This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 28

    19 November 2017

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN, mga kasama, ngayon pong araw ng Linggo, November 19, 2017.

    Mga kasama, ako pa rin po si Ely Saludar, at kasama natin dito sa ating studio ang nanay po ng sambayanan, ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning po sa inyo!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong Linggo ng umaga. Uulitin po, sa lahat ng mga kasama nating mga Bicolano: marhay na aga sa indo gabos! Sa mga kasama po nating mga taga-Visayas at Mindanao: maayong buntag kaninyong tanan!

    ELY: At siyempre, mga kasama, tayo po ay napapakinggan nationwide sa lahat ng himpilan ng RMN, sa pangunguna ng RMN Naga-DWNX 91.1, RMN Cebu-DYHP 612, RMN Cagayan de Oro-DXCC 828, at RMN Davao-DXDC 621. At siyempre sa Facebook Live, “RMN News: The Sound of the Nation,” at sa “VP Leni Robredo.” Puwede kayong manood at makinig kung saang dako man kayo, iba’t ibang panig ng mundo, sa FB Live.

    So, Ma’am, siyempre, marami po tayong pag-uusapan na importante, ano po? Mamaya po mayroon tayong Istorya ng Pag-asa… At mayroon po tayong usapan sa kalinisan

    VP LENI: Kalikasan.

    ELY: Kalikasan… Okay, samantala, mga kasama, bago diyan ay alamin muna natin ang naging aktibidad ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo.

    VP LENI: Alam ko, Ka Ely, kakaiba itong linggo na ito, lalo na sa ating mga estudyante at manggagawa, dahil halos buong linggo walang pasok dito sa Metro Manila dahil sa ASEAN [Summit]. Walang pasok iyong iba, pero tayo busy na busy, Ka Ely.

    Noong Lunes, nag-attend tayo ng opening ng ASEAN [Summit]. Nandoon iyong pitong world leaders na bisita natin. Maraming, maraming bisita galing sa ibang bansa dito sa Pilipinas, at ito naman ay magandang pangitain, Ka Ely, kasi iyong malalaki talagang pangalan sa ASEAN, lahat naman talaga dumalo.

    Noong Martes, tayo naman iyong naging keynote speaker sa closing ng Business and Investment Summit doon sa Solaire Hotel. Ito naman ay in-attend-an ng iba’t ibang business leaders sa lahat na ASEAN countries. At mayroon akong side meeting doon, Ka Ely, sa grupo ng kababaihan, mga women in business. Pero ito, hindi lang ASEAN, pero 18 countries iyong nandoon. At napakaganda noong aming usapan dahil nag-usap-usap talaga na matuto sa bawat isa, dahil bawat bansa, iba’t iba din iyong pinagdaanan din ng mga kababaihan. Masaya iyong usapan dahil unang una, nag-imbita sila ng women leaders dito sa atin para ipakita iyong best practices, at marami ding interesado na magbisita ulit dito sa Pilipinas. Marami sa kanila, hindi inasahan na maganda pala dito sa ating bansa, at gusto nilang mas bumisita dito nang mas matagal.

    Natapos iyong ASEAN [Summit] noong Martes. Noong Miyerkules, Ka Ely, lumipad na ako papuntang Iloilo dahil mayroon doong dalawang okasyon noong umaga. Iyong unang okasyon, iyong launch ng Istorya ng Pag-asa Iloilo. Napakaganda noong launch dahil unang una, iba’t ibang mga grupo iyong nag-partner doon, iba’t ibang local partners, kaya maraming nag-attend ng launch. At iyong nag-host ng aming launch ay iyong Assumption Iloilo. Ito, Ka Ely, pati si Governor Defensor, nag-attend ng aming launch. Pati iyong mga madre, mga teachers galing sa iba’t ibang mga paaralan doon. Partner din namin, mayroong isang malaking asosasyon, ang tawag sa kanila Alliance of Concerned Ilonggos, saka iyong Knights of Democracy. Parang nag-partner sila para sila iyong magpapatakbo ng Istorya ng Pag-asa sa Iloilo

    Pagkatapos noon, lumipat ako sa general assembly ng Philippine Federation of Local Councils of Women. Ito, mga women leaders mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas iyong nag-attend, napakarami. Naalala ko, parang pangalawang beses na akong naimbita doon. Two years ago, guest din nila ako. Pero pagkatapos noong okasyon doon, lumipad kami—mayroon palang flight mula Iloilo papuntang Cagayan de Oro… Lumipad kami mula Iloilo hanggang Cagayan de Oro, kasi sa susunod na araw pupunta ako ng Marawi.

    Pero pagpunta ko pa lang sa Cagayan de Oro, nag-meeting na kami ni Mayor Majul Gandamra ng Marawi. Pinag-usapan na namin iyong mga hinaharap pa nilang mga urgent na problema, para pagpunta ko sa Marawi, ipapakita niya na lamang iyong mga hinaharap.

    Marami kaming partners, Ka Ely, na kasama pagpunta doon. Mga Angat Buhay partners. Kasama din namin iyong ibang officials ng Naga City kasi mayroon silang financial na tulong na iniabot sa local government of Marawi.

    Tapos iyong mga partners, Ka Ely, isinama talaga namin para makita nila at marinig mula sa mga taga-Marawi mismo kung ano ba iyong mga tulong na kailangan. Kasi iyong unang punta ng aming team—

    Ang balak kasi maki-coordinate kami sa Task Force Bangon Marawi para hindi nadodoble iyong tulong. Ano ba iyong mga tulong ng gobyerno, at ano ba iyong mga kailangan at hindi maaabot ng pondo ng gobyerno, para doon pumasok iyong aming mga private partners. Pero iyong problema kasi ngayon, Ka Ely, hindi pa rin makagalaw lahat kasi hinihintay iyong tinatawag na Post-Conflict Needs Assessment. Siguro daw mga katapusan pa ng taon ito matatapos. Kaya ang tanong namin doon, habang hinihintay iyong assessment, ano na ba iyong mga kailangan?

    Marami silang sinabing pangangailangan. Isa na doon iyong mga sasakyan para doon sa mga evacuees na ibabalik. Mayroon nang… Iba talaga kapag nandoon on the ground kasi nalaman namin na 96 barangays pala iyong Marawi—napakaraming barangay—pero may pitong barangay na hindi naman lumikas, hindi naman umalis. So dati nang may pitong barangay. Noong nakaraang linggo, may bumalik na galing sa evacuation centers na siyam na barangay. At ngayong araw, Ka Ely, may 10 barangay na babalik.

    Iyong 10 barangay, iyong iyong tutulungan natin. Iyong partners natin nag-provide ng mga sasakyan. Nag-rent sila ng mga van na magdadala mula sa Iligan at Cagayan de Oro ng mga evacuees na babalik doon sa 10 barangays na lilikas ngayon.

    Iyong partners din natin, Ka Ely, particularly iyong RAF Forwarding International saka iyong mga kaklase ko noong college, ito iyong Economics Batch ’86, binilhan nila iyong ating mga sundalo—ano iyon, Ka Ely, mga 2,000 plus na mga sundalo—binilhan nila ng Jollibee. Hindi ko maintindihan kasi simple lang iyong Jollibee, pero napakasaya ng mga sundalo kasi napakatagal pala na de lata iyong kinakain. So masaya naman. Binigyan sila doon, magkakasama kami.

    Tapos iyong highlight ng aming pagbisita, isinama kami ng militar sa Ground Zero. Ito, Ka Ely, nakikita na natin sa mga retrato, pero ibang iba pala kapag ikaw mismo ang nandoon.

    Ako, aaminin ko, Ka Ely, noong tinitingnan ko iyong devastation, awang awa ako sa mga sundalo natin, na talagang ibinuwis iyong kanilang mga buhay para iligtas iyong Marawi. Ang devastation talagang hindi mo sukat akalain na ganoon. Sabi ko nga, nakakakita na tayo ng ganoon sa mga sine, ng mga ganoong kuwento, pero parang walang katulad. Napakalaking area noong nasira. Kapag nakikita ko kasi, Ka Ely, sa pictures, akala ko concentrated lang sa ilang areas, pero napakalawak.

    Alam mo, Ka Ely, iyong Marawi kasi parang nahahati siya sa dalawa kasi may ilog sa gitna. Iyong isang side sa kabila ng ilog sirang sira; iyong isang side walang sira. Kaya ibang iba talaga iyong sitwasyon doon.

    May binisita kaming mga mosque. May binisita kaming… isa lang pala iyong Catholic church doon, Ka Ely, iyong St. Mary’s [Cathedral]. Pinuntahan namin iyong Catholic church, iyong bubong sira sira, iyong mga santo pinugutan ng ulo. Ano talaga, talagang giyerang giyera iyong nangyari doon, at hindi mo sukat akalain kung paano mo sisimulan iyong rebuilding.

    Kaya nananawagan po tayo sa ating mga kababayan, na hindi lang po ito responsibilidad ng pamahalaan, pero sana po magtulong-tulong tayong lahat. Magtulong-tulong tayong lahat para matulungan iyong ating mga kapatid na nasa Marawi, kasi kailangan po nila lahat na tulong na puwedeng ibigay.

    Karamihan sa mga bahay nila, Ka Ely, pinasok. Kaya iyong mga gamit na iniwan nila, halos wala na lahat. Kahit iyong mga bahay na hindi nasira.

    Doon sa kabila ng ilog, kahit hindi nasira iyong mga bahay, mayroon ding mga butas. Hindi nasira iyong buong bahay, pero partially damaged—natamaan ng mga ligaw na bala sa bubong, may mga sira sa bintana.

    Namigay din kami ng mga gamit sa paaralan. Nagbisita kami sa parang junior high school ng MSU, namigay din kami—galing din ito sa aming partners, iyong Children’s Hour—namigay ng mga school bags saka mga school supplies. At tuwang tuwa iyong mga bata kasi wala palang naiwan sa kanila. Talagang lahat nagsisimula.

    Iyong request doon, Ka Ely, hanapbuhay. Nag-request din tayo ng parang price monitoring council, kasi pagpunta namin doon, Ka Ely, may mga nagbebenta doon ng bigas na 100 pesos per kilo. Talagang kahit may-kaya mahihirapan.

    Kaya iyong pakiusap po talaga, kahit anong klaseng tulong. Nananawagan din tayo—ito, diniscuss na namin sa Task Force Bangon Marawi—na baka puwedeng tutukan ng DA saka DTI iyong pagsimula ulit ng hanapbuhay.

    ELY: Pero Ma’am, may binabanggit kayo na… kasi kadalasan dito sa mga ganitong rehabilitation, nabanggit niyo na dapat sinasama, lumalahok iyong mga residente mismo. Kasi, lalo na ito sa Marawi, karamihan po diyan mga kababayan nating Muslim. Kaya po siguro mas maganda na iyong disenyo, naka—iyong direksyon ay para din po sa mga kababayan nating Muslim.

    VP LENI: Actually, Ka Ely, iyon iyong hiningi natin sa city, iyon iyong hiningi natin sa Task Force Bangon Marawi. Kasi nagkaroon ng parang lunch meeting kami, kasama iyong partners namin, kasama iyong buong city government. Pagkatapos noon, lumipat kami sa Iligan, ang ka-meeting naman namin iyong buong Task Force Bangon Marawi. Isa iyong ating mensahe: na sana sa pagplano, sana sa pag-execute ng pag-rebuild ng Marawi, sana bigyan ng boses iyong mga nandoon. Kasi alam mo, Ka Ely, kung tayo lang na nasa pamahalaan iyong magdedesisyon, gusto nating makatulong, pero baka iyong akala nating makakatulong, hindi naman iyon iyong pinakamahalaga sa kanila. Nag-promise naman sila na talagang i-involve iyong ating mga kababayan sa pagplano.

    Ano naman ito… mataas iyong ating tiwala na iyong rebuilding magiging combined efforts, hindi lang ng pamahalaan at private sector, pero ng mga taga-Marawi mismo.

    ELY: Okay, samantala, mga kasama… marami sa ating mga kababayan na nakikinig na mga Overseas Filipino Workers sa buong mundo. Siguro, Ma’am, medyo bigyan natin sila ng kaunting paliwanag. Kasi doon po, ‘di ba, sa idinaos na ASEAN Summit, may pinirmahan na kasunduan. Siguro kayo na rin po ang magbalita sa kanila. Marami pong sumusubaybay sa atin sa Facebook Live, dito po sa ating palatuntunan.

    VP LENI: Ito, mahalagang mahalaga, Ka Ely, itong dokumento na napirmahan ng mga ASEAN leaders noong nakaraang ASEAN Summit. Kasi mayroon itong kasunduan, itong Consensus for Migrant Workers, overseas migrant workers. Ito, napakahalaga, kasi kulang na kulang pa— Alam mo iyong proteksyon sana particularly ng ating mga OFWs, iyong proteksyon sana napapalaman sa mga bilateral contracts between countries, para ma-ensure iyong proteksyon, iyong hindi sila naaabuso sa mababang suweldo, hindi naaabuso sa working conditions. Dapat sana ito lahat napapalaman sa bilateral contracts between countries, pero kaunting countries pa lang, Ka Ely, iyong mayroon tayong existing na bilateral contracts. Marami pang mga bansa na maraming OFWs doon, pero hindi pa siya covered ng kahit anong bilateral agreement. Kaya iyong pagpirmahan dito ng consensus, napakalaking bagay kasi bina-bind nito iyong mga ASEAN nations. Alam naman natin, Ka Ely, na marami tayong migrant workers, halimbawa sa Hong Kong, sa Singapore, sa Malaysia. Marami pang ibang mga ASEAN countries na hindi pa siya napapalaman sa mga existing contracts.

    Itong consensus na pinirmahan, parang mayroong uniform agreement among all ASEAN countries na talagang may proteksyon—hindi naaapi, hindi naaapi iyong ating overseas migrant workers. Tingin ko, Ka Ely, napakahalaga nito dahil gustong sabihin, parang may recognition ng halaga ng ating mga OFWs. Paminsan kasi, Ka Ely, parang taken for granted sila. Sila iyong nagbibigay—sila talaga iyong mga bayani natin. Sila iyong nagbibigay ng remittances na nakakapag-ayos sa ating ekonomiya, pero kulang na kulang iyong proteksyon na ibinibigay sa kanila. Hindi lingid sa kaalaman na napakarami pa nating mga kababayan na talagang aping-api sa kondisyon, at hindi ito naiintindihan, paminsan ng sariling pamilya, na akala kapag nagpunta sa ibang bansa, napakadali ng buhay doon. Pero iyong pinagdadaanan nilang kahirapan saka sakripisyo, nakakaawa.

    Naalala ko, Ka Ely, ilang buwan na ang nakakaraan, pumunta ako sa Hong Kong. May nakausap ako na ilang grupo ng ating OFWs. At kinuwento nila kung ano iyong hirap na pinagdadaanan nila, lalo na sa umpisa. Mayroon din tayong mga kababayan na masuwerte sa amo, pero mas marami yata iyong hindi.

    Kaya itong pirmahan na ito, iyong halaga nito kapag hindi nag-comply sa mga kasunduan, puwedeng may mga penalties na sasagutin iyong bansa.

    ELY: So maganda po iyan. At isa din doon sa mga reklamo ng ating mga kababayan, iyong pagdating nila, iyong kanilang mga amo, kinukumpiska iyong mga passport.

    VP LENI: Totoo… Tingin ko nga, Ka Ely, siguro one of these days, imbitahan natin iyong isang opisyal, siguro ng OWWA, kasi ang dami nating mga listeners na mga OFW. Hikayatin natin na magpadala na sila ng tanong bago pa natin… Siguro po kahit ngayong araw, o kahit sa mga susunod na araw, puwede po kayong magpadala ng mga tanong niyo, para sa mga susunod na linggo—siguro next week, or the week after next—makapag-guest po tayo ng isang opisyal ng OWWA para masagot iyong mga tanong.

    ELY: O taga-POEA.

    VP LENI: Oo, POEA. Kasi ang problema, Ka Ely, paminsan marami talagang tanong na hindi alam kung saan itatanong. Maraming mga lugar na malalayo masyado iyong embassy o iyong consulate, na hirap iyong ating mga kababayan na ipaabot iyong gusto nilang ipaabot.

    Paminsan may magte-text sa amin na nagpapa-rescue. Ito nakakadurog ng puso, kasi unang una umalis iyan, mabigat iyong sakripisyo dahil iniwan iyong pamilya, tapos ang dadatnan doon panibagong sakripisyo.

    Kaya siguro para lumakas iyong loob na ipaglaban iyong kanilang mga karapatan, mag-imbita tayo ng isang opisyal na makakasagot sa kanila.

    ELY: Okay, so ayon ho, abangan niyo ho at iaanunsyo namin iyan, mga kasama. At siyempre, alam naman po natin na malapit sa puso ng ating Bise Presidente iyong mga Overseas Filipino Workers.

    Okay, sandali lang ho, mga kasama! Maya-maya, pag-uusapan na natin, may kinalaman sa climate change, siyempre sa ating pagbabalik. Sandali lang ho.

    [music break; END OF GAP 1]

    ELY: Samantala, mga kasama, maaari kayong mag-text sa 09088985364 at 09158985364 para po sa inyong mga tanong, at puwede rin kayong mag-iwan ng mensahe sa kaniyang FB Live, “RMN News Nationwide: The Sound of the Nation” at gayon din po sa “VP Leni Robredo.”

    [music break]

    ELY: Oras na natin, mga kasama, 9:25 in the morning. At ito na, ma’am, nasa ating studio.

    VP LENI: Ka Ely, siya iyong inimbita natin kasi alam mo ngayon iyong first day, November 19, noong idineklara na Climate Consciousness Week. Alam mo, Ka Ely, iyong kapaligiran, isang bagay na parang taken for granted ng napakarami sa atin, pero tayo iyong unang sumasapo ng mga matitindi at masasamang epekto ng parang damage sa ating kapaligiran. Ngayong Linggo, Ka Ely, napakapalad natin, pinagbigyan iyong ating imbitasyon noong ating bisita, si Mr. Khevin Yu. Siya iyong climate and energy campaigner ng Greenpeace Southeast Asia – Philippines. Ayun. Dati, campaigner siya ng Philippine Movement for Climate Justice. Ayun, magandang umaga sa ‘yo, Khevin.

    KHEVIN YU: Magandang umaga po, VP Leni at Ka Ely. Isang maka-kalikasang pagbati sa ating mga tagapakinig ngayong araw na ito.

    VP LENI: Ayun, ito, Khevin, ‘di ba ngayong araw iyong umpisa. iyong umpisa ng Climate Consciousness Week. Tingin mo ano iyong, parang, pinakadahilan kung bakit mayroon tayong kampanya?

    KHEVIN YU: Napakaimportante po ng tanong na iyan, dahil ang usapin po ng klima ay, marami na pong dekada, ano lang iyan, issue lang sa mga environmentalists tulad namin. Pero ngayon, ang usapin ng climate change ay issue na dapat tutukan nating lahat.

    VP LENI: Kasi ramdam na natin.

    KHEVIN YU: Ramdam na ramdam na po natin itong lahat, dahil ang Pilipinas, kung hindi man tayo nananalo ng mga medalya, sa usapin ng klima ay marami po tayong, kumbaga, angat ang Pilipinas lalong lalo na sa –

    VP LENI: Sa kasalanan? [laughs]

    KHEVIN YU: Sa mga impacts po ng climate change, parati po…

    VP LENI: Dahil sa location natin ito, ‘di ba?

    KHEVIN YU: Dahil sa location natin, dahil tropical country po tayo. Natural po na mayroon tayong halos 20 typhoons, noong wala pa pong pagbabago ng klima. At dahil po sa pagbabago ng klima, lahat po iyan ay lalong lumalala or nagbabago po.

    VP LENI: At saka, saka ito, Khevin, parang in the recent past, parang ramdam natin na dati alam natin kung anong mga buwan maulan, aling buwan iyong mainit. Pero ngayon parang wala na, parang hindi mo na masasabing itong mga buwan na ito maulan, itong mga buwan na ito mainit, kasi parang naghalo na lahat. Ito ba ay dahilan din nito, ito ba ay resulta rin ito ng climate change?

    KHEVIN YU: Tama po, VP Leni, dahil po ang sinasabi nga po ng mga siyensiya ay—para madaling maintindihan ng mga kababayan natin ang epekto ng pagbabago ng klima—ay iyong sinasabi nilang, “The wet getting wetter, the dry getting drier.” So, ayan po iyan, o kung hindi, nagbabago ang panahon. Kaya ayan na po iyong mga nararamdaman ng kababayan nating Pilipino. Kaya pagtapos po ng bagyong Ondoy noong 2009, halos tayo po ang isa sa mga populasyon na napakataas ng awareness ng pagbabago ng klima, dahil…

    VP LENI: Kasi naapektuhan tayong lahat, oo.

    KHEVIN YU: Halos lahat tayo apektado, wala pong mayaman, mahirap. Lahat po tayo apektado. At iyon na nga po iyong sinasabi nating mga unang signs po ng pagbabago ng klima, dahil nga ang Pilipinas nasa forefront po tayo ng impacts ng climate change, dahil nga sa natural na location at sa weather po natin. Siguro po maganda pong i-explain sa ating mga panauhin kung bakit nga ba mayroong climate change. Natural naman po talagang mayroong pagbabago ng klima. Dati nga po mayroong ice age, maraming beses na po nagbago ang klima natin. Pero dahil po sa pag-unlad natin, dahil sa mga likas yaman na kinukuha natin, napabilis po natin ang pagbabago ng klima natin. Dahil…

    VP LENI: At saka parang biglaan, ano?

    KHEVIN YU: Biglaan po. Siya po iyong, ito po iyong panahon na pinakamabilis na nagbago at uminit ang ating temperatura.

    VP LENI: Oo, at saka ito, Khevin, kung napapansin natin, parang ang babangis na ng mga bagyong pumapasok.

    KHEVIN YU: Tama po.

    VP LENI: Dati parang hindi naman ito, parang hindi ganito grabe. Pero lately, kapag may bagyong pumapasok at tatama talaga, parang iyong mga nasalanta grabe.

    KHEVIN YU: Tama po, kasi ako po, nagtrabaho po ako pagkatapos ng Yolanda. Iyong mga tao po talaga na kapag nakarinig ng tsunami o storm surge, o bagyo lang o kahit ulan, natatakot na iyong mga tao. Kasi nga po totoo na palakas nang palakas ang mga bagyo. Iyon po ang isang observation ko.

    VP LENI: Ito, naalala ko kasi taga-Bicol ako, Khevin. Parang lumaki ako na sanay ako na bagyuhin iyong lugar namin. Tapos naalala ko, sanay na sanay ako, parang dati, every two or three years, may malakas na bagyo na dumarating. At kaming mga taga-Bicol sanay na sanay na doon. At naalala ko, noong college ako, may naging roommate ako na taga-Davao. Sabi niya, “Sa amin, halos wala namang bagyong tumatama sa Mindanao.” Pero lately, parang wala nang pinipili. Paminsan tumatama na sa Mindanao, tumatama na sa Visayas, tumatama na sa North Luzon…

    KHEVIN YU: Tama po.

    VP LENI: Na dati parang ang apektado lang naman yung pinaka-easternmost portion. Naalala ko parati iyang Samar, Virac, Catanduanes, kami, tapos iyong Casiguran, Polilio Islands. Dati parating doon iyong tama. Pero ngayon, parang wala nang pinipili, buong Pilipinas na iyong tama. Ito ba, pwede ba nating ma-trace ito dahil din sa climate change?

    KHEVIN YU: Yes po, tama po iyong observation po natin, kasi po iyong mga bagyo, mayroon nga pong mapa iyan, na parang doodle ng bata. Iyan po pinapakita iyong parang historical na ruta ng mga bagyo. At iyon nga po, mula sa ilalim po iyan, mula sa South, paakyat po sa Luzon. Pero iyong mga nakaraang taon, iyong mga nakaraang bagyo, iyon nga po, dumidiretso po pa-Mindanao. Iyon po iyong isang observation na nagbabago. Dati po hindi nangyayari.

    VP LENI: Hindi, halos hindi binabagyo iyong Mindanao.

    KHEVIN YU: So, ayun po iyong isa sa mga observation. At recently po, sabi nga po ng PAGASA, nabanggit ko po kanina halos 20…

    VP LENI: 20 typhoons a year…

    KHEVIN YU: Wala pa pong pagbabago ng klima, 20 po. Ang observation po nila ngayon, bumaba po ng mga 17 on average, pero lumalakas po iyong bagyo. Ayan po iyong delikado diyan. Kaya iyong sinasabi nga po namin, ito po ay isang pangyayari na hindi po—kasi sinasabi po ng iba na kagustuhan ng Diyos iyan, wala na po tayong magagawa. Ito pong climate change, mayroon po tayong magagawa. At ang mahirap lang po dito, dapat gawin po natin siya ngayon din, sa madaling panahon, dahil iyong aming dahilan kung bakit nagbabago ang klima ay dahil po sa tinatawag nating carbon o greenhouse gas emissions.

    VP LENI: Kapag sobra iyong carbon emissions, ano iyong epekto nito sa kalikasan?

    KHEVIN YU: Ang epekto po ng kapag mas marami, kasi natural pong mayroong greenhouse gas sa paghinga po natin mayroon po, kapag huminga po tayo from oxygen to carbon dioxide, tapos may mga natural po tayong carbon cycles sa forests…

    VP LENI: Pero ano iyong nakakapagpadagdag dito?

    KHEVIN: Ayan, dumadagdag po ang carbon, carbon po natin o greenhouse gas, dahil po sa pag-unlad po ng ating ekonomiya.

    VP LENI: Maraming mga industriya…

    KHEVIN: Mga industriya, ang transportasyon. Ang sinasabi po namin ang pangunahing sanhi ng carbon, sa ngayon po, na nanggagaling po sa tao ay mula po sa enerhiya. Dahil sa enerhiya po sa pang-global po, ang karamihan pong ginagamit ng maraming carbon ay galing po sa coal.

    VP LENI: Kaya iyong mga environmentalists talagang maigting yung kampanya laban sa coal.

    KHEVIN: Tama po, kasi sa Pilipinas nga lang po, sa kasamaang palad, ay dumarami po iyong paggamit ng coal plant sa ating bansa. Ngayon po halos 28 na po ang existing na coal plants po natin, ano? Kahit po alam natin na marami pong epekto ito sa ating kalikasan, sa mga tao, noong nakaraang buwan nga lang po sa Iloilo nagkaroon po ng ano, ah, spill ng coal, kasi iyong coal plant po katabi ng barangay. So, imagine niyo po iyan. Mayroon pa hong gustong itayo, halos 35 iyong nasa pipeline ang application. So iyon po iyong sinasabi namin na dapat baguhin…

    VP LENI: Renewable na sana, ‘di ba?

    KHEVIN: Yes po, kasi ang renewable po ‘pag titignan po natin ang Pilipinas, napakalaki po ng potential, marami pong study na sinasabi, ang sinasabi po, halos 100,000 to 250,000 megawatts. Eh ang kine-create lang po natin ngayon, ang existing po, 7,800 lang.

    VP LENI: Ito, Khevin, para lang sa kaalaman ng mga nakikinig sa atin, iyong sinasabi natin na mga coal power plants, ito iyong nagpo-produce ng kuryente, ‘di ba?

    KHEVIN: Tama po.

    VP LENI: So, ang sinasabi natin kapag coal iyong ginagamit, nakakasama lalo sa ating kalikasan. Pero mayroon kasing ibang sources, mayroong ibang mga pwedeng pagkunan ng enerhiya. At ang mga pwedeng pagkunan, ‘di ba, puwedeng wind, puwedeng tubig, ano pa iyong iba? Puwedeng geothermal.

    KHEVIN: Actually, kahit tao nga po pwede kasi anything na umiikot, renewable, puwede pong pagkunan ng kuryente.

    VP LENI: Pero tingin mo, Khevin, ito sabi mo mayroon na tayong existing na 28 na coal power plants. Ilan ba iyong existing na power plant na renewable?

    KHEVIN: Sa percentage po, ano, medyo mababa po iyong percentage natin ng renewable energy. Although mayroong mga batas po tayo, tulad po ng Renewable Energy Act of 2009, wala pa ho iyan na halos kalahati ng ating enerhiya. Although marami po tayong mga hydroplants po sa Mindanao, sa Agusan del Sur. So, marami po iyan, ano. Ang problema lang, nagbabago po yung energy mix, kasi ang gusto nga ng ahensya, iyong mula sa DoE, ay gusto ng mura at reliable.

    VP LENI: At ngayon, lumalabas parang mura pa rin iyong coal?

    KHEVIN: Iyon po iyong sinasabi ng mga taga-coal companies. Pero ang siyensya, ang datos, sinasabi na ang coal ay lalo na po siyang nagiging mahal, kasi para po siyang gasolina. Hindi po ba ang gasolina ay pamahal nang pamahal? Ngayon po ang lumalabas, per ton po ng coal ay 100 dollars. Dati ay 50 dollars, ayon po sa isang pag-aaral ng mga kasama natin.

    VP LENI: Pero ito, Khevin, tingin mo bakit ba hindi masyadong nahihikayat itong ating mga negosyante na mag-invest sa renewables, kumpara sa coal? Bakit gusto pa din nila ng coal?

    KHEVIN: Dahil iyon nga po iyong sinasabi ng iilan na mula sa industriya ng coal, na mas mura daw ang coal, reliable daw ito. Pero hindi na po iyan ang realidad ngayon. Totoo po ‘yan mga 10 years o 20 years ago.

    VP LENI: Dati na hindi pa masyadong malaki ang teknolohiya sa mga renewable.

    KHEVIN: Opo. Pero dahil naging mas mura po ang solar power plants ngayon, ay solar panels pati wind, unti-unti po ang trend ay bumababa ang presyo. Kaya kung ikaw po ay negosyante, ilalagay mo ba ang pera mo sa isang, sa alam mong magiging mahal at hindi magiging profitable, compared sa isang teknolohiya na alam mo na kung saan siya papunta which is magiging mas mura at alam mo na sigurado kang hindi magbabago ang presyo.

    VP LENI: Tapos ito, Khevin, nabalitaan namin na iyong asosasyon niyo, parang nag-sponsor kayo ng isang clean-up drive noong September. Ito yung, ito sa Freedom Island at sa Ramsar? Saan ba ito?

    KHEVIN: Ano po iyan, malapit po iyan sa Manila Bay. So, ano po iyan, isa po iyan sa mga isla na talagang nagiging, kumbaga diyan po naiipon iyong mga basura mula po sa Manila Bay.

    VP LENI: Iyong mga tinatapon sa Manila Bay.

    KHEVIN: Opo. So iyong isa po naming layunin dito ay gumawa nga po ng audit kung saan nga po nanggagaling itong mga basurang ito.

    VP LENI: Nagawa niyo ba iyong audit?

    KHEVIN: Opo, so, ipinakita po namin kung sino iyong mga… saan pong kumpanya galing iyong karamihan ng mga basura. Kasi ang nagiging problema po ngayon, karamihan po ng binibili natin ay nagiging sachet na.

    VP LENI: Oo, ito iyong sinasabi na sachet economy daw iyong Pilipinas. Ito, Ka Ely, bibili ka ng shampoo, imbes na sa bote, naka-sachet. Bibili ka ng kape, naka-sachet. Bibili ka ng kung anu-ano, halos lahat naka-sachet. Ito, tingin ko, kaya sachet, para bigyan ng pagkakataon iyong wala masyadong pambili, na maka-avail pa din ng tingi tingi.

    ELY: Mas mura po kasi, iyong sa materyales kasi kung lata mas mahal. Mas mapapababa nila iyong presyo ng produkto.

    VP LENI: Pero iyong ang laki ng epekto nitong masama sa ating kalikasan. Bakit, bakit, Khevin?

    KHEVIN: Tingnan po ulit natin iyong Pilipinas. May isa na naman pong pag-aaral, ang dami ko na pong sinasabing datos, pero ito po importante po ito. Ang Pilipinas po, pinag-aralan po kung saan ba galing ang karamihan ng basura sa dagat ng buong mundo. Lumalabas po ang Pilipinas…

    VP LENI: Pangatlo yata tayo, ‘di ba?

    KHEVIN: Pangatlo po tayo.

    VP LENI: Ito, Ka Ely, sa liit ng Pilipinas, pangatlo tayo sa buong mundo sa nagbibigay ng basura.

    KHEVIN: Yes, tama po, isa pong problema kasi isa po tayong source ng basura. At ang basura sa karagatan, problema po iyan sa mga hayop, sa mga isda.

    VP LENI: Oo, nakakalason siya.

    KHEVIN: Dahil kung ano po iyong kinain nila, eventually, babalik rin po sa atin. Di ba nga po iyong kasabihan dati na kung ano iyong tinapon mo ay babalik rin sa iyo. Iyan po iyong epekto dahil po sa basura. At siyempre, kapag mas maraming basura sa karagatan at sa paligid natin, maapektuhan din iyong kalikasan at, ultimately, iyong ating pagkain din ay mababawasan. Iyon po iyong isa sa pinakamalaking problema diyan.

    VP LENI: Ako, na-ano lang ako, Khevin, kasi tinitignan ko iyong article tungkol doon sa clean-up drive niyo. Ang sabi, ang nalikom niyo daw na plastic waste, 54,260 pieces. Totoo ba iyon?

    KHEVIN: Totoo po iyon, VP Leni. Dahil maiksi lang po iyong panahon, ano lang po iyon, parang isang portion lang ng reality. Kaya importante nga rin na ginawa namin iyon, para ipakita ang katotohanan sa ating mga kababayan na problema talaga ang issue ng plastic sa ating bansa.

    VP LENI: Tapos ito, sabi mo na nagkaroon kayo ng parang inventory para i-identify saan galing itong mga basurang ito. Dito sa inventory niyo, sabihin natin naglista kayo ng sampu, papaano ba mapapanagot? Paano mapapanagot iyong mga number one contributor ng plastic waste?

    KHEVIN: Actually, sa ating batas ngayon, pinag-aaralan muna namin kung ano ang mga legal instruments para maging responsible itong mga kumpanyang ito. Pero isa sa tinutulak namin na dapat baguhin ang paggawa ng mga bilihin. Sinasabi nga nila na mas mura, pero dapat ang isang paraang diyan ay dapat hindi na tayo gumamit ng mga sachet, kung hindi gumamit tayo ng mga sarili nating mga lalagyanan. ‘Di ba kasi ang binibili lang naman natin diyan ay hindi naman iyong sachet, ang binibili natin ay iyong laman.

    Kaya ang iniisip namin, dapat mayroon tayong ganoong pagtingin kung paano ba natin pina-package o binibigay ang mga bilihin sa ating mga consumers. So, iyon ang isang willing kaming tulungan ang mga kumpanyang ito para solusyonan ang problema nila sa packaging. At siyempre ang isa ring gusto naming gawin ay tulungan ang gobyerno para gumawa ng mas mahigpit na regulation sa usapin ng waste at packaging ng mga kumpanya.

    VP LENI: At saka ito, Khevin, tingin ko hindi magiging madali na parang hikayatin ang mga kumpanya na baguhin ang kanilang practices kung hindi incentivized ng gobyerno, ‘di ba?

    KHEVIN: Yes, tama po.

    VP LENI: Dapat mayroong mga incentives kung ang gagamitin nilang practices iyong favorable sa environment, saka maging mahigpit din kung ang gagawin nilang practices na hindi din favorable sa atin. Tingin mo ba sapat iyong mga batas natin para dito?

    KHEVIN: Sa ngayon mayroon nga pong kasabihan na ang Pilipinas ay isa po sa pinakamagagaling na gumawa ng mga batas.

    VP LENI: Oo, maraming batas.

    KHEVIN: So, actually, marami po tayong batas na puwedeng gamitin sa usapin ng regulation sa climate at sa basura. Mayroon nga po tayong RA 9003 sa Waste Management, at sinasabi ng iba, very progressive iyon.

    VP LENI: Napakaganda ng batas, pero may problema tayo sa implementation.

    KHEVIN: Implementation, at sabi nila sa budget raw po sa usapin ng basura. Kaya ang… tama po iyong sinasabi niyo na dapat mayroong incentives for buy-in iyong mga kumpanya, ano. At iyon iyong isa sa gusto nating tutukan na ang mga negosyante dapat makita na rin ang benefits ng pagiging green. Kasi ang long-term effects nga po niyan ay magiging pangit na ang ating kalikasan, o eventually, maaapektuhan din ang ating ekonomiya.

    VP LENI: At saka tayo rin.

    KHEVIN: Ultimately, tayo po.

    VP LENI: Ito Ka Ely, paubos na naman iyong oras natin, pero siguro isa na lang iyong tanong natin. Nabasa natin sa diyaryo na marami tayong mga representatives na nandoon sa Bonn sa Germany para i-represent iyong Pilipinas para sa isang, parang usapin sa United Nations tungkol sa Climate Change. Ito, parang katatapos lang nito Khevin, ‘di ba?

    KHEVIN: Opo, tama po, noong November, kahapon lang November 18.

    VP LENI: Mayroon na ba tayong balita kung ano iyong mahahalagang, parang mga agreements na napagdesisyunan doon?

    KHEVIN: So, bale iyang ano po iyan, iyan po iyong United Nation Framework Convention for Climate Change, haba. UNFCCC po. Ano na po iyan, halos two decades na nag-uusap kada taon. Noong Yolanda nga po, habang may Yolanda ay nag-uusap po sila ulit. Ito pong sa Bonn, Germany, ang pag-uusapan po dito ay ano na iyong mga next steps para mabawasan ‘yung carbon para malimit yung pag-init ng mundo

    VP LENI: Ito yung pinaka-number one na problema natin.

    KHEVIN: Dahil kapag, simple lang po iyan, kapag uminit ang mundo, doon po nagbabago ang klima. Iyon po iyong Paris Agreement, na dapat hanggang two degrees lang. I-limit lang natin iyong pag-init ng buong mundo in two degrees.

    VP LENI: Ilan ba tayo ngayon? Ilang degrees?

    KHEVIN: Ngayon po, halos one na po tayo. May Yolanda na po tayo. Sa Bonn po, hindi pa ho nabigyan ng sapat na solusyon, dahil sa mga susunod na taon doon po nila patuloy pag-uusapan at titignan ng mga bawat bansa kung sapat ba iyong kanilang ginagawa ngayon. So, iyon isa pong mahalagang napag-usapan ay nakagawa na po sila ng rule book para pag-usapang muli kung paano solusyonan yung mga commitments sa bawat bansa.

    VP LENI: Ito ba gusto sabihin na iyong mga nandoon, may pirmahan ba doon?

    KHEVIN: Iyon po iyong nangyari sa Paris Agreement, kasi ang problema po kunwari naguusap-usap lang at walang kasunduan, wala pong mangyayari.

    VP LENI: Iyon iyong tanong ko, Ka Ely, kasi alam natin na naging kontrobersiyal iyong Paris Agreement, kasi may mga bansa na ayaw pumirma or dati nang pumirma pero umalis sa usapin.

    Malaki iyong epekto nito, kasi kung sasabihin na hindi pumirma o umalis dun sa dating kasunduan, kahit may pagbalga, walang pwedeng sanctions sa kanila. Kaya ito, nakakalungkot man, pero ito iyong realidad. Ito, hanggang siguro hindi marealize ng mga bansa kung gaano kahalaga ito, hindi rin magiging sapat iyong mga ginagawang pagsulong ng ibang grupo kung ayaw makipag-cooperate ng ibang bansa.

    KHEVIN: Tama po iyon, VP Leni, tulad na nga lang po ni Trump. Sila po kasi iyong umalis dito sa Paris Agreement.

    VP LENI: At medyo nakakahiya, ‘di ba? Parang noong pag-alis nila, dapat sana sila iyong nangunguna nito. At may nabasa ako na nakakahiya kasi iyong pag-alis nila, iyong England, iyong United Kingdom, nagsabing iyong dapat na obligasyon ng US kami na lang ang babayad. Ito, ano ito, parang nakakahiya sa isang parang superpower na parang magba-back down sa existing agreement. Kaya ito, Ka Ely, wala na naman tayong oras, parang napakabilis.

    Ito, Khevin, sana magkaroon pa ulit ng pagkakataon kasi tingin natin na iyong adbokasiya niyo, adbokasiya sana nating lahat. Maintindihan sana ng ating mga kababayan na iyong lahat ng masamang epekto ng ating mga ginagawa sa atin rin ito babalik. Kaya dapat nare-realize natin na obligasyon natin itong lahat.

    ELY: Okay. Sana magkaroon rin ng pansarili na kontribusyon. Halimbawa, bakit ko itatapon iyong plastic kung saan-saan, iyong pansarili, maging responsable ang bawat mamamayan.

    VP LENI: Maraming salamat, Khevin, sa pagpaunlak sa imbitasyon namin kahit Linggo ngayon.

    KHEVIN: Maraming salamat po, VP Leni.

    ELY: Salamat po.

    [music break; END OF GAP 2]

    VP LENI: Binabati natin sina Ging Ropero Moreno, Nympha Florin, Erwin Galpo, Linda Pasino… Naku, marami-rami. Mamaya ihahabol natin iyong iba. Aloysus Moldevra Galpol—ah, mahaba iyong kaniyang pangalan. Meron taga—ay hindi, ito nabasa ko na ito—Conrad Ty, Helen David…

    Ka Ely, nandito na iyong ating bisita, Istorya ng Pag-asa. Ipagpapatuloy natin kung may oras pa maya-maya. Ka Ely, ito, ano ito, third in a row natin, dahil alam natin na iyong November ay National Reading Month. Ito pala, Ka Ely, ngayon araw din dineklara ni Pope Francis iyong pangatlong linggo ngayong buwan na World Day for the Poor. Ito, Ka Ely, siguro pagpapaalala… pagpapaalala sa atin na obilgasyon nating lahat na tumulong sa ating mga kababayan, ating kapwa. Pero gaya ng sabi ko kanina, dahil National Reading Month, iyong ating Istorya ng Pag-asa sa buong… buong November, iyong may advocacy tungkol sa pagbabasa.

    At ito, napakaespesyal ng bisita ngayong umaga, Ka Ely, si Mary Melody Remorca. Kilalang kilala, ang alam ko grand prize winner siya sa pagiging storyteller. Makakasama ko nga siya, Ka Ely, sa Tuesday. Pupunta kami sa isang paaralan sa Quezon City. Pareho kaming magbabasa. Sinasabi ko, “Naku, nakaka-insecure na sumunod magbasa kay Melody. Kasi napakahusay magbasa.”Ayan, i-greet muna natin siya, Ka Ely, magandang umaga, sa iyo, Mary Melody. Maraming salamat sa pagpaunlak sa aming imbitasyon.

    MELODY: Walang anuman po, Ma’am Leni and Sir Ely.

    VP LENI: Ito, interesado tayo, Ka Ely, kay ano, tanungin si Melody. Paano po kayo nag-umpisa sa inyong advocacy sa pagbabasa?

    MELODY: Pagdating po kasi sa pagbabasa, ang napansin ko kasi, sa mga paaralan, kailangan kasi ng mga bata ng mas nakakaenganyo paraan para makinig sa mga kuwento at sa mga leksyon nila. So, first I show that with my own children kasi homeschooling iyong children, my three children, may homeschool din, and then sabi ko, gumagana sa anak ko, kasi napaka-critical ng mga anak ko pagdating sa pagkukuwento, hindi basta-basta naeenganyo sila, so sinabi ko, kung naeenganyo ang sarili kong mga anak, bakit ‘di ko gawin sa ibang mga bata?

    So nag-umpisa po ako doon, actually nagkukuwento ako sa Museong Pambata. I did sessions doon dati sa mga batang kalye, batang lansangan.

    VP LENI: Balita ko nga mayroon nga kayong street literacy sessions.

    MELODY: Opo. Nagkuwento po ako sa mga batang kalye noong panahon na iyon, noong medyo bata-bata pa po ako noon. Tapos, umiikot kami sa mga iba’t ibang area ng Manila at that time, and then eventually ang nangyari, nagkaroon po ako ng mga imbitasyon sa mga pampublikong paaralan. Doon, nagkukuwento na po ako doon.

    VP LENI: Pero gaano katagal mo na ginagawa?

    MELODY: Ginagawa ko po ito, Ma’am, siguro more than 25 years.

    VP LENI: O, matagal na. Pero ito, iyong pag-ikot mo sa mga kalye, iyong mga street literacy sessions. Tapos paano ang pag-o-organize niyo nito?

    MELODY: Kasi po napansin ko sa mga batang kalye, since walang sistema iyon, maging ano ka, ika nga, walang halong arte, walang halong ano. Kumbaga makiki-level ka sa kanila. Tapos kapag nagkukuwento ka sa kanila, gagawin mo na, gagawin mo na napaka-ano, napaka-animated. Iyong talagang, kumbaga kailangan, “O talaga mga bata, nandito na, ha” igaganoon mo talaga. Tapos iibahin mo iyong mukha mo, gagalaw ka, ika nga alisin mo iyong hiya, aalisin mo talaga iyong hiya.

    VP LENI: Pero Melody, wala ka bang formal training, talagang sariling aral o nag-training ka talaga?

    MELODY: Actually, Ma’am, noong ano, noong bata-bata pa po ako, I already had my theater.

    VP LENI: O, mahalaga iyon.

    MELODY: Opo. Tapos po I graduated from St. Theresa’s College, Major in Mass Communication. AB in Masscomm, and then Major in Theater Arts, Broadcast Journal, at saka Advertising.

    VP LENI: Parang ito na talaga. Talagang lifelong dream.

    MELODY: Actual sa level na kailangan. So iyong ginagawa ko po iyon, sabi ko kasi, siyempre sa teatro, kailangan may entablado ka. Eh paano iyon kung walang entablado? So kailangan pagdating sa pagkukuwento sa mga bata, kailangan kung ano man ang mayroong kaparaanan na magkukuwento ka, kuwento ka.

    VP LENI: Ito, interesado ako. Papaano mo iniipon iyong mga bata sa kalye?

    MELODY: Una po sinasabihan namin sila, “O, mga bata makinig na kayo, mayroon tayong kuwentuhan sa umagang ito.” Ganoon. Tapos iipunin sila. “O, ano iyong kuwento na iyan, kuwento na iyan.” Kasi siyempre, dapat hindi ka papatay-patay. Dapat buhay na buhay. Makikitaan ka nila ng iyong tuwa talaga, iyong saya.

    VP LENI: Parang mas gusto ng bata maglaro kaysa makinig.

    MELODY: Oo. Kasi sasabihin ng bata, “O, wala naman maganda diyan.” So, kapag sinasabi mo, saka pag kinukuwento mo iyong mga characters mo, halimbawa, parang ito, meron iyong character na mga higante, babaguhin mo boses mo. Babaguhin mo galaw mo. Kailangan talaga kukunin mo iyong kiliti ng bata, ika nga.

    VP LENI: Pero mahirap iyon. Mahirap iyon, lalo na kalye siyempre, iyong attention span ng mga bata, maikli.

    MELODY: But the thing with children na nasa kalye, they are very—they are very trusting. Iyon iyong maganda doon. Kaya kapag nakikita nila na ikaw ay talagang may puso na mag-reach out sakanila, interesado na sila. Hindi naman malayo iyon.

    VP LENI: Tapos nalaman ko din, Melody, hindi lang mga street literacy sessions ang mga ginagawa mo, pati iyong mga post-traumatic na mga sessions.

    MELODY: Ang ginawa ko po doon after sa mga batang kalye, nag-reach out din po kami sa mga disaster-stricken areas. Saka even sa mga bata na may mga diseases, so pumunpunta po ako sa mga batang may cancer. Hindi lang po ako actually, may mga na gumagawa din nito kasama ko.

    VP LENI: Ano ito, may association ba kayo o wala?

    MELODY: Dati po mayroon, Ma’am. Pero sa kasalukuyan, kaniya-kaniya na po kami… So ginawa ko pong nagkuwento po ako sa… Nagpunta po ako sa Naga.

    Nagpunta ako sa evacuation center. Kasi maliban doon sa storytelling, Arts and Crafts teacher rin po kasi ako. Ginagawa ko, sinasabay ko iyong Art, elemental sa maenganyo iyong mga bata. Tapos..

    VP LENI: Ito kapag ginagawa mo ito, on your own, o parang partner association?

    MELODY: Wala, Ma’am. Actually, ano po…

    VP LENI: Sarili? Naku, nakakabilib ka…

    MELODY: Humihingi po ako ng pera sa asawa ko.

    VP LENI: So ito, parang foundation ninyong mag-asawa—siya iyong financer, ikaw iyong—

    MELODY: Hindi ho siya… partner na lang. Sabihin natin partner na lang. Saka iyong mga anak ko. Kasi siyempre…

    VP LENI: Malalaki na iyong mga anak mo?

    MELODY: Iyong panganay po, 26, pangalawa po… Lalaki iyon, pangalawa po ay babae, 24, at bunso ko po na nandito, 14.

    VP LENI: At lahat sila nag-benefit doon sa storytelling?

    MELODY: Lahat po ay… isang nakikita ko na benepisyo sa storytelling, ang bata kasi sa literacy, kapag nakikita nila nagbabasa ang mga magulang, nahihikayat sila magbasa din.

    VP LENI: Actually, ma’am, hindi ako kasing husay mo, pero matiyaga din ako, matiyaga ako magkuwento sa mga bata, lalo na bago matulog, at napansin ko, doon lahat sila interesado magbasa. Iyon ang sinasabi ko, Ka Ely, noong mga nakaraang linggo, may mga batang mahilig magbasa, mahuhusay din sumulat. Hindi ka huhusay sumulat kung hindi ka mahilig magbasa.

    MELODY: At saka iyong magiging matalas din sa pagsasalita. Natuturuan din.

    VP LENI: Oo.

    MELODY: Tapos gusto ko lang din i-share ma’am, na napaka… Na-share ko din sa isang matalik na kaibigan kanina lang, ay iyong ginawa namin for Tacloban. Right after…

    VP LENI: Yolanda.

    MELODY: Right after Yolanda. Kasi it was November, iyong pagsalpok sa Yolanda. December… Christmas Day, we were there.

    VP LENI: So doon kayo nag-Christmas?

    MELODY: Doon kami nag-pasko ng pamilya, saka iyong mga artists at musicians, we sort of did a crowdsourcing, tapos we organized this together with some artists, friends and some musicians and some singers, and when we reached there, actually we didn’t know anything kung anong pong gagawin namin. Basta gamit namin mga angkin sa sining, sa pagkukuwento, sa pagkakanta, at sa pagtutugtog ng mga musika, ginawa namin ito sa mga tao. Kami, actually si Kuya Bodjie Pascua, si Kuya Bodjie, nakasama ko siya, nagkuwento kami sa mga bata, doon mismo sa…

    VP LENI: Ito si Kuya Bodjie iyong sa Batibot, ‘di ba?

    MELODY: Oo. Nagkuwento kami sa mga bata doon. Mismo napaganuhan ng mga… iyong sa sakuna…

    VP LENI: So kahit papaano, napasaya niyo iyong pasko nila.

    MELODY: Oo. Tapos, kami nag-ano rin kami, natuwa kami, kasi, masarap… masarap namnamin iyong hindi ka tumatanggap lang kundi nagbigay ka rin, at saka nakiisa ka, hindi lang iyong pasko mo ang importante. Pasko rin nila.

    VP LENI: Pero ito, ang gandang advocacy, unang una, hindi marami ang gumagawa nito. Parang, parang sinasabi ko nga, parang iyong reading, lost art. Lalo na ngayon age ng internet, ‘di ba? Parang imbes na libro iyong hawak, karamihan sa mga bata iyong hawak cellphone.

    MELODY: Gadgets na.

    VP LENI: At ano na, dahil sa internet maiiksi iyong binabasa, parang iyong attention span ng mga bata maiiksi na din. Kaya ano talaga, kaya bihira iyong interesado pang magtiyaga magbasa ng libro. In fact, ito, Ka Ely, isa sa mga advocacy ng aming opisina, maglagay ng mga libraries sa mga communities, sa mga paaralan. Partner namin dito iyong AHON Foundation. Mayroong mga lugar na nilagay namin iyong library, bumalik kami ng ilang taong na pagkatapos, bagong bago pa iyong mga libro. Gustong sabihin, hindi talaga nila ginagalaw.

    MELODY: Iyon nga ho, ano. Ang ginagawa ko rin po, kaakibat doon, pumupunta din ako sa ibang probinsya, na nagte-train ako ng mga guro sa sining ng pagkukuwento. So kailangan talaga nilang sanayin din sila, kasi, ika nga, ang sinasabi ko doon sa mga ganoong klaseng mga libraries, sabi ko sa kanila, “Ang libro ay hindi nilalagay sa tokador para maging bago, nilalagay siya para basahin at laspagin ng mga bata.”

    VP LENI: Totoo.

    ELY: Gamitin at ingatan lang.

    VP LENI: Saka ito, parang ang laking susi din sana kung iyong teacher mismo parang mahilig, kasi kung mahilig iyong teacher, na-i-impart niya ito sa mga estudyante, ‘di ba. Na mag-require lang siya na itong kuwentong ito, itong librong ito, basahin, ipa-analyze niya sa mga estudyante, magiging interesado. Pero kapag wala lang, talagang parang ang hirap umpisahan ng malalaki na iyong mga bata. Mas maganda sana, maliliit pa lang, inuumpisahan na ang love for reading. Pero ito, ma’am, ngayon, parang regularly, ano iyong mga programa na isinusulong mo?

    MELODY: Sa punto ko po, ma’am. Siyempre wala naman akong foundation na kaakibat, o kaya sa isang grupo… ginagawa ko lang is that I try to partner with any of the schools, maging pampublikong, maging pribado man, para isulong ang sining ng pagkukuwento. Kasi kailangan talaga natin, nakita ko iyon, ma’am. Sa iba-ibang probinsya, kailangan talaga ng mga bata ng pagkukuwento na nakakatuwa, na nakaka-enganyo. At kung… kung masasanay.. maisasanay natin ito, at maipapasa natin ito sa mga guro, at saka sa mga magulang nila, hindi ito malayo na ang Pilipinas ay hindi makaka… magiging isang literate country.

    VP LENI: Pero eto Ka Ely, wala na naman tayong oras pero siguro, isa na lang ang itatanong ko. Mayroon ka bang ano, Melody… Mayroon ka bang mga paboritong libro na paboritong basahin sa mga bata?

    MELODY: Meron po. [laughs]

    VP LENI: Ano iyon?

    MELODY: Dala-dala ko siya. Kasi paborito ko iyong kuwentistang ito, iyong tagapagsulat nito si Canrancal.

    VP LENI: Oh, hindi ko pa iyan nababasa.

    MELODY: Ang batang isang dangkal. The tiny hero.

    VP LENI: Oh my god, ano siya?

    MELODY: Maganda siya. Tungkol po ito sa…

    VP LENI: Pilipino iyong…

    MELODY: Filipino story po. It’s written by Rene O. Villanueva. Siya po iyong Creative Director dati ng Batibot. Kaya lang namayapa na po siya.

    VP LENI: Dapat hanapin ko din iyan, ma’am. Kasi mahilig din ako magbasa sa mga bata.

    MELODY: Ang kuwento pong ito ay tungkol sa isang batang napakaliit. Isang dangkal lang siya. Tapos nagtataka siya…

    VP LENI: Parang thumb-thumb.

    MELODY: Parang thumb-thumb siya. Kaya lang iyong sa atin, isang dangkal lang siya. Kaya, Carangcal. Tapos ngayon, ang nanay niya saka tatay niya, nagtataka din bakit isang dangkal lang siya.

    VP LENI: Kasi iyong magulang niya hindi isang dangkal.

    MELODY: Normal naman din. Tapos ang nangyayari, pinapakita dito kung bakit parang, nagiging akala niya nagiging hadlang sa kanya na makagawa ng bagay na normal. Pero kahit na siya ay isang dangkal lang, nagawa niya isulong ang pag-defend sa isang lugar na hinahasik ng lagim ng isang higante. So iyon, ginagawa ko ito.

    VP LENI: Iyon ang tanong ko, iyan ba iyong babasahin mo sa Tuesday?

    MELODY: Puwede rin po. [laughs]

    VP LENI: Magkasama tayo sa Tuesday. Ayun. Saka ang ganda ng illustration, ano? Ng librong iyan?

    MELODY: Opo. Iyong mga illustrations po ay gawa ni Kora Dandan Albano.

    VP LENI: Kasi, Ka Ely, napansin ko, iyong mga bata, interesado sa mga visuals part.

    MELODY: Importante talaga.

    VP LENI: Kaya ito ma’am, ako hindi mahusay, ako hindi ako mahusay magkuwento, pero kapag nagkukuwento ako, sinusubukan ko na, na parang sa big screen, nakikita nila iyong illustrations ng libro. Parang, kasi kapag maliit, lalo na kapag malaki yung crowd, parang ang hirap… ang hirap ma-contain ng estudyante. Pero ano, sana, Ma’am, maging partner na namin kayo permanente ng aming opisina para naiimbitahan namin kayo sa aming advocacy sa paglalagay ng library, sa pagsusulong ng pagbabasa. Ito, Ka Ely, 10:07 na. Lampas na tayo ng 7 minutes, pero maraming, maraming salamat, Melody, sa pagpaunlak sa amin kahit Linggo. Magkikita ulit tayo sa Martes. Magkikita kami, Ka Ely, sa Martes. Ito, talagang nakikilahok ang opisina sa National Reading Month. Kasi tingin natin napakalaking benepisyo sana nito sa ating mga estudyante.

    MELODY: Saka sana po ihikayat ko lang na sana ang bawat isa ay talagang magbasa para sa mga anak nila. Kahit na kakaunti na panahon lang. Pero sanayin nila na magiging consistent ito everyday.

    VP LENI: At kasi bonding time din ito ng magulang.

    MELODY: Kasi sure po kapag ginawa natin ito, Ma’am, saka Sir Ely, hindi po malayo na marating natin iyong… to eradicate illiteracy.

    VP LENI: Totoo. Okay, Ka Ely?

    ELY: Salamat po, ma’am Mary Melody Remorca. Good morning po sa inyo. Okay, so wala na po tayong oras, ma’am.

    VP LENI: Ang haba pa sana, Ka Ely, noong ating mga mensahe, pero unahin na lang sana natin ito next week para talaga mabasa natin. Pero napakarami ng kasama natin ngayong umaga, kaya sa inyo pong lahat, ayan hindi na po namin mapapangalanan isa-isa, pero maraming, maraming salamat po sa pagsama sa amin sa isa na namang linggo, dito po sa BISErbisyong LENI.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Nov 18, 2017