This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 31

    10 December 2017

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI. Ngayon po ay araw ng Linggo, December 10, 2017. Mga kasama, ako pa rin po si Ely Saludar, at siyempre kasama natin dito sa ating studio ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, ang nanay ng sambayanang Pilipino, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong umaga. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol: Marhay na aga sa indo gabos. Sa atin pong mga tagapakinig sa Visayas at Mindanao: Maayong buntag kaninyong tanan.

    ELY: At siyempre, mga kasama, tulad po ng dati, magandang malaman po natin ang naging aktibidad po ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo. Ma’am, kumusta po?

    VP LENI: Iyong linggo ko, Ka Ely, last week, sinimulan ko sa San Sebastian College. Ito, Ka Ely, nakakatuwa, kasi mga senior HS students iyong kausap ko. Sila iyong nag-sponsor ng parang gender sensitivity training. Ito, bihira ito, Ka Ely, kasi parating iyong usapin sa gender, parating hindi interesado iyong tao. Pero iyong pinuntahan ko, sila mismo iyong nagbuo ng seminar, at mga estudyante iyong mga kalahok. Iyong mga tanong nakakatuwa kasi ito iyong mga tanong na paminsan nahihiyang itanong, iyong mga tanong na ayaw pag-usapan, kaya tingin ko iyong mga paaralan dapat hinihikayat iyong ganitong mga usapin para napapag-usapan iyong mga otherwise ayaw pag-usapan.

    Iyong Miyerkules, Ka Ely… Itong linggong ito sunud-sunod iyong aking provincial [trips]. Iyong Miyerkules, pumunta ako sa Ifugao. Iyong pangalan ng munisipyo ay Alfonso Lista. Kasi doon iyong opening ng Ifugao Athletic Selection Meet. Ito iyong mga parang preliminary sa Palarong Pambansa.

    Pumunta ako doon, masaya, Ka Ely. Pumunta ako, mayroon silang hinandang costume para sa akin. Iyong costume daw na iyon, galing sa Gaddang tribe, at pinasuot nila sa akin the entire time na nandoon ako sa stage at nag-a-attend ng athletic meet. At hindi lang iyon, Ka Ely—pinasayaw ako. Pinasayaw ako ng tribal dance. Noong umpisa, nagsasayaw na iyong mga estudyante, tingin ko ang dali. Sabi ko kayang-kaya ko iyan. Noong ako na iyong pinasayaw, parang wala pang 5 minutes hingal na hingal na ako. Nakakapagod pala. Pero masaya iyong bisita na iyon.

    Noong Huwebes pumunta ako ng Daet, Camarines Norte. Mayroon doong ilang mga okasyon. Iyong isa sa mga okasyon doon, parang graduation ng 25 na mga bulag na nag-undergo ng TESDA training. Itong mga bulag na ito, tinraining sila sa pagmasahe. Pero ang kagandahan nito, binigyan na sila ng permanenteng lugar doon sa sentro ng Daet, doon sa Pinyasan Kiosk. Doon na sila maglalagi, doon na sila magre-receive ng costumers. At least mayroong pagkakakitaan, kaya nakakatuwa iyong graduation.

    Pagkatapos noon, nag-launch kami ng Istorya ng Pag-asa. Iyon, Ka Ely, masaya kasi iyong launching sa Camarines Norte State College, pero ang nagsama-sama 3 paaralan—iyong Camarines Norte State College, iyong Mabini Colleges, saka iyong Our Lady of Lourdes [College Foundation]. Napakaraming nag-attend—mga teachers, mga estudyante, tapos iyong pinaka-convenor ng Istorya ng Pag-asa doon, iyong presidente ng civil society organization ng Daet. Kaya siya nakakatuwa kasi parang nagkaroon ng proyekto iyong iba’t ibang mga sektor, at iyon ay hindi madalas mangyari.

    Pagkatapos noon, mineet ko, Ka Ely, iyong Urban Poor Association. Pero pagkatapos din noon, ng lahat ng events sa Daet, binisita ko iyong dalawang pulis na namatay dahil sa ambush ng NPA. Iyon, nakakaawa iyon, Ka Ely, kasi halimbawa, iyong una naming binisita ay 35 years old, iyong pangalawa ay 29 years old. Talagang batang bata, na talagang naging biktima ng labanan ng NPA saka ng militar.

    Biyernes, nasa Camarines Sur ako, Ka Ely. Iba-iba din na mga programa: mayroong sa kababaihan, mayroon sa day care children. Noong hapon ng Biyernes, nagkaroon kami ng Angat Kabuhayan [meeting], na kung saan inipon namin iyong mga magsasaka sa amin, iba’t ibang mga kooperatiba, at nandoon din iyong chamber of commerce. Kasi pinag-uusapan namin kung posible kaya na maggawa kami ng isang inclusive business model para sa mga magsasaka, kung saan mahihikayat iyong mga negosyante—gaya ng restaurants, mga hotels, mga ospital—na… Alam mo, Ka Ely, noong survey kasi namin, nalaman namin na lahat na binibili nila, sa labas ng Camarines Sur. Halimbawa, gulay, binibili nila sa Baguio. Iyong karne, binibili nila sa Maynila. Iyong iba, sa ano pa… may isang napakalaking restaurant doon sa amin, bumibili sila ng pork belly, ini-import niya pa from abroad. So pinag-uusapan namin: mayroon kaming survey ng lahat ng binibili ng establishments sa amin, pinresent namin iyon sa aming magsasaka, at nag-usap kami paano kaya iyong mekanismo para sila na iyong mag-supply. Parang ano naman, parang very promising iyong gagawin.

    Kahapon nasa ano ako, Ka Ely, nasa Subic. May isang konsehal doon na nag-celebrate ng 25th wedding anniversary at in-attend-an natin. Kaya ano, mula Miyerkules hanggang Sabado, out-of-town tayo. Parang nasa opisina lang ako Lunes saka Martes, kaya babawi tayo ngayong linggo, kasi medyo madami-dami na yata iyong ating pipirmahan.

    ELY: Okay, samantala, mga kasama, iyan ho ang naging aktibidad ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo. At siyempre, ito na ho, sigurado maraming mga tanong na maganda ay sagutin mismo ng taga-POEA. Importante po ito para sa ating mga kababayan, mga kasama, lalo na po iyong mga overseas Filipino workers, iyong mga nagbabalak din na maging OFW.

    [music break; END GAP 1]

    ELY: Okay ma’am at nandito na po ang bisita natin ngayong umaga. Opo.

    VP LENI: Ito ka Ely ano pa ito, extension pa noong, extension pa noong pag-gunita natin ng parang buwan para sa ating migrant workers. Kasi ang Desyembre ay nadeklara noong 1988 para sa ating migrant workers. Ang bisita natin ngayon ka Ely sabi ko nga mapalad tayo kahit Linggo pinagbigyan tayo. Wala namang opisina ngayon pero nandito ang ating bisita, ginambala natin. Pero ito ka Ely alam natin na since last week napakarami ng mga tanong galing sa mga OFW. Pero pakilala muna natin ang ating bisita, siya po ang Deputy Administrator for Management Services ng POEA, si ma’am Jocelyn Sanchez. Magandang umaga po.

    JOCELYN SANCHEZ: Magandang umaga po ma’am, at magandang umaga po ka Ely. Isang karangalan po na maimbitahan kami lalo na sa pagbibigay ng impormasyon sa ating mga OFW.

    VP LENI: Alam mo mula po kasi nang sinumulan namin ang aming programa, mayroon po kasi kaming Facebook Live. At doon po sa aming Facebook live, sa mga nagkokomento, nakikisama sa amin pag Linggo mga OFWs. At parati po silang nagiiwan ng mga tanong, mga concerns, nagpapahayag ng mga issues sa aming Facebook, sa amin pong Facebook live. Kaya last week po naimbitahan namin si Atty. Hans Cacdac ng OWWA. At ayon, sinagot niya ang mga katanungan ng ating mga kababayan na OFW. Pero mayroon pong mga katanungan na sinasabi ni Atty.Hans na hindi iyon OWWA pero POEA. Pero siguro po ang pinakaumpisa, ano po talaga ang kaibahan ng trabaho o ng mga issues na inaasikaso ng POEA sa OWWA. Kasi parang ang mga OFW po natin may mga kalituhan ang iba.

    JOCELYN SANCHEZ: Opo ang POEA po ito ang ahensya ng ating pamahalaan na under po ito ng Department of Labor and Employment. So kami po ang nagreregulate ng mga license recruitment agency and at the same time kami din po ang pinakapangunahing ahensya na nagooverlook sa ating overseas employment program.

    VP LENI: So in other words ma’am pag pinagusapan na iyong mga recruitment agencies, kayo iyon hindi iyon OWWA?

    JOCELYN SANCHEZ: Hindi po OWWA.

    VP LENI: Gustong sabihin pag may mga reports ng mga katiwalian, o may mga reports na kasi marami po tayong OFWs na sinabing noong umalis kami ito ang, ito ang pinaintindi sa amin na gagawin namin doon, pagdating namin iba naman iyong trabaho. Pag ganoon po sa inyo iyon?

    JOCELYN SANCHEZ: Sa amin iyon ma’am kasi may kontrata iyan bago sila aalis pinipirmahan po ng between the employer at saka ng worker. Pagdating doon ma’am, iyong sinasabi ninyo na may mga contract substitution, sa amin na po iyon. Kasi iyong employer po at saka ang licensed recruitment agencies may joint solidarity na liability sa worker.

    VP LENI: In other words ma’am ang lahat ng reklamo tungkol sa recruitment sa inyo iyon? So hindi dapat nila dinudulog sa OWWA. Tapos ito ma’am, mayroon akong nabasa na sa of December 4, 2017 mayroon na tayong 1245 na recruitment agency na may valid licenses. Tama po ba ito?

    JOCELYN SANCHEZ: Tama po iyan. Ganyan na po kadami ang ating mga licensed recruitment agencies.

    VP LENI: Naku napakadami ka Ely pero siguro iniimagine ko kung gaano kahirap sa POEA na parang isusupervise mo ito lahat, ipupulis mo ang mga katiwalian. Pero ito po ano ang prosesong nangyayari kapag halimbawa licensed ang recruitment agency tapos mayroon kayong natanggap na reklamo. Ano ang proseso para ihearing ninyo iyon?

    JOCELYN SANCHEZ: Una po sa lahat gusto ko lang pong ipaliwanag ang sinasabi ni ma’am na kung gaano kalaki na ang licensed recruitment agencies pagkamag-aapply, maichecheck naman iyan sa POEA website sa www.poea.gov.ph. At mayroon din pong, maichecheck din po natin iyan mayroon din po kaming hotline ma’am 24/7, 722-1144 at 722-1155.

    VP LENI: Ayon, madali lang alalahanin.

    JOCELYN SANCHEZ: Yes ma’am. Kaya ibig sabihin po muna, bago ko po sagutin ang tanong ninyo ma’am, ibig sabihin bago kayo mag-apply hindi naman porket nag-issue kami ng lisensya sa 1000 plus na iyan, ay dapat nacheck na natin ang status kasi iyon na nga, papasok naman tayo diyan ma’am. Kung nagkakaroon ng problema ang worker, nagfile ng complaint sa POEA, ang una pong proseso niyan pupunta po doon sa legal assistance division after that po papababain po natin iyan sa atin at mag-uusap po. But kung wala pong amicable settlement that’s the time ipapasok na po sa ating adjudication at maghihearing. Kapag napatunayan talaga na nagkasala sila may mga ano po iyon, magiging suspended o kung malala po, kacancel ang lisensya ng ahensya.

    VP LENI: Di ba sabi mo mayroong nakalista ang lahat 1000-plus na agency sa website tapos mayroong hotline na puwede mong icheck, pagtiningnan mo ba ang website tapos hanapin mo ang agency na nagrerecruit sa iyo, makikita doon kung suspended siya? Papano kung kinakaso pa lang? Makikita ba na parang may pending case?

    JOCELYN SANCHEZ: Yes ma’am. Ay wala po ma’am kasi unless may desisyon na siya.

    VP LENI: So hindi pa siya nakareflect doon?

    JOCELYN SANCHEZ: Hindi po, puwede naman itanong kung may pending case po iyan kasi ano naman tayo di ba ma’am makikita naman natin sa database. But unless po na may desisyon na siya, doon pa lang po ipopost namin.

    VP LENI: Ito ma’am sa experience niyo po marami pa bang mga iyong tawag natin fly by night. Marami pa bang mga fly by night na recruitment agencies na mapapapaniwala ang ating mga kababayan kahit hindi siya licensed.

    JOCELYN SANCHEZ: Ayon ma’am, iyon po ang tinatawag nating mga illegal recruiter. Sa ngayon because of social media ma’am, nalelessen na unlike before.

    VP LENI: Dahil napapaalam na…

    JOCELYN SANCHEZ: Napapaalam na po talaga. Katulad po ngayon na mapalad din po ang POEA na inimbitahan namin na para ipaliwanag sa mga tao bakit mayroon pa rin sa mga probinsya ho ay marami pa po… kaya nga ho ang sinasabi namin ay malalaman mo na kaagad na ito ay illegal kapag hindi siya sa official business address nakikipagdeal. Kasi pagmakikita na po natin siya kung licensed siya kapag pagpasok pa lang po may sticker na ng POEA, may mga makikita mo na po.

    VP LENI: So mas mabuti ma’am ang advise natin lalo na sa mga first time, mga first time na magtatrabaho abroad, kung mayroon recruiter na pumunta, mas mabuti na makita mo ang opisina ng nagpunta. Kasi ang opisina ng recruiter una makikita mo ang parang POEA na sticker. So kung walang opisinang permanente, o paminsan kasi ma’am naalala ko doon sa amin mayroong parang magrerent lang silang function room sa isang hotel, magrerecruit sila, o kahit paminsan restaurant nga…Kapag mayroong mga ganoon parang nagpoprovincial na recruitment, ano ang dapat hingiin sana nila?

    JOCELYN SANCHEZ: Ma’am mayroon naman po talaga na nagcoconduct sa isang hotel, we do allow. But mayroon po iyong clearance from POEA. So dapat may special recruitment authority from POEA.

    VP LENI: Parang certificate iyon ma’am?

    JOCELYN SANCHEZ: Yes, ma’am so kapag wala… Ang restaurant talaga pong wala talaga iyan, pero iyong mga, kasi po mayroon, kasi di ba we are bringing our services nearer doon sa mga malalayo. But may mga job fair din po na wherein masusupervise ng mga taga-Department of Labor, POEA at saka mga LGUs natin. Ang mahalaga po kapag job fair po, di ba po marami yan, marami ho na mga agencies na nagpaparticipate dapat may job fair appointee. Kahit na lisensyado po siya, dahil doon po ay naka ano ang lisensyado siya, kung sino ang authorized na tao na pupunta niya, at pangatlo, may job order.

    VP LENI: Kaya ito po siguro warning sa ating mga kababayan lalo na po siguro ang mga nasa mga malalayo na mga probinsya. Kapag may pumunta po sa inyo na nagrerecruit o nagsasabing recruitment agency siya, karamihan kasi ma’am ang come-on ang kuwentuhan, at least sa amin, marami na pong napaalis, so attractive masyado iyon. Pero marami talagang pagkakataon na parang mabuti lang sa umpisa. Tapos nakalabas ka lang ng pera, ang iba magtitinda ng kalabaw, mangungutang para lang makaalis. Tapos pupunta doon wala namang trabaho. Kapag minsan hindi na nakakaalis. Kaya ito po ang warning sa atin ng POEA, pag mayroong ganito, parating hahanapin niyo ano ang authority nila at kung mayroon pong certificate na inissue ang POEA, iyong certificate na pinapayagan siyang magrecruit o certificate na pinapayagan siyang sumali sa job fair. Hindi ba ma’am?

    JOCELYN SANCHEZ: Opo kahit may certificate kaya lang ma’am may mga nangpepeke kaya magrefer pa rin tayo sa ating website at saka ang 24/7, kahit madaling araw puwede po tayong magcheck.

    VP LENI: Karamihan naman po ngayon, karamihan naman may access sa internet kaya kahit na may pinakita sa inyo na certificate, sabi po ni ma’am Jocelyn marami na ngayong peke kaya ang pagpakita ng certificate isa lang iyon, pero icheck niyo din. Icheck niyo sa website ng POEA, poea.gov.ph. Hanapin niyo po ang listahan ng mga licensed at kung ano ang status.

    JOCELYN SANCHEZ: Tama.

    ELY: Okay ma’am, kasi alam naman natin, binabanggit nga ni ma’am VP na madaming fake ngayon sa social media. Kasi may mga online na mga nagoffer ng ganito, tapos talagang may logo din ng POEA. Dapat ba nilang, papaano ba nila malalaman na fake ito? May Facebook ho ba ang POEA?

    JOCELYN SANCHEZ: Mayroon po sa Facebook ng POEA but marami pong gumagaya ng website. Minsan po ang ginagamit pa nila, nilalagay nila ang logo namin, tapos logo nila. Of course ang mga tao ma’am pagnakita, ka Ely pagnakita nila may POEA logo nagaapply na sila. Kaya nga po ang official sinabi ko na po poea.gov.ph, doon lang po kayo. Wala na pong iba. Tapos ang sinabi mo ka Ely na social media, awang-awa ako minsan may pupunta buti nalang ang iba ma’am may pagkakataong magtanong minsan nagtatrabaho sila sa Saudi tapos may online makikita nila may opening daw sa US. Magtataka na kayo kapag sinabihan na wala itong bayad tapos later pagdocumentation lang susunod-sunurin na kayo hanggang malublob na kayo. So sa online po wala din iyang katotohanan sa online kaya research pa rin sa POEA.

    VP LENI: Ibig sabihin ma’am kahit ang mga OFW natin na nasa ibang bansa, nagiging biktima pa kasi parang inaaya siya na parang papapaniwala na mayroong mas magandang oppurtunity.

    JOCELYN SANCHEZ: Yes marami ma’am at ano ito ha, parang 100,000 ang bayaran. Halimbawa makakapunta ka ng Canada, from Saudi mapupunta ka ng Canada kaya nakikiusap kami na huwag kayong maniniwala sa mga ganoon.

    VP LENI: Kung mayroon silang mga tanong, doon ba sa website ninyo mayroon doon parang mayroong puwedeng pasukan na doon na puwede niya ipadala ang mga tanong?

    JOCELYN SANCHEZ: Puwede naman po at saka mayroon din po kaming email add sa info namin, poea@info.gov.ph.

    VP LENI: Puwede din po kayo magtanong pero iyon nga bago po kayo magbitaw ng pera, siguraduhin po muna. Parang ano ma’am, isa sa mga maraming nagtatanong iyong di ba sa POEA iyong pagissue ng OEC – Overseas Employment Certificate – ito ma’am sino ang required magkaroon nito?

    JOCELYN SANCHEZ: Ito po ma’am iyong OEC, binibigay, iniissue po ito sa ating OFW na ito po ang ipakikita parang exit clearance ipapakita ito sa airport bago siya umalis, makalipad. So kapag wala kang dala noong, hindi ho kayo paaalisin kasi working ang visa ninya.

    VP LENI: Tapos ito kapag working a visa talagang hahanapan ka ng OEC. Tapos ma’am gaano, halimbawa nasa Hong Kong ka. Ang una mong pag-alis mayroon kang OEC pero nagbabakasyon ka taon-taon dito sa Pilipinas bawat alis mo ba kailangan mong ipakita ang OEC, kailangan mo mag-apply?

    JOCELYN SANCHEZ: Dati po ma’am mahaba ang queue kapag pumunta ka sa POEA lalo na ngayong pasko, mahaba po iyan. Lahat nagbabakasyon, mayroon din po tayo sa mga embassy, Filipino Overseas Labor Officers natin puwede sila. Ngayon ho online na. So ibig sabihin ischedule nalang parang DFA na pupunta. But kung kayo po ay pabalik-balik at same employer, online nalang po parang magoonline ka lang, ipiprint mo at wala na ring bayad. Kapag po ikaw ay pabalik-balik sa same employer.

    VP LENI: Ito po halimbawa, same employer ako, umalis ako last year, uuwi ako this year para magpasko dito, pag-alis ko kailangan ko mag-apply online. So bawat alis?

    JOCELYN SANCHEZ: Bawat alis ma’am. Mag-ano ka lang, kasi kapag same employer parang ano lang, parang mag-log-in ka lang. Ganoon lang po iyon, online.

    VP LENI: Mayroong namention si Atty. Hans, hindi ko alam kung OEC iyon o whatever na parang sinabi niya may proposal ba o iniimplement na hindi na bawat alis, o every 2 years nalang. Hindi ko alam kung OEC iyon.

    JOCELYN SANCHEZ: Iyon ang sinasabi sa balik manggagawa na mayroon kasi like mga flight attendants, every christmas o parati iyan kumukuha ng OEC kaya mayroon na po talagang iniimplement ang mga parating mga umaalis.

    VP LENI: So ang mga kadalasan nito ang flight attendant at mga seaman?

    JOCELYN SANCHEZ: At iyong mga seaman talaga ano iyon… binibigyan din sila.

    VP LENI: So may mga pahabol kasing tanong iyong after nag-guest si Atty. Hans ang namention niyang every 2 years nagtatanong kung ano ba iyon, ito pala iyon. OEC din pero depende sa nature ng trabaho. Kung pauwi-uwi ka talaga iyon ang nature ng trabaho mo, every 2 years puwede kang bigyan. Pero kung working visa ka na umuuwi ka lang from time to time para magbakasyon, kailangan mo pa din each time pero puwede mo na iapply online. Sa poea.gov.ph din?

    JOCELYN SANCHEZ: Naonline din po.

    VP LENI: Tapos pag-apply mo online wala siyang bayad ang inissue lang sa iyong parang certificate, puwede mo ipriint. Ayon napakagandang balita iyon ka Ely kasi hindi na siya kailangang bumalik-balik.

    JOCELYN SANCHEZ: At hindi na siya kailangang pumila sa POEA o sa ating embassy.

    VP LENI: Ang sunod kong tanong, sino ba ang puwedeng mag-apply ng OEC tapos ano ang kailangan niyang dala?

    ELY: Requirement.

    JOCELYN SANCHEZ: Pagbalik-manggagawa ma’am, talagang mag-aapply ang worker. Valid visa ka para may entry ka.

    VP LENI: So kailangan ipakita ang visa mo.

    JOCELYN SANCHEZ: Entry lang po, iaano lang po doon sa…

    VP LENI: Ito, mga first time? Kailangan ba niyang pumunta dito sa main office?

    JOCELYN SANCHEZ: Ang first time dalawa… may mga regional ano naman. Dalawa kasi iyon ang track namin. Ang isa private, through licensed recruitment agencies, at through government to government. Kapag government to government po kasi po ito ang POEA hiring, pupunta sila para kunin ang OEC, sila kasi sila mismo ang magpoprocess. Pero po kapag private track sa private recruitment agencies ang mga ahensya na po ang nagpoprocess noon. So irerelease po sa kanila before sila aalis.

    VP LENI: So hindi naman lahat na aalis kailangang pumila doon sa inyo. Depende. Ito ba kadalasan ano ang mga klase ng trabaho na kadalasan private?

    JOCELYN SANCHEZ: Marami ho iyan ma’am. Skilled workers, unskilled workers, professional, tapos ang mga medical workers iyon po ang kadalasan private.

    VP LENI: Noong tinitingnan ko ang mga requirements ninyo bago mag… iyong parang checklist for registration of issuance of OEC, nakasegregate nga. Iba ang requirements ng skilled and professional, iba ang… iba ang household service worker. Ito ma’am papano mo kinaclassify na skilled or low skilled?

    JOCELYN SANCHEZ: Ano iyan, mayroon po tayong tinatawag na International Classification so automatic na po iyon. Kaya po iba-iba ang mga requirements lalo na kapag household workforce, ito po ang vulnerable skills. Iba po, kailangan iverify, kailangan ganoon po kasi pinoprotektahan po natin ang… kaya po ganoon.

    VP LENI: Ito ma’am ano ang halimbawa natin ng skilled workers?

    JOCELYN SANCHEZ: Ang mga skilled workers natin po mga welders, mga pipefitter.

    VP LENI: Ito pong mga teachers?

    JOCELYN SANCHEZ: Nasa professional po ma’am. Kapag iyong mga unskilled naman po iyon ang mason, laborer… mga ganoon po ang mga trabaho.

    VP LENI: So parang unskilled siya kung walang specialized… Ito ba sa mga skilled ba nirerequire ng POEA o ng employer ang mga TESDA certification?

    JOCELYN SANCHEZ: Yes ma’am, may trained testing po iyan kaya kailangan mapasa sila doon sa TESDA o sa mga accredited din po na TESDA Testing Center. Kailangan makapasa sa trained testing.

    VP LENI: Ito po ma’am di ba ang TESDA kasi parang lately nalang talaga masigasig dito, pero noon na noon pa kahit may TESDA na hindi masyadong aggressive sa pagtrain. Pero mayroon tayong mga kababayan, mga welders. Mayroon tayong mga dating welders na na hindi naman dumaan sa TESDA training pero mahuhusay na talaga. Anong kailangan nila? Kailangan pa silang parang mag-undergo uli certification just to prove na…

    JOCELYN SANCHEZ: Hindi po ma’am. Halimbawa po ang agency nagrerecruit ipapadala po sa isang accredited na TESDA Training center, they will undergo o iaassess lang. There’s no need na mag-aral pa para makapasa. Pero kung ano talaga siya, nakuha niya ito base doon sa experience niya magpapa-assess lang siya.

    VP LENI: Kasi ganoon ka Ely. Marami po kaming mga kababayan na natulungan din sa training na ang parang pinakatinitingnan nilang gustong trabaho ang sa mga hotel, cruise ships. Ito ma’am di ba napakarami nang Pilipino sa mga ganoon?

    JOCELYN SANCHEZ: Opo kasi ang may lisensyado kaming agency ito po ang tinatawag naming manning agency. Ito pong mga manning agencies mayroong mga agencies na mayroon silang mga passenger vessel wherein marami po doon na mga, siguro ma’am kung nagcruise kayo makikita mo karamihan ng sa cruise natin, waiter, mga Filipino po lahat. So ayon din po. Bulk din po ng recruitment iyan sa ating passenger vessels.

    VP LENI: Sa ano po ninyo sa pagtingin ninyo ng parang make-up natin ng mga nagtatrabaho sa labas, saan ba pinakamaraming Pilipino? Kasi marami tayong seaman, marami tayong nagtatrabaho sa mga cruise ship, mga hotel, marami din tayong mga domestic workers. Ang pinakanumber one na…

    JOCELYN SANCHEZ: Ang number one pa rin ma’am ang Saudi Arabia. Napakarami.

    VP LENI: Tapos ang mga kababayan natin sa Saudi Arabia ano ang mga trabaho nila.

    JOCELYN SANCHEZ: Iba-iba po, construction, nakita naman po natin naging maunlad, makita ang infrastructure at maraming malalaking building. Mga Pilipino po iyan. So nandoon pa rin po ang bulk natin sa Saudi Arabia pa rin po.

    VP LENI: Doon ba pinakamalaki ang Filipino population?

    JOCELYN SANCHEZ: Yes ma’am. Saudi Arabia pa din.

    VP LENI: Ito ka Ely sana nasagot ni ma’am Jocelyn ang mga pending na tanong ng ating mga kababayan pero siguro bago tayo magpasalamat kay ma’am Jocelyn, ito ma’am kapag may kailangan sa POEA ang ating mga kababayan pero nasa ibang bansa na siya. Ang lalapitan niya ba embassy pa din?

    JOCELYN SANCHEZ: Opo. Mayroon po tayo sa Philippine Embassy kapag ano tayo ay OFW, lalapit po tayo sa Filipino Overseas Labor Office. May mga labor attache po tayo doon.

    VP LENI: May kakilala nga ho ako ma’am na labor attache. Pero lahat bang embassy mayroong labor attache?

    JOCELYN SANCHEZ: Doon po sa maraming… iyong concentrated ang mga OFW.

    VP LENI: Kasi mayroon ma’am sa amin na mga nagkocomment hinding-hindi ko alam na mayroon pala doong Pilipino. Halimbawa kahapon lang yata nagcomment na taga Malta. Mayroon nagcomment na taga Bahamas, mayroon nagcomment na taga Norway. Ito siguro kaunti dito ang Pilipino so paano kapag may kailangan sila sa POEA, I presume sa lugar nila walang labor attache ano? Sino ang tutulong sa kanila?

    JOCELYN SANCHEZ: Mayroon pong identified po doon kung ano ang nearest na Philippine Embassy.

    VP LENI: Oh. Not necessarily sa loob ng bansang iyon?

    JOCELYN SANCHEZ: Opo. Kamukha po iyong Jordan na kameeting namin, walang embassy dito ang pinakamalapit Tokyo kaya Japan po… Ang pinakamalapit sa kanila po, Tokyo. Ganoon po sa nearest po, online. Minsan may honorary consul kung wala mang halimbawa sa isang lugar katabi niya iyon ang may Philippine Embasssy, mayroon honorary consul, di ba ma’am siya ang citizen doon, iyon ang nag-aasikaso.

    ELY: Ma’am may pahabol lang at pakiexplain daw itong may report kasi na at least 100,000 jobs na mag-open sa Japan? Totoo ho ba ito at talagang galing po ito, alam po ito ng POEA?

    JOCELYN SANCHEZ: Opo iyong sinasabi na finoforsee na 100,000 jobs sa Japan, ito po ang tinitingnan. Hindi lang po ito para sa Pilipinas, lahat ng sending countries po dito. Because of unang-una po magkakaroon po tayo, doon po gaganapin ang Olympics 2020. Lika sa Qatar po ang FIFA 2020, ang daming opo… Ganoon din sa Japan na marami pong ganon, tapos magbubukas din po ng para sa housekeeping, mga factory workers.

    VP LENI: So gustong sabihin ma’am parang ang 100,000 parang makikipagkumpetensya din tayo sa ibang mga nationalities.

    JOCELYN SANCHEZ: Hindi lang po Pilipinas, but doon po sa nakakameeting natin ay talaga naman po ang Pilipino ay world-class talaga, mas preferred nila ang Filipino workers.

    VP LENI: Pero ang nagtatanong siguro ka Ely gusto niyang malaman, saan niya ba makikita ang mga job openings?

    JOCELYN SANCHEZ: Katulad ng sinabi ko sa website pa rin po ng POEA. Puwede po ninyo papasok lang sa job openings, itatype ninyo halimbawa welder, lalabas po iyan kung anu-anong agency na nangangailangan ng welder. At makikita niyo rin po kapag nakita ninyong isa na huwag na po kayo magapply. Pero kapag nakita ninyong 50, maraming kailangan, marami pa po. Although updated naman po iyon. Halimbawa, naapporve ng POEA 100, tapos JO balance nalang niya 20 updated naman iyon. Makikita kung pakaunti na ng pakaunti iyon.

    VP LENI: Iyon po nakikita nila kung halimbawa 50 ang available, may nahire nang 30, makikita niyang 20 nalang.

    JOCELYN SANCHEZ: So iyon pong ma’am, ka Ely ang inaano namin, basta huwag na kayong maniwala sa iba, icheck niyo nalang. Kung wala naman kayong time sa website ay mayroon kaming 24/7 na hotline.

    VP LENI: Iyong hotline napakdaling alalahanin ng numbers. Sana ka Ely ang mga listeners natin na OFW ano narinig lahat ang sinabi ni ma’am kasi talagang nagsisimula ang problema kapag madaling maniwala sa sinabi sa kanila. Kaya ito po ang pinakawarning sa atin ng POEA, mayroon namang official na paraan para macheck niyo kung totoo o hindi ang inooffer sa inyo. Kaya sana po ang lahat ng nakikinig sa atin ngayon kahit iyong mga dati nang nasa labas, lalo na pag masyadong too good to be true. Sabi nila kapag too good to be true talagang hindi yan true. [laughs]

    JOCELYN SANCHEZ: At saka ma’am ang isa pa, kapag mapupuna ninyo kapag kinausap kayo minamadali kayo na magbayad na tayo kasi ipaprocess ang visa, magbayad na tayo kasi aayaw ang employer…yes. Huwag. Iyon na iyon. Alam mo na.

    VP LENI: Ayon ka Ely.

    ELY: Nandito kasi ako website nila chinicheck ko. Kasi dito sa Taiwan may… ayon. May mga bukas din po para sa Taiwan.

    JOCELYN SANCHEZ: Ma’am mayroon kaming government to government hiring. Iplug ko na rin ha. Mayroon kaming 350 nurses sa Germany, POEA ito. Kapag POEA ito walang placement fee. Iyong mga ano nalang, NBI, iyong mga medical ganoon. Nurses sa Germany, at least po 2 years experience. Ang detalyado po na requirement, punta lang sa website. Ang suweldo noon simula lang 1,900Euro.

    VP LENI: Ang laki kasi ang starting sa ibang bansa ng nurses ang baba. Kung starting times 60-something yata ngayon.

    JOCELYN SANCHEZ: Ma’am ang application hanggang January 15, puwede kayong mag-apply kasi ang daming requirements.

    VP LENI: So ibig sabihin ang starting pa lang 100,000-plus, oo mga more. Actually more, kasi kung 60.. mga 120,000. Sa simula pa lang.

    JOCELYN SANCHEZ: Kaya iniinvite namin sila mag-apply.

    VP LENI: At saka ang Germany naman ma’am ang working conditions maganda.

    JOCELYN SANCHEZ: Yes ma’am. Sa POEA po iyon.

    ELY: Ang dami pala. Sa US po wala na po? Kasi dati maraming kumuha ng kursong ganyan, kasi lalo na sa US ito maganda, basta medical worker ka maganda po ang suweldo doon.

    JOCELYN SANCHEZ: Pero ma’am, ka Ely, ang marami ngayong opening sa UK. Kaya lang iyon nga lang ang IELTs kailangan mapasa nila at napakataas kasi ma’am 7, kung 10 ang pinakamataas 7. Karamihan ang nakukuha 6.5, kaya nakikiusap nga kami sa IELTs kung puwedeng babaan kasi…

    VP LENI: So maraming pumupuntang nurses UK, Australia, at saka New Zealand.

    JOCELYN SANCHEZ: Opo kaya lang makapasan ng English Proficiency test.

    VP LENI: Iyong Germany po walang ganitong requirement?

    JOCELYN SANCHEZ: Mayroon ma’am but pagnapili na sila, magtetraining na sila, shouldered ito ng employer. Wala na silang babayaran.

    VP LENI: Okay magandang balita iyon.

    ELY: OKay ma’am may tanong ho sa atin dito sa VP LENI FB Page po. Kapag may kaso o suspendido ang agency, ang gagawin po nila ma’am ay gagawin nila isasarado nila at papalitan lang ang pangalan ng agency pero sila pa rin ang tao, gumamit ng dummy owner. So paano po iyon? Totoo po ba ito?

    JOCELYN SANCHEZ: Dapat po kung may mga ganyan ireport po kaagad sa POEA kasi mayroon kami ma’am na surveillance, Operations and Surveillance Division wherein kasama po ng CIDG puwede po naming puntahan siya. Kaya ireport kaagad.

    ELY: Ayon. Talagang ganoon ho ang ginagawa di ba. Kapag may kaso magpapalit lang ng pangalan tapos sila pa rin. Parang mga bus, papalit lang ng pangalan pag naaksidente. Okay so, ma’am wala na po tayong oras. Baka may, magdagdag pa po kayo ng magandang balita para sa mga kababayan na nakikinig nationwide at netwide, worldwide.

    JOCELYN SANCHEZ: Parati lang po kayong titingin sa poea, maliban po doon sa sinabi nating 1,000-plus na lincensed recruitment agency, marami po silang opening na lagi ninyong ichecheck sa ating website. Kami po ay mayroon din po kaming special hiring sa Taiwan na buwan buwan nagkakaroon po ng hiring ang mga employers natin sa Taiwan. Basta tututok lang sila sa website ng POEA.

    VP LENI: Marami tayo doon factory workers.

    JOCELYN SANCHEZ: Opo ma’am. Kasi ito through POEA.

    VP LENI: Magandang balita iyon ka Ely. Magpapasalamat siguro tayo kay ma’am Jocelyn kasi wala na tayong oras pero ma’am, maraming salamat po sa pagpunta kahit Linggo.

    JOCELYN SANCHEZ: Ma’am God bless you. Ganyan po talaga sa gobyerno, kahit Linggo kahit gabi…

    VP LENI: Ma’am pero sana kung may pahabol pa po na mga tanong itatawag namin sa inyo?

    JOCELYN SANCHEZ: Iemail nalang po para masagot po namin.

    VP LENI: Maraming maraming salamat po uli ma’am.

    [music break, END GAP 2]

    VP LENI: Ito alam mo ka Ely binabasa ko ang kuwento ng ating bisita kagabi, napakainspiring at tingin ko maraming marami tayong mga kababayan na lalo na mga OFW ang maraming matututunan sa ating bisita. Pero iwelcome muna natin siya. Ang atin pong bisita siya ang CEO at Founder ng The Global Filipino Investors. Multi-awarded ito, Mr. Floi Wycoco. Magandang umaga sa iyo, Floi.

    FLOI WYCOCO: Magandang umaga po VP Leni at saka ka Ely. At aa lahat po ng ating tagapakinig sa buong panig ng mundol.

    VP LENI: Pero napakabata pa ni Floi, pero ang karanasan niya ka Ely, alam mo ako na Floi ang magkukuwento. Ang karanasan niya ang kinuwento niya, pagkatapos niya magcollege, 6 na taon pagkatapos ng college, anim din ang trabahong pinasukan niya. Pero ang problema noon ka Ely, parati siyang gumagastos lampas sa suweldo niya. Kaya parati siyang walang pera, parating umuutang, pero may kuwento ka pa Floi na ang pinakauna mong suweldo ang binili mo napakamahal na relos. [laughs]

    FLOI WYCOCO: Opo. Noong nasa ibang bansa po ako bale excited po kasi ako gumastos kasi first time po akong nakakuha ng six digits sa salary. So since kakulangan nga po sa knowledge about financial education or personal finance po, or financial management. Excited ako noon gumastos, the first na ginawa ko, nagapasama po ako sa bayaw ko at sa kapatid ko pumunta kami ng mall, nakakita ako ng relo na suot suot ko po ngayon, naexcite po ako kasi ang ganda noong relo, sabi ko kunin ko na iyan. Kayang-kaya ko iyan. So ganoon po kalala ang aking way of spending noong unang panahon. Bale nabankrupt din po ako so I…

    VP LENI: Wala kang ipon?

    FLOI WYCOCO: Opo. Nagpunta po ako ng ibang bansa for the reason na gusto ko lang po takasan ang akin pong pagkakautang.

    VP LENI: Marami kang utang dito sa Maynila?

    FLOI WYCOCO: Opo noon po. Noon po. [laughs] Bale ang credit cards debts ko po kasi since wala akong knowledge, ang pinakanaging mentality ko noon, takasan ko nalang mag-ibang bansa at the same time, nagpaparamdam na rin po ang aking girlfriend pa noon na kasama ko ngayon, akin nang asawa na of course for marriage. So wala akong ipon, bankrupt ako, wala pang ano, wala pang laman ang aking ATM sabi ko mag-ibang bansa nalang ako.

    VP LENI: Maraming ganoon Floi di ba. Lalo na iyong credit card kasi ka Ely paghawak mo parang akala mo hindi ka gumagastos. Kasi wala kang nilalabas na pera.

    FLOI WYCOCO: Iyon. Kumbaga po ang psychological wallet ng ating mga kababayan. Let’s say you have a credit card, ang laman is 100,000 credit limit. Mentality mo may 100,000 ka sa wallet mo. So tendency gagastusin mo iyon, so…

    VP LENI: Kung dito sa Pilipinas nabaon ka sa utang, pumunta ka abroad. Una para takasan, pangalawa pakiramdam mo doon ka makakabawi pero ang kuwento mo pagdating doon ganyan pa rin ang spending habits mo.

    FLOI WYCOCO: Well, naging malala, masasabi ko na mas naging malala ang spending habits ko kasi nga nagundergo din po ako ng discrimination sa ibang bansa. So nawalan po ako ng confidence sa sarili ko so sabi ko nalang sige, walang tiwala sa akin ang mga kasama ko sa trabaho, ibang lahi po kasi, so sabi ko, sige siguro pagka-araw ng suweldo para lang maenjoy ko naman ang sarili ko, sige spend ko kung anong gusto kong bilin bibilin ko.

    VP LENI: Kinicredit card mo din?

    FLOI WYCOCO: Iyon naman po cash. Iyon nga lang po, ubos ubos. As in kaya kong makaubos ng 70% ng suweldo ko, 6 digits po ah, mga 2 days, 3 days. Talagang wala pong nalalaan.

    VP LENI: Tapos papano nabago iyan, papano mo nahinto ang ganoong paguugali.

    FLOI WYCOCO: So more of enlightenment po siya. Bale there was also a time na ang kaibigan ko po sa ibang bansa ininvite po ako sa isang personal finance session, so sabi ko sige gusto ko makita kung paano siya mag-aapply sa buhay ko. Narealize ko pagdating ko doon na, oo nga naman, puwede kong iprioritize ang sarili ko naman this time. Kumbaga kung let’s say mga Pilipino priority natin is bayaran ang ating mga bills sa bahay or kung ano mang priorities, so sarili ko kailangan bayaran ko rin ang sarili ko. By way of saving part of my income. So pagkauwi na pagkauwi ko po, nagbudget ako ng pera. Then the next month, sige 10% ng income ko iipunin ko. Nagawa ko po. The next month 20% hanggang, naginvest na rin po. Kinontact ko din po ang aking credit card company, naglakas loob ako sinabi ko hindi ko kayang bayaran ang inyong interest rates, so sabi ko bigyan ninyo ako ng restructured program so one time, tinanggal po nila lahat ng interes, binayaran ko po agad ang prinicipal tapos naclear na rin po sa wakas. So magaan po ang loob noong nagawa ko po iyon.

    VP LENI: Tingin ko ka Ely napakahalagang leksyon ito. Parang si Floi ginagawa niya, ubos ubos ang kanyang suweldo, marami pa siyang gastos sa credit card. So noong nabaon na siya, naturuan siya. Ang ginawa niya first month, iyong 10% ng kanyang suweldo sinet aside niya, hindi puwedeng galawin di ba. Ang iba iyon ang panggastos, pambayad utang. Second month, ang 10% naging 20%. Hanggang ano ang pinakamataas na siniset aside mo for savings?

    FLOI WYCOCO: Noong ako po ay nasa ibang bansa since medyo naging adik na rin po ako sa pagsesave, 50% po noon. Na mas malaki pa nga po ang ginastos ko pagbalik ko dito sa Philippines in terms of mga daily expenses kaysa noong sa ibang bansa. As in nagset lang talaga ako ng budget, and I made sure na talagang ito lang ang gagastusin. So nagawa naman po, kaya naman.

    VP LENI: Pero for how long did it take you? Gaano katagal bago parang nakaturn around?

    FLOI WYCOCO: Bale nasa ibang bansa po ako ng dalawang taon din, dalawang taon din po ang aking ano… bale first 6 months ko po iyon nga po ang wala akong kaalam-alam about financial education. Then slowly natutunan ko na, inapply ko na ang daily, on my daily living and then it improved my life.

    VP LENI: Ito ba ang karanasan bang ito, ito ba ang nagtulak sa iyo para umpisahan ang Global Filipino Investors.

    FLOI WYCOCO: It became an inspiration po kasi sabi ko rin sa sarili ko ang story ko hindi naman kakaiba. Maraming katulad ko. And mga sabi ko rin na sige, maybe daanin ko sa social media. Kasi napansin ko po sa social media, mahilig din gumastos mahilig din magoverseas trip. Di ba may kasabihan po na surround yourself with like-minded people. So sabi ko siguro mas maganda isurround ko ang sarili ko with people na same wavelength ko in terms about interest in investments, savings, so nagtayo muna po ako ng grupo sa Facebook po muna. And then naging maganda po ang response. Bale sinuportahan din po iyon ni Ms. Salve Duplito, and then we started to create our seminars overseas. And then companies started to sponsor our events. So, sabi namin kailangan na itong ilegalize so pina-incorporate po namin ito dito sa Philippines. So now it’s a corporation. So we’re considered a social enterprise.

    VP LENI: So ito ang parang nirerecruit mo rin to join?

    FLOI WYCOCO: Actually kapag maging miyembro ka po ng grupo it’s free. So sasali ka lang po through Facebook – The Global Filipino Investors. And then iaaccept naman po namin. Then basically you can ask any questions, any questions about finance, financial education, investment…

    VP LENI: So mga members, wala naman silang responsibility to give back o… responsibility para kung may mga assignments sila…

    FLOI WYCOCO: Well, sinisimulan po namin sa sarili namin in terms of giving back sa side po namin, dito naman sa Philippinas po nagkakaroon po kami ng mga libreng seminars so ang ginagawa namin nanghihingi rin po kami ng mga communities. Ito po iyong mga financially-challenged communities ang kinoconsider namin. So iyong mga pamilya na sumusuweldo ng 8,000-10,000 kada buwan iyon po sila. And then we teach them budgeting muna, very simple topic. And then, by that way, kasi normally, kapag ganyang pong pamilya sasabihin nila ano imposibleng makaipon. So 8,000 suweldo hindi pa kasya, kulang pa, puro utang pa. So we teach them on how they can budget properly. Tapos based on experience po nakakasampung communities na po kami.

    VP LENI: Responsive naman ang mga tao?

    FLOI WYCOCO: Opo. Kumbaga nakikita namin ang iba nagiging excuse lang talaga ang hindi makaipon.

    VP LENI: Oo kasi Floi ang napansin ko noong congresswoman ako ikot ako ng ikot sa mga barangay, marami silang inuutangan. Pero okay lang naman sana iyon, kung ang pag-utang nagagamit sa negosyo. Pero parang pinapa… parang ang reason nila pag-utang para sa negosyo pero ang pangalawang inutangan, gagamitin nila iyon pambayad sa unang utang, iyong pangatlo pambayad sa pangalawa. Parang never evending cycle. Pero ito Floi tingin ko ito ang isang reality na humaharap sa mga OFWs. Lalo na iyong mga may pamilyang iniwan sa Pilipinas na pagpumupunta doon, siyempre pupunta ka doon kasi kailangan. So halos lahat ng suweldo mo, nagtitira ka lang kaunti sa sarili mo pinapadala mo. Tapos paminsan din mayroong mga pamilyang naiwan dito sa Pilipinas na parang may maling akala na napakadali gumawa ng pera. Kaya marami, parang maraming demands, paghindi, parang bigay ka nang bigay may humingi tapos hindi mo kaagad nabigyan, pagsisimulan ng mga tampo-tampo. Tapos mayroon akong mga kakilala sa mga pagbiyahe, na gusto namang umuwi parang sabihin natin Christmas, pero hindi uuwi kasi walang pambili ng pasalubong. Walang gagastusin sa Pilipinas, parang nakakalungkot. Nakakalungkot kasi ang buhay ng OFW hindi naman madali, mas napakalungkot sa ibang bansa. Pero parang nagiging money machine di ba. So anong maadvice natin sa mga OFW na kasama natin na nasa ganitong sitwasyon.

    FLOI WYCOCO: Ang masasabi ko lang po diyan, kumbaga okay lang naman po magpadala sa ibang bansa sa Pilipinas. Pero kailangan nilang siguraduhin na kung ano man ang mapapadala nila, paguusapan with the family kung saan gagamitin. So most likely kasi ang iba sa ating mga kababayan ang ginagawa po, pagpadala ng pera ikaw na ang bahala diyan. So tendency, ang pinagpadalhan po sa Pilipinas, bibilin kung anong dapat bilhin o kung gustong bilhin. Tapos manghihingi nalang ulit. Minsan hindi po importante. So kailangan po talaga kapag kayo po ang nagpapadala ng pera mapagusapan din po ninyo ang finances ng pamilya. Kung saan siya puwede mapunta, ang sabi nga ang iba po namin ang ginagawa ang suggestion diyan, gawin niyo rin pong part ng bonding time ng family ang pagbubudget. Simple budgeting kasi if may time sila pumunta sa mall, may time din sila na matutunan ang financial interest. Kumbaga gawin nilang entertaining.

    VP LENI: Oo kasi di ba makikita natin siguro in all communities mayroong mga OFW families mayroong mga pamilya na mahusay paggamit ng pera. Ang iba sa kanila ka Ely napapa… parang maliban sa pagaaral ng mga estudyante, mga anak, nakakapabahay, nakakapagipon ng gamit sa bahay, mayroon din parang uuwi ang OFW masama ang loob kasi hindi niya nakita kung saan napunta ang kanyang inipon. Kaya ang sa ating pong mga tagapakinig, ang advise sa atin ni Floi, mas maigi na pinaguusapan. Ang padala hong ito para dito. Parang magpoproject ka, parang may target. Ito para sa bahay, ito para sa tuition. Ito ka Ely ano ito, noong pumunta ako sa Hong Kong several months ago, ito ang parang shinishare ng ating mga kababyan. Ang iba okay, ang iba hindi.

    FLOI WYCOCO: Pero ma’am magugulat po kayo nakakaipon naman talaga, kahit nga suweldo mo 20,000 nasa ibang bansa, naiipon at makakaipon ka pa din.

    ELY: Pero iba na kasi ngayon ang luho. Lalo na ang mga cellphone, alahas, iyon ang nagpapabigat sa mga OFWs.

    FLOI WYCOCO: Medyo naging consumer-centered nga po talaga ang characteristic ng mga Pilipino. So hindi naman maiiwasan po ang part na iyan, pero ang masasabi lang din po natin. Kung bibili ng mga gusto nilang bilhin, ang lagi naming nirerecommend maglagay kunwari, happy fund ang tawagin natin. Kunwari sa suweldo mo, 5 or 10% lang ng iyong kinikita ang pangbibigay mong pangluho.

    VP LENI: Halimbawa ang savings mo 20%, tapos sabihin mo 15% para sa mga kailangan talaga, ang 5% para sa luho. Ito ang gandang tip ka Ely di ba. Naalala ko ka Ely ang nanay ko. Noong lumalaki kami tumatawa kami kasi ang dami niyang envelope, mga letter envelope. So tinatanong namin paghumihingi kami ng baon o kung ano mang gagastusin, mayroon siyang mga envelope bawat kung saan kukunin. So pagtinatawanan namin, sasabihin ng nanay niyo hay nako paglaki gagawin niyo din ito kasi kung hindi ko ito ienvelope makukuhaan iyong iba wala na tayong panggastos sa iba.

    FLOI WYCOCO: Siguro po natutunan ko [laughs] iyan din ang ginawa ko sa… envelope system din po. So pagkakuha na pagkakuha ng suweldo, withdraw lahat and then lagay lahat sa envelope kung saan.

    VP LENI: Ano ka Ely, ang credit card, ako ginawa ko na pong practice na ang kinicredit card ko lang ang bills sa bahay. Ang mga malalaking kailangang pinaglalaanan. Pero ang pambili ng damit, pagkain sa labas talagang cash iyon. Kasi mayroong ngang false sense ng ano di ba kapag nasa mall ka nakakita ka magandang damit, kahit hindi mo kailangan di ba? Sa amin ka Ely nauso ang ukay-ukay, okay sana iyon. Pero mayroon akong mga kaibigan na naobsess, bili ng bili napakarami kahit hindi kailangan. So parang hindi rin siya nakasave.

    ELY: Okay so wala na po tayong oras. Siguro panghuli nalang para sa ating mga kababayan. Talagang naku maraming problemang ganito. Papano nila mabilis na makaalpas sa ganito?

    FLOI WYCOCO: Siguro po unang-una po dahil month of the OFWs po ngayon so for sure marami pong magsisipaguwian, mapapayo ko po is first thing that they should do is mag-allocate ng pondo na panglibre nila sa pamilya nila. Huwag nilang, kumbaga let’s say nagset sila ng 50,000, 50,000 lang talaga ang gastusin. Para din po makaangat din sila sa kanilang daily gastos. So tama po ang sinabi ni VP na magset kayo ng goal on a regular basis. Let’s say for the year magkano ang gusto mong ipunin, isang milyon ba? So sa isang milyon, magkano dapat ang iniipon mo kada buwan? Bawat suweldo. And then mag-invest din po tayo, iexplore natin ang investment. Or huwag din po natin kalimutan na maginvest sa ating education, improve ourself.

    VP LENI: Kasi naalala ko ka Ely ang asawa ko napakatipid noon. Parang parati niyang sinasabi sobrang kuripot sa sarili, ayaw bumili ng sariling damit. Ang sabi niya ayaw kong dumating ang oras na sasabihin ng mga anak ko na gusto kong mag-aral diyan tapos sasabihin ko hindi kita kayang paaralin. Kaya talagang ano din, prioritization di ba Floi. Kung ano ang gusto mo talaganag pagkagastusan.

    ELY: Okay so Floi maraming salamat.

    VP LENI: Maraming salamat Floi. Isa kang tunay na istorya ng pag-asa.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Dec 09, 2017