This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 240

    BISErbisyong LENI Episode 240

    ELY SALUDAR: Magandang umaga, Pilipinas — Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong Leni sa RMN. At siyempre, ngayon po ay araw ng Linggo, December 12, 2021 at mula po dito sa RMN DZXL Manila tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHQ Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng inabot ng ating broadcast nationwide, netwide, magandang umaga, ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. At siyempre, mga kasama ay tuloy-tuloy lang ho tayo sa ating pagtalakay at pagtingin ho at siyempre pagbigay ng impormasyon lalo na po ang mga naging aktibidad ng ating Bise Presidente Leni Robredo. At tulad po ng dati ay abalang abala po ang ating Bise Presidente at magkakaroon din po tayo ng paghimay sa kanyang mga naging aktibidad noong nakaraang linggo at magkakaroon din po tayo ng panauhin dito po sa ating senatorial guest at yung sa Istorya ng Pag-asa, yan po mga kasama. At maya-maya makakasama natin ang spokesperson ni Senator Leila de Lima. So maganda ho para makabalita tayo sa kanya at kung ano ba yung mga plataporma at yung mga nais pa isulong ni Senator Leila de Lima sa kanyang pagnanais na makakuha pa ulit ng ikalawang termino diyan po sa Senado.

    Okay, oras na po natin sa buong kapuluan, 9:13 in the morning. Samantala mga kasama, ito ho ilan po sa mga naging aktibidad ni VP Leni sa nagdaang linggo mga kababayan. At siyempre tuloy tuloy pa rin ho ang COVID response operations ng Office of the Vice President. Alam niyo ho tuloy-tuloy at kahit na nalalapit na po di ba ang 2022 elections ay simula’t simula pa naman si VP Leni ay nagpapatuloy na namamahagi ng iba’t ibang mga tulong para po sa ating mga kababayan kahit na kakarampot yung badyet ho ng OVP. Pero siyempre, sa tulong ho ng mga partners ng OVP at mula po sa pribadong sektor ay naitatawid at patuloy na naibibigay po yung mga karampatang ayuda para po sa ating mga kababayan.

    At ito ho yung report ho as of September 30, 2021 ay umaabot na po sa 581,700 — o mula po sa 666,480 or 87.27 [percent] ang delivery sa— ito ho yung sa mga PPEs mga kababayan at napakarami ho ang mga tulong at iba pa mga medical supplies sa iba’t ibang mga institusyon, mga kababayan. So, tuloy-tuloy lang ho yan na kung saan ay bagama’t maganda, bumubuti na po ngayon ang sitwasyon dito sa ating bansa, sana nga po ay magtuloy-tuloy na ho ito.

    At isa po sa mga pinakatampok sa nakaraang linggo ay yung pagbisita ni VP Leni diyan po sa may Baguio City mga kababayan at kung saan ay dumalo ho siya dito po sa flag raising ceremony at nakipagpulong kay Baguio City Mayor Benjie Magalong mga kababayan at may mga pahayag itong si Mayor Magalong na matagal na rin ho silang magkakilala ni VP Leni at binabanggit niya po na parang magkatugma yung kanilang mga layunin at adbokasiya sa paglilingkod sa bayan. So maganda po itong pangitain at so hindi man opisyal ay mukhang eh yung suporta kasi parehas sila ng adbokasiya, mga kasama. Eh alangan naman maghiwalay pa ng landas yan. At nagtungo din si VP Leni diyan po sa Robredo People’s Council na ginanap sa University of [the] Cordilleras sa Governor Pack Road, Baguio City. Nagkaroon din po ng press conference, 'yung pakikipag-pulong kay Representative Marquez "Mark" Go. At ito ho yung pagbisita sa Good Shepherd Convent. Nako ito, pag mga pumupunta ho sa Baguio, madalas ho itong puntahan din natin mga kababayan, di ba? Eh alam niyo na, yung ube [laughter] di ba? Napakasarap po. At pinangunahan din ni VP Leni yung Leni's Headquarters diyan po sa Villa Mia, Dominican Hill, Baguio City. At yung palugaw fundraiser event. At kinabukasan ay nag-courtesy visit po kay Bishop Victor Barnuevo Bendico si VP Leni.

    At yun ho ano, at napakarami ho ng mga, kanyang mga ginawa diyan sa Baguio. At isa rin po sa pinakatampok ay yung pag-bisita sa Philippine Military Academy. Napanood ko ano, talagang - siguro mapapanood niyo rin po, mga kasama, sa mga... sa Youtube ho, at iba pang social media na ang nag-post mismo ay yung Philippine Military Academy. Oho, binigyan ho siya doon ng arrival honors at pagpupugay ng PMA, ho. Marami ho, may mga seremonyas. Pag napanood niyo, di ba? Talagang ano, puwedeng- puwede na maging Presidente [laughter] oo, mga kababayan.

    So marami po ano, na mga, mga ginawa, ano, ang Bise Presidente sa nagdaang linggo. Tapos mula po sa, sa ano, ano, sa Baguio, na malamig-lamig daw ho ngayon, di ba? Eh nagtungo naman sila diyan po sa Tarlac ano? Napakainit po mga kasama. Pero talagang wala po iyan ano? Bale wala po iyan sa, kay VP Leni at iyon ho. Pinuntahan niya, ayun nagkaroon po siya ng "Meet and Greet with Hermanas Mayor" at miyembro po ng clergy. Ayun ho, at iyong Piyesta de la Inmaculada Concepcion diyan po sa Tarlac. Kaya nga pista opisyal ho iyan, di ba?

    Tapos ay noong Biyernes, ay nagkaroon po ng press conference on Hanapbuhay Para sa Lahat Plan. Oho, diyan po sa Tanggapan po ng OVP. At siyempre ay kanyang hinimay, oho, binanggit ho, lahat po ng iba't ibang mga plano, mga kababayan.

    So ilan lang ho iyan, ano, sa mga naging aktibidad, aktibidad ni VP Leni sa nagdaang linggo. At maya-maya, mga kababayan, ay makakausap po natin ang spokesperson ni Senator Leila de Lima. Dito po sa BISErbisyong Leni ay binibigyan po ng pagkakataon ni VP Leni na makilala at magbigay ho ng mga pahayag iyong mga kandidatong senador na nakasama po sa kanyang ticket, di ba? At ang unang-unang nakasama ho natin dito, si Attorney Alex Lacson. Di ba? Gayun din po si Attorney Sonny Matula. Tapos sinundan ho, pangatlo niyan, si Senator Antonio Trillanes IV. At ngayon naman ay makakasama ho natin ang tagapagsalita - kasi alam niyo naman ho, dahil sa hindi po makakarating si Senator de Lima ay nasa Custodial Center diyan po sa Philippine National Police sa Camp Crame. Oho. Okay, sandali lang ho, mga kasama, at papaalala lang tayo sandali ah.

    ELY: Ok oras na po natin, mga kasama, alas nuwebe beinte y uno na po ng umaga. At uulitin ko lang ho, mga kababayan, mula pa rin dito sa DZXL Manila, ay tayo po'y napapakinggan diyan po sa DYHP Cebu, DXCC Cagayan de Oro ho. Maayong buntang ho ah. Gayun din po sa DXDC Davao. At siyempre, sa DWNX Naga. Oo, at good morning po sa inyong lahat, mga kababayan.

    At sa pagkakataong ito ay narito na po sa, kasama natin sa ating studio, mga kababayan, si Atty. Dino De Leon ang opisyal po na tagapagsalita ni Sen. Leila de Lima. Attorney, magandang umaga po sa inyo.

    ATTY. DINO DE LEON: Magandang umaga Ka Ely.

    ELY: Sandali po ho? Okay, iyan. Sige po.

    ATTY. DINO DE LEON: Good morning Ka Ely at saka sa lahat ng ating tagapakinig.

    ELY: Ok so welcome po dito po sa BISErbisyong Leni sa RMN. At napapakinggan po tayo nationwide, netwide. Unang una po sa lahat ay ano po sa lahat ay ang - siguro pangbungad po ano, sa ating mga listeners at sa ating mga kababayan, at kayo'y bilang kinatawan ngayon ano, sa palatuntunan ni VP Leni, ni Sen. Leila de Lima.

    ATTY. DINO DE LEON: Siyempre nais sana satin na tayo'y makasama ni Sen. Leila de Lima sa mga oras na ito. Pero alam naman natin na siya ay pinakulong, ginawan ng kaso dahil gusto siyang patahimikin nung nag-extract siya ng accountability sa gobyernong ito ano. Sinubukan niya magsalita laban sa mga kalawakang patayan, kung maaalala natin, ano, noong, noong nilaunch palang yung violent War on Drugs. Para kasi kay Sen. Leila de Lima, hindi sagot ang patayan para pigilan ang droga. Gustong-gusto man natin pigilan ang droga, hindi sagot na patayin na lang, lalong lalo na yung mga maralita, yung mga nasa laylayan.

    So si Sen. Leila de Lima ay pinatahimik. So ngayon kaming mga volunteers, kasama na ako bilang spokesperson, Ka Ely, na kailangan mag-appear at magkampanya para kay Sen. Leila de Lima. Alam mo, sabi nga natin ngayon, pagka gabi, medyo malamig na kasi magpa-Pasko na ano. Oo, pero panlimang Pasko na actually ni Sen. Leila de Lima sa kulungan. Nag-iisa siya diyan sa kulungan, at doon sa kulungan niya walang aircon, walang TV, walang internet, ano. At limang taon na, at ang tanging kasalanan niya ay pinaglaban niya tayo.

    ELY: Kaya nga makikita ho siguro, mapapansin ho nating mga kababayan, na kapag naglalabas po ng statement si Sen. de Lima, sulat kamay eh. [laughter] Di ba, nakikita ko yung kanyang mga press statement. Oo. So sandali lang ho ah, mga kababayan, si Atty. Dino de Leon ay, bilang spokesperson ni Sen. de Lima, ay siya rin po ay miyembro ng Free Legal Assistance Group o FLAG. At siyempre isa ring nationwide human rights lawyer organiza - ay ito'y isang ano, nationwide human rights lawers' organization na kung saan talaga namang tumutulong para po sa ating mga kababayan na mabigyan po ng proteksyon at promosyon yung mga karapatang pantao at gayun din yung civil liberties. So Attorney, so sa ngayon, kailan ho kayo huling nag-usap ni Sen. de Lima?

    ATTY. DINO DE LEON: Ako kasi, bilang abogado niya rin ako eh, bukod sa tagapagsalita, ako'y isa sa, sa mga abogado niya, so sumasama ako sa mga hearing at inaassist ko siya. Ang maganda dito kay Sen. Leila de Lima, kahit na nakakulong, hindi siya tumitigil sa pagtatrabaho, pakikipaglaban. In fact ang, kami noon nahihirapan kami kasi siyempre limang taon na nakakulong yung principal mo, yung kliyente mo. Pero ni minsan hindi yan nakiusap, Ka Ely. Hindi niya sinabi na "Huy tama na, hindi ko na kaya. Makiusap na kayo sa administrasyon, bibigay na ako." Hindi eh. Her spirit remains intact and she will continue discharging her mandate especially with respect to human rights, rule of law, and extracting accountability from this administration.

    ELY: Ayun. So ngayon, at kasi sinusubaybayan ko rin, Attorney, ano, yung kanyang kaso, parang lahat ng mga testigo parang balewala naman at kabaliktaran na yung mga naunang pahayag eh.

    ATTY. DINO DE LEON: Uh huh.

    ELY: So para bigyan lang po natin ng update, ano Attorney, sa kaso mismo na nasa korte, sa hukuman na ngayon ano, sige. Ano po ang update? Kasi sa may - ako nababasa ko lang naman sa mga pahayagan na may mga ganitong kaso, dati eto yung sinasabi, biglang nagbabago. Mayroon, mayroon, may namatay na rin nga eh. So ano ba ang update sa kaso, Attorney?

    ATTY. DINO DE LEON: Ka Ely, may mga namatay na, no, na mga witnesses [laughter]. Alam mo naman, para bigyan ng konteksto, sinabi mismo ni Pangulong Duterte na sisirain niya sa publiko si Sen. Leila de Lima dahilan sa noong simula pa lamang, si Sen. Leila de Lima, hindi lang nagsimula sa War on Drugs ang pagkukuwestiyon niya sa patayan sa lipunan, ano. If you would recall, Ka Ely, Sen. Leila de Lima used to be the chairperson of the Commission on Human Rights, at siya ang kauna-unahang nag imbestiga ng malawakang patayan sa Davao through the Davao Death Squad, ano. Hindi iyan nakalimutan ni Pangulong Duterte kasi sinummon siya ni Sen. Leila de Lima noong hearings na kinonduct doon sa Davao. Eh alam mo naman sa Davao para yang hari, ano. Hindi puwedeng kinukuwestiyon yan doon sa Davao ano. Pero si Sen. Leila de Lima at sa - ang Commission on Human Rights nagtungo doon at nag-investigate, ano.

    So after noon, ganoon din ang ginawa niya doon sa malawakang patayan noong, dito sa violent War on Drugs na 30,000 ang pinatay ah, dito sa violent War on Drugs. Around, this is based on the data of the Philippine National Police. Ito yung tinatawag nilang Death Under Investigation, ano. So after noon, kinasuhan siya, gawa-gawang kaso. Usually, tatlong bagay lang ang lagi naming sinasabi dito, Ka Ely, ‘no. Una ‘yung drugs supposedly ‘to, three drug cases. ‘Yung isa dyan na-dismiss na ‘no, na-dismiss na. Sinabi mismo ng korte wala pang–walang ebidensya na sufficient. ‘Yung pangalawa, so ginrant ‘yung demurrer to evidence namin dyan. ‘Yung pangalawa’t pangatlo, right now ongoing pero matagal na kaming hindi naghi-hearing dahil sa pandemya, mahigit limang huwes na rin ang nag-inhibit, ‘no, sa mga kasong ito. Siyempre lahat natatakot rin siguro ‘yung mga huwes, nahihirapan, naiipit, dahil hindi naman ito madaling kaso. It’s–it’s even dubbed as the trial of the century. And according to Senior Associate Justice Carpio, ito nga ‘yung tinatawag niyang grossest injustice ever perpetuated before the Filipino people, ‘no, in recent memory.

    So ano nga ba ‘yung–ano nga ba ‘yung tatlong bagay na sinasabi ko kanina na mag-chacharacterize sa mga kasong ito? Supposedly, they are drug cases, pero paano naging drug case kung number one, alam mo ba Ka Ely, walang droga. Walang drogang pinakita, eh drug case supposedly ito, paanong magka-qualify na drug case ‘yan kung nawawala ‘yung corpus delicti, ‘no? So ang sinasabi lang nung mga, ano, nung mga incredible witness, ito ‘yung pangalawa ‘no, witnesses na nandyaan ay puro incredible. Ito ay mga formerly, mga convicted criminals who are convicted of crimes involving moral turpitude. At hindi rin nagmamatch ‘yung mga kwento nila, parang mga kuwentong kutsero nga eh, ‘yung sinasabi. At ‘yung mga credible witnesses naman ng prosecution katulad nila General Magalong sa Baguio, nag testify ‘yan ‘no for the prosecution supposedly. ‘Yung AMLC na witness, ng AMLC, Anti-Money Laundering Council, ‘yung witness ng Philippine Drug Enforcement Agency. Lahat sila, ‘yung mga career officials na ‘to, nagsabi na walang ebidensya linking Senator Leila de Lima to any impropriety, hindi lang sa droga ha, to any impropriety.

    Sinabi mismo ni General Magalong na wala nung siya ay CIDG chief, wala ni isang report laban kay Senator Leila de Lima sa droga, at wala din ni isang report for impropriety kay Senator Leila de Lima. ‘Yun ‘yung pangalawa. Pangatlo, bukod sa walang droga, incredible ‘yung mga witness, laway lang puhunan, ‘yung mga credible witness sinabing walang link si Senator Leila de Lima, ‘no, wala ring pera, walang money trail. So kung ito ay illegal drug trading, eh kailangan ipakita mong nag-trade ng drugs. Asan ang pera? Asan ang bentahang nangyari, ‘no?

    So in essence, we believe, as in her defense team na wala talagang basehan kung, kung regular ito na proceedings, dapat hindi na ito naka-lagpas pa sa Department of Justice. Kaso kitang-kita natin na ang entire machinery of the state ginagamit para labanan si–para patahimikin si Senator Leila de Lima kasi alam nila na kung may isang Senator Leila de Lima na nasa labas eh pipigilan niya hanggang kaya niya ang malawakang patayan, ang inhustisya, at ang pang-aabuso ng gobyernong ito.

    ELY: So dito, iilan na lang ang kasong naiwan? Di ba may na-dismiss na at wala na. Dalawa na lang.

    ATTY. DINO DE LEON: Dalawa na lang, oo, Ka Ely. Pero hindi ‘yan naghi-hearing sa ngayon dahilan na rin sa COVID kaya napakabagal din. Nakakalungkot ‘no, habang ano, habang may abusado sa gobyerno ay naging successful sila na ikulong si Senator Leila de Lima, pero hindi sila naging successful na i-break ang kanyang spirit at siya’y patahimikin, ‘no. So lagi siyang naglalabas ng mga dispatches para sa ating bayan.

    ELY: ‘Yung unang–’yung na-dismiss, sa ano ‘yun, ‘no, kay Judge Liezel?

    ATTY. DINO DE LEON: ‘Yung isang kay Judge Liezel Aquiatan, pero kahit si Judge Liezel Aquiatan nag-inhibit na rin. So bago na namang huwes ‘yan dun sa Criminal Case 165.

    ELY: So ‘yun ‘yung nagpapadelay, kasi kapag nag-inhibit ‘yung isa, ira-raffle tapos kung pag-aaralan na naman ng isang hukom. Kasi ganon talaga eh ‘no, na-delay na nang na-delay.

    ATTY. DINO DE LEON: Bukod pa dun sa mga nag-iinhibit, may COVID, marami ring mga sayaw sayaw ‘yung kung ano-anong mga fina-file, mga ganyan. Siyempre naging successful sila na ipakulong si Senator Leila de Lima kahit wala namang probable cause. Kasi pag sinabi mong probable cause dapat kahit papaano pag kapani-paniwala ‘yung ebidensya eh. We’re, we’re a country that should be ruled by laws ‘no, through laws. At makikita naman natin dapat batay yan sa ebidensya, eh ‘yung ebidensyang nakalap nila incredible right from the very start. Again, ito ay testimonya ng mga convicted inmates inside the Bilibid na nasa custody ng gobyerno at bago sila nag-testify, kung maalala mo, Ka Ely, pinagsasaksak na ‘yung marami sa kanila? Tapos pagkatapos masaksak nila Peter Co, for example, dinala sa Kongreso at sinabi magtestify ka laban kay Leila de Lima? Siyempre takot sila under duress ‘yung testimony nila. At saka kahit hindi ‘yan under duress, ang tanong, bakit ang daming naniniwala basta basta laban sa isang–isang tao na kilala sa kanyang integridad at wala nang iba pang–iba pang witnesses maliban dito sa mga ito.

    ELY: So dito ‘yung pagkakabasura ‘no, isa sa tatlong kaso. So dalawa na lang natira. So ito, marami kasing tumitingin dito parang magpapahina lalo ito sa dalawa pang natitirang kaso. Kaya lang ‘yun nga problema talagang pag bago na naman ang judge eh, tapos ang daming mga iba’t-ibang mga petition, talagang natatagalan parang dini-dribble lang muna.

    ATTY. DINO DE LEON: Alam mo, Ka Ely, in due course sabi, lagi naming sinasabi: The arc of the moral universe may be long, but it bends towards justice. Kung inimbento mo ‘yung mga ebidensya mo, it will not hold water, eventually justice will prevail. Kaya nga dinedelay ang proceedings, or bumabagal sa–ewan namin kung sadyang bumabagal ba o sadyang dinedelay–basta ang malinaw ay delayed ang proceedings at nasa interes ito ng mga kampo na gustong patahimikin si Senator Leila de Lima. Kasi successful na silang ipinakulong kahit na gawa gawa naman ‘yung mga kaso.

    ELY: Opo, okay. So ‘yun po ‘no ang update. So, kailan po ‘yung susunod na hearing? Kasi maraming nagtatanong at limang taon na kasi. Ibig sabihin kung talagang merong sapat at matibay na ebidensya, matagal nang nahatulan ito.

    ATTY. DINO DE LEON: Nalulungkot nga kami dyan kasi wala pang naka-set na hearing hanggang ngayon, ‘no, simula nung nag-open ‘yung courts. Gusto ko lang palang sabihin, Ka Ely, para lang malinaw din na ‘yung United Nations Working Group on Arbitrary Detention, pumunta ‘yan sa Pilipinas ‘no at inimbestigahan ang kaso ni Senator Leila de Lima at sinabi mismo ng Working Group on Arbitrary Detention ng United Nations ha, na hindi dapat nagkaroon ng trial, arbitrary ang detention ni Senator Leila de Lima, she was persecuted precisely because of her, because she was fulfilling her mandate and she was, because of the exercise of her beliefs. At sinabi rin don ha na ‘yung pagkababae niya ay tinira at niyurak para lang siya ay patahimikin. So United Nations na rin ‘to ‘no. Kung gusto nating mabasa ‘yung opinyon na ‘yan, makikita ‘yan online. Hanapin lang natin ‘yung kaso ni Senator Leila de Lima at ang opinyon ng United Nations Working Group on Arbitrary Detention.

    So nalulungkot kami, Ka Ely, na kahit na napakalinaw na inosente si Senator Leila de Lima, walang hearing ngayon at siya ay nakakulong, hindi tuloy makapagkampanya. Imagine-in mo na lang, Ka Ely, kung andun siya sa floor ng Senado. Tandaan natin ha, Secretary of Justice ‘yan, Commission on Human Right chairperson, isa sa mga pinakamagagaling na abogado. Bar topnotcher ‘yan. Ang ganda sana ng participation niya sa plenary, pero kinailangan siyang patahimikin.

    ELY: Okay, so maraming–may mga ano rin ‘no mga text or ano sa FB, ‘yung si JB Sebastian kung patay na ba talaga o pinalaya.

    ATTY. DINO DE LEON: Ay gusto kong sabihin pala ‘to, kasi nandun ako mismo sa hearing ha, sa hearing. Sinabi ng isang witness ha, witness ito na head ito ng Sigue Sigue Sputnik, ginamit nilang witness against Senator Leila de Lima na umamin sa korte na “Nagda-drug trading ako ha.”. Tapos sinabi niya umamin siya sa korte nagda-drug trading ako, ibibigay ko ‘yung pera kay Senator Leila de Lima. Nung kinasuhan namin na nagda-drug trading, kasi nagda-drug trading ka, inamin mo sa korte. Ayaw kasuhan ng Department of Justice.

    ELY: Bakit ganon?

    ATTY. DINO DE LEON: Ay hindi natin alam kung anong deal ang meron sila ‘no. Pero nakakatawa dyan, ayaw, dinismiss ‘yung complaint namin eh umamin na siya sa ano–sa witness stand. Ito nakakatawa dyan, Ka Ely, sinabi niya, anong nangyari kay–dyan sa kay Sebastian? Alam mo sinabi niya? “Eh ayun daw po pinatay na raw po, kinovid-COVID.”. Nanggaling ‘yan sa witness mismo. Official transcript ‘yan ng korte. Nagtawanan nga ‘yung mga nasa loob ng korte eh. Pinatay na raw, kinovid- COVID, unti-unting nawawala ‘yung mga witnesses ‘no. At nagsabi na rin si Senator Leila de Lima na concerned tayo dyan kasi pagkatapos nila mag-testify, sinasabi parang tinatali ‘yung loose ends kasi baka magretract pa eh.

    ELY: Pero dito, Attorney, kasi ‘di kung ganon, unti-unting nawawala ‘yung witness kasi kung ‘yung anong nauna nilang mga pahayag ‘yun na lang ang tatakbo sa korte at kasi baka ‘di ba may mga cross-examination kung ano ano man, baka biglang bawiin eh.

    ATTY. DINO DE LEON: Eh well tapos na rin silang ma-cross examine pero baka biglang bawiin afterwards. Para di na mabawi siguro, ‘yun yung sinasabi ng mga tao ‘no. Medyo nangangamba kami dahil sa parang merong pattern na nawawala unti-unti ‘yung mga witnesses na tapos na para hindi na ma-track. So ang sinasabi dyan, tina-tie ba ‘yung loose ends, so to speak, ‘yun ‘yung nakakapangamba ‘no. Kailangan rin tutukan ng sambayanang Pilipino.

    ELY: Okay, so oras na po natin 9:35 na po ng umaga at siguro kumustahin natin si Senator de Lima. Dahil sa bagamat siya po ay nakakulong parang ‘yung buong termino niya bilang Senador ay nandun sa kulungan, eh papano ho siya nakaka-pagtrabaho bilang mambabatas at paano niya ito nagagawa, Attorney?

    ATTY. DINO DINO DE LEON: So meron kami, ‘yung mga staff namin sa opisina ‘no, sila ‘yung mga pinapadalhan ni Senator Leila de Lima ng instructions. Napakasipag ni Senator Leila de Lima na nagrerelay siya ng dispatches. Alam mo ba, Ka Ely, na nasa loob siya ng kulungan mahigit limang daang bills, resolutions, ang na-file at inauthor niya ‘no. Limang daan ha. Mahigit limang daan, kasama dito ang Magna Carta for the Poor, ‘no, o yung karapatang pantao ng mga pinakamahihirap at nasa laylayan. Kasama na rin dito ‘yung 4Ps Act o ‘yung Pantawid Pamilya Program. Siya ang sinasabing “Ina ng 4Ps”. Ibig sabihin ‘yung mga natatanggap na ayuda, nanggaling yan sa legislation na inauthorize ni Senator Leila de Lima. Kasama rin dito ‘yung Senior Citizen Commission Act, ibig sabihin ‘yung para sa mga senior citizens natin, si Senator Leila de Lima rin ‘yung nag-isip no. Ano ibig sabihin, kung mapapansin mo ‘yung mga laws ni Senator Leila de Lima, laging ito ‘yung mga nasa pinakalaylayan kasi hindi lang hustisya ang para sa kanya kundi, social justice. Ibig sabihin ‘yung mga nasa laylayan, mas marami dapat nakukuha sa batas. So mahigit five hundred bills and resolutions. Ka Ely, alam mo dapat ang joke na nakukuha ko lagi eh, ha? Five hundred bills and resolutions nakakulong pa? Dapat ipakulong na lahat ng senador para maraming magawa (laughter).

    ELY: Hindi, marami ngang–may mga senador diyan na ikot lang ng ikot eh. Pero hindi nagagawa ‘yung bilang isang mambabatas kasi pag senador ka, ang tungkulin mo, responsibilidad mo, maghain ka ng mga panukalang batas at maisulong para maging batas. Hindi ‘yung laging nasa tabi ka ng Pangulo (laughter).

    ATTY. DINO DE LEON: Ah oo, ‘yung lagi kang nasa tabi ng Pangulo o kasi kung gusto mo nasa tabi ka ng Pangulo ay hindi ata senador ‘yung eh kasi co-equal, independent branch yan noj. Hindi ka ‘yung masyadong nagmi-mingle na parang ikaw na yung nagdedesisyon. In fact parang nga, diba sa lahat ng mga press conferences, nandoon, eh parang mali yata yun kasi hindi naman yun ‘yung role, meron tayong mga role dito sa mundong ito. At definitely kung kinuha mo ang mandato ng tao na maging senador ay hindi dapat ikaw ang nagpapatakbo ng gobyerno.

    ELY: Opo, so kung saka-sakali no, kasi muling sasabak sa eleksyon si Senator de Lima, paano ‘yung kanyang kampanya? Papaano, kasi halimbawa nasa kulungan siya no, so papaano kasi alam mo naman talagang kinakailangan magkampanya ka rin kahit papaano eh.

    ATTY. DINO DE LEON: Hindi ito ‘yung first time no na may nakakulong na nangangampanya. Si Senator Trillanes nakakulong siya noong nangangampanya so posible ito no, posible, pero having that said, we have to recognize na mahirap dito sa kampo rin namin no. Kanina sinabi mo ‘yung mga schedule ni VP Leni, imbis na si Senator Leila de Lima ang kasama ni VP Leni nagpuntang Baguio, ako po bilang tagapagsalita nag-ribbon-cutting doon, nandoon ako sa Robredo People’s Council, nagsasalita for and behalf of Senator Leila de Lima eh hindi naman ako ang kandidato ano, ako po’y tagapagsalita pero para sa akin napakaimportante na gawin ko ito kasi alam mo Ka Ely ang istorya nito nung medyo bata-bata pa kong abogado, well bata pa rin naman akong abogado, noong 2018, I quit my job to volunteer for Senator Leila de Lima kasi sabi ko, hindi pwede ‘yung ganitong klase ng injustice. So ang tanong, paano ‘yung kampanya niya? We have no other recourse but to rely on volunteers, on volunteers, well-meaning people who would want to see change in our country. Hindi na pwede ‘yung status quo eh, ‘yung kasalukuyan na parang ang daming abuses, garapalan ‘yung pagnanakaw, garapalan ‘yung incompetence. So, the campaign will heavily rely on volunteers. Meron kaming mga community kitchens, community pantries kasi para kay Senator Leila de Lima hindi lang dapat kampanya of politics bagkus dapat ‘yung pangangampanya ay nakakatulong rin sa ating pandemic recovery. So we are campaigning very hard, pataas at pataas naman sa survey, kahit na niyurak nila si Senator de Lima, sinubukang patahimikin eh tumataas na everyday ‘yung aming chances na makabalik sa Senado. At sa tulong siguro ng sambayanang Pilipino, sana hindi lang nila iboto, sana ikampanya nila. Kasi sabi nga ni VP Leni, ang nagmamahal, ipinaglalaban ang minamahal, eh walang duda sa pagmamahal ni Senator Leila de Lima sa ating bansa kasi nga naman kitang-kita na pinaglaban niya ito since Day 1. Siya lang ang pinakulong. Siya lang ang Senador ha Ka Ely na nakakulong sa buong mundo, sa buong mundo hindi lang sa buong Pilipinas. Sana tayo naman ang makipaglaban para kay Senator Leila de Lima.

    ELY: Opo, okay, at kung saka-sakaling mabalik sa Senado at siguro eh sana kung magpapalit ng administrasyon, at kasi lumilitaw sa mga, bagama’t ito’y prosesong legal, pero base sa mga takbo ng kaso eh mukhang talagang doon na papunta eh, maaaring ma-release bagamat siyempre ngayon eh ‘yung kasalukuyang administrasyon eh ayon po sa mga paniniwala eh talagang ginipit si Senator. So ano ho ‘yung mga pwede pa nating maasahan ng ating mga kababayan kay Senator de Lima kung makakuha ulit ng isa pang termino sa Senado?

    ATTY. DINO DE LEON: Lagi kong sinasabi no of course kung gusto natin ng isang masipag na Senator, si Senator Leila de Lima isa sa masipag, sabi ko nga five hundred bills and resolutions. Pangalawa, kung gusto natin ng isang magaling na Senator, bar topnotcher with proven track record, occupied very senior and sensitive positions in government, so kung gusto natin ng mahusay, si Senator Leila de Lima ‘yun. Pero pangatlo, isa sa mga lagi kong sinasabi at laging sinasabi namin sa kampo namin para kay Senator Leila de Lima, marami kasi diyang magaling, Ka Ely. Marami diyan masipag. Pero what was missing in the last five and a half years noong tinitingnan ko kung anong problema sa bansa natin no? I think ‘yung pinaka problema ay yung mga taong, ‘yung lack of moral courage, ‘yung lack of moral courage na kumbaga ipaglalaban ka whatever it takes kasi yun ‘yung tama. Hindi mananahimik ‘no. Ang daming mga pulitiko na alam naman nilang mali pero nanahimik kasi natakot para sa sarili nilang interes at they didn’t possess moral courage. So ang pwede nating i-expect kay Senator Leila de Lima, na ipagpapatuloy niya ang kanyang kasipagan, ‘yung kanyang kagalingan at ‘yung moral courage na ipaglalaban ang bawat isa sa atin.

    Marami ring mga programa si Senator Leila de Lima so meron siyang Lima Para Kay de Lima, na lagi nga niyang sinasabi. Una diyan, ‘yung food security, ay yung civil and political security, through good governance. Ano ba ibig sabihin lang niya no, naniniwala si Senator de Lima na napakaimportante na may good governance sa Pilipinas at may accountability, merong rule of law and human rights. Hindi pwedeng ginagamit ‘yung batas para sa convenience ng iba. Anong mga bagay na gusto niyang ipatupad under this program? Gusto niya na magkaroon ng proper law enforcement, tingnan natin kung ano ‘yung mga methods ng mga kapulisan natin at ng ating mga law enforcement agencies. Nakita niya rin na kailangan ng reporma sa prosecution service natin. Kailangan na protektahan ang mga human rights defenders dahil napakarami nang pinapatay na human rights defenders sa Pilipinas. Kailangan na may accountability lalo na doon sa malawakang patayan, titingnan yan ni Senator Leila de Lima pag magpapatuloy na siya sa Senado. Kailangan rin ng prison reform, kitang kita na, si Senator Leila de Lima nag-launch ng pinakamalaking drug war, ay ng pinakamalaking drug raid sa Bilibid ha. So ibig sabihin lahat ng mga bagay na nakita natin doon, dahil kay Senator Leila de Lima. So nakita niya na kailangan may prison reform, hindi pwedeng ganoon patakbuhin ang prison.

    So again, ‘yung una, civil and political security through good governance. Pangalawa kay Senator de Lima is food security. Naniniwala siya na kailangan protektahan ang ating mga magsasaka, ang mga farmers, na kailangan ‘yung mga produce nila kailangan mabili at a reasonable price. Naniniwala din siya na magpasa dapat ng batas sa Comprehensive Land Use Act at proteksyon ng ating mga fisheries at aquatic resources. Meron din kay Senator Leila de Lima ay ang health security. Kitang kita natin na ang nangyari dito sa pandemya so para sa kanya, kailangan na merong permanent position na barangay health staff through legislation kasi ngayon wala namang permanent position na barangay health staff na laging dinedeploy lang. Ito dapat permanent position na siya. Kailangan din magkaroon ng legislation to promote local manufacturing of medicines. I-encourage dapat ‘yan. Increase din ‘yung capacity natin in handling infectious diseases, kasama ‘yung mga pagpapalakas ng RITM at iba pang mga ahensiya.

    Pang-apat diyan Ka Ely ‘yung economic security. Sabi niya dapat ipagpatuloy ‘yung pag-aaral dahil ang tagal nang sarado ng mga eskwelahan, kailangan iencourage ‘yung pagbi-business sa Pilipinas. At ang pinakaimportante, ‘yung pandemya hindi pa nasosolusyunan. Ibig sabihin kailangan mag-co-exist ang business with the pandemic. Hindi yung every time na lang na may pandemic eh sinasarahan mo yung mga business.

    Huling-huli sa lahat Ka Ely, programa rin ni Senator Leila de Lima kung siya ay magpapatuloy ay ang national security. Kailangang paigtingin at palakasin ang ating sandatahang lakas, tinatawag na Minimum Credible Defense Force. Kumbaga ‘yung di naman pwedeng kulelat na lang lagi ‘yung ating Sandatahang Lakas at hindi tayo kinakatakutan. Kung saka-sakaling kakantiin nila tayo eh masasaktan rin sila. Minimum Credible Defense Force. Pero dahil hindi naman tayo ganoon kalakasan pagdating sa sandatahang lakas kumpara sa ibang bansa, kailangan rin paigtingin ‘yung ating mga alyansa sa ating mga allies all over the world. So sinabi na rin ni Senator Leila de Lima, importante at susuportahan niya ang Pangulong VP Leni ngayon, ang Pangulo na paigtingin pa ang ating mga relationships with other countries.

    So yun ‘yung lima ha, uulitin ko lang. Civil and political security through good governance, human rights, and rule of law; pangalawa, food security; pangatlo, health security; pang-apat, economic security; at panglima, national security kasama na rin dito ‘yung pakikipaglaban sa West Philippine Sea at ating soberenya.

    ELY: Ayon, okay so talagang napakarami pa ring, marami nang nagawa kahit nakakulong at marami pang gustong gawin. Importante ho ito. So ngayon talagang nag-ningning ‘yung mga kababaihan dito sa Pilipinas diba? Si Maria Ressa, mukhang nabanggit din si Senator de Lima. Napakinggan mo ba ‘yung kanyang speech?

    ATTY. DINO DE LEON: Oo, naiyak nga ako eh. Pero gusto ko lang sabihin na bago siya pumunta sa Oslo, sinubukan ni Maria Ressa bumisita kay Sen. Leila de Lima dahil as a Nobel Peace Laureate, sabi niya, isa si Sen. Leila de Lima sa nagpapakinang ng ating demokrasya na mayroon pa ring hope dito sa ating democracy. Sinubukan niyang bisitahin pagkatapos niya manalo. Hindi siya pinayagan. Hindi siya pinayagan. Nakakalungkot, Ka Ely.

    ELY: Good morning kay Mara Cepeda ‘no, nanonood sa ating Facebook live, ng Rappler. So, pero ‘yung muntik pang ano eh ‘di ba, tumutol pa diyan ‘yung OSG, kay Maria Ressa. Ang sinasabi hindi raw importante ‘yung byahe. Eh siya nga tatanggap eh [laughs] ‘Di ba?

    ATTY. DINO DE LEON: Alam mo, it’s the most prestigious award. It’s the highest form of …

    ELY: Bibihira ang makatanggap niyan.

    ATTY. DINO DE LEON: Wala pang Pilipinong nakakatanggap niyan.

    ELY: Siya pa lang.

    ATTY. DINO DE LEON: Siya pa lang. Tapos, sasabihin natin na … Dapat ‘yan sinusuportahan natin. We should be proud of her. In fact, you know, kaya siguro ayaw nila, it’s because it’s this government that enabled her to receive the Peace Prize dahil sa kanilang oppression at nilabanan, ‘no. At mayroong mga taong katulad niya na patuloy na lalaban, Ka Ely, katulad din ni Sen. Leila de Lima.

    ELY: Pero Attorney, sa ganoong, ako nakita ko sa pagtutol ng OSG, parang lalo nilang pinapatunayan eh, ‘yung pagkitil eh, ‘di ba, [laughs] sa karapatan ng mga mamamahayag, ‘di ba?

    ATTY. DINO DE LEON: Nakakatawa, ‘di ba? Oo. Kitang-kita eh. That’s the message they are showing to the international community, na talagang pipigilan namin ang mga katulad ni Maria Ressa na kukuha man lang ng recognition lang naman, ‘no. [laughs]

    ELY: Okay. So, ‘yun po ‘no. At ngayon, talagang nagningning ‘yung mga kababaihan. At si VP Leni, sino bang mag-aakala, ‘di ba, ‘yung, mula, ‘yung kaniyang termino, talagang ginipit at ‘di ba, sa dami ng kung anu-anong mga iniuumang na kaso, pero nagtuluy-tuloy pa rin ho ‘yung kaniyang pagtulong, mga programa sa ating mga kababayan, at lalong nagningning ‘yung kaniyang pagtulong, ‘yung ano, nang mangyari ‘yung pandemya, ‘yung maranasan natin ‘yung pandemya. So iba’t-iba ‘no, tuluy-tuloy ‘yung kaniyang pagtulong sa ating mga kababayan. So sa ngayon ay ‘di ba sa buong ticket ni VP Leni, marami ngang humahanga eh. Parang ‘yung dating mga, parang siguro hindi magkakatinginan ng mata sa mata eh, pero napagsama ni VP Leni. So sa pangkalahatan, ano ang, sabihin natin, paha-, ano rito, ‘yung masasabi ni Sen. de Lima?

    ATTY. DINO DE LEON: Noong una, syempre may mga nagtatanong. O, si Sen. Dick Gordon, isa ‘yan sa mga nagpatahimik sa’yo diyan sa Senado noong ano, nagpatanggal sa’yo ng ano, bilang Chairperson ng Committee on Human Rights ng ano, ng Senado. Para kay Sen. Leila de Lima, that’s water under the bridge ‘no. Nagsalita na rin si VP Leni, at si Sen. Leila de Lima can work with anyone for so long as it for national interest ‘no. Again, Sen. Leila de Lima express- expressed talaga explicitly na she can work with Sen. Gordon again, at kahit na hindi direct ‘yung sorry eh nakita niya rin na mayroon na ring mensahe si Sen. Gordon diyan na nire-recognize na si Sen. Leila de Lima was actually politically persecuted. So para kay Sen. Leila de Lima, patuloy ang laban, at maganda ‘to ‘no. Nakikita natin na kinakailangan magsama-sama. We may have issues in the past, but there are more things that should unite us.

    ELY: Yes. Okay. At maraming nagtatanong, sino ba ‘yan si Atty. Dino De Leon? Bukod sa spokesperson ni Sen. Leila de Lima, siguro banggitin ko na rin dahil sa, Attorney, ito, eh ako nasusubaybayan ko ito, ‘diba nag, ‘yung petition for mandamus, ‘yung sa paglalabas ng health records, pati din sa ano, ‘no? Yung sa SALN eh.

    ATTY. DINO DE LEON: Sa SALN. [laughs]

    ELY: Ni Pangulong Duterte. So, ano bang nangyari doon? Bakit hindi pinagbigyan?

    ATTY. DINO DE LEON: Well, ‘yung sa health records muna tayo ‘no. ‘Yung sa health records ni Sen. Duter- ah ni President Duterte, ako talaga bilang isang mamamayan, natakot ako nung nagsasalita siya ng “the kit is the kit is the kit.”. Hindi natin alam kung anong nangyayari sa gobyerno. Very unpredictable ‘yung pandemya, tapos ‘yung Commander in Chief mo, Chief Executive mo, hindi mo naiintindihan, parang high, parang lasing.

    So dahil ako’y natakot sa safety ko at safety ng sambayanang Pilipino, finile natin ‘yan na i-disclose niyo lang naman ‘yung health records niya. Sabi naman lagi, kung wala ka namang tinatago, wala kang dapat ikatakot. ‘Yun ‘yung nakakalungkot, ‘no. Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema. Ang sinabi wala raw prima facie case. Pero ano ‘yung prima facie case, ‘di ba. Dapat mayroon kang evidence na he is unwell. Eh kitang-kita sa kaniyang mga live telecast, number one. Number two, inamin niya na na mayroon siyang myasthenia gravis, serious illness ‘yan; na mayroon siyang GERD. Magse-stage one cancer na raw ‘yung esophagus problem niya. Mayroon siyang spinal issues. Sinabi na rin ng court of law sa Pasig na mayroon siyang psychological disorders, narcissistic personality disorder. Ibig sabihin, masyado siyang bilib sa sarili niya, na incapable na siya of empathizing with other people ‘no. Mayroon rin siyang antisocial personality disorder ‘no. So anong ibig sabihin niyan ‘no, ang nakalagay sa Constitution, ‘pag mayroong serious illnesses ang Pangulo, na inamin niya naman sa kanyang mga speeches, ay kailangan i-disclose niya ang kanyang health records. Pero ayaw eh. Ayaw.

    ‘Yung sa SALN naman, hindi pinagbigyan ng Ombudsman. Hiningi ko rin sa Pangulo mismo. Bumalik ako sa Malacañang Records Office, ay hindi na ko sinagot, ‘no. So ngayon, kailangan tingnan natin, tutukan natin ‘yung issue na ‘yan at we will file siguro in due course ‘yung ating petition na i-force ang Pangulo na ilabas ang kaniyang SALN. Siya lang ang Pangulong hindi naglalabas ng SALN. ‘Di ba kahiya-hiya naman, kina- tinatago ng Pangulong ito? Gusto ko lang ho ring sabihin na sa Executive Order niya mismo, ‘yung sa FOI Executive Order niya, Executive Order No. 2, pinaalalahanan niya lahat ng mga opisyal na mag-file at i-disclose ang kanilang SALN. Eh bakit, ano ba siya? Exempted ba siya sa sarili niyang Executive Order at tsaka sa batas niya? Sa batas ng bansa? We’re a country of laws, not of men, at hindi dapat exempted ang Pangulo sa batas.

    ELY: Kasi dito parang ang, nagtuturuan sila ng Ombudsman eh. Ituturo ni Pangulo sa Ombudsman, hindi, nasa Ombudsman eh. Eh ‘di hingin niyo roon. Pagdating naman sa Ombudsman, pag hihingin mo, hindi, kinakailangan pumayag ang, ‘yung mismong may SALN.

    ATTY. DINO DE LEON: Si Sen. Leila de Lima actually ang nag-instruct rin sa aming mga lawyers niya na i-ask ‘yung SALN kasi para kay Sen. Leila de Lima importante ang accountability. At siya, anytime hingin ‘yung health records niya, bibigay. Hingin ninyo ang SALN niya, ibibigay kasi wala namang tinatago eh. ‘Yung mga nagtatago lang, Ka Ely, ang ayaw ibigay ‘yung mga ‘yan.

    ELY: Tama. Kasi ako nag-cover ako sa Malacañang nang 17 years at naging presidente rin ako ng Malacañang Press Corps. So lahat ng mga Presidente na naupo ah, ako inabutan ko noon mula kay FVR eh, [laughs] hanggang kay President Noynoy, PNoy, eh ‘matik eh. Hindi na kinakailangan na hingiin pa. Inire-release nila ‘yung kanilang SALN, parang sa Senado rin ganoon eh, ‘yung mga Senador, ‘matik. Isina-submit at ibinibigay sa media. Pero dito lang, ito lang ‘yung kakaiba na Presidente.

    ATTY. DINO DE LEON: Kasi nga, Ka Ely, eh ito ah. Napakalinaw naman eh, na this government acted like they’re ano, hari. Hindi Presidente ‘yung nakuha natin eh. Hari eh. Hari-harian eh. Bakit? Ayaw i-disclose ‘yung health records. Ayaw i-disclose ‘yung kaniyang ano, kaniyang SALN. Ayaw, walang transparency. ‘Pag may desisyon siya, ‘pag may nagkwestyon, gigipitin niya, kagaya ng ginawa niya kay Sen. Leila de Lima, kay Chief Justice Sereno, sa Rappler, sa ABS-CBN, ‘no. At saka, every time na kukwestyunin siya, bawal. Ngayon nga, ‘diba noong nag-i-investigate sa Pharmally scandal, bilyon-bilyon ang sinasabing nawala, ayaw na niya papuntahin ngayon ‘yung mga opisyal niya. Bakit ganoon, no? ‘Pagka ikaw ‘ay nasa public service, hindi ka pwedeng balat sibuyas, at ready ka dapat na sagutin ang mga questions ng publiko, lalong-lalo na ang magtatanong naman sa’yo are duly elected representatives of the people, through the House of Representatives at the Senate. At hindi pwedeng patihimikin sila dahil mandato nila iyon.

    ELY: ‘Yon, opo. Pero pinakaimportante kasi ‘no, at sa mga tatakbong Pangulo, kasi ‘diba papasok ka lang ng isang pangkaraniwang ano, sa kumpanya, Attorney ‘yung requirements kailangan mag-comply ka. Lahat eh talagang pati ‘yung medical ano mo, ‘diba lahat, magtse-checkup ka. So…

    ATTY. DINO DE LEON: Background check. ‘Di ba? Tapos itong Pangulo…

    ELY: Kinakailangan, depende, may posisyon, may diploma.

    ATTY. DINO DE LEON: May diploma.

    ELY: Lahat kumpleto, oo.

    ATTY. DINO DE LEON: Nakakatawa nga diyan eh, sabi nung, sa isang staff namin rin eh – O, ikaw ba, ‘pag ninakawan ka na, tapos tinanggal mo na sa trabaho, ire-rehire mo pa ulit bilang treasurer o bilang presidente ng kumpanya? Dapat hindi ‘di ba. Hindi dapat ganoon. Tapos, o, alam mo nang laging may sakit, hindi nawawala. Tawag na nga halimaw sa banga, ‘di ba sa gabi na lang maglalabas ng press conference, sa gabi na, 12 o’clock, 11 o’clock, tapos recorded pa. Kung anu-ano pang sinasabi. Hindi mo naiintindihan. Gusto ba natin na ‘yun ang nagpapatakbo ng bansa? Dapat hindi.

    ELY: At syempre, lahat ho tayo ay nagnanais na ‘yung ating magiging Pangulo ay talagang napakalusog ng pangangatawan at kaisipan kasi napakaimportante, kasi bawat desisyon niya apektado lahat ng mga Pilipino. So siguro ay ano na lang? Ano ba ang magiging mensahe niyo? At siguro para po sa ating mga kababayan, ano bang mensahe ni Sen. Leila de Lima, lalo na sa mga botante? Kasi ngayon, talagang usung-uso, lalo na, hindi lang naman dito sa Pilipinas, maging sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Pero dito, grabe ‘no. Nagagamit ang social media sa pulitika, fake news, kung anu-ano. Si Sen. de Lima, ano rin ‘yan ah, biktima rin lagi ng fake news ‘yan.

    ATTY. DINO DE LEON: Sobrang biktima.

    ELY: So ngayong eleksyon ay alam natin na talagang pagaganahin. Talagang umaandar na ngayon eh ‘yung mga troll farms, ‘yung mga kalaban sa pulitika. So papaano ito mapipigilan, Attorney?

    ATTY. DINO DE LEON: Ito laging sinasabi sa ’min ni Sen. Leila de Lima ‘no, as of the moment, ‘yung mga gustong i-maintain ‘yung status quo, ‘yung kasalukuyan na interested sa power, ‘yung kalaban ng demokrasya, they are ruthless. They are ruthless and they will do whatever it takes to remain in power, ‘no. And they’ve already… they have the entire machinery of the state, and they have billions and billions of dollars—ill-gotten wealth—to make sure that they will succeed. So ibig sabihin niyan, hindi lang dapat tayo kumakausap sa mga, ‘yung mga botante hindi mo lang kakausapin bilang botante. Kailangan silang kausapin bilang mamamayan dahilan sa hindi lang natin kailangan ang kanilang boto. Ang kailangan natin ay ang kanilang volunteerism. We can only match the awesome powers of the state and the machinery of the state being used to make sure that they will remain in power, and their billions of dollars of ill-gotten wealth, we can only match it though our sheer volunteerism and love. That means na hindi sufficient na kausapin lang ang botante, kailangan kausapin sila bilang mamamayan. At kailangan mangampanya tayo at pigilan natin kung anong ginagawa nilang pagyurak sa ating demokrasya.

    ELY: Okay, so samantalahin natin, Attorney at napapakinggan tayo sa Visayas at Mindanao, Luzon, Visayas at Mindanao. Diyan sa DYHP Cebu, sa Cagayan De Oro, sa Davao, sa DWNX Naga. So ano ang maipapaabot na mensahe ni Sen. de Lima?

    ATTY. DINO DE LEON: Mayroon ako actually gustong basahin na…

    ELY: Sige, go ahead.

    ATTY. DINO DE LEON: Sulat-kamay ‘to ah ni Sen. de Lima.

    ELY: Sige, sige.

    ATTY. DINO DE LEON: Syempre, sabi ko nga gusto niya tayo makasama lagi ‘no. Mahirap ang kaniyang pinagdadaanan. Pumayat na nga eh. Sabi nga namin, Ma’am, ganiyan. Pero lagi talaga siyang ano eh, her spirit remains intact. Grabe talaga! She’s made of stern stuff, Ka Ely. Hindi talaga, hindi tumitigil sa pakikipaglaban ‘no. Ito ‘yung sabi niya, basahin ko lang ‘no:

    “Sa kabila nga po ng panggigipit at paninira, tuloy lang po ang ating laban. Tuloy lang po tayo sa pagtatrabaho at paglilingkod. Nilimitahan man po nila ang espasyong aking ginagalawan, pinipigilan man nila akong maggampanan nang buo ang aking mandato bilang Senador, hindi po ako nagpapapigil sa kagustuhan kong makatulong at ipaglaban kung ano ang tama at makatarungan. Pero hindi po ito magagawa ng isang tao lang o ng iilan lamang sa atin. Sa lakas po ng makinarya na ginagamit ng gobyerno para magkalat ng fake news at pang-iinsulto, o takutin tayo ng malupit at marahas nilang mga polisiya, kailangan po na mas marami tayo. Hindi po sapat na tayo-tayo lang ang nag-uusap at nagkakaintindihan. Kailangan po na hikayatin natin ang iba pang mga kamag-anak, kaibigan, at kakilala sa kung ano ang totoo at kung sino ang karapat-dapat na piliing mga lider na mamumuno sa susunod na mga taon. Gusto ko po nating lahat na sa mga susunod na Pasko at iba pa nating selebrasyon, tunay po tayong nakapagsasaya. Malaya sa panggigipit, malaya na sa pandemya, at higit sa lahat, nakatatamasa na ng buhay na may dignidad at mas maginhawa. Umaasa din po ako na sa lalong madaling panahon ay personal ko na rin po kayong mababati, makamusta, makakakwentuhan. Sa ngayon po, ipinapaabot ko na muna ang pagbati sa inyong lahat ng isang Maligayang Pasko at Mapagpalang Bagong Taon. Patuloy po sana ninyo akong ipagdasal, ang ating mga kapwa Pilipino, at ang ating minamahal nating Inang Bayan. Ingat po kayo lagi.”

    ELY: Okay, mga kasama. ‘Yan po ang mensahe ni Sen. Leila de Lima, na binasa po ng kanyang spokesperson na si Atty. Dino De Leon. Attorney, salamat sa iyong oras ah.

    ATTY. DINO DE LEON: Thank you very much, Ka Ely, at sana hindi kayo magsawa na pakinggan ang mga kwento ni Sen. Leila de Lima.

    ELY: Opo. Okay, mga kababayan, at syempre, sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

    -30-

    Posted in Transcripts on Dec 12, 2021