This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 78

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Mula po dito sa DZXL Manila, tayo po napapakinggan sa RMN-DYHP Cebu, RMN-DXCC Cagayan de Oro, RMN-DXDC Davao, at RMN-DWNX Naga. Mga kasama, ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar, at siyempre kasama natin sa ating studio ang ating partner, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na kasama natin ngayong umaga. Sa mga nakikinig po sa Bicol: Marhay na aga saindo gabos. Sa mga taga-Visayas at Mindanao: Maayong buntag kaninyong tanan.

    ELY: Siyempre, tapos na po ang undas, at papasok na rin po ang holiday season, ang kapaskuhan, at ngayon ay maraming nagrereklamo sa mataas na bilihin. Bagamat may sumulpot din na big-time na rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

    VP LENI: Malaking bagay, Ka Ely, kung mag-rollback, kasi mayroon itong multiplier effect. Sunod-sunod iyong rollback sa mga produkto. Pero ito, palagay ko hindi sapat, Ka Ely, para makahabol nang kaunti iyong mga malaki talaga iyong dagok na nangyari sa kanila. Tinitingnan natin iyong datos, iyong pinakamahirap na 30% sa mga Pilipino, sila talaga iyong nakaramdam ng pinaka-grabeng paghihirap. Hanggang ngayon, Ka Ely, nananawagan sana tayong i-review iyong safety nets sa TRAIN Law, na tingnan kung sapat pa ba iyong 200 pesos a month. Siguruhin na iyong 10 million na dapat na nabigyan ng assistance, nabigyan na. Kasi parang last month, Ka Ely, iyong update sa atin, parang hanggang 7 million pa lang iyong nabibigyan. Magtatapos na iyong taon, dapat naibigay ito noong Enero pa. Saka iyong Pantawid Pasada, iyong pakiusap din natin, pati iyong mga mangingisda sana mabigyan, dahil malaki iyong konsumo nila sa gasolina, kaya nagtataasan din iyong presyo ng mga… iyong isda, iyong—

    ELY: Lahat ng serbisyo nagtataasan.

    VP LENI: Oo. Kaya sana maasikaso na ito sa lalong madaling panahon. Pero malaking bagay na din iyong rollback.

    ELY: Okay, at siyempre ang mga manggagawa ay inaasahan na magkakaroon po ng pagtataas sa kanilang minimum wage. Pero ang kawawa din naman, Ma’am, iyong mga walang permanenteng pinagkakakitaan.

    VP LENI: Iyon nga, eh. Iyon talaga iyong pinaka-sentro, Ka Ely, noong sinasabi ko sa TRAIN Law na safety nets. Kasi itong walang permanenteng pinagkakakitaan, sila talaga iyong hindi magbebenepisyo sa TRAIN Law, kaya sila dapat iyong tinutulungan. Ngayon, kapag tumaas iyong suweldo, malaking bagay ito sa mga manggagawa, pero sana isipan din kung paano matutulungan iyong mga walang regular na sahod buwan-buwan. Kasi sila talaga iyong hindi nakinabang, hindi nakinabang sa pagbaba ng taxes, hindi din makikinabang sa taas ng sahod. Kaya sana iyong safety nets na naka-provide talaga sa batas, balikan, dahil sila talaga iyong… sila iyong malaki iyong sakripisyo noong nagtaasan iyong presyo ng mga bilihin.

    ELY: Pero may binabanggit ho na hindi yata ipatutupad iyong second tranche sa TRAIN Law.

    VP LENI: Oo. Malaking bagay iyon, Ka Ely. Ito iyong matagal na nating hinihingi na hindi ipatupad. Pero hinihingi din natin na iyong pinatupad na first tranche, sana i-rollback din, dahil malaki talaga iyong— Nasabayan kasi nito, Ka Ely, iyong pagtaasan ng presyo sa world market. Kaya iyong epekto sa atin doble-doble dahil sabay-sabay silang nagtaasan.

    ELY: Okay, so ayan ho, mga kasama. Grabe ho, pahirap nang pahirap ang buhay ngayon, at dapat po siguro lahat tayo maging masipag, maging masikap, dahil sa—

    Marami namang proyekto ang Office of the Vice President, mga proyektong makakatulong.

    VP LENI: Iyong sa Angat Buhay, Ka Ely, talagang pinili namin noong pinaplano pa lang ito, talagang tiningnan namin iyong listahan ng 20 poorest provinces, tapos iyong 20 poorest provinces, binabaan namin. Tiningnan talaga kung sa loob ng probinsyang ito, ano iyong pinakamahirap na munisipyo. Iyon iyong pinili namin. Gaya ng sabi ko, nagsimula kami 50 municipalities, ngayon nasa 176 na kami. Pero talagang kulang na kulang pa din, Ka Ely. Kapag nasa baba kami, may naitutulong kaming proyekto, pero may nakikita kang pangangailangan na hindi mo maibigay. Iyon iyong frustrating, kasi sa amin, wala kaming sariling pera para sa programa. Umaasa kami sa tulong ng mga pribadong organisasyon. Kapag may nakikita ka, halimbawa, tumutulong kami sa… sabihin natin, sa education, nakikita mo grabe iyong malnutrition. Maghahanap ka kung saan kukunin iyong programa—iyong pera para sa programang iyon. Ano, frustrating siya, Ka Ely.

    Pero nabanggit natin iyon, ngayon, Ka Ely, iyong team namin nasa Natonin. Iyong Natonin sa Mountain Province, dito nangyari iyong landslide. Ito, Ka Ely, napuntahan ko na ito. Iyong team namin ilang beses na ding nakapunta doon kasi isa siya sa mga tinutulungan namin na lugar. Napakagandang lugar. Nakakalungkot lang at nangyari ulit iyong landslide. At parati tayong mag-aalala na ngayon dahil sunod-sunod. Sunod-sunod, Ka Ely. Kung naaalala natin, noong nakaraang buwan, sa Ifugao. Galing nga tayo doon. Sa Naga, Cebu, nangyari din. Ngayon sa Natonin na naman. At may mga patay na naman. Nandoon iyong team natin para i-assess kung ano iyong pinakamaayos na tulong na kinakailangan noong mga naging biktima.

    Pero ito iyong pinagdadasal natin… parang kawawa, Ka Ely, ngayon iyong North. Dati Bicol iyong parating nasasalanta ng bagyo, pero ngayon iyong northern part ng Pilipinas, gaya ng Isabela at Cagayan, iyong binabalik-balikan. Siguro panahon din para i-review ulit natin iyong mga threats sa kalikasan, gaya ngayon na grabe iyong bagyo. Tingnan natin kung ano ba iyong dahilan ng landslide, ano iyong dahilan ng pagguho. Kasi kung naaalala natin, Ka Ely, iyong sa Ifugao, pagbaba namin doon, mayroong, parang, debate, kung ano talaga iyong pinagmulan. Parang sinasabi ng iba na dahil sa mining, iyong mga taga-doon naman, tinuturo sa amin kung bakit hindi mining iyong dahilan. Pero kahit ano pa iyong dahilan, panahon na para balikan natin ano ba iyong mga ginawa natin na, parang, paglalapastangan sa kalikasan, kasi tayo din iyong nagbabayad sa mga buhay na nawawala.

    ELY: Okay, pero siguro, mas maganda rin na reviewhin din iyon mga gusali ng mga gobyerno, kasi sa Natonin—

    VP LENI: DPWH, oo.

    ELY: DPWH, kung saan sila po ang—

    VP LENI: In charge.

    ELY: Ang in-charge sa mga gawaing-bayan. Dapat po iyong mismong building nila ang maging ehemplo na matibay at puwedeng silungan sakaling may kalamidad.

    VP LENI: Iyon nga, Ka Ely, parang iyon yata iyong natabunan noong gumuhong lupa, at doon iyong may mga namatay. Ito, Ka Ely, nakakasayang kasi—Halimbawa, iyong pinuntahan namin sa Ifugao, napakagandang lugar. Itong Natonin, Ka Ely, napakagandang lugar. Pumunta ako dito, parang, early part of 2017 yata or later part ng 2016. Talagang ano, parang, iyong lugar, ramdam na ramdam mo iyong kagandahan ng bansa natin, kaya nakakalungkot kapag mayroong balitang ganito. Gaya noong sa Ifugao, Ka Ely. Kapag tiningnan mo iyong lugar, talagang maaawa ka sa mga taong nandoon. Iyong pinakamahirap kasi, hindi lang na nawalan sila, pero parang nawawalan pa din ng pag-asa kung paano iyong susunod, kasi gaya noong mga nabiktima sa Ifugao, iyong mining talaga iyong pinagkukunan ng hanapbuhay, tapos dahil sa nangyari, parang hindi na nila alam kung ano iyong hanapbuhay nila na susunod at saan sila ililipat. Ito iyong pinakamasaklap—iyong aalalahanin mo hindi lang iyong dalamhati na nawalan ka, pero iyong ano iyong susunod para sa kinabukasan ng mga anak mo. Iyon iyong humarap sa amin na problema. At titingnan natin dito sa Natonin… Gaya ng sabi ko, kagabi tine-text ako ng team namin na nakarating na daw sila sa Paracelis. Ano daw ito, mga 45 minutes away from Natonin. Hindi agad sila nakapunta dahil maraming mga hindi madadaanan. Pero oras na nagkaroon ng balita na puwede nang lumusot, pumunta na sila, tapos kagabi nga, mag-o-overnight sila sa Paracelis. Ngayon, dapat nasa Natonin na sila.

    ELY: Okay. At siguro ay iyong ating mga kababayan na nakikinig nationwide, baka, Ma’am, may mga magandang loob, at puwede silang tumulong. Puwede nilang ipadaan sa Office of the Vice President, kung may mga maitutulong sila sa mga kababayan natin na taga-norte.

    VP LENI: Oo. Ano din ito, Ka Ely, after ng assessment ng team namin, siguro ipo-post din namin sa Facebook kung ano iyong mga kailangan. Kasi parang, as of yesterday, wala pa tayong mga balita talaga kung sino iyong mga naging biktima, ano-ano— Kasi at least iyong sa Ifugao, alam natin na mga minero, pero itong sa Natonin, nabasa ko lang mayroong tatlong CAFGU… mayroong tatlong CAFGU na namatay. Ito, nakakaawa, kasi ito iyong mga tumutulong talaga sa mga nasalanta. So malalaman natin by today kung ano iyong mga pangangailangan doon; ipo-post po natin at mananawagan po tayo sa tulong.

    ELY: Okay, samantala, mga kasama… [END GAP 1]

    ELY: Oras ho natin, 9:16 na po ng umaga. At tuloy-tuloy ho tayo sa ating pagtalakay dito sa mga ilang isyu—isyu ng bayan—mga kasama. At dito, Ma’am, anong take niyo dahil mismong si Pangulong Duterte, inamin niya iyong militarization sa gobyerno? Eh iba’t ibang mga reaksyon, at kayo ho, ano ho ang nakikita niyo rito?

    VP LENI: Ito, Ka Ely, bawal ito sa Saligang Batas. Klaro sa Saligang Batas na iyong gobyerno natin ay civilian na gobyerno, kaya nga pinapamunuan ito ng Pangulo—kaya nga iyong Pangulo ay iyong commander-in-chief ng Armed Forces. Parang pagpapahiwatig ito na iyong civilian government, mas mataas kaysa— Parang siya iyong iiral sa atin. At klaro, iyon iyong—

    ELY: Ang mangingibabaw dapat iyong sibilyan.

    VP LENI: Oo, klaro iyong obligasyon ng militar. Ito, maraming dahilan kung bakit ito binawal ng Konstitusyon, Ka Ely. Marami din iyong dahilan kung bakit hindi dapat iyong militar. Kung titingnan natin iyong history ng Customs, hindi lang sa panahon ni Pangulong Duterte pero kahit iyong mga nakaraan, kung natatandaan natin, Ka Ely, noong panahon ni Presidente Ramos, retired general din—si Parayno—iyong nag-head ng Customs. Ito, okay lang ito kasi mga retired.

    ELY: Retired na, civilian na po.

    VP LENI: Pero kapag sinabi mo kasing i-take over na ng military iyong Customs, ito iyong mali. Ito iyong salungat sa Konstitusyon, kasi unang una, mayroong set ng mga obligasyon iyong mga militar at hindi ito kabahagi doon. Kapag sinabi mong bibigyan mo sila ng bagong assignment, ibang usapan iyon, kasi salungat na iyon sa ating Konstitusyon. Ito, hindi naman bawal na mag-appoint ka ng mga dating militar, pero para sabihin mo na i-a-under na sa military iyong Bureau of Customs, mali iyon.

    ELY: Kokontrolin na ng militar.

    VP LENI: Oo, hindi iyon puwede kasi salungat nga sa Konstitusyon, at salungat sa Konstitusyon dahil sa maraming dahilan. Parang nabasa ko sa isang interview na sinabi—sa isang article pala—na sa interview ni Pangulo, parang sinasabi niya na kaya niya gusto ng militar kasi sumusunod na hindi na kinukuwestiyon iyong mga bagay-bagay. Parang nakakabahala ito, Ka Ely. Nakakabahala ito kasi hindi sa lahat na bagay nakakatulong iyong hindi pag-kuwestiyon, lalo na kapag mali naman iyong order.

    Iyong sa akin, hindi militarization iyong solusyon. Dapat tingnan bakit ba nagkakaganito iyong Customs? Bakit ba nagiging posible iyong ganito? Maraming mga dahilan. Iyong isa doon, Ka Ely, palagay ko dapat talagang palitan iyong sistema. Iyong masyadong marami nang… parang face-to-face na transactions, doon nag-uumpisa iyong korapsyon, eh. Iyon, dapat sana bawasan iyon, o i-limit iyong human interaction pagdating sa Customs, kasi kung i-ano iyon… kung i-computerize iyong halos lahat ng proseso—

    ELY: Online. Online lang kung bayaran lahat—

    VP LENI: Mababawasan talaga iyong korapsyon. Kaya tingin ko ang dapat pinagkakaabalahan, pag-assess ng sistema. Bakit ba nangyayari ito? At saka iyong mga nagkasala sana, Ka Ely, panagutin.

    ELY: Iyon. Iyon ang importante.

    VP LENI: Parang grabe iyong buhay na isinugal na natin dahil sa paglaban natin sa drugs, pero kung ang Customs natin nagpapasok at nagpapapasok ng ganito kadami, eh iyon iyong dapat nating habulin. Huwag nating patulan iyong mga maliliit pero dapat bigyan talaga ng malaking… parang pag-aksayahan talaga ng panahon iyong paghanap nitong mga malalaki, kasi wala namang negosyo itong maliliit kung hindi nakakapasok dito iyong mga malalaki.

    ELY: Opo, kasi iyong unang na-bisto ‘di ba, iyong 6.4 billion pesos—

    VP LENI: Hindi na nga lang iyong 6.4 billion—

    ELY: Hindi po, Ma’am, iyong una iyong kay Faeldon, bodegero lang iyong nakasuhan, eh.

    VP LENI: Bodegero lang iyong nakasuhan. Hindi naman nahanap kung sino iyong—

    ELY: Mastermind.

    VP LENI: Oo, tapos naulit pa. Pero sa Customs, sino ba iyong mga nanagot? Naulit pa. Ngayon, iyong parang assessment na bago, 11 point—

    ELY: More than 11 billion [pesos].

    VP LENI: More than 11 billion. Eh isipin natin, Ka Ely, parang pinapatay nga natin iyon paunti-unti—

    ELY: Iyong mga small-time na—

    VP LENI: Dapat ito iyong habulin natin. Eh pero parang nangyari na nga ito, tapos wala namang mananagot na maayos. Tapos papalitan mo iyong tao na hindi mo ina-assess kung bakit nangyayari iyong ganito. Tingin ko, Ka Ely, hindi lang ito iyong integridad noong namumuno pero integridad ng sistema. Sana ito iyong pagtuunan ng pansin.

    ELY: Opo, at siyempre diyan po sa Bureau of Customs talagang— Kasi iyong mga sundalo, trained po ito sa iba’t ibang mga banta sa seguridad at laban po sa mga rebelde at terorista. Pero hindi po nasanay iyong mga sundalo sa paglaban sa mga buwaya. Ang daming buwaya diyan sa BOC. [laughs]

    VP LENI: Ano naman talaga, Ka Ely, iyong mga sundalo naman dumaan ito sa grabeng training. Iyong disiplina nandiyan, pero may iba silang obligasyon.

    ELY: Saka iba po iyong kanilang ano… kung iyong sa training iba, iba iyong larangan nila.

    VP LENI: Totoo, totoo. At iyon nga, Ka Ely, kahit palitan natin nang palitan iyong tao, kung iyong sistema nandiyan, kung sistema parang ina-allow daw niya na mangyari iyong ganito ka-grabeng korapsyon, dapat balikan natin iyong sistema: ano ba ang dapat baguhin? Tingin ko iyon iyong dapat pagtuunan ng pansin, hindi iyong militarization. Kasi medyo nakakabahala din, Ka Ely. Tingnan natin kung anong mga ahensya ngayon iyong hawak talaga ng militar, dating militar, parang hindi naman puwede na hindi defined iyong mga functions, na kapag nagkakaproblema ito ang solusyon natin, mag-a-appoint ng mga, oo, ng mga galing sa militar.

    ELY: Okay, so iyon ho, mga kasama. Ilan po sa mga isyu na iyan pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon. At ngayon November 4 ha, uy, good luck ho, Ma’am, iyong sa bar exam.

    VP LENI: Iyong bar exams. Oo, marami akong kakilala, Ka Ely, na magte-take ng Bar ngayon. Isa sa pinaka— Ito, Ka Ely, dumaan din ako sa ganitong, parang, pagsubok. Isang bagay na ayaw mo nang balikan dahil sa tindi ng preparations na kailangan. Iyong Bar Exams, Ka Ely, siya lang yata iyong apat na linggo sa lahat yatang mga parang licensure examinations. Siya lang iyong apat na linggo. Tapos talagang grabe iyong preparations nito na pagkatapos, kung puwede lang huwag mo na makita ulit iyong mga pinag-aralan mo.

    ELY: Ano ba, Ma’am, ang mabibigay niyo na tip? Kasi iyong iba, talagang ninenerbyos eh. Eh kayo, nag-Bar Exam ho kayo.

    VP LENI: Kaniya-kaniya kasi, Ka Ely. Kaniya-kaniyang… puwedeng iyong magwo-work sa—

    ELY: Eh kayo iba ang sitwasyon niyo eh.

    VP LENI: Oo, at saka ano, dalawa na iyong anak ko, Ka Ely, noong nag-Bar Exams ako. Ano talaga, iyong sa akin, nag-review kasi ako, Ka Ely, doon lang sa amin. Pero iyong pre-week ko, dito. Gustong sabihin ng pre-week, iyong week before ng Bar Exams, saka kayo pupunta ng Maynila. Naaalala ko, Ka Ely, iyong school namin, iyong University of Nueva Caceres, iyong school namin nag-pre-week sa UE. Nag-dorm kami sa isang dormitory na malapit dito sa—sa may likod lang siya ng UE. Iyong kuwarto namin, Ka Ely, 16 kami sa loob ng kuwarto. Kaniya-kaniyang style ng pag-aaral. Halimbawa ako, iyong pag-aaral ko noon istrikto ako sa oras. Dapat wasto iyong aking tulog. Pero iyong mga kasama ko naman, talagang hindi natutulog para mag-aral. Sa akin kasi, Ka Ely, hindi iyon nagwo-work kasi kapag inaantok ako, wala nang na-a-absorb. Mayroon din akong mga kasama na araw-araw dumadayo sa kung saan-saan na simbahan. Kapag Wednesday nasa Baclaran, kapag Thursday nasa St. Jude, kapag Friday nasa Quiapo. Iyong parang lahat na simbahan pinupuntahan. Mayroon ding mga hindi pumapasok sa klase, nag-aaral na lang sa library. Pero ako, Ka Ely, noon, lahat na lectures pinapasukan ko. Sinisiguro ko na lang kung ano iyong lecture na iyon, nabasa ko na.

    Kaniya-kaniya. Puwedeng iyong magwo-work sa akin, hindi magwo-work sa iba. Pero tingin ko, Ka Ely, iyong pinaka-ano talaga, iyong kapag after kasi nito, ang ipe-prepare na naman… Eh ngayon, first Sunday eh. Ngayon, political law saka labor, tama ba? Parang nakalimutan ko na yata. Tama, political at saka labor law sa first Sunday. Next week, civil law. Nakalimutan ko na kung civil law at saka matagal-tagal na, Ka Ely. Kapag hapon na, civil law na. Kasi mayroong umaga, kapag hapon iba. Ngayon, pagkatapos nito, Ka Ely, parang gusto mo nang magpahinga, pero bukas mag-aaral ka ulit. Mag-aaral ka ulit para sa second Sunday.

    Pero iyong ano na lang, Ka Ely, relax na lang. Kasi kapag nagpa-panic ka, lalo kang walang ma-a-absorb. Pero iyong iba naman kasi, gusto hanggang papasok na sa classroom, nag-aaral pa rin. Kaniya-kaniya.

    ELY: Suwerte iyong mga single at iyong talagang focus lang talaga sa pagre-review.

    VP LENI: Oo, iyong mga hindi nagta-trabaho, wala pang mga asawa, tapos hindi problema iyong pera kasi magastos, Ka Ely, mag-review.

    ELY: Iyong iba na may pera, iyong iba nasa hotel pa eh.

    VP LENI: Nasa hotel. Iyong iba hindi nga makapag-enrol para sa review kasi walang pera. Ano talaga, kaniya-kaniya. Eh nakita ko nga, Ka Ely, iyong parang kuwento ni Atty. Florin Hilbay. Parang si Atty. Florin, ang kuwento niya noong… ano siya, mahirap na pamilya, batang Tondo; iyong Nanay yata kasambahay; iyong Tatay—kung hindi ako nagkakamali—driver. Iyon siya, hindi siya nakapasok sa UP noong—

    ELY: Sa UPCAT, ano.

    VP LENI: Oo, hindi siya nakapasa sa UPCAT. Pumasok siya sa UST scholar. Pagkatapos, inambisyon niyang mag-UP Law. Pero ito, Ka Ely, iyong kuwento niya dahil wala silang pera, noong nag-take siya ng Bar Exam, talagang hinusayan niya iyong aral kasi iniisip niya hindi na niya kayang umulit pa. Ayon, nag-number one. Nag-number one sa Bar kaya ito talaga, kaniya-kaniyang paraan.

    Pero iyong nakaka-inspire kasi ngayon, Ka Ely, kasi over the last several years, marami nang nagta-topnotcher na galing sa provincial schools. Noong panahon namin, Ka Ely, talagang UP, Ateneo, San Beda, UST, iyon lang iyong mga nagta-top. Pero ngayon pati iyong mga provincial—

    ELY: Mga promdi, iyong mga tinatawag na promdi—

    VP LENI: Oo, malaking bagay iyon kasi nabibigyan ng pagkakataon iyong iba. Siguro umiba din iyong parang parameters o iyong style ng exam kaya nabibigyan ng pagkakataon iyong—

    ELY: At saka, Ma’am, nabago rin siguro iyong persepsyon na gusto mong makapasa, pumunta ka ng Maynila, doon ka mag-aral. Hindi naman pala lahat.

    VP LENI: Oo, kaya mabuti ngayon kasi parang iyong mga provincial schools, mayroon na ring reputation na kasing-husay noong mga paaralan sa Maynila.

    ELY: Okay, samantala, mga kasama. Basa lang po tayo ng ilang mga mensahe sa mga nakaraan nating palatuntunan. Ipagpaumanhin natin kasi limitado iyong ating oras. Pero nababasa niyo lahat, ano, Ma’am. Lahat ng mga messages po ng ating mga listeners.

    VP LENI: Oo, nababasa natin iyan lahat, kaya lang parati tayong nawawalan ng oras. Pero ito, ito iyong mga initial. Si Helen—si Helen Conde, “Watching from New York.” Uy, galing pa lang ako diyan, Ma’am Helen. Ito din, Mila Lagrimas, “Watching from USA,” pero hindi niya sinabi kung saan sa USA. Mayroong Maiko Maiks, ayan, siya naman nasa North Cot(abato). Galing pa lang po ako sa Cotabato City malapit-lapit diyan sa inyo. Si Aries Robert Velasco, “Watching from Bacolod City.” Ayon, galing din ako, Ka Ely, sa Bacolod two weeks ago. Cynthia Valdez, “Magandang umaga po sa inyo,” ito, Hong Kong. Ayan, Ka Ely, ‘di ba may balak tayong pumunta sa Hong Kong? Hindi lang tayo matuloy-tuloy pero sana early next year matuloy na tayo. Luzviminda Guzman, kumusta ho diyan sa mga Pilipino sa Hong Kong.

    Masaya doon, Ka Ely, tuwing Linggo. Noong pumunta ako last year, Linggo iyon at talagang magkakasama sila.

    ELY: May mga request sila sa atin, Ma’am, eh na baka nga minsan mapasyal tayo doon.

    VP LENI: Oo, sana nga, at saka gusto nating ituloy iyong nasimulan na natin na Istorya ng Pag-asa doon.

    ELY: Interview sa mga OFWs.

    VP LENI: Oo, mayroon na tayong mga na-interview at gusto nating matuloy na siya. Siguro, Ka Ely, mga February baka matuloy na tayo.

    ELY: Pati Middle East, marami ring nagre-request sa atin doon.

    VP LENI: Iyong Middle East, maraming nagre-request. Malayo lang kaya maghahanap tayo ng ibang ikakabit na mga events. Ito, si Ramon Barbon, ayon, Dau, Mabalacat, Pampanga. Sabi niya, “Huwag po kayong maiinis at maasar sa mga basher.” [laughter] Hindi naman po. Bahagi na siya ng buhay natin. Ito naman, “Watching from Ontario, Canada.” Naku, galing ako ng Vancouver, Ka Ely—tayo. Magkasama kami ni Ka Ely na pumunta sa Vancouver. Nagkaroon tayo ng Istorya ng Pag-asa na ipapalabas natin iyong very soon. Pero napansin ko, Ka Ely—

    ELY: Hindi, Ma’am, iyong sa Vancouver naipalabas na natin. Si Padilla. Raquel, ayon.

    VP LENI: Ay, oo tama. Ayan, si Raquel. Ito, Ka Ely, isang araw lang yata. Parang dalawang gabi, isang araw lang ako sa Vancouver, pero napansin ko sobrang ganda pala ng Vancouver kapag fall. Kasi iyong maple trees nila talagang pula. Pink saka pula iyong color. Napakaganda. Sana nga mas mahaba iyong oras kaya lang marami tayong lakad noon. Ito, si Cynthia—ah, siya na rin iyong nag-text kanina. Cynthia Valdez and Wilfredo Cruz. Ayan, maraming salamat po sa pagbati niyo. Ayan, Ka Ely. Ito iyong mga inisyal na nagbigay ng pagbati sa atin.

    ELY: Okay, mga kasama, at maya-maya, mayroon pa rin tayong Istorya ng Pag-asa. Iyan po ang isa sa pinaka-tampok ng BISErbisyong LENI. At samantala, Ma’am, ngayon iba-ibang mga reaksyon dito po sa pag-alis ni Sister Patricia Fox. At maraming nalulungkot ho. Sa social media, talagang—

    VP LENI: Nakakalungkot talaga, Ka Ely. Lalo na noong tinitingnan ko iyong mga pictures kagabi—kanina ba iyon o kagabi—tinitingnan ko, parang, nakakalungkot kasi ito iyong isang tao na hindi naman Pilipino pero inialay iyong kaniyang buhay for 27 years para tulungan iyong pinakamahihirap nating mga kababayan.

    Binabasa ko, Ka Ely, kung ano iyong ginagawa nila. Parang ginagawa namin dati noong nasa SALIGAN pa ako. Babad sa communities, tinuturo sa kanila kung ano iyong kanilang mga karapatan, sa paniniwala na kapag alam nila iyong mga karapatan nila, mas nasa posisyon sila para ipaglaban ito. Binabasa ko na matagal na panahon na tumulong siya sa Aurora, tumulong siya sa mga Lumad. Talagang babad na babad at nakakalungkot na pinaalis siya dito sa atin. Sabi ko nga, Ka Ely, parang mas Pilipino pa siya kaysa sa marami sa atin.

    ELY: At iyong pagtulong niya, Ma’am, wala pang kapalit sa sarili niya.

    VP LENI: Walang kapalit. Walang kapalit.

    ELY: Wala siyang—ibig sabihin—na pakinabang sa sarili.

    VP LENI: Wala talaga. Pero tingin ko, Ka Ely, temporary lang ito. Temporary lang iyong pagkawala niya dito sa Pilipinas. Siguro paalala din sa atin na mga—sa amin na mga pulitiko— na pahiram lang sa amin iyong mga posisyon na hinahawakan namin ngayon. Dahil pahiram lang ito, ang nagpapahiram nito ang taumbayan, ayusin namin. Hindi namin dapat, parang, kine-claim na personal itong karapatan dahil iyong pagtalaga sa amin dito, inaasahan na maglingkod kami ng husay. Nakakalungkot na pulitika iyong naging dahilan. Nakakalungkot na iyong pagpahayag ng mga saloobin, parang, kailangan parati mong pagbayaran.

    Pero gaya ng sabi ko, ito, pinatunayan na ng kasaysayan, Ka Ely, na hindi tumatagal iyong masamang saloobin. Parating sa huli, kabutihan iyong mananaig. Kaya tingin ko dadating iyong panahon na babalik din si Sister sa atin at ipagpapatuloy iyong misyon niya para tulungan iyong mga Pilipino.

    ELY: Opo, at sana iyong mga kahalintulad na may mga ganiyang adbokasiya, Ma’am, ano, manatili po sila na tumulong sa mga Pilpino.

    VP LENI: Oo naman. Ito, Ka Ely, iyong nakaraang… ito, iyong nakaraang linggo, nagbabad ako, Ka Ely, sa Albay at Sorsogon. Mayroon kaming ni-launch, ang tawag namin Laylayan Koalisyon. Pero ito, Ka Ely, ano talaga ito, mas pagpapa—parang, pagpapa-lakas noong mga sektor. Ginawa kasi namin ito sa Naga noong nabubuhay pa iyong asawa ko. Sa Naga, nagkaroon ng People’s Council. Ang gusto sana namin, Ka Ely, sa ibang lugar magkaroon din ng ganito para nagkakaroon ng pagkakataon at saka platform iyong mga basic sectors na ipahayag iyong mga kagustuhan nila.

    Iyong nakakataba lang ng puso, Ka Ely, kasi noong launch nito sa Albay at saka Sorsogon, iyong mga nagsalita iyong mga galing sa sektor. Ano sila, puno ng pag-asa na magiging daan ito para finally, marinig iyong mga boses nila. Paminsan kasi iyong ibang mga pulitiko, Ka Ely, ayaw nito, kasi pakiramdam nila sagabal lang ito sa mga ginagawa nila, pero ito, iyong experience namin, Ka Ely, sa Naga, kapag empowered iyong mga sektor, mas maganda iyong governance. Mas maganda iyong pagpapatakbo kasi napapakinggan—napapakinggan iyong iba’t ibang mga sektor.

    Binabasa ko rin sa balita, Ka Ely, na parang finally nag-groundbreaking na sa Marawi.

    ELY: Opo, tagal na noon.

    VP LENI: Oo, ang tagal na. Ito, more than a year after matapos iyong siege. Sobrang tagal, pero good news pa rin na finally nagkaroon na ng groundbreaking. Pero iyong panawagan ko rin, Ka Ely, sa authorities, na siguraduhin na may participation iyong mga taga-doon. Kasi iyong bawat baba namin, iyon iyong reklamo ng mga taga-doon, na parang hindi sila sinasali.

    ELY: I-konsulta sa kanila—

    VP LENI: Oo, at saka sana bigyan sila ng boses sa kung ano iyong direksyon na gusto nilang mangyari, kasi mahalaga na nararamdaman ng tao na mahalaga iyong kaniyang boses. Ito din iyong sadya natin dito sa Laylayan Koalisyon. Gusto natin simulan dito sa Bicol, so tapos na kami sa Albay at saka Sorsogon. Hopefully, in the next two or three weeks, magka-Camarines Norte kami. Kahapon nag-meeting kami sa opisina, iyong pinakiusap ko sa staff, Ka Ely, iyong after the launch, sundan kaagad. Magpa-planning na iyong mga sektor para sila iyong nagsasabi ano… “Iyong gusto naming mangyari sa aming sektor.” Sinabi ko sa kanila, “Kapag nagkakaisa tayo, mas malakas iyong boses natin. Parang iyong mga pulitiko, walang choice kundi pakinggan tayo.”

    ELY: Okay, samantala, mga kasama. Salamat ho dito sa Catholic Mass Media Awards, Ma’am.

    VP LENI: Oo nga, Ka Ely. Finalist po ang BISErbisyong LENI. Napakalaking bagay kasi bagong-bago pa lang tayo, Ka Ely.

    ELY: At iyan po ay sa November 14 po ano, 2018, iyong 40th Catholic Mass Media Awards Night. Si Cardinal Luis Antonio Tagle ang magbibigay po mismo ng award.

    VP LENI: Ah, talaga. Naku, congratulations sa atin, Ka Ely, at sa lahat ng taong behind dito sa BISErbisyo.

    ELY: At of course, belated happy birthday sa ating kaibigan, ano, si Arnold Clavio. November—

    VP LENI: Naku, hindi ko nabati si Arnold. Happy birthday sa iyo, Arnold.

    ELY: Okay, sandali lang ho, mga kasama, at maya-maya ang Istorya ng Pag-asa. [END GAP 2]

    KA ELY: Okay mga kasama, oras natin, 9:38 na ng umaga. Tuloy na po tayo sa ating Istorya ng Pag-asa.

    VP LENI: Ka Ely, nagkita na kami during the awards night, pero ngayon lang ulit kami magkikita. Pero very interesting, Ka Ely, iyong kaniyang film. Naging one of the finalist noong Istorya ng Pag-asa Short Film Festival. Iyong title ng kaniyang film ay “Person With This Ability.” Iyong kaniyang fineature ay isang PWD na taga-Baguio siya ‘di ba, Kristel? Pero ipakilala muna natin ang ating guest, si Kristel Ann Reyes. Napakaganda ng kanyang palayaw, Tala. Magandang umaga sa iyo, Tala.

    TALA REYES: Magandang umaga rin po.

    VP LENI: Si Tala, Ka Ely, ay taga-Pangasinan. Taga-Pangasinan siya, pero ang kaniyang subject ay isang PWD na taga-Baguio. Siguro tanungin natin si Kristel, matagal na ba siyang nasa film? Matagal na ba siyang gumagawa ng film, at paano niya nakilala ang kaniyang subject?

    TALA REYES: Okay po. Nagsimula po kasi akong gumawa ng film through subjects po namin, Communication.

    VP LENI: Iyong major mo talaga, film talaga?

    TALA REYES: Ah, kapag Communication Arts po, saklaw niya po iyong journalism, filmmaking and scriptwriting.

    VP LENI: So kahit hindi mo major in film, talagang mayroon kang subjects in film?

    TALA REYES: Yes po. Doon po nag-umpisa. Gumawa po kami ng short films sa mga school projects at sa pamamagitan po ng professor namin, si Ma’am Lorelie Gonzales.

    VP LENI: Sa SLU ito, ‘di ba?

    TALA REYES: Yes po. Sa St. Louis University.

    VP LENI: St. Louis University sa Baguio. Pero ito, nag-graduate ka na noong June, Tala, ‘di ba?

    TALA REYES: Yes po.

    VP LENI: Nag-graduate na siya. Congratulations.

    TALA REYES: Thank you!

    VP LENI: Napanood ko iyong film mo. Parang for a student… kasi ginawa mo iyon, estudyante ka pa, ‘di ba?

    TALA REYES: Yes po.

    VP LENI: Parang very promising na… kasi, Ka Ely, iyong film, three to five minutes lang, eh. Parang ang hirap mag-feature ng isang…

    KA ELY: Sisiksikin sa isang maikling…

    VP LENI: Paano mo ikukuwento ang buhay ng isang tao in three to five minutes, pero nagawa mo iyon. Tama ba iyong aking pakiramdam na iyong film is something you want to pursue?

    TALA REYES: Yes po.

    VP LENI: Pang-ilang film mo na itong nagawa, itong “Person With This Ability”?

    TALA REYES: Pangatlo pa lang po.

    VP LENI: Pangatlo pa lang?

    TALA REYES: Opo.

    VP LENI: Ano iyong unang dalawa mong film?

    TALA REYES: Iyong una is “Alpas” po, short film po siya, and then iyong pangalawa is po is “Talyaw.”

    VP LENI: Iyong “Alpas” about what?

    TALA REYES: About infertile women po.

    VP LENI: Ah talaga. Iyon, hindi ganoon ka-short?

    TALA REYES: Short film po siya.

    VP LENI: Kapag sinabi mong short film, gaano siya kahaba?

    TALA REYES: Nasa five to 10 minutes po.

    VP LENI: Ah, five to 10 minutes din. Tapos iyong pangalawa?

    TALA REYES: “Talyaw” po.

    VP LENI: Iyong “Talyaw,” ano naman iyon?

    TALA REYES: Two minutes po siya na film. Ang theme po kasi namin doon is Filipino culture.

    VP LENI: Okay.

    TALA REYES: So ang naging angle namin doon is iyong perspective ng ating society ngayon when it comes to women.

    VP LENI: Ah, so parehong tungkol sa kababaihan?

    KA ELY: May adbokasiya iyong bawat ginagawa. May laman.

    VP LENI: Oo nga, eh. Parang advocacy-centered iyong mga films na ginagawa mo. Tapos ito, paano mo nakilala iyong subject dito sa “Persons With This Ability”?

    TALA REYES: Iyon po, ang nagpakilala po sa amin…

    VP LENI: Daniel siya, ano?

    TALA REYES: Yes po. Si Tatay Daniel po. Ang nagpakilala po sa amin noon is one of our Production Team po. Si Shane Manlapaz po. So Mass Communication po siya.

    VP LENI: Iyong Production Team, mga kaklase mo sila?

    TALA REYES: Yes po. Kasi parang ginroup po kami ng Professor namin sa film, kasi gusto niya po talaga kaming i-expose sa labas din po ng University.

    VP LENI: Pero sa group niyo… halimbawa, ilan ba kayo sa group niyo?

    TALA REYES: 10 po.

    VP LENI: Doon sa 10, sino ang nagde-decide sino ang magdidirek, sino ang scriptwriter … Kayo-kayo rin?

    TALA REYES: Yes po.

    VP LENI: It so happened na iyong sa inyo, ikaw iyong both scriptwriter saka direktor?

    TALA REYES: Iyong sa script po, mayroon pong mga… may dalawa po na mayroon talagang tumulong sa script. Kasi nga po, five minutes siya.

    VP LENI: Oo nga, eh.

    TALA REYES: Parang napaka-challenging na ipagkasya ang buhay ng isang tao sa five minutes po. Hanggang sa napag-usapan namin, paano kung gawin nating mas visual? Not puro words. Kaya doon po sa film namin, puro imagery po siya.

    VP LENI: Tapos ano, ‘di ba, iyong kuwento ni Daniel, ano siya, PWD tapos pero naging archer siya, ‘di ba?

    TALA REYES: Opo.

    VP LENI: Ano siya, Ka Ely, mahusay sa archery. Pero marami siyang dinaanan bago niya iyon narating. Paano naman siya nakilala noong production staff si Daniel?

    TALA REYES: Isa po kasi si Tatay Daniel, since napaka-interesting po talaga ng story niya. Isa po talaga siya sa na-i-interview ng Masscom para sa article namin. So si Ms. Shane Manlapaz po, iyong kaklase namin, siya iyong nakapag-interview talaga.

    VP LENI: So parang feature article siya?

    TALA REYES: Yes po. So parang nagsa-suggest kami ng potential subjects, sino ba talaga iyong deserving talaga po na ma-expose since story of hope po. So sabi po ni Ms. Shane Manlapaz, what if puntahan natin si Tatay. So pumunta po kami doon sa mini-stall nila …

    VP LENI: Kasi may tindahan sila, ‘di ba?

    TALA REYES: Opo. May tindahan po sila doon ng bottled water.

    VP LENI: Silang mag-asawa?

    TALA REYES: Opo, silang mag-asawa. Noong pumunta po kami doon after class, iyong nadaanan lang po namin is iyong asawa lang po ni Tatay.

    VP LENI: Mga anong month iyon?

    TALA REYES: Mga May po.

    VP LENI: So malapit na iyong deadline?

    TALA REYES: Malapit na po. Tapos noong nandoon kami, wala po si Tatay doon. Medyo nahihiya pa po si Nanay, kaya sabi ni Nanay, ang kausapin niyo na lang iyong asawa ko. Binigay po iyong contact detail at iyong address. Tapos tinawagan po namin agad si Tatay. Nag-respond naman po agad. Nag-welcome po agad. Sabi namin, “Tatay, pwede po ba namin kayong puntahan sa house po ninyo?”

    VP LENI: Siguro ito, for the benefit ng mga nakikinig sa atin, ano iyong kapansanan ni Mang Daniel?

    TALA REYES: So si Tatay Daniel, simula po nung ipinanganak siya, wala po talaga siyang paa. So nasanay din talaga si Tatay na even before, inaalalayan niya iyong sarii niya, kasi noong bata po siya is nagpapalit-palit po siya ng lugar so pinapunta po siya…

    VP LENI: So tubong Baguio talaga siya?

    TALA REYES: Mountain Province po. So from Mountain Province, napunta po si Tatay sa Manila, sa Pangasinan, saka sa Baguio na po siya nag-settle kasi doon na po niya nakilala iyong asawa niya.

    VP LENI: Tapos, nakapag-aral ba siya?

    TALA REYES: Tinry po ulit ni Tatay na bumalik sa pag-aaral pero po noong nandoon na siya sa school, na-feel po ni Tatay na hindi na siya makabalik sa flow…

    VP LENI: Na napag-iwanan na siya. So paano siya napasok sa archery?

    TALA REYES: So iyong mga napuntahan po na DSWD, Tahanang Walang Hagdan, doon po is iyong mga tao, may kapansanan. Mayroon po silang mga ginagawang activities, may mga sports. Actually, hindi lang po archery ang ginagawa niya. Nagba-basketball din po siya.

    VP LENI: Oh my God.

    TALA REYES: Pero ang gusto po talaga niyang sports is Archery.

    VP LENI: Oo, ‘di ba, sa movie— Kasi ito, Ka Ely, itong archery, hindi siya common, ‘di ba? Hindi siya common na sports. Pero sa lahat ng sinubok niya, doon siya humusay? Pero huminto siya for a while, ‘di ba?

    TALA REYES: Yes po.

    VP LENI: Bakit nga siya huminto?

    TALA REYES: Nagkasakit po kasi si Tatay that time. Tapos nag-stay siya sa house para matulungan din po iyong asawa po niya, kasi po since mayroon silang mini-stall, si Ms. Brigida po iyong pumupunta sa stall para magbantay po nung kanilang puwesto, tapos si Tatay naman po iyong nagpi-prepare noong kailangan ng mga anak.

    VP LENI: Ilan nga iyong anak nila?

    TALA REYES: Tatlo po.

    VP LENI: Ayon, Ka Ely, wala siyang paa pero nagha-hanapbuhay. Nagha-hanapbuhay para maitaguyod ang anak. Parang ang powerful noong movie, ang powerful noong film, lalo na iyong… Una, iyong audience, para sa akin, iyong audience noon, iyong pareho niyang may kapansanan, na huwag mawalan ng pag-asa, kasi kung si Tatay Daniel nga nagagawa iyong nagagawa niya, puwede rin nilang gawin. Pangalawa, para doon sa walang kakulangan, iyong mga walang kakulangan, walang dahilan para magtamad-tamaran.

    KA ELY: Iyong mga namamalimos, ang lalakas ng katawan.

    VP LENI: Kaya nga eh. Tingin ko iyon iyong value nung movie na…

    KA ELY: Maganda iyong mensahe.

    VP LENI: … na nakakahiya naman kayo. Kumpleto iyong faculties niyo tapos hindi kayo mag-hanapbuhay. Talong-talo kayo ng taong ito. Pero ito, Tala, ngayong graduate ka na, ano iyong balak mo as far as filmmaking is concerned?

    TALA REYES: Opo. Ngayon po, I’m working po.

    VP LENI: Ah, nabasa ko nga. Nag-iipon ka.

    TALA REYES: Nag-iipon po ako para sa film school din po.

    VP LENI: Kasi iyong work mo, hindi related sa filmmaking, ‘di ba? Nagtatrabaho siya Ka Ely. Dito ba iyan sa Maynila?

    TALA REYES: Dito po.

    VP LENI: Dito. Pero iyong dahilan mo, gusto mong pumunta sa film school, ‘di ba? Ang mahal ng film school, Tala, ‘di ba?

    TALA REYES: Opo. Kaya kailangan po talaga magtipid.

    VP LENI: May target ka bang school?

    TALA REYES: Sa UP po sana.

    VP LENI: Iyong film ba sa UP, how long siya? Iyong buong course?

    TALA REYES: Two years po siya ‘pag full-time po. Pero kung nagtatrabaho po iyong students, umaabot po siya ng four years.

    VP LENI: So posibleng i-pursue mo kahit nagwo-work ka?

    TALA REYES: Opo.

    VP LENI: Sana, Tala, patuloy pa rin ang paggawa mo ng films kasi iyong una mong— Ano kasi Ka Ely, mga almost 80 iyong pinagpilian namin. Iyong film ni Tala is among the Top 15, kaya congratulations sa iyo. Ano iyong mensahe mo sa mga pareho mo din na mahilig dito sa larangan na ito, at ano ang mensahe mo para ma-pursue nila ang kanilang pangarap?

    TALA REYES: Okay po. So first po, huwag po silang matakot i-touch iyong mga untouched subjects po, since marami po talagang films na nag-e-exist, mayroon at mayroong angle na hindi pa nakikita ng tao. Pangalawa po is if you’re going to make a film, make sure that it will make a change or difference din po.

    VP LENI: Ang galing.

    TALA REYES: Kasi if you’re going to show something po at nandoon lang tayo sa level of entertainment, ganoon po. Mas nafu-fulfill ka po kasi if iyong craft mo talaga is may impact sa tao.

    VP LENI: So iyon ba ang dahilan kaya ang ginagawa mo is advocacy-heavy?

    TALA REYES: Yes po.

    VP LENI: At iyong balak mo ba sa future, ganoon pa ring klaseng film ang gagawin mo?

    TALA REYES: Yes po.

    VP LENI: Sana sumali ka ulit sa susunod kasi magkakaroon tayo ng Part 2 ng Istorya ng Pag-asa.

    KA ELY: Baka taon-taon na iyan?

    VP LENI: Balak nga namin. Alam mo, Ka Ely, iyong ginawa natin noong June, parang in celebration lang of the anniversary, pero sa ganda noong sinubmit, gusto na namin gawing yearly kasi ang dami talagang… ang daming talent…

    KA ELY: Para matuklasan pa iyong ibang talento.

    VP LENI: Saka ano talaga, Ka Ely, nakipagsabayan talaga iyong mga estudyante sa mga beterano. Kaya maraming sumali na, ano na, beterano. May mga sumaling estudyante pero kung titingnan mo iyong Top 15, nakipagsabayan talaga.

    KA ELY: Pero kung titingnan talaga dito, Ma’am, na hindi tayo mauubusan ng talent.

    VP LENI: Hindi tayo mauubusan ng talent.

    KA ELY: Iyang mga beterano na iyan, kung sakaling magretiro na iyang mga iyan, may papalit.

    VP LENI: Mayroong papalit. Kailangan lang talaga ng exposure. Kailangan ng exposure kasi masikip din sa entertainment, pero kung ganitong advocacy-related… Kasi napansin ko iyan, Tala, eh. Kasi iyong Istorya ng Pag-asa, for an entire year, ginagawa namin is roving na photo gallery. Umiikot sa malls, sa mga schools, iyong mga stories. Pero noong nagkaroon ng film, mas grabe. Parang iyong tao, mas powerful sa kanilang medium iyong napapanood kaysa binabasa. Kaya sana marami pang pareho ni Tala na sumali, kaya congratulations sa iyo, Tala.

    TALA REYES: Thank you po.

    VP LENI: Magpasalamat tayo kay Tala, Kristel Ann Reyes.

    KA ELY: So panghuli, baka may ipapayo ka sa ating mga kababayan? Lalo na iyong ganiyang linya ang gustong gawin pero nag-aaral pa rin, ‘di ba? Iyong iba, pagka-graduate, dire-diretso na. Ayaw ng iba pang…

    VP LENI: Parang hindi na ipu-pursue iyong passion.

    KA ELY: Ano pa iyong maipapayo mo sa kanila?

    TALA REYES: It’s okay na hindi muna natin ma-attain kung ano ba talagang gusto nating gawin, as long as alam natin na iyon ang end natin.

    VP LENI: Galing.

    KA ELY: Iyon.

    VP LENI: Hindi naggi-give up.

    KA ELY: Kristel—Tala, salamat, ha.

    VP LENI: Maraming salamat. [END GAP 3]

    KA ELY: Oras na po namin mga kasama, 9:53 na ng umaga. Basa po muna tayo muli, Ma’am, ng iba pang mga mensahe.

    VP LENI: Ito, Patricia Rodrigo. Maraming salamat po. Nagpapahayag siya ng suporta. Ito, Ka Ely, Hong Kong ulit. Parang hindi ito ang first time na nakasama natin si Marife Dela Cruz. Maraming salamat at parati kang sumasama sa amin ni Ka Ely. Ito naman, Jessie Balagtas Ramos, Arayat Pampanga. Ito, Hong Kong ulit, Nhetz Sul. Abangan niyo po uli ang pagpunta namin diyan ni Ka Ely sa Hong Kong early next year. Ito, Hong Kong ulit, Anabelle Jagna-an. Marami pong salamat sa mga taga-Hong Kong. Mayroon pa ulit isang Hong Kong, Epifania Organiza Palingcod. Maraming salamat po. Mayroon ding kababayan ko, si Princess Ly Re, tama ba ito? Galing Pili. Lorelie Samar Castillo, galing Legazpi. Mayroon pang galing Legazpi, Vic Hermosa.

    Ito, ay, nakakatawa ito. Xty Bradshaw galing LA. Pero ang LA niya pala, ibig sabihin is Lower Antipolo. Maraming salamat sa iyo. Maraming salamat sa mga kasama natin ngayong umaga. Mayroon din galing Sto. Tomas, Batangas. Jeff Moncayo, kumusta ang mga taga-Batangas?

    Ito isang Bicolano, hindi niya sinabi kung taga-saan siya. Naitsirhc? Ah, binaliktad niya pala. Christian Villanueva. Maraming salamat sa’yo, Christian. Ah, si Cynthia Valdez ulit. Maraming salamat, Cynthia. Ang sipag ni Cynthia mag-comment. Maritess Freyo. Cel Castillo… Mukhang nahihirapan ako mag-pronounce. Ciocson? Ayan, maraming salamat sa’yo. Sabi, napakaganda ng radio program. Bakit hindi raw gawing dalawang oras? Tanungin po natin si Ka Ely saka RMN.

    Ito, nagtatanong, paano po ba makakatulong sa kampanya ni Bam, Samira, Pilo, Atty. Mac, etc.? Naku, itetext ka po namin. Nag-iwan siya ng number. Naghihikayat po tayo ng mga volunteers. Alam mo Ka Ely, iyong aming mga kandidato, walang pera. [laughs] Kaya aasa tayo sa mga volunteers. Hihingi po tayo ng tulong. Bawal pong magkampanya ngayon pero iyong lahat lang po ay paghahanda. Kaya maraming salamat sa pagpahayag ng interes. Iyong iba po na gustong mag-volunteer, baka gusto niyo pong ibigay iyong number ninyo para matawagan po namin kayo. Maraming salamat.

    KA ELY: Okay, ang bilis ng oras. Panawagan lang po sa mga Overseas Filipino Workers kasi mahigit 500 million pa pala ang hindi naki-claim iyong sa terminal fee. Naku, sayang. Dapat i-claim nila iyan.

    VP LENI: Dapat i-claim na po kasi sayang din iyon. Lalo ngayon na mahal ang bilihin. Kasi sinasabi, Ka Ely, na favorable daw sa mga OFW iyong exchange rate, pero nakakalimutan na iyong pinapadalhan nila, tumataas din iyong bilihin, kaya parang quits lang din po iyon.

    KA ELY: Pero siguro dapat dito magkaroon ng sistema ng online na lang o ano man. Kasi makikita naman iyong address sa ticket eh. Kasi kung probinsya Ma’am, halimbawa, 700…

    VP LENI: Saka iyong gagastusin, Ka Ely, sana mayroon online na paraan ng pag-claim tapos kukunin na lang nila, ibigay na lang nila iyong kanilang account. Tanungin natin, Ka Ely, sa mga authorities. Siguro imungkahi natin para hindi naman mahirap sa ating mga OFW.

    KA ELY: Okay, wala na po tayong oras Ma’am. Baka mayroon pa po kayong mensahe sa ating mga listeners na nakikinig ngayon nationwide, at sa mga kababayan natin sa iba’t ibang panig ng mundo?

    VP LENI: Iyon lang, Ka Ely, pagpapasalamat sa walang sawa na suporta. After one year, nagkaroon tayo ng nomination sa Catholic Mass Media Awards. Malaking bagay sa atin pong mga supporters. Sana huwag kayong magsawa na sumama sa amin. Kung mayroong mga concerns, i-text niyo lang po or ilagay niyo sa comments section. Iyong mga gustong mag-volunteer para sa kampanya, pa-text din po ng inyong mga number para matawagan kayo ng campaign team. Ka Ely, pasalamatan po natin lahat ng bumubuo ng BISErbisyong LENI team.

    KA ELY: Okay, maraming salamat, mga kasama. At sa ngalan po ng ating Vice President na si Leni Robredo, ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar. Hanggang sa susunod na linggo, dito po sa BISErbisyong Leni sa RMN.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 03, 2018