This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 89

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Ngayong araw ng Linggo, January 20, 2019, tayo po ay napapakinggan mula po dito sa DZXL-Manila 558, diyan po sa DYHP-Cebu, DXCC-Cagayan de Oro, DXDC-Davao, at DWNX-Naga. At siyempre, naaabot po ang ating broadcast nationwide, netwide, worldwide. Mga kasama, ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar at kasama po natin dito sa ating studio ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo.

    VP LENI: Good morning, Ka Ely, good morning po sa lahat ng kasama natin ngayong umaga, sa lahat po ng nakikinig sa atin, sa lahat ng kasama natin sa Facebook Live, lalong lalo na po iyong mga kababayan natin na nasa labas ng bansa—iyong ating mga bayani na nagtitiis ng lungkot, nagtitiis ng pagod para lang makatulong sa sarili nilang pamilya, good morning po sa inyong lahat!

    ELY: At good morning po sa lahat ng ating kababayan diyan po sa Mindanao dahil sa bukas magkakaroon po ng plebisito sa kanila, Ma’am ano?

    VP LENI: Oo, Ka Ely, napakahalaga. Iyong Bangsamoro Organic Law bukas na po iyong election. Ito, Ka Ely, dalawang election iyong magaganap: isa bukas, January 21, isa sa February 6, ayon. Marami, Ka Ely, nagtatanong kung bakit dalawa. Mayroon kasing dalawang sitwasyon. Iyong para po bukas, iyong dati nang kasama sa ARMM—gustong sabihin iyong lalawigan ng Lanao Del Sur, Maguindanao, Sulu at Basilan tapos dinagdag dito iyong sa Cotabato City at sa Isabela City, ayon. Ang itatanong sa kanila, Ka Ely, kung—

    ELY: Yes or no lang po.

    VP LENI: Oo, yes or no lang. Pero sa February 6, Ka Ely, iyong tatanungin naman iyong dating hindi kasama. Ang magiging eleksyon sa February 6—ito, Ka Ely, 39 barangays sa Lanao Del Norte, saka anim na munisipyo sa North Cotabato.

    ELY: Ayon, opo. Kaya may mga lugar na tumututol, parang sa Cotabato City dahil sa ang binabanggit ay mas nakararami iyong ating kababayan na hindi sila Muslim. Eh mahalaga na sila po ay lumahok sa eleksyon para sabihin nila kung ayaw nila o gusto.

    VP LENI: Saka ano, Ka Ely, iyong iba din na parang argumentong napapakinggan din natin na hindi naman nito mare-resolve iyong problema. Pero ito, Ka Ely, tayo nangangampanya din tayo na sana makapasa ito. Dahil ito, hindi naman ito iyong soluyson ng lahat, pero ito, unang hakbang. Unang hakbang para iwanan na iyong hindi pagkakaintindihan noong nakaraan at pagtulong-tulungan na kung paano mapapabuti iyong Muslim Mindanao. Ito naman, Ka Ely, iyong ninanais nito para maiwan na natin iyong mga dating mga away at pagtulung-tulungan kung paano humanap ng solusyon.

    ELY: Ayon, opo, at siympre sabihin natin na may mga mali. Hindi kasi naging perpekto iyong ARMM. Iyong mga naging mali doon, siguro ay mai-correct dito Ma’am. Kasi ako matagal din akong nag-cover nang balangkasin iyong ARMM—iyong parang nabigla ho noon iyong mga namumuno sa ARMM. Nabigla sa kapangyarihan at iyong malaking pondo, eh hindi naman po sila sanay ‘di ba sa pangangasiwa, at maaari doon po ito’y napabayaan sa Ramos Administration, parang binigyan kaagad ng autonomiya. Dapat siguro ay binantayan muna ho.

    VP LENI: Oo, walang preparasyon. Pero ito, Ka Ely, ngayon kasi na Pangalawang Pangulo na ako, pati iyong buhay pa iyong asawa ko noong nasa DILG siya, malaki na iyong pagbabago ng ARMM. Nakita natin na mahalaga na sa kanila iyong governance. Siguro noong nabigla sila sa umpisa, marami na ring kabutihan at pagbabagong in-introduce over the years. In fact, Ka Ely, mayroon kaming programa doon. Noong nakaraang ilang buwan nandoon ako para sa Angat Buhay Youth sa ARMM at dito partner talaga namin iyong ARMM regional government. Maraming marami nang mga improvements na na-introduce. Kailangan na lang na ituloy-tuloy. Pero ito, Ka Ely, kapag naghahanap kasi tayo ng perpekto, wala namang ganoon. Talagang maraming mga wala, maraming kakulangan, maraming pagkukulang. Pero iyong pinakamahalaga naman nito, na ang mensahe ay pagtulungtulungan natin na ayusin iyong mga wala, o ayusin iyong mga pagkukulang.

    ELY: So naniniwala rin kayo, Ma’am, na ito na po iyong unang hakbang para makamit nating iyong hinahangad natin na tunay na kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao?

    VP LENI: Oo naman, Ka Ely, kasi talagang—parating sinasabi na iyong historical injustice noong nakaraan na siya iyong pinaka-ugat ng away-away. Pero ito, ito iyong attempt na para i-correct iyon. Pero dapat alam ng lahat na hindi ito iyong solusyon, hindi ito iyong kasagutan para sa lahat ng tanong pero ito ay unang hakbang pa lang. Kaya gusto natin, Ka Ely, iyong mga kakilala natin na nakikinig sa atin hinihikayat natin. Hinihikayat natin ang lahat na suportahan iyong pagpasa ng Bangsamoro Basic Law dahil ito nga iyong unang hakbang para makamit natin iyong tunay na kapayapaan sa rehiyon. At para [itong] signal na hindi tayo magkakaaway at pagtulung-tulungan natin iyong pagbabago.

    ELY: Okay, so bukas. Oh, iyong mga kababayan natin diyan sa Mindanao, iyong mga siyudad na masasakop po nitong BOL, lumabas po kayo at ano man ang desisyon— Pero iyon nga binabanggit ng ating Bise Presidente na isa po ito sa unang hakbang para talagang maisaayos at iyong direksyon natin patungo sa nina-nais nating lahat na kapayapaan at kaunlaran.

    VP LENI: At saka iyong ano lang, Ka Ely, marami naman kasi talaga at ito talaga ay may basehan—marami iyong parang oposisyon sa napakaraming bagay na nasa batas, marami ang nangyayari na hindi payag, lalo na iyong mga kabataan. Kung titingnan natin iyong balita ngayon, Ka Ely, halimbawa sa Cotabato, sa Isabela City sa Basilan, kahit sa Sulu, parang iyong malakas talaga iyong “No” ay iyong mga kabataan dahil— Alam mo, Ka Ely, iyong mga kabataan, ano pa ito eh, parang, mga pure, very idealistic. At tingin ko tama rin naman sila, pero sana… sana tingnan ito na pagkakataon para maririnig iyong boses nila. Kaya iyong pinakamahalaga sa lahat, sumali. Sumali sa plebisito para marinig iyong boses. Suportahan ito kasi ito iyong magiging platform para lalong mabigyan ng pagkakataon na mapakinggan sila.

    ELY: Okay, so samantala, mga kasama. Iyan po, ano, inuna lang ho natin iyang isyung iyan dahil bukas na po iyong kaganapan. At sana po maging maganda ang panahon diyan po sa Mindanao at para po makaboto ang lahat. At tulad po ng dati, dito po sa BISErbisyong LENI ay siyempre, nais rin po malaman ng ating listeners, ng ating mga kababayan at sa ibang bansa rin kung ano po iyong ilan na mga naging aktibidad na nangyari sa nakaraang linggo po.

    VP LENI: Ang unang-una, Ka Ely, maraming activities ngayong buwan na ginawa namin kasama iyong aming partners. Halimbawa noong nakaraang Biyernes lang, iyong bisita namin iyong Presidente mismo ng Hanyang University sa Seoul, South Korea. Itong Hanyang University, Ka Ely, napakahusay na university sa South Korea na partner namin sa Angat Buhay Youth. Iyong Presidente nila si Mr. Young Moo Lee, siya din at saka si Mr. Young Min Kim. Itong si Mr. Young Min Kim, siya iyong Managing Director ng Urban Youth Academy at saka siya rin iyong founder ng Asia Pacific Youth Exchange. Ito, Ka Ely, may napakalaking programa sila dito sa Pilipinas. In fact ngayon, mayroong silang mga 20 na mga estudyante na galing sa Hanyang na naka-deploy sa iba’t ibang lugar dito sa atin—mayroon nga sa amin sa Naga. At ang kagandahan doon, Ka Ely, mayroon silang one semester na credited iyong buong semester, na hinihikayat nila iyong mga estudyante nila na mag-immerse sa mga communities—magbabad—at gumawa ng mga solusyon sa mga nakikita nilang programa. Halimbawa, Ka Ely, isa sa mga pinakaunang batch na na-deploy sa Naga, ngayon mayroon na silang social enterprise, ang pangalan “Kain Na”. Parang iyong mga mahihirap na mga kababaihan sa amin tinuruan nila magluto, tinuruan mag-manage ng catering, tinuruan na mag manage ng restaurant at mayroon sila sa loob ng Ateneo De Naga. May partnership sila with Ateneo De Naga, binigyan sila ng pagkakataon na makapag-negosyo. At ngayon, napaka-successful na, in fact, parang magba-branch out sila, hindi nalang kainan, pati mga ibang merchandise ititinda na.

    Noong Biyernes, nagkuwe-kuwento iyong Presidente na tuwang tuwa sila. Kasi iyong isang inaalagaan nilang grupo ng mga kababaihan, iyong savings nila more than one million pesos na. Napakalaki. Ang ganda ng programa. Sabi ko nga, sana nga sa atin mayroon ding programang ganiyan kahit huwag nang lumabas ng Pilipinas. Pero alam mo iyon, parang hinihikayat iyong mga estuydante, lalo na siguro iyong mga medyo may kaya sa buhay, iyong medyo nakakaangat, mas mabuti mabigyan ng pagkakataon na i-immerse iyong mga sarili nila para magbabad sa mga mahihirap na mga communities. Para mabuksan iyong mata na napakapalad nila at may obligasyon na tumulong.

    Ito iyong nakikita natin dito sa Hanyang, mayroon tayo, Ka Ely, dalawang grupo na ng mga kabataan na pinadala doon para mag-participate doon sa Regional Asian Youth Conference. Iyong pinaka-una nating pinadala iyong youth group mula sa Lipa noong 2017. Iyong pinadala natin noon 2018—kasama ako sa pagpunta—isang youth group doon sa Davao. Ito, binigyan nila ng seed money para maumpisahan iyong kanilang programa kaya napakaganda noong partnership. Pero maliban sa Hanyang University Ka Ely, pumunta din ngayong buwan iyong ANCOP—iyong ANCOP USA. Ang ANCOP USA naman, Ka Ely, parang, ewan ko lang kung narinig mo na, Ka Ely, iyong Couples for Christ, pero parang ito iyong foundation ng Couples for Christ pero mga Pilipino itong based sa US, sa America. Matagal na din namin silang partner. Ito, Ka Ely, nagbibigay sila ng medical assistance—mga medical mission, medical equipment tapos mga gamot.

    Pumunta sila sa opisina, parang noong Biyernes din. Namigay sila ng mga nebulizers para doon sa mga pamilya na tinutulungan natin na mayroong kapansanan iyong mga anak. Ito, Ka Ely, mga walang sariling nebulizer, na kapag hinihika iyong mga anak, kailangan pang maghanap at pumunta sa ospital, pumunta sa health center para makapag-nebulize iyong mga anak nila. So may binigay silang bente yata iyong binigay nila noong nakaraang Biyernes. Pero ang promise nila magbibigay pa sila ng marami. Nagbibigay din sila ng medical equipment para sa mga ospital namin sa Camarines Sur.

    ELY: Opo. Okay, iyan po ang ilan sa mga mahahalagang ano ano, napagtuunan ng pansin dito po sa Office of the Vice President. At kanina, binabanggit niyo kanina, Ma’am, iyong Hanyang, pumunta naman po tayo sa Hanjin. [chuckles]

    VP LENI: Ito, Ka Ely, ito iyong medyo kinakabahan tayo ng kaunti. Siguro kaunting background sa mga kababayan natin, Ka Ely: noong ito lang, nitong pagpasok ng bagong taon, parang January 8, 2019, itong Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines nag file ng bankruptcy. Sino ba itong Hanjin? Ito, parang shipbuilding company na naka-base sa Subic. Naka-base sila sa Subic. Three hundred hectares ang ino-occupy nilang lugar at iyong investment nila parang 2.3 billion dollars.

    ELY: Sila ang pinakamalaking investor diyan eh.

    VP LENI: Oo, 2.3 billion dollars. Isa sila, Ka Ely, sa top five na shipbuilding company sa buong mundo. Mayroon silang shipyard diyan sa Subic at napakaraming Pilipino na employed.

    ELY: Iyon, iyon ang kinakakaba ko diyan.

    VP LENI: Ang nakakatakot nito, Ka Ely, kasi ang kuwento medyo nag slow down daw8 ang shipbuilding industry. Ewan ko kung tama ang report pero parang nabasa ko sa isang news article, iyong na-lay off na Filipino workers. As of last year, parang nasa 7,000 na.

    ELY: Marami na po.

    VP LENI: Ngayon daw, mayroon pang natitira na 3,000 na mga Filipino workers as of January 15, na mawawalan din ng trabaho. Ito iyong nakakatakot kasi una, kung totoo iyong report na mayroong 7,000 na na-lay off at may 3,000 pang matitira at male-lay off din, papaano iyong mga pamilya nito? Iyon iyong isang bahagi. Pero iyong kabilang bahagi, iyong tanong na anong gagawin doon sa investment? Maraming haka-haka, halimbawa si Secretary Lorenzana nagsabi na—tingin ko sound iyong kaniyang suggestion—na i-take over na ng Philippine government tapos hayaan na iyong Philippine Navy iyong mag-manage.

    Kasi ito pala, Ka Ely, nagkaroon kami ng briefing sa opisina noong nakaraang Biyernes din—Biyernes o Huwebes. Wala pala tayong parasng isa talagang lugar para daungan ng ating mga barko. Parang nag-iiba-iba sila. Mayroon na yata tayo ngayon na lima na malalaking barko. Pero ito, nagiiba-iba iyong dinadaungan nila kasi wala tayong permanent dock para sa kanila. So kung ibibigay sana sa Philippine Navy ito, napakalaking bagay kasi napaka-strategic noong lugar.

    Pero iyong nakakatakot nito, Ka Ely, kasi mayroong statement—hindi ko lang sigurado kung sino pero parang DTI—na mayroong dalawang Chinese company na interesado dito. Iyong nakakatakot dito, pasalamat naman tayo na nag-i-invest sa atin ang China dahil tingin natin napakalaking economic power ng China na kailangan tayong magkaroon ng magandang relations. Pero iyong fact kasi, Ka Ely, na marami tayong problema as far as iyong pagsasakop sa ating mga—iyongteritoryo natin. Iyong kung titignan natin iyong mapa, napakalapit nito sa Bajo de Masinloc. Sobrang lapit niya na kapag Chinese company iyong nag-take over dito sa Hanjin na ito, magkakaroon na ng dahilan para pasukin na tayo nang pasukin noong mga Chinese na vessels na on the guise na magpapaayos, magre-refuel, mag—alam mo iyo—magpapahinga. Parang ni-legitimize natin iyong pagpasok sa atin. Napakadelikado nito, Ka Ely, kasi kung aalalahanin natin iyong simula ng involvement natin sa World War II, ‘di ba, na ganito din iyon inumpisahan—pumasok iyong mga hapon sa Lingayen Gulf tapos naging dahilan ito para masakop na iyong bansa natin. Tayo, ayaw natin ito na mangyari itong muli.

    ELY: So dito po ay hindi kayo pabor na ibigay po ito sa China. Kasi may panukala—narinig ko nga po iyong sabi nga ni Defense Secretary Lorenzana at may mga ilang senador din na pabor na atin na iyan para may sarili tayo. Pero parang minority lang tayo at talagang nangangasiwa, Ma’am, iyong mga pinagkakautangan na mga bangko, kasi marami eh, at pribadong sector, at least atin pa rin na masasabi.

    VP LENI: Parang iyong suggestion yata, iyong panukala yata ni Secretary Lorenzana, parang iyong Navy iyong mag-manage pero iyong the rest of the property, either ibenta o ipa-arkila sa private companies. Iyong suggestion niya, Ka Ely, yata na tayo—iyong pamahalaan—through the Philippine Navy, iyong magma-manage.

    ELY: So parang magiging GOCC po ito—

    VP LENI: Oo, parang NGO yata iyong—ay, hindi, pamahalaan iyong magma-manage, pero iyong ownership ng lahat parang private at saka government partnership. Pero tinitingnan ko iyong records ng hearing sa Senado, parang may counter proposal si Senator Migz Zubiri. Ang sabi niya, bakit hindi baliktarin? Bakit hindi natin ipa-manage sa private pero iyong majority ownership sa atin? Tingin ko, sound din iyon, Ka Ely, kasi unang una, kapag economic enterprise kasi parating mahina iyong gobyerno na mag-manage diyan. Pero mahalaga na tayo pa rin iyong majority owner kasi may—

    ELY: Tayo iyong may control.

    VP LENI: Tayo iyong may control. Mahirap na basta-basta iyong, alam mo iyon, ngayon kasi gusto natin, papaano iyon mga utang sa mga bangko natin? Papaano iyong mga Pilipinong mawawalan ng trabaho? Pero ito, Ka Ely, napakahalaga ng mga tanong na ito pero kailangan, pag-aralan ng mabuti ang isyu dahil seguridad ng ating bansa iyong nakasalalay. Posible rin iyong government take over pero sana gawing base na lang ito ng Philippine Navy natin, Ka Ely, kasi maga-guwardiyahan pa iyang bahaging iyan ng ating bansa.

    ELY: At tsaka magagaling, Ma’am, ang mga Pilipino, at hindi na natin kinakailangang bumili pa ng barko sa abroad.

    VP LENI: Oo, totoo.

    ELY: Sarili—tayo na mismo.

    VP LENI: Oo, at ngayon, Ka Ely, ino-order natin sa labas iyong mga barko. Eh mga Pilipino din naman iyong mga gumagawa eh. Bakit hindi na lang tayo mag-umpisa na atin na. Pero ito lang, iyong pakiusap natin, Ka Ely, sa pamahalaan, parang huwag padalos-dalos iyong pag-desisyon na ibibigay ito sa Chinese company kasi nakataya iyong ating seguridad dito.

    ELY: Ayon, opo, tama. Okay, ilan ho iyon sa mga isyu na pinag-uusapan natin at siguro, maganda pag-usapan din natin, nako, marami na ngayon iyong natatakot dito po sa isyu naman ng ano, iyong patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ho. Isingit ko lang ito, Ma’am—

    VP LENI: Sige.

    ELY: Kasi ngayon lumalabas na mahigit nasa limang piso na kasi iyong talagang galaw na sa world market, 2 pesos and 30 centavos, tapos dagdag pa rito iyong sa TRAIN Law—iyong second tranche na na 2.24 [pesos].

    VP LENI: Iyon sana, Ka Ely, iyong matagal na nating pinapakiusap: na sana i-suspend muna. I-suspend sana muna iyong second tranche ng sa TRAIN Law dahil hindi pa nakaka-recover iyong ating mga kababayan. Pero ngayon, parang dalawang patong. Ito iyong sinasabi natin na dalawang patong ng pagtaas, mahirap.

    Masaya tayo na kahit papaano bumaba na ng kaunti iyong mga presyo pero hindi pa tayo nakakabalik kung saan tayo nanggaling. Kaya sana, mabigyan muna ng kaunting pahinga iyong mga kababayan natin na sila talaga iyong sumasalo ng pagtaas ng petrolyo. Ang mahirap nito, Ka Ely, petrolyo iyong tumaas pero damay iyong lahat na produkto kasi lahat naman nangangailangan ng petrolyo.

    Pero ito, Ka Ely, gusto ko rin isingit iyong tungkol sa presyo ng tatlong klaseng medisina. Kasi nasa ‘di ba, nasa batas natin na hindi, parang ine-exempt iyong taxes sa ilang medisina. Ito iyong medisina, iyong gamot sa diabetes, gamot sa high blood, gamot sa hypertension at saka gamot sa cholesterol.

    ELY: Oo, iyong mataas na cholesterol, opo.

    VP LENI: Ang nasa batas, Ka Ely, hindi ito kasama sa VAT. Pero marami ngayon napapansin—dapat sana starting January 2019 bumaba na iyong presyo sa tatlong klaseng gamot na ito kasi ito iyong maintenance medicine ng ating mga kababayan. Pero napapansin nila na may mga drugstores na pinapatong pa rin iyong VAT dito sa tatlong medisina.

    Kaya siguro, iyong awareness campaign natin, Ka Ely, hikayatin natin iyong mga kababayan natin na bumibili ng kanilang mga maintenance medicine sa diabetes, sa high blood, at saka cholesterol, tingnan maigi iyong resibo—tingnan maigi iyong resibo.

    ELY: At kung may VAT doon.

    VP LENI: Siguraduhin nila na hindi sila pinapatungan ng tax ng VAT. Kasi kung pinapatungan nila, mas mabuti sigurong i-report para ma-correct natin. Kasi under the law, dapat January 2019 wala na ito.

    ELY: Opo, iyon. So iyon ho, ano, tingnan niyo lang ho iyong resibo. Kapag may VAT, bawal po ito at atin pong i-report sa BIR. At samantala, dito ho ay maraming nagsasabi, Ma’am, dito ho sa, kasi ngayon pa lang, iyong epekto ng ano, sa second tranche ng TRAIN, eh maraming nagre-reklamo. Parang hindi po natupad iyong dating babala. Kasi sabi po ng Department of Energy na kapag maaga ngang naipatupad, kasi may mga imbak pa raw iyan eh. Pero ang dami na hong nagsimula nang magtaas sa excise tax.

    VP LENI: Totoo. Nauuna iyong ibang mga oil companies. Pero ito nga, Ka Ely, ito iyong wina-warn natin mula umpisa na talagang kapag may panibagong patong, damay lahat. Iyon na nga iyong nangyayari ngayon.

    ELY: Pero sabi ho ng ilang miyembro ng economic team, huwag daw mag-alala dahil hindi maaapektuhan iyong inflation. Kaya lang dapat ho paghandaan ito.

    VP LENI: At saka alam mo, Ka Ely, iyong inflation kasi marami namang hindi nakakaintindi ng kung ano iyong epekto ng numero. Kapag sinabi mong bumaba na iyong inflation natin from sabihin natin, 6.5 percent, bumaba na sa 5 [percent], iyong ordinaryong mamamayan, kapag mahal pa rin iyong presyo para sa kaniya, ganoon pa rin iyong hirap. Walang saysay iyong numero kung hindi niya ito mararamdaman.

    Iyon sana iyong isipin: ano ba iyong hirap na nadudulot ng pagtaas sa presyo ng petrolyo sa ordinaryong mamamayan. Kasi sa medyo nakakaginhawa dati, Ka Ely, hindi masyadong ramdam. Pero mas marami tayong mga kababayan na ang kaunting pagtaas, ramdam na ramdam at nakakadagdag talaga sa kakulangan ng pagkain, kakulangan ng panggastos sa mga mahahalagang bagay.

    ELY: Ayan, opo. At kaya nga ang binabanggit nga ng ating mga kababayan, kapag pinagmamalaki ng gobyerno na gumaganda ang ating ekonomiya ay hindi maramdaman, wala, dismayado pa rin ang publiko. Ayon.

    VP LENI: Iyong sa atin lang, Ka Ely, mas maging ano lang, mas maging sensitive. Totoo naman, Ka Ely, na mas mabuti-buti na iyong presyo ng ibang mga bilihin ngayon kumpara sa, iyong mga nakaraang buwan. Pero parati lang sanang iisipin na hindi pa rin sapat. Hindi pa rin sapat. Kailangan talagang pagpaguran pa rin na lalo itong maibaba doon sa inumpisahan.

    ELY: Opo, Ma’am, isingit ko rin po iyong isyung ito dahil sa maraming nagpaabot din sa amin ng mga reklamo lalo na po diyan sa may Benguet, marami pong gulay ang mga nasira. So lumilitaw, parang may pagkukulang po rito ang Department of Agriculture na imbes na naitapon, sana—mukhang kulang po sila sa tinatawag na, iyong storage facility.

    VP LENI: Talagang kulang na kulang, Ka Ely. Sa amin, ito iyong problema ng napakaraming mga magsasaka. Kasi, Ka Ely, kawawa talaga. Kapag maraming marami iyong harvest, bagsak iyong presyo. Kahit sa amin, Ka Ely, wala na, hindi na lang nila binebenta kasi—

    ELY: Pinamimigay na lang eh.

    VP LENI: At saka lugi kasi kung magse-spend sila for transportation para dalhin sa merkado, lugi. Kaya ito, sana… sana mas proactive iyong pamahalaan sa paghanap ng paraan kung papaano mapapagaan iyong dala-dalang kahirapan lalo na noong mga mahihirap na magsasaka. Okay lang, Ka Ely, iyong mga kababayan natin na magsasaka na malalaki iyong lupain, mayroong perang pantustos dito sa either sa value added, iyong pandagdag sa—alam mo, Ka Ely, iyong iba mabubulok na, ipa-process na lang nila into a finished product—gagawin na lang na jam, gagawin nang kung ano-ano. Pero iyong mga ordinaryo kasing magsasaka na araw-araw problema para sa kaniya, kapag ganitong bagsak presyo, siya iyong pinaka-apektado.

    May ginagawa kaming mga programa sa opisina, Ka Ely. Sinimulan namin ito sa Camarines Sur. May gagawin din kami sa Iloilo at saka sa Zamboanga para matugunan ito. Pero hindi naman kasi—hindi kaya na wala iyong tulong ng gobyerno kasi malaking—maraming infrastructure din iyong kailangan. Itong mga post-harvest facilities, Ka Ely, napakahalaga nila para kahit papaano, makasabay man lang sila sa laban. Kasi kung hindi, iyong nangyari sa Benguet, Ka Ely, iyon iyong napabalita pero halos buong bansa, ito iyong problema ng magsasaka.

    ELY: Secretary Piñol. [chuckles]

    VP LENI: Nako, magagalit na naman sa akin iyon, Ka Ely. [laughs]

    ELY: Hindi, ito talagang nagulat ako. Sabi ko, nako, sayang—iyong mga carrots, Ma’am, na ano, na tinapon tone-tonelada, dapat ang ginawa—ang comment ng ibang kababayan natin, nako, dapat ginawang carrot juice, carrot cake. Pinamigay na lang sana eh.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, mayroon kaming isang community sa Nueva Ecija na binibisita. May programa sila—ito, ang pangalan ng organisasyon nila Kalasag Farmers—may programa sila, Ka Ely, with Jolibee foundation. Alam niyo iyong Jolibee, Ka Ely, dati, ini-import niya pa iyong iba niyang kailangan dahil walang available na quantity at iyong quality na gusto nila, hindi nila makuha dito sa atin. Tapos naisipan ng Jolibee Foundation na i-train iyong mga magsasaka sa San Jose City sa Nueva Ecija, i-train para kung papaano mag-produce ng maayos, papaano mahabol iyong quantity, papaano mahabol iyong quality na kailangan.

    Alam mo, Ka Ely, very successful na iyong mga Kalasag farmers ngayon. Binisita namin sila. Ang kuwento nila noong hindi pa sila tinutulungan ng Jolibee, ito iyong problema nila na kapag panahon ng harvest ng bagsak iyong presyo, hindi na nila hina-harvest kasi lugi pa sila.

    ELY: So wala silang tulong na nakuha sa Department of Agriculture?

    VP LENI: Ito, Ka Ely, tingin ko mayroon naman pero mayroon na ngayon—pero ang nag-umpisa ng programa iyong Jolibee Foundation. Tinulungan silang makapag-umpisa. Ngayon, very successful na, Ka Ely. Iyong post-harvest facilities nila, kulang pa pero sobra nang dami. So sabihin, all year round, nakakapag-produce sila ng—

    ELY: So tumaas ang kanilang produksyon.

    VP LENI: At saka hindi bumabagsak iyong presyo kasi sila na iyong nagdi-dikta ng presyo.

    ELY: Ah, iyan ang maganda. At mayroon nang siguradong merkado.

    VP LENI: Mayroon—mayroon nang merkado kasi Jolibee iyong bumibili eh.

    ELY: Ah, ayon ang maganda.

    VP LENI: Mayroon din, Ka Ely, na isang programa, ang Jolibee kasi sister company ang Chowking, ‘di ba? Iyong partner naman ng Chowking iyong mga vegetable growers naman sa Cebu. Ang tawag sa kanila, Lamak farmers. Ito naman, ganoon din iyong usapan, Ka Ely. Pero sila, iyong mga gulay na kailangan ng Chowking sa kaniyang nasa menu, sila din iyong nagpo-produce.

    ELY: So talagang lumaki na nang husto.

    VP LENI: Iyong sa amin, Ka Ely, nagpapasalamat din kami sa mga negosyante sa Camarines Sur, lalong lalo na iyong Bigg’s. Alam mo, Ka Ely, sa amin, napakasikat na chain of restaurants iyong Bigg’s. Sila, Ka Ely, willing silang—iyong nagiging role ng Jolibee sa Nueva Ecija—willing silang maging iyon… willing silang maging iyon ang role nila, na imbes na bibili sila ng mga agricultural produce sa labas ng region namin, doon na sila maghahanap. Nakapag-umpisa na kami. Nag-umpisa kami, Ka Ely, sa Calamansi, na hanggang ngayon na hindi pa makapag-supply iyong aming farmers ng calamansi na kailangan ng Bigg’s kasi napakarami.

    Pero puwera sa Bigg’s, nag-order—partner namin dito iyong Metro Naga Chamber of Commerce and Industry. In-organize nila iyong hotels and restaurants at saka ibang hospitals pa, association, na iyong mga kailangan nila, kung puwede naman ma-source sa mga local farmers, doon na iso-source. Nag-uumpisa pa lang, Ka Ely, iyong programa pero inspirado iyong mga magsasaka namin kasi nakikita na nila iyong improvements sa income, iyong improvements sa merkado, na dati nire-retain lang nila lahat. Lugi talaga kapag napakaraming harvest. Pero ngayon, hindi na ganoon kasi tinuturuan na silang mag-scheduling ng mga crops tapos mayroon nang siguradong merkado.

    ELY: Opo. So sana ganiyan din ang mangyari sa iba’t ibang mga rehiyon sa ating bansa. Para mas maganda doon na mismo—

    VP LENI: At saka kapag nire-retail kasi, Ka Ely, pa-minsan iyong mga walang wala, nababaon sa utang.

    ELY: Iyong middleman iyong yumayaman eh.

    VP LENI: Tama. Iyong middleman iyong yumayaman kasi hindi pa nagha-harvest, naka-sangla na iyong kanilang mga iha-harvest.

    [GAP 2] ELY: Okay, samantala, ang oras na natin, 9:36 na po ng umaga. At Ma’am, maganda pong pag-usapan din itong panukalang batas diyan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, na kung saan iyong age of criminal liability, from 15 to 9 years old.

    VP LENI: Napakasakit niyan sa dibdib, Ka Ely.

    ELY: Ang baba. Nuwebe anyos. Iyong anak ko, nuwebe anyos pa lang…

    VP LENI: Gustong sabihin puwede nang ikulong.

    ELY: Pero minsan may ugali sila na parang baby pa talaga, eh. Grade 3, eh.

    VP LENI: Ako nga, Ka Ely, 18 na iyong bunso ko, pero parang baby pa din. Pero ito, Ka Ely, noong 2006, pinasa natin iyong Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Ito, bunsod ito ng ating pagpirma doon sa United Nations Convention on the Rights of the Child. Parang iyong convention na iyon, Ka Ely, iyong parang kontrata na pinirmahan ng iba’t ibang mga bansa, nakabase iyon sa isang—hindi lang isa, pero maraming pag-aaral, na hanggang iyong mga bata hindi pa nakakaabot ng edad na— Ang term kasing ginagamit dito, Ka Ely, discernment. Alam mo iyon, iyong kapasidad mong naiintindihan mo na iyong consequences ng action mo. Parang ang sinasabi nito, Ka Ely, na dapat iyong mga bansang signatory nito, hindi bababa sa 13 years old iyong pagpataw ng criminal liability sa mga batang—ang ginagamit, children in conflict with the law. Kasi hindi sila kriminal, pero naipit sila sa isang sitwasyon na iyong kanilang kinommit ay kung matanda sana iyong nag-commit ay crime. Pero dahil bata sila, dapat hindi iyon tinitingnan.

    Sinasabi lang dito, Ka Ely, na kapag less than 13 years old ka, hindi mo pa naiintindihan, parang wala ka pang discernment, kung ano iyong mga ginawa mo. Iyong ine-encourage noong convention na iyon, iyong mga bansang signatory, magpasa ng mga batas na hindi bababa sa 13 iyong age of criminal liability. Tayo, noong 2006, nagpasa tayo ng batas na sinasabi natin, iyong age of criminal liability, 15. Gustong sabihin, kapag nag-commit ka ng crime na hindi ka pa 15 years old, exempted ka from criminal liability. Pero may proseso. Hindi naman ito na gawa ka nang gawa, walang proseso na dadaanan. Kasi ito, Ka Ely, mayroong counseling from social workers—hindi lang counseling sa bata, pero counseling sa magulang, sa guardian. Tapos iyong 15 to 18, kapag nag-commit ka ng crime na 15 to 18, titingnan kung nag-act ka ba with discernment. Gustong sabihin, depende sa nature ng actions mo, pinapakita niya ba na naiintindihan mo na iyong ginawa mo? Kasi kapag lumabas na naiintindihan mo na, ano ka na, kapag acting with discernment, iyong liability mo iba na. Kapag pinakita na hindi ka pa nag-a-act without discernment, ang dadaanan mo iyong mga counseling, etc., etc.

    Ito, Ka Ely, admittedly, para sa akin, napakagandang batas, pero iyong pagkukulang dito, sa implementasyon. Iyong kakulangan ng ating mga ahensya na tugunan iyong intensyon sana ng batas. Halimbawa, noong practicing lawyer pa ako, Ka Ely, mayroon akong hinandle na kaso na buong pamilya pinatay. Buong pamilya pinatay. Mother’s Day pa ito ginawa, kaya ang tawag sa amin “Mother’s Day Massacre.” Dahil lang sa internet. Itong pamilyang ito, Ka Ely, iyong tatay wala, nagtatrabaho sa Canada. Iyong nanay saka iyong mga anak iyong naiwan doon sa amin. Nagra-run sila ng isang internet shop. Iyong internet shop, Linggo iyon, iyong internet shop nagsasara ng 9 o’clock. Mayroong dalawang naglalaro na pinapahinto na noong may-ari kasi magsasara na siya. Ayaw huminto. Sa galit noong mga bata dahil pinapahinto na sila, magsasara na iyong shop, pinatay, Ka Ely: pinatay iyong nanay, pinatay iyong isang anak, iyong isa pinagsasaksak pa pero nabuhay. Iyong isa doon minor. Pero siya mag-e-18 years old na, so na-detain sa isang juvenile delinquency center. Pero nakita ko, Ka Ely, iyong kakulangan ng pag-implement ng batas, kasi parang walang specific program para sa klase ng, parang, krimen na kaniyang naganap. Iyong pagpa-undergo sa kaniya, parang tinuturuan siya ng livelihood training, ng skills, pero para sa akin, hindi niya natutugunan iyong dapat sanang klase ng rehabilitation.

    ELY: Parang dapat ire-reporma mo eh.

    VP LENI: Oo. Dapat may programa para doon. Kaya noong nasa Naga pa nga ako, Ka Ely, nag-umpisa ako ng isang programa kung saan kami iyong gagawa ng, tawag dito, diversion programs. Ano ba iyong mga programa na puwedeng ipa-undergo sa mga children in conflict with the law, para pagkatapos ma-undergo iyong programa, handa na ulit siyang ibalik sa komunidad.

    Tingin ko iyon iyong kakulangan ng batas. Pero hindi— Parang ang nangyayari ngayon, dahil may kakulangan ang batas, binabalik sa mas malalang sitwasyon. Sinasabi niya marami daw na mga bata ang ginagamit sa krimen, kaya ngayon, basta 9 years old na iyong bata at ginamit siya sa krimen, puwede na siyang makulong. Na-i-imagine natin, Ka Ely… Ewan ko lang kung nakakabisita sa mga kulungan iyong mga tumutulak nito. Pero parang iyong congestion natin, Ka Ely, number one tayo sa congestion. Iyong congestion natin, nasa 600%. Gustong sabihin, ‘di ba, parang iyong capacity ng jail, ito lang, 600% ang laman noon. Naaalala ko, Ka Ely, noong 2015 yata, nakapagbisita ako, ano ito, women’ s correctional pa ito, ang sabi nila ito na iyong pinakamabuti. Iyong lahat na hagdan paakyat, may mga natutulog. Iyong ano niya, Ka Ely, iyong double deck, iyong bunk bed, iyong isang kama dalawa iyong nakahiga. Sa ilalim niya, pati middle ng bunk bed, may nakahiga. Na-i-imagine natin kung magpapasok tayo ng 9 years old doon, lalabas iyan, lalong matindi itong ating problema.

    ELY: Dapat hindi iyan sinasama doon.

    VP LENI: Dapat hindi sinasama, kasi iyong mga na-i-involve naman na mga bata, responsibilidad iyon ng mga matatanda. Iyong mga matatanda iyong parusahan natin, ‘di ba? Iyong parusahan natin iyong mga matatanda na behind sa pag—

    ELY: Iyong gumamit ng bata.

    VP LENI: Iyong gumamit ng bata. Pero bakit iyong bata? Dapat iyong bata kinakalinga, tinutulungan maging mabuting tao. Hindi nire-regard na kriminal.

    ELY: Opo. Para po sa kaalaman ng mga nakikinig, Ma’am, ito ay may kinalaman sa madalas ngayong banggitin na Pangilinan Law. Na parang madalas pong masisi rito iyong author ng nasabing batas. Pero ako, nakikita ko na ginagawa na lang itong alibi ng ibang pulis.

    VP LENI: At saka ginagamit sa pulitika, Ka Ely.

    ELY: Ginagawa rin, Ma’am, na alibi ng pulis na, “Nako, menor de edad eh.” Iyong parang atras na agad sila sa imbestigasyon at sa pagpu-pursige ng kaso na kung saan, kung sinabi na may, halimbawa, may kaso na, nako, ginamit iyong menor de edad na gumawa ng krimen, dapat tinutugis nila, o sino ba ang kasabawat nito na hindi menor de edad, iyong mas matanda.

    VP LENI: At saka iyong pagpasa nito, Ka Ely, pinag-aralan ng napakahabang panahon. Naka-base sa mga pag-aaral—ito ay kasagutan natin sa pagiging signatory natin doon sa UN Convention of the Rights of the Child. Ito, Ka Ely, itong prinsipyong ito, worldwide ito. Hindi naman ito tsinamba lang sa atin iyong 15 years old pero naka-base ito sa maraming pag-aaral.

    Pero ngayon, parang, imbis na hanapan ng paraan para ma-implement ng maayos, binabalik sa isang sitwasyon na hindi na napapanahon. Ito, Ka Ely, naalala ko, ilang beses na itong in-attempt na i-amend. Noong 2013, mayroong nakarating sa, parang natapos ito sa third reading, tingin ko mas maganda pang version iyong amendment na iyon. Parang iyong amendment na iyon, hindi niya binabago iyong age of criminal liability—15 [years old] pa rin—pero dinagdagan niya ng safeguards. Halimbawa, instead na Department of Justice iyong magte-take charge kapag mayroong children in conflict with the law, DSWD na. Tingin ko tama iyon kasi mas capacitated iyong DSWD na mag-asikaso ng mga kabataan. Marami siyang mga safeguards, halimbawa, nagbibigay siya ng pondo para sa mga juvenile delinquency centers. Iyon, maayos iyon.

    Pero iyong ngayon, parang imbis na hanapan ng solusyon, binalik niya doon sa mas malala pang sitwasyon.

    ELY: Ayon, opo. So, siguro, Ma’am, ano, baka hindi naman ito makalusot diyan sa Kongreso.

    VP LENI: Sana, sana, Ka Ely.

    ELY: Pero mag-e-eleksyon na ho at iyong mga magsu-sulong, eh pa-graduate na rin eh, ‘di ba? Iyong Speaker, pa-graduate na rin ho at papatapos na po ang termino. At asahan natin na kapag pasok na ho ang balangkas ng Kongreso ay malamang mag-iiba na rin ang direksyon niyan.

    VP LENI: Sana. Kaya parati ko, Ka Ely, na sinasabi na napakahalaga ng 2019 election kasi hindi lang ito kung kilala natin iyong binobotohan natin, kung popular ba siya, pero titingnan, ano ba iyong mga tinatayuan nito sa mga issues? Kasi nakasalalay iyong, ano ito, iyong future ng bansa natin sa kamay nila.

    ELY: Ayon, opo. Kaya ingat ingat ho iyong ating mga botante na kung saan pipili sila. Ngayon pa lang ho, i-check niyo na. Tingnan niyo ho kung sino iyong mga dapat na—iyong mga karapat-dapat. Good morning kay Eric Perez ng RMN Marketing, ano. Iyan po ay isa sa ating mga sales executive diyan po sa RMN. Okay, at samantala, mga kasama, ito ho ay importante rin ho at pinaka-sangkap po ng BISErbisyong LENI—ang Istorya ng Pag-asa.

    [GAP 3] VP LENI: Ka Ely, iyong bisita natin sobrang idol. Actually, Ka Ely, may mga nabasa na ako tungkol sa kanya dati pa. Hindi ko alam kung naalala niya pero na-meet ko na siya noong nasa Kongreso pa ako, Ka Ely. Naimbitahan ako sa isang okasyon ni Congressman Lawrence Fortun. Pero ito Ka Ely, ito iyong pinakaunang Pilipina— iyong hindi lang nakaakyat sa Mt. Everest pero na-traverse niya—umakyat siya sa isang side ng Mt. Everest [pagkatapos] bumaba siya sa kabilang side. Pero naubos niya iyong World’s Seven Summits. Sino namang… ang pag-akyat lang nga sa isa marami na iyong buhay na nabuwis sa hirap. Pero ito Ka Ely, yung seven summits of the world na-traverse niya. Pero bago natin makuha yung kwento niya, pakilala muna natin. Si Lieutenant Junior Grade Carina Dayondon. Magandang umaga sa’yo, Carina.

    CARINA DAYONDON: Good morning po sa lahat ng nakikinig sa’yo po, Ma’am Vice President Leni Robredo. Good morning kay Sir Ely.

    ELY: Good morning po.

    CARINA DAYONDON: Good morning po at salamat sa time na mabigyan ako ng [pagkakataon] maging guest po dito. At hindi na po nalalayo si Ma’am Leni sa amin kasi sa Balangay Voyage. Tama po naunahan niya ako. Sa book launching naming even before the start ng voyage namin, andun sila nag-support samin. Andito pa nga iyong pictures eh.

    VP LENI: Kasi Ka Ely, nung una ko siya Makita sa Balangay, maliit ka lang eh. Iniisip ko, “Nako, papaano niya kaya ginawa iyon?” Pero noong nakita kita, hindi mo pa natatapos yung seven summits.

    CARINA DAYONDON: Yes po, Ma’am Vice President.

    VP LENI: Diba? Pero Carina balikan lang natin yung kwento. Papano ka nag-umpisa? Kasi binabasa ko iyong kwento ng buhay mo, parang nakalagay sa kwento – fourteen kayong magkakapatid.

    CARINA DAYONDON: Yes po, Ma’am.

    VP LENI: Taga-Bukidnon siya, Ka Ely. Galing sa mahirap na pamilya. Fourteen silang magkakapatid. Ang sinasabi ay ang inaasahan sa’yo ay tutulong ka. Ganoon naman diba? Ordinaryong Pilipinong pamilya iyong mga mas nakakatanda… pang-ilan ka?

    CARINA DAYONDON: Pang-fourth.

    VP LENI: Pang-fourth. Diba ganoon naman tayo kung sino ang mas nakakatanda, tutulong sa pagpapa-aral at pagkalinga ng mas nakakabata. Kaya iyong pinakapangarap mo din ay iyong makatulong.

    CARINA DAYONDON: Yes po. Magbigay pag-asa sa mga kapatid.

    VP LENI: Pero sinasabi kanina na iyong iyong kwento—itama mo kung mali—sinasabi na noong [nasa] College ka, doon nag-umpisa. Parang nakasali ka sa isang mountaineering club.

    CARINA DAYONDON: Tama po, Ma’am Vice President. Tama po iyon.

    VP LENI: Nag-college ka sa Bukidnon din?

    CARINA DAYONDON: Nag-college ako sa Cagayan de Oro, sa Ateneo de Cagayan.

    VP LENI: Parang Mountaineering Club ito ng Ateneo de Cagayan.

    CARINA DAYONDON: Tama po, Ma’am.

    VP LENI: Tapos dati, iyong mga sine-scale niyong bang bundok doon din lang sa Mindanao?

    CARINA DAYONDON: Ganoon talaga kasi usually as a climber, as a mountaineer, noong nag-start tayo sa Cagayan, una nating ini-scale iyong highest sa island natin. Iyon ang pinaka-dream natin na maka-scale sa highest within our island sa Mindanao. And then luckily yung highest andoon na eh, yung [Mt.] Apo, Mt. Kitanglad and Mt. Dulang-Dulang. So, pwede nga lang din mang-hitch from Cagayan eh, ng sasakyan going to Mt. Dulang-Dulang. Mag-hitch ka lang, baba ka sa highway, maglakad ka na papuntang Mt. Kitanglad.

    VP LENI: From the highway ba, ilang oras na akyat pa yun?

    CARINA DAYONDON: From the highway in Bukidnon, Kisolon, and then to Indahag, yung foot ng Mt. Kitanglad, mga siguro, four hours na lakad.

    ELY: Ah, four hours. Nako.

    VP LENI: Pero ang sinasabi dito, nag-umpisa ka lang sa mountaineering club pero nahilig ka na sa sports climbing.

    CARINA DAYONDON: Yes po, Ma’am.

    VP LENI: Ano ba ang sports climbing?

    CARINA DAYONDON: Bali po yung mountaineering kasi mayroon siya mga iba’t ibang sports na puwede mong masalihan. Iyon iyong sport climbing, mayroon din iyong adventure racing.

    VP LENI: So, pareho ka sumali doon?

    CARINA DAYONDON: Sumali ako doon.

    VP LENI: Yung sports climbing ba kabahagi iyon doon iyong pahirap nang pahirap iyong inaakyat mo?

    CARINA DAYONDON: Ang sports climbing, tama po iyan, Ma’am Vice President. Meron pong pahirap nang pahirap. And then mayroon din iyong competitive.

    VP LENI: Paunahan.

    CARINA DAYONDON: Yes po. Iyong sa speed at meron ding [level of difficulty] na hindi siya speed pero iyong route – lesser yung mahawakan mo or lesser iyong maapakan mo. Meron ganoon. It could be you’ll be in the competitive like the speed climbing or yung may route na tatahakin ka.

    VP LENI: Tapos parang nabago yung buhay mo noong na-aya ka noong 2004 ni Usec. Art Valdez. Ewan ko, Ka Ely, kung naalala mo si Usec. Art Valdez. Sa ano siya, DENR. Naging Usec. siya. Pero naaya ka ni Usec. Art Valdez para sa isang Mt. Everest expedition.

    CARINA DAYONDON: Tama po, Ma’am.

    VP LENI: So noon naaya ka at nag-desisyon kang sumali, anong klaseng preparasyon ang dinaanan ninyo?

    CARINA DAYONDON: Iyon nga 2004, naaya tayo sa isang grupo na pinangunahan ni Usec. Art Valdez na mag-join sa team na tinawag na First Philippine Mount Everest…

    VP LENI: Mga ilan kayo lahat?

    CARINA DAYONDON: Around the Philippines, siguro mga 42 kaming inanyayahan. Tapos iyong mga babae, siguro mga lima lang. Ang tumuloy ay tatlo. And then iyong 2004, invitation palang iyon. And then, training for three years.

    VP LENI: Anong klase iyong training?

    CARINA DAYONDON: Ah, dahil kami naman ay mountaineers na din, hindi na naiba satin iyong climbing. Gaya nga ng sabi ni Ma’am, yung background ko mountaineer na ako way back in my college, so iyong training namin hindi na siya more of tropical – iyong dito sa Pilipinas na akyat. More of labas na climb. Paano kami maglakad sa snow, paano kami mag-arrest ng sarili namin pag i-stop namin iyong sarili namin sa pagkahulog sa bangin, sa snow [kung] kami ay madulas.

    VP LENI: Saan nangyari ang training?

    CARINA DAYONDON: Nangyari iyong training nay un, first sa New Zealand, in Mt. Cook. The second was in India, Denali, iyon iyong tinatawag naming technical training. Lahat ng kailangan matutunan ng isang mag-a-Alpine climbing, doon tinuro sa amin at doon din nalalaman.

    ELY: Ganoon ba talaga, ‘di ba iyong mga napapanood natin sa pelikula, talagang ganoon ba iyong mga eksena doon? Kasi may true story na ipinalabas eh.

    CARINA DAYONDON: Tama iyong nakikita natin doon. Mayroon danger at mayroon ding hirap. Pero lahat naman ng iyan, kung balikan natin si Ma’am, wala namang short cut. Nag-training kami for three years. Hindi lang parang binitbit ka doon na akyatin mo iyan. Bago natin tinahak iyong gusto natin gawin sa buhay, ma-achieve sa buhay, may preparations.

    VP LENI: Halimbawa, Carina, galing palang ako sa Kathmandu noong December.

    CARINA DAYONDON: Wow.

    VP LENI: Siyempre hindi ako marunong umakyat ‘di ba? Pero sumakay kami sa eroplano na pinakita samin lahat ng peaks doon kasi diba ang haba niya. Hindi ko ma-imagine kung papano mabubuhay iyong trekker doon. ‘Di ba, Ka Ely? ‘Di ba? Ang taas niya, sobra. In fact, may mga bahagi ng Everest na hindi kaya talaga ng eroplanong mas mataas sa kanya. Umaaligid kami sa gilid. Pero hindi ko ma-imagine kung gaano kahirap iyong trek.

    CARINA DAYONDON: Talagang tama iyong sinabi ni Ma’am. Mahirapan kang ma-imagine. Kasi yung makaka-angat nga lang doon sa 28,000 feet ay pressurized na eroplano. Iyong ginawa nila Vice President, iyon iyong mountain flight na helicopter na hindi sila umaabot sa peak pero medyo malayuan iyong tingin niyo nakikita niyo iyong mga climbing peaks. Iyon iyong isa sa mga pwedeng options na limited ang time at hindi maka-akyat.

    VP LENI: Nai-imagine ko kung gaano ka sobra [hirap]. Tinatanong ko iyong guide samin, kasi imbitado lang kami doon, kung papaano pumunta sa first…

    CARINA DAYONDON: Sa jump-off… sa basecamp, Ma’am.

    VP LENI: Na kinukwento niya na parang ang byahe pag papunta lang sa basecamp… kung lalakarin, parang pag hiking trip siya parang two weeks kasi mayroon mga pahinga.

    CARINA DAYONDON: Yes, Ma’am. Two weeks.

    VP LENI: Pero basecamp pa lang iyon. Sabi niya hindi daw puwedeng dire-direcho kasi kailangan mong ina-acclimatize iyong katawan mo dahil sa height. So iyong sa inyo, iyong training ba, kasama yung pag-a-adjust sa altitude?

    CARINA DAYONDON: Tama, Ma’am. Before climbing Mt. Everest, may trainings kami ng technical and high altitude exposure, I mean exposure to the high altitude. Malalaman namin iyong condition ng katawan namin, iyong reaction ng katawan namin if kami ay nasa 8,000 meters gamit iyong supplementary oxygen. At kung nakaka-adjust ba kami ng maayos kapag naka-expose kami before kami nag-Mt. Everest. Kaya umakyat po kami ng Mt. Cho Oyu…

    VP LENI: Saan iyon?

    CARINA DAYONDON: That’s in… Katabi ng Nepal. Sa Tibet naman na mga bundok. So itong ginawa natin, itong passion natin na mountaineering, talagang may basic mountaineering na pinagdaanan. Mayroon kaming technical training. Walang short cut kasi nakakamatay nga siya kapag hindi ka mag-prepare [sa] altitude.

    VP LENI: Naalala ko iyong pinaka-unang nag-attempt sa Mt. Everest. Parang ilang beses siya nag-attempt. Early…

    CARINA DAYONDON: 1948. Si Sir Edmund Hillary. The first person [who climbed] Mt. Everest. And then si Tenzing Norgay. 1958 yata.

    VP LENI: Tapos ito, iyong kwento niya na, habang nagpe-prepare kayo for Mt. Everest, inaya ka ng kaibigan mo na si Erwin Pastor Emata na mag-partner sa kanya sa island paradise adventure. Ito, Ka Ely, iyong paradise adventure, parang ano siya eh… ano ba iyon langoy? Takbo? Ano pa iyong iba?

    CARINA DAYONDON: Yes, Ma’am. Tama po iyon. Iyon iyong nabanggit natin kanina. From mountaineering, mayroong sport climbing, competitive and then adventure racing. iyong island paradise na sinabi ni Ma’am, yun na yung adventure racing na sinalihan namin.

    VP LENI: Paano iyon – Manila to Cebu?

    CARINA DAYONDON: If we go back, Ma’am, the journey of that island paradise, pag-invite kasi samin sa team, sinabi na may allowance kami. Kaso wala kaming allowance na natanggap kasi mahirap magkuha ng sponsors for the team. Even for completing the money for expedition climbing. So ang ginawa namin ni Pastor Emata, sumali kami ng adventure race. Iyon iyong paradise na multi-discipline na laro – may langoy, may pinerform kami na langoy, takbo, bike, rappelling, kasama na din iyong navigation [on] how to get there from Manila to Cebu. So iyan pong sinalihan namin…

    VP LENI: May pinanalunan kang one million pesos ‘di ba?

    CARINA DAYONDON: Nanalo kami ni Pastor kasi iyon iyong time na iyon na gusto ko na umalis sa Everest team. Kasi sabi ko nga, passion ko din iyong mountaineering. Pero hindi na pwede lahat passion. Kailangan natin mabuhay. Kailangan natin tumulong sa family.

    VP LENI: Saka magastos din.

    CARINA DAYONDON: Magastos. Pero iyon nga. Sumali kami para magka-pera kami.

    VP LENI: pero ang sabi dito, iyong pinanalunan mo na one million pesos, iyong kalahati, binigay mo sa pamilya.

    CARINA DAYONDON: Yes, Ma’am. Iyon iyong tinulong ko kasi sabi ko nga nakakahiya [na] magka-climb nang magka-climb ako nito, baka iyong pag-uwi ko, sabi nga ng father ko baka nasa kalye na kami nakatulog kasi naka-foreclose yung bahay namin Ma’am eh. Nandoon iyong mga kapatid ko. Nakapag-stop na ng pag-aaral. So, nahati ako. Pag-continue sa Mt. Everest or tutulong sa family. Syempre both gusto ko. Nag-pray ako. Naging positive lang ako. Hingi ako ng tulong kay God. God bigyan mo ako ng sign or ways na both magawa ko. Nanalo kami ng one million, Ma’am.

    VP LENI: Tapos ito, noong 2007, nung naging successful iyong pag-climb saka iyong pag-traverse sa Mt. Everest, tatlo kayong Pilipina.

    CARINA DAYONDON: Yes, Ma’am.

    VP LENI: Tatlo kayong magkakasama. Ito ba yung kasama mong nag-training noong 2004?

    CARINA DAYONDON: Yes, Ma’am. Kami iyong tumugon ng invitation na sumali sa First Philippine Mount Everest team. Iyong iba hindi kasi it’s a three-year commitment na all your life na in three years mag-training. Isipin mo lang na aakyat kayo ng Mt. Everest.

    VP LENI: Gaano katagal yung climb ninyo?

    CARINA DAYONDON: From the basecamp of north side is 21,000 feet ang height, going to the summit ay four days.

    VP LENI: Okay. Ilang oras sa isang araw kayo naglalakad?

    CARINA DAYONDON: That’s ten hours. Average iyon. Pero yung summit naming matagalan iyong kasi from the camp, 26,000 feet, to the summit is nine in the evening. in the next morning pa kami dumating so…

    VP LENI: ‘Di ba karamihan sa [umaakyat] nagha-hire ng… anong tawag doon? Taga dala ng gamit?

    CARINA DAYONDON: Sherpa.

    VP LENI: So mayroon kayong mga Nepalese na sherpang kasama?

    CARINA DAYONDON: It’s a requirement po sa Nepal government na kailangan kung mag-climb ka ng Everest may isa guide na kasama mo kasi para maiwasan iyong sakuna, iyong aksidente. Sila ang mas nakakaalam, sila ang local. Gaya satin dito sa bundok, may mga organizer tayo na mag-ga-guide satin.

    VP LENI: Iyong marunong.

    CARINA DAYONDON: Yes.

    VP LENI: Paano iyong pagkain niyo?

    CARINA DAYONDON: Iyong pagkain namin dahil sa high altitude, Ma’am, nawawalan ka ng gana sa pagkain aside from magkasakit. So kailangan alagaan yung appetite natin. Nagdadala kami ng food from the Philippines, iyong mga naka-pack food natin. Syempre iyong adobo, nagdala kami noon, iyong tuyo, iyong bulad sa Bisaya nagdala kami.

    VP LENI: Nasa backpack niyo lang?

    CARINA DAYONDON: Dinala namin siya doon papuntang basecamp. Yes, pwede dala sa backpacks namin pero more of basecamp na namin siya nakatambay.

    VP LENI: Para hindi mabigat.

    CARINA DAYONDON: Para di masyado mabigat. Hindi bultuhan talaga iyong bitbit going to the high camps.

    VP LENI: Pero siyempre habang papa-akyat ka, siyempre sobra nang lamig. So ano iyong preparation niyo pagdating sa suot? Hindi ba sobrang bigat dahil sobrang lamig sa taas?

    CARINA DAYONDON: Ang daming factors when we climbed the mountains, the alpine climbing. Ito nga madali tayong magkasakit at tapos sobrang iba yung environment. Sobrang lamig, and then, iyong lamig na yun kasi tropical naman tayo, ang nakasanayan natin. Puwede tayong naka-sleeveless, naka-shorts. Doon naman pakapalan ng damit. Kasi ang lamig doon aabot siya ng negative 30 degrees Celsius. Freezing talaga. In fact, magkaka-frost bite ka pa.

    VP LENI: Ito, natapos iyong climb na kayong tatlo.

    CARINA DAYONDON: Yes, Ma’am.

    VP LENI: Natapos niyo tapos bumaba pa kayo. Bumaba kayo sa other side. Pero pagkatapos noon, naging aim mo na ubusin mo iyong seven summits. Ang seven summits kasi Ka Ely, ito iyong pinakamatataas sa bawat continent. In-aim mo iyon at nagawa mo.

    CARINA DAYONDON: In-aim ko siya na akala ko madali lang. Pero noong ini-start ko na siya at wow sobra na pala ng laki ng project na iyon. At ang hirap pala maghanap ng funding. Pero maski papano naging positive tayo. Kasi nga sa lahat ng bagay, sa lahat ng gusto mo maabot sa buhay, maging positive lang tayo at maniwala tayo na pwede natin siyang gawin kasi nakaka-attract tayo ng puwedeng tumulong.

    VP LENI: Napansin ko kanina naka-BPI jacket ka.

    CARINA DAYONDON: Malamig, Ma’am, eh.

    VP LENI: Nabasa ko somewhere na sa past two climbs mo, BPI iyong nag-fund.

    CARINA DAYONDO: Yes, Ma’am.

    VP LENI: Nakita ko kasi na parang naimbita si Carina na magsalita sa isang event. Iyong Presidente ng BPI nandun sa event na iyon.

    CARINA DAYONDON: Yes, Ma’am.

    VP LENI: Kilala ko siya eh. Gigi Montinola. Napakabait na tao.

    CARINA DAYONDON: Hi, Sir Gigi.

    VP LENI: At napakamatulungin. Sobra iyong pagmamahal sa bayan. Kaya yung nakita ko yung kwento mo, parang hindi na ako nagulat na tinulungan ka ni Gigi. Pero kaya ko siya minention lang, Ka Ely, kasi ito din iyong mga problema ng mga kababayan natin na kagaya ni Carina na nagbibigay ng napakalaking dangal, napakalaking honor para sa bayan pero hindi lahat nakikita yung hirap na pinagdadaanan.

    CARINA DAYONDON: Yes, Ma’am.

    VP LENI: Hindi lang sa preparasyon pero sa gastos.

    CARINA DAYONDON: At salamat, Ma’am na na-mention mo siya kasi si Sir Gigi kailangan natin ng maraming pareho sa kanya. Kasi ang dami pareho sa akin na athletes na alam ko sobrang galing nila. Kulang na yung support. Family na yung nagpapa-training. Nagse-shell out ng sariling pera. Minsan nawawalan sila ng pag-asa yung family na halos hindi na masuportahan yung pagte-training ng member nila sa family na excelling in the sport.

    VP LENI: Para makadagdag pa sa hirap, namatay iyong kapatid mong may cancer. Habang pine-pursue mo iyong mga ganito. Pero in the mold ng isang tunay na bayani, the show must go on.

    CARINA DAYONDON: Thank you. Dapat talaga tayo.

    VP LENI: Kahit siguro sa sama ng loob, na sa lungkot pero pinagpatuloy mo pa rin. Wala tayong masyadong oras, Carina, pero kaya ka namin naimbita kasi mayroon kaming programa, iyong Istorya ng Pag-asa. Tingin namin yung kwento mo [ay] napakalaking inspirasyon para sa bawat Pilipino.

    CARINA DAYONDON: Tama po, Ma’am.

    VP LENI: Nagpapasalamat kami sa kabayanihan, nagpapasalamat kami sa lahat ng hirap na dinanas mo. Sana malaman iyong kwento mo ng mas maraming Pilipino. Para makapagpalakas lang ng loob, na sa tindi ng maraming kahirapan na pinagdadaanan, nagpursigi pa din. At sana patuloy mong gawin iyong ginagawa mo. Alam ko na iyong pinakapanaginip ng lahat ng mountaineers, nakamit mo na.

    CARINA DAYONDON: And this climb, this mountain is symbolic to any Filipino na may gustong ma-achieve sa buhay.

    VP LENI: Na ito sana pagbigyan mo pa kami sa mga susunod naming mga events.

    CARINA DAYONDON: Yes, Ma’am.

    VP LENI: Mayron kaming programang film festival. Sana merong magsa-pelikula ng buhay mo dahil napakaganda ng kuwento mo.

    CARINA DAYONDON: Thank you po, Ma’am.

    ELY: Opo, salamat po sa inyo.

    VP LENI: Sayang, wala nang—napakarami ko pang gustong itanong, Ka Ely, kaya lang wala na tayong oras.

    ELY: Sa susunod, imbitahan po muli natin siya—Part 2.

    VP LENI: Oo, iimbitahin ka namin ulit na Part 2 para i-kuwento mo iyong—kasi napaka-interesting noong mga kinlimb mo.

    CARINA DAYONDON: Yes, Ma’am. Yes, Sir Ely.

    ELY: Okay, Ma’am, wala na po tayong oras at mensahe niyo po sa ating mga kababayan.

    VP LENI: Wala na tayong oras. Iyong sa akin lang po, unang una, Ka Ely, salamat muli—salamat sa mga kagaya ni Carina at iyong iba pa nating napi-feature na mga Istorya ng Pag-asa, sa tibay ng dibdib, sa inspirasyon na binibigay sa atin lahat, tapos sa ating mga kababayan na dumadaan ng mga parehong pagsubok na hindi sana nawawalan ng pag-asa dahil may mga taong kagaya ni Carina na kinakaya iyong pinaka-mahihirap na pinagdadaanan.

    Sa ating mga kababayan sa ARMM, ang amin pong pagpapaabot ng aming pakikiisa. May eleksyon sa inyo bukas, sana maging matahimik, sana maging matagumpay para makamtan na natin iyong matagal na nating inaasam na kapayapaan sa ating lugar.

    Iyong sa atin naman, Ka Ely, siguro sa ating mga kasamahan na mga mambabatas, iyong ano talaga, Ka Ely, iyong lowering the age of criminal liability, maawa naman po tayo sa ating mga kabataan. Imbis na parusahan natin sila, tulungan natin—tulungan natin na makapag-bagong buhay.

    ELY: Okay, maraming salamat, mga kasama. Iyan po si Vice President Leni Robredo. Salamat po sa mga nakinig sa atin at kay Don Lino Celle, salamat, overtime kami ha. At antabayanan ang Sapagkat Mahal Kita ni Don Lino Celle mula po sa RMN New York. Ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

    -30-

    Posted in Transcripts on Jan 19, 2019