This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 41

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Magandang umaga, Pilipinas. Ako pa rin ho si Ely Saludar. Kasama natin, mga kasama, ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo.

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga. Sa lahat ng nanonood sa ating Facebook Live, good morning po. Sa ating mga kababayan sa Bicol, marhay na aga sa indo gabos. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag.

    ELY: At good morning din diyan sa Cebu, RMN Cebu-DYHP 612, gayundin po sa RMN Davao, RMN Cagayan de Oro, at RMN Naga, at sa lahat po ng inaabot ng aming broadcast.

    Ma’am, pangatlong linggo na ito, ano, na ating tinututukan iyong usapin para po sa ating mga kababayan, iyong mga overseas Filipino workers—una, iyong usapin tungkol sa pasaporte, at noong nakaraang linggo si OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Administrator Hans Cacdac. At ngayon naman, sa parte po ng pribado at NGO.

    VP LENI: Oo. Alam mo, Ka Ely, marami kasi sa atin, lalo sa Facebook Live, maraming mga OFWs ang parating nagme-message sa atin, maraming mga concerns. Iyong unang concern—pang-apat yata ito, Ka Ely… iyong una, pinag-usapan natin iyong… si Hans din, si Atty. Hans din iyong ating bisita, pero medyo last year iyon, late last year, tinanong natin sa kaniya iyong tanong ng ating mga viewers. Tapos iyong mga problema sa passport, natanong na natin iyong DFA. Noong nakaraang linggo, iyong ating topic iyong repatriation saka iyong suspension ng pagpapadala ng workers sa Kuwait.

    Kung maaalala natin, Ka Ely, iyong bisita natin ngayon, matagal na nating gustong imbitahin, at mapalad tayo ngayong umaga na libre siya. Libre siya ngayong umaga. Ano pa naman ito, parang kabi-birthday niya lang. Alam mo, Ka Ely, itong bisita natin, matagal na kaming magkaibigan. Pinagluluto ko ito dati. Kaklase niya iyong asawa ko sa Harvard, kaya magkakasama kami isang taon. Napakabait, napakasipag, at iyong puso nito talagang nasa mga OFW.

    Iyong tatay niya kasi, Ka Ely, talagang isa sa mga bayani ng ating bansa, isa sa mga pinakahinahangaan natin na public servants. Mahirap tularan, Ka Ely. Nakilala ko na siya nang ilang beses, at talagang kapag nanadiyan siya, hahanga ka nang grabe kasi napakasimple pero nakapahusay.

    I-welcome muna natin. Iyong atin pong bisita ngayon ay si Toots Ople. Susan iyong pangalan niya, Ka Ely, pero iyong tawag sa kaniya ng lahat Toots. Siya iyong founder saka president ng Blas F. Ople Policy Center and Training Institute. Alam mo, Ka Ely, kapag may pumupunta sa aming mga OFW, siya iyong… tinatawagan ko siya, kasi hindi ko din alam kung paano i-handle. Si Toots talagang napakatagal na dito sa usapin ng mga OFW.

    Siguro iyong pinakauna nating itatanong, ano iyong masasabi niya doon sa pag-ban ng deployment ng OFW sa Kuwait.

    TOOTS OPLE: Magandang umaga, Ka Ely, and of course kay Vice President Leni. Dito kasi sa deployment ban, para sa akin, NGO kami, marami na kaming kaso na na-encounter na iyong magagalit ka rin, eh. Hindi lang rape, multiple rapes. Hindi lang ordinaryong rape, may sodomy pa. So matindi iyong mga kaso na hinahawakan namin na iyong OFW ay galing sa Kuwait. So based doon sa aming experience, in support, in full support kami sa deployment ban.

    VP LENI: Ito, naaalala ko nga, Toots, iyong pumunta sa akin na pinakahuli, na ni-refer ko sa iyo, ganiyan din iyong kuwento. Talagang parang nakakaawa, parang slaves na iyong turing sa kanila. Pero ito, iyong problema natin, marami na ngayong umuuwi, ‘di ba? Hindi ko lang na-take note kung ilan na lahat, pero marami pa ding naiwan. Marami pa ding naiwan, iyong inaalala natin, baka iyong mga naiwan baka may pinagdadaanan ding ganito. Paano kaya natin sila mapo-protect nang mas maayos?

    TOOTS OPLE: Iyan dapat sana iyong pagtuunan ng pansin. Dapat tinitingnan natin iyong kawalan ng proteksyon sa Kuwait, tingnan din natin iyong sarili nating bakuran. For example, dito sa case ni Joanna Demafelis, parang noong sinara iyong ahensya, biglang naging dead-end na, kaya iyong pamilya nagpunta ng OWWA, nagpunta ng POEA (Philippine Overseas Employment Administration) pero wala na ding magawa kasi sarado na iyong ahensya, which is sa akin hindi dapat. Dapat may proper turnover kasi kung iyong POEA ang desisyon kanselahin iyong lisensya ng recruitment agency, dapat saluhin na rin nila iyong mga na-deploy nito na workers. Parang naputol na iyong monitoring noong nawala na iyong agency.

    VP LENI: Gustong sabihin, parang ito iyong parang tanong namin ni Ka Ely last week, kasi humigit—parang iyong findings mahigit isang taon nang patay [si Joanna]. Iyong tanong namin, wala ba sa kaniyang naghanap? Dapat sana iyong embassy doon na-alert na kung may parents na naghahanap o kamag-anak. Pero iyon iyong palaisipan. Ibig sabihin, naghanap talaga iyong pamilya.

    TOOTS OPLE: Naghanap iyong magulang. Nagpunta ng POEA, nag-report din sa OWWA. Nakarating na sa level ng welfare officer sa Kuwait, pero hindi umakyat sa level ng Ambassador. Ibig sabihin, somewhere along doon sa sinasabi nating “One Country Team Approach,” sa case ni Joanna, hindi iyon nasunod. Kaya nga ang kahilingan namin sa Ople Center, sana magkaroon ng imbestigasyon para makikita natin… Noong panahon ni Flor Contemplacion ang daming lapse na nakita kaya nagkaroon ng Migrant Workers Act. That was in 1995. Ngayon naman, nakita natin iyong hinagpis ng pamilya, iyong nangyari na physical torture kay Joanna. Para magkaroon din po ng kabuluhan, iyong amendments doon sa batas na iyon at iyong operational gaps, dapat iyon iyong mapunuan.

    VP LENI: So iyong Migrant Workers Act, marami pa rin kayong nakikitang kulang doon na kailangang amyendahan?

    TOOTS OPLE: Yes, pati doon sa rules ng POEA. For example, dapat—actually nasa batas iyon: magpadala lang tayo ng workers kung saan malinaw at kongkreto iyong proteksyon. May tatlong items doon sa kategoryang iyon: may existing bilateral agreement—sa Kuwait wala tayo; dapat signatory siya sa mga international conventions; and dapat may sariling batas protecting workers. So hindi nare-review iyong certification process na iyon. So siguro, dahil bagsak iyong ekonomiya ng maraming bansa, patuloy tayong nagpapadala ng workers sa mga bansa na iyan, dapat siguro i-review.

    ELY: Saka may sinasabi iyong sa Kuwait, iyong Ministry hindi nasasakop iyong mga isyu ng OFWs, kung may paglabag. Hindi katulad sa Saudi Arabia, na may departamentong tututok.

    TOOTS OPLE: Iyong kausap ng ating ambassador iyong Minister of Interior, hindi iyong sa Manpower.

    VP LENI: Marami siyang ibang inaasikaso tapos parang side na trabaho niya iyong OFW.

    TOOTS OPLE: Saka dapat siguro, Vice President, maalala natin na as far back as June 2016, sumulat si Ambassador Rene Villa sa Ministry of Interior. Nilatag niya sa sulat iyong patterns of abuse. Hindi sinagot. Hindi man lang in-acknowledge.

    VP LENI: Gustong sabihin mayroon na tayong parang formal na reklamo.

    TOOTS OPLE: Yes. Mayroon tayong request na kung puwedeng tingnan itong abuses sa ating mga OFW.

    VP LENI: Pero ito, kahit mayroon na tayong sulat, parati pa rin tayong nagpapadala.

    TOOTS OPLE: At hindi lang patuloy na nagpapadala, in-increase-an pa natin iyong job orders. So may disconnect somehow. Parang tumaas iyong rate ng rape cases: 2014, nasa 35, tapos 2017 nasa 65. Pero sa kabila noon, tumaas din ang bilang ng deployment.

    VP LENI: Pero kung ganiyan kadami iyong rape cases doon, ano iyong status noon: nasaan iyong biktima, mayroon bang kasong ongoing? Tapos paano hina-handle ng Kuwait itong mga reklamo natin tungkol sa rape?

    TOOTS OPLE: Iyon iyong magandang malaman. Ang may alam lang kasi niyan, iyong Embassy natin, DFA (Department of Foreign Affairs), saka DOLE (Department of Labor and Employment). Kasi maganda ding tingnan, hinahabol ba natin talaga iyong mga abusadong employers, o baka sa local agency lang dito?

    VP LENI: Kasi ‘di ba dapat naka-flag na iyon, kung mayroon na iyong kaso ng rape, dapat hindi na payagang mag-deploy doon, kasi baka iyong pinakaaksyon lang, inalis na doon iyong na-rape, pero hindi natin alam kung patuloy, kung magpapadala pa din doon.

    TOOTS OPLE: Actually very relevant question. ‘Di ba, Vice, 65 rapes. Ilan diyan iyong pinauwi na lang? Ilan diyan iyong nagkabayaran na lang? Ilan diyan iyong talagang kinasuhan iyong employers? Iyon din gusto nating malaman.

    VP LENI: Wala tayong data doon.

    TOOTS OPLE: Wala… Sana—kaya hinihiling namin na magkaroon ng Congressional investigation.

    VP LENI: Ngayon wala pang ganoon?

    TOOTS OPLE: Alam ko mayroong nag-file ng resolution sa House, at si Senator (Sherwin) Gatchalian at si Senator (Joel) Villanueva balak din na mag-joint hearing.

    VP LENI: Kasi ang problema nito hindi lang siya sa Kuwait nangyayari, ‘di ba? Maraming mga lugar pa, karamihan sa Middle East, na nangyayari ito. Ang alam ko, iyong pinadala ko sa iyo one time, ang nakakamangha sa kuwento niya kasi iyong iba nagrereklamo, siya parang sinasabi niya bahagi na iyan, na kapag tumanggap ka ng trabaho doon, dapat handa na iyong loob mo, tanggapin mo. Iyon iyong nakakatakot. Parang accepted? Kaya nakakatakot na wala tayong nagagawang sapat para protektahan sila.

    ELY: Pero Toots, iyong nababanggit mo kanina sa agency, iyong recruitment agency, siguro bago isara, i-prosecute muna. Kung isasara kasi makakatakas na—

    VP LENI: Saka wala nang mapupuntahan.

    ELY: Wala nang konek. Matatapos iyong kaso, wala nang konek. O sasaluhin ba ng gobyerno? Dagdag problema ng ating pamahalaan.

    TOOTS OPLE: Ang akin lang, bago mo isara, papanagutin mo muna sa lahat, at i-turnover lahat ng records sila, kumusta lahat ng na-deploy. Hindi naman iyan isasara kung walang dahilan, so ibig sabihin marami na ring violations iyan. Pero bigyan din ng transition para hindi maapektuhan iyong workers.

    VP LENI: Doon sa sinasabi mo, Toots, marami nang workers iyong naka-deploy na dahil nagsara na iyong agency nila, wala nang nagmo-monitor sa kanila?

    TOOTS OPLE: Iyon iyong pakiwari namin, kasi mayroon kaming mga natulungan na nakabalik, tapos tinatanong ko lagi, “Alam na ba ng agency mo na nakauwi ka na?” Tapos ang sasabihin sa akin, “Ma’am, sarado na pala.” So iyong gap na iyon, iyon iyong dapat matingnan.

    VP LENI: Iyon iyong nakakatakot, Ka Ely, kasi kung iyong tatlong sinasabing requirement bago mag-deploy, hindi natupad iyon dito sa Kuwait, tapos ang dami nating workers doon, parang nakakatakot kasi lahat sila vulnerable, ‘di ba?

    TOOTS OPLE: Marami din naman na masaya din sa amo nila. Hindi lahat, pero dapat habang hindi pa pumipirma, huwag na muna tayong magpadala. Pero iyong mga happy naman sa employers nila, pati skilled workers, hayaan na natin.

    ELY: Iyong mga recruitment agencies, halimbawa para sa Kuwait, sila-sila din iyong may-ari dito. Parang may dummy lang na Pilipino.

    TOOTS OPLE: Totoo iyan. Kasi minsan mismong worker na iyong nagsasabi sa akin na kunwari lang daw na iyong may-ari ay Pilipino. Minsan girlfriend o kaya asawa, pero ang talagang investor, foreigner. Hindi lang naman Arab, mayroon ding Taiwanese… Tapos ang nangyayari hawak nila iyong buong pipeline. Kasi sila iyong kausap ng employers doon, tapos sila din iyong naghahanap ng workers dito, so iyong buong kita sa deployment, nasa bulsa nila. Tapos kapag nakasuhan sila—dahil matapang iyong pera nila, Ka Ely, dahil mga banyaga ito—may mga kaso sa kanila na sara-bukas, sara-bukas. May kapital, eh.

    VP LENI: Iyon iyong madalas na nangyayari, isasara mo tapos magbubukas na iba na ang pangalan.

    ELY: Siguro isa iyan sa dapat na mabago, iyong sistema, para din proteksyon sa ating mga kababayan.

    VP LENI: Tapos iyong isa pang tanong, kasi ngayon by the thousands iyong pag-uwi: Sa karanasan ninyo, iyong tulong ba na binibigay ng pamahalaan, tingin niyo sapat para makapag-umpisa sila dito? Kasi ‘di ba parang ang tagal na nilang naghahanapbuhay doon. Uuwi sila dito, siyempre mahirap namang mag-empleyo. Siguro iyong karamihan diyan mag-i-invest sa negosyo. Ano pa ba iyong kulang sa tinutulong ng pamahalaan para makapag-umpisa sila?

    TOOTS OPLE: Sa tingin ko iyong diversification ng trabaho para sa kababaihan, kasi parang na-i-stereotype tayo—domestic workers or sales. Sana ma-diversify din kasi ngayon ang bulk ng mga job openings nasa construction pero baka naman may mga trabaho na puwede. Baka puwedeng i-retool.

    VP LENI: Kapag sinabi kasing construction karamihan dito mga lalaki.

    TOOTS OPLE: Iyon ang normal, pero kung titingnan mo sa ibang bansa, may mga kababaihan na nasa construction work din. Baka dapat i-retool natin. I think that is the best investment: bigyan natin ng skills na employable, portable—saan man pumunta. Kaysa naman iyon… hindi naman sa minamaliit natin iyong domestic work, pero kapag nasa abroad ka, ibang iba. Hindi domestic work dito na parang pamilya. Sa abroad kasi domestic work na parang gamit.

    ELY: Kasi may mga nagrereklamo nga na halimbawa sa isang amo, tapos na, ipapahihiram sa kapatid. Talagang kayod-kalabaw iyong ating kababayan.

    TOOTS OPLE: Sinusulit kasi nila iyong bayad nila. Iyon iyong tingin nila, na ito, ang mahal ng investment dito.

    ELY: Pero hindi inaalagaan katulad dito sa Pilipino, kapag may pinagawa kang extra, talagang pakakainin mo—

    TOOTS OPLE: Hindi, at alam mo iyong pinaka hindi ko makalimutan na case, iyong kay Ashley Samala Abdul in 2010. Ginutom talaga siya ng employer niya, Kuwaiti iyon na mag-asawa. Tapos talagang ano na lang siya, buto’t balat tapos sinagasaan ng mag-asawa. Pinahiga, sinagasaan. Iyong cruelty knows no bounds, and walang bilateral labor agreement na bulletproof against human nature, so the best protection talaga is hanapan—kung kailangan man sila umalis, tiyakin na walang kaso iyong employer ever, may financial resources para hindi naman iyong buong bahay isang kasambahay lang, saka ma-brief din sila about sa rights ng ating workers. Kung ayaw nila, umuwi na lang tayo.

    VP LENI: Iyong diversification na sinasabi mo, napakahalaga noon, ano, kasi mayroon naman tayong TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) na maraming budget, at iyong TESDA talagang all-out sa pagtulong. Ito, napakalaking bagay na gawing very deliberate iyong pagbigay ng training. Kasi tama ka: kapag domestic worker na pumunta doon, unang una vulnerable sa abuse, susunod kapag umuwi dito parang walang skills na employable siya. Pero ngayon, parang nauuso, marami kaming tinutulungan na welders pero mga babae.

    TOOTS OPLE: Puwede ring tile-setters, painters. Hindi naman katulad noon na kapag babae ka, ‘di ka dapat napapawisan. Ngayon marami talagang babae—

    VP LENI: Saka iyon parang mas madali pa kaysa sa bahay.

    TOOTS OPLE: Oo.

    VP LENI: Kasi kapag sa bahay, parang walang limit iyong ipapagawa sa iyo.

    TOOTS OPLE: May mga babae na metikoloso talaga, at bagay iyon sa ibang bahagi ng construction.

    ELY: Siguro maganda, since iyong iba baka ayaw sa ganiyan at sa bahay lang talaga, gawaing-bahay, siguro ang puwedeng baguhin na sistema: iyong sa amo ka maghapon ka lang, tapos lumabas ka. Hindi ka 24 oras. Puwede kaya iyon sa kontrata?

    TOOTS OPLE: Doon kasi sa Saudi, mayroong ganiyan pero iyong worker nasa sponsorship ng isang kumpanya, kumbaga parang outsourcing company. Ang siste lang is most of the employers gusto nasa loob ng bahay nila. So dapat pag-aralan kung papayag ba tayo na doon sa Kuwait pero leave-out arrangement. Hindi pa kasi tested.

    VP LENI: Iyong isa din, ang downside din doon magastos sa employee, kasi siya iyong babayad.

    TOOTS OPLE: Doon sa Saudi Arabia, iyan iyong tinatawag na mega recruitment scheme. Malaki iyong kapital na hinihingi ng Saudi government, pero kailangan may accommodations sila para sa mga foreign domestic workers. Hatid-sundo, and then naka-monitor sila. And kung mayroong kunwari sexual harassment ay i-pull out kaagad iyong worker.

    Tapos ang kausap na ng gobyerno natin at local agencies dito, hindi iyong employer kundi iyong malalaking recruitment agencies, kasi ang gusto ng Saudi, alisin na iyong maliliit na hirap din naman mag-monitor. Gusto nila mga korporasyon.

    Ang downside lang nito iyong volume, kasi kapag ganiyan, para ma-recover nila iyong investment, kailangan talaga marami silang puwedeng ipaikot sa region, sa kingdom.

    VP LENI: Mabuti mayroong ganitong initiative ang Saudi, ano? At least kapag ito iyong mapapasukan mo, mas kampante ang loob mo.

    TOOTS OPLE: May nagsasabi bakit ba masyado tayong mainit sa Kuwait, bakit hindi masyado sa Saudi, marami din namang abuses? Totoo naman na marami ring abuses, pero alam mo iyong hari kasi ng Saudi, maka-Pinoy. Ilang kaso na na siya na mismo nagbibigay ng pardon. Minsan may blood money case, siya na mismo ang nakikialam. Sa Kuwait kasi wala kang makitang ganoon na malalapitan.

    VP LENI: Walang masasandalan.

    TOOTS OPLE: Oo.

    ELY: Parang wala talagang malasakit iyong sa Kuwait.

    TOOTS OPLE: Hindi nga sinagot iyong sulat ng ambassador natin.

    ELY: Wala talagang pakialam.

    VP LENI: Tapos ito, Ka Ely, nagkukuwento si Atty. Hans na maraming mga Pilipino na nasa halfway house natin, ng Embassy. Ano iyong mga dahilan kung bakit naglalagi sila doon lahat? Kasi parang kinukuwento niya na iyong capacity… iyong nandoon parang more than na noong capacity?

    TOOTS OPLE: Halo-halo na rin iyon. Pero ang alam ko kasi, nasa 6,000 mahigit iyong contract violation so hindi nasusunod. Minsan tatlong buwan saka pasuwelduhin. Minsan, iyong pananakit. Kung hindi man iyong amo, iyong mga anak. Tapos iyong sexual harassment and sexual abuse, totoong nangyayari iyon. Mayroon namang iba na talagang gusto lang umuwi. Parang nararanasan nila iyong pagiging kasambahay tapos ayaw na nila talaga.

    VP LENI: Pero bakit sila natatagalan doon, dahil ba sa papeles?

    TOOTS OPLE: Kasi kailangan noong employers na sponsor noong visa nila na magbigay ng no objection certificate.

    VP LENI: Paano kung mag-object sila, anong nangyayari?

    TOOTS OPLE: Kailangan mamagitan iyong foreign recruitment agency. Minsan kasi iyong employer, sasabihin “Hindi naman totoo iyong sinasabi niyan. Tinrato namin iyan ng maayos”. Tapos sasabihin niya “Ibalik niyo na lang iyong pera ko, o kaya palitan niyo”. So iyong kausap niya, hindi na iyong domestic worker kung hindi iyong foreign recruitment agency sa Kuwait so sila na iyon. Kasi ang power naman ng labor attache natin ay sabihin sa foreign recruitment agency na, “Hindi na kita papayagan na kumuha ng Pilipino sa amin, ayusin mo iyan”. So iyon naman ang mga pressure points doon.

    VP LENI: Okay.

    ELY: Pero marami pa ngayon nag-iipon na mga OFW, tumakas, walang passport na dala, pero hindi pa yata na-a-accommodate doon sa Kuwait. Ano kayang problema doon?

    TOOTS OPLE: Dapat kasi least of their problems ang passport kasi iyong embassy can issue a one-way travel document. I think baka kaya hindi na-a-accommodate kasi ang balita ko nasa 600 plus na iyong ano eh…

    VP LENI: Oo, sabi nga ni Atty. Hans parang overcapacity na.

    TOOTS OPLE: Overcapacity na. Iyong iba naman, may kukupkop din na mga kapwa Pilipino. May amnesty kasi ngayon. Bukod doon sa amnesty –

    ELY: Parang one week na lang ata matatapos na ito.

    TOOTS OPLE: February 22. So expect mo na dagsaan pa iyan, para makauwi. Bukod doon, iyong panawagan ng pangulo natin, so siyempre mas naging pursigido iyong workers natin na makauwi.

    ELY: Siyempre sasabihin dito ng mga kamag-anak na “Umuwi ka na.”

    VP LENI: Oo, kasi siyempre natatakot na mangyari din sa kamag-anak.

    ELY: Opo. Pero dito sa naging statement ng pangulo, parang hindi kaya magkaroon ng diskriminasyon sa iba nating kababayan doon na sinasabi, “Iyong presidente, parang nilalahat-lahat itong taga-Kuwait eh.” Parang ganoon ang magiging dating.

    TOOTS OPLE: Wala naman kaming nakukuhang report na ganoon. Ang nakuha lang namin na report, merong mga kasambahay na ayaw paalisin ng kanilang employers kahit bumili sa palengke. Natakot na baka dumiretso na sa embassy tapos mahirapan na naman sila. Huwag natin kalimutan na may mga anak itong mga ito na very attached rin sa Pilipino na domestic worker natin.

    VP LENI: Eto Ka Ely, kapag kausap mo iyong mga OFW na dumaan sa problema, talagang parang pinipiga iyong puso mo. At talagang, ano ka eh. Helpless iyong pakiramdam na wala kang magawa dito kaya iyong suggestions na sinabi ni Toots, dapat siguro i-treat ito as urgent ng ating mga mambabatas kasi talagang marami naghihintay eh. Maraming makikinabang, marami iyong, parang, mareresolba nito iyong maraming problema. Pero halimbawa matagal iyong batas, ano iyong puwedeng gawin na immediate ng ating mga ahensiya habang hinihintay pa iyong batas?

    TOOTS OPLE: Dapat merong assigned na mag-monitor. Ewan ko kung DOJ o DSWD pero dapat merong mag-monitor na kapag dapat rape case, di ba?

    VP LENI: Kung anong gagawin?

    TOOTS OPLE: Extra attention iyan. Tapos minsan kasi nasasama na lang sa settlements, eh. Pero dignidad ng kababaihan natin iyon. Tapos iyong ano, order lang sana kay pangulo. Sa ating foreign post, at lalo na sa Department of Labor. Quality employers lang. Hindi natin kailangan ng mga balasubas.

    VP LENI: Oo.

    TOOTS OPLE: Hindi natin kailangan ng mga manyak. Kapag ganiyan iyong order, hindi na matatakot iyong labor attache. Bakit natatakot minsan iyong labor attache? May mga may-ari ng mga ahensiya na may mga padrino sa larangan ng pulitika. Na minsan nakakatanggap sila ng tawag – kung sino man iyon, kung senator man, o Congressman o sino man. Siyempre matatakot ka rin.

    VP LENI: Dapat ibawal na iyon.

    TOOTS OPLE: Kasi career mo iyon. Pero kung galing kay pangulo –

    VP LENI: Puwede nang sabihin na “Order ito ni pangulo kaya hindi namin kayo mapagbigyan”.

    TOOTS OPLE: Oo. Kasi minsan iyong pressure, galing din sa kasamahan sa gobyerno eh.

    ELY: Grabe ano. Okay, so may tanong lang dito sa ating texter ano. “Good AM po, paki sabi po kay Ma’am Toots na dapat every six months ng empleyado sa amo nila ay binibisita po ng taga-embassy para malaman iyong kalagayan.” Mula sa Laguna. So, puwede ba ito? Kakayanin ba ito?

    TOOTS OPLE: Hindi siya puwedeng bisitahin kasi may privacy aspect iyan pero puwede sana na every three months or every six months…

    ELY: Magre-report sa embassy?

    TOOTS OPLE: Dalhin ng employer, kung nakalagay iyan sa kontrata. And again, kapag umayaw iyong employer, “O sige, humanap ka na lang ng Nepalese or Ethiopian. Pero iyong mga Pilipino, ito kasi iyong policy namin ngayon.”

    VP LENI: Ang laking bagay noon. Ang laking bagay na required iyong employer na dalhin kasi at least namo-monitor mo every so often, diba.

    ELY: Oo, every three months ipapasyal siya sa embassy.

    TOOTS OPLE: Or at least matawagan man lang, or usap over the phone.

    ELY: Iyon yung maganda sana, kaya lang kadalasan hindi naman nasusunod iyong kontrata.

    TOOTS OPLE: Iyon pa.

    ELY: So sino iyong puwedeng mag-monitor doon? Kasi talagang limitado iyong ating mga taga-embassy, kakaunti lang iyong tao doon eh. Dapat siguro kung marami yong OFWs, mas magdagdag ng tao.

    TOOTS OPLE: Puwede magdagdag ng mas maraming welfare officers ang OWWA at kung magkaroon din ng social welfare attache iyong DSWD.

    VP LENI: Ngayon ba wala?

    TOOTS OPLE: Ngayon kasi, tatlo lang ang social welfare attache natin.

    VP LENI: Saan sila naka-assign?

    TOOTS OPLE: Dalawa sa Saudi Arabia, I think iyong isa… Hindi ko alam kung UAE or, ewan ko kung mayroon sa Kuwait.

    VP LENI: Kasi ang laking bagay Ka Ely, kung meron sana.

    TOOTS OPLE: Sa Malaysia pala iyong isa.

    VP LENI: Bakit, marami bang Pilipino sa Malaysia?

    TOOTS OPLE: Oo, marami kasi sakop iyon ng Sabah.

    ELY: Kaya marami Ma’am eh, ano? Tumatawid lang. Okay, so siguro iyan po ano. Pero may mga panawagan na possible bang mapalawig pa iyong amnesty? Kasi parang napakaikli lang ng isang linggo, ang dami pa nating kababayan na gustong umuwi.

    VP LENI: Oo, sa 22. Kulang iyong isang linggo.

    ELY: Yes ma’am.

    TOOTS OPLE: Iyong amnesty kasi, Kuwaiti government ang magde-decide.

    ELY: So manawagan lang tayo.

    TOOTS OPLE: Sana pansinin.

    ELY: Bukod ho diyan sa Kuwait, mayroon din napabalita Toots na sa Saudi Arabia bigyan natin ng gabay iyong ating mga kababayan na Pinoy nurses na binago iyong kanilang credentials. Iyong sa experience. Puwedeng iyong mismong nurse na pumayag, sabi “Kami na bahala diyan”, or pumunta sa university of Recto or kung ano man.

    TOOTS OPLE: Nakipag-meeting kami, dala namin iyong mga pamilya noong mga nurses. Iyong iba nakakulong na sa Saudi Arabia kasi ang nangyari, ang Saudi Arabia, kumuha ng private company. Ang pangalan Dataflow. Ang gawain ng Dataflow, i-verify kung talagang ganoon kahaba iyong experience dito. So tumatawag sila sa mga ospital, “Ito ba, talagang three years nagtrabaho sa inyo?”. Nagkakabukuhan tuloy. So iyong iba, nakukulong for one year at may fine din iyon na ilang libong Saudi reals.

    VP LENI: Kawawa naman iyong mga nurses, ano?

    TOOTS OPLE: Kawawa, kasi iyong iba na-promote na, saka lang lalabas na “O, peke iyong Certificate of Employment mo.” So nakiusap kami kay Usec. Ciriaculo Gunzad ng DOLE na tingnan ito kasi may mga cases na napapawalang-bisa iyong charge dahil nakakakuha ng certification sa POEA na iniimbestigahan na iyon ahensiya na iyon. Madalas kasi, iyong ahensiya, iyon iyong…

    VP LENI: Sila iyong nagduduktor. Pero siguro Ka Ely, iyon magsisilbing warning na rin hindi lang para sa nurses pero para sa lahat na siguraduhin na lahat ng dinideklara nila, totoo. Kasi ayaw natin iyong sitwasyon na pupunta sila, gagastos sila, pagdating doon, makukulong lang.

    ELY: At saka, chini-check talaga ha? Hindi lang naniniwala na kung ano iyong binigay, iyon na lang.

    TOOTS OPLE: Chini-check talaga. Dati kasi mahigpit sila sa transcript of records at saka sa diploma. Ngayon pati certificates of employment.

    ELY: So hindi na puwedeng galing sa Recto o kung saan saan.

    TOOTS OPLE: Hindi na puwedeng Recto-fied.

    ELY: Pero Toots, minsan kasi, iyong employer or iyong agency, minamadali. Actually kahit kulang daw ng ilang buwan ha, mahigpit pa rin daw ang Saudi. Iyong sa experience, halimbawa kung three years ang kanilang requirement. Kung naka-two years and six months lang, tapos sasabihin “Hindi, puwede na iyang three years, kami na bahala.”

    TOOTS OPLE: May nagsabi sa akin na ganoon, sabi daw kasi ng agency niya, “Huwag ka mag-alala”. Iyon pala, iba iyong pinalabas. Sabi three years experience kahit short. Iyong kaso na nahawakan namin, short lang siya ng five months eh.

    VP LENI: Tapos, nakulong siya?

    TOOTS OPLE: May hearing, oo na-charge.

    ELY: Tapos mayroon din yata problema sa Saudi na ibang visa ang gamit. Halimbawa, hindi naman ako engineer, mason ako. Pero iyong ibang recruitment agency, pinapalabas sa visa engineer tapos sasabihin “Ito na gamitin mo.”

    TOOTS OPLE: Matagal na iyan, pero ang ibig sabihin niyan, dapat mahigpit iyong labor attache natin at iyong POEA. Pero may mga agencies naman din na nagsasabi na iyong aplikante ang nag-submit sa kanila ng peke. Minsan nagkakaroon ng turuan.

    VP LENI: At saka mahirap iyon dahil di ba, kapag oras de peligro na, wala nang aamin eh.

    TOOTS OPLE: Pero ito lang iyong nakakaaliw, kasi may case na na pinatawag siya. Sinabi na “Oh, bakit ito peke ito. Ayon sa Dataflow hindi naman ganito iyong number of years mo”, maglalabas siya ng panibago tapos sasabihin na “Hindi, ito iyong tunay.” Tapos sabi daw ng judge, “Bakit parehong authenticated ito ng gobyerno ninyo?”. Same name, same hospital, magkaiba iyong years of experience pero parehong naka-red ribbon.

    VP LENI: Kapag ganoon, parang nakakahiya din.

    ELY: At saka masisira iyong gobyerno natin, parang ganoon di ba. Ibig sabihin, doon pala sa Pilipinas hindi ganoon ka-higpit hindi ba?

    SUSAN: Kasi tayo, sanay tayo na minsan medyo lax tayo sa mga dokumento. Ka Ely, mayroon lang kaming abiso. Kasi minsan maraming nabibiktima ng illegal recruitment sa Russia. Gusto lang namin klaruhin – mismong si Ambassador King Sureta. Wala pong trabaho ng domestic worker sa Russia. Kasi may mga umiikot.

    ELY: Pero ngayon kasi mayroong statement iyong pangulo na kapag pinauwi iyong mga nasa Middle East, sinasabi na “Hahanapan ko kayo ng trabaho sa Russia, sa China.”

    TOOTS OPLE: Eh nagagamit iyon. In fact, may mga nakausap kami na nandoon sa Russia, wala namang trabaho pero nabaon sa utang, 10,000 US.

    VP LENI: Nakapunta na doon?

    TOOTS OPLE: Nandoon na tapos kinikikilan kasi alam na kumbaga, illegal iyong pagpasok. So kinikikilan ng pulis, ng landlord. Hirap na makapag-ikot-ikot para makapaghanap ng trabaho. Iyon lang po, paalala lang po sa ating mga kababayan.

    VP LENI: Iyan po siguro, ulit-ulitin natin iyan, Ka Ely kasi kawawa. Kawawa iyong masusubo.

    ELY: Okay, sa huli, baka may gusting lumapit sa Blas Ople Policy Center, sige. Saan kayo puwedeng kontakin?

    TOOTS OPLE: Iyong hotline po namin, 833-5337. Doon po iyong opisina namin sa likod ng lumang Department of Foreign Affairs. Hindi sa Aseana kung hindi sa main building. Ang kalye namin ay Robert St. Punta lang po kayo doon para matulungan namin kayo.

    VP LENI: Marami talagang natutulungan. Gaya Ka Ely ng sinabi kong kapag may problemang dumudulog sa akin, kay Toots ako dumudulog din.

    ELY: Maraming salamat, iyan po si Madam Susan “Toots” Ople, ang presidente ng Blas Ople Policy Center.

    VP LENI: JCI Capitol JCs. Isa sila sa mga core na sponsors nitong Camp Pag-ibig. Ito ka Ely matagal ko nang naririnig ngayong araw mayroong Camp Pag-ibig. Pero siguro tatanungin natin si, ang ating bisita hindi pa natin napapakilala. Kung ano ito, papano ito nagsimula at ano ang mga ano nito. Ang bisita natin si Mr. JP Demontano. Ayan magandang umaga po.

    JP DEMONTANO: Good morning po ma’am. Good morning po.

    VP LENI: Ayan. Gaya ng sabi ko JP, iyong JCI Capitol Quezon City isa kayo sa mga namumuno ng Camp Pag-ibig, hindi ba?

    JP DEMONTANO: Yes ma’am. Opo.

    VP LENI: Mula anong taon nakasali ang JCI dito sa Camp Pag-ibig?

    JP DEMONTANO: Well ma’am kasi noong 1975 pa po may presidential proclamation na ginawa ang Presidential Proclamation 1385 na nagdedeklara ng linggo ng mga, at that time retarded po ang tawag sa mga bata pero ngayon dahil politically correct na, intellectually disabled na. So during that time may linggo talaga sila na dinedicate dahil sa Presidential Proclamation noong 1975…

    VP LENI: Pero iyong linggo na iyon ngayon talaga? Ngayong linggo ng Valentine’s?

    JP DEMONTANO: Yes po. Iyong proclamation na iyon talagang dinedeklara iyon iyong February 14 up to 20, doon talaga naka-schedule ang declaration, ang linggo po ng mga children with disabilities.

    VP LENI: So hindi nalang siya iyong intellectually disabled pero kahit physical disability?

    JP DEMONTANO: Yes po, lately po ganoon po ang ginagawa natin dahil marami po sa society na hindi naman po natin puwede ipagbalewala. So kasama na rin po sila ngayon, children with intellectual at physical disabilities.

    VP LENI: Ang balita ko JP di ba ang Camp Pag-ibig nangyayari ito sa Sunday na nearest sa Valentine’s di ba?

    JP DEMONTANO: Opo dahil nga po sa linggo na iyon iyong Feb. 14 to 20, so iyong Sunday na tatapat sa gitna noon, doon po nangyayari ang Camp Pag-ibig.

    VP LENI: Tapos iyong Camp Pag-ibig ano ang nangyayari sa kanya? Ano iyong, iyong linggo na dine-devote ninyo for Camp Pag-ibig, ano ang activities for the special children?

    JP DEMONTANO: Ang highlight po nito ang mismong camp po. It’s a day camp for the children with disabilities so iyong Sunday nga po in between Feb. 14 and 20. One whole day po iyon. Dati po 2 days ito kasi may ina-accept pa from the other provinces na medyo malalayo so may overnight ito dati, Saturday and Sunday.

    VP LENI: So gustong sabihin hindi ito limited to Quezon City?

    JP DEMONTANO: Hindi po, hindi po. So NCR po, in fact ang NCR-DepEd partner po dito. So ibang schools din po kasama dito though ang ibang bulk po dito ng sumasali, participants ay from Quezon City.

    VP LENI: Tapos ano iyong, mga ilan ba ang nagpa-participate dito?

    JP DEMONTANO: Naglalaro po sa 2000 special children po. So ganoon po karami iyon tapos may kasama pa siguro around 300-500 na magulang, volunteers, JCs, ayon po. Hindi po nakakagulat ang ganitong klaseng participation dahil mayroon po tayong tinatawag na parents’ forum. So ina-update po sila kung paano alagaan ang children with special needs, so may mga speakers tayo mga dalubhasa sa ganitong field. Ayon po ang isa sa mga sinasabi natin na nakakapag-organize tayo ng ganito hindi lang po para sa mga bata, pati rin po sa mga parents nabibigyan po ng pag-asa. In fact, natuto din. So sa interaction pa lang siyempre hindi naman po pare-pareho members ng JCs, so kada may bagong miyembro, so inaasahan po ito kasi ang interaction po sa ganitong mga bata dapat ma-experience po ito. So iyon, something to look forward to.

    VP LENI: So ngayon nangyayari iyon…

    JP DEMONTANO: Sa kasalukuyan nangyayari po ngayon.

    VP LENI: Naguumpisa siya parang early morning ng Sunday.

    JP DEMONTANO: Yes po nag-a-assembly po ng 6 o’clock tapos nagsisimula po ng mass. Ang pinakaunang activity po ay mass po siyempre po dahil Sunday, at saka doon talaga ang pagmamahalan nga na tinatawag so nagsisimula po sa mass po iyon. And then, iba-ibang activities na po ang kasama sa program. So mayroon din po tayong hand-washing, mayroon din po tayong arts and crafts, tapos may zumba minsan. Mayroong storyteller tayong dadating doon, mayroon pong mga mascots natin. Lahat po ito kinatutuwa talaga ng mga bata.

    VP LENI: Pinapasaya talaga sila.

    JP DEMONTANO: Yes po, opo, opo.

    VP LENI: Siguro na-imagine ko, ito siguro kasi yearly ginagawa di ba? Iyong mga special children siguro nilu-look forward nila itong araw na ito di ba?

    JP DEMONTANO: Yes po ma’am talagang every year talagang nandoon. In fact po maliban sa pag-graduate po ng iba doon, mayroon po kaming tinatatawag na si Eugene, though, bless his soul po wala na po siya, kahit noong nag-graduate na siya sa eskuwelahan, patuloy pa rin po siya parang nakikipag-reunion doon sa mga children na ganoon din.

    VP LENI: Dahil parang mga alumni sila…

    JP DEMONTANO: Yes parang ganoon po. In fact, nakakapagtaka kasi medyo mababa ang ano life ng special children ano. Siya umabot siya ng 60 plus years old. Bihira po iyon. So siguro nga dahil sa kasiyahan, so mayroon siyang ine-expect, mayroon siyang pag-asa every year. So iyon siguro…

    VP LENI: Ito, kung mayroon kang mga 2,000 a day, in one day, saan niyo ito ginagawa? Dapat masyadong malaki ang lugar di ba?

    JP DEMONTANO: Sa ano po. Pasalamat po kami sa Manila Waters po sa Balara, na talagang napoprovidan kami ng malaking swimming pool, malaki ang grounds.

    VP LENI: So nagsu-swimming din?

    JP DEMONTANO: Yes po iyan po ang paborito nila talaga. Talagang pagka-swimming na sobrang excited na nila.

    VP LENI: Paano ninyo iyon nahahandle? Iyong 2000 plus?

    JP DEMONTANO: Malaki pong challenge iyan. [laughs]

    VP LENI: Kasi kahit siguro 500 na special children, di ba?

    JP DEMONTANO: Ayon nga. Malaking challenge po iyan. In fact even magbigay lang, kasi nagbibigay po kami ng mga loot bags mga notebooks, mga pad papers. Iyong buohin pa lang namin ang 2000 notebooks, 2000 na pad papers, 2000 na toothpaste, tuwalya, mahirap na po iyon. Pero ang struggle na iyon kasi parang nakikita rin namin na, well iyon ang pag-asa namin talaga na kasiyahan namin at pag-asa rin na kasiyahan ng bata di ba. So parang dumadali siya lahat kahit sabihin mong 2000 iyon, hindi ko alam for the past so many years nabubuo, nagagawa namin iyon. Hindi ko alam kung kanino iyong blessing na iyon. [laughs]

    VP LENI: Pero ito papano ninyo naiipon sila. Sabi mo DepEd ang isa sa mga partners. Gustong sabihin, para iyong nag-a-atttend nito ito ang mga special children na nasa SPED ng DepEd.

    JP DEMONTANO: Yes po sa mga SPED schools po. So sa NCR po sila ang nagi-invite, nagsesend ng lahat ng mga invitations at sila po ang nagpapadala po doon ng mga children.

    VP LENI: Kasi ako ka Ely mayroon akong pamangkin na special child. Ano na siya, mayroon siyang cerebral palsy. At saka may delay. Pero hindi extreme. Functioning siya, masaya mabait na bata, masaya. Iyong mga activities nila sa school nakakatuwa. In fact galing siya dito last month bumisita sa amin mayroon siya sa aking dala na mga Pili products na sila ang gumawa. Ano talaga, parang sila talaga ang mga anghel sa buhay natin di ba. Sobrang babait, sobrang mga mapagmahal sobrang lambing. Talagang ano, kaya may paniniwala na kapag mayroon kang special child sa pamilya parang blessing. Ano talaga, kaya nakakatuwa na mayroon kayong ganitong Camp Pag-ibig. Kami sa Naga mayroon ding parang araw para sa kanila pero hindi siguro ganito ka-extensive, hindi ganito kaengrande pero magandang ideya. Magandang ideya ang Camp Pag-ibig pero ito, mayroon bang, ang mga volunteers bang tumutulong sa inyo nagsasign-up sila sa inyo o sa DepEd?

    JP DEMONTANO: Mga volunteers po kami ang kumukuha for the general, kasi marami po iyon mayroong functions halimbawa ang mga teachers, siyempre dahil medyo technical ang pag-alaga ng mga bata, sila nagha-handle noon. But the rest po like po iyong mga coordinating sa amin na po dumadaan iyon. Mga sa JCs na po, sa Capitol JCs na po dumadaan.

    VP LENI: Kasi I can imagine kung gaano kagrabeng groundwork ang kailangan di ba before mangyari ito. Kaya ito ka Ely, siguro next year mag-ano tayo, sulitin natin ang Camp Pag-ibig. Actually noong narinig ko ito about 2 years ago, plano na ako ng planong pumunta at hindi parati natutuloy siguro next year kami ka Ely pupunta.

    JP DEMONTANO: Actually ma’am nabanggit ninyo iyong tungkol sa Naga ano. Mayroon na kaming na-extend ngayon so lumabas na kami sa Quezon City. Ang Palawan po nagse-celebrate na rin ng Camp Pag-ibig so sila naman sa Puerto Princessa naman po gagawin iyon.

    VP LENI: Sa Naga ba mayroon na din?

    JP DEMONTANO: Wala pa po, kapag natulungan nyo po sa JCI Naga Carinosa…

    VP LENI: Ano pa lang, last week nandoon ako kasi induction ng JCI Naga Carinosa. Ipepresinta ko sa kanila ito. Siguro pag may nagawi dito sa kanila, magrerequest kaming meeting sa inyo kasi mas mabuti kayo ang mag-explain sa kanila ng buong concept. Pero nakakatuwa. Nakakatuwa na binibigyang importansya iyong ating mga special children kasi gaya ng sabi ko ano talaga, ito talaga ang mga masasarap alagaan. Kaya ito ka Ely mapalad tayo na siguro tumakas muna itong sa JP… [laughs]

    JP DEMONTANO: Nagpaalam naman po ako [laughs].

    VP LENI: Dapat nandoon siya kaya siguro hindi na din natin siya papatagalin. Pero gusto lang namin paabot sa inyo ang pasasalamat at congratulations na iyong organisasyon ninyo sinalo iyong pagpatuloy ng Camp Pag-ibig kasi napakagandang activity talaga ito para sa ating special children. Pasalamatan natin ka Ely si JP, wala na tayong oras alas diyes na naman kaya salamat JP. Sana next year kami makapunta sa inyo.

    JP DEMONTANO: Yes po ma’am, invited po kayo doon, welcome po kayo doon.

    VP LENI: Maraming maraming salamat.

    ELY: Salamat po. Bago tayo magpaalam ma’am, may mga message po ang mga listeners at mga nanonood din po sa FB Live.

    VP LENI: Mayroong mga tanong dito ka Ely, ewan ko kung, ito puwede bang magtanong about your pabahay? Wala po kaming pabahay. Ang tanging pabahay po ng aming opisina iyong Angat Buhay Village sa Marawi. Alam mo ka Ely maraming fake na lumalabas na mga text. Nagsasabi na mayroong pabahay ang aming opisina. Mayroon daw na ira-raffle na mga bahay, hindi po iyon totoo. Noong nasa HUDCC po ako involved ako sa housing pero ngayon po iyong housing ay isa nalang sa advocacy ng Office of the Vice President. Gaya po ng sabi ko ang existing po namin na housing program ngayon iyong sa Marawi iyong Angat Buhay Village. Ang tinutulong lang po namin iyong mga existing na mga relocation sites na walang tubig, walang kuryente iyon po ang tinutulungan natin. May nagpapasalamat dahil kahit Sunday daw nagtatrabaho tayo. Lahat nagpapaabot ng pangungumusta. Marami ito ka Ely, medyo mahaba-haba. Mayroon ding mga tanong tungkol sa kanina pero parang nasagot na din. Nasagot na ng ating bisita. Wala daw fake news ang Biserbisyong Leni, bawal po dito sa RMN ang fake news [laughs]. [Greetings] Di ba ka Ely baka pupunta tayo ng Vancouver? Baka pupunta kami ni ka Ely ng Vancouver ngayong taon pero panaginip, pangarap pa lang iyan. Ito marami ito ka Ely wala na tayong oras.

    ELY: Pasensya na po ang hindi nababanggit pero…

    VP LENI: Oo. Maraming salamat po sa inyong lahat.

    ELY: Okay so maraming salamat po mga kasama, at ma’am sa panghuli. Inyo pong mensahe sa ating mga kababayan at siyempre lalo na ho iyong mga OFWs na nakatutok po sa Biserbisyong Leni at ang kanilang mga kaanak at talagang tayo po ay binibigyan natin ng halaga ang mga OFWs.

    VP LENI: Ito po ang atin lang pong mensahe. Una, may warning po kanina si Tuts Ople. May kumakalat daw po ngayon na balita na mayroong mga trabahong domestic, for domestic workers available sa Russia, hindi daw po iyon totoo. Iyon ang fake news. Huwag po kayong maniniwala kasi iyong mga nauna daw doon na nasubo ay ayon, nagkaproblema ang papeles. Ang pangalawa, marami pong problema na hinaharap tayo. Diniscuss po natin iyon kay Tuts Ople kanina. Pero patuloy po nating hinahanapan ng paraan. Kung mayroon po kayong mga gustong itanong, kung mayroon kayong gustong ma-take-up ng Biserbisyong Leni, i-message lang po ninyo kami sa aming Facebook page kasi gaya po ng sabi namin, pang-apat na ito. Pang-apat na edition ng ating pagtalakay ng OFW na mga problema, pero patuloy po tayong gagawin iyon. May balak po kami ni ka Ely na bisitahin ang ating mga OFWs, mag-iikot kaya lang ito ay nasa planning stage pa lang. Pero pag mayroon na pong schedule, i-a-announce po namin sa inyo kung saan kami pupunta. Maraming salamat po sa pakikinig.

    ELY: Okay maraming salamat po mga kasama. Iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo, ako naman si Ely Saludar. Muli po isang magandang umaga, Pilipinas.

    Posted in Transcripts on Feb 17, 2018