This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 5

    11 June 2017

    [GAP 1]

    ELY: Mga kasama ako si Ely Saludar at siyempre kasama natin ating Bise Presidente, si Madame Leni Robredo, Madame VP, magadang umaga sa inyo.

    VP LENI: Magadang magandang umaga sa inyo Ka Ely. Magadang umaga po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga, marhay na aga sa mga Bicolano, maayong buntag para doon sa mga nakikinig sa atin sa Cebu, sa Davao, sa Cagayan de Oro, saka sa mga karatig probinsya.

    ELY: At magandang umaga po Madame Vice President at kumusta po iyong linggo? Mula Lunes hanggang Linggo talagang ah, kayo po ay abalang-abala sa pagtupad sa inyong tungkulin.

    VP LENI: Medyo mahaba, Ka Ely, iyong aming linggo, talagang maraming pinuntahan pero siguro i-highlight ko na lang iyong mahahalaga. Noong Lunes iyong formal opening ng Istorya ng Pag Asa na photo gallery sa Eastwood, kaya iyon po, on-going pa rin iyon, formally binuksan noong Lunes, hanggang July 2 pa po ito, kaya kung madaan kayo ng Eastwood, nangdoon po siya sa gitnang-gitna ng…

    ELY: Parang iyong pinaka-activity center nila…

    VP LENI: Oo, iyong activity center ng mall, binuksan namin noong Lunes pero may gusto akong ikuwento Ka Ely, noong Huwebes, nandoon ako sa, Miyerkules nasa Cebu ako, pero noong Huwebes nasa San Fernando, Pampanga ako.

    Mayroon doong tatlong events na pinuntahan, pero bago nagsimula iyong events namin may dinaanan kaming isang malaking factory, ito factory ng mga branded na bags, hindi ko na sasabihin iyong mga brands kasi hindi ako sigurado kung puwede sabihin, pero alam niyo, Ka Ely, more than 12,000 iyong employees na nandoon.

    ELY: Nako, ang dami po.

    VP LENI: Napakalaking factory at inikot namin iyong factory, tinatanong ko iyong mga empleyado kung kumusta sila, sabi nila masaya naman sila. Maganda daw iyong working conditions, iyong pinakamababang suweldo, minimum wage.

    ELY: So tumutupad sila sa batas.

    VP LENI: Tumutupad talaga. Tapos iyong nakakatuwa iyong kasama namin iyong nag-ma-manage, ang sabi niya mag-e-expand pa sila, naghahanap pa sila 3,000-4,000 workers. At karamihan doon sa 12,000, Ka Ely, taga-Pampanga din.

    Kaya kung ma-imagine natin nag-employ ka ng 12,000 sa isang probinsya, talagang nabago mo iyong buhay noong napakarami. Hindi lang empleyado, hindi lang pamilya nang empleyado, pero iyong kaakibat na negosyo na naapektuhan.

    Iyong tricycle, iyong jeep, iyong kainan. Talagang napakalaki. Kaya sabi ko nga kailangan iyong mga negosyong labor-intensive, talagang sinusuportahan ng ating pamahalaan. Kasi driver talaga ito ng employment.

    ELY: Opo. Napakaimportante nito, noh? At bukod diyan, nag-fo-follow ako sa inyong twitter at pumunta po kayo sa bandang Manila?

    VP LENI: Oo, kahapon!

    ELY: Caloocan din, ano?

    VP LENI: Caloocan. Pumunta kami, Ka Ely, sa dagat-dagatan. Actually, gusto namin ito gawin mga twice a month na pinupuntahan iyong mahihirap na lugar dito sa Metro Manila. Kasi parang noong nakaraang taon mulang nag-umpisa kami noong July, hanggang ngayon, two days, three days, a week, pumupunta kami sa pinakamalalayo at pinakamahihirap na lugar sa buong Pilipinas.

    Sabi namin kung naabot namin iyong malalayo, mag-seset aside kami ng oras para iyong mahihirap naman na lugar dito sa Metro Manila mapuntahan. Iyong pinakaunang pinuntahan namin sa Dagat-dagatan. Barangay 28.

    Ano ito, Ka Ely, talagang medyo mahirap iyong lugar ito, ano ito, informal settlers na area. Parang walang pormal na programa, binista namin iyong mga bahay-bahay, pinakinggan iyong kuwento ng mga nandoon. Partner namin iyong opisina ni Congressman Edgar Erice.

    ELY: Ng Caloocan.

    VP LENI: Oo, kasi mayroon silang–District 2 ito ka Ely, ito iyong pinakamalaking barangay ng District 2, mayroon silang medical mission doon. Iyong medical mission nila may medical, may dental, optical.

    Iyon iyong kasabay ng aming okasyon pero iyong nakakaantig ng puso, Ka Ely, iyong hirap din na pinagdadaanan ng ating kababayan doon. Mayroong kaming pinasok na isang bahay, iyong tatay wala kasi pumalaot daw.

    Mayroon siyang maliit na bangka, pumalaot siya, iyong kuwento ng nanay, ang kita ng kanyang asawa araw-araw, parang tamang-tama lang, minsan kulang pa sa pagkain. Lima yung kanilang anak, yung panganay 18, yung pinakabunso ay 7 taon. Yung 18 nakakuha ng scholarship sa college galing sa mga Korean na mga madre pero ang nakakapanlumo dito, first semester pa lang sa college na-diagnose na mayroon siyang leukemia at pumunta kami doon sa kanilang bahay nandoon iyong bata at kahit payat na payat na siya, nag-uundergo ng chemotherapy naka-four rounds na siya, Ka Ely pero gusto niya pa ring mag-aral.

    Gusto pa din niyang magpatuloy dahil sabi niya, ako sana yung makakaahon sa pamilya namin sa kahirapan, gusto ko sana mapabahayan iyong magulang ko kasi iyong bahay nila tagpi-tagpi nasa tabi ng ilog.

    Yung kuwento ng nanay, kung saan saan na siya nakarating para humingi ng tulong para sa pagpagamot ng anak. Ito Ka Ely, gusto kong i-discuss kasi halos karamihan sa text messages natin noong nakaraang linggo nagtatanong tungkol sa medical assistance.

    Sabi ko nga kanina bago nag-umpisa tinitimgnan ko yung mga text messages although mayroon na tayong mga referrals, mayroon tayong tulong sabi ko dapat ata asikasuhin na natin ito kasi halimbawa iyong kuwento ng nanay ng may sakit nauubos talaga ang oras niya umikot para maghanap.

    ELY: Pero yung leukemia po, medyo mabigat po iyan lalo na kung may karamdaman ang isang miyembro ng pamilya, iyong focus ho talagang naiiba. Dito ho papaano ho nila naigagapang iyon? Kasi bukod ho sa pang araw-araw nilang pangangailangan, siyempre kung may sakit ho ang anak talagang…

    VP LENI: Tsaka, Ka Ely, halimbawa iyong isang punta nilang treatment 22,000. 22,000 ang kinakailangan naka-apat na sila yung isang cycle daw nila, sa opisina ko hiningi. Doon lang kami nagkita pero pumila daw sila sa opisina namin, may nahingi na rin sila kay Cong. Erice, may nahingi na rin daw sila sa party list congressman, parang kinukuwento nila na parang na-mamaster na daw nila kung saan hihingi.

    Sa PSCO pero, Ka Ely, sa mga nakikinig po, kasi mayroon din sa ating mga nag-text. Mayroon ding mga nag-text galing sa Dinggalang, Aurora mayroon pong dalawang nag-text galing sa Dinggalang, Aurora.

    Mayroon po sa ating nag-text galing sa Barangay Cabancalan, Masbate, mayroon pang iba lahat medical po ang tanong kaya ito po gusto nating bigyan ng idea kung kani-kanino ba lalapit.

    Iyong mga ospital po basta public hospital, government hospital, parati po iyang may representative ang DOH, may representative ang DSWD at paminsan may representative ang congressman.

    Lalapit po sila doon at may kaunting interview pero kahit papaano nakakatulong na iyon. Iyong PCSO po nakakahingi din. PCSO medyo malaki-laki ang nahihingi kaya kami po pag may lumalapit sa amin kahit na may naibigay na ang opisina, ni-rerefer pa rin namin sa PCSO.

    Gaya po noong sabi ng nanay na pinuntahan namin kahapon iyong mga party list congressman daw po may mga nagbibigay ng mga guarantee letters sa government hospitals. Pero kinukuwento niya nga po, paminsan pinapangutang niya yung pamasahe para lang pumunta sa mga puwedeng hingian. Kanina po noong nagkukuwentuhan kami sabi ko panahon na ata para ayusin natin iyong healthcare. Kasi hindi naman puwede na bawat pangangailangan ipipila. Kawawang-kawawa kasi paano naman iyong walang pipila para sa iyo?

    ELY: Sila po talagang mahirap naman. Hindi ba sila pasok sa 4Ps? Kasi kung miyembro sila ng 4Ps, puwede silang mag-avail sa Philhealth na libre kasi may mga package rate po sa Philhealth baka puwede ho natin silang i-endorse doon?

    VP LENI: Actually naka-avail na po sila sa Philhealth. Ang problema lang po nito, continuous. Bawat buwan po ay mayroon talagang cycle na dadaanan at mahusay din ho iyong Nanay sinasabi niya na nakalaan na halimbawa for July mayroon na siyang hihingian. For June.

    ELY: So nag-aadvance na po…

    VP LENI: Pero minsan naisip ko lang, Ka Ely, nakakaawa din kasi imbis na ialaga mo sa may sakit, imbis na itulong niya sa asawa niya na naghahanapbuhay, imbis na iasikaso niya sa iba niyang mga anak, pila nang pila kaya kailangan talaga hanapan natin nang paraan na nariyan na talaga ang tulong na hindi mo na kailangang parang paminsan para kang namamalimos di ba?

    ELY: Ang sinasabi niyo po ay sa mga ibang ahensya mayroon sanang one-stop shop.

    VP LENI: Oo na nadoon na lahat.

    ELY: Pupunta iyong mga kababayan natin na kung talagang kuwalipikado, mahirap, wala pong kakayahan, at dapat talagang tulungan.

    VP LENI: At hindi na pila nang pila, actually Ka Ely iyon na iyong inaasikaso namin sa opisina namin kasi iyong nalaman ko, mayroon kaming medical assistance pero pumipila iyong mga tao paminsan matagal ilang oras pumipila.

    Alam mo, Ka Ely mayroon kaming opisina sa Roxas Boulevard. Nalaman ko na dahil iyong building na inaarkila namin, di naman kayang i-accommodate ang maraming tao, pumipila sa labas ng building nauulanan naarawan nakakaawa din.

    Kaya sabi ko dapat mas pangmatagalang solusyon yung dapat nating hanapin dito sa medical assistance. Kung titingnan natin iyong mga nag-text sa atin last month halos lahat humihingi ng medical assistance.

    Kaya ito pinapatawagan natin ito at tutulungan natin na makahanap ng mga guarantee letters, lumapit sa DOH, pero sa palagay ko wake up call ito sa aming mga public officials na hanapan na talaga ng pang matagalan na solusyon.

    ELY: So talagang magkaroon talga ng isang lugar na lang na pupuntahan na doon na. Siguro lahat ng ahensiya at iba’t ibang mga tanggapan pa na may pondo sa ganyan siguro pag-ipon-iponin na at lahat.

    VP LENI: Oo nga e. Mayroon nang inventory ng talagang mga mahihirap kasi paminsan di nawawala iyong mayroon namang panggastos pero dahil nalaman na mayroon binibigay dito, pupunta pa diyan.

    Ang problema po nito, iyong inaalisan natin ng pondo iyong mga talagang nangangailangan.

    ELY: Puwede po iyan, kaya lang talagang budget po ang kailangan, lalo sa mga health center.

    VP LENI: Totoo, totoo.

    ELY: Talagang lagyan na po ng mga magagandang equipment po iyan, at ang pinakaimportante siguro kung maililibre po iyong medical check up?

    VP LENI: Oo.

    ELY: Iyong umpisa po, kasi kung kailan may sakit doon lalapit.

    VP LENI: Iyong problemang karamihan, Ka Ely, na dinudulog sa amin, na kahit malibre iyong check up, iyong mga laboratory iyong parating problema. Maraming hospital ang hindi kumpleto sa laboratory, maraming government hospital na hindi kumpleto. I-rerefer sila sa labas, na private na, iyon iyong hindi ililibre. Kaya tingin ko, dapat iyong siguruhin na mga government hospitals na talagang kumpleto sa laboratory para kung tutulong din lang naman tayo, sagad-sagarin na natin.

    ELY: Alam naman natin na iyong sinasabing prevention is better than cure.

    VP LENI: Totoo. Tapos iyon, Ka Ely, iyong pagbaba namin sa Caloocan kahapon, may kasama kaming mga partners para kung mayroon mga problemang idulog sa amin, baka puwedeng masagutan.

    Gaya kahapon, kasama namin iyong Physicians for Peace, isa itong NGO, Ka Ely, na iyong mga nangangailangan ng wheelchairs, nangangailangan ng mga artificial kamay at paa, sila iyong nagkakabit. Kahapon nga, may mga nabigyan ng wheelchairs doon sa Caloocan.

    Mayroon din kaming kasamang, iyong Lingap sa Laylayan ng Lipunan, para rin itong isang grupo na tumutulong sa livelihood. Kahapon, iyong mga taong lumapit sa amin at naghahanap ng trabaho, mineeting nila kahapon, at napagkasunduan nila kahapon, na itong Lingap sa Laylayan ng Lipunan, na sila iyong mga gagawa ng trainings, ang hinihingi doon ng mga tao, parang meat processing. Meat processing, gagawa ng mga bag, mayroong pag-training sa masahe, kasi iyon ata iyong opportunities doon, kaya napag-usapan iyong tulong.

    May kasama din kaming QC United, isang grupo din na tumutulong, ito magbibigay siya ng livelihood assistance in cash. Iyong kinukuwento ko sa iyo, Ka Ely, pamilya na hirap na hirap dahil may leukemia iyong anak, iyan iyong bibigyan ng QC United; magbibigay siya ng P10,000 na livelihood assistance.

    Ang hinihintay lang namin ang desisyon ng pamilya, kung ano ang gusto. Iyong una, parang ang gusto nila sana ay magbebenta sila ng bigas, pero dahil ang liit-liit ng bahay na tumutulo kapag umuulan, nag-aalala sila na wala silang pagtataguan ng bigas. Iyong isang naisip nila ay mag-tricycle. Sabi namin kung tricycle, kulang iyong P10,000, edi magraraise tayo.

    Ngayon iyong iniisip nila, baka mas malaking bangka. Iyong bangka daw po nila ngayon, napakaliit, hindi nakakalayo, doon lang siya nangingisda sa malapit. Pero iyong isang kasama namin, Ka Ely, iyong ASA Philippines, isa itong micro-finance na grupo. Iyong kabutihan nito, kasi nagkaroon ng job fair kahapon. Mayroon siya ng mga pangangailangan ng mga empleyado at bago ako umalis, mayroon na nakuhang isa, parang micro-finance officer. Ito iyong balak nating gawin kapag bumababa tayo sa mga communities, dala na kaagad iyong mga puwedeng tumulong.

    ELY: So ang kagandahan po nito, at bukod po sa mga lugar po sa mga lalawigan, dito po kayo sa Metro Manila?

    VP LENI: Mga dalawang beses sa isang buwan, Ka Ely.

    ELY: Ang kagandahan po ito kayo makakasama, kadalasan Madam, iyong mga ibang opisyal ay kapag napuwesto na, hindi mo na makikita ‘ni anino. Pero kayo, patuloy na umiikot at inaalam ninyo po ang kalagayan ng ating mga kababayan. Kasi iyong iba, kampanya lang po iyan, pagkatapos ng kampanya, naku ang hirap nang puntahan iyong mga iyon sa opisina.

    VP LENI: Iyong problema kasi nito, Ka Ely, may mga taong mahusay umikot para humingi ng tulong. Pero nakita natin na parang maraming mas nangangailangan at hindi alam kung anong gagawin. Maraming mas nangangailangan na wala nang mapapag-iwanan na mga anak sa bahay. Iyong sa amin naman, kami na lang iyong lalapit.

    ELY: [cue gap]

    [GAP 2]

    ELY: Sa ating pangalawang bahagi ng ating panatuntunan Biserbisyong Leni, mayroon tayong panauhin, studio guest, dito po ngayong umaga.

    VP LENI: Opo. Alam niyo, Ka Ely, naisip natin imbitahin iyong HERO–representative ng HERO Foundation. Kung hindi pa natin alam kung ano ang HERO Foundation, ito po ay isang foundation na 29 years na iyong existence.

    Pero iyong pinakadahilan kung bakit siya binuo ay para matulungan ang mga anak ng ating mga sundalo. Iyong mga sundalong namatay while in action o ang mga sundalong nasugatan at hindi na makakapagtrabaho.

    Napakahusay na kaisipan, Ka Ely, pero ang pinakamahalaga siguro dito, alam mo noong, alam natin iyong nangyayari ngayon sa Marawi. At noong nakaraang, galing ako doon, Ka Ely, noong May 29, at marami na akong nabisita na killed-in-action at wounded-in-action.

    Pero nakakalungkot kasi pag balik ko dito parang mas lalong dumami. Noong Biyernes lang, mayroong matinding bakbakan. Nabasa natin, 13 sa ating mga Marines ang namatay at napakaraming wounded. Ito, siyempre ang pinakapangunahing problema na iisipin ng pamilya ay ang paano na ang pagpatuloy na pag-aaral.

    ELY: Opo. Iyong mga naiwanan din ano po.

    VP LENI: At iyong kagandahan nito mayroong scholarships. Pero hindi lang ito scholarship pang-tuition kung hindi ang scholarship ng pang-araw-araw na allowance. Kaya mayroong tayong bisita ngayon, at ang bisita po nating ngayon ay si Ma’am Janice Tuballes.

    Ma’am Janice Tuballes, galing po siya sa HERO Foundation. Magandang umaga po, Ma’am Janice. At kasama niya si Connie, Connie Caberto. Si Connie ay scholar. Mag-gagraduate na siya, Ka Ely, last year na niya sa kolehiyo. Magandang umaga sa inyo, Ma’am Janice at madangang umaga sa inyo Connie. Siguro mag-greet muna tayo sa ating mga nakikinig.

    JANICE: Magandang umaga po sa lahat na nakikinig at magandang magandang umaga po sa inyo, Ma’am Bise Presidente namin, Ma’am Leni Robredo at kay Ely po. Good morning.

    VP LENI: Good morning din sa iyo, Connie.

    CONNIE: Good morning po.

    ELY: Siguro ang unang unang tanong ay Ma’am mayroon bang mga qualification po ba kasi, sa dami po ng mga sundalo. Ano po ang pinaka-primary na qualification para maka-avail kasi hindi lang po tuition ang sinasabi ninyo, Ma’am. Lahat po, lahat.

    VP LENI: Actually ito Ka Ely, kasi iyong gobyerno kasi nagbibigay na siya ng free tuition. Pero alam natin kung gaano kahirap kung ang tuition lang ang libre. Kaya iyong HERO Foundation siya ang nagbibigay naman ng allowance. Pero tanungin natin si Ma’am Janice, ano ba iyong kailangan nilang ipresenta at qualifications para maging scholar ng iyong foundation?

    JANICE: Okay po, so iyong HERO Foundation po ay it stands for Help Educate and Rear Orphans. So sa ngayon po ang gobyerno po ang nagbibigay ng ating tuition fee ang AFP-EBSO po, Educational Benefit System Office. So sa AFP-EBSO, sila po ang nagpapasa sa amin ang lista ng mga scholar at kami po ang mga nagsu-supplement ng pagbibigay ng allowances po. So ang qualifications po, ay dapat ang bata o ang iskolar ay anak o kapatid ng namatay or totally incapacitated na sundalo natin.

    VP LENI: So kahit buhay pa, pero hindi na nakakapagtrabaho, dahil totally incapacitated, puwede na mag-apply sa inyo?

    JANICE: Opo.

    VP LENI: Ito, ang tanong lang natin ay ito ba ay mula pang elementary hanggang college o hanggang college lang?

    JANICE: Opo, Ma’am, mula elementary hanggang college, Ma’am. So iyong iba po na maraming anak po na sundalo, minsan pinipili po nila ang bunso para po mas matagal. Kasi po sa ngayon iyong HERO Foundation, isang scholar pa lang po iyong kaya per family.

    VP LENI: So kapag iyong isang anak mo ay scholar na ng HERO Foundation, hindi na qualified iyong iba? Kasi, Ka Ely tinitingan ko iyong ahm, binigay sa akin na papel tungkol sa HERO Foundation.

    As of now iyong naging scholars na nila 2,698. Napakarami na, at apparently, mayroon silang 1,082 scholars. Mayroon nga ditong breakdown. 49% doon sa kanilang scholars ay nasa Mindanao, ang 21% ang nasa Luzon, 13% ang nasa Visayas, 17% lang ang nandito sa Manila.

    ELY: Opo. Pero dito po, siguro magandang maitanong lang,papaano po iyon pagbibigay po ng allowance sa isang estudyante? Kasi naging problema din po iyan sa mga tanggapan po ng ating gobyerno na kung minsan ibibigay po sa bata pero dahil sa kapos po iyong pamilya, imbis na gagastusin niya, ibinibigay po sa mga magulang o pinang-gagastos po sa pamilya.

    Kaya ang ginawa po ng ibang ahensiya talagang pupwede talaga bigas na lang o kung ano man, o pagkain na lang. Sa inyo po, papaano nyo na-momonitor ito? Na sigurado pong sa pag-aaral ng bata napupunta?

    JANICE: Iyong mga scholars po namin forwarded po ng AFP-EBSO, so may mga requirements po kaming kailangan tulad ng certificate of enrollment at iyong kanilang original or certified true copies ng kanilang grades, so sa pamamagitan po noon na-momonitor po namin na nag-poprogress sila sa kanilang mga grades, at nagmo-move-up sila sa next level. Nasisigurado po namin na nag-enroll sila kasi kung walang proof of enrollment, hindi pwede.

    VP LENI: Pero may grade requirements ba iyon? Wala naman? Basta pinapasa niya lang?

    JANICE: Sa ngayon po wala, pero ni-rerecommend po namin na at least, 83 pataas para ma-encourage din po sila.

    VP LENI: Tsaka ito lang, di ba iyong HERO Foundation kasi, pribado ito? Hindi siya nakakakuha ng pondo galing sa gobyerno. Kaya gusto kong sabihin na privately generated iyong pondo, di ba?

    JANICE: Yes po, Ma’am.

    VP LENI: Pero as of now, saan nanggagaling, sino iyong mga kadalasang nag-spo-sponsor?

    JANICE: Sa ngayon po, mayroon tayong generous donors. Isa po sina ang Ayala Group, mayroon ding SyCip, andyan di po iyong mga taga-Robinson’s. Mga pribadong negosyante po na tumutulong sa HERO. At mayroon din po tayong iba’t ibang pamamaraan nang paglilikom ng donations.

    VP LENI: Parang fund-raising, kasi naisip ko lang ito sabihin sa radio program, kasi papaano ba makakatulong iyong publiko para mapalaki pa lalo iyong pondo ng HERO Foundation kasi siyempre mas lalong malaki iyong pondo, mas marami ring matutulungan.

    JANICE: Opo, yes, Ma’am. May iba’t ibang paraan po tayo ng pag-dodonate. Paki-visit iyong website na www.herofoundation.com, at iyong Facebook po Hero Foundation Inc. So dito po sa mga website na ito, mayroon po kayong makikita na portion na ‘donate now.’

    Iyon, so puwede po tayong mag-online donation, puwede rin pong through ATM or banking. Through BPI po sya. Mayroon din po tayong donation boxes nationwide. Located po siya sa mga malls.

    VP LENI: Siguro Ka Ely kaya kailangan natin ulit-ulitin nito, lalo na ngayon, andami na namang dagdag na mga orphans, iyong mga naulila ng ating mga sundalo sa Marawi. Marami din sa ating mga kababayan, palaging nagtatanong kung papano daw makakatulong.

    At isa siguro, sa mga pag-donate sa HERO Foundation iyong tulong na puwede nilang ibigay doon sa ating mga sundalo. Pero Ka Ely, kasama natin ngayon si Connie at siguro kumustahin natin si Connie. Kanina tinatanong ko siya kung kailan siya mag-graduate, sabi niya huling taon na niya sa kolehiyo.

    ELY: Aba.

    VP LENI: Kaya magandang umaga sa iyo, Connie.

    CONNIE: Good morning po, Ma’am. Good morning, good morning po Ka Ely.

    VP LENI: Saan ka nag-aaral, Connie?

    CONNIE: Galing po ako sa University of Makati, Marketing Management. Graduating na po ngayong taon.

    VP LENI: Tapos iyong tatay mo ay sundalo?

    CONNIE: Yes, Ma’am.

    VP LENI: Kailan ka nagsimula maging scholar?

    CONNIE: Naging scholar po ako ng HERO Foundation simula Grade 10 at ngayon, ano na, fourth year college na po. So, ilang years na.

    VP LENI: Matagal-tagal na. Mula Grade 10 hanggang fourth year college. Ito, naging scholar ka dahil nawala iyong tatay?

    CONNIE: Ano po siya, na-ambush po siya sa Basilan.

    VP LENI: Okay.

    CONNIE: Sugatan, talaga pong nasugatan siya. Siya lang po ang natira sa…

    VP LENI: Siya lang ang nabuhay?

    CONNIE: Opo.

    VP LENI: Tapos naging–hindi na siya nakapagtrabaho dahil doon. Ilang taon iyong tatay mo noong na-ambush siya?

    CONNIE: Hindi ko na po–

    VP LENI: Hindi mo na naalala. Pero ilan kayong magkakapatid?

    CONNIE: Six po kami magkakapatid.

    VP LENI: Ikaw ang pang?

    CONNIE: Bunso po.

    VP LENI: Ah, ikaw na ang bunso. Tapos iyong tatay mo, kumusta na ngayon?

    CONNIE: Nasa Batangas po sila pero, ano, okay naman po siya.

    ELY: Pero hindi siya nabigyan ng, ano, ng medalya parang Medal of Valor award?

    CONNIE: Hindi po.

    ELY: Hindi, wala. Sayang. Kasi siya lang ang mag-isa.

    VP LENI: Oo, siya lang ang mag-isa nabuhay. Napaka… Napakasuwerte, pangalawang buhay niya na ito. Pero ganito, Ka Ely, kung titignan natin si Connie. Maga-graduate na siya sa University of Makati. Marketing. Kapag nag-graduate ito, Ka Ely, ang dating obligasyon ng tatay sa pamilya, makakatulong na din siya kahit papaano. Kaya ito po ay ang nagagawa ng HERO Foundation, at talagang binibigyan ng, parang ito ang pandugtong sa buhay na nawala, o pagdugtong sa buhay na nahinto yung paghanap-buhay dahil nasugatan. Gaya ng tatay ni Connie. Pero ito, papano nagsimula ulit? Iyung HERO Foundation?

    JANICE: Iyong HERO Foundation po ay in-organize ng ating late President Corazon Aquino. So sa pamamagitan po ng kanyang initiative, at noong former Defense Secretary natin si General Renato De Villa, hinikayat po nila yung mga negosyante noong 1988 na sumuporta ng mga orphans ng ating fallen soldiers.

    So sinabi niya noon kay General De Villa na “Iyong mga namatay na sundalo – iyong anak nila, kumusta ba?” So simula po noon, na-organize itong HERO Foundation. So malaking tulong–

    VP LENI: Tapos tuloy-tuloy na siya?

    JANICE: Tuloy-tuloy na po. So for 29 years po ngayon.

    VP LENI: Kaya napakalaking bagay, Ka Ely, lalung-lalo na sa mga namatay ngayon. Tingin ko, marami na akong nakausap na ang babata pa. Iyong mga wounded, may isang nabisita ko sa punerarya, 21 years old.

    ELY: Batang-bata pa.

    VP LENI: Oo, batang-bata. Kaya kung mayroong itong mga anak, mayroong mga anak na iniwan. Sigurado mga batang-bata pa din iyan.

    ELY: Maaaring sanggol. Opo. Pero ang kagandahan ito dahil kasi sa mga sundalo, mayroong na po pension iyan sa gobyerno. Pero sa pribadong sektor, malaking tulong din ito.

    VP LENI: Malaking tulong. Malaking tulong talaga. Lalo na kasi kahit may pension, kahit may scholarship, parati kulang. Gaya noong mga nakakausap natin, mayroong scholarship, walang pamasahe. Papuna sa paaralan, walang tirahan. Kaya ito napakalaking bagay talaga.

    ELY: So dito ho, at papaano ho dito lang po sa Metro Manila. Papaano ho, halimbawa, ang nasa probinsya?

    VP LENI: Papano mag-apply. 49% kasi ang nasa Mindanao.

    ELY: Oo.

    JANICE: Opo, sa ngayon po, nationwide po siya. Iyong mga sinusuportahan nating orphans. Nag-fo-forward po sa amin iyong AFP, covered po ang mga orphans natin simula Luzon hanggang Mindanao po.

    VP LENI: So iyong mga orphans noong namatay sa Marawi, qualified na sila, pati iyong mga wounded na hindi na makapagtrabaho.

    ELY: Pero halimbawa wala namang anak na ipaaaral, basta sa mga anak lang po iiwan?

    VP LENI: Opo mga anak lang.

    ELY: Siguro panghuli, sa ating iskolar nating si Connie, anong masasabi mo, mensahe mo sa HERO Foundation at siyempre sa mga kababayan natin. Dahil sa Lunes, araw ng kasarinlan, kalayaan, at ang tatay mo isa sa matuturing natin na bayani na pinalad na mabuhay pa rin pero matindi iyong nangyari sa kanya. So sige, ano po mensahe mo Connie para po doon sa mga kapwa anak ng mga iba, ikaw siyempre buhay pero iyong iba talagang nawala.

    CONNIE: Unang-unang magpapasalamat po ako sa Hero Foundation kasi kung hindi po dahil sa kanya, walang-wala po iyong suporta kasi bukod po sa allowance na binibigay nila, nagbibigay rin po sila ng moral support para sa aming mga anak ng sundalo.

    Sila rin po iyong pangalawang pamilya namin so salamat po sa Hero Foundation. Sa mga kapwa kong anak ng sundalo, sana magsikap pa tayo sana wag tayo mawala ng pag-asa.

    Kasi, ‘wag nating sayangan iyong sakripisyo na binigay ng magulang natin sa bayan, lalo na sa atin, dahil ginawa nila iyon para sa atin, para sa future natin. And sana po, please huwag tayong mawala ng pag-asa, sikap lang.

    VP LENI: Napakagandang mensahe Ka Ely, gusting-gusto ko iyong wag sayangin iyong sakripisyo ng mga magulang. Kaya sa mga pamilya po Ka Ely, sa mga pamilya po ng naiwan, hindi lang noon pero lalong-lao na noong nakaraang araw lang.

    Iyong mga naiwan, iyong mga namatay sa Marawi, ang atin pong pakikiramay. Amin pong taos pusong pakikiramay po sa inyong lahat.

    ELY: So sa panghuli, si Miss Janice, baka may dagdag pa po kayong panawagan, at para po sa mga kababayan natin. Alam naman natin na maraming gustong tumulong pero iyong iba parang nag-aalangan dahil baka kung saan mapunta pero at least dito direkta kung sino iyong dapat na matulungan.

    JANICE: Para po sa mga gustong mag-donate sa Hero Foundation, puwede ninyo pong ivisit at i-like iyong aming page, ni-raraise rin po namin iyong awareness ng Hero Foundation. So www.herofoundation.com at sa Facebook po, Hero Foundation Inc. Mayroon din po kaming Instagram at Twitter account @hero_phils.

    Sa pamamagitan po ng pag-follow at pag-share ng pages namin, matutulungan niyo po kami ma-raise iyong awareness. Mayroon din po kami ng mga portions doon na puwedeng mag-donate.

    VP LENI: Kaya iyong mga nakikinig po sa ating ngayong umaga na parating nagtatanong kung paano makakatulong, eto po napakalaking bigay. Dahil iyong tinutulungan po natin, hindi lang iyong anak na makakapag-aral pero iyong buong pamilya. Dahil sa mga kabigatan na naiiwan ng mga ama na namatay o nasugatan.

    ELY: Maraming salamat po, kay Ma’am Janice.

    JANICE: Maraming salamat po.

    ELY: Kay Connie, salamat ah. Congrats, malapit ka na mag-graduate.

    CONNIE: Salamat po.

    ELY: So ayan ho mga kasama, at iyong may gusto hong tumulong, dumirekta na ho kayo sa Hero Foundation. Alam ninyo na po iyong website, para po makatulong kayo sa mga tunay na bayani ng ating bansa mga kasama. Tamang-tama sa Lunes, Ma’am, ay independence day. Siguro dito isingit ko na rin, ano bang mga activity ninyo sa Independence Day.

    VP LENI: Kasama natin iyong ating pangulo, mag-fa-flag raising tayo sa Luneta. Alas-otso ata ng umaga bukas.

    ELY: Ayan po okay. So iyon ho, at ang maganda po rito mukhang patapos na rin po ata iyong sa Marawi.

    VP LENI: Sana nga Ely sana. Gusto nga natin bago mag-independence day tapos na. Sana mayroon na tayong magandang balita, at patuloy tayo magdasal para doon sa mga nakikibaka sa Marawi.

    ELY: Siyempre marami pong apektado diyan. Iyong mga pamilya na nawalan ng tirahan, at iyong mga estudyante na di pa makapasok ngayon.

    VP LENI: Oo, Ka Ely, ano to 22,000 na mga estudyante iyong parang na-displace dahil dito. Di lang mga estudyante, pati mga teachers.

    Actually Ka Ely, noong Biyernes nagpatawag na kami ng coordination meeting para sa Marawi rehabilitation. Pinag-uusapan na papaano gagawin iyong, paano makakatulong sa gobyerno iyong pribado. Pinag-uusapan namin doon na baka puwede magtayo ng temporary schools habang di pa yari iyong mga nasira.

    ELY: Okay.

    [GAP 3]

    ELY: At siyempre may kaugnay pa rin iyong Indenpendence day sa Lunes.

    VP LENI: Oo may napakahalaga po tayong bisita ngayong umaga. Magce-celebrate tayo ka Ely ng Independence Day bukas, pero minarapat nating mag-imbita ng puwedeng makapagkuwento sa atin.

    Ano ba talaga ang significance ng Araw ng Kasarinlan? At alam mong may kalituhan dahil dati nagkaroon tayo ng Independence Day July 4 noong matagal na matagal na, naging June 12.

    Hinuhulaan lang parati ng mga kabataan, nasa isang high school kami noong isang araw. Tinatanong namin tungkol sa Independence Day, parang kakaunti ang ideya kung bakit tayo nagkaroon ng Independence Day o ano ang kuwento sa likod nito.

    Kaya ngayong umaga ang pinakamahalaga po nating guest, Manuel L. Quezon III. Historian siya Ka Ely, matagal ko na itong idol. Mayroon siyang column sa isang national newspaper.

    Ang dami mo talagang matututunan. Ang dami mong matututunan dahil alam mo marami tayong taken for granted lang na mga facts pero nalalaman mo kung papaano iyon nangyari.

    Ang atin pong bisita si Manuel L. Quezon, Manolo ang tawag namin sa kanya. Manolo Quezon, sa pangalan pa lang di ba, talagang di ba galing na sa…

    ELY: Oo nadadaan ako diyan, sa Quezon City Circle.

    VP LENI: Oo nga. Dati siyang undersecretary. Dati siyang undersecretary sa PCDSPO. Parati akong nabubulol at napakahaba. Pero magandang umaga, Manolo. At maraming salamat sa pagpaunlak sa aming imbitasyon.

    MANOLO: Salamat din po at salamat din po Ka Ely.

    ELY: So siguro, iyong mga nakikinig sa atin, at alam naman natin na napakaimportante ng history ano. Dapat bilang isang Pilipino, alam mo ang kasaysayan ng Pilipinas at mga bansa. Pero dito sa paggunita bukas ng Independence Day, anong mai-share po natin sa ating mga kababayan?

    MANOLO: Well, kaya maganda itong oportunidad na ito dahil, lalo na ang mga tagasubaybay ng inyong programa sa Cebu, sa ibang bahagi ng Visayas, sa Bicol at sa iba pang bahagi ng Luzon at sa Mindanao, ang parang nakakalimutan natin ay ang kuwento ng ating pagkakamit ng kasaysayan hindi lang naman nangyari sa Maynila, hindi naman mga Tagalog lang ang kumilos kung hindi maraming kumikilos nang sabay-sabay, at mayroong mga kumikilos din habang hindi alam ng iba nilang mga kababayan na mayroon palang kaganapan sa mga lugar nila.

    Bigyan ko kayo ng halimbawa. Alam naman natin ang kuwento, sila Bonifacio, ang nangyari dito sa Quezon City noong nagsimula ang himagsikan noong Agosto 1896. Alam din natin nagkaroon ng mga battle sa Cavite at sa ibang mga lugar. Hindi natin natatandaan ang mga, nagkaroon ng mga iba’t ibang republika sa bahagi ng Visayas, sa Bohol, sa Cebu, sa iba’t ibang lugar.

    VP LENI: Oo, totoo, totoo. Parang iyon nakakalimutan ng karamihan.

    MANOLO: Opo, opo. Dahil nakakalimutan ito o hindi itinuturo parang, eh wala naman akong parte dito? Pero kung alam natin na sa Zamboanga may gumagalaw, sa Bicol, at ang napakagaling sa mga kuwento na ito ay, iba naman noong panahon na iyon, walang masyadong komunikasyon.

    At iisipin ninyo ang gilas na pinakita nila na, hindi natin alam ano nangyayari diyan sa Luzon o sa Mindanao basta’t tayo, kikilos tayo, haharap tayo sa mga Kastila, lalaban tayo, sama-sama nalang tayo dito, at naganap iyon. At sumunod pa doon, unti-unti nakipag-ugnayan ang iba’t ibang mga probinsya ang mga liderato nito mga–

    VP LENI: At napakahirap siguro noon, noong mga panahon na iyon. Kasi papaano sila nag-co-communicate?

    ELY: Pero siguro sa mga kasalukuyan, yung mga nakikinig at ang mga kabataan, ah, siyempre ano ba ng pupuwede natin na sabihin natin sa mga kabataan- ano bang- kasi pinangaralan naman nila iyan, pero ano ba ng pupuwede nating ibahagi sa kasalukuyan? Kasi alam naman natin yung history, yung kasaysayan, dapat eh, makakatulong iyan para maunawaan natin kung may pagbabago, di po ba?

    MANOLO: Yung punto doon ay pagbabago, pagbabago sa kalooban, sa lipunan, at sa mundo, at ah, noong magsisimula ito, noong maliit tayo, inuutusan tayo – wala tayong sariling malay.

    Tapos unti-unti, magkakaroon tayo ng sariling isip, at tayong magdedesisyon kung anong mangyayari sa ating kapakanan. May dalawa tayong puwedeng puntahan dito. Pwede tayong umasa sa iba habangbuhay, walang-malay. O kaya magkakaroon tayo ng mistakes kahit minsan hindi-

    VP LENI: Pero tayo ang nag-aasikaso.

    MANOLO: Tayo ang nag-aasikaso, at tayo yung nag-aaruga sa iba.

    VP LENI: Pero sa tingin ko, iyon ang significance ng Independence Day. Pero gaya ng sabi ko, paminsan kasi yung kasarinlan, taken for granted natin. Parang, hindi natin naiisip na if yung kahirapan na pinagdaanan nang mga nauna sa atin para makamtan ito.

    Kasi kung naiintindihan natin, mas papahalagahan natin. Pero yung gaya nung kausap ko nung nakaraang ibang araw, Manolo, parang sinasabi nila, ‘Bakit dati parang July 4? Bakit bigla na lang naging June 12?’

    MANOLO: Kasi po ang pananaw- ang kailangan natin tingnan, may mga bahagi ang ating kuwento ng ating pagiging independentye. Mayroong unang bahagi ang ating himagsikan kontra sa Espanya noong panahon ni Bonifacio hanggang tinanggal siya. At ah, nadurog ang-ang Katipunan noong 1897.

    Noong bumalik si Aguinaldo, ikalawang bahagi. At, naging kalaban naman natin ang natalo natin ang Espanya kaya nga lang naging kalaban natin ang mga Amerikano. Nadurog ang ating Unang Republika. At naibalik ang ating kalayaan sa mapayapang paraan, at yung naging dahilan kung bakit July 4 muna-

    VP LENI: Dahil July 4 din yung Indepdendence Day ng Amerika.

    MANOLO: Yes, at naging ibang pananaw din yung mga nauna sa atin. Sabi nila, parang maganda yung partnership na ganoon. Kaya lang, by the 1960s, nag-iba na rin na naman ang pananaw. Sabi nila, ‘Eh, binalik lang naman ang nawalang kalayaan.

    Kaya dapat June 12 talaga.’ Kaya medyo nagkasundo naman ang lahat nung panahon na iyon. Mayroon din namang nagsasabi ngayon na dapat Agosto. Kung ano man yung petsa, kung kalian sinimulan nina Bonifacio.

    VP LENI: Yung ano ba- yung pagwawagayway ng ating ah, watawat. Kailan iyon nangyari?

    MANOLO: Iyon nag-iiba na rin kasi dati iniisip natin June 12 lang sa bahay ni Aguinaldo sa Kawit. Kaya lang nagsisimula ng days – unique tayo sa buong mundo kasi days mula May 28 kung saan unang winagayway sa isang battle. Tapos ang nangyari sa Kawit noong June 12, doon na pormal na iniharap sa mundo kasama na rin ng ating Pambansang ah, National Anthem.

    VP LENI: Pero hindi pa iyon yung- eto na ba iyon, yung Lupang Hinirang?

    MANOLO: Opo.

    VP LENI: Ah, ito na iyon.

    MANOLO: Nung simula wala pa siyang lyrics. To follow na yung lyrics.

    VP LENI: Parang naalala ko sa history lessons noon parang yung marcha nacional.

    MANOLO: At ah, kahit iyong disenyo ng ating bandila, dati may mukha iyong sa ginta ng sun. Tapos tinanggal na rin after a while. Iyon ang bawat henerasyon ay mayroon kontribusyon at kailangan natin ipapagbaliktanaw kasi dahil maghahanap talaga tayo ng ibig sabihin niyan.

    VP LENI: At tsaka siguro mahalaga iyon sa panahon, sa panahon ngayon. Marami tayong kahirapan na pinagdadaanan. Parati tayong naghuhugot ng inspirasyon sa karanasan din ng mga nauna sa atin. Kung nahihirapan tayo ngayon, siguro mas doble iyong hirap napinagdadaanan nila.

    MANOLO: Alam ninyo po kasi nakakalimutan din natin na tao lang sila. At katulad natin ngayon, minsan naguguluhan tayo, minsan nagkakainitan, minsan nagkakabangayan, nangyayari din naman iyon noon.

    Kailangan natin pagaralan ang mga pinagdaanan nila kung sila ay tinuturing nating mga bayani at talagang tinitingnan natin na ang galing ng mga nagawa nila. Paano nila hinarap ang mga pasubok ngayon?

    At ano ang makukuha natin para kung may mangyaring pagsusubok sa susunod, hindi natin mauulit ang mga pagkakamali at mauulit din nating ang mga ginawang tama.

    VP LENI: Kaya palagay ko iyon ang mahalaga eh. Kahit sa mga paaralan pag sinasabing History sasabihin nila hindi kami interesado, mas gusto namin iyong sa kasalukuyan. Pero nakakalimutan natin, magkakaroon ng lalim ang pag-unawa kung pinagaralan natin ano ba ang pinagdaanan bago ito?

    ELY: Opo, so napakailki ang ating oras, pero Manolo, ano po ang masasabi natin sa ating mga kababayan dahil sa paggunitain ng Independence Day. Paano ba dapat gunitain ng bawat Pilipino ang Independence Day, po?

    MANOLO: Unang-una ang kailangan natin tingnan na marami tayong dapat ipagmalaki bilang Pilipino at sa ating bayan. Marami din tayong kailangan pang ayusin.

    Hindi lang sa lipunan natin. Ang ugat ng lahat nito ang kailangan natin puntahan. Kailangan nating mag-isip para sa sarili at hindi madala sa sinasabi ng iba. Kung gagalaw tayo kailangan dahil sa prinsipyo.

    VP LENI: Kasi ito ang magdadala sa atin kung saan natin gusto makarating.

    ELY: Okay so maraming salamat sa inyong oras.

    VP LENI: Napakaiksi ng ating oras. Dapat siguro Ka Ely one hour eh. Kasi ang daming interesting na gusto natin itanong sana pero walang oras. Pero ito kahit napakaiksi nga, napakahalaga nito para sa mga nakikinig sa atin. Dahil minsan gusto nila ng Independence Day dahil bakasyon. Pero hindi po naintindihan kung bakit natin pinagdiriwang.

    ELY: Okay, Mr. Manolo, maraming salamat po sa inyong oras.

    MANOLO: Salamat po.

    VP LENI: Maraming salamat.

    ELY: Okay so maya-maya, mayroon po tayong panauhin dito. Naku napakaimportanteng tao ito na nagbigay ng karangalan dito po sa ating bansa bago diyan pakinggan po natin ang mensahe ni Madame Vice President para sa Independence Day.

    VP LENI: Eto po, unang-una ang ating paggunita sa Independence Day, bukas napakaimportante. Dahil tayo po ay nagdadaan sa isa na namang mahalagang kabanata ng kasaysayan ng ating bansa. Sana po matuto tayo sa mga aral na napulot natin sa mga nauna sa atin.

    Maraming mga pagsubok ang pinagdaanan ng ating bansa pero sana po ito ay magsilbing gabay para sa ating lahat. Pero ito, Ka Ely, itong susunod natin na guest, napakahalaga, eh idol ko to Ka Ely eh.

    Alam mo una ko siyang na-meet, several months ago sa Ayala Museum. Nababasa ko lang siya dati, nahahanga na ako dati noong nagsalita siya sa Ayala Museum doon ako napabilib, Ely.

    ELY: Okay so ito, Ma’am, sige po pakilala niyo po.

    VP LENI: Ito po kilalang-kilala po ng lahat. Kilalang-kilala ng lahat, ito po ang Istorya ng Pag-Asa namin ngayong linggo. Alam ninyo po, linggo-linggo may fini-feature kami na Istorya ng Pag-Asa.

    At iyong kuwento po nito Ely ay mapapakinggan natin sa kanya. Nagbigay ng napakalaking karalangan para sa ating bansa. Ang pinakaunang babae na naghatid ng medalya para sa ating bansa galing sa Olympics.

    Ano pa Ka Ely, weightlifting. Ang akala natin na panlalaki lamang, babae ang nagpadala ng medalya para sa atin. At hindi lang ito, hindi lang unang babae, pero unang atleta sa labas ng boxing na nagbigay ng medalya.

    Pero sa labas ng boxing walang nagbibigay. Pero na lang nandiyan na siya. Kaya po ang susunod nating panauhin si Miss Hidilyn Diaz. Silver medalist noong nakaraan Rio Olympics sa Weightlifting. Magandang Umaga sa inyo, Hildilyn.

    HIDILYN DIAZ: Magandang umaga po, Vice President Leni.

    ELY: Okay, so noong nakakuha ito ng medalya, talagang nakita po nating kung paano, talagang hindi kagandahan po ang programa natin sa sports. Kasi parang po sariling sikap po siya.

    VP LENI: Eto Ka Ely, siya na po ang magkuwento. Kaya po ako bumilib kasi galing po, galing ka Hidilyn sa Zamboanga, diba?

    HIDILYN DIAZ: Yes, Ma’am.

    VP LENI: Galing siya sa Zamboanga, medyo simple lang ang kanyang buhay, simple lang ang kanyang pinaggalingan. Pero siguro, Hidilyn, papaano ka napasok sa weightlifting?

    HIDILYN DIAZ: Nakapasok po ako sa weightlifting by curiosity lang.

    VP LENI: Anong edad ka noon?

    HIDILYN DIAZ: 11 years old po. Nakita ko ang mga pinsan kong lalaki na nagbubuhat. Sabi ko bakit na hindi ako papasok diyan, parang masaya naman. At pagpasok ko, masaya nga.

    VP LENI: Nagustuhan mo talaga?

    HIDILYN DIAZ: Nagustuhan ko po. Then noong nagsimula ako sa kahoy lang na ipil-ipil.

    VP LENI: Ito Ka Ely pakinggan natin, nagsimula siya sa kahoy na ipil-ipil tapos iyong kuwento niyang ito parang lata ng gatas iyong na sa dulo, tapos nilalagyan ng semento para bumigat.

    HIDILYN DIAZ: Tapos po mags naman, mags ng jeep. Then after noon, lumalakbay naman papunta sa city proper para mag-train.

    VP LENI: Pero noon, bago ka nagpormal na training, nakita na talaga nila na mayroon ka nang, kasi ano naman ito eh, parang kaht anong subok mo kung wala ka ding potential wala pa din. Pero sino ang unang nadiskubre na talagang may potential?

    HIDILYN DIAZ: Ah, yung pinsan ko pong lalaki. Nakita niya yung build ng katawan ko na, sabi niya maganda yung build ng katawan ko at saka iyang height.

    VP LENI: Ang liit lang niya, Ka Ely ah.

    ELY: Oo.

    VP LENI: Ano yung height mo, Hidilyn?

    HIDILYN DIAZ: 4’11”.

    VP LENI: 4’11” lang siya. Isipin mo kung anong bigat ang binubuhat. Tapos noong lumabas ka ng Zamboanga, saan kayo nag-training?

    HIDILYN DIAZ: First competition ko po sa Puerto Princesa. Doon pa rin po sa Zamboanga.

    VP LENI: Ano iyon, Palaro?

    HIDILYN DIAZ: Ang Batang Pinoy po.

    VP LENI: Ah, Batang Pinoy.

    HIDILYN DIAZ: Yes po.

    VP LENI: Pero ang mga nakakasali sa Batang Pinoy talagang mahuhusay na?

    HIDILYN DIAZ: Hindi po bata. Below 15 years old.

    VP LENI: Okay. Tapos nanalo ka?

    HIDILYN DIAZ: Nanalo po ako kasi wala akong kalaban.

    VP LENI: Ah wala kang kalabang babae. Kaunti talaga. So nanalo ka tapos wala kang kalaban. Tapos sa susunod na laban, saan na?

    HIDILYN DIAZ: Um, National Open ng Weightlifting.

    VP LENI: Ah doon, may kalaban ka na?

    HIDILYN DIAZ: May kalaban na ho. Kaya silver, silver nakuha ko. Tapos sabi ko galingan ko, pagkaginalingan ko sa training tapos next competition ko, gold ako tapos na-recommend ako sa national team.

    VP LENI: Nag-national team ka anong edad ka?

    HIDILYN: 13 years old po.

    VP LENI: Grabe Ka Ely nag national team 13 years old.

    ELY: Sa natatanong iyong mga kababayan na nakikinig ngayon, kasi kailangan palakasan, diba malakas katawan mo, ano ba kinakain mo? Kasi di naman pasarapan iyan diba, ano ba talaga dapat kainin mo?

    HIDILYN: Dati mahilig ako sa junk foods noong bata ako, pero noong 2014 nagbago lahat. Naging healthy.

    VP LENI: Noong 2014, eto iyong nag-tatrain ka na for the Olympics?

    HIDILYN: Yes po, nag-tatrain na ako for Olympics. Tapos nagka-injury ako so parang naging open na ako sa iba ibang ideas ng tao: nutritionists, strength and conditioning tapos sa rehab.

    VP LENI: Pero ano-ano iyong dapat kinakain ng isang weightlifter?

    HIDILYN: High protein tapos…

    VP LENI: So karne at tsaka isda noh.

    HIDILYN: Tapos iyong rice namin red rice.

    VP LENI: Bakit red at tsaka brown rice?

    HIDILYN: Iyong sugar po kasi pag white rice.

    VP LENI: Iyong white mataas iyong sugar?

    HIDILYN: Opo.

    VP LENI: So ikaw, hindi ka na nag-wawhite rice?

    HIDILYN: Hindi na po, pero mag mayroon hahaha May nag-dedeliver lang po ng pagkain ko.

    VP LENI: Tapos eto Ka Ely nagkukwentuhan kami ni Hidilyn bago kami nag-umpisa. Ano na siya nasa Philippine Air Force na siya ngayon habang nag-tatraining. Pero iyong nakakabilib dito, nasa Air Force, nag-tatraining sa umaga, tapos nag-aaral.

    Nag-aaral siya Ka Ely. Nag-aaral siya ng kolehiyo. Sabi niya pakaunti-kaunti lang pero nakakabilib diba. Sa dami-dami niyang ginagawa mayroon pa siyang panahon mag-aral.

    ELY: Para sa ating mga kabataan, siyempre para ikaw ay magsilbing inspirasyon. Sa ibang bansa, Ma’am kasi iba iyong nag-training eh, bata pa lang eto may potential. Maliit palang ho hanggang sa paglaki.

    VP LENI: Eto nagsimula talaga sa sariling kayod.

    ELY: Tapos dito sa atin, kung kailan ka lang nakakuha talaga ng medalya parang doon ka lang kinikilala. Ganoon po ang realidad sa ating bansa. Ganoon po talaga ang nangyayari. Kung wala kang potential, kung nakapag-abot ka na ng medalya, hindi ka papansinin dito sa atin.

    VP LENI: Ganyan ba pinagdaanan mo Hidilyn?

    ELY: Diba ganoon? Kapag hindi ka nakakuha ng medalya ah wala yan. Limitado lang talaga kasi iyong resources.

    VP LENI: Noon hindi ka pa nakakakuha ng medalya talagang mahirap ang buhay.

    ELY: Mahirap po. Kaya sabi ko, kailangan na hindi ako aasa sa gobyerno. Kailangan na makahanap ako nang paraan para makahanap ng sponsors.

    VP LENI: Tapos tinatanong ko siya Ka Ely kung ano yoong training niya. Buong umaga pala, tapos hanggang hapon.

    ELY: Oo, grabe talaga. Pero ano ba mapapayo mo sa ating kababayan, lalo na sa mga kabataan, kahit na hindi sa, basta sa sports, ano ba iyong mga dapat, importante po diyan iyong puso lalo na iyong determinasyon diba?

    HIDILYN: Siguro unang-una dream high. Kung ano man iyong sports nila, kasi kapag may dream sila or may aim sila na competition, doon nila parang ina-aim iyong target. Mag-tatraining ka talaga nang maayos kasi may pinaghahandaan ka. Tapos work hard talaga. Kasi pag may goal ka sa buhay, iyon lang ma’am work hard lang talaga. Nandoon na iyong discipline tapos iyong determinasyon sa training. Surround yourself with positive people.

    VP LENI: Ayon, importante iyon!

    HIDILYN: Kasi may time talaga na gusto mong mag-give up. So ayon, kung may mga positive na taong nakapaligid sa iyo.

    VP LENI: Kasi araw-araw, na ginawa ng Diyos, iyon ang ginagawa mo, training lang nang training. Pero hindi ba sinasabi mong dream high, noong nag-uumpisa ka pa lang at nagugustuhan mo na iyong weightlifting, ano ang pinakapanaginip mo noon? Siguro hindi mo pa naman noon naging panaginip iyong Olympics, no?

    HIDILYN: Dati po kasi, may parang ginagawa kaming reflection ng pinsan ko, tapos iyon ang iniisip ko, na mag-memedal ako. Pero hindi ko iniisip sa Olympics. Every time na may competition, gusto kong manalo.

    ELY: Salamat sa iyo, Hidilyn, at isa kang inspirasyon sa ating mga kabataan, iyong mga mahilig sa sports.

    VP LENI: Iyong si Hidilyn, Ka Ely, isa sa mga na-feature. Mayroon ngayon tayong Hidilyn ng photo gallery, nasa Eastwood siya ngayon. Nandoon iyong kuwento mo. Nandoon iyong kanyang Istorya ng Pag-asa. Noong narinig namin, Ka Ely, talagang lalong bumilib.

    ELY: Okay, Hidilyn, salamat sa iyo.

    VP LENI: Maraming salamat, Hidilyn.

    ELY: Magtutuloy ka pa ba ulit?

    VP LENI: Oo, mayroon siyang isang Olympics.

    HIDILYN: Yes, po. Gusto ko po.

    VP LENI: Anong taon iyong susunod?

    HIDILYN: 2020 po.

    VP LENI: Saan iyon?

    HIDILYN: Sa Tokyo po.

    VP LENI: Sana palarin tayo, Ka Ely, at mapanood natin nang live si Hidilyn.

    ELY: Ok, salamat talaga, Hidilyn. Salamat din po sa mga nakinig, at kayo po, Ma’am, ano po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan?

    VP LENI: Ito lang, Ka Ely, una nagpapasalamat tayo kay Hidilyn, gaya ng sabi ko kanina, bawat programa natin mayroon tayong finefeature na istorya ng pag-asa. Kapag narinig ng ating mga kababayan iyong kuwento gaya ng kuwento ni Hidilyn, mas ma-inspire.

    Si Hidilyn, nag-umpisa lang na kahoy ng ipil-ipil lang ang gamit sa lata ng gatas, pero naging Olympic silver medalist. Kung si Hidilyn, dumaan sa ganyan kalaking pagsubok, lalo naman iyong mayroon ng lahat ng resources na nandiyan.

    Pangalawa, Independence Day po bukas, sana hindi natin makalimutan iyong kabayanihan na ipinagdadaanan ng ating mga kababayan, lalo na iyong mga sundalong nakikipaglaban ngayon sa Marawi.

    Iyong mga aral pong galing sa mga nauna sa atin, sana hindi natin makalimutan, iyon ating pong dasal na lagi sana silang ma-protektahan.

    ELY: Ok, maraming salamat po kay Ma’am Vice President Leni Robredo. At salamat din po sa mga nag-text at tumawag, at mga sumabaybay dito po sa atin palatuntunan. Hanggang sa susunod na linggo, ako pa rin po si Ely Saludar.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jun 11, 2017