This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 79

    [GAP 1]

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN, ngayong araw ng Linggo, November 11, 2018. At siyempre, mula po dito sa RMN-DZXL Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN-DYHP Cebu, RMN-DXCC Cagayan de Oro, RMN-DXDC Davao, RMN-DWNX Naga, at sa lahat din po ng inaabot ng broadcast nationwide, gayundin po sa Facebook. Ako pa rin po ang inyong Radyoman, Ely Saludar, at siyempre kasama natin sa ating studio ang ating partner, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na kasama natin ngayong umaga. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga sa indo gabos. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong aga…

    ELY: Maayong buntag po.

    VP LENI: Maayong buntag. Ka Ely, sa ating mga OFW na nakikinig sa atin ngayong umaga, kumusta po kayo diyan? Sana nasa mabuti naman po kayong kalagayan.

    ELY: Siyempre sa lahat ng nakikinig po sa pamamagitan po ng Facebook Live, dito po sa RMN-DZXL 558 gayundin po sa “VP Leni Robredo,” kung saan tayo po ay napapakinggan at nasusubaybayan sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan po ng Facebook. Ang dami-dami po, Ma’am, na mga mensahe, at paumanhin sa mga hindi natin nababasa.

    VP LENI: At least, Ka Ely, parang noong Linggo marami-rami tayong nabasa, hindi tulad noong mga nakaraang linggo. Sana ngayong Linggo, marami ulit tayong mabasa.

    ELY: At Ma’am, sa kaalaman po ng ating mga listeners at iyong mga sumusubaybay dito po sa inyo, ano po iyong ilan sa mga pangunahing naging aktibidad sa nagdaang linggo?

    VP LENI: Siguro highlight ko na lang, Ka Ely, kasi medyo marami-rami.

    Noong Tuesday, nasa Tondo kami, Brgy. 58. Ito iyong aming pang-sampu na Metro Laylayan Visit. Gaya, Ka Ely, noong mga nauna, ito talaga, parang dinadala natin sa barangay iyong serbisyo. Mayroon tayong medical, dental. Mayroon tayong registration sa SSS, sa Pag-ibig. Mayroon tayong job fair.

    Ang masaya, Ka Ely, pagpunta natin sa Tondo, more than 1,000 na mga trabaho iyong available. Marami tayong mga dinala na, parang, mga partners, na puwedeng maka-network sa kanila para sa livelihood. Mayroon din kaming training. Kasi iyong Brgy. 58, Ka Ely, napansin namin, parang karamihan sa hanapbuhay doon karinderya. Marami iyong— Saka iyong karinderya nila nasa kalsada lang. So nagdala kami ng magte-training doon sa mga carinderia owners, para mapag-aralan kung paano—una, kung paano mapapalago iyong negosyo; pangalawa, paano madadagdagan iyong hanapbuhay; pangatlo, matutunan nila maiayos iyong pagtago saka paggamit ng pera.

    ELY: At siyempre mas maganda din na maturuan sila kung paano maipepresenta nang tama iyong mga pagkain.

    VP LENI: Oo. Ano naman… actually, noong umalis kami, hindi pa tapos iyong training sa kanila. Nagpapasalamat tayo sa opisina ni Cong. Manny Lopez, napakalaking tulong sa atin. Saka noong barangay council ng Brgy. 58, na inalalayan naman tayo the entire time.

    Gaya ng dati, dinala natin, Ka Ely, si Jollibee, sa daycare center. Iyon talaga iyong… Para sa mga bata, iyon parati iyong highlight, lalo na sa lugar na iyong maraming mga bata na iyong mga magulang hindi naman sila nadadala sa Jollibee. Sabi nga ni Congressman Lopez, mabuti daw na dinala namin, kasi, parang, isa lang yata iyong malapit na Jollibee sa kanila, at hindi nabibigyan ng pagkakataon iyong mga bata na laging pumupunta, kasi mahihirap lang karamihan sa mga residente.

    ELY: Talagang walang budget po.

    VP LENI: Oo. Kaya ayaw bitawan ng mga bata iyong Jollibee mascot. Kaya nagpapasalamat din tayo, Ka Ely, sa Jollibee, kasi parati nilang pinapadala iyong kanilang mascot kapag mayroon tayong Metro Laylayan. Iyong sa Tondo nga, talagang nagtagal iyong mascot doon sa daycare center.

    Tapos noong Huwebes, Huwebes-Biyernes, tatlong probinsya tayo. Nagsimula tayo sa Aklan, dalawang lugar sa Aklan: Malay saka Batan. Ayon. Nag-attend tayo ng… Sa Malay, inimbita tayo ng SK Federation doon. Mayroon silang— Ang pangalan ng kaniyang activity, “Ugyon Pamatan-on.” Parang ano ito, parang, activity para sa mga kabataan. Imbitado tayo doon. Tapos dumiretso kami sa Batan. Iyon namang sa Batan, Rural Improvement Club, mga kababaihan naman.

    Medyo mahaba, Ka Ely, iyong biyahe, eh. Nag-eroplano kami papuntang Caticlan, kasi iyong Caticlan, barangay iyon ng Malay.

    ELY: So pagtawid lang, sa Boracay na ito.

    VP LENI: Oo. Actually, Ka Ely, noong pagpunta namin, nandoon kami ng tanghali, inaasahan na dumating si Presidente noong hapon.

    ELY: Alas-tres po dapat siya, iyong parang mamimigay ng mga certificate.

    VP LENI: Oo, noong CLOA. Iyong travel time from Malay to Batan, tatlong oras. So nag-travel kami Malay to Batan. Hapon, nandoon kami sa Batan, RIC. Tapos dumiretso kami sa Capiz, sa Roxas City, kasi mayroon kami doong Istorya ng Pag-asa. Ayon.

    Kaya masaya naman, Ka Ely, iyong pagpunta namin sa Capiz. Umuwi si Sec. Mar, Secretary Mar Roxas. Umuwi sa kanila, sa bahay nila sa Roxas City para salubungin tayo. Mayroon ding pagtitipon doon noong lahat na local officials. Tapos nagkaroon kami ng Istorya ng Pag-asa. Tapos— Umaga iyon ng Biyernes, pag-hapon dumiretso naman kami sa Iloilo. Mayroon din doong Istorya ng Pag-asa.

    Nagpapasalamat lang po sa tayo sa ating partners, sa Istorya ng Pag-asa partners: Knights of Democracy… marami pa, marami pang grupo, Assumption— Hindi ko maalala ngayon; basta mahaba, Ka Ely, iyong aming partners doon. Pero nagpapasalamat tayo.

    Iyong sa Capiz, Ka Ely, launch pa lang, pero doon sa Iloilo, mayroong 20 stories kaming pinresent, kaya may pinangaralan kaming 20, parang… parang, mga ini-honor na mga istorya ng pag-asa. Ano naman, napaka-inspiring ng mga kuwento, Ka Ely.

    ELY: Iyong sa Assumption, Ma’am, iyong INP Photo Gallery.

    VP LENI: Oo. Exhibit na siya sa isang mall sa Iloilo. Hanggang ngayon, parang this week, naka-exhibit iyong photo gallery.

    ELY: Opo… Sakto pala nandoon din si dating senator Mar Roxas. At narinig ko sa speech yata ni Pangulong Duterte na parang ine-endorso niya.

    VP LENI: Oo nga daw. Hindi ko narinig…

    ELY: Ako, narinig ko po mismo na, “Iyong mga Ilonggo, iboto.” Pero kasi parang may tinitira siya tungkol sa doon kay General Garbo, na inili-link sa dating senador. Pero sabi niya, “wala ito, iboto niyo.” Parang ganoon.

    VP LENI: Ah, hindi ko narinig. Actually, nalaman ko lang iyon, Ka Ely, noong nandoon na kami, sa Capiz pa rin yata. Tinanong ako ng media kung anong masasabi ko. So doon ko lang nalaman na sinabi pala ni Presidente sa speech niya na, parang, ine-endorse niya si Secretary Mar.

    ELY: Ayon. Okay, so mga kasama, iyan po ang ilan po sa mga naging aktibidad ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo. Marami po iyan, ano. Baka maubos po ang ating oras kapag inisa-isa po natin.

    VP LENI: Oo nga, Ka Ely.

    ELY: Pero may magandang balita po, Ma’am, lalo na po siguro iyong mga biktima po ng Batas Militar. At siguro, kayo po, bilang human rights lawyer na matagal pong naglingkod sa ating mga kababayan, lalo na po iyong mga naging biktima ang karapatang pantao, so kayo po, ano po ang masasabi niyo dito at convicted po sa Sandiganbayan iyong dating first lady?

    VP LENI: Ito, Ka Ely, patunay lang naman ito na, unang una, marami talagang krimen na naganap noong panahon ng rehimeng Marcos. Ito kasi, lalo na kapag eleksyon, parati itong dine-deny. Naging isyu ito noong eleksyon, parating sinasabi wala naman daw conviction. Kahit may mga conviction sa labas ng bansa, parating sinasabing walang conviction. Ito na siguro—ito, mayroong conviction sa Sandiganbayan.

    Tingin natin, Ka Ely, umpisa lang ito. Marami pang ibang mga charges na madedesisyunan in the coming days. Matagal iyong ating hinintay, more than 30 years. Pero iyon nga iyong sinasabi na matagal man daw iyong hustisya, in the end naibibigay din. Ito, ang pakiramdam natin, hustisya ito para sa mga naging biktima ng Martial Law. Maraming counts, Ka Ely. Parang out of 11 counts, convicted siya sa pito. Inaasahan natin na pagtitibayin ito ng Korte Suprema—kasi sinabi nila mag-a-appeal sila. Hintayin natin. Pero malaking bagay na para sa mga biktima, at para sa bansa, na bumaba itong conviction na ito.

    ELY: Pero para sa mga ganiyan, halimbawa convicted na, makukulong po ba ito?

    VP LENI: Ito kasi, Ka Ely, mayroong—

    ELY: May mga appeal pa ito.

    VP LENI: Oo. Medyo mahaba pa iyong proseso: may appeal pa, saka dahil sa age, mayroon nang ibang considerations. Pero mali iyong sinasabi nila na dahil lampas na ng 70 years old, hindi na makukulong, kasi ito lang naman ay isa sa mga mitigating circumstances under sa Revised Penal Code, na bababaan iyong hatol dahil sa edad, at kino-consider ano ba iyong katayuan. Kung ganiyan, nakakapunta pa nga sa Congress, nakaka-kandidato pa bilang gobernador, hindi siguro dahilan para hindi dapat ikulong.

    ELY: Kaya nga may humahabol sa piyansa ni dating senator Juan Ponce Enrile, na pinapabawi iyong piyansa, kasi kakandidato pa.

    VP LENI: Oo nga, eh.

    ELY: So ibig sabihin malakas pa.

    VP LENI: Iyon na nga. Iyong edad kasi, Ka Ely, ginagamit siya kapag dahil sa edad, hindi na talaga kaya. Pero ito, kita naman natin, kita natin—iyong araw nga na lumabas iyong hatol, nasa diyaryo, nag-party pa. Nag-party pa siya. Gustong sabihin, kung kaya pang mag-party, kaya pang lumagi sa kulungan.

    ELY: Kaya lang dito po sa atin, uso na kapag nakasuhan na or convicted na, biglang nagkakasakit. [chuckles]

    VP LENI: Totoo, Ka Ely. Natatawa nga ako sa mga biro sa Facebook. Pero ito, pinakamahalaga siguro, hindi na nila masasabi, hindi na nila masasabi na hindi totoo iyong mga pinaggagagawa, kasi ito na iyong pruweba.

    ELY: Oho. At dito ho may mga nagtatanong, talaga hong tampulan din po ng usapan, Ma’am, sa social media, noong si Senator Trillanes ipapaaresto— Iyong ibig sabihin, dinidinig pa lang ho—

    VP LENI: Nakaabang na.

    ELY: —ng korte, nakaabang na ang PNP. Pero dito, convicted na— [chuckles]

    VP LENI: Ano talaga, hindi talaga pantay iyong paggamit ng batas. Halimbawa, si Secretary De Lima, wala ngang napapakita na maayos na pruweba, hindi nakakalabas ng kulungan more than one year na. Pero ito, may conviction na, nasa labas.

    ELY: Pero ito, alam naman natin, Ma’am, na iaakyat pa ito sa Supreme Court.

    VP LENI: Puwede pa kasi siyang i-appeal, Ka Ely. Pero pag-akyat kasi sa Supreme Court, parang, iyong questions of the law na lang. Ang gustong sabihin, kikilalanin na iyong findings tungkol sa facts. Iyong findings tungkol sa facts, hindi na iyon puwedeng baguhin ng Supreme Court. Kung may palagay na lang na maling application ng batas, saka na lang.

    ELY: Ayon, sana sa lalong madaling panahon, at matagal na po ang pinaghintay dito ng taumbayan. Pero lumilitaw talaga, Ma’am, na maraming nadidismaya, iyong ating justice system talagang napakahaba. Talagang kailangan— Kasi, Ma’am, sa ibang bansa, matagal na limang taon, nahatulan na kaagad. Kahit presidente.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, isa talaga ito sa mga dapat ayusin ng pamahalaan—hindi lang ng pamahalaan na ito, marami nang nagdaan—pati Supreme Court mismo, ano ba iyong dapat, ano iyong dapat gawin para mapalapit iyong hustisya sa tao? Kasi iyong katagalan lang— Ito, Ka Ely, ang dami nang pagbabagong in-introduce. Alam niyo, lalo pa noong nagpa-practice pa ako, uso talaga iyong mga abogado magpapa-postpone. Talagang dine-delay lang parati iyong kaso, pinapayagan. Pero sana finally makahanap tayo ng sistema, na mas maging maayos talaga iyong ating judicial system, kasi iyon talaga iyong… kawawa talaga, Ka Ely, iyong mga mahihirap sa sistemang ganito—kapag wala kang pambayad sa mahusay na abogado, wala kang pambayad… wala kang pangtustos sa mga fees sa court, kawawa ka talaga.

    ELY: Iyon po. [music break]

    ELY: At mayroon nga… may mga comment din tayo, Ma’am, na natanggap, na iyong mga sinasabing inaakusahan na nagnakaw din o may anomalya sa gobyerno, iyong mga maliliit na halaga, iyon iyong nako-convict, pero iyong mga milyon, pagkahaba-haba.

    VP LENI: Iyong mga plunder tuloy nakakalabas pa. Ito nga iyong nakakalungkot, Ka Ely. Iyong mga maliliit talaga iyong kawawa sa sistemang ito. Hindi natin sinasabi na dahil maliit, huwag parusahan. Pero iyong sinasabi lang natin, sana naman patas.

    ELY: Pantay-pantay, opo. Okay, mga kasama, iyan po ang ilan sa mga isyu. Samantala, ang oras natin, 9:22 na po. Ma’am, mahalaga rin na, siguro, pag-usapan natin, dahil sa nabasa ko rin ang inyong tweet, ano, na kung saan ay talagang ang daming fake news.

    VP LENI: Oo, talaga, Ka Ely.

    ELY: Ang Manila Bulletin po, dineny nila, dineny.

    VP LENI: Kasi isipin mo, Ka Ely, iyong screenshot ng isang article ng Manila Bulletin… iyong article, tungkol sa, ako pumapabor sa kagustuhan ng Comelec na ibalik iyong dating—

    ELY: Iyong maagang pangangampanya.

    VP LENI: Pinalitan nila iyon, Ka Ely. Ang ipinalit nila, parang sinasabi nila na ako, humihingi sa Comelec na payagan iyong LP na mga kandidato na mangampanya nang mas maaga. Ito, Ka Ely, buti na lang iyong Manila Bulletin—

    ELY: Naglabas ng statement, opo.

    VP LENI: —naglabas. Kasi ito, Ka Ely, ito iyong parati kong sinasabi na dine-deny nila: mapera kasi sila, eh. Mayroon silang infrastructure. Kung titingnan mo, Ka Ely, kung sino iyong nag-share, nasa Marcos page, so gustong sabihin Marcos din iyong pinanggalingan nito. Hindi lang pagnanakaw iyong ginagawa pero panlilinlang. Ito talaga, hindi na lang… hindi na lang hayaan na iyong katotohanan iyong, parang, malaman ng lahat; kailangan pa nilang i-distort iyong facts.

    Mayroon pa, Ka Ely, na recent, iyon namang lumabas na iyong pabahay daw namin sa Marawi, walang tubig at walang kuryente. Iyon, Ka Ely, kasinungalingan iyon. Actually kinorrect na rin iyon sa isang Rappler article, na kasinungalingan iyon, kasi iyong totoo, mayroon. Iyon talaga, binigyan namin iyon ng emphasis, Ka Ely, kasi doon sa lugar na binigay sa amin para mag-build ng pabahay, mahirap talaga iyong tubig doon. Iyon nga iyong pinoproblema namin noong umpisa, pero hinanapan namin iyon ng paraan. hinahanapan namin ng paraan. In fact, naglagay kami ng mga provisions sa tangke, mayroon kaming rainwater catcher sa bawat bahay na binuild. Dagdag iyon sa cost ng pabahay, Ka Ely, pero dinagdag namin, kasi ayaw nga namin na mangyari doon sa pabahay namin iyong nangyayari sa iba—na itatapon doon iyong mga tao, tapos wala namang provisions for utilities. Buti na lang kinorrect ng Rappler. Kasi kung walang nagko-correct ng mga ganito, talagang araw-araw yata may pasabog silang kasinungalingan.

    ELY: Opo. At least mayroong… iyong Facebook po mismo, kapag mga fake news, kino-correct din nila.

    VP LENI: Ngayon, Ka Ely, ginagawa na nila iyon, pero sa dami din kasi, sa dami, marami pa ding nakakalusot. At nagpapasalamat tayo na ito nga, iyong Rappler saka iyong Manila Bulletin, kinorrect iyong mga kasinungalingan na nag-i-spread. Iyong pinaka-grabe talaga, ka Ely, iyong sa Manila Bulletin, kasi pinapalabas nilang screenshot tapos dinoktoran pa nila.

    ELY: Pero dito, ang binabanggit niyo, kasi ang nais niyo, narinig ko po ang inyong statement na gusto niyo pong ipaayos sa Kongreso iyong maagang pangangampanya, kasi talagang lantaran.

    VP LENI: Oo. Kasi iyon, Ka Ely, iyong definition niya kasi ng kandidato, kapag nag-i-start na iyong kampanya. Halimbawa ngayon, ngayon kandidato na din sila, eh.

    ELY: Nag-file na sila ng COC.

    VP LENI: Nag-file na. Totoong hindi pa start ng official campaign period, pero kandidato na sila. Iyong sa akin nga, Ka Ely, kahit hindi pa sila kandidato— Pinapaaral ko ito, Ka Ely, kasi gusto ko mag-push ng isang panukalang batas sa Kongreso, na kahit hindi pa panahon ng kampanya, kung—

    ELY: Basta after mag-file ng COC.

    VP LENI: Kahit nga hindi pa nagfa-file ng COC. Ang dami, Ka Ely, ‘di ba? Isang taon na yata na ang daming mga nangangampanya.

    ELY: Diyan pa nga lang po sa EDSA, ang dami diyan sa EDSA.

    VP LENI: Totoo.

    ELY: Muntik pa po akong mabunggo, eh.

    VP LENI: Dapat sana, Ka Ely, oras na mag-file ka, ‘di ba? Kung ‘di ka mag-file, okay lang iyang mga tarpaulin mo. Pero oras na mag-file ka, dapat iyong ginawa mo na pangangampanyang ahead of the filing, dapat parusahan ka na noon, kasi parang kapag hinayaan kasi natin ito, una, parang mockery na iyong batas. Pangalawa, lugi talaga iyong mahihirap. Parang wala siyang sinabi doon sa maraming panggastos. Dapat sana, mahirap o mayaman ka, pantay iyong pagkakataon na binibigay sa iyo. Pero kapag hinayaan mo iyong mga ganito, na hindi pa nga panahon ng kampanya, ang dami na—kasi ang daming pamigay, ang daming pamigay, Ka Ely—ang mananalo na lang dito iyong mga may pera.

    ELY: Opo. At siguro, Ma’am, mabanggit na rin natin, dahil nalalapit na rin po ang midterm elections dito sa atin, sa Estados Unidos katatapos lang, at marami iyong mga lumabas na mga kakaiba—mga kababaihan, mga Muslim, at miyembro po ng LGBT. Pero dito, Ma’am, ano po iyong puwede nating makuha na leksyon na puwede pong ma-adopt dito sa mga Pilipino?

    VP LENI: Ito, Ka Ely, inspiring saka nagbibigay ng pag-asa sa ating lahat iyong nangyari sa Amerika. Kasi ‘di ba iyong mga kandidato ni President Trump, tumatakbo against the Democrats. Pero iyong mga tao, pinahayag nila iyong kanilang boses, iyong pag-reject sa mga ayaw nilang polisiya, ayaw nilang klaseng leadership. Pinakita nila sa paraan ng pagboto ng mga maaayos na kandidato. Ngayon, sa House of Representatives, may upper hand na iyong Democrats. Iyong nakakatuwa dito, Ka Ely, ito, iyong mga… iyong mga nanalo, ang daming representatives ng mga minorities, mayroong gay, mayroong kababaihan. Pinakamarami yata ito, Ka Ely, na mga kababaihan na nakapasok. Pagpapakita na kapag ang tao nagkaisa, maririnig iyong boses nila.

    ELY: Oho. At doon, Ma’am, iyong binabanggit iyong paraan ng pagkakampanya, kasi doon wala masyadong tarpaulin o mga ano… Pero ang labanan doon sa political ads. Talagang tirahan, walang ano—kung may ginawa kang kalokohan o eskandalo—

    VP LENI: Talagang lalabas.

    ELY: —lalabas. Saka harapan. Dito po sa atin, parang pigil pa iyong mga Pilipino.

    VP LENI: Saka dito, pinapadaan pa sa fake news sa social media. [laughter]

    ELY: Opo. So iyan, mga kasama, ang ilan sa mga isyu ngayon. Naku, ang dami ho. Siguro magbasa tayo ng text na kaunti galing sa ating mga kababayan, mula po sa Facebook. [END GAP 1]

    [GAP 2]

    ELY: Oras na natin mga kasama, 9:29 na po ng umaga. At samantala— Siguro, Ma’am, iyong ilang reaksyon ng ating mga kababayan sa ating Facebook live.

    VP LENI: Ayon. Mayroon dito… ito, nagpapasalamat ito, Ka Ely, Maricar Maranan: “Thank you so much, VP Leni Robredo, sa financial assistance na naitulong para sa aking nanay noong araw na siya ay nag-undergo ng chemotherapy.”

    Ito, Ka Ely, ito din iyong aking pangarap na maging maayos na iyong ating health system kasi talagang kawawa talaga, Ka Ely, iyong mga mahihirap na hindi kaya iyong pagpapagamot. Kailangan pumila kung saan-saan para lang makapag-dialysis, pipila sa opisina ng mga pulitiko. Sana maasikaso natin ito, finally. Malaking tulong na iyong mga pagbabago sa Philhealth, marami na iyong mga sakit na nacha-charge sa Philhealth. Pero sana mas maayos pa, kasi talagang nakakadurog ng puso iyong makikita mo—sa opisina lang namin, Ka Ely, ang haba ng pila ng humihingi ng medical assistance. Ang problema, limitado din iyong pondo ng opisina namin, kaya kahit gusto pang tumulong, parating may limitasyon.

    Ito, Ka Ely, basahin ko lang siguro: Ramon Barbon, Parañaque City. Ang sabi niya, Bikol ito, Ka Ely. “Magayunon na aga saindo gabos. Mga tugang, naghihiling ako digdi dito sa Parañaque City.” Ayon.

    Si Moschola Orbita, good morning daw from Hong Kong. Kumusta po iyong mga kababayan natin sa Hong Kong?

    Valentin Gatchalian, “Watching from Virginia Beach.” Virginia Beach, napakaganda doon, Ka Ely.

    Caloy dela Torre, “Good morning, VP Leni. Watching for Naga.” Kababayan ko pala si Caloy.

    Meli Cabañeros, “watching from Ontario, Canada.” Naku, sobrang lamig na doon, Ka Ely, ngayon. Tinitingnan ko iyong balita. Nag-i-i-snow na sa Canada.

    Si Joy Cruz Ahumada, ito, “Magandang umaga from Italya.” Marami rin tayong kababayan, Ka Ely, sa Italy. Ewan ko lang kung saan sa Italy si Joy. Napakagandang bansa.

    Ito naman, Shyreel yata ito… Shyreel Nemeh Abduhalim-Akmad. Maraming salamat sa’yo, Shyreel. Shyreel pala. Sabi niya, Ka Ely: “I’m supporting you all the way, VP Leni.” Taga-saan kaya si Shyreel?

    Baby-Balite de Castro, Toronto din siya. “Shoutout please to de Castro family in Toronto, Canada.” Ah, hindi, kinukumusta niya iyong de Castro family sa Canada.

    Mon Arce, “Madam VP, you are the best leader.” Maraming salamat, Mon.

    Ferdie Ramos, maraming salamat din po sa suporta.

    Ito, from California, Bong Revillosa.

    Mayroon din from Riyadh, Felix Magusara. Ayon, kumusta po mga kababayan natin sa Riyadh.

    Mayroon din from New Jersey, Marnie de Choso Nicholson. Iyang si Marnie, parati siyang nangungumusta sa atin. Maraming salamat, Marnie, sa parating pagsama sa amin tuwing Linggo.

    Ito from KSA din, Saudi Arabia, Amir Khan Macklin.

    Estrella Abrio Robles, maraming salamat po sa mensahe ninyo.

    Mench Samboy-Dormido, “Mabuhay, good health, stay strong, ingat po parati.” Maraming salamat sa iyo.

    Ito, Florence Apostol Vicente. “Tuloy-tuloy lang po ang paglilingkod. Praying for good health always.” Maraming salamat sa iyo, Florence.

    Si Jun Sison III, maraming salamat din sa inyo.

    Ayon! Buti na lang nakabasa tayo ngayon, Ka Ely, kahit kaunti.

    ELY: Okay! Samantala, Ma’am, maraming nagtatanong, ano raw ang reaksyon niyo doon sa ipinasang ordinansa sa Baguio City, iyong tungkol sa pagmumura?

    VP LENI: Ito, Ka Ely, parang ironic kasi, ‘di ba? Alam natin iyong Pangulo mahilig magmura. Ito, mabuti naman iyong mga ganito kasi mapipilit na maturuan iyong mga bata sa magandang asal. Maraming mga kontrobersyal, actually, ngayon, Ka Ely, na mga policies. Parang sa Baguio rin yata iyong school na—

    ELY: Opo. Iyong—

    VP LENI: —nagre-require na mag-pregnancy test sa ilang kurso.

    ELY: Iyong sa ano, sa colleges, Pines Colleges? Pines City Colleges.

    VP LENI: Pines City Colleges. Controversial din iyon, at maraming umaalma. Controversial din iyong mandatory testing sa mga—

    ELY: Grade 4?

    VP LENI: Oo, hanggang Grade 4.

    ELY: Proposal po iyan ng PDEA.

    VP LENI: Oo, maraming mga controversial na, parang, mga regulasyon na nilalabas ngayon. Iyong sa akin lang, Ka Ely, parating iyong isasaisip: una, totoo ba—gusto kong sabihin, tama ba?

    Pangalawa, siguraduhin lang na sa paglagay ng regulasyon, walang naapakan na karapatang pantao. Ito naman iyong mahalaga, kasi iyong karapatang pantao natin, dapat obligasyon ng pamahalaan na parating isinasaalang-alang, nirerespeto.

    Pangatlo, kung mayroong gagawing programa, sana hindi siya nagiging, parang, daan para sa pang-aabuso. Kasi paminsan maganda iyong hangarin, pero nagiging daan siya para sa pang-aabuso. Sana hindi ganito.

    Mayroon tayong— Paminsan kasi, Ka Ely, nakakalimutan natin, mayroon tayong gustong gawin. Gagawa tayo ng regulasyon para magawa natin iyong gusto nating gawin, pero nakakalimutan natin na may nasasagasaan tayong mga karapatan. At ayon nga, nagiging—nakakahanap ng dahilan para iyong mga abusado, para ma-take advantage kung anong sistema iyong nilalagay. So sana hindi ganoon.

    ELY: Opo. Okay, magandang balita rin. Sa K-12 program, na kung saan naaprubahan na sa nakaraang administrasyon, sinang-ayunan na po ng Supreme Court iyong constitutionality.

    VP LENI: Ito naman, Ka Ely, tayo na lang kasi iyong isa sa dalawa o tatlo na hindi pa 12 years iyong basic education, at marami tayong mga graduates na nagkaka-problema dahil doon. Dahil kapag nag-a-apply sa kolehiyo sa ibang lugar, nagiging problema kasi kulang iyong basic education.

    ELY: Kailangan mag-aral ka ulit doon paminsan, o hindi kinikilala rito iyong kung graduate ka na ng college.

    VP LENI: Oo, parang hinabol natin iyong parang global standards na mas mahaba na iyong basic education. Ako, sang-ayon naman ako from the very start dito sa K-12, Ka Ely. Ano lang, nasa stage tayo na nag-a-adjust pa.

    Isang programa ng opisina namin iyong tulungan iyong mga Senior High, lalo na iyong may mga laboratories. Halimbawa, sa Mulanay, Quezon, sa Bohol, nagdala kami ng mga kitchen equipment. Mayroon kaming partner iyong… ano ito… Masflex [Kitchen Pro], saka iyong Indian Chamber of Commerce, para magdala ng mga equipment sa mga Senior High School na hindi kaya na bumili ng sarili. Kasi mahirap mag-aral kung walang actual, na lahat lang theoretical. So ayon tayo, gusto natin i-link sa industries iyong mga Senior High School, para ano, para mayroon talaga silang immersion sa industriya.

    ELY: Okay, mga kasama, at sa ilang sandali, iyong ating INP, Istorya ng Pag-asa. Ito, Ma’am, napanood niyo na ba iyong “Dealing With [Healing]”?

    VP LENI: Napanood ko. Napakaganda at saka parang napaka-akma, napaka-akma sa panahon, Ka Ely.

    ELY: Opo. Okay, so sa ilang sandali, mga kasama. Mamaya hingan natin ng kuwento iyong ating panauhin dito. “Dealing with Healing.” Ayon.

    VP LENI: Ang bisita natin, maya-maya, Ka Ely, iyong subject ng film at saka iyong filmmaker mismo.

    ELY: Opo.

    VP LENI: Si Alyssa at saka si Michaela.

    ELY: Ayon. Okay, sandali lang ho, mga kasama.

    [END GAP 2]

    Posted in Transcripts on Nov 10, 2018