This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 24

    22 October 2017

    ELY: Magandang umaga mga kababayan. Mamaya ha, iyong ating mga kababayan makinig ho kayo lalo na iyong mga jeepney drivers and operators, at siguro iyong mga mananakay na din. May pag-uusapan kami diyan ni Madame Vice President. Pero bago diyan alamin muna natin ang naging aktibidad ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo.

    VP LENI: Ayan, mahaba ka Ely. Mula Lunes hanggang Sabado. Nakakatuwa ito ka Ely kasi nagsimula iyong linggo ko sa isang selebrasyon na ang tawag ay World Pandesal Day. Sabi ko first time ko nalaman na mayroon pa lang ganoong selebrasyon, kasi akala ko ang pandesal pang Pilipinas lamang. Pero apparently, mayroong World Pandesal Day. Ang celebration nito diyan sa Kamuning Bakery, malapit lang ito sa bahay namin ka Ely. Nakita ko ang pinakamalaking pandesal sa aking buhay. Lunes din nag-courtesy call sa atin iyong mga representatives ng mga Ship for Southeast Asian and Japanese Youth Program na Philippine contingent. Ito ka Ely, 44th year na. At ito, ano pala ito, taon-taon, maraming mga kabataan dito sa Pilipinas ang nagpaparticipate. Competitive ito ka Ely. Lahat na regions mayroong representative. Ito parang three weeks ata kung hindi ako nagkakamali, iikot sila sa buong Asya na nakasakay sa barko. Magboboard sila sa Japan, aalis din sila ngayong linggo. Magboboard sila sa Japan papunta yatang Malaysia, Thailand, Singapore, Indonesia tapos balik sa Japan. Ang kabutihan din nito ka Ely, kasi kasama din nila ang ibang kabataan galing sa ibang mga Asian na mga bansa. Iyong Martes, mabigat ang araw kasi ito ang pinakamalaking selebrasyon namin, ito ang Angat Buhay anniversary summit. One year na ang Angat Buhay. Napakaraming ka Ely ang nag-attend. Siguro mga 1,500 ang aming participants. At ito binubuo ng halong LGU officials at saka aming mga private partners. Doon din namin ni-launch, hindi lang iyong anniversary pero nag-launch kami ng bagong parang pagtulak sa pangkabuhayan, ang tawag namin dito Angat Kabuhayan. Pagkatapos noon, maghapon iyong ka Ely. Pagkatapos noon, lumipat ako sa EU Philippines Business Summit. Parang ito binubuo ng mga EU participants galing sa EU countries at saka mga Pilipinong businessmen. Kinabukasan, ano na naman, negosyo na naman. Nagsalita ako sa PCCI. Ito ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, isa ding, parang ito Philippine Business Conference. Pagkatapos noon, Miyerkules din, mayroong National Indigenous People’s Summit. Parang summit ng mga katutubo. Ito ay ginawa doon sa Ramon Magsaysay Center. Tapos Bacolod, kasi ito naman ang launch ng Istorya ng Pag-asa sa Bacolod. Ang venue nito sa University of St. La Salle. Ito nakakatuwa ka Ely kasi napaka-inspiring iyong tatlong Istorya ng Pag-asa na kuwentong prinisent ng mga taga Bacolod. At iyong mga participants hindi lang taga La Salle pero multisectoral, lahat na sector represented. Pati na iyong mga estudyante. Maganda ang aming attendance, maganda iyong mga fineature, kaya excited kami na ituloy-tuloy ang INP sa Bacolod. Balikan lang ako ka Ely. Lumipad kami ng tanghali, bumalik ng gabi. Kasi kinabukasan umuwi ako sa amin sa Naga. Napakahalaga noong inuwi ko sa Naga kasi noong hapon ng Biyernes, mayroong forum tungkol sa Bicol Express. Marahil ka Ely narinig mo na iyong Bicol Express pero ito ang tawag sa tren namin.

    ELY: Ah. [Laughs] Akala ko pagkain.

    VP LENI: Hindi bicol express na pagkain. Pero iyong Bicol Express na tren. Ito ka Ely ano ito, pinagusapan kasi dati ang mga Bicolano ano siya, ang mga Bicolano talagang dependent siya sa tren. Hindi pa noon uso ang eroplano pauwi sa amin. Hindi pa uso ang bus pauwi sa amin. Talagang halos lahat nagte-tren. Kasi ito ang safe, mura. Pero sira ng sira ka Ely. Umulan lang, magwa-washout. Wala na namang biyahe. Parati siyang nasisira. Kaya matagal na naming pinangarap na bumalik siya. Kasi ito ang pinakamurang mode of transport. Ilang administrasyon na ang sinubukang ibalik. Naayos, nasisira ulit. Kaya ngayon, mayroon nang approved project dito ka Ely noong 2015. Noong panahon pa ng dating administrasyon. Pero hindi pa natapos, dapat sana for implementation ngayon. Dati kasi ka Ely, PPP ito, ngayon na ODA. Kaya ito ang discussion namin nandoon si Usec. Cesar Chavez ng DOTR. Pinagusapan namin iyong ano ang mga pangamba ng aming mga kababayan sa ODA. Kasi alam mo naman ka Ely kapag ODA, utang ito. Utang, nagsabi kasi si Usec. Cesar Chavez na uutangin ito sa China. Para sa amin medyo mataas ang interest rates. Baka natatakot kami na baka malulong tayo sa utang kasi alam mo sa first years of operation baka hindi pa naman ito kikita ng malaki kasi mag-uumpisa pa lang. Pinaguusapan doon sana patuloy pang pag-usapan, kasi marami pang katanungan na hindi naayos. Tapos iyong the rest of Friday, ginawa ko na iyong mga kung ano-anong mga pag-inspect ng mga projects. Mayroon kaming ospital sa distrito na nasa isang munisipyo sa amin. Nasa may mountainous part siya kaya excited kaming magsimula. Kasama namin ang DOH doon. Noong Biyernes naman kausap ko naman iyong Metro Naga Chamber of Commerce and Industry. Inintroduce natin ka Ely ang konsepto ng Angat Buhay, tapos tinatanong ko sila baka puwedeng gumawa kami doon. Kasi ito ang push for inclusive growth. Tapos maghapon ng Sabado nag-inspect kami ng mga nirerequest na mga tao doon. Flood control project, mga paaralan, etc etc. Linggo nandito na tayo, balik na. Ito lang ka Ely gusto ko lang isingit, mayroon tayong bisita dito ngayong umaga. Ano sila ka Ely, miyembro sila ng isang urban poor association tawag ay Alliance of People’s Organizations along Manggahan Floodway sa Pasig. Siguro familiar tayo sa Manggahan Floodway, napakarami ditong mga informal settlers. May nirereklamo sila ka Ely na nagkaroon daw ng demolisyon noong October 18-20. Ito nakakabigla ito kasi 639 families ang dinemolish. Ang pinakaproblema nila ka Ely kasi walang relocation, iyon ang sabi nila wala silang relocation, parang nilagay lang sila sa mga lugar na walang kuryente at walang tubig. Mayroon daw ibang mga pamilya na parang pinili na i-compensate sila ng Php 20,000. Pero nasa mga kalsada. Ito ka Ely, sinabi ko sa staff na kasama dito na pagkatapos ng programa, tingnan ang sitwasyon. Una titingnan kung paano makakatulong ang opisina namin. Pangalawa, tingnan din kung ano ang nangyari sa demolisyon. Kasi iyong sinasabi nila, mayroong mga irregularities samantalang hindi pa naman natin mahusgahan kasi hindi pa naman natin nakita. Pero ito din ka Ely ang isang problema na hinarap ko noong ako ay HUDCC, na sabi namin sana aayusin ang relocation bago magkaroon ng demolisyon. Kasi parang hindi naman nareresolve ang problema. Pag dinemolish mong walang relocation, saan iyan pupunta? Siyempre sa mga kalsada o kung saan-saan. Parang una hindi safe para sa kanila lalo na kung may matatanda, may bata, iyong sanitation, iyong tubig lahat. Pero titingnan natin kung anong nangyari dito sa demolisyon na ito. At iyon atin lang kung may nakikinig po na mga kasamahan nila, iyong ating assurance tututukan natin.

    ELY: Ang problema hindi po nasusolusyunan kapag ganyan po.

    VP LENI: Oo.

    ELY: Lalong lalala ang problema.

    VP LENI: Oo. Iyong nasa HUDCC tayo ka Ely, parating iyan ang policy natin na iyong mga malapit nang ma-demolish, ayusin na ang relocation. Tapos iyong relocation, parati din nating pinapakipaglaban na huwag naman na isasalya sila sa napakalayong mga lugar na walang kuryente, walang tubig, walang hanapbuhay. Kasi iyong mga nakita kong nagkaganoon, tinapon sila sa malalayong lugar, kukunin nila ka Ely ang bahay pero dahil walang hanapbuhay, iiwan din nila. At babalik ulit sa Manila, informal settlers uli. Kaya parang gagastos tayo na hindi naman natin natulungan ng maayos. Kaya sa akin lang dito ka Ely, tinutulak sana natin, na sana pagdating sa housing, pagdating sa informal settlers, ang sundin ang people’s plan. Ang people’s plan ka Ely, kabahagi ang urban poor association sa pagplano. Sa pagplano kung saan sila dadalhin, sa pagplano ng relocation, sa pagplano kung papaano aayusin ang kabahayan. Kasi kung gobyerno lang ang nagsasabing dito kayo, dito kayo, hindi naman acceptable sa kanila, hindi din nagiging successful iyong relocation. Kaya sana ito pa din ang polisiya kahit wala na tayo sa HUDCC, parang patuloy nating i-advocate na sana ito pa din ang polisiyang tingnan. Kasi ito ay kaya nga informal settlers kasi nagkukulang. Totoo na mayroong mga hindi karapat-dapat. Paminsan kasi ka Ely may mga sindikato din. Pero mas kaunti ito kaysa sa tunay na nangangailangan. Kaya sana hindi din parusahan ang mga tunay na nangangailangan dahil sa hindi magandang ginagawa ng mga sindikato.

    ELY: Pero may mga panukala ma’am na in-city, mismo sa loob na mismo.

    VP LENI: Oo. Kung puwede nga on-site eh. Sa amin nga ka Ely, kung puwede ngang on-site tapos minimum na disruption sa kanilang hanapbuhay. Kung hindi puwede iyon, lalo na iyong ibang areas […] Halimbawa sa Laguna, sa Calauan, binisita namin ang mga nirelocate doon, karamihan sa kanila ka Ely, bumalik. Iyong iba naman, iniwan ang mga pamilya doon, ang mga lalaki bumalik dito para maghanapbuhay.[…] Nakakalungkot nagkakahiwalay ang mga mag-asawa. Pagbalik dito ng lalaki, nakahanap na naman ng bagong pamilya, informal settlers din. So parang nako-compound lang ang problema.

    ELY: Ayon okay. Issue po iyan, at iyan po at titingnan ng ating Bise Presidente. [End of Gap 1]

    VP LENI: Ito ka Ely ang bisita natin ngayon Mr. Pedro Defensor Jr. Siya po ang acting director Institutional Development Department, Cooperative Development Authority. Kilalang-kilala po ito bilang CDA. Magandang umaga po sa iyo sir.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Magandang umaga po.

    VP LENI: Maraming maraming salamat po sa pagpaunlak ninyo sa aming imbitasyon at hihingi na po kami ng paumanhin kasi Linggo ngayon. Dapat namamahinga kayo pero ginambala namin kayo. Pero alam ninyo po parang napapanahon kasing tanungin kayo tungkol sa kooperatiba. Kasi ito po iyong malaking kuwestyon ngayon, maraming hindi nakakaintindi. Maraming hindi nakakaintindi ano ba talaga ang dahilan kung bakit kailangan o ine-encourage natin na magform ng kooperatiba. Ano ang mga benepisyo. Kung puwede pong ikuwento natin sa ating mga kababayan.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Yes, ma’am. Actually ang opisina po namin, ang Cooperative Development Authority is the one who regulate and develop cooperatives. So usually kapag mayroong grupo ng mga tao na gustong magsama-sama para una, magtayo ng isang negosyo para pababain ang presyo or isang serbisyo na puwede nilang i-render para sa kanilang mga pangangailangan, maari po silang mag-organisa at tumungo sa aming tanggapan at magrehistro. Kami po kasi ang nagbibigay ng legal personality.

    VP LENI: Pero ito sir, ito ang marami ang kuwestyon. Ano ang kaibahan ng ordinary na asosasyon sa kooperatiba?

    PEDRO DEFENSOR, JR: Unang pagkakaiba po niya is in terms of privileges. Ang unang pribelehiyo na puwede kong pong sabihin is ang pagiging tax exempted niya.

    VP LENI: Iyon mahalaga iyon ka Ely. Kung ordinaryong asosasyon, walang ganoong exemption.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Wala po, kasi ang isang asosasyon po, according if you are a non-stock or non-government organization, you are not allowed to venture into business. Unlike cooperative na puwede kang magnegosyo.

    VP LENI: Kaya ito, maliban po sa tax exemption. Ano pa iyong ibang pribilehiyo?

    PEDRO DEFENSOR, JR: Kung ikaw ay kooperatiba na inorganisa mula sa government offices, you have the privilege of having an office in that government agency. Another pribilehiyo niya is…

    VP LENI: Parang hindi puwedeng magsabi ang opisina na hindi namin kayo bibigyan ng opisina.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Yes. Lalo na po kung may available na space. Another po is dahil ang kooperatiba ay itinayo para tumulong sa nasa laylayan ng ating lipunan, usually may preferential treatment sila. Kapag may programa ang gobyerno, unang priority dapat ibigay iyan kung may cooperative na existing, ibibigay dapat siya. So we’re talking of the agricultural inputs and everything priority po ang ating mga kooperatiba.

    VP LENI: Ayan sir isang bagay na nadiskubre ko noong ako’y kinatawan ng third district ng Camarines Sur. Parang mas madaling makahingi ng benepisyo sa gobyerno kapag kayo ay kooperatiba. Iyon ka Ely kaya ang ginawa namin, ang mga hindi kasali sa kooperatiba, ito iyong mga mahihirap talagang magsasaka na ayaw sumali. Pero kami, kami ang nag-organisa sa kanila para makatanggap sila ng mga benepisyo. Pero ito sir, ito ang pinaka issue ng mga maliliit. Hindi namin kaya magbuo ng isang kooperatiba, kasi ang kita namin parang isang kahig, isang tuka. Wala kaming panghulog sa membership, o sa iba pang dues ng kooperatiba. Papaano po ito masasagot?

    PEDRO DEFENSOR, JR: Actually po in forming a cooperative, ang minimum pay is Php 15,000 tapos wala pong limitation sa membership. Kung ang isang tao for example ay mahihirapang magbigay ng Php 100, baka naman puwedeng Php 50 or Php 20. A matter of kailangan lang nating magbuo ang Php 15,000. Ngayon, kung wala talagang pera ang isang miyembro, anong equipment o gamit ang puwedeng gamitin ni kooperatiba para maipatakbo niya ang negosyo. So i-equate natin o imo-monetary natin iyon bilang paid up capital ng member na iyon. So marami na po kaming experience, mga mahihirap na nakapag-organize ng cooperative. Iyong sinasabi ninyo po na kahit na walang trabaho, bakit nakamiyembro sila ng cooperative. Simply because in forming a cooperative or in becoming a member of the cooperative, ang minimum requirement ng pera na para ka maging miyembro ay hindi malaki. Puwedeng Php 20…

    VP LENI: Ah puwede na iyon. Basta iyong grupo makabuo ng Php 15,000.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Opo. Kasi ang mangyayari po kapag simula na tayo, puwede tayo mag-avail ng different services not only to the government but also to the non-government organization because their priority is to render service to cooperatives. Kasi naniniwala sila na ito ang empowerment of real people. Na pag nagsama-sama sila, kaya sila nagsama-sama para labanan or magkaroon ng serbisyo na naaayon sa pangangailangan nila. Kaya ganoon ang priority na binibigay sa kanila.

    VP LENI: Tapos ito sir, iba-iba ang klase ng kooperatiba. Ang pinaka popular yata iyong consumers. Pag consumers cooperative, ito ba iyong parang naglalagay sila ng parang tindahan.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Yes. Iyan po ang pinakakonsepto ng consumer. Kaya naman sila nagtayo is because of the power of bulk buying. Kaysa sa bumili ka ng tingi-tingi, ipunin natin ang ating pera, bumili tayo ng wholesale price para maibaba sa iyo sa mas maliit na halaga. Ngayon ang konsepto, bakit sila nagtatayo ng ganoon, bakit hindi nalang sila bumili sa sari-sari store. Kasi ang pagkakaiba is that, pagbumili ka ng bulk buying since ang magpapatronize din naman nito ay mga miyembro, sarili mo, alangan naman taasan mo ang presyo na kung saan ikaw rin ang may-ari. Kaya usually bababaan mo. At sa sandali naman na kumita siya, ibabalik naman niya sa iyo.

    VP LENI: Tapos mayroon ding tinatawag na credit cooperative. Ano iyon sir?

    PEDRO DEFENSOR, JR: Ang credit cooperative po is iyan po ang pautang.

    VP LENI: Iyong uutangin, pera din ng kooperatiba. Tapos ang uutang, miyembro din. Kaya puwedeng mas maliit ang interes.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Maliit po talaga. According to our data, the usual practice of the cooperative, the usual interest ranges from 0.5 to 2%.

    VP LENI: Pero mayroon ba kayong rule? Halimbawang may kooperatibang nagsabing ang gusto naming interes ay 4%. Para mas malaki ang aming kita.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Actually puwede po. Kung papayag iyong mga may-ari na ganoon ang policy nila. Kasi sila rin naman kasi ang maapektuhan sa sandaling itaas nila ang kanilang interest rate.

    VP LENI: Tapos ang multipurpose, ano ito?

    PEDRO DEFENSOR, JR: Ang multipurpose cooperative po is a type of cooperative na kung saan ang business na iveventure ng isang cooperative is more than two activities. Ibig sabihin, may pagpapautang ka na, may tindahan ka pa. Or mayroon ka ring service na pinoprovide, so nagiging multi ka.

    VP LENI: Iyong mga examples ng service na prinoprovide?

    PEDRO DEFENSOR, JR: Huwag nalang tayong lumayo. Nandiyan ang San Dionisio Credit Cooperative sa Paranaque. Ano ang mga serbisyo nila? May pautangan na sila, may tindahan sila, mayroon din po silang school, mayroon din po silang other services na ibinibigay nila ayon sa pangangailangan, ayon sa demand na gusto ng mga miyembro.

    VP LENI: Ito sir, ang pinaka, ito ang gusto kong itanong sa iyo kasi ito ang pinakamainit ka Ely ngayon. Iyong transport. Kasi mayroon tayong modernization, mayroon tayo noong jeepney modernization na scheme ng gobyerno. Ito ka Ely, pinapakinggan natin ang plano, parang maganda naman ang plano. Parang unti-unti, i-phase-out ang mga lumang jeep. Parang ang usapan yata iyong mga jeep na lampas 15 years old na, parang i-phase-out ito para palitan ng mas efficient. Mayroon nga sinasabi na iyong makina daw na required parang Euro-4. Kasi ito ang una mas mababa ang konsumo sa fuel, mas malakas ang power, bawas polusyon. Malaki talaga ang bentahe. Ito pag binasa mo lang iyon ka Ely, parang maganda. Maraming mga plano ang gobyerno para mas, tingin natin mas maayos ang traffic, mas comfortable iyong mga sasakay. Mayroon nga siyang mga requirement ka Ely, na ano ko ang listahan. Required na ang CCTV, wifi, GPS, mga ganoon. Parang pag nakasakay ka, marami kang puwedeng gawin at safe ka kasi may wifi iyong mga dukot-dukot. Tingin ko hindi naman rito kokontra ang marami, pero ang ano yata ka Ely ang kinokontra iyong, kaya ba ng lahat ng mga drivers at saka operator iyong pagbili. Kasi ang alam ko parang ang presyo ata on the average mga Php 1.4 to P 2 million ba sir?

    PEDRO DEFENSOR, JR: Php 1.2 po.

    VP LENI: Php 1.2 million to Php 1.4 million. Ang alam ko parang ang ino-offer ka Ely, ano ito parang 6% interest rate, payable in 7 years. Ito ka Ely siguro iyong malalaking operators kaya ito. Baka sisiw nga sa iba. Pero mas marami yata ang maliliit. Ang tinitingnan ko iyong datos. Parang marami pala iyong siya na ang may-ari ng jeep. Siya pa ang operator, at driver. Na iisa lang jeep na pag-aari. Tapos marami daw dito OFW. Iyong nakaipon na gusto nang bumalik sa Pilipinas, ito na ang hanapbuhay. Mayroong parang fleet management scheme na ang usapan, parang kailangan at least 10 ang jeep mo sa isang fleet, para maka-avail ka ng mga incentives ng gobyerno. Ngayon ka Ely, ito ang nirereklamo, isa sa mga nirereklamo ng mga drivers, na iisa lang naman ang aming jeep. Papano kami makaka-avail ng mga incentives ng gobyerno na iisa nga lang ang aming driver. Ang isang binigay nilang solusyon, cooperative. Ito sir puwede bang i-explain mo sa amin, papano puwedeng maging cooperative itong transport, tapos ano ang mga benepisyong puwede nilang matanggap.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Sige ma’am. Bago ko sagutin ang tanong na iyan, let me go back to the issue of PUV Modernization program. Actually hindi lang ang issue dito ang presyo. Ang issue rin po dito is iyong prangkisa. Right now the franchise is being issued or being owned individually, mostly. Datas will show na ang isang tao, isang operator, isang driver, puwedeng mayroon siyang prangkisa. Under the PUV Modernization program once it is fully implemented, all franchise mawawala. At ang prangkisa nalang ay puwedeng i-issue sa dalawang klase ng entity. And that is a corporation, or a cooperative.

    VP LENI: HIndi na puwede nag individual?

    PEDRO DEFENSOR, JR: Hindi na po puwede. Papano ngayon ako na driver, na may-ari ng sasakyan at hindi ko kayang bumili? Under the issue of the PUV Modernization Program, it will now be the cooperative who will going to purchase the unit. Papano makakabili dito ang kooperatiba? Under the concept of the PUV Modernization program, it just so happen kung tama ang pagkakatanda ko being the member of the technical working group under ng being organized by the DOTR is that mayroong tatlong klase ng schemes sa financing schemes under the PUV Modernization Program. It will be financed by the Landbank, by the DBP, and in the concept of the cooperative, the so-called Credit Surety Fund, na kung saan ang malalaking kooperatiba, iyong mga existing kooperatiba ay puwedeng magtayo ng credit surety fund at sila magba-back-up sa loan na puwede i-apply ni cooperative. So like kung Php 12million siya, hindi mo na kailangan magkaroon ng collateral, si credit surety fund ang mag-issue ng collateral na tatanggapin na ni Landbank at ni DBP, para maisyuhan siya ng corresponding loan. Now, going back to your question ma’am na what would be the benefit if you are going to choose a cooperative, rather than a corporation. Ako mas binibigyan ko iyong pananaw na sa kooperatiba kasi, nagsama-sama sila, pagkumita sila sa isang negosyo, at the end of the day, tax free siya dahil ang kinita ay paghahati-hatian ng mga may-ari. Bumabalik din sa kanila. Ngayon ang konsepto na pag-aari mo ang sasakyan na kung saan tumatakbo ka at ikaw ang masusunod kung anong oras mo this time it’s different. Tama ka po ma’am sa research ninyo na under the PUV Modernization Program may fleet management siya, tapos iyong ruta is in close coordination with the LGU na kung saan may coordination na may terminal na siya. Everything will be run under the modernized concept po talaga.

    VP LENI: At saka may nabasa din ako sa, actually isa ito sa matagal na isinusulong din. Na parang iyong mga drivers, dapat hindi na siya boundary system. Pero dapat parang employee na siya, iyong salary. Kasi maraming benefits ito. Una, mahina man o malakas, siguradong may kita. Pangalawa hindi na mag-uunahan sa daan kasi ito maganda ito. Hindi na mag-uunahan sa daan. Pangatlo, mayroong mga benepisyo bilang employee kasi pag ordinaryong driver, parang laborer ka. Pero pag employed ka, isang tinitingnan ito. Pero nakita ko ka Ely, di ba dalawang araw nagkaroon ng transport strike, inaaral natin kung ano iyong mga hinihingi. Ang isa sir na hinihingi nila, masyado daw mataas ang 6% kaya hinihingi sana nila na babaan to 3%. Ang pangalawa, dapat daw magtaas ng pamasahe. Ito ano ito, pag-aawayan kasi siyempre ang riding public din. Pero pag titingnan mo sa side nila, ang pinoproblema kasi nila, kahit pa may ganoon na scheme, mahihirapan silang magbayad pang-araw-araw. Kung Php1.4 ang inutang mo, 6% ang 7 years, mabigat pa din iyon

    ELY: Opo. Ang computation po nasa Php 18,000 a month.

    VP LENI: Karamihan dito may mga araw nga na walang nakukuha. Kaya iyong sinsasabi nila papano kami siguradong makakabayad

    PEDRO DEFENSOR, JR: Sige po. Sa konsepto po ng PUV Modernization Program ang mangungutang po ay si cooperative, hindi po si individual driver. Kasi ang pag-aari na ng mga sasakyan ay si cooperative. Kaya hindi na siya dapat problemahin ni driver. Ang problema mo nalang ay pumasok, magdrive, and whatever services na ini-assign sa iyo, iyon ang gagawin. Ang may problema po talaga nito is papano makakabayad si cooperative doon sa inavail niyang loan, kay Landbank for example, the concept of is 6% high base sa pananaw ko ma’am ha, the current interest rate na kalakaran ngayon is 12% per annum. Kaya tiningnan siguro ni Landbank na sige hanggang 6% kami. Pero puwede ba siyang ibaba sa 3%? Under the law ng Republic Act 9520 may tinatawag tayong socialized rate. At sa definition ni Pag-Ibig ang socialized rate is 4%. So siguro, if there would be an intervention on the part of the government to pull funds for this particular endeavor, puwede po siguro.

    VP LENI: Ang sinasabi mo sir, parang hindi 4% para sa lahat. Parang ang puwede lang mag-avail kung ipapayag iyong 4%, ang puwede lang nito mag-avail iyong may pruweba na talagang kailangan niya talaga. Ang isang pangamba ng karamihan, parang every since kasi never silang nakisali sa isang grupo, tingin ko ano naman ito, parang normal na pakiramdam na, dahil hindi mo pa naranasan na sumali sa kooperatiba, mayroon kang agam-agam na kung sasali ba o hindi. Lalo na kasi marami rin ang mga kooperatiba na nalulugi. So papano natin i-aassure ang ating mga drivers na para sa kabutihan nila ang pagsali sa kooperatiba.

    ELY: Isingit ko rin diyan bukod sa nalulugi, iyong ibang leader balasubas. Binubulsa. May mga ganoon kayang perception…

    VP LENI: Oo marami ding ganyan. Maraming successful, marami din hindi.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Actually during our meeting with the LTFRB and the Department of Transportation with Usec. Lontoc those are the concept na tiningnan. The current practice ngayon is ang daming mga transport cooperative na nalulugi and ang dami rin na hindi maganda ang pagpapatakbo. That’s why it has been embedded, there is a document that will soon be released by the DOTR to consider those aspect. Anong ibig sabihin. Sa PUV Modernization Program po kasi, may consolidation aspect. Anong ibig sabihin nito. Sa ruta na ibibigay ni LTFRB for example, 50 routes iyan ang cooperatives na nandiyan dapat hindi na mag, may isang transport cooperative nalang na mag-exist. So ibig sabihin, kailangan ma-consolidate kayo. So pag…

    VP LENI: So bawat ruta, isa lang.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Yes.

    VP LENI: Kaya kung ito ang ruta mo, dapat dito ka sumali.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Dapat po ganoon. Pero we’re looking at the possibility na papano natin ma-avoid ang situation na hindi maganda ang pagpapatakbo. That’s why there would be a driver’s academy under the PUV Modernization Program, na kung saan once ikaw na ang napili, you will be bombarded by several trainings. Part of the trainings for example is the governance and management aspect under the cooperative concept. So dapat maimulat sa kanilang mga mata na ang pagpapatakbo ng kooperatiba ay ganito. Hindi puwede iyong konsepto na ginagawa nila, sorry, doon sa mga asosasyon na kung saan kung ano lang ang gusto nilang gawin, iyon ang gagawin nila. Pero if you are a cooperative, you are bound to abide with this kind of operation and rules.

    VP LENI: Curious po ako sir na, doon ba sa parang technical working group ninyo, mayroon namang umuupo na driver at saka operator. Parang representative nila.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Wala po. So far…

    VP LENI: Tingin ko iyon ang mahalaga ka Ely na bigyan ng boses kasi dapat napapakinggan iyong saloobin at mga concerns nila. Para napapakinggan din ng grupo.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Nakita naman ma’am iyan. So far the one who are forming the technical working group are government agencies. Pero under the process of the PUV Modernization Program, under the consolidation process, there is one rule. There must be a consultation to the affected drivers, operators, and everything. Ibig sabihin lahat bababaan. And another second rule ng programa, if you are an affected driver or operator, under this program, there would be a menu of list of, menu na puwedeng ibigay sa iyo kung ayaw mo na sumali sa transport industry, puwedeng si TESDA pumasok sa iyo, at bigyan ka ng scholarship program. Ngayon papano kung wala akong skills, ang alam ko lang magtinda. Then may papasok naman sa iyo para bigyan ka naman ng negosyo para ikaw na magpatakbo ng negosyo.

    VP LENI: Pero ito kasi sir, parang madali lang sabihin. Pero siyempre iyong mga nandiyan habang buhay nila iyan na ang pinagkakakitaan. Kaya siguradong may resistance na sabihin mong, kung tingin mo ayaw mo nito, bibigyan ka ng ibang alternative. Pero sa akin lang sir, okay ang consultation, pero kung puwede lang makapag-suggest. Baka puwedeng mas mabuti din may umuupo talaga. Para alam mo iyon, ang umuupo para nakikita niya din kung bakit ganito ang desisyon ng gobyerno. Para it can work both ways, di ba? Nakikita ninyo iyong pakiramdam ng mga maapektuhan, pati nga riding public palagay ko dapat may umuupo. Isang operator, isang operator-owner, isang driver, at saka isang representative sa riding public. Ito sir wala na kasi tayong oras, pero may isisingit lang akong isang tanong. Kasi parang may sinabi na mayroon namang subsidy na Php 80,000. Iyong unang reklamo doon sa Php 80,000 masyadong maliit, considering na Php 1.4 million ang halaga. Pangalawa, parang iyong Php 80,000 yata hindi siya available for everyone. Parang first, ano iyon sir, nakalimutan ko lang kung first 250 ba? Parang first 250 lang yata na mag-avail kung, hindi ko alam ang figures, pero first 250 lang ang mag-avail, iyon lang ang mabibigyan ng Php 80,000. Ang problema ka Ely, ngayon ang registered na PUV 220,000. Tapos ang kuwentada, 90% nito kailangan nang palitan. Kaya ito din ang mga kailangan tingin ko, sagutin. Tapos ito sir panghuli na talaga. Ang pinakareklamo talaga ng marami, iyong deadline. Kasi magmomodernize, hindi pa naman daw handa ang mga, iyong scheme na ino-offer ng gobyerno, hindi pa klaro. Kung kailangan, magcooperative, it will take time bago ihanda ang mga drivers pero bakit naman daw magbibigay ng January 1 na deadline. Parang sa January 1 na deadline, ang makakacomply nito iyong dati nang malalaki. Pero iyong mga maliliit, ito ang mapapang-iwanan.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Sige po. Lilinawin po natin iyan. Pero ang pagkakaalam ko po in the implementation of the PUV Modernization Program, may piloting. Ibig sabihin, NCR, Visayas and Mindanao. So under the piloting, ang alam ko po, maaring mali ako, mayroong period doon na imposibleng mashoot iyong sinasabing January 1. Sa tingin ko po. Kasi wala pa nga kami sa consolidation.

    VP LENI: At saka ano sir, nakita ko iyong transcript noong committee hearing sa House. Parang tinatanong iyong official ng LTRFB yata na ano ang timelines. Parang sinasabi niya ginagawa pa lang. So, almost November na, end of October pa lang tayo ngayon. So kung ginagawa pa lang iyong timelines, papano mo naman sasabihin na kung hindi kayo nakapagpalit ng January 1, umalis na kayo. Kaya mahirap iyon.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Sige ma’am. Tatahimik nalang po ako kasi the one who should answer that question should come from the Department of Transportation. [laughs] Baka i-crucify ako.

    VP LENI: [Laughs] Hindi sir, baka ang request naman namin, kasi umuupo kayo sa technical working group. Baka kailangan i-consider iyon.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Yes ma’am. Certainly, I would cite this particular date and time, and this is the clamour na sana may umupo naman na representative mula sa sector, at mula rin sa mga mananakay na kung saan sila ang maaapektuhan ng PUV Modernization Program.

    VP LENI: Gaya nitong pagsinabing taasan ang pamasahe. Siyempre may isa na namang, parang pinagbigyan natin iyong drivers at saka operators, pero may isa na namang sektor na magrereklamo. Kaya mas mabuti, tinitingnan sa lahat na anggulo.

    PEDRO DEFENSOR, JR: Sige po. Makakarating po.

    VP LENI: Maraming salamat sir.

    ELY: Maraming maraming salamat po. [End of Gap 2]

    VP LENI: Ka Ely mahalaga ang bisita natin ngayon. Ito ka Ely, matagal ko na itong kaibigan, kaibigan din ng asawa ko noong nabubuhay pa. Pero ngayon ko nalang nalaman iyong kanyang kuwento. Noong nalaman ko ang kuwento niya, kasi pag naguusap kami parating problema at saka programa di ba. Nalaman ko ang kuwento, sabi ko sa sarili ko, pang Maalala mo Kaya. Paabutan natin ng good morning si Teody Gacer. Magandang umaga sa iyo, Teody.

    TEODY GACER: Magandang umaga rin po, Vice.

    VP LENI: Pakilala na kita Teody ha. Si Teody ka Ely, isang leader ng urban poor dito sa Quezon City. Pasabi Teody, ang pangalan ng asosasyon ninyo.

    TEODY GACER: Kami po ay nasa North Triangle, SRCC North Triangle Alliance. Dati, sa ngayon ay ang pangalan po ng aming samahan ay Social Resettlement for Comprehensive Community – Magic Circle Housing Cooperative.

    VP LENI: Ito napaka-active nito. Diyan kami nagkakilala. Kasi miyembro din siya ng Kilos Maralita at marami tayong engagement sa Kilos Maralita. Kung nakikita ninyo ka Ely, sila itong may, ano na ngayon Vertis North. Sila sa North Triangle, ito ang mga informal settlers na nirelocate at nirerelocate. Ang kabutihan dito kina Teody kasi napakasuwerte ng grupo nila. Ilang pamilya kayo dito sa relocation site ninyo, Teody?

    TEODY GACER: Ano po, 1,033 po.

    VP LENI: 1,033 families, napakalapit lang ng relocation. Saan ulit ang relocation?

    TEODY GACER: Kami po ay nakakuha ng relocation sa Pingkian, Pasong Tamo, Tandang Sora.

    VP LENI: Tandang Sora lang. Ang kabutihan nito ka Ely, kasi Quezon City din, hindi naman sila mapapalayo gaano sa hanapbuhay nila. Pero ito ka Ely ang mas interesting dito ito. Ngayon ko lang Teody nalaman ang pinagdaanan mo. Siya pala ka Ely, bunso sa 15 magkakapatid ng isang magsasaka at isang midwife na taga Leyte. Tama ba iyon, Teody? Tapos itong si Teody, napakahusay pala nito sa klase. High School valedictorian, pero nakatapos siya ka Ely ng high school kasi namasukan siya bilang kasambahay. Saan ka namasukan bilang isang kasambahay?

    TEODY GACER: Sa isang mayaman doon na mga Kastila.

    VP LENI: Leyte din?

    TEODY GACER: Sa Ormoc.

    VP LENI: So nagtatrabaho ka sa bahay, nag-aaral ka ng high school. Tapos nakalagay dito, pagkatapos mo ng high school, nag-aral ka ng BS Nutrition sa UE? So lumipat ka na ng Maynila?

    TEODY GACER: Opo. Noong mamatay ang tatay namin, kinuha ako ng mga kapatid namin kasama nanay ko dito sa Maynila.

    VP LENI: Pero nakalagay dito, habang nag-aaral kang college sa UE, nagtrabaho kang security guard sa BPI.

    TEODY GACER: Opo. Isa po ako sa ano, iyon po ang iniisip ko dahil wala na ngang kakayanan ang nanay ko, ang sabi ko, kailangan, gusto ko makatapos ng pag-aaral. Kaya pumasok ako sa pagka-lady guard para lang na matustusan ang pag-aaral ko.

    VP LENI: Tapos umaga ka nagsesecurity guard?

    TEODY GACER: Ang duty ko 6am to 2pm tapos… 3pm, papasok na ako, habang nasa sasakyan magsusuklay ako. [laughs]

    VP LENI: Papaano ka nag-aaral?

    TEODY GACER: Pagdating sa klase medyo may kahirapan na pagdating doon, medyo nakatulog ng kaunti tapos, pero pinagtatawanan ako ng mga kaklase, tinulungan lang ako noong aming professor noong nalaman niya na ganoon ang aking sitwasyon.

    VP LENI: Pero ka Ely, parang pelikula, hindi niya natapos ang pag-aaral niya kasi nag-asawa maaga. Noong nag-asawa kang maaga, huminto ka na?

    TEODY GACER: Noong makapag-asawa na po ako, tuloy-tuloy pa rin po ang pagtrabaho ko tapos, nag-aaral ang asawa ko, tapos nag-aaral din ako. Noong dalawa na po ang anak namin, hindi na po kayanin.

    VP LENI: Tsaka ka huminto. Kasi tatlo ang anak niya ka Ely. Pero ilang taon na ba ang bunso mo noong nagkasakit, nagkasakit ka Ely ng cancer ng lymphnode.

    TEODY GACER: Iyong asawa ko nagkasakit after 5 years naming magkasama. So maikli lang iyong aming pagsasama dahil… Ang panganay ko po apat na taon noong namatay ang asawa ko. Ang aking ikalawa ay magdadalawa, tapos iyong bunso ko mag-aapat na buwan.

    VP LENI: So ang naiwan sa iyo, 4-months-old hanggang 4-years-old.

    TEODY GACER: Opo.

    VP LENI: Tapos noong naiwan sa iyo ang maliliit mong anak, namatay ang asawa mo, wala ka nang katuwang sa paghahanapbuhay.

    TEODY GACER: Wala na po. Iyong nanay ko iyon nalang ang aking iniiwanan sa bahay. Tapos ako naghahanap ng trabaho. Napilitan ako bumalik pagka-security guard.

    VP LENI: Saan ka na nagsecurity guard?

    TEODY GACER: Napunta ako sa PGH. Nahulog ako doon sa cancer institute, lumaki itong bunganga ko kasi iyong ngipin ko natanggal. Tapos dahil hindi na ako kampante doon sa sinasahod ko, pumasok ako sa Enriquez Agency. At naduty naman ako dito sa may Boni. Dito naman, pinasok naman ang aking puwesto, hinoldap naman ako doon. Natanggal dito, nitong mukha ko… siko ko, tuhod.

    VP LENI: Pero patuloy ka pa rin sa pag security guard?

    TEODY GACER: Oo. Patuloy dahil iyon lang source ko para mabuhay ko ang mga anak ko dahil iyon lang trabaho na alam ko noon na iniwanan ako ng asawa ko.

    VP LENI: Tapos nakalagay din dito, nag-aaral na iyong 2 mong anak, nagsesecurity guard ka, naiwan mo ang mga anak mo sa nanay, pero nagkasakit naman ng cholera ang bunso.

    TEODY GACER: Opo. Iyon nga po ang pinakamasaklap. Nagkasakit ang nanay ko… Una asawa ko namatay, tapos palitan sila ng nanay ko. Hindi ko maintindihan kung alin ang aking, pagkatapos sa ospital ng nanay ko iyong bunso ko na naman, may cholera.

    VP LENI: Tapos anong nangyari sa bunso mo?

    TEODY GACER: Namatay din po pagkatapos nang namatay iyong nanay ko noong 1991, after 2 months namatay naman iyong bunso ko.

    VP LENI: So ang natira nalang?

    TEODY GACER: Iyong dalawa po.

    VP LENI: Parang tatlong sunod-sunod ano. Asawa, nanay, anak mo. Ang natira, iyong dalawa mong anak. Noong nawala na iyong nanay mo, nawala na iyong bunso mo, kanino naiiwan ang dalawa?

    TEODY GACER: Malaki na kasi sila. Nasa loob lang ako ng community nagtrabaho dahil kasama ako sa isang homeowners na electrification services ang aming lingkuran. So pinili kong doon nalang magtrabaho para makita ko ang mga anak ko, ikalawa hindi ako namasahe at hindi ako masyado pagod at ikalawa nakatulong din ako sa community.

    VP LENI: Iyong community na iyon, dito na sa North Triangle?

    TEODY GACER: Diyan na po.

    VP LENI: Di matagal ka na diyan?

    TEODY GACER: Matagal na po, 1985 po ako diyan.

    VP LENI: So iyong dalawa mong anak nakatapos ba?

    TEODY GACER: Sa awa ng Diyos siguro tinutulungan na rin ako ni Lord na magawa ko iyon kasi imposible nga po, sabi nila paano ko po kaya nagawa iyong buhay ko na mapatapos ko ang mga anak ko. Iyong ideya ko, ang sahod kong kaunti, Php 200 lang.

    VP LENI: Dalawang daan isang araw. Paano mo napapagkasya iyon?

    TEODY GACER: Ano po. Uutangin ko tapos pagka… bayad bayad. Tapos pumasok ako sa [paliwagan] tapos iyong kalahati ng sahod ko ihuhulog ko doon, naiipon. Pagdating….

    VP LENI: Ito ka Ely kaya ko siya nakilala, alam mo iyang North Triangle, napakarami nang beses ng threat ng demolition. At isa si Teody doon sa mga nangunguna doon sa mga picket lines para hindi sila mademolish. Very successful din. Kasi ang hinihingi lang naman nila na hindi sila mademolish hanggang walang relocation. Kaya ngayon, iyong mga nademolish, maraming kuwento. Mayroon din silang mga kasamang pasaway, sakit ng ulo niya iyon kasi nadadamay iyong mga sumusunod. Mayroong ding pasaway, pero at least karamihan nabigyan ng relocation di ba Teody

    TEODY GACER: Opo. Actually noong 2010, September 23, iyon po ang pinakasegwada na demolisyon na nangyari sa amin. First time po iyon na talagang inisip namin paano namin labanan ito. Sa tagal ng aming pakikipagusap sa gobyerno, tapos dumating lang ang central business district, doon na ma-isolate na kami, hindi na namin inexpect kung anong mangyari noong panahon na iyon. So puro babae kami mga lider. Pero nakayanan namin. Ang ginagawa namin ay talagang kinonsolidate namin ang mga tao, lahat ng organisasyon doon, nanawagan ako ng friends of North Triangle, tapos maraming nagrescue. Kabilaan ang mga tulong mga media, so iyon na. I-take ko rin na opportunity ma’am maraming salamat sa mga tumutulong at saka iyong aming grupo na Kilos Maralita. Ito po ang mga tumutulong sa amin.

    VP LENI: Ito wala na kasi tayong oras ka Ely kasi 10am na, pero kasi alam mo Teody, sa labas mayroong mga grupo ng mga informal settlers na bago silang demolish. Dinemolish sila noong October 18 sa Manggahan Floodway, baka naman mamaya pagkatapos ng programa mabigyan mo ng advice at kuwento kung ano ang ginawa ninyo. Pero ito ka Ely ito ang parati kong punto na dapat sa kahit anong usapin, may umuupong kinatawan iyong apektado. Kasi ganoon ang nangyari di ba kaya kayo naging successful kasi pinakinggan kayo. Sila ang nagplano kung saan sila lilipat kaya naghanap di ba. Kayo ang naghanap ng relocation, kasi ka Ely pag sila ang naghahanap ng relocation, sila ang nag-identify, wala silang reklamo kung saan sila ilalagay. Pero pag iniimpose lang sa kanila, doon maraming resistance. Kaya ito hindi naman natin sinasabi na iligal na itotolerate natin na nag-uupo pa sila, pero iyong hinihingi lang naman ng karamihan, okay naman kaming marelocate pero baka puwedeng bahagi kami sa usapan di ba.

    TEODY GACER: Opo.

    ELY: Sige po aling Teody, maraming salamat.

    VP LENI: Kulang na kulang talaga tayo sa oras. Baka puwede ka uli namin maimbitahan dito.

    TEODY GACER: Opo, sige po. Kasi gusto ko din ipa-ano na kung hindi kay Sec. Jesse Robredo na siya po ang number one talaga na nagmulat sa amin.

    VP LENI: Oo malaki kasi iyong problema nila ka Ely noong 2010. Sabi nila, hindi ko ito alam dati, sila lang nagsabi ang nakasalba daw sa kanila ang asawa ko. Kaya kami naging magkaibigan kasi noong wala na ang asawa ko, tsaka ko sila nameet. Ngayon Teody wala nang oras pero baka sa isang usapin na naman tungkol sa informal settlers maimbita ka namin uli. Maraming salamat.

    TEODY GACER: Opo sige po. Maraming salamat.

    ELY: Maraming salamat po. Mayroon lang po nais na personal na magpasalamat po sa ating palatuntunan sa inyo po. Iyong atin pong natulungan.

    VP LENI: Ngayon ko lang po kayo nakilala pero ang sabi po matagal na po… nagtetext siya sa programa natin at mayroon siyang lymphoma. Tapos kaya siya nandito ngayong umaga kasi gusto niyang magpasalamat. Naku tumungo pa po kayo dito. Galing po kayo saan?

    EVELYN: Sa Commonwealth Quezon City po.

    VP LENI: Sige po iyong mensahe ninyo po.

    EVELYN: Nagpapasalamat po ako kay Vice at saka sa lahat ng mga staff niya na hanggang ngayon tinutulungan nila ako sa pagpaprocess ng mga laboratory, ngayon po noong Friday, nakuha ko na ang result at lymphoma nga po. At ngayon po nasa, inirefer po nila ako sa tumor clinic.

    VP LENI: Nakapunta ka na po?

    EVELYN: Sa Martes po malalaman kung ano ang gamutan namin. Kaya nagpapasalamat po ako na kung hindi dahil sa inyo malabo po akong makapagpagamot.

    VP LENI: Sana hindi ka naman nahirapan na personal ka pang pumunta dito.

    EVELYN: HIndi naman po kasi isang sakay lang, madali lang po.

    VP LENI: Ito ka Ely ang opisina kasi natin mayroon tayong medical assistance. Paminsan nakakaawa talaga ang mga pasyente kasi ito ka Ely mga nagdadialysis ano ito, parang linggo-linggo naghahanap ng mahihingian. Kaya sabi ko nga may sakit na sila pa ang nag-iikot. Parang nakakaawa din. Pero ito Evelyn ano naman, nakakaalis ng pagod pag ganyan sa iyo na tinungo mo pa kami. Maraming maraming salamat sa pagbisita mo.

    EVELYN: Kasi po bihira po talaga ang katulad ng programa na ito na talagang may assistance para sa medical.

    ELY: Salamat po sa inyo.

    VP LENI: Salamat sa iyo. Maraming salamat, sa susunod pong Linggo, magsama-sama po uli tayo.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 21, 2017