This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 83

    ELY: Magandang umaga Pilipinas—Luzon, Visayas at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN ngqayong araw ng Linggo, December 9, 2018, mga kasama. At mula po dito sa RMN-DZXL 558 Manila, tayo po’y napapakinggan din sa RMN-DHYP Cebu, RMN-Cagayan de Oro DXCC, at RMN-DXDC Davao, at gayon din po sa DWNX Naga. At siyempre, napapanood at napapakinggan din tayo sa RMN Facebook page, at gayon din po sa VP Leni Robredo. Mga kasama, ako pa rin ang inyong radyoman Ely Saludar ngayong umaga. Kasama natin dito po sa ating studio ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na kasama natin ngayong umaga—sa lahat po ng nakikinig, sa atin pong mga kababayan sa Bicol—marhay na aga sa indo gabos!—sa atin pong mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Ayon, Ka Ely, wala ako noong nakaraang Linggo dahil nasa Nepal ako. Nag-participate ako, Ka Ely, sa isang Asia Pacific Summit. Noong Linggo, pabalik pa lang ako dito sa Pilipinas. Gusto ko sanang humabol pero late dumating iyong aming eroplano.

    ELY: Opo, ayon, at samantala, mga kasama, marami pa rin ho na mga isyu na tayong pag-uusapan. At maya-maya, abangan niyo ho sa Istorya ng Pag-asa itong—

    VP LENI: Nako, very special, oo. Very special iyong guest natin, Ka Ely, ngayong umaga.

    ELY: Oo, ayan, iyong anak ko hindi ko naisama. [chuckles]

    VP LENI: Kaya iyong mga anak ko, Ka Ely, kasama ko at iyong anak kong wala dito ay inggit na inggit sa mga kapatid niya dahil sa guest natin ngayong umaga.

    ELY: Okay, samantala, mga kasama, at Ma’am, bukod sa iyong sa pag-biyahe niyo sa Nepal at ‘di ba, nakaraang linggo iyon, iyong linggong ito ay ano po ang ilan sa mga naging aktibidad po ng inyong tanggapan?

    VP LENI: Ito, Ka Ely, medyo busy iyong linggong ito sa mga bisita. Punong-puno ng mga grupo iyong aming opisina na nagbibisita. Maraming mga local officials na dumadaan dahil mayroon yata, Ka Ely, national convention iyong mga councilors at saka mga vice mayors kaya maraming mga vice mayors at saka councilors iyong dumaan.

    Mayroon din, Ka Ely, noong, parang iyong Martes yata iyon, mayroong 96 na mga mag-aaral galing sa Manila. Sa Manila pala, Ka Ely, mayroong Boys and Girls’ Week na iyong mga student leaders sa lahat na public schools dito sa Manila ay nagpa-participate doon. Pumunta sila sa opisina noong Tuesday at nakakatuwa kasi for one week ang nangyayari pala, mayroong ano sila, mayroong City Youth Mayor, mayroong City Youth Vice Mayor, may City Youth Councilors, may City Youth Congressmen. Tingin ko, Ka Ely, magandang… magandang practice ito kasi maaga pa, na-i-immerse na iyong mga kabataan kung ano iyong ginagawa ng mga officials.

    Noong nakaraang Huwebes yata, o Biyernes, dumaan din ako, Ka Ely, sa La Concordia College Manila kasi nagse-celebrate sila ng 150th Founding Anniversary. Pero nakakatuwa, Ka Ely, kasi first time ko nakarating sa La Concordia, pagdating ko para akong nandoon sa dati kong paaralan sa Naga. Nag-aral ako sa Universidad de Sta. Isabel. Ano ito eh, Daughters of Charity na school, ang Concordia, oo din, kaya pagpasok ko parang nandoon ako sa dati kong school. Pero iyong maganda doon, pumunta ako ng December 7, eve iyon ng Immaculate Concepcion, mayroon silang napaka-extensive na Marian Exhibit. Parang iyong lahat na nangongolekta ng mga images—na mga marian images—naka-display. Apat na kuwarto na napakaraming images ni Mama Mary. First time ko iyon nakita na ganoon kalaki iyong exhibit.

    Tapos, Ka Ely, marami na ring mga Christmas party, iba ibang mga opisina kaya—bihira naman ako lumabas ng gabi. Ngayong linggo lang yata iyong gabi-gabi na iyong mga Christmas parties.

    ELY: At saka, Ma’am, inagahan na po nila, ano, iyong mga Christmas party para sa traffic siguro.

    VP LENI: Oo, mas mabuti nga, Ka Ely, kasi naalala ko, magki-Christmas na, parang busying-busy pa rin. Ngayon, first week of December pa lang, marami na.

    ELY: So mga kasama, ayan po ang mga naging aktibidad ng ating Bise Presidente. Samantala, siyempre, napakaraming isyu ngayon na pinag-uusapan, at iyong una, iyong trending sa social media iyong naging desisyon ng Sandiganbayan. Pero natabunan iyan ng dating bise alkalde ng Davao. [chuckles] So, Ma’am, anong reaksyon niyo roon? Kasi… O, napapakinggan tayo diyan sa Davao, ha, sa DXDC 521.

    VP LENI: Ako, Ka Ely, parang natawa ako, Ka Ely. Kasi unang una, iyon, ano talaga iyon, hindi totoo iyong balita. Iyon iyong fake news, eh. Sinasabi doon na nag-uusap-usap kami ng mga nakalista doon para patalsikin sa puwesto iyong ating Pangulo, nagde-destabilize. Tinitingnan ko, Ka Ely, iyong mga kasama kong pangalan doon. Parang karamihan doon hindi ko kilala. Karamihan doon ‘di ko kilala. Ang kilala ko lang doon si Jollibee.

    ELY: [laughs]

    VP LENI: Tulad noon, hindi ko kilala. Tapos may nakalagay pa doon kung saan kami nagmi-meeting. Mayroong isang—nakalimutan ko iyong pangalan—pero parang isang theology house dito sa New Manila? Doon daw kami nagmi-meeting. Tapos mayroon pang pangalan ng mga restaurants sa Quezon City. Parang hindi pa yata ako nakapunta sa mga lugar na iyon, hindi ko nga alam kung saan iyon, although malapit sa opisina.

    Ito, napaka-irresponsible—napaka-irresponsible na mag-post ng isang bagay na, una, wala namang basehan. Pangalawa, hindi ko alam kung alam niya kung saan iyon nanggaling, kasi obviously iyong gumawa noon, hindi man lang nag-aksaya ng panahon para mag-research. Sana nalaman niya na hindi naman ako pumupunta sa mga lugar na iyon, at iyong mga nakalista, hindi ko naman kilala.

    Nakakalungkot na public official—dating public official, magiging public official—ganoon ka-iresponsable.

    ELY: Saka anak ho ng leader ng ating bansa.

    VP LENI: Iyon na nga. Kahit nakakatawa siya para sa amin, Ka Ely, nakakalungkot pa din dahil iyong mga public officials, mas mataas iyong responsibilidad na magpahayag ng katotohanan.

    ELY: Opo. Okay, at mga kasama, iyan po. Ang pinag-uusapan natin, para po sa ating mga listeners, ito po iyong naging pahayag at post sa social media ni dating Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte. Iyon, mga kasama. Siguro iyong mga mahihilig sa social media ay alam niyo na, at ngayon talagang nagiging isa po itong katatawanan, Ma’am. Kasi dati sa mga nakaraan, kapag may ibinunyag ang isang opisyal o kung ano man, nasa panig ng administrasyon, sineseryoso po ng lahat, eh. Pero dito, sa social media, parang pinagtatawanan din po ng marami.

    VP LENI: Saka baka ano din, Ka Ely, baka ang sadya niya din patawanin tayo—

    ELY: [laughs]

    VP LENI: —dahil Christmas na, pasayahin lang tayo lahat.

    ELY: Okay, samantala, mga kasama— Ma’am, iyong dito sa ICC, kasi, ‘di ba, parang nag-disengage at kumalas na. Pero may pahayag iyong isang prosecutor na tuloy pa rin iyong kanilang pagmo-monitor dito sa kampanya ng Duterte administration laban po sa illegal drugs.

    VP LENI: Ang alam ko kasi, Ka Ely, may proseso. May proseso. Hindi naman siya parang kapag sinabi mong hindi ka na sasali, hindi ka na kaagad kasali. Ang alam ko mayroon siyang proseso na kailangang pagdaanan. Iyong point of reckoning yata dito, Ka Ely, kung kailan iyong accusation na ginawa mo—kung kailan mo ginawa iyong mga accusations. Tapos noong ginawa mo ba iyon, miyembro ka pa o hindi na? Pero tingin ko kasi hindi iyon iyong punto, kasi iyon, procedural lang iyon. Pero iyong pinaka-punto doon, mayroon nga bang paglabag—mayroon nga bang paglabag sa mga karapatang pantao, na iyong paglabag na ito ay among doon sa mga nakasaad na bawal? Signatory tayo sa ICC, Ka Ely. Signatory tayo sa ICC, kaya mayroon tayong mga obligasyon na kailangang i-fulfill. Hindi ko alam kung ano iyong pinaka-dahilan kung bakit magdi-disengage tayo, pero sana hindi dahil inakusahan tayo. Kasi kung dahil inakusahan lang tayo, parang nado-doble tuloy iyong bigat na ginagawa.

    Ito, malungkot din—malungkot na pangyayari, kasi tayo naman ay kilala mula noon na tagapagtaguyod ng karapatang pantao. In fact, naging very active tayo para sa pagbuo ng ICC at para pumasok sa mga kasunduan para sa proteksyon ng human rights. Ito, sa atin naman, kahit pa umalis tayo sa ICC, iyong obligasyon natin na alagaan iyong karapatang pantao, hindi naman natatanggal iyon.

    ELY: Opo. At may binabanggit po ang Pangulo na mas lalong magiging madugo at ipagpapatuloy raw ang kampanya laban po sa ilegal na droga.

    VP LENI: Saka iyong pag-form ng death squads. Mayroon yata siya, Ka Ely, na pahayag na magfo-form siya ng death squads. Parang wala nang… ‘di ba, unang una, labag ito sa rule of law, na pinaninindigan natin bilang isang bansa. Pangalawa, ang nakakatakot nito, ang mabibiktima na naman, iyong mga mahihirap na walang kalaban-laban pagdating dito. Ito nga, Ka Ely, iyong nakakalungkot kasi nakikita ng ating mga kababayan iyong mga mayayaman, iyong mga may kapangyarihan, napakabilis na makawala sa mga kaso laban sa kanila, sa pagtutuligsa ng batas at ng tao. Pero iyong mga mahihirap, hindi ka na bibigyan ng pagkakataon na depensahan iyong sarili. Tapos ito na naman… Parang hindi na ba tayo natuto? Hindi ba tayo natuto ng nakaraang dalawa’t kalahating taon, na napakarami nang namatay, pero iyong gusto nating sugpuin nandiyan pa din. Parang walang… parang walang halaga iyong buhay, para makamtan iyong isang bagay na hindi naman nga natin, parang, na-a-attain. Ang gusto natin mawala iyong droga; marami nang namatay pero nandiyan pa rin siya.

    ELY: Opo. Okay, samantala, at nakita ko rin, Ma’am, na parang may fake news na naman na kumalat na mayroon kayong litrato dito sa pumatay kay Kian.

    VP LENI: Oo. Actually, Ka Ely, hindi ko pa masyadong nakikita iyon. In-alert lang ako ng mga kakilala. Mayroon yata akong picture na may kasama akong lalaki. Iyong claim na naman, iyong kasama ko doon na lalaki, isa daw doon sa mga pulis na pumatay kay Kian. Ito, nag-fact check na nito, marami na iyong nag-fact check nito at sinasabing mali iyon.

    ELY: At panahon yata ng kampanya iyon, eh.

    VP LENI: Oo.

    ELY: Kasi kapag panahon ng kampanya, kung sino lalapit, lahat naman tayo nagpapa-picture.

    VP LENI: Pero iyon nga, Ka Ely, iyong nakakalungkot: hindi naman ako kandidato ngayong 2019. Hindi naman ako kandidato, pero patuloy pa din. Kung naaalala mo, nakaraang dalawang linggo pa lang, may pinakitang litrato ng mga tsinelas na nakuha daw iyon sa NPA camp, na hindi naman totoo. Ngayon, ayan na naman—may isa akong litrato kasama ang isang lalaking nagpa-picture, iyon daw iyong pulis na pumatay kay Kian, hindi din totoo.

    ELY: Okay. Samantala, Ma’am, sakto dahil sa iyong anniversary ng Declaration of Human Rights bukas.

    VP LENI: Oo, bukas na.

    ELY: Ano po ang mensahe ninyo?

    VP LENI: Ito kasi, Ka Ely, iyong karapatang pantao, nakakalimutan nating lahat na… Ano ba iyong gustong sabihin ng karapatang pantao? Iyong karapatan nating mamuhay nang ligtas, iyong karapatan natin na kumain tatlong beses isang araw, karapatan natin na magkaroon ng sariling pamamahay, karapatan natin na gawin iyong gusto nating gawin—basta hindi tayo nakakasakit sa iba. Ito iyong pang-araw-araw na karapatan, na kahit walang batas na ipinasa, karapatan pa din natin ito. Kaya sinasabi nga, Ka Ely, inalienable ito, hindi puwedeng tanggalin ng kung sino.

    Pero ang nakakalungkot ngayon, kasi iyong konsepto ng karapatang pantao, parang dine-demonize. Pinapalabas na hindi tama iyong konseptong ito. Pinapalabas na istorbo lang itong konseptong ito, na hindi pinapaliwanag kung anong gustong sabihin.

    Bukas, ano, parang… ginugunita natin iyong pangangalaga sa karapatang pantao. Pero siguro panahon din ito para ipaintindi sa ating mga kababayan ano ba talaga itong mga karapatan na ito, at bakit kailangan nating dipensahan.

    Kahapon, Ka Ely, naimbita ako sa isang forum na pinangunahan ng UNESCO, at iyon ay young professionals. Iyong pinapakipaglaban nila, Ka Ely, iyong karapatang pantao nga, at sinabi ko doon na kailangan ipaintindi muna natin sa ating mga kababayan kung anong gustong sabihin nito, kasi iyong mga ayaw igalang iyong karapatang pantao, sila din iyong naghahanap ng paraan para siraan, siraan iyong konsepto ng human rights, na dapat hindi naman.

    ELY: Okay. At iyan lang ho, ilan sa mga isyu na pinag-uusapan ngayon. At marami ho, ano, dahil iyong isyu ng karapatang pantao, talagang lalo ho ngayong nagigising ang taumbayan dahil sa dami nga ho, Ma’am. Ang madalas nabibiktima—

    VP LENI: Iyong mga mahihirap. Iyong walang kalaban-laban. Dati nang hirap sa buhay, sila pa iyong nabi-biktima ulit. Kaya ito iyong nakakalungkot, maraming kampanya iyong pamahalaan na hindi naman natin naabot iyong ating pangarap pero iyong mga mahihirap talaga iyong nagbubuwis ng buhay.

    ELY: At samantala, Ma’am, ano ang take niyo rito sa talagang parang atake po, ano, sa Simbahang Katolika at talagang medyo tumitindi po ang laban ngayon at ang batikos po ay mula sa ating pamahalaan, bagama’t sabihin natin, iyong paghihiwalay ng Simbahan at ng gobyerno, talagang iba eh. Pero dito po sa puntong ito, ano pong masasabi niyo rito at kayo, bilang isang miyembro rin po [ng Simbahang] Katoliko?

    VP LENI: Ako, hindi ko alam, Ka Ely, kung bakit kailangang siraan iyong Simbahan. Wala namang institusyon na perpekto pero hindi din tama na sisiraan mo na— Kung may galit sana, Ka Ely, sa pari o kung kanino man, hiwalay iyon. Hiwalay iyon kasi iyong Simbahan, tayo iyon eh.

    ELY: Iyong kabuuan.

    VP LENI: Oo, kabuuan iyon. Ang Simbahan, kasama iyong mga nananampalataya. Hindi lang naman ito—ang Simbahan, hindi lang naman iyong mga pari eh. Kung may galit sa pari, eh ‘di ihiwalay iyong galit sa pari—

    ELY: Iyong paghiwalay siguro sa pari na kung saan siya galit or sa obispo, iyon siguro ang batikusin niya.

    VP LENI: Ayon na nga, Ka Ely. Iyong isa pang nakakalungkot, halimbawa, noong nakaraang buwan yata. Ang isa sa mga binabatikos si Bishop David. At sinabi pa na, parang coddler daw ng mga illegal… illegal drug users. Ito, Ka Ely, kilala ko. Hindi kami masyadong magkakilala nang personal, pero maraming mga lumalapit sa amin na mga pamilya na nabiktima ng Tokhang; mga pamilya [ng mga] namatay dahil sa kampanya laban sa droga. Iyong nalalapitan nga nila, Ka Ely, si Bishop David, eh, kasi ito iyong tumutulong doon sa mga pamilyang nawalan. So nakakalungkot iyong nakita kong mga accusations, pati korapsyon kasama.

    Iyong sa akin lang, kung may kilala silang pari na may hindi ginawang mabuti, eh ‘di sampahan ng kaso o batikusin nang hiwalay. Pero huwag naman sanang idamay iyong buong Simbahan.

    ELY: At mayroon pang isang pinakamatindi—iyong ipa-patay, parang ganoon iyong termino, ganoon.

    VP LENI: Oo, iyon na nga. Iyong nakakatakot dito, Ka Ely, nasasanay na iyong tao—nasasanay na iyong tao na parang iyong kasamaan tuloy, iyon na iyong normal. Ito iyong mas—tingin ko—ito iyong mas nakakatakot, kasi iyong paninira sa ibang tao, iyong katotohanan, lalabas din sa huli, pero iyong nasasanay tayo na araw-araw may masamang nangyayari na parang nana-numb na tayo, Ka Ely. Dati rati, siguro kapag may opisyal na pamahalaan dati na magsabi na mga bagay na ito, lahat mai-iskandalo. Pero ngayon, dahil halos araw-araw may sinasabing kakaiba, parang nasasanay na tayo.

    ELY: At saka masaklap ho rito, Ma’am, baka iyong maging persepsyon rin ho ng mga kabataan.

    VP LENI: Oo nga. Actually, Ka Ely, noong nakaraang dalawang linggo, nag-volunteer ako sa Project Makinig. Mayroong isang proyekto, Ka Ely, na mag-i-interview ka ng mga tao tungkol sa pang-araw-araw nilang problema.

    ELY: Nandoon po tayo noon sa Naga.

    VP LENI: Oo, nandoon tayo sa Naga. Naglakad ako sa may riles ng tren, at sinalubong ako ng napakaraming mga bata. Noong pagsalubong nila sa akin, nakikipagkuwentuhan, at nagsusumbungan sila. Iyong sabi, “Iyan, pagalitan mo iyan, Ma’am, kasi parati na iyang nagmumura ngayon, may ginagaya.” Nakakalungkot, nakakalungkot na iyong nakikitang halimbawa ng mga bata, iyong asal na ayaw nating, parang, matutunan nila.

    ELY: Kaya nga, Ma’am, iyong kasabihan na iyong nakikita ng mga bata sa matatanda, nagiging tama.

    VP LENI: Totoo. Iyong mabuti lang doon, kasi iyong mga kalaro niya, alam na masama iyong ginagawa niya. Dumedepensa nga iyong bata, pero iyon iyong kinukuwento nila, na ang sama na daw ng lumalabas sa bibig noong isang bata.

    [music break; END GAP 1]

    ELY: Okay, mga kasama, mamaya mag-antabay po kayo at siguro bigyan natin ng patikim, Ma’am, iyong Istorya ng Pag-asa,

    VP LENI: Iyong guest natin ngayon, Ka Ely.

    ELY: Iyong mga mahilig sa basketball.

    VP LENI: Oo, iyong guest natin ka Ely, siya iyong team captain ng Ateneo Blue Eagles: iyong ating UAAP Men’s Basketball champion ngayong taon. Nanuod ako, Ka Ely ng game 2. Nanuod ng game 2, napaka-exciting. Nagcheer ako sa kalaban na team.

    ELY: Na-sandwich kayo ng anak ninyo, eh.

    VP LENI: Oo. Nagcheer ako sa UP Maroons kasi loyal naman ako sa paaralan ko, Ka Ely. Na-sandwich ako ng mga anak ko na mga die-hard na mga Blue Eagles fans. At napanood talaga natin, Ka Ely, kung gaano din talaga kahusay iyong Ateneo Blue Eagles.

    Tapos ito, Ka Ely, iyong guest natin ngayon, siya iyong team captain. Nagulat nga ako, nakikita ko siya sa TV – iyong mga anak ko, mga fans niya, pero sabi ko, ano, graduate na siya ng college pero parang first year college lang, Ka Ely, ‘di ba? Mukhang bata bata. Kasama nanatin siya ngayon, si Anton Asistio. Ayon. Anton, good morning sa iyo.

    ANTON: Magandang umaga po. Thank you for having me.

    VP LENI: Anton, kaya ka naming naimbitahan kasi meron kaming programa sa opisina na ang tawag Istorya ng Pag-asa. At iyong kwento mo, parang noong nanalo kayo, noong nanalo iyong team niyo noong nakaraang Wednesday, parang iyong kwento na lumaki iyong kwento mo. Kasi iyong kwento mo, parang kwento ng talagang struggle ng isang basketball player. Ito, Ka Ely, nagkwekwento siya kanina bago tayo mag-umpisa na mula noong Grade School, Atenista na siya at naglalaro na. Unang una Anton, papaano ka nahilig sa basketball?

    ANTON: Actually, ang una pong nagturo sa akin magbasketball iyong dad ko. Kwento po nila na noong bata ako, noong binibilhan nila ako ng mga laruan, lalaruin ko siya ng mga ilang araw lang, pero ang balik ko po talaga sa basketball.

    VP LENI: Bola. Pero, iyong dad mo hindi naman siya basketball player?

    ANTON: Nagb-basketball siya po siya dati. Marami po siyang sport pero hindi po niya natuloy. So…

    VP LENI: So mga anong age ka noon?

    ANTON: Noong naglalaro po ako? Siguro po mga six.

    VP LENI: Ay grabe. Six years old pa lang. Sobrang bata pa pero iyon na talaga iyong pinakahilig mo na?

    ANTON: Opo, eh. Parang love at first site, kumbaga.

    VP LENI: Pero, ito. Sa family niyo, puwera sa iyo, sino pa iyong ibang basketball players?

    ANTON: Wala po.

    VP LENI: Ikaw lang.

    ANTON: Ako lang.

    VP LENI: Iyong speech mo kasi during the… ano, Ka Ely. Parang naging tradition ito sa Ateneo na manalo o matalo, after the finals na game, nagkakaroon ng mass sa Gesu. Pero iyong nagviral talaga, Ka Ely, on social media, iyong speech ni Anton. Iyong talaga iyong parang very touching, tas doon nakita iyong haba ng struggle mo. Parang sinasabi doon, ilan years ka na naglaro for Ateneo?

    ANTON: Siguro po mga 18 years, po.

    VP LENI: 18 years na, Ely.

    ELY: Simula Grade School.

    ANTON: Grade School to High School, opo.

    VP LENI: So noong nasa Grade School ka, nasa varsity ka na ng basketball?

    ANTON: Opo, mga Grade 3 po.

    VP LENI: Grabe. Grade 3, tapos tuloy tuloy na iyon?

    ANTON: Opo.

    VP LENI: Pero parang iyong pinakanagcatch ng attention sa tao, iyong college ka na at member ka na ng Blue Eagles. Kasi nung second year ka na, o third year, parang na-demote ka to team B. Ano iyong dahilan?

    ANTON: Actually, hindi ko po talaga alam kung ba’t ako na-cut noong second year pero ang naalala ko lang po noong first day ng pangalawang taon ko, sinabihan na kami ng coach ko na parang, “sa Team B na kayo mag-ensayo.” Parang, basically, na-cut po ako. Tinanggal po ako sa Team A.

    VP LENI: Pero noong first year ka, nasa Team A ka?

    ANTON: Opo. Opo.

    VP LENI: Tapos noong sinabihan ka noon, kasi sa tingin ko, I would like to imagine, ano iyong naramdaman mo noong sinabihan kang Team B ka na.

    ANTON: Siyempre po nagulat ako tsaka nalungkot talaga po noong una kasi pangarap ko po talaga iyong maglaro sa Ateneo Blue Eagles, eh. So iyon nga po, nalungkot ako, pero hindi ko naman po siya masyadong dinamdam. Kasi, naintidihan ko po naman na may mga bagay na kailangan pa kong i-improve.

    VP LENI: Paghusayan.

    ANTON: Oo, paghusayan. So, iyon naman po. Pero swinerte rin ako noon taon na iyon, kasi naline–up po ulit ako noong taon na iyon, second year.

    VP LENI: Okay, so iyong buong taon na iyon, sa umpisa ng taon nasa Team B ka, pero nilipat ka rin sa Team A.

    ANTON: Nabalik po akong team A kasi okay po iyong pinapakita ko doon sa Team B.

    VP LENI: Pero, ano iyon ano, Ka Ely, parang kakaiba kasi karamihan ‘pag naganun, parang magtatampo na. Magtatampo na at magpapakita ng frustration o disappointment, pero ikaw, baliktad.

    ANTON: Opo.

    VP LENI: Iyong ginawa mo, nalagay ka sa Team B, pinakita mo iyong husay mo, so nabalik sa Team A.

    ELY: Para sa kaalaman po ng ating mga listeners at mga nanonood, ano, iyong sa Team B, nasa reserve, ano? Ano iyong Team B?

    ANTON: Parang, may dalawang team po, kasi. Iyong A, iyon po iyong mga naglalaro sa UAAP. Iyong Team B, parang may pool po of players na pwede nilang pagpilian.

    ELY: Ah iyon. Iyong mga reserve players, parang ganun.

    VP LENI: Kung may na-injure, parang reserba. So nalagay siya sa reserba. Naglaro na siya, Ka Ely, sa Team A noong first year siya.

    ELY: Pero binilak siya sa ano?

    VP LENI: Noong second year siya, nilagay siya sa Team B. Pero iyong mahalaga doon iyong ma-highlight na kahit nilagay, hindi nagpakita ng sama ng loob. Bagkus, lalo pang hinusayan.

    ELY: So, nagpursige at iyon ang naging inspirasyon.

    VP LENI: So, iyong same year, binalik ka sa Team A.

    ANTON: Opo.

    VP LENI: Tapos tuloy-tuloy na iyon?

    ANTON: Opo. Ay, hindi po. Hindi po. Pero kasi iyong ikinakatakot ko po talaga noong taong iyon is iyong maulit iyong nangyari sa akin noong unang taon ko, which is hindi po masyadong makalaro; bangko lang po ako. And true enough, iyon po iyong nangyari noong second year ko. So parang iyon nga po iyong ikinatakutan ko. Tapos, noong third year ko po, na-cut na talaga ako. Nawala na talaga ako sa team A.

    VP LENI: Parang naging permanente ka sa Team B.

    ANTON: Opo, iyon, opo.

    VP LENI: Pero iyong sinasabi mong bangko ka talaga, noong first year iyon?

    ANTON: First tsaka second year po.

    VP LENI: Halos wala kang playing time?

    ANTON: Bihira lang.

    ELY: Pero kadalasan naman kapag, lalo’t ‘pag sabi nating rookie, talagang hindi ka talaga mabababad, eh. Ganun naman talaga sa mga basketball team.

    ANTON: Opo, parang proseso po talaga iyon, eh. Aakyat po talaga kayo.

    VP LENI: Pero iyong grabe dun, ako, Ka Ely, na-imagine ko lang, siguro kung Team B, okay lang ‘di ba? Kung nagTeam A ka tapos nagTeam B ka, hindi ka ba naghinanakit sa coach?

    ANTON: Siguro po noong una, medyo, parang nagtampo po ako.

    ELY: Sino ba iyong coach noon? Iyong nasa UP na?

    ANTON: Opo. Siya po.

    ELY: Si Bo Perasol.

    ANTON: Pero naintindihan ko naman po, kasi trabaho niya po iyon, eh. Siyempre, parang desisyon niya po kung sino iyong mga sa tingin niyang pinakamakakatulong sa team.

    VP LENI: Sa team. Oo.

    ANTON: Pero kung sa tingin niya po, hindi ako isa sa mga taong iyon, wala naman pong sama ng loob.

    VP LENI: Parang ano na iyon ano? Parang, ang ganda ng kwento niyo kasi siya iyong naglagay sa iyo sa Team B, pero noong last year mo, sila iyong kalaban.

    ANTON: Sila po iyong nakalaban.

    ELY: So, ano parang may kasamang… may hugot ba konti noon na, “ito, dati ko itong coach. Ipapakita ko na sa kanya…”

    VP LENI: Oo, iyon ba iyong dahilan kung bakit ang husay mo ngayon?

    ELY: “Nilagay mo ako sa Team B, so gagalingan ko.” Siyempre naisip ko lang iyon, wala namang…

    ANTON: Siyempre ginamit ko po iyon as motivation.

    VP LENI: Motivation.

    ELY: Motivation.

    ANTON: Pero hindi naman po sa parang, galit ako sa kanya. Actually, nagpapasalamat nga ako sa kanya, kasi kung hindi po dahil sa kanya at iyong nangyari sa akin, hindi po ako magpupursige at maghihirap.

    VP LENI: Pero ito, Anton, iyong mga anak ko kasi, Ka Ely, mga swimmers, eh. Nakikita ko kung gaano kagrabe iyong disiplina, gaano kagrabe iyong practice hours. Iyong sa inyo ba, ano iyong regular na ensayo niyo?

    ANTON: Usually po, ang basketball practice po, 6-9 PM.

    VP LENI: Okay.

    ANTON: So tatlong oras po. Pero, minsan po, bago po iyon, may mga buhat po iyon.

    ELY: Pagwo-workout. Kasi ibang mga teammates, nakakasabay ko rin, eh, sa (inaudible).

    VP LENI: Pero iyon, iyong six to nine, every day iyon?

    ANTON: Opo, every day. Monday to Friday.

    VP LENI: Pero, papaano niyo nagagawa? Kasi iyong mga anak ko, mga Atenista din, Ka Ely, alam ko na grabe iyong school work. Papaano niyo nababalanse iyong school tsaka iyong page-ensayo?

    ANTON: Sa akin po kasi, noong nasa grade school pa po ako, sinanay na ako sa ganun, kasi varsity po ako, ‘di ba?

    VP LENI: Oo.

    ANTON: So after class, mayroon pa kaming kaunting oras para mag-aral, or maghomework.

    VP LENI: Doon niyo na gagawin lahat.

    ANTON: So ginagawa ko na po para ‘pag uwi sa bahay, pwede na po akong matulog.

    VP LENI: Kasi siyempre, ‘pag galing ka sa practice, pagod na pagod ka, ‘di ba?

    ANTON: Totoo po iyon.

    VP LENI: Pero grabe iyon, kasi normally, ‘pag college student ka, ‘pag uwi mo sa bahay, mag-aaral ka. Pero kayo, instead na mag-uwi sa bahay mag-eensayo, ‘tas uuwi kayo nine o’ clock in the evening. Eh, kung malayo pa iyong bahay mo, Ka Ely, ‘di ba, biyabiyahe ka pa. Pero ikaw, from grade school, ganoon na iyong, ganoon na iyong schedule mo.

    ANTON: Opo. So nasanay na po ako.

    VP LENI: ‘Pag UAAP season ba, mas matagal ba iyong practices o pareho lang, six to nine?

    ANTON: Parehas lang po. Parehas lang po.

    VP LENI: Pareho lang. Pero ano ‘iyon, pati iyong diet niyo, mayroong…

    ANTON: Hindi naman po silang masyadong istrikto sa diet, pero siyempre para sa sarili na lang rin ‘wag masyadong kakain ng mga mayroong mataba.

    VP LENI: Oo, para hindi ka mabigat ano? Ito Anton, sabi mo, second year tsaka third year, nasa Team B ka na.

    ANTON: Opo.

    VP LENI: Kailan ka naibalik sa Team A?

    ANTON: Nabalik po ako noong fourth year, Season 79. Iyon po iyong taon na dumating iyong coach namin ngayon si, Coach Tab.

    ELY: Coach Tab.

    VP LENI: Oo. Balita ko, Ka Ely, sobrang husay nitong… nakita naman natin sa quality ng laro ‘di ba? Pero ito, paano ka nadiscover ulit ni Coach Tab?

    ANTON: Bale, ‘pag dating po niya kasi, foreigner siya, ‘di ba, so wala po talaga siyang masyadong kilala.

    VP LENI: Wala pang background. Oo.

    ANTON: So, nagpa-try out po sila. Parang open try out.

    VP LENI: From Team B, o from anyone?

    ANTON: Yung mga Team B po, ‘tas iyong mga dating… iyong mga galing na sa Team A. ‘Tas siguro… actually, wala pa po atang mga recruit noon, eh.

    VP LENI: So parang clean slate siya? Ah, okay.

    ANTON: Opo, clean slate talaga. Kaya ko po naisip na, ito na iyong chance ko para ipakita iyong…

    VP LENI: May nakita kang nga statement na sinasabi niya na isa ka sa mga unlikely, kasi maliit ka.

    ANTON: Opo.

    VP LENI: Ano iyong height mo, Anton?

    ANTON: 5’10 po.

    VP LENI: Iyong 5’10, ano ba siya, maliit ba siya compared sa mga basketball players?

    ANTON: Para sa basketball player po, maliit iyong 5’10 sa position ko. Kasi, ano po ako eh, shooting guard. Usually iyong mga 5’10 hanggang mga 6’1 o 6’2, kadalasan po point guard yon.

    ELY: Point guard.

    ANTON: Pero iyong nakasanayan ko talaga shooting guard. So iyon nga po, noong unang taon ni Coach Tab…

    VP LENI: Season 79 iyon?

    ANTON: Opo. Sabi niya, “he’s a point guard,” so dapat iyon po iyong laro ko kaso hindi po talaga ako sanay. So, nahirapan ako. Parang, bumaba pa nga po iyong chance ko. So, dumating sa point na muntik pa kong ma-cut ulit. As in, pangatlong taon na po ito ah, sinabihan ako na… sinabihan ako ng isang nagt-try out din na “oh, kayong dalawa, kayo iyong naglalaban para sa huling slot.”

    VP LENI: Oh my god.

    ANTON: So naisip, “wow, pang-apat na taon ko na…

    VP LENI: Magg-graduate ka na!

    ANTON: … tapos last slot pa rin iyong pinaglalaban ko.” Pero hindi naman po ako… hindi naman po bago sa akin iyon. So kaya kinuha ko na lang po siya as challenge, kumbaga.

    VP LENI: Pero grabe pala, ano, parang tatlong taon na parati nasa, hindi maka…

    ELY: Parang walang katapusan!

    VP LENI: Oo. Sige, Ely.

    ELY: Oo. Pero, dito, last season mo na ito, ano, sa UAAP? So anong balak mo ngayon, papasok ka sa professional, or papaano? PBA or wala?

    ANTON: Hindi pa po pwedeng magPBA kasi kailangan pa po mag-D League.

    VP LENI: Ah, required ba iyon? Required iyon?

    ANTON: Required po.

    VP LENI: Ah ‘di ka palang pwedeng from UAAP, deretso sa pro?

    ANTON: Pwede po, pero iyong Ateneo, walang silang team sa D League.

    ELY: Ah, kaya sasali ka muna roon.

    ANTON: So hindi kami nakakalaro sa D League.

    VP LENI: So ilang taon ka pwedeng maglaro sa D League, na kailangan talaga iyon?

    ANTON: Actually, ang requirement lang po, seven games. So pitong laro lang.

    VP LENI: Ah okay. Pero iyon iyong balak mo, na magp-pro ka?

    ANTON: Opo.

    ELY: So, iyong… 5’10. Si LA Tenorio ata, 5’10 o 11? 5’11. Ateneo rin siya eh, ‘di ba?

    ANTON: 5’8 lang po ata si LA.

    ELY: Hindi mga 5’10, siguro mga 5’8 lang. Pero, siya iyong sumikat sa Ginebra. Galing Blue Eagles din iyon ‘di ba?

    ANTON: Opo.

    ELY: Ateneo. So, inabutan mo iyon noong nasa High School ka, or Grade School ka?

    ANTON: Grade School pa ako noon. Sobrang idol ko po iyon.

    VP LENI: Sobrang bata nito, Ka Ely, eh.

    ELY: Pero iyong mga maliliit, mas maganda kung point guard, eh, mas mabilis kumilos eh.

    VP LENI: Hindi lang, tsaka sa, actually sa court, stand out, tuloy. Stand out iyong maliit. Kasi kasama mo, ang lalaki, tapos kung sobrang husay mo, parang lalong nama-magnify iyong husay kasi sasabihing, “iyon, kahit maliit, napakahusay.”

    ELY: Magagaling.

    VP LENI: Pero, ito, Ka Ely, hindi naman ako iyong… iyong mga anak ko, sobrang basketball fans. Parati silang nanunuod ng live. Ako hindi naman ako parati. Pero, nung game 2, alam ko na iyong pangalan ni Anton, kasi iyong bunso ko, wala namang ibang bukang-bibig siya. Noong tinuturo na ng mga anak ko na iyon iyong Anton, iyon din iyong una kong sinabi “ay, maliit lang pala siya, hindi siya..” Kasi ‘di ba kung tatapatan mo iyong iba, sobrang tatangkad, pero sobrang, parang sobrang liksi mo.

    ANTON: Opo.

    VP LENI: Kaya siguro, ano, iyon nga. Nakakabilib. Tsaka iyong isang nags-stand out din, Anton, sa court, iyong humble. Kasi, halata, eh. Mayroon mga players na medyo maaangas. Naiinis iyong tao. Pero ‘pag mahusay ka pero humble pa din, parang nakakabilib. Kaya siguro iyon iyong highlight dun.

    Tapos iyong pagkapanalo, ano iyong naramdaman mo? Iyong pagkapanalo. Kasi last game mo, tapos ‘di ba what a finish, na considering na iyong pinagdaanan mo. Parang iyong last game mo, siguro hindi ka makaka-wish ng something much better than that.

    ANTON: Opo. Actually naramdaman parang halo-halo eh. Parang, hindi ko nga po ma-explain iyong naramdaman ko noon, parang parehas na saya at lungkot.

    VP LENI: Dahil tapos na.

    ANTON: Saya kasi, parang na-achieve ko po noon iyong pangarap ko. Iyon po talaga iyong gusto ko. Actually, naisip ko nga po kahit isang championship lang, masaya na ako. Pero nakadalawa pa ako kaya sobrang swerte.

    VP LENI: Pero dalawa.

    ELY: Back-to-back.

    ANTON: So medyo nalungkot din po ako, kasi siyempre, iyong ibang teammates ko doon, kasama ko pa since grade school.

    VP LENI: Ah talaga?

    ANTON: Sina Matt Nieto, Mike Nieto, Thirdy Ravena, at si Aaron Black.

    VP LENI: Ah sila pala, Grade School din.

    ANTON: Grade School pa lang po, opo. Tapos noong Grade School po, nagchampion din kami sa mga liga namin, so mamimiss ko po talaga sila nang sobra.

    VP LENI: tsaka parang ikaw lang ngayon iyong maggraduate sa Team A, ‘di ba? Ayun, Ka Ely.

    ELY: Pero iyong pinakacrucial talaga, iyong game 1, eh. Iyon iyong magandang laban, dikit talaga. Kasi iyong game 2, medyo nawalang-galang ako sa mga UP; tinambakan talaga, eh. Third quarter pa lang, pwede ka na magdeklara na uwian na. Pero iyong first game talaga iyong magkadikit.

    VP LENI: Tsaka ang tingin ko talaga, Ka Ely, iyong challenge din sa Ateneo this time – kasi iyong school spirit ng UP ngayong game na ‘to, grabe. May mga… marami akong… Mga anak ko, mga kaibigan kong Atenista, parati kong sinasabi na pagbigyan niyo kami kasi ngayon lang ulit ito nangyari. Pero iyong sa amin nga, Ka Ely, iyong finish, parang napakasaya. Kasi kahit hindi nanalo iyong UP, tingin ko, iyong narating pa din ng team ay much more than expected. Naalala ko before, Ka Ely, manalo lang ng isang game, talagang naghahamunan na ng bonfire kasi wala talagang natatalo. Pero ngayon, for UP to have to reached the finals, ‘di ba, napakalaking bagay na.

    Pero during the game kasi, talagang matindi iyong Ateneo. Kasi wala lang isa o dalawang mahusay. Parang lahat talaga sa team, mahusay. Pero ito, Anton, siguro pinakamahalaga para sa Istorya ng Pag-asa, ano iyong maa-advise mo, kasi I am sure iyong nararamdaman mo noong nalagay ka sa Team B, marami din na mga nagbabasketball iyong dumadaan sa ganun. Ano iyong maa-advise mo sa kanila?

    ANTON: Siguro po, kung may isa akong maibibigay na advice: sa buhay po kasi may mga bagay na hindi natin maco-control. May mga bagay na magaganda, may mga bagay na malungkot or mahirap. Madali pong… Sinabi ko po ito sa speech ko eh – madali pong maging positibo sa mga panahon na maganda. Iyong good. Pero dapat po sa mga panahon na mahihirap, kailangan doon po talaga tayong nagpupursige at naghihirap.

    VP LENI: Kahirapan.

    ANTON: Para pag-achieve po natin iyong dream natin o ‘pag umabot po tayo sa point na iyong good times, parang, ang sarap po ng pakiramdam.

    VP LENI: Mas sarap. Gaya nung sayo, ‘di ba?

    ANTON: Parang lahat po talaga ng pinaghirapan niyo, nakuha mo.

    VP LENI: Parang iyong gantimpala, mas malaki. Kasi ito, Anton, ngayon na graduate ka na, parati bang dumadaan sa iyo iyong mula noong grade 3, noong nagumpisa ka?

    ANTON: Palagi po talaga. Naisip ko… parang minsan nga po, ‘di ako makapaniwala na parang buong buhay ko nasa Ateneo ako, nag-aaral.

    VP LENI: Pero hindi mo ba naiisip na magjoin sa ibang eskwelahan?

    ANTON: Actually po kasi, noong Grade School to High School, gusto ko talaga, Ateneo.

    VP LENI: Oo.

    ANTON: Pero noong college po, wala pong nagrerecruit sa akin. Kumbaga, walang sumusuyo po sa akin. Pero, swerte po ako kasi iyong only school na sumuyo sa akin is iyong Ateneo. Eh, doon ko po talagang gustong maglaro.

    VP LENI: So parang, fulfill mo iyong lahat ng pangarap. Sana siguro, ako nai-imagine ko iyong noong… dati kasi hindi ko alam iyong kwento mo. Nalaman ko lang after your speech sa Gesu. Pero imagine ko na, parang, ikaw iyong star of the night after ng speech mo kasi not many people alam iyong pinagdaanan mo. Tapos iyong years na dinevote mo sa Ateneo, isipin mo, from Grade School until college, hindi siya naging madali.

    Kaya siguro, Ka Ely, iyong pinakalesson dito, una sa atin mga hindi atleta – kaming mga ‘di atleta, iyong respeto talaga sa lahat ng atleta, hindi lang kay Anton, pero iyong lahat ng nagdadala ng honor sa ating bansa. Ang hindi nakikita iyong hirap at sakripisyong kasama nun. Iyong mga ka-edad mo, gumigimik, mahilig sa parties. Pero kayo, walang oras para sa ganun. Talagang kayod bawat oras. Kaya siguro iyong pinakadapat ihighlight natin iyong sakripisyo. Na iyong sakripisyo, parang wala ka namang makakamtan na glory kung hindi mo pinaghirapan.

    ELY: At siyempre para po sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon, wala silang ano, wala silang pagkakataon na makapag-aral sa magagandang unibersidad na nasa probinsya pero gustong-gustong magbasketball. Anong maipapayo mo sa kanila?

    ANTON ASISTIO: Um…

    ELY: Kasi talagang paran iyong…

    VP LENI: Iyong mga nasa probinsya, parang mahihilig sila sa basketball…

    ELY: Alam mo naman mga Pilipino bawat kanto nga dito sa atin ay mahilig sa basketball. Iyong anong maipapayo mo para sa ibang paraan ibang direksyon marating nila ang pangarap nila.

    ANTON ASISTIO: Ang para sa akin po kailangan lang talaga is kung mayroon kayong bagay na alam ninyong gusto ninyong gawin, marami po talaga kayong kailangan isakripisyo para doon. Tapos kailangan niyo pong paghirapan iyon. Pero kung hindi po talaga para sa iyo, pero nagawa na po ninyo lahat ng sa tingin ninyo makakatulong doon, baka kailangan na lang po minsan is tanggapin niyo nalang na may iba para sa inyo. Na baka may iba pang mga bagay na mas…

    VP LENI: Na para sa iyo. Sa tingin ko ka Ely napakahalaga noong mensaheng iyon. Kasi ganoon talaga ang buhay. Mayroon kang mga gusto na hindi talaga ibibigay sa iyo. Pero tingin ko ang mas malaking bagay doon, wala talagang short-cut. Pag mayroon kang gusto kailangan paghirapan mo iyon. Kasi walang puwedeng maghirap para sa iyo at iyon yon. Ang basketball ganoon. Hindi siya transferrable. Ang husay nakukuha talaga sa parang walang, walang, walang husay sa basketball na nakukuha sa talent lang. Kung hindi ano talaga iyon, talent at saka ang laking hardwork.

    ELY: At sa basketball kasi hindi katulad ng ibang sport na boxing o golf na indibidwal. Ito buo, team. Kailangan maging magaling ka iyong teamplayer ka talaga. So dito maganda ang samahan ninyo, at paano ba kayo magsamahan sa ano… Kasi kung minsan di ba nagpapasikatan diyan. Ito gusto ko maging sikat or mag-MVP… may mga ganoong ambisyon.

    VP LENI: Oo.

    ELY: Pero diyan sa Ateneo, sa inyong team, kasi noong una naman noong si Thirdy hindi, sa elimination hindi naman siya, kumbaga sa ano sa mga salitang ano…di ba? Pero sa finals lang siya biglang pumutok kasi sa mga nakaraan sila Nieto di ba ang medyo masigasig sa elimination. So biglang pumutok si Thirdy Ravena sa finals. So talagang dito makikita mo iyong team talaga gumana.

    VP LENI: Iyong hatian talaga ng ano, hatian ng roles.

    ELY: Kasi ano ako sa basketball eh [laughs]. So ano ang naging susi ng inyong samahan para maging buong-buo ang team at maganda ang…

    VP LENI: Ano ang sikreto ng team?

    ANTON ASISTIO: Siguro po is iyong unselfishness or ano po ba iyon sa tagalog [laughs].

    ELY: Hindi makasarili.

    ANTON ASISTIO: Hindi makasarili. Kasi ang sabi talaga ng coach namin is sa team na ito, ang mga bagay na ginagawa ninyo sa court, dapat ang nasa isip ninyo gagawin ko ito hindi para sa akin, kung hindi para sa teammate ko o para sa kapatid ko.

    VP LENI: So walang ano… iyong term nito sa amin sa probinsya ka Ely, iyong walang buwaya.

    ELY: Oo. [laughs] So talaga kung sino iyong libre iyon talaga ang teamplayer, team effort talagang buo.

    VP LENI: At saka ano ka Ely, iyong sa shooting, sa mga hindi nakakaintindi ng basketball iyon lang ang nakikita. Ang hindi nakikita ay ano iyong pasahan para makashoot, di ba? Parang ang credit talaga nasa lahat hindi lang sa nagshushoot.

    ELY: Pero ikaw may solo ka ring practice sa sarili mo? Kasi ang ibang player lalo na iyong mga kapag halimbawa iyong shooting guard ka ano, o shooter ka talaga talagang maghapon ilang… talagang nag-uubos ka lang ng bola di ba? So ikaw may sarili ka ding practice?

    ANTON ASISTIO: Opo usually po kapag may oras ako nagshushooting po ako mag-isa or nagdidrills ako. And sigurado po ako lahat ng atleta sa team namin and sa UAAP naggaganun din po. Nag-eextra work.

    VP LENI: Pero Anto ito, maliban sa basketball ano ba ang iba mong hilig?

    ANTON ASISTIO: Ibang hilig…

    VP LENI: O wala na kayong ibang panahon sa ibang hilig [laughs].

    ANTON ASISTIO: Actually basketball lang po at saka aral ang ginagawa ko [laughs]

    VP LENI: Oo kasi ubos na ang oras mo ano?

    ANTON ASISTIO: Actually kapag ano naman pag may panahon ako gusto kong nag-oout-of-town papunta sa beach para lang…

    VP LENI: Mayroon ka bang younger brother?

    ANTON ASISTIO: Mayroon po at saka younger sister.

    VP LENI: So mahilig din sila sa basketball?

    ANTON ASISTIO: Opo. Iyong younger brother ko naglalaro sa Ateneo din po.

    VP LENI: Ah sa Ateneo din. Ayon. Kaya ito ka Ely ano kasi di ba, tinitingnan ko kasi nasa Ateneo side ako noong nanood ako. Parang ako lang ang naka maroon doon sa side namin.

    ELY: Nakita ko nga ho sa pictures.

    VP LENI: Ito talaga iyong passion ng fans grabe. Makikita mo pati iyong mga maliliit naka-Ateneo shirt na. Pati matatanda. Ang daming mga tito, tita na talagang grabe ang passion sa pagcheer sa basketball. Kaya tinitingnan ko ang mga bata sabi ko siguro itong mga ito ang pinakaultimate dream makalaro din.

    ANTON ASISTIO: Opo.

    VP LENI: Kaya ka Ely pasalamatan natiin si Anton. Ito Anton, maraming salamat sa inspirasyon. Maraming iyong pinagdaanan mo, ang kuwento mo malaking aral para sa lahat ng mga katulad mo. At hindi lang sa mga katulad mo, sa ordinaryong Pilipino na nagdaan din sa hirap pero dahil sa pagpupursigi nakamtan iyong pinakainaasam kaya maraming salamat sa iyo at congratulations.

    ANTON ASISTIO: Maraming salamat din po.

    ELY: Okay salamat kay Anton Asistion mga kasama. Siya po ang ating team capatin po ng Ateneo Blue Eagles. Okay so mga kasama, ma’am may oras pa po tayong kaunti. Wala ba tayong mga text, at…

    VP LENI: Ay hindi yata naprint ka Ely. Ah ito pala. Batiin lang po natin ang mga bumati din sa atin ngayon, ito po si Estrella Robles ng Toronto Canada. Ito Agan family naku, kaibigan namin ito ka Ely from Zamboanga. Noong mayor pa ka Ely ang asawa ko, ang mayor ng Zamboanga si Mayor Agan. Ang kanyang anak ngayon ay public servant na rin. Kamusta po sa Agan family.

    Binoi Gomez kamusta ka. Maria Milagros Hanke sa Austria naku, sana po makabisita rin kami sa inyo. Vic Alcuaz congratulations daw, maraming salamat po sa suporta. Claus, papano kaya ito ipronounce, Bgar, Ontario Canada din. Hernie Valino from San Francisco California, Edna Gomez from Hawai. Naku international ka Ely ang ating audience ngayong umaga.

    Beatriz Leong from Cebu, Dang Dela Rosa from Cavite, Delan De Los Reyes from Catanauan. Elmer Luceno from Manila, UN Avenue. Ito Anton, Ian Joshua Alvarez Arcelo: “Congratulations to the Ateneo de Manila University Blue Eagles for winning the UAAP season 18 basketball champions.” Andito si… siguro si Ian gusto din sana makita si Anton kaya nag-hehello siya.

    Fernando Constantion from Illiois. Edgar Siscar, “let’s fight for the rule of law and respect for human rights.” From Hong Kong, ayan Epifania Palingcod from Hong Kong. Kagabi ka Ely may mga ka-dinner akong mga bankers from Hong Kong ang kinukwento nila na ang mga kasama nila sa bahay na mga Pilipino sobrang pasalamat sila. Hindi daw magiging posible ang mga buhay nila kung hindi sa mga Pilipinong kasama nila sa bahay.

    Celso Estaban, Carolyn Ramos, maraming salamat po. Iyon, ito talaga UP din ito Anton. Sabi ni Carol Ramos, “Hi VP Leni, UP is a winner,” agree po ako sa iyo. “UP is a winner too because of their fighting spirit.” Malas lang ng UP at Ateneo ang kalaban [laughs].

    Ito Maria Elizabeth de Castro, “Mabuhay ang Ateneo Blue Eagles. Congratulations sa inyong panalo. Smiles and waves para sa team captain ng Atene Blue Eagles. Way to go!” Ayon. Marami kang fans, Anton. Hindi lang iyong anak ko. Kaya congratulations sa iyo, congratulations sa Blue Eagles at congratulations din sa UP Maroons. Ayon. Napakasaya ng UAAP season 18 finish.

    ELY: Okay. Wala na po tayong oras ma’am at paalam na po tayo baka mayroon po kayong mensahe sa ating mga kababayan ngayong araw na ito.

    VP LENI: Ayon. Maraming maraming salamat pong muli sa pagsama sa amin. Malapit na po mag-Pasko at alam ko na busy na lahat pero sana po hindi po natin makalimutan ang tunay na diwa ng Pasko. Kung ano man po ang mga blessings na natatanggap natin, sana po bigyan natin ng mga pagkakataon na i-share sa iba. Ayon, again, pasalamat tayo ka Ely kay Anton Asistio, ang idol ng lahat. Congratulations sa napakalakas na finish bilang miyembro ng Ateneo Blue Eagles.

    ANTON ASISTIO: Maraming salamat din po.

    ELY: Ayan. Mga kasama, ako pa rin po ang inyong radioman Ely Saludar. Sumainyo na naman ang isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni dito sa RMN. Maraming salamat, muli po isang magandang umaga, Pilipinas.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Dec 08, 2018