsik na babae, nakakabastos. Ito nga, Ka Ely, iyong mga first na mga lakad ko, iyong mga kasama ko iyong mga Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce, kasi nagbigay sila ng mga classroom sa amin. Pati sila, pati sila hiyang-hiya doon sa ginawa noong dalaga na Intsik dito. At pinag-uusapan—halimbawa, Ka Ely, nandoon ako sa isang meeting ng mga kababaihan, sabi nila, “Ayan kasi, binibigyan ng special treatment iyong mga Chinese dito, kaya binabastos na tayo.”

    Tingin ko, Ka Ely, parang wake-up call iyon sa ating lahat. Ano ba talaga? Maraming reklamo na iyong mga trabahong dapat sana sa Pilipino, nabibigay pa sa Instik. Tapos ito pa, parang kinakalinga natin sila tapos binabastos nila tayo.

    ELY: Opo. Okay, so ayon ho. Kahit ako ay nagulat, kasi kapag tayo ay nasa abroad, ibinibigay po natin ang respeto kahit sa pulis, kahit sa immigration o kung anuman—

    VP LENI: Oo naman.

    ELY: —at mismong kanilang mamamayan, nirerespeto, kasi bisita tayo, eh. Dapat ganoon din ang gawin nila.

    VP LENI: Tingin ko malaking dagok iyon sa atin, kasi alam naman natin ilang buwan na iyong usap-usapan kahit saan na parang na-i-invade na tayo. Tapos ganito pa. Dapat sana, dapat sana, dahil wine-welcome natin sila nang maayos, dapat sana galangin tayo.

    ELY: At isang isyu na lang, Ma’am: Sa Martes, umpisa na po iyong pormal na kampanya sa national. At maya-maya may makakausap po tayo na mga kasama sa Otso Diretso. Pero kayo po, Ma’am, ano po ang take niyo? Kahit sabihin natin matagal nang inabuso, lalo na iyong mga maagang nangampanya, lalo na iyong mga maraming pera at resources, at iyong iba diumano ginamit iyong resources ng gobyerno. Campaign period na po, magsisimula sa Tuesday. Kayo ho, ano hong masasabi niyo rito? Sabi po ng Comelec, haharap daw po sa mga sanctions, siyempre official na po iyong kampanya.

    VP LENI: Ako, sana, Ka Ely, totohanan. Kasi halimbawa, isa ding usap-usapan sa amin—mabuti na lang sa amin, Ka Ely, hindi ito uubra. Mabuti na lang sa amin iyong pang-aabusong ganito lalong mapaparusahan. Kasi parang for the first time in a very long while—lahat naman ng eleksyon sa amin, Ka Ely, mayroong mga early campaigning, pero hindi ganito kagrabe. Iyong sa amin, Ka Ely, bawat kanto yata, isang mukha lang iyong makikita mo, at napakalalaki talaga ng mga tarpaulin. Ang unang tanong sa akin kahapon ng mga kababaihan, saan ba galing? Saan ba galing iyong mga ganiyan? Bakit pinapayagan?

    Ako, sana kung nagbabantay iyong Comelec, totohanan. Kasi kapag hindi ito totohanan, siya na iyong magiging ugali bawat eleksyon. Gustong sabihin, kapag ipinayag iyan, iyong mga mapepera, iyong mga may panggawa ng ganiyang kalalaki, sila na iyong mamamayagpag. Pangalawa, gusto bang sabihin, iyong mga kandidatong walang-wala—walang capability na gumaya sa mga ginagawa, gusto bang sabihin wala na iyong pag-asa? Kasi kapag hinayaan natin, talagang pambabastos na din ito sa election laws natin, kasi iyong election laws natin, parang sinisiguro na mayaman o mahirap, pantay-pantay iyong pagkakataon na magtagumpay sa eleksyon. Pero ngayon, kung papayagan iyong ganiyan, una, ano talaga, Ka Ely—

    Halimbawa, kahapon, mayroong malaking pagtitipon—kahapon ba iyon o Biyernes? Biyernes yata—may malaking pagtitipon ng mga barangay captains sa amin. Tapos nagkukuwento sila. Kausap ko iyong mga kapitan kahapon, nagkukuwento sila kung anong nangyari. Talagang… talagang parang tinutulak talaga iyong iilan na kandidato ng administrasyon, para magkaroon ng, parang, headway sa eleksyon. Ito, Ka Ely, tingin natin hindi ito makatarungan, tingin natin hindi ito nagbibigay ng pantay na oportunidad. Sana ipakita ng taumbayan na hindi ito puwede—lalong nag-aabuso ng pagkakataon, lalong hindi tutulungan. Kaya iyong usap-usapan sa amin, Ka Ely, ipakita natin na hindi puwede iyong ganito.

    ELY: Opo. Okay, samantala, mga kasama, oras po natin, 9:15 na po ng umaga. At ngayon, umpisahan na natin, Ma’am, ang ating diskusyon.

    VP LENI: Oo. Ito, Ka Ely, napakahalaga ng araw na ito kasi siguro hindi naman kaila sa lahat, hindi naman kaila sa lahat na iyong pagkapanalo ko noong 2016 elections, talagang pasasalamat ko sa taong ito. Parati ko itong kinukuwento, Ka Ely, sa mga pagtitipon: wala pa akong kabalak-balak kumandidato para sa national post… Kasi congresswoman ako, Ka Ely—iyong iniisip ko pa lang noon, kung magre-reelection ba ako o hihinto na. Itong bisita natin, kinausap ako maaga pa. Ang sabi niya, Ka Ely, kung kakandidato ako ng senador, nagvo-volunteer siya maging campaign manager ko. Sabi ko nga sa kaniya imposible iyon, kasi wala akong pera, hindi ako kilala. Pero hindi pa matagal mula noong sinabi niya sa akin, biglang naging kandidato ako para Vice President. Wala ako, Ka Ely, ibang kinonsider. Siya lang iyong kinausap ko na, “Puwede bang mag-campaign manager ka sa akin?” Alam kong napakahirap noon kasi wala namang nakakakilala sa akin, pero hindi siya humindi. Bisita natin siya ngayon, at utang ko sa kaniya iyong pagkapanalo ko noong eleksyon. Wine-welcome natin siya, magandang umaga sa iyo, Senator Bam.

    SEN. BAM AQUINO: Marhay na aga po, Ma’am. Marhay na aga, Ka Ely. Magandang umaga sa mga nakikinig. Good morning po! Napasubo po kami. [laughter] Napasubo po kami sa kampanya ni Ma’am.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, kahit sinong kausap ko—mayroon akong lunch noong nakaraang linggo, kinukuwento ko sa kanila. Kapag sinasabi, “Sino si Senator Bam? Kilala namin siya, nakikita namin sa TV, pero ano ba iyong pagkakakilala mo sa kaniya?” Parati kong sinasabi, wala na siguro akong kilalang mas mahusay pa dito. Napakabilis mag-isip, napakalalim mag-isip, at iyong pag-iisip nasusundan talaga ng aksyon. Mayroon kasi, Ka Ely, na mga mahusay mag-isip, pero mahina sa implementasyon; mayroon namang mahusay mag-implement, mahina sa pagplano. Pero ito, Ka Ely, si Senator Bam, entire package. Tapos sabi ko sa kanila, Senator Bam, may kausap akong mga kaibigan, si Senator Bam, kahit napakahusay, nakikinig—pinapakinggan iyong boses ng iilan. Pero siguro ito itanong natin, kasi marami na rin siguro iyong nakakaalam, summa cum laude sa Ateneo de Manila, Management Engineering.

    ELY: Ma’am, totoo iyan ha, kasi mayroong nilalagay cum laude—[laughter] Siguro alam naman ng listeners natin kung sino iyon.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, siya pala iyong student council president. Ito, Senator Bam, paano mo napagsabay noong estudyante ka pa?

    SEN. BAM AQUINO: Ah, noong estudyante pa… Flashback. [laughter]

    VP LENI: Bata pa naman kayo.

    SEN. BAM AQUINO: Noong time doon sa amin, major in student council kami noon, minor in Management Engineering. Iyong oras po talaga namin noon, nasa sektor ng kabataan noong time na iyon. Pero nakita po namin na kapag enjoy ka sa ginagawa mo, talagang nagfo-focus ka sa pag-aaral mo, mas gumagaling ka rin. And ano ho iyan, naging magandang part ho iyan ng buhay natin. In fact, pagkatapos po niyan, nagtrabaho po tayo sa National Youth Commission. Doon ko po nakilala si Sec. Jesse, ano. And ano ho iyon, malaking parte iyon ng pagbibigay-serbisyo publiko natin.

    VP LENI: Saka ito, Senator Bam, parang ikaw ang pinakabatang naging head—

    SEN. BAM AQUINO: —ng National Youth Commission.

    VP LENI: 25 years old ka pa lang, ano, at that time?

    SEN. BAM AQUINO: Opo, 2002, I think? Matagal-tagal na rin iyon. Pero maganda, kasi lahat na pinaglalaban mo bilang isang student leader, nagkaroon ka ng tsansa na ipaglaban ito sa loob ng sistema, ano. Kasi sometimes, marami sa atin ang naging aktibista, si Ma’am naging aktibista rin, ako, naging aktibista. Pero kung nabigyan ka rin ng pagkakataon na nandito ka naman sa loob ng gobyerno, dito ka naman tumulong. Magandang challenge rin iyon.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, ewan ko lang kung nakita mo na iyong videos ni Senator Bam na nangangampanya para kay Senator Ninoy. Eighteen years old ka pa lang, ano, Senator Bam?

    SEN. BAM AQUINO: Ano po iyon, pangangampanya kay Tita Cory.

    VP LENI: Ah, kay Tita Cory.

    SEN. BAM AQUINO: Pero pagpo-protesta doon sa pagkamatay ni Tito Ninoy.

    VP LENI: Kasi, Ka Ely, napakaliit na bata pa, sabi ko destined talaga maging lider kasi napakaliit pa, bakit ba Senator Bam ikaw iyong napili noon na mag-ikot?

    SEN. BAM AQUINO: Ako ho iyong nag-volunteer. [laughs]

    VP LENI: [laughs]

    SEN. BAM AQUINO: Bibo eh, bibo.

    ELY: Pero kahawig niyo ha.

    SEN. BAM AQUINO: Opo, opo.

    VP LENI: Pinaka—pinaka.

    SEN. BAM AQUINO: Actually, Grade Five pa lang po ako, binabanggit na po iyon. Eh malaking parte ho talaga ng buhay ko si Tito Ninoy. Namatay ho siya I was six years old and noong panahon na iyon—para hong ngayon, ano—talagang iyong mga tao masama ang kanilang loob, nandoon iyong galit, nandoon po iyong dissatisfaction pero natatakot ho na lumabas. Kaya kinakailangan po talaga mag-set up ng mga venue, ng mga pagkakataon na puwedeng maglabas iyong tao ng kanilang saloobin at iyon po iyong mga rally noong ’83, noong ’84. At noong panahong iyon, lagi po silang naghahanap ng mga family members, ano, ng mga namatayan. So siyempre po, ang una nilang hahanapin doon, siyempre si Ate Kris unang hahanapin [chuckles], si Tita Cory, ‘di ba? And napakarami pong mga lugar na iyan na eventually, kahit kami ho na mga pamangkin, mga kapatid, lahat hinahanap po talaga.

    So there was one time sa Biñan, Laguna, mayroon pong tinatawag na children’s rally. Ibig hong sabihin noon, iyong rally po iyon noong mga anak noong mga lider ng oposisyon.

    VP LENI: Ang cute naman. [laughs]

    SEN. BAM AQUINO: Iba-iba siya, iba-ibang gimik kahit ho noong 80s, ano, at hindi ho mahanap si Ate Kris so ako po iyong naging speaker po doon. Noong last minute, iyong rally sa Biñan, Laguna na pang-children’s rally, naging totoong rally—

    VP LENI: Ng mga matatanda. [chuckles]

    SEN. BAM AQUINO: Ng mga matatanda. Nandoon na po tayo so sabi, “Sige, pasalitaan mo na rin. Anyway, parang intermission number, ‘di ba?” Mga kumakanta tapos ngayon may batang magsasalita.

    VP LENI: Doon kayo na-discover. [laughs]

    SEN. BAM AQUINO: Doon ako na-discover. Eh nagustuhan. So ang nangyari po, iyong ka-tandem ko noon iyong lola ko, iyong—

    VP LENI: Iyong Nanay ni Ninoy.

    SEN. BAM AQUINO: Iyong Nanay ni Ninoy at Nanay din ng Tatay ko, kami ho iyong magka-tandem, ano. Isang senior citizen at saka isang kabataan na nagsasalita tungkol sa pagkamatay ni Tito Ninoy, paghahanap ng demokrasya. At alam niyo po noong panahon na iyon, parang ganito rin iyong feeling eh, alam mo iyon? Kasi kapag nag-iikot, sasabihin ng mga tao, “Senator Bam, iyong buhay naman namin ngayon mas humirap.” Iyong gobyerno, “Naghahanap kami ng gobyernong nakatutok sa pangangailangan namin. Hindi naman kami binibigyan ng pansin dito sa gobyernong ito.” So nandiyan eh. Pero may takot, ano. Pero nakita ho natin kung may mga tao na willing na magsalita, na manguna dito po sa laban na ito—

    VP LENI: Lumalakas din iyong loob ng mga tao.

    SEN. BAM AQUINO: At ang katapangan po, nakakahawa.

    VP LENI: Oo, totoo.

    SEN. BAM AQUINO: Marami pong nakakahawa ngayon kasi lahat tayo naghahawaan sa ubo at sa sakit ng katawan, pero ito ang mas magandang nakakahawa—iyong tapang, ano. And I’m hoping po na pagdating ng Mayo, iyong katapangan na iyan na nakakahawa, talagang mararamdaman po natin sa eleksyon.

    ELY: Huwag sana iyong pagmumura na katapangan. Huwag tayong mahawa. [laughter]

    SEN. BAM AQUINO: Iyong totoong tapang po ito, hindi iyong pakitang ano lang, ano, pakitang macho lang. Iyong talagang totoong tapang po na kahit ang kalaban natin mas mayaman, mas makapangyarihan, may armas, eh tayo po ang gamit po natin iyong lakas ng loob at paniniwala sa isa’t isa po.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, kung titingnan mo kasi iyong kasaysayan ng Senado, parang isa kayo, Senator Bam, sa talagang napakaraming mga batas—sa unang termino pa lang ng pagka-senador—ang naipasa. Kung hindi ako nagkakamali, 27?

    SEN. BAM AQUINO: Thirty five going 37.

    VP LENI: Ah, 35 pala. Nako, ayon. Ako, galing ako, Senator Bam, sa Kongreso. Alam ko kung gaano kahirap—kung gaano kahirap magpasa ng kahit isang batas. Mayroon ngang—marami, in fact—maraming mga mambabatas ang nahihirapan makapasa ng kahit isa. Hindi naman dahil sa hindi sila magaling pero dahil sa hirap talaga magpasa. Pero kayo, ito, magti-thirty seven na, papaano niyo iyon nagawa?

    SEN. BAM AQUINO: Well, unang una ho, may mga—iyong mga senador kasi iba-iba rin iyong focus nila. May mga ibang senador iyong focus po nila, mangampanya. De, joke lang. [laughter] Ang focus po nila, for example, maging fiscalizer. So mas gusto nila, tinitingnan iyong ginagawa ng gobyerno. Iyong iba naman ho iyong focus nila iyong mag-organisa, for example, ng mga tao. Eh tayo po talagang sineryoso natin na ang trabaho ng isang senador ay gumawa ng batas. Pero ito, hindi lang ng kahit anong batas—mga batas na magbibigay ng pagkakataon sa ating mga kababayan.

    So iyong focus ho natin diyan, at ito rin ho iyong ating 2013 campaign promise natin—Trabaho, Negosyo, Edukasyon. Pagbibigay ng pansin sa mga batas na magbibigay ng trabaho, tutulong sa mga nagnenegosyo at magbibigay ng dekalidad at abot-kayang edukasyon sa ating mga kababayan. So iyong Go Negosyo Act, nandiyan po iyan.

    VP LENI: Ayan, pinakakilala si Senator Bam sa Go Negosyo Act.

    SEN. BAM AQUINO: Si VP Leni po isa rin sa mga kasapi ng Go Negosyo, ano.

    VP LENI: Ilang Negosyo centers na ngayon?

    SEN. BAM AQUINO: Over 1,000 na po, Ma’am.

    VP LENI: Oh iyon, Ka Ely, ang dami.

    SEN. BAM AQUINO: Opo, in just five years ha. So to be fair, si Secretary Domingo noon at si Secretary Lopez ngayon, isa ito sa mga programa na itinuloy at mas pinalakas pa, ano. So there’s over 1,000 negosyo centers, iyong Microfinance NGO Act, malapit na rin sa mga micro-finance organizations, iyong Philippine Competition Act, iyan ho, sa trabaho at negosyo po iyan. And of course, ngayong 17th Congress, iyong nabigyan ho natin ng tutok, iyong libreng kolehiyo.

    VP LENI: Oo, at ito talaga, Ka Ely, kahit saan ka pumunta, ito talaga iyong ramdam. Ito iyong ramdam kasi bawat pamilya, iyon iyong pinaka-aspirasyon eh—na mayroon siyang anak na makapagtapos ng kolehiyo kasi ito iyong mag-aangat eh, mag-aangat ng kabuhayan ng pamilya. Pero ito, Senator Bam, siguro, malaman lang ng ating mga kababayan kasi marami pa ring nagtatanong papaano ba ito ma-avail? Ano bang klaseng mga paaralan nag-i-implement nitong libreng college education? At ano iyong mga nasa batas na puwede silang mag-benepisyo.

    SEN. BAM AQUINO: Opo, actually, mamaya po ikuwe-kuwento ko rin kasi marami tayong kasama ngayon na nasa labas naghahanap ng medical assistance, ano. May koneksyon po ito dito sa ikuwe-kuwento ko. Ang libre po sa ating state universities and college at iilang local universities and colleges ay ang tuition at miscellaneous. Iyan na po iyong bulto ng gastos natin. For example, sa isang Cavite State University, that’s about 12,000 to 16,000 pesos per semester; kung nasa ibang SUC kayo baka nasa 8,000 to 10,000 pesos po iyan. Pero iyan po, iyang pagkakaroon po ng paghihirap sa pagbayad niyan o iyong hindi ho kaya o kapos dito po sa pagbayad nito, ang pangunahing rason kung bakit nagda-drop out iyong mga bata.

    VP LENI: Oo, totoo.

    SEN. BAM AQUINO: So nakita ho namin na kung ito, naitawid natin, nabigyan natin ng tulong iyong tuition at saka miscellaneous, iyong dami ng mga batang nagda-drop out ay mabawasan din. At nakita rin po natin sa kakaikot natin sa mga SUC, even though may iilang eskwelahan ang hindi maayos iyong implementation, we had to call their attention. Sa karamihan naman po ng mga state colleges, maayos naman po iyong implementation. Kailangan lang naka-enroll ka—

    VP LENI: So ito, Sen., tama ba iyong pagkaintindi ko na hindi lang iyong basic tuition iyong libre, pati iyong miscellaneous?

    SEN. BAM AQUINO: Pati iyong miscellaneous, opo. Kasi paminsan-minsan iyong miscellaneous, mas mataas pa sa tuition eh. So ito ho, these are the two biggest expenses po natin basta naka-enroll po kayo sa SUC, Ka Ely, ano. Wala ka nang dagdag na paperwork na kailangan gawin, hindi mo na kailangang pumila sa congressman o senador or vice president or president, basta naka-enroll ka sa state university and college, libre na po iyan. Basta naka-enroll ka sa accredited na local university and college, libre na po iyan. At ginawa ho talaga namin iyong ganiyan kasi ayaw na ho namin na iyong tradisyunal na scholarship na ito, na kapag makakakuha ka nga ng scholarship pero kailangan ka namang pumila ng napakatagal, kailangan kang—

    VP LENI: Lumapit sa politiko.

    SEN. BAM AQUINO: Lumapit sa politiko na alam niyo po, parang ako na ho iyong nahihiya talaga eh kapag kinakailangan pa talagang lumapit sa politiko iyong mga kababayan natin. Ito nga pong mga nasa labas ng ating studio naghahanap ng medical assistance. Sabi ko nga sa kanila, iyong gusto talaga namin dapat magkaroon ng panahon na iyong tulong na iyan makuha talaga sa mga ospital.

    VP LENI: Nakakaawa talaga, Sen.

    SEN. BAM AQUINO: Hindi na kailangang pumila sa opisina.

    ELY: Iyong pending, Senator, iyon pa iyong hindi napipirmahan, ano? Iyong sa Universal Health Care?

    SEN. BAM AQUINO: Opo.

    ELY: Iyon maganda po iyon.

    SEN. BAM AQUINO: Maganda po iyan. Mapapalakas po iyong PhilHealth system po natin diyan.

    VP LENI: So ngayon, Sen., kapag pumunta sila, isa kang mahirap, gusto mong makapag-aral, pumunta ka sa isang SUC, ano iyong aasahan na babayaran mo pa?

    SEN. BAM AQUINO: Pamasahe, pagkain, wala na ho kayong babayaran sa eskwelahan. Iyong inyong sa pang-araw-araw na… mahal pa rin iyon ha. Hindi ho mura iyon. Pamasahe, pagkain, pambaon, budget.

    VP LENI: Lalaking bawas na.

    SEN. BAM AQUINO: Lalaking bawas na ho iyan. At saka po itong incidental items na tinatawag nila, puwede pa rin tayong mag-apply ng scholarship sa CHED. So iba pa iyan sa 26 billion pesos worth of scholarships na nakalaan ngayong taon para po sa ating mga mahihirap na mga kabataan. So iba pa iyong libre na iyong kolehiyo, iba pa iyong nakalaan na scholarship, so posible po na ikaw ay nasa private university pero nahihirapan ka, puwede kang mag-apply ng scholarship sa CHED, or ikaw ay nasa public university, libre na ang kolehiyo mo. Pero kung kapos pa rin, puwede ka pa ring mag-apply ng scholarship.

    So makikita ho natin na talagang napakalaking investment nito dito po sa kinabukasan ng ating mga kabataan at sa kanilang pamilya. Kasi alam ho natin na kapag abot-kaya ang dekalidad na edukasyon, mas abot-kaya rin ang trabaho at mas abot-kaya rin iyong pag-angat ng ating pamilya.

    VP LENI: So ibig sabihin nito, Senator Bam, dahil doon sa batas na ipinasa mo, hindi na sila babayad ng kahit ano sa paaralan kapag state-owned—pag-aari ng gobyernong paaralan—tapos kung halimbawa, wala silang pamasahe, wala silang gastusin, puwede pa silang mag-apply ng scholarships sa CHED?

    SEN. BAM AQUINO: Opo. Ayon.

    VP LENI: Iyon iyong magandang balita, Ka Ely, kasi iyon iyong karamihan sa tanong.

    SEN. BAM AQUINO: Yes, in fact, iyong kaperahan pong nakalaan diyan sa budget ay napakalaki—42 billion pesos, ano. At siguro po, mga kalahati po niyan mapupunta sa state university and college, local universities and college, at tech-voc institutions. Pati tech-voc, libre na rin po ngayon, ano.

    VP LENI: Oo, pati TESDA.

    SEN. BAM AQUINO: Opo, iyong kalahati naman ay nakalaan po sa tulong sa ating mga estudyante pagdating sa scholarship. So napakalaking pondo po nito at kumbaga ho, isa itong pagtaya sa ating mga kabataan na kapag sila po ay nakapagtapos, nakakuha ng mas magandang trabaho, mas madali ho nilang makukuha iyong magandang buhay.

    Now, Ma’am Leni, iyong isang kuwento, kasi Istoya ng Pag-asa po tayo, ‘di ba? Marami po kaming nami-meet na tumigil na sa pag-aaral pero ngayon po, bumabalik ulit. Noong nasa Capiz ho kami, one of the first times na nakasama ko po iyong Otso Diretso slate, ano, nasa Capiz kami during a barangay—meeting po ng mga barangay leaders—may nakita po akong kababaihan doon sa likod na nagtaas ng kamay. Pero siya po ay ka-edad ko, 40s na, pero naka-uniform siya so medyo kakaiba ‘di ba, at nagsalita siya sabi niya, “Senator Bam, hindi naman talaga ako imbitado dito pero gusto ko lang pumunta dito para i-explain sa inyo na after 21 years, naka-enroll ako sa Capiz State University at ngayon po, first year ako sa Food Technology.

    VP LENI: Ayos.

    SEN. BAM AQUINO: Ang asawa po niya, karpintero. Siya po, sabi niya, 21 years na po siyang PNB. Sabi ko, “Ano pong PNB?” “Ah, iyong palaging nasa bahay. Twenty one years na akong PNB pero ngayon, nandito ako para i-kuwento sa inyo na dahil sa batas niyo, nakabalik ako sa school at in four years, ga-graduate po ako at sigurado ako na mas maganda na iyong buhay namin dahil mayroon na akong college degree.

    VP LENI: Ayon. Ako, Ka Ely, napakahalaga nito kasi ito, maraming nagtatanong, “Papaano, Ma’am, kung ano, kung wala kaming pamasahe?” So puwede pa rin silang mag-apply. Pero ito, Ka Ely, iyong pinakadagdag nito sa ating lahat, iyong mga pinaka-mahihirap na mga pamilya, parang binigyan mo ng pag-asa. Binigyan mo ng pag-asa na bumuti iyong buhay dahil nakapag-aral iyong iisa—at least iisa sa mga anak.

    SEN. BAM AQUINO: Opo, in fact, iyan ho iyong 2016 bago tayo naging chairman ng education, iyong lagi hong binabanggit ng mga nanay—sabi ko nga, iyong mga tatay hindi ma-kuwento eh. Iyong mga nanay iyong lalapitan ka talaga tapos, “Sen., halika dito, magkuwe-kuwento kami, ‘di ba?” Sabi sa akin, “Sen., ang pangarap namin mayroon kami kahit isa na maka-graduate. Ngayon po na libre na ang kolehiyo—“

    VP LENI: Wala nang dahilan.

    SEN. BAM AQUINO: —baka lahat, puwede nang maka-gradudate.

    ELY: Okay, so sa panghuli at talagang medyo—

    VP LENI: Kulang ang oras. [laughs]

    ELY: Kay Senator Bam, ano po ang, siguro, panawagan niyo at pakiusap sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon nationwide sa mga himpilan po ng RMN?

    SEN. BAM AQUINO: Opo, unang-una, si—kay Vice President Leni na mukhang magkakasama naman po kami sa linggong ito na almost everyday kaming magkakasama— [laughs]

    VP LENI: Oo! Sabi ko, “Sen., mag-aaktibo ako sa kampanya mo.” [laughs]

    ELY: At saka kapag natapat na kampanya Sunday, sasama ako roon—

    VP LENI: Oo nga eh. [laughs]

    ELY: Doon tayo sa mga istasyon ng RMN.

    SEN. BAM AQUINO: Iyong liderato po na mayroon si VP Leni, iyon rin po iyong tipo ng mga batas ho na gusto nating isulong—iyong mga nagbibigay ng pag-asa, nagbibigay ho ng pagkakataon sa ating mga kababayan. Ngayon ho, kahit kapos, makakapagtapos na. At sa totoo lang po, itong batas para sa libreng kolehiyo, una pa lang iyan sa mga repormang kailangan ho natin sa edukasyon. Marami pang kailangan: iyong paninigurado na iyong ating graduate ay may trabaho, iyong tulong sa ating mga guro, pagpapaganda ng ating mga eskwelahan, pagiging moderno ng ating kurikulum, napakarami pa pong reporma na kailangang gawin at kailangan pong tutukan. At siyempre po, kung naghahanap po kayo ng tao na iyon iyong gustong gawin, sana po isip-isipin niyo po ang inyong lingkod, Senator Bam Aquino.

    Pero sa mga susunod po na araw, sana po maging mapanuri. Sabi ko nga, iyong Otso Diretso, kami po iyong grupo na hinihiling po namin na i-background check kami. ‘di ba? Baka po iyong iba, “Huwag kaming i-background check at may tinatago.” Kami po, hinihiling po namin paki-check po iyong aming track record, iyong aming voting records sa mga naging kongresista at senador, i-check niyo po iyan at makikita niyo po mga tao na ang pinaka-sentro ng pamamahala ang taumbayan at ang mahihirap sa ating bayan.

    VP LENI: Ayon.

    ELY: Okay, maraming salamat kay Senator Bam Aquino.

    VP LENI: Ayon. Napakapalad natin, Ka Ely. Maraming salamat, Senator Bam.

    SEN. BAM AQUINO: Thank you po.

    ELY: Okay, so maya-maya, ano, may makakausap naman tayo at iyong pangalan at apelyido nito talagang—

    VP LENI: Talagang ano—

    ELY: Talagang igu-google mo lang din. Pero, Ma’am, habang paupo ang ating isang guest, ito, iyong from Kinder to Grade 12 na mga bata, eh mayroon yatang gagawin para magkaroon po ng drug education. So anong take niyo rito?

    VP LENI: Isa iyon, Ka Ely, sa mga… isa iyon sa mga pinagiisipan. Tama naman ito. Tama naman ito. Pero sana, Ka Ely, hindi lang siya reaksyon sa mga nangyayari pero sana, isang bagay na palagay natin, makakatulong na pang mas matagalan. Hindi lang siya reaksyon sa nangyayari ngayon kasi mahirap na parating ano lang tayo eager tapos wala na. Eh dapat iyong lahat na gagawin natin parating ginagawa dahil produkto ito ng mahabang pag-aaral.

    ELY: Opo. [music break]

    ELY: Okay, oras na ho natin, 9:36 na po ng umaga. At tuloy ho tayo dito po sa ating diskusyon. At miyembro po ng Otso Diretso. Ma’am, kayo na po magpakilala.

    VP LENI: Ayon. Ito, Ka Ely wala pa ako sa Kongreso idolo ko na ito. Kasama siya ng aking asawa sa isang movement, ang Kaya Natin Movement na ang iniimbita doon ang mga mahuhusay at matitinong mga public officials. At ito hindi ko man siya kilalang personal noon, inaabangan na natin kung saan tumatayo. Kasi kapag nakilala mo siya, parang hindi politiko. Parang hindi politiko—napakasimple, napaka mababang loob. Pero kapag pinag-aralan mo ang mga tinatayuan, talagang matapang. Matapang kasi kahit hindi popular basta tama nandoon siya. Pero hindi iyon nakakagulat, Ka Ely. Hindi nakakagulat kasi galing sa isang pamilya na nagpamalas ng ganoong katapangan. Ang kanyang lolo kilalang-kilala natin, Ka Ely, lalo na iyong years na martial law. Iyong mga years leading to the EDSA Revolution. At kahit noong pangulo na si President Cory, kinukuwento ko nga sa kanya. Pinakaimahen ko sa kanyang lolo ay iyong nagboto ang Senado against sa US Military Bases dito, matanda na pero ang katandaan hindi naging hadlang para itulak ang mga paniniwala. At iyong mga paniniwalang napaka…parang ang tapang na kailangan grabe talaga. Tapos sinundan ng kanyang tatay, si Ka Bobby na naging…binotohan din natin sa Senado. Pareho din. Pareho ng kanyang lolo, napakatapang din. Tapos itong bisita natin ngayon, si Congressman Erin, nagsilbi ng tatlong termino sa Kongreso. Pero kung pag-aaralan mo ang lahat ng tinayuan, talagang nasa mold ng mga Tañada. Pero batiin muna natin siya, Ka Ely. Magandang umaga sa iyo, Cong. Erin.

    ERIN TAÑADA: Magandang umaga, Vice President. Magandang umaga, Ely. At sa lahat ng nakikinig po dito sa RMN, maayong buntag.

    ELY: Okay so, okay na tayo doon sa Visayas at Mindanao.

    ERIN TAÑADA: Yes.

    ELY: Okay, so…

    VP LENI: Ito, ito gaya ng sabi ko Cong. Erin, parang sa bagay ang tatay mo ganoon din, di ba? Si Ka Bobby napakahusay pero napakasimpleng tao. Ito Cong. Erin siguro ang gusto naming itanong, pinag-uusapan namin ito ni Ka Ely. Kasi mayroong sumambulat sa atin na malaking desisyon ang Pangulo ngayong linggo. Ang pag-veto ng coco levy fund. Ito, Ka Ely, kaya malapit ito sa puso ko kasi isa ako sa mga authors nito noong 16th Congress. At kahit wala na ako sa Kongreso, inabangan natin ng matagal. Pero si Cong. Erin ganoon din. Matagal niyang pinaglaban ang pagpasa ng Coco Levy fund tapos ang karagdagan pa doon, galing siya sa lalawigan ng Quezon. Galing siya sa 4th District, Cong. Erin ‘di ba? Na kung saan talagang coconut-producing ang lalawigan niyo. Pero ito, Cong. Erin, sa madaling salita, ano ba ang Coco Levy fund?

    ERIN TAÑADA: Well, unang-una nagulat nga po tayo sa naging desisyon ng ating Pangulo sa pag-veto nitong bill. Itong Coco Levy fund kasi ito ang buwis na pinataw noong panahon ng martial law sa coconut farmers, Php 15 per kilo. At itong pondong kinolekta po dito ang pakay po nito para tulungan po ang industriya ng niyog. Pero ginamit po ito sa iba’t ibang bagay na walang kinalaman sa niyog.

    VP LENI: At saka ang mga nakinabang hindi iyong mga magniniyog.

    ERIN TAÑADA: Opo. Pambili ng mga korporasyon. At sa haba ng istorya nito, ito ay umakayat sa Korte Suprema after EDSA at pinagdesisyunan ng Korte Suprema na ang pondo na ginamit na pagkolekta, ito po ay pondo ng public. So hindi puwedeng igamit ng kahit sino mang pribadong indibidwal sa pagbibili o pag-gastos po nito. At dahil dito, ito ang isa sa mga pinaglalaban nga po natin na dahil may desisyon na ang Korte Suprema na itong pondong ito ay magamit talaga sa industriya ng niyog. Alam niyo VP Leni, ang presyo po ng niyog ngayon ay talagang bagsag.

    VP LENI: Oo napakababa.

    ERIN TAÑADA: Nasa between 10 to 12 pesos.

    VP LENI: At saka ang mga magniniyog natin…

    ERIN TAÑADA: Are the poorest.

    VP LENI: Oo among the farmers, ‘di ba?

    ERIN TAÑADA: Oo. Ang natata… annual income po ng coconut farmers po natin ay nasa 20,000 pesos lang.

    VP LENI: Buong taon na iyon.

    ERIN TAÑADA: Buong taon na po iyon. At ito ang nagbunsod kung bakit sinusulong nga po namin na magamit po ang Coco Levy fund para buhayin ang industriya at matulungan ang ating mga magsasaka.

    VP LENI: At saka iyon naman talaga ang pinakasadya ng buwis ‘di ba? Ang pinakasadya ng buwis Ka Ely, ang 15 pesos pero kilo, para talaga tulungan ang industriya. Para iyong mga, iyong kita ng ating mga magniniyog matulungan na kahit papaano maiakyat. Pero hindi nga siya ginamit doon noong panahon ng martial law. Ginamit siya lalong tulungan—para tulungan iyong dati nang nakakaangat. Kaya ang kaso sa Supreme Court, Cong. Erin ang parang sinasabi niya, puwede bang gamitin ninyo para talaga doon sa pinakasadya kung bakit nagkaroon ng buwis na ganito. Nagsabi na ang Supreme Court na puwede, na kailangan nalang magpasa ng batas para tuluyan nang masundan ang pagtulong sa industriya.

    ERIN TAÑADA: At ito po ang minartsa po ng mga magsasaka po mula Davao hanggang Manila noong 2015, kung hindi ako nagkakamali. Kasama rin po ako sa martsa po noon.

    VP LENI: At saka dumiretso kayo sa Malacañan noon ‘di ba?

    ERIN TAÑADA: Malacañan, yes. Kasama po si tatay at si Ka Oca at pinag-usapan nga po ito, itong pagsasabatas nitong Coco Levy trust fund. Dahil gusto nga po natin, malaki pong pondo ang pinag-uusapan po nating ito. This ranges from 70 billion to 100 billion pesos.

    VP LENI: Napakalaki na kung gastusin sana sa tama napakalaking bagay para sa mga magniniyog natin.

    ERIN TAÑADA: Opo at ito’y parating nagiging priority legislation ng mga pangulo. At ito’y binanggit ng ating Pangulo noong unang SONA po niya, na talagang kailangan tulungan ang ating coconut farmers.

    VP LENI: At saka kung hindi ako nagkakamali Cong. Erin at ito ang sinisigaw ngayon ng mga magniniyog, ngayong 2016 noong kumakandidato ang ating Pangulo, parang pumirma yata siya sa isang commmitment, hindi ko alam kung totoo ito pero nabasa ko lang. Pumirma sa isang commitment na within the first 100 days na siya ang pangulo, gagawa na siya ng hakbang para makabalik na ang pondo para sa mga magniniyog. Kaya parang sinisita kaya ata siya ngayon, Ka Ely, hindi ko nakita ang pinirmahan, pero ito ang claim ng ating mga magniniyog.

    ERIN TAÑADA: At nakakalungkot nga, itong proseso sa paggawa ng batas tungkol dito, of course mayroon po tayong ideal at tayo ay nagfile ng version sa House—noong ako’y nandoon mayroon akong version, mayroon ka ring version po dito, VP Leni. At ito rin ay masasabi po natin na watered down na, para lahat ng….

    VP LENI: Marami ngang gusto na hindi na nailagay…

    ERIN TAÑADA: ng compromises—Oo. Pero tuloy pa rin, sige basta magamit natin para matulungan ang ating industriya. Tapos ang composition nga ng board—gusto na sana natin mayorya ang ating mga magsasaka.

    VP LENI: Oo, mas marami iyong magsasaka.

    ERIN TAÑADA: Napalit na rin, o sige na rin, basta maipasa lang. At iyong nakakalungkot nga po dito, Ka Ely, itong bicameral conference committee report nakaayos na. Tapos pinasa po ng bicam after ratification ng both Houses kay Pangulo, pinabalik uli sa bicam para maayos uli.

    VP LENI: Oo, para maayos.

    ERIN TAÑADA: Tapos puno’t dulo, wala pa ring nangyayari. Iyon ang nakakalungkot dito.

    ELY: Sayang kasi napakalaking tulong po mismo sa industriya ng pagniniyog at sa kabuuan, makakatulong sa ating ekonomiya.

    ERIN TAÑADA: Tama po iyan. At ang parati pong sinasabi at pinaglalaban ko nga po iyong kalagayan po ng ating mga magsasaka. Kung hindi lamang iyan magniniyog, pangkaraniwang magsasaka. Dahil ang parating iniisip po ng ating gobyerno at ang ating mga opisyal sa Department of Agriculture production and harvest. Hindi nila tinitingnan ang income ng farmers kasi even if we meet ang production and harvest ng mga magsasaka…

    VP LENI: Kung hindi siya natatranslate ‘no…

    ERIN TAÑADA: Oo, kung sinasabi nila, “E umunlad ba ang kabuhayan ng mga magsasaka?” Kausapin mo ang mga magsasaka, sasabihin nila, “Hindi.” Break-even lang. So ano ang rason kung bakit, at iyon ang kailangang bigyan natin ng pansin.

    ELY: Siguro ma’am, Cong. Erin, iyan din ang ugat ng mga pagrerebelde? Kasi iyan ang madalas ma-recruit.

    VP LENI: Totoo. At iyon ang paulit-ulit nating sinasabi, Ka Ely, na ang pagreresolve ng pagrerebelde hindi militarisasyon, di ba? Kung hindi i-resolve ang pinakaugat–at ang pinakaugat talagang kahirapan.

    ERIN TAÑADA: Kahirapan. At iyon ang nakakalungkot po dito. Ngayon papasok po tayo ng bagong yugto na naman sa buhay ng mga magsasaka. Iyong tariffication across free importation. Ngayon hindi malaman ngayon ng mga magsasaka kung ano ang kalalagyan nila–iyong safety nets ba ay talagang nandiyan? Dahil noong pinagusapan iyong WTO, wala pa ho tayo sa Kongreso noon, 1995. Ang tatay ko po ang parati niyang sinasabi, iyong safety nets–iyan ba ay nasa tamang lugar para tulungan ang ating mga magsasaka?

    VP LENI: At saka ano lang Cong. Erin, kahit pa nasa batas ang safety net, ang nangyari lang sa TRAIN Law ‘di ba? Naisabatas na nga, ang implementasyon pa ang hindi nakahabol. Ang gusto pong sabihin noong safety net na may i-i-implement na isang programa ang gobyerno na maaapektuhan ang mahihirap, pero mayroon siyang kaakibat na pagtulong sa mga mahihirap para hindi ganoon ka-grabe ang epekto sa kanya. Ang problema gaya ng TRAIN Law, naapektuhan ang mahihirap, mayroon sanang tulong para sa mga mahihirap pero, ang tagal bago na-implement.

    ERIN TAÑADA: Oo, iyon ang nakakalungkot po dito. Kaya kung babalikan nga po natin dito sa magniniyog, ano ngayon ang magiging buhay nila? Dahil ang budget ng PCA kinaltasan ng malaki dahil ang pagtingin nga nila papasa ang batas. So, ngayon nakanganga ang lahat ng ating magsasaka sa niyugan at talagang naghihirap.

    VP LENI: Pero ito Cong. Erin isa sigurong tanong kasi maraming nagsasabi, kilala namin ang Tañada, pero hindi namin masyadong kilala si Cong. Erin at hindi ito nakakagulat sa aming mga nakakakilala sa iyo, kasi napakasimple mo. Para alam mo, Ka Ely, pag nasa crowd si Cong. Erin parang hindi nagtatawag ng atensyon sa sarili, parang hindi politiko. Kasi di ba karamihan sa mga politiko kapag pumapasok sa crowd parang siya parati ang gustong center of attention. Pero ito tahimik na nagtatrabaho. Pero ang tanong ko Cong. Erin, papano mo name-maintain ang ganyang pag-uugali?

    ERIN TAÑADA: Well, ako po ay lumaki sa pamilya ng mga lingkod-bayan na parating naka-ingrain sa amin ay hindi entitlement po ang posisyon.

    VP LENI: Kasi mahirap iyon. Mahirap sa mundo ng politika natin.

    ERIN TAÑADA: Totoo. Katulad po ni Sec. Jesse. Ako po ay last November lang ay kumuha ng driver.

    VP LENI: [laughs] Alam ko, alam ko na dina-drive mo ang sarili mo.

    ERIN TAÑADA: [laughs] Pinagagalitan na nga ako ni VP Leni, “Bakit ka pa nagdadrive eh kailangan ka na mangampanya na? Iyon ang panahon sa kotse–puwede ka na matulog, puwede ka na magbasa.” Iyon nga.

    VP LENI: Pero ito di ba, Ka Ely, ito ang siguro Cong. Erin mas mabuting nakikilala ka ng tao. Kasi dapat nakikita ng tao na posible naman pala. Posible pala na mahabang panahon ka sa politika, na galing sa pamilyang politiko, pero hindi nagbabago. Kasi ang sa atin para mabigyan lang ng kaunting kapangyarihan parang ano na….

    ELY: Gusto laging VIP treament [laughs]

    VP LENI: Oo, sabi ko nga, Ka Ely—

    ELY: Pati sa airport, lahat [laughs]

    VP LENI: Totoo. Ang pinakachallenge ‘di ba na kapag nabigyan ka ng kapangyarihan, papano ka ba hindi magbabago, pero si Cong. Erin ang napakalaking halimbawa na puwede pala. Pero ang kahirapan naman nito, siyempre mahihirapan ka din magpakilala ng sarili gaya ngayong eleksyon.

    ELY: Pero dito Cong. Erin at talagang limitado rin po ang ating oras. At siguro sa mga susunod pa ano, at tututok naman ang ating Bise Presidente sa kampanya ng Otso Diretso. So isa nalang po, ano po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon nationwide?

    ERIN TAÑADA: Well, ang mensahe simple lang. Tinanong na din ito sa debate kahapon. Sa tagal ng–

    VP LENI: Balita ko Cong. Erin sobrang husay mo daw doon sa GMA Debate, kaya congratulation.

    ERIN TAÑADA: Sa tagal ng pag-uusap tungkol sa kahirapan bakit nandiyan pa rin ang kahirapan. Sa tingin ko hindi talaga pinag-uusapan ang mga dapat maging solusyon sa kahirapan. At iyon ang dala po natin. Kailangan pag-usapan na kung talagang seryoso po tayo sa usapin ng kahirapan. Nandiyan po ang kalagayan po sa kanayunan. At kung mareresolba po natin ang pangangailangan ng ating mga magsasaka, iyong usapin ng kita. Iyan po ang magpapaunlad ng buong bansa.

    VP LENI: Ang laking susi.

    ERIN TAÑADA: Iyon po at iyon po ang ipaglalaban po natin.

    ELY: Okay so, Cong. Erin Tañada.

    VP LENI: Ka Ely may isa nalang akong pakiusap sa mga nakikinig sa atin na pag-aralan, basahin kung sino, madali naman i-google. Basahin kung sino si Cong. Erin kasi makikita nila na sa lahat ng mahahalagang issue, tumayo ito sa tama.

    ELY: Opo. At mula sa kanyang ninuno, ang pamilya Tañada.

    VP LENI: Oo, talagang parang insurance niya iyon. Sigurado ako Cong. Erin babangon sa libingan ang lolo niyo pag ikaw ay… [laughs] Kaya maraming salamat po, Cong. Erin.

    ELY: Salamat po, Cong. Erin.

    ERIN TAÑADA: Maraming salamat, Ka Ely, at sa lahat ng nakikinig kay VP Leni. At huwag ho ninyong kakalimutan, Otso Diretso. [music break]

    ELY: Okay balik ho tayo. Oras po natin, 9:51 na ng umaga. Balik po tayo dito sa BISErbisyong LENI at siyempre, hindi po mawawala iyong …

    VP LENI: May importanteng bisita tayo.

    ELY: Opo, iyong ating Istorya ng Pag-asa.

    VP LENI: Oo. Alam mo, Ka Ely, itong bisita natin ngayon, na-meet ko ngayong linggo lang. Pero sobrang impressive ng kanyang… sobrang inspiring ng kwento, sobrang impressive iyong kanyang…

    ELY: Credentials?

    VP LENI: Credentials. Kasi siya, Ka Ely, SPED teacher sa Bataan. Pero ang hindi alam ng marami, nag-graduate siya ng Valedictorian ng Far Eastern University. Pero i-welcome po muna natin, Ms. Stephanie Gaña. Magandang umaga sa iyo, Stephanie.

    STEPHANIE GAÑA: Magandang umaga po, VP Leni. Magandang umaga po, Ka Ely.

    VP LENI: Ito, Stephanie, hindi lang Valedictorian pero ikaw pa iyong nakakuha ng Nicanor Reyes Leadership Award. Parehong tanong ko kay Sen. Bam kasi pareho din kayong … pareho din ang inyong credentials na number one student pero ikaw pa iyong student leader. Paano mo na-manage?

    STEPHANIE GAÑA: Noong panahon po iyon nung college po ako, talaga pong iniisip ko po lagi na siyempre po, unang una, hindi ko kailangan mapabayaan iyong pag-aaral ko. Kasi po nakapag-aral po ako sa magandang unibersidad dahil lang din po sa scholarship.

    VP LENI: Ah, scholar ka rin?

    STEPHANIE GAÑA: Opo. Iyon po ang pinaka-kinuhanan ko ng tulong pinansiyal para po matulungan ko rin po iyong Papa ko na OFW.

    VP LENI: Napaka-ano, Ka Ely, ‘di ba? Scholar. Valedictorian.

    STEPHANIE GAÑA: Opo. Unica hija po kasi ako so parang hindi ko po kailangan mapabayaan iyong pag-aaral ko. Ngayon po noong mga panahon po na iyon, ayoko po sana tumakbo sa student council kasi po baka mapabayaan.

    VP LENI: Kasi malaking oras iyon.

    STEPHANIE GAÑA: Opo. Pero noong nakita ko po na iyong mga kapwa ko po estudyante mismo iyong nagpupush po sa akin, na nagtutulak sa akin na tumakbo kasi kailangan daw po nila ako noong panahon pong iyon. Sinubukan ko po at doon na po nagtuloy-tuloy. Pero wala pa man po ako sa Student Council, active na rin po ako sa mga panglabas na organisasyon.

    VP LENI: Nabasa ko nga Stephanie, mayroon kang isang sinimulan na programa ‘di ba? Iyong sinimulan mong programa ang pangalan ay iyong “Balay Dunong”. Iyong “Balay Dunong”, ano ba iyon?

    STEPHANIE GAÑA: Ang Balay Dunong project po hindi po siya iyong literacy project na usual po nating nakikita. In-anchor po namin siya dun sa African proverb po na, “It takes a village to raise a child.”

    VP LENI: Ginawa mo ito sa orphanage ‘di ba?

    STEPHANIE GAÑA: Opo. Una po talaga iyong Hospicio De San Jose, isa lang po siya sa natulungan po ng Balay Dunong program nung college po kami. Pero ang pinaka-una po naming komunidad na natulungan ay iyong Barangay Lerma po malapit sa FEU. Kasi para pong nakakapag-aral tayo sa isang magandang eskwelahan pero paglabas po natin, ito po ang realidad. Ang tinulungan po namin doon, hindi lang po daycare pupils. Nagbigay din po kami ng livelihood trainings sa mga magulang. Sa mga out-of-school youth, nag-provide po kami ng libreng tutorials tsaka po ng mga sports clinic katulong po iyong mga varsity players namin.

    VP LENI: Pero grabe, Stephanie, parang nalulula ako sa ginawa mo. Kasi ang taas ng grades mo, student council president ka pa tapos mayroon ka pang outreach. Community outreach. Tapos ito, iyong isa ko pang tanong, bakit special education iyong pinili mong track?

    STEPHANIE GAÑA: Opo. Marami po talagang nagtatanong bakit pero…

    VP LENI: Kasi special education ‘di ba sa mga bata parang challenge? May kapansanan, may espesyal na pangangailangan. Bakit iyon?

    STEPHANIE GAÑA: Unang una pong dahilan, SPED teacher po ang Mama ko nung nabubuhay pa po siya.

    VP LENI: Ah, wala na iyong Mama mo?

    STEPHANIE GAÑA: Six months old pa lang po ako, namatay na po siya kaya ako lang po iyong anak tapos si Papa po ever since, hindi na po nag-asawa.

    VP LENI: Saan ka lumaki kung OFW ang tatay mo?

    STEPHANIE GAÑA: Sa mga kapatid po ng father ko tsaka kapatid po ng mother ko, kung sino po ang pwedeng mag-alaga.

    VP LENI: Ang galing.

    STEPHANIE GAÑA: Kaya parang ako, natutuhan ko po na kailangan palagi ko pong gawin iyong tama or gawin iyong best ko para iyon na po iyong sukli ko.

    VP LENI: Pero ito, iyong kakulangan sa pamilya, hindi ka nagkaroon ng pagkakataon na parang normal na set-up pero ang husay mo pa rin.

    STEPHANIE GAÑA: Siguro iyong naging motibasyon ko po noong bata ako lagi po nilang sinasabi hindi uuwi ang Papa mo kung wala kang medal. Iyon po iyong lagi kong… dapat may medal ako para umuwi si Papa. Doon naman po sa iyong SPED teacher nga po, bakit SPED pinili ko dahil nga po pakiramdam ko iyon ang purpose ko at mission ko sa buhay.

    VP LENI: Parang ipinagpapatuloy…

    STEPHANIE GAÑA: …iyong nasimulan ng Mama ko. Kasi po, inalay niya po iyong buhay niya para mabuhay po ako. May cancer na po siya nung ipinagbubuntis niya ako.

    VP LENI: Pero grabe, Ka Ely, sana nakikinig iyong estudyante natin. ‘Di ba, namatay iyong nanay niya, siguro ‘di mo na nga maalala siya kasi kung six months old, wala ka ng memory sa kaniya. Iyong tatay, nagtatrabaho sa abroad. Nagpalaki sa kaniya, iyong mga pinsan, tiyuhin, tiyahin. Pero napakahusay pa rin. Gustong sabihin Stephanie na hindi hadlang dapat iyong mga ganun na… ‘di ba? Pero ito bakit mo napiling sa Bataan ka magturo?

    STEPHANIE GAÑA: Bago pa lang po ako umapak ng Maynila, talagang sinabi ko na po na pagka-graduate ko po, babalik po ako. Kasi lagi ko pong sinasabi, doon po tayo sa kung saan tayo mas kailangan at mas kapaki-pakinabang. Bakit po isisiksik iyong sarili natin sa isang lugar na ang dami dami nang mahusay, ang dami dami nang nangyayari kung iyong mga naiwan naman natin sa atin hindi natin mabalikan at ganun pa rin iyong ka-antasan ng buhay nila.

    VP LENI: Pero ito Stephanie, ako na-i-imagine ko na kung ako ang magulang mo, sobrang proud ako sa’yo. Noong lumalaki ka ba, sabi mo nga, gusto mo palaging may medal. Ano iyong reaksyon ng tatay mo?

    STEPHANIE GAÑA: Lagi naman po siyang masaya, Ma’am ‘pag nakakakuha ako ng karangalan o kahit ano pa man pong bagay. May time naman po na muntik na po akong ‘di matanggap sa trabaho noong sa private school kasi sabi po, sorry po, overqualified daw po ako. Pero sabi po ng papa ko, “walang nagsimula sa mataas agad”.

    VP LENI: Oo, totoo.

    STEPHANIE GAÑA: Iyon po iyong lagi kong pinanghahawakan sa kaniya.

    VP LENI: Na dapat kahit anong trabaho, willing kang gawin. Pero ito, Ka Ely, naging ano pa siya, Ten Outstanding Students of the Philippines. Iyong mga nakakarinig po sa atin na alam iyong TOSP, alam kung gaano kahirap mapili ka na isa sa mga sampung pinaka-mahuhusay na estudyante sa buong Pilipinas. Pero ito, Stephanie. Ngayon parang giving back ka na. Anong advice ang mabibigay mo sa kagaya mo na matitindi iyong challenges na pinagdaanan?

    STEPHANIE GAÑA: Para po sa tulad kong dumaan po sa pagsubok, aaminin ko po, hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin po iyong mga pagsubok, iyong mga hirap. Lagi ko na lang pong iniisip na iyong mga tinuturo po sa akin ng mga estudyante ko na may kapansanan. Na parang kung sila po, kinakaya nila, what more po tayo na regular na regular, buo ang lahat. Dapat po mas kayanin natin kasi sino po ako para mag-reklamo kung nakikita ko naman iyong hirap nung bawa’t estudyante ko na pinipiling pumasok araw-araw sa paaralan kahit tumatawid pa sila sa ilog, kahit malayo, kahit may kapansanan. Iyon po ang dahilan ko para magpatuloy.

    VP LENI: Pero dapat iyan din iyong mensahe sa mga estudyante, Ka Ely, ‘di ba?

    STEPHANIE GAÑA: Opo, sa mga regular na estudyante.

    ELY: Iyong iba mga normal, walang kapansanan.

    VP LENI: Dahil lang sa katamaran hindi nagpupursige. Pero ito, Stephanie panghuli na kasi wala na tayong oras. Pero ito, ano pa ba iyong pangarap mo sa buhay na parang ang dami mo ng na-achieve for yourself?

    STEPHANIE GAÑA: Pangarap ko po na makita iyong bansa natin na mayroon pong inklusyon hindi lang po sa context ng inclusive education pero ganoon din po sa trabaho, sa pang-araw araw nating nakikita na may acceptance po. Kasi parang para sa akin po, indikasyon po na nakapag-buo po tayo ng isang maganda at mas maunlad na nasyon kung ang mga may kapansanan po ay ini-include natin.

    VP LENI: Ang ganda naman noon. Ako, touched ako doon kasi may pamangkin ako na special child. Iyong inklusyon na sinasabi ni Stephanie iyong kahit may kapansanan, may pagkakataon na pareho ng pagkakataon na binibigay sa normal at regular na bata. At kami Stephanie, inaasahan namin na patuloy iyong inspirasyon na binibigay mo. Sana marami pang kabataang Pilipino iyong makaalam ng kwento mo. Kasi ‘pag nalaman ang kwento mo, siguradong mahihiya na hindi pagbutihin iyong ginagawa dahil ikaw maraming pagsubok na pinagdaanan andito ka na ngayon kaya maraming salamat sa inspirasyon.

    STEPHANIE GAÑA: Maraming Salamat din po.

    VP LENI: Wala na tayong oras, Ka Ely. Sayang. Ang ganda sana ng kwento niya pero sana, kumusta sa tatay mo, Stephanie at kumusta sa mga kamag-anak mong nag-aruga sa’yo bilang mga magulang habang lumalaki ka.

    ELY: Okay thank you, Good morning. Okay mga kasama, ayan po si Stephanie Gaña, SPED teacher at multi-awarded FEU alumna. Okay wala na po tayong oras at sa panghuli Ma’am, dahil papalapit na nga po ang pormal na kampanya, at iyong ating mga kababayan, lahat po tayong mga botante ay may kapangyarihan pumili ng leader. Iyong mga nirereklamo natin, ito, panahon na sa Mayo. So ano po ang mensahe niyo sa inyong mga kababayan?

    VP LENI: Ako, Ka Ely, hindi pa naman puwede mag-kampanya. Iyong kampanya, mag-uumpisa pa sa February 12. Ako, iyong pakiusap natin sa lahat na hindi sayangin iyong kapangyarihan bumoto. Kapag sinabi nating hindi sayangin, marami tayong reklamo sa pamahalaan, marami tayong reklamo sa mga nangyayari sa buong bayan pero patuloy pa rin tayong nag-e-elect ng mga leaders na hindi naman buo iyong desisyon na pagsilbihan tayo. Bilang mga mamamayan, iyong sa akin lang iyong pakiusap ko, sana pag-aralan natin. Pag-aralan natin iyong lahat na nagpi-prisinta ng sarili nila para mamumuno sa atin. Pag-aralan natin sino-sino ba ang mga ito. Ang sukatan hindi lang kung gaano sila kabuti sa iyo ngayong panahon ng kampanya. Pero ang sukatan, saan ba sila tumatayo sa oras ng kagipitan. Sa mga isyu na bumagabag sa atin, nasaan ba sila? Kasi ito iyong magpapakita kung sino iyong tunay na katauhan kasi kapag panahon ng eleksyon, lahat mabait, kapag panahon ng eleksyon, lahat mahal iyong mahihirap. Pero ang tanong, noong wala pa bang kampanya, noong wala pa bang eleksyon, paano nila ipinakita iyong pagmamahal nila sa mahihirap?

    ELY: Ito, Ma’am, isisingit ko, iyong partylist natin masyadong naaabuso ah. Baka pagkatapos nito, pati iyong pamilya, nakaupo sa kamara.

    VP LENI: Iyon na nga ang nangyayari, Ka Ely, kaya tayo may partylist para bigyan ng pagkakataon iyong mga mahihirap pero ngayon, kung gusto magpalawak ng kapangyarihan, gagawa ng partylist para sa ibang miyembro ng pamilya.

    ELY: Opo. Maraming Salamat po, Ma’am. Iyan po ang ating Bise Presidente, si Madam Vice President Leni Robredo. Maraming salamat, mga kasama, sa inyong pagsubaybay. Hanggang sa susunod na linggo, alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga, ako pa rin ang inyong radyoman, Ely Saludar.

    -30-

    Posted in Transcripts on Feb 09, 2019