This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 29

    26 November 2017

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI ngayong araw ng Linggo, November 26, 2017. Mga kasama, ako pa rin po si Ely Saludar, at siyempre, kasama natin dito sa ating studio ang nanay ng sambayanan, ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na sumama sa ating muli ngayong umaga. Sa atin pong mga tagapakinig na taga-Bicol: marhay na aga sa indo gabos! Sa mga kasama po nating taga-Visayas at Mindanao: maayong buntag kaninyong tanan!

    ELY: At siyempre, mga kasama, lahat po ng inaabot ng aming broadcast: Good morning, Philippines! Gayon din po sa RMN Naga-DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, at RMN Davao-DXDC 621. Gayon din po sa Facebook, “RMN News: The Sound of the Nation,” at gayon din po sa “VP Leni Robredo.” Kami po ay inyong mapapakinggan nationwide, worldwide, mga kasama.

    [music break]

    ELY: Oras po natin, 9:07 in the morning. Napakainteresante po ng mga pag-uusapan natin, dahil sa ngayon po, patuloy nating tinututukan, ng ating Bise Presidente, itong National Reading Month celebration, kasi iyong iba mukhang hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin ito. Pero bago ho diyan ay alamin muna natin iyong naging aktibidad ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo. Ma’am?

    VP LENI: Ayan, Ka Ely. Tinitingnan ko iyong schedule noong nakaraang linggo. Medyo marami-rami na naman ito. Siguro iyong highlights na lang, Ka Ely. Noong Lunes, mayroon kaming pinuntahan na inauguration ng isang housing project, na parang joint venture ito ng Gawad Kalinga saka ng Golden ABC Corporation. Iyong Golden ABC, Ka Ely, sila iyong may-ari ng Penshoppe, ng Regatta, ng ForMe. Parang isa siyang grupo ng mga kumpanya. Ang kagandahan nito, iyong project nila dito sa Escopa—Escopa III sa Quezon City—ay para sa mga PWDs. Napakaganda. Pagpunta namin, napaka-colorful ng mga bahay. Tapos talagang ano siya, talagang PWD-friendly. Nakakatuwa, Ka Ely, kasi 160 plus iyong beneficiaries. Tapos iyong kagandahan dito, iyong mga nagtayo ng bahay, mga employees ng Golden ABC Corporation. Tuwing Linggo, tumutulong sila para magtayo nito. Libo-libo kasi iyong empleyado nila, Ka Ely. At nalaman ko na pangalawang proyekto na nila ito sa GK—mayroon din sila sa ibang lugar dito sa Manila. Itong Golden ABC Corporation, partner namin ito sa Angat Buhay, sa opisina namin. Nagpatayo din sila ng paaralan sa pinakamahirap na barangay doon sa distrito ko sa Camarines Sur. Ito ay isang coastal na barangay na napakahirap puntahan, pero nagpatayo sila ng classroom… napakaganda ng school building na pinagawa ng Golden ABC Corporation. Sabi ko nga, gusto naming i-showcase kasi—alam ito ng ating bisita, kasi iyong ating bisita taga-DepEd—napakahirap na maghanap ng mga private partners kapag ang lugar na tatayuan ay napakalayo, kasi mahal masyadong magpatayo dahil sa cost ng pagta-transport ng materials. Pero iyong Golden ABC, Ka Ely, ano ito, pag-aari ng Liu family na taga-Cebu. Ano ito, parang talagang hindi ininda iyong kalayuan noong lugar, para maipatayo iyong school building.

    ELY: Maganda po iyon, Ma’am, dahil para sa ating mga kababayan, na kahit liblib ang kanilang lugar, hindi na po nila kailangang pumunta sa siyudad, sumiksik. Iyon ang kagandahan.

    VP LENI: Alam mo kasi, Ka Ely, mayroon naman kasi dating school doon, pero ano kasi… madali kasi siyang masira dahil nasa may dagat. Alam mo iyon, madaling ma-weaken iyong structure. Tapos iyong hiningi talaga namin, two-storey, kasi kapag high tide, kapag bagyo, talagang grabe iyong baha doon, so magdo-double na siya na puwedeng evacuation center. Pero hindi talaga siya tinipid, Ka Ely, napakaganda. Kaya nagpapasalamat po tayo sa Golden ABC Corporation. Iyong Tuesday, sunud-sunod iyong ating okasyon sa Quezon City. Una, sa Quirino Elementary School, nag-launch tayo ng panibagong Istorya ng Pag-asa, dito naman sa District 3. Kaya nagpapasalamat tayo kay Peachy de Leon, siya iyong head ng Istorya ng Pag-asa sa District 3, kasi napakaganda noong launch.

    Tapos nagpunta kami sa Batino Elementary School. Ito naman iyong Araw ng Pagbasa. Nakakatuwa, Ka Ely, kasi tatlo kaming imbitadong readers. Iyong isa, si Kai Pastores-Keh. Iyong binasa niya, iyong libro na isinulat niya tungkol sa asawa ko, kaya iyon nakakatuwa iyon. Parati namang kapag inaalala iyong asawa ko, masaya para sa ating pamilya. Iyong ikalawang reader, iyong guest natin noong Linggo, iyong guest natin dito na napakahusay talagang magbasa. Noong pinapanood ko nga siyang nagbabasa sa mga estudyante, ayaw ko nang sumunod, kasi napakahusay niya talaga.

    Noong ako naman nagbasa, humingi ako ng volunteer sa mga estudyante—siya iyong magbabasa, ita-Tagalog ko iyong binabasa niya, kasi English iyong libro. Maganda doon kasi kapag interesado talaga iyong mga estudyante na makinig, interactive, nagpa-participate sila sa pagbasa. Kaya ito, pangarap natin sana all-year-round, hindi lang kapag November nangyayari iyong pagbabasa.

    Noong Miyerkules naman mayroong mahalagang— Mahaba iyong Miyerkules ko, pero towards the evening, nakipag-meeting ako sa—ito, first time kong nalaman na mayroon palang ganito—ito, isang United Nations agency, pero ang pangalan nila, United Nations Office for Projects Services. Nag-meeting kami, Ka Ely, kasi ine-explore nila kung paano sila makakatulong sa Marawi. Itong opisina pala ng UN na ito, ang pinupuntahan nila mga nagdaan sa matitinding conflict, kaya iyong mga proyekto nila sa Afghanistan, sa Syria… Talagang dumaan sa grabe, kaya sanay sila. Parang bini-brief natin sila kung ano iyong inaasahan na madadatnan sa Marawi, parang sanay na sanay sila, Ka Ely, sa kahirapan. Iyon iyong pinag-usapan namin.

    Tapos iyong Huwebes… alam mo, Huwebes saka Biyernes, mayroong strategic planning iyong opisina namin sa Antipolo. Pero bago ako pumunta sa activity ng opisina, dumaan ako sa Angono kasi naimbitahan tayo ni Mayor Gerry na maging guest sa kanilang Higantes Festival. Alam mo, Ka Ely, iyong Higantes Festival, madalas kong nababasa na ito dati, pero first time akong nakapag-participate. Napakaganda, napakagandang celebration kasi napakasaya. Isa pala itong celebration na talagang lahat ng tao nasa kalye. Tapos iyong mga higante talaga, napakarami. Pagpunta namin—Huwebes kami nagpunta—marami na, pero sabi sa amin noong linggo bago noon, mahigit isandaan na higante iyong pinarada kasi parang iyong celebration nila, one week talaga—every third week of November. Tapos ito pala, in honor of San Clemente. Doon ko nga lang nalaman, Ka Ely, na si San Clemente pala, patron saint ng mangingisda. Mayroon din siya na parang sa San Juan na nagbabasaan. Noong dumating nga si Mayor sa munisipyo ay talagang basang basa, kasi noong papunta doon binasa na siya ng mga tao.

    Pagkatapos naman noong conclusion ng aming strategic planning, nag-attend ako ng isang graduation. Ang tawag sa kurso ay Young Leaders for Good Governance Fellowship Program. Iyong Jesse Robredo Foundation ay isa sa mga sponsors nito. Ito ay isang 10-month intensive program para sa mga public officials na hindi pa lampas 40 years old, kaya young leaders. Ito, napakaganda kasi 30 local officials iyong nag-participate. Ten months silang dumaan sa rigorous training, at nag-graduate na sila. Ito, Ka Ely, medyo mahirap pumasok, kasi iyong pagpili sa kanila hindi lang sa kahusayan, pero iyong integrity bilang public official. Pero napaka-inspiring. Nandoon sila, mga mayors, vice mayors, councilors, board members. Ano talaga, parang mga very passionate saka committed na public officials.

    Kahapon naman nandoon ako sa Juan Sumulong National High School. Ang tawag doon sa event na pinuntahan ko, “Babaenihan” campaign. Ano ito, Angat Buhay partner namin kasi iyong United Nations Population Fund. Mayroon siyang roving na Babaenihan campaign. Pangatlo na ito. Iyong una namin sa Pampanga, iyong pangalawa—ay hindi, pang-apat na pala. Una namin sa Pampanga, pangalawa sa Puerto Princesa, tapos sa Pili, Camarines Sur. Pang-apat iyong kahapon. Parang dini-discuss sa mga kababaihan iyong ibang mga issues. Kahapon iyong isyung diniscuss namin ay iyong violence against women, pang-aabuso laban sa mga kababaihan. Naaalala ko bago nito, iyong sa Pili naman teenage pregnancy. Ang maganda dito, kahit senior high school students iyong nag-participate, maraming mga tanong. Parang panel discussion. Masaya naman kasi parang nata-translate sa mga terms na naiintindihan ng mga batang babae iyong mga issues na kinakaharap ng karamihan sa mga kababaihan.

    ELY: Naku, punung-puno po pala ang schedule niyo, Ma’am, ano? At ngayong Linggo, wala pong pahinga. Samantala mga kasama, sa ilang sandali, siguro magandang pag-usapan pa natin iyong may kinalaman sa National Reading Month celebration. Ito, napakaganda talaga, at tinututukan natin ito.

    VP LENI: Oo, buong November, Ka Ely. [END GAP 1]

    VP LENI: Mga opisyal na talagang nagtulak para i-legislate, i-institutionalize ang national reading month bilang isang activity sa buong Pilipinas. Ito kung hindi ako nagkakamali ka Ely, parang 2013 na napasa ang batas na ini-institutionalize ang national reading month. Noong panahon na iyong DepEd Secretary natin ay si Brother Armin pa, kaya mag-good morning tayo ka Ely at magpasalamat a humingi ng tawad na ginulo natin ang kanyang Linggo. Magandang umaga po, Usec. Mario Deriquito.

    MARIO DERIQUITO: Magandang umaga po VP Leni, ka Ely at sa lahat ng mga taga-pakinig.

    VP LENI: Ayon. Gaya ng sabi ko ka Ely, si Usec. Mario dati siyang Undersecretary ng DepEd. Kahit hindi na siya ka Ely undersecretary na ngayon, parati siyang Usec. Mario para sa akin. Alam mo ka Ely, siya kasi ang Usec na assigned sa Bicol. Kaya ang lahat na problema ng paaralan namin sa Bicol doon sa distrito ko noong ako’y congresswoman, si Usec Mario ang pinupuntahan namin. In fact ka Ely, napakasipag nito kasi kahit hilahin sa bundok sumasama. Naalala ko mayroon kami, ewan ko kung naalala ito ni Usec Mario, mayroon kaming isang paaralan na kailangan ng tulong sa paanan ng Mt. Isarog na napakahirap maabot. Walang problema, walang reklamo ka Ely sinamahan kaagad tayo ni Usec Mario. Pero ang pag-imbita natin sa kanya ngayon, ang mas gusto nating malaman ano ba iyong parang kahalagahan ng pagdeclare ng National Reading Month at anu-ano na iyong parang mga initiatives ng DepEd dati. At alam ko ka Ely kahit wala na si Usec Mario ngayon sa DepEd ay patuloy na ina-advocate niya pa din ang pagbabasa. Kaya Usec. Mario isa lang pong tanong muna. Alam ko po naging instrumental ang DepEd sa pagpasa ng legislation sa National Reading Month. Ano po ang kahalagahan kung bakit kailangan ng legislation at magkaroon ng declaration ang November bilang National Reading Month?

    MARIO DERIQUITO: Ang kahalagahan kasi niya kumbaga sa pagbuo ng isang batas para magkaroon ng isang malinaw na trademark at isulong ang pagbabasa. Kasi kadalasan ang pagbabasa magama’t napakahalaga, hindi siya masyado nabibigyan ng pansin. Alam naman natin na iyong pagbabasa kasi, ang tingin ko diyan parang susi. Susi sa mga kaalaman at karunungan. Kasi ang mga kaalaman at karunungan karamihan diyan nasusulat, so kung hindi ka marunong magbasa, hindi mo maabot ang mga kaalaman at karunungan na iyan. At napatunayan na din kasi VP Leni at ka Ely na ang mga bata na magaling magbasa, iyon ang mga may magandang performace sa iba’t ibang subjects. Kasi kahit ano ang subject mo, kahit Math, kahit Science kahit ano pa man, gagamitin mo ang pangbasa.

    VP LENI: Kasi ito nga Usec, nadiscuss namin ng mga nakaraang linggo, parang ang napansin natin, halos lahat ng mga mahusay magsulat, ito ang masisipag din magbasa. Kaya ito ewan ko lang kung science pero, parati kong sinasabi sa mga anak ko na hindi kayo huhusay sumulat kung hindi kayo nagbabasa.

    MARIO DERIQUITO: Oo kasi kapag magaling ka magbasa, siyempre parang kabisado ninyo iyong paggamit ng mga salita. So puwede mo rin iyan i-translate sa pagsusulat.

    VP LENI: Ito kasi ka Ely parang naipasa ang batas parang May, ba? Parang May or June of 2013. Ito ang kayo ang mga officials ng DepEd. So ang tanong ko lang, after ba na ito naipasa, ako ang presumption ko parang ang implementing agency nito DepEd.

    MARIO DERIQUITO: DepEd nga po ang implementing agency at alinsunod doon sa batas na iyan, nagboo ang DepEd ng DepEd order para i-declare nga ang November na National Reading Month, at saka ang November 27 na Araw ng Pagbasa. At binigyan ng tagubilin lahat ng regions at mga divisions at mga eskuwelahan na magkaroon ng, iyong lahat ng kanilang mga programa sa pagbabasa, pagbibigay halaga sa pagbabasa, ay gawin doon sa mga panahon na iyon.

    VP LENI: Tapos nabasa ko Usec Mario na isa sa mga dahilan kung bakit November 27 ang Araw ng Pag-basa kasi parang in-associate ito kay Ninoy Aquino. Ang November 27 ay birthday ni Ninoy. Kilala kasi natin siya ka Ely bilang isa sa mga napakahilig talaga magbasa. Parang ito ang nagbigay talaga sa kanya ng maraming lakas at kaalaman, at gusto natin siyang parang alalahanin. Siya ang isang halimbawa na sa pagbabasa maraming kapangyarihan na nakukuha, maraming kaalaman na nakukuha, na sabi ko nga ka Ely parang tama naman yata na inalala si Ninoy sa pagbabasa kasi paminsan nakakalimutan natin kung sino si Ninyo Aquino, ano ang naiambag niya sa ating bansa maliban sa, maliban sa alam mo iyon, kilala kasi siya bilang namatay sa pakikipaglaban para maibalik ang ating mga karapatan at demokrasya. Pero nakakalimutan ang mga kuwento ni Ninoy, at isa sa mga kuwentong iyon ay iyong hilig niya sa pagbabasa.

    ELY: Pero kung mapapansin, parang hindi po masyadong aktibo ngayon ang kasalukuyang DepEd dito sa National Reading Month celebration. Bakit, ang kagandahan po nito, batas. Pero napaka-importante po nito kasi po may mga naging guests po tayo na talagang kapag ang estudyante ay nabigyan ng magandang direksyon, talagang gusto naman nilang magbasa.

    VP LENI: At saka ano ito, I’m sure may mga ganitong obserbasyon si Usec Mario, talagang pag ang principal mismo ang mahilig o mahalaga ito sa kanya, mas aktibo din ang paaralan sa participation, di ba Usec?

    MARIO DERIQUITO: Tama po iyon VP. At saka naniniwala po kami dahil nagkaroon na nga ng ganoong tagubilin ang DepEd sa pamamagitan ng DepEd order, ginagawa na ito sa mga eskuwelahan at saka mga regions and divisions.

    VP LENI: Ang alam ko ka Ely na kahit wala na sa DepEd si Brother Armin, si Usec Mario, patuloy na naging adbokasiya nila ito. Kasi naalala ko Usec naimbitahan kasi ako noong November 27 noong nakaraang taon, isang celebration siya ng Araw ng Pagbasa, Araw ng Pag-asa sa Ayala Museum. In fact, doon nag-umpisa iyong programa naming Istorya ng Pag-asa kasi doon ko nakilala ang programa. Pagpunta namin noon sa Ayala, ang Ayala Foundation pala parang nag-aadopt din ng isang reading advocacy sabi ko, kung mayroon ang Ayala ng reading advocacy, kami naman iyong Istorya ng Pag-asa. Pero naalala ko Usec na nagmeeting, nakipagmeeting kami kay Brother Armin bilang Presidente ng La Salle, ini-introduce namin ang Istorya ng Pag-asa sa kanya kasi gusto namin maging partner ang La Salle. Sabi sa amin ni Brother Armin, naku alam na alam ko iyan kasi pinagpatuloy namin ang, ano naman, ang pagbasa. Pero ito ang tanong ko Usec, kabahagi ka ba doon sa adbokasiya nila Brother Armin na ipgpatuloy pa din ang adbokasiya sa pagbabasa?

    MARIO DERIQUITO: Tama po iyon kasama po ako doon sa grupo na nagbuo ng isang campaign. Isang programa para ipagpatuloy ang adbokasiya nga sa pagbabasa. Sa katunayan bukas, mayroon kaming ilulunsad na isang programa, ang tawag sa kanya, Sa Pagbasa may Pag-asa. Ito po ay gagawin sa Aurora Quezon Elementary School diyan po sa may San Andres, Manila. Ang layunin po nitong programang ito ay i-mobilize o humingi ng tulong sa iba’t ibang mga kumpanya, organisasyon, grupo, even mga private schools at saka mga individuals na tipunin ho nila ang kanilang mga storybooks at dalhin nila sa mga pinakamalapit nila na public school.

    VP LENI: Napakaganda noon. Kasi napansin ko Usec lalo na sa probinsya. Wala masyadong access ang mga bata sa mga storybooks. Mayroong mga textbooks, pero wala masyadong storybooks. Kasi mayroon din kaming Usec. partners sa Angat Buhay iyong Ahon Foundation. Ang Ahon Foundation nagbibigay siya ng mga library. At mayroon na akong na-attendan na ilang mga opening ng mga public libraries sa mga elementary schools, parang first time nila nagkaroon ng library. Kaya iyong mga bata parang uhaw na uhaw talaga sa paghawak ng mga libro. Kaya ito ba iyon, iyong naiipon ba ninyong mga libro, ano ang balak gawin doon?

    MARIO DERIQUITO: Ang plano ho diyan iyong mga naipon na storybooks, una muna dapat storybooks ano. Hindi ho kami tumatanggap ng mga textbooks… Ano talaga, storybooks. Kasi kapag storybooks parang mas interesting iyon sa mga bata. Parang mas nagiging kaakit-akit sa kanila ang pagbabasa. Ang plano ho namin ang mga storybooks ay dadalhin sa mga public schools. At may ano pa nga kami na ang appeal nga namin dalhin sa mga pinakamalalayo na public schools. Kasi ang susi kasi para mahalin ng mga bata ang pagbabasa, kailangan unang-una magkaroon sila ng access sa mga libro. At iyon ho ang layunin nitong campaign na ito.

    VP LENI: Mayroon lang kami Usec na isang obrservation. Mayroon kaming mga binalikan na mga nilagay na mga libraries ng Ahon Foundation, ako congresswoman pa. Siguro bumalik kami mga after 3 years, tiningnan namin. Kasi tinitingnan namin kung puwedeng i-replenish na. Mayroon kaming mga binisita na sobrang bago pa ng mga libro. At nag-alala kami. Baka hindi nagagamit. So tinatanong namin ang mga teachers, parang sinasabi nila na iniingatan kasi nila. Ito tingin ko Usec, isa din dapat maging kampanya. Na pag nandiyan ang libro dapat gamitin at ipahiram. Kasi kung iingatan, di hindi niya napagsisilbihan iyong dahilan kung bakit nandiyan siya.

    MARIO DERIQUITO: Tama po ang obserbasyon na iyon ano kasi may ganyan na nakagawian na. Kaya nga ho dito sa kampanya na ito ang sinasabi namin sa mga eskuwelahan, kailangan pagbalik namin ang libro lumang-luma na. Hindi ba. Kasi kailangang makita natin na talagang ginagamit iyan ng mga bata.

    VP LENI: Saka ano talaga, mamaya Usec. ang bisita din, pagkatapos niyo po, ang bisita natin galing sa Adarna House, alam mo ka Ely ano kasi ito, pag nagbibisita tayo sa mga libraries na sa mga paaralan, mga public schools, pagpasok mo ang daming magandang libro. Ang daming magandang libro na sigurado tayo na pag nahawakan at nabasa ng mga bata talagang matutuwa. Ito Usec. ngayon lang ako halos nagsisimula na on a regular basis, nagbabasa sa mga paaralan. Kahit anong age. Halimbawa galing ako sa Pampanga. Sa Floridablanca, nagbukas kami doon ng school library, mayroong reading, pagpasok ko angbabata ng mga makikinig. Parang mga pre-school sila. So nagrereklamo nga ako sa staff ko. Sabi ko kung preschool, hindi naman iyan makikinig. Pero ano, napakainteresado. Inuunahan pa ako kung ano ang hula nilang susunod sa kuwento. Noong nakaraan iyong sa Batino Elementary School, Tuesday iyon. Iyong kinuwento ko, iyon nga natatakot ako kasi ang nagkukuwento sa akin sobrang husay magkuwento, sa storyteling umiiba-iba ang boses. Ako hindi ko naman iyon kaya. Pero kahit hindi ako kasing husay niya, ang mga bata, Grade 4 to 6, lahat interesado. At noong tinatanong namin, ang binasa ko Usec., ewan ko kung familiar ka dito, iyong the Giving Tree ni Shel Silverstein. Ano iyon parang medyo philosophical, pero ang mga batang nakinig kuha kaagad. Kuha kaagad ang aral sa libro. Kaya parang nakaka-inspire na gawin pa nang gawin. Kasama ko nga ang staff ko ka Ely, sabi namin gagawin namin itong regular na activity na at least once a month. Makaikot at makapagkuwento. Saka sana Usec, sana kasi active pa din ngayon ang DepEd ngayon sa pagkampanya para sa pagbabasa. Naalala ko dati, hindi ko alam kung kayo na po ang nasa DepEd noon. Mayroong isang programa na Drop Everything and Read. Hindi ko alam kung ano iyon kung in connection doon sa programang ginawa ninyo pero napakalaking tulong noon.

    MARIO DERIQUITO: Iyong programa po na iyon ay nandoon na nang maraming taon na, bago pa man kami pumasok sa DepEd, nandoon na po ang programa. Drop Everything and Read, parang DEAR.

    VP LENI: Kasi ang kabutihan noon parang napipilitan ang teachers para maglaan talaga ng oras para sa pagbabasa. Pero pag naobliga siya, parang imposible kasi ka Ely na hindi ka maging interesado. Kasi talagang ang pagbabasa parang habit lang naman iyan, na pag naform mo na iyong habit, talagang hahanap-hanapin mo na. So ngayon Usec., bukas sigurao i-announce natin ka Ely, nagsabi si Usec. na bukas mayroong isang malaking okasyon, ang Sa Pagbasa may Pag-asa. Gagawin ito sa Aurora Quezon Elementary School, sa San Andres Manila. Tapos ang mangyayari doon Usec., parang ano iyon, parang launch ng campaign para ayain ang lahat—mga kumpanya, pamilya na mayroong mga storybooks na ibigay na ang mga storybooks, lalo na iyong hindi na nila ginagamit sa mga public schools. Pero mayroon ba tayong mga specific instructions na mayroon bang mga particular na public school na pagdadalhan?

    MARIO DERIQUITO: Ang target ho talaga nito kasi parang vision talaga namin dito ay maabot lahat ng public schools. Kaya nga ang tinitingnan namin itong programang ito, hindi lang ang taong ito ang magiging parang, taon-taon. At isa pa dito VP Leni, iyong gusto naming i-emphasize ang pagtutulungan ng lahat. Parang gawin siyang pambansang bayanihan. Ang parang vision nga dito ni Brother Armin parang gawin siyang parang Brigada Eskuwela rin, parang ganoon. Na taon-taon kahit wala nang nagli-lead, gagawin talaga ng mga tao. Kasi kinasanayan na. At ang gagawin ho namin para madali doon sa mga kumpanya, organizations, mga tao na sumali, mayroon na kaming ilalabas na project mechanics. Nandoon na lahat ang step-by-step process, nandoon na rin ang mga templates, mga posters, mga stickers, mga logos na puwede gamitin. Bukas po ila-launch.

    VP LENI: Halimbawa Usec may mga nakikinig po sa atin na gustong magparticipate lalo na ako, experience ko po kasi sa distrito ko, karamihan sa gustong magbigay ng libro iyong malalaki na ang mga anak na habang lumalaki ang mga anak nila, nakaipon sila ng madaming libro. Tapos ngayon malalaki na ang mga anak nila, gusto na din nilang ibahagi ang kinalakihan ng mga anak nila. Pag mayroon tayong ganoon, saan kaya nila puwedeng ipadala ang kanilang mga libro?

    MARIO DERIQUITO: Sa ngayon ho kasi hindi pa namin nalilinaw ang mga drop-off points. Pero ang nakikita namin dito kung ikaw ay indibidwal na gustong magdonate, baka puwedeng hintayin ay, kung ikaw ay empleyado ang kumpanya mo ay magkakaroon ng ganitong programa, puwedeng doon ka sumali. Kung iyong mga anak mo naman ay nasa private schools, ang private schools mismo papasok sila dito.

    VP LENI: Ito lang Usec. paglilinaw. Kapag ganito ang parang ini-envision natin, gustong sabihin parang kailangan ding magkaroon ng partnerships with companies saka private schools para mas aktibo din silang nagpaparticipate.

    MARIO DERIQUITO: Sa katunayan VP itong tagumpay ng programang ito nakasalalay sa partnership.

    VP LENI: Oo kasi kailangan magsama-sama. Naalala ko Usec naimbitahan ako last year, iyong kinukuwento ko kaninang sa Ayala Museum. Iyong programa, kung hindi ako nagkakamali, iyong programa ng Ayala Museum na ni-launch last year, parang may kampanya sila sa mga empleyado lang ng mga Ayala companies na parang Php 100 for 200,000 books. Parang ang sinasabi nila, magsabi nila, magbigay lang ng Php 100 bawat empleyado ng Ayala Group of Companies, makakalikom sila ng 200,000 books. At balita ko Usec. na-hit nila ang target na iyon. Kaya ito din.

    ELY: Ako po i-offer ko iyong sa lahat ng radio station ng RMN. Puwede po sila magpadala. May nakikinig po sa atin, may mga libro. Pero kailangan mga storybook po hindi textbook.

    VP LENI: Baka ka Ely puwede nating i-announce na ngayon. Ayan Usec. may volunteer na tayo. Kasi ang RMN napakaraming cities nandoon sila. So ngayon naka-hook-up ang Cebu, Davao, Cagayan de Oro, Naga. Mayroon pa ding RMN sa iba’t ibang lugar. Baka puwede ba iyon ka Ely? Kung may nakikinig sa atin ngayon, sigurado si Mr. Eric Canoy willing iyon. Siguro kung may nakikinig sa ating gusto magdonate, puwede pong dalhin ang donation sa nearest na mga RMN stations sa inyo. Naku maraming salamat ka Ely.

    MARIO DERIQUITO: Maraming salamat po. Malaking bagay iyon.

    VP LENI: Kaya maraming salamat Usec. Sana po ang opisina namin makikipagpartner din sa inyo. Kasi naniniwala tayo sa programa at ano, iyong pinag-uusapan po namin kasi ika-apat na Sunday na ngayon na mayroon kaming bisita na ang adbokasiya pagbabasa. Dalawa yatang linggo, ah tatlo, tatlong linggo ka Ely na ang bisita natin mga storytellers. Ang bisita po namin mga storytellers. Ang isa dati siyang librarian ng UP, pero siya na ngayon ang librarian ng Quezon City Public Library. At marami din silang mga activities na ginagawa para sa pagbabasa. Ang pangalawa po naming bisita, teacher siya sa La Salle. Naalala ko sinabi niya anak siya ni Teresita Ang See, teacher siya sa La Salle. Adbokasiya din niya iyon. At kinuwento ko sa kanya. Kinuwento ko sa kanya na alam mo ba ang presidente ninyo ito din ang adbokasiya? Parang hindi pa niya alam Usec. Kaya siguro ililink natin sa inyo. Tapos iyong last Sunday nga, si Melody ang ating bisita. Ang Grand Prix winner sa storytelling contest. Napakahusay magkuwento. At iyong kuwento niya parang nagvovolunteer siyang nagtuturo sa mga teachers ng art of storyteller. Ito ka Ely, first hand, napanood ko siya doon sa Batino Elementary School kasi kami ang magkasunod. Ano talaga, ang mga bata sobrang enjoy habang nakikinig sa kanya. Kaya sabi namin, may isa akong staff na gusto na din magvolunteer sabi namin mag-aaral tayo kay Melody.

    ELY: Okay napaka-interesante po at sana ay makatulong tayo at magbukas ang kaisipan ng ating mga kababayan na maging tradisyon na at sabihin natin ay talagang, iyong sa salitang gawing bisyo ang pagbabasa.

    VP LENI: Napakalaking bagay. Pero umaasa po tayo Usec. na dahil sa kampanya ninyo, itong Sa Pagbasa may Pag-asa, mas maraming mga bata ang magkakaroon ng access sa mga storybooks at kung magkaroon ng access, mas marami din ang mahihilig na sa pagbabasa.

    ELY: Okay. So maraming salamat po sa inyong oras, Usec.

    VP LENI: Pasalamatan natin si Usec. Asahan ninyo po na kahit sa mga susunod na linggo patuloy nating ipapaalam sa ating mga kababayan ang adbokasiya po ninyo. Maraming salamat Usec Mario.

    MARIO DERIQUITO: Maraming salamat po VP Leni, maraming salamat ka Ely sa pagkakataon na ito. [END GAP 2]

    VP LENI: Ngayon ka Ely mayroon tayong espesyal na bisita. Ito happy ako ka Ely na nameet ko siya. Kasi isa ako sa mga avid fans ng kanilang kumpanya. Ito ka Ely iyong ating bisita, Mr. Agno Almario. Siya ang Digital Ventures Director ng Adarna House Publishing. Alam mo kilalang kilala natin ka Ely ang Adarna House kasi pag sinabi natin na storybook dito sa Pilipinas, parang na-equate na siya sa Adarna House. Si, papano namin ikaw tatawagin, Agno? Si Agno ka Ely, anak siya ni Virgilio Almario, ang ating national artist for literature.

    ELY: Kilala ko po iyon dahil naging reporter-writer po ako sa Diyaryo Filipino. Tagal na po iyon, bago pa ho ako nagdiyaryo.

    VP LENI: Kilalang-kilala namin Agno ang dad mo. At tingin ko marami tayong ipagpapasalamat dahil sa dad mo, nagsimula ang Adarna House. Ito talaga ka Ely, dahil adbokasiya natin ang pagbabasa, bawat punta natin sa mga libraries, public libraries, sa mga libraries ng paaralan, talagang majority ng librong nasa library ay mga publications ng Adarna. Kaya ngayon mapalad tayo na, pagbigay galang mula natin, batiin natin, Mr. Agno Almario. Magandang umaga uli sa iyo, Agno.

    AGNO ALMARIO: Magandang umaga po sa inyo at maraming salamat sa pag-imbita.

    VP LENI: Maraming salamat sa kahit Linggo, pinagbigyan ninyo kami. Pero alam mo Agno, i-denivote kasi namin ang programa namin buong November sa pagtulak at pagcelebrate ng National Reading Month. Kasi naniniwala tayo kung gaano kahalaga ang pagbabasa, pero medyo may halo itong kalungkutan kasi pakiramdam natin parang kulang na kulang pa din ang effort natin para isulong talaga ang pagbabasa. Kaya ito ang interesado tayo muna, papano ba nagsimula ang Adarna House.

    AGNO ALMARIO: Actually tulad nga po ng sabi ninyo, sinimulan siya ng tatay ko noong, kung tama ang pagbilang ko, 37 years ago. Mas matandang anak niya ang Adarna kaysa sa akin. So 37 years ago, mayroong proyekto ang Nutrition Center of the Philippines, so hindi lang daw ano, kailangan natin ng nutrition para sa mga katawan natin. Kailangan din para sa isip. Kaya sinimulan nila nito ang proyekto na ito na paggawa ng panitikang pambata para sa ano, in Filipino. Tapos noong natapos ang proyekto, pinagpatuloy pa rin ng tatay ko at saka ng pamilya ko ang proyekto na iyon, tapos iyon ang naging Adarna House.

    VP LENI: Kasi ka Ely, ewan ko lang Agno kung alam mo as of today kung ilan na ang titles na napublish ng Adarna House. Mayroon ka bang bilang noon?

    AGNO ALMARIO: Siguro ano, sinubukan naming bilangin. Lagpas 500.

    VP LENI: Grabe. Iyon ka Ely ano talaga. Pero parang napaka-interesting na papano kayo nakaka-come-up with so many titles, tapos ang gaganda talaga ng pagkasulat, ang ganda ng pag-illustrate. Papano ba, ang gustong sabihin, papano ba kayo nakakahanap ng contributors, ng illustrators?

    AGNO ALMARIO: Alam ninyo po pakiramdam ko pagdating diyan napakadali ng buhay namin kasi napakatalentado din ng Pilipino. So napakarami naming magandang kuwento, magandang illustrations na nakukuha sa publishing house namin. Sa totoo lang ang nagiging problema namin ay kung alin ang pipiliin namin ilimbag.

    VP LENI: Pero ang gustong sabihin, papano ninyo nakakalap? Alam natin na maraming talentadong mga Pilipino, pero papano ninyo naiipon ang mahuhusay na sumulat na mga children’s books?

    AGNO ALMARIO: Siguro diyan dadating iyong mga ano, mayroon kaming mga proseso sa loob ng kumpanya. Bukod doon, iyong gitnang ate ko, namana niya iyong taste ng tatay ko sa panitikan. So napakagaling din niyang pumili ng mga magagandang kuwento.

    VP LENI: Oo kasi kailangan iyong namumuno ano talaga…

    AGNO ALMARIO: At patuloy naming tinuturo iyong pagpili ng mga magandang kuwento, pagpili ng mga magandang akda doon sa mga nagiging miyembro ng kumpanya namin.

    VP LENI: Pero ano iyon, parang halimbawa ako, sabihin natin ordinaryo lang akong citizen, pero mahilig akong magsulat at gusto kong makapagsulat din o makapag-ambag. Papano kaya makoconsider ng Adarna House ang aking sinulat.

    AGNO ALMARIO: Sa totoo lang simple lang po. Mayroon kaming, pag pumunta po kayo sa website namin sa adarna.com.ph, mayroon kaming instructions doon kung sa paanong paaran ka makakasubmit ng manuscript sa amin. So medyo mahaba siya pero nandoon po sa website lahat tapos ang kailangan lang po talaga ninyo gawin is sundan iyon at magpadala ng inyong sinulat sa amin.

    VP LENI: Tapos marami bang, ito curious ako kasi, di ba for a very long time, wala pa naman tayong online na parang internet na connection. Ngayon ba na parang popular na ang pagsubmit online, marami na ba kayong napublish dahil sa mga sinubmit online?

    AGNO ALMARIO: Mayroon na din naman po. Pero kami po may pagka-ano kami na ano, gusto pa rin namin na sinusubmit in print. [laughs]

    VP LENI: Oo ako I can imagine. Pero wala ba kayong ginagawang parang mga events, na contest o workshop na parang iipunin ninyo talaga in one setting iyong mga writers tapos doon para ililikom ninyo ang mga produkto nila?

    AGNO ALMARIO: Mayroon po. Nagkakaroon din po, paminsan nagkakaroon din po kami ng parang writing workshop kung saan bukod sa nagtuturo naghahanap din kami ng iba’t ibang mga kuwento na puwede namin ilimbag.

    VP LENI: Tapos ito, halimbawa may napili na kayong kuwento. Papano ninyo pinipili ang illustrator?

    AGNO ALMARIO: Ayan. Mayroon po kaming ano, katulad din po ng ano, hindi rin ho kami nahihirapan kasi napakaraming magaling. Pero mayroon na po kaming parang pool of illustrators na kumpleto kami doon sa mga portfolio nila, tapos tingin namin iyon ang mga maasahan namin. Ngunit pagkatapos pa namin piliin iyon, usually pipili kami ng more than one, tapos ipapakita namin doon sa mga estudyante, sa mga bata tapos ipapa-test namin sila, tapos titingnan namin ang feedback nila kung ano iyong mga nagustuhan nila sa mga pinapili namin.

    VP LENI: So talagang ano kayo ano, talagang… Kasi ewan ko ka Ely kung familiar ka sa Adarna books, talagang maliban sa ganda ng kuwento, napaka-attractive ng illustrations. At saka sila iyong, ewan ko ka Ely kung nakita mo na, sila iyong mayroong mga big books, iyong mga malalaki. Actually, familiar na familiar ako diyan kasi pag magkukuwento ako, pag magre-reading ako doon sa distrito noong ako ay congresswoman, hinahanap ko iyong may mga big books. Naalala ko nga ka Ely, kailan lang ba iyon, siguro a few months ago, pumasok ako sa isang library. Wala pang napipiling libro, nakita ko pangalan ng, ang iyong title ng libro Digong Dilaw. [laughs] Parang katuwaan, katuwaan. Iyon ang title ng libro. Parang kinuha ko lang, katuwaan. Pero alam mo noong kinukuwento ko na, napakaganda ng libro. Ano siya, para ang kuwento niya parang iyong Midas Touch, na iyong lahat na hinahawakan nagiging gold. At napakaganda ng aral. Iyong iwasan ang pagiging materialistic. Pero alam mo iyon parang namamangha kasi ako Agno na parang papano mo naka-capture sa isang storybook na pambata iyong values na, di ba. Parang mahirap iyon. Pag ordinaryo siyang sulat, parang mayroon kang buwelo ng, parang mayroon kang buwelo na isulat ang lahat ng gusto mo isulat. Pero pag storybook kasing pambata, kailangang masabi mo siya sa language ng mga bata di ba. Ito maliban sa publication, mayroon ba kayong mga, mayroon ba kayong mga attempt na parang lalong i-promote ang kagustuhan sa pagbabasa?

    AGNO ALMARIO: Opo, napakarami. Napakarami naming partner na NGOs ngayon na parang mayroon silang kaniya-kaniyang programs katulad ng iyong Mcdonald’s na foundation. Mayroon silang program na Bright Mind Reads kung saan nagbibigay sila ng mga libro doon sa mga communities na inaalagaan nila. Bukod doon mayroon din kaming mga sariling events. Umiikot din kami around the schools that ano, we handle. Kunwari within Metro Manila, mayroon kaming tinatawag na Byaheng Eskuwela sa Adarna. So ang ginagawa namin doon ay bukod sa nagboo-bookfair kami sa bawat eskuwelahan, nagso-storytelling kami. Actually iyong ano, kumbaga iyong buong kumpanya namin umiikot talaga doon sa pagturo ng pagbabasa.

    VP LENI: Tapos ito, all-year round ito.

    AGNO ALMARIO: Oho.

    VP LENI: Kasi ano ka Ely, nakita ko nga, binuksan ko ang Facebook page ninyo, noong nakita ko na kayo ang guest ngayon, nakita ko malapit lang pala sa tinitirhan ko ang ano nila, lugar nila, Brgy. Sacred Heart. Kaya sabi ko sa mga bata, naku mayroon pa lang Adarna House na malapit sa atin. Bisitahin nga natin minsan. Kasi ano, gaya ng sabi ko isa akong fan. Tapos ito, Agno, mayroon kaming programa, kanina iyon ang pinag-uusapan namin. Ang programa ng Office of the Vice President parang Istorya ng Pag-asa. Kami naghahanap kami ng mga kuwento ng mga ordinaryong tao, na dumaan sa mga matitinding pagsubok pero naging, parang naging successful. Baka siguro okay lang ba na parang mag-explore ng partnership with you. Kasi malay natin maging source ng storybooks iyong mga kuwento ng aming mga Istorya ng Pag-asa champs.

    AGNO ALMARIO: Opo sige. Dapat po talaga bumisita kayo sa opisina namin.

    VP LENI: Oo mag-set kami ng ano… Interesado ako niyan at saka sa opisina lang namin, maraming interesado din, mga bata ang aming mga staff at kapaparticipate lang kasi namin Agno sa isang pagbabasa sa Batino Elementary School at na-engganyo kami. Iyong kasama namin si Melody, napakahusay niyang storyteller. Isa din iyong fan ng Adarna House. Kaya siguro baka nga ayain natin si Melody pag bisita namin sa inyo kasi ano iyon, tingin natin napakalaking kontribusyon. Napakalaking kontribusyon sa bansa natin ang ginagawa ninyo, ito ka Ely, ano ito di ba Agno, parang iyong pinaka partners ninyo iyong mga school libraries talaga di ba? Kasi pag pasok mo talaga ka Ely sa school libraries, halos lahat, Adarna House. Kaya kung more than 500 titles, marami pa pala akong hindi nakikita. Kaya ito ka Ely, pasalamatan natin ang ating national artist. Si Virgilio Almario sa malaking kontribusyon sa literatura ng ating bansa. Ito ba, isa pang curious ako, lahat ba ng titles ninyo in Filipino o mayroon din English?

    AGNO ALMARIO: Actually sa totoo lang niyan, majority nga ho ng titles namin bi-lingual. So bukod doon sa Filipino, mayroon din siyang katabi na Ingles. So makikita mo sa isang pahina na nandoon ang parehong wika.

    VP LENI: Ito na curious ako uli Agno, mayroon ka bang paborito sa inyong publications? Kasi may ganoon tayo na pag magkukuwento parang mayroon kang default na ikukuwento. Ano ang paborito?

    AGNO ALMARIO: Luma na po ang paborito ko. Ang pangalan niya Magic Mat. So mayroong isang bata na kapag sumasakay siya doon sa banig niya, parang pakiramdam niya nakapaglalakbay siya sa iba’t ibang mundo. So paborito ko po iyon noong bata ako.

    VP LENI: Parang hindi ko pa iyon nababasa Agno, hahanapin ko iyon.

    ELY: Papabasa ko sa anak ko din.

    VP LENI: Tapos ito talaga ka Ely ano, sana sa pagbisita natin ma-feature natin ang Adarna House.

    ELY: Sasama ako ma’am sa pagbisita.

    VP LENI: Oo sama ka ka Ely. Kasi ano talaga ito Agno, parang iyong Adarna House institusyon na talaga siya sa bansa natin. Tingin natin isa kayong malaking susi para talagang maitulak natin parang iyong love for reading. Tingin natin parang lost art iyon. Hindi masyadong mayroong mahihilig magbasa pero tingin ko kulang din ang kampanya para maging habit talaga ito. Hindi lang ng ilan pero ng lahat.

    AGNO ALMARIO: Salamat po ano kasi bilang isang kumpanya, iyon din talaga ang ambisyon, iyon din talaga ang pakay namin na bawat batang Pilipino matutong magbasa at kung ano, kung puwede, sana lahat sila ay makita rin iyong, matutong magbasa gamit iyong panitikan natin.

    VP LENI: Oo at saka ito Agno, ewan ko lang, I’m sure napansin mo na ito, na pag nagbabasa talaga sa mga paaralan ang mga basa naturally interested. Makikita mo naman ka Ely, pag hindi sila interesado walang nakikinig. Pero ito, ako hindi naman ako mahusay magbasa pero kahit ako ang nagbabasa lahat nakikinig, lahat nagpaparticipate. Kaya sayang kung hindi talaga natin fully parang ma-take advantage iyong kampanyang iyon. Ito ka Ely tinitingnan ko ang oras, overtime na naman tayo. Pero Agno, maraming maraming salamat sa pagbibisita sa amin ngayong umaga, bibisita ako sa inyo.

    AGNO ALMARIO: Maraming salamat din po. Hintayin po namin kayo.

    ELY: Maraming salamat kay Ginoong Agno Almario. Ma’am baka may mensahe ka sa ating mga kababayan.

    VP LENI: Ito lang ka Ely may dalawang mahalagang okasyon lang bukas. Una iyong sinabi sa atin ni Usec. Mario, iyong launch ng Sa Pag-basa may Pag-asa, sa Aurora Quezon Elementary School sa Brgy. San Andres, Manila. Ito po ang kampanya niya po kung mayroon kayong mga libro na hindi ninyo na ginagamit, mga storybooks, baka po puwedeng i-donate. Sabi niya po wala pang drop-off points pero nagvolunteer po ang RMN na puwedeng sila ang maging drop-off point. Mayroon din pong mahalagang event ang Office of the Vice President bukas, ito naman po ang in connection with Istorya ng Pag-asa, ito po sa Ayala Museum. Kapartner po natin ang Ayala Group of Companies, particularly iyong Ayala Foundation, Ayala Land at saka iyong Globe Telecoms. Ito po ang 1-year anniversary ng Istorya ng Pag-asa ng OVP, pero bukas po may ila-launch po tayong napakahalagang addition sa Istorya ng Pag-asa. Ito po ang launch ng Istorya ng Pag-asa, short film festival. Saka pag nagkaayos kami ni Agno, baka mayroon na po tayong Istorya ng Pag-asa na magiging children’s book. Ano po? Kaya bibisitahin natin, gagambalain natin ang Adarna House. Kaya ka Ely, pagpaalam po sa mga kasama po natin ngayon. Ito sa Agno, naku napakasuwerte po namin Agno na kasama ka namin ngayong umaga. Maraming salamat sa Adarna House.

    ELY: Okay mga kasama, ayan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Hanggang sa susunod na Linggo.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 25, 2017