This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 239

    BISErbisyong LENI Episode 239

     

    ELY: Ok, magandang umaga, Pilipinas, Luzon, Visayas, at Mindanao. At siyempre muli po, ngayon po’y araw ng Sunday. Isa na namang edisyon ng Biserbisyong Leni dito po sa RMN.

    At para po sa ating mga kababayan ay napakarami po ng ginawang aktibidad ng ating Bise Presidente. At noong Lunes, mga kababayan, o ito ‘yung meron pong ‘yung ano, OVP General Assembly via Zoom at meron din po silang Agri 2022 Online Forum na kung saan ang ating Bise Presidente ay napanayam para po sa Agri 2022 Online Forum. At napaka-importante po nito mga kasama, at alam naman natin na tayo po dito sa Pilipinas ay, di ba, alam niyo andaming puwede sakahan dito eh. Andaming mga lupain na dapat po ay, di ba, talagang natutukan ‘yung ating agrikultura, mga kababayan.

    So, na-interview ang ah si Vice President Leni Robredo, at yung mga nag-interview sa kanya ay itong sina Ginoong Leonardo Montemayor, mula po sa pagsasaka at pangingisda, no, sektor po. At gayun din po sila Danilo Fausto, sa agribusiness sector, at si Hazel Tanchuling, NGO sector, at virtual, at si Ernesto Ordoñez, intersectoral alliance sector, at Dr. Emil Javier, science and academe sector.

    So mga kasama, ‘yung forum ay bukas po sa lahat po ng mga presidentiables, at parang magsilbing daan na kung saan ay matalakay yung kani-kanilang mga plano at polisiya sa iba’t ibang mga isyu pong agrikultural. Naku, napaka-importante ho nito, mga kababayan. Naku, sa mga nakaraan no, andaming administrasyon na bukambibig eh di ba ganyan eh, naku pasisiglahin natin at palalakasin natin ang sektor ng agrikultura. Pero nung na-puwesto hindi na nangyari, di po ba? So, maganda ho ito at sana magpatuloy.

    So, ‘yun ho mga kasama, at nagkaroon din po no, ng eto ho yung General Assembly at and covenant signing with VP Leni dito yung Alliance of Labor Leaders for Leni, ayun. So, marami po no, yung mga aktibidad ng ating Bise Presidente, mga kababayan.

    ELY: At samantala mga kababayan ay nagtungo rin no, si VP Leni diyan po sa ka-Bikolan nung Martes, at diyan ho, una sa Naga, Camarines Sur, yung Lakas ng Kababaihan Alay Lakad. Tapos nagkaroon po ng ribbon-cutting para po sa Leni Robredo Volunteers’ Hub of Bulanon for Leni, diyan po sa Bulan, Sorsogon mga kababayan.

    Narinig ko ang kwento ni VP Leni, talagang noon daw, pag wala silang pasok eh, madalas nagbabakasyon sila roon sa Bulan, Sorsogon, sinasama siya ng mga kanyang magulang. At yun nga, ay nagtungo din sa Bulan Municipal Hall, at ‘yung ribbon-cutting din ng evacuation site and  meet and greet sa mga multi-sectoral leaders, mga kababayan.

    At siyempre ay kanyang nakasalamuha rin yung mga Solid Leni Bicol Volunteers, mga kababayan. So, napakarami po no, ng mga naging aktibidad ni VP Leni diyan po sa Bicol, at sa, gayundin sa may Masbate, mga kababayan. Ok, at yun sa Catanduanes, nagpunta din doon si VP Leni, at kung saan kanyang binisita itong Vaccine Express.

    Alam niyo naman ay talagang napakatagal na ho at tinututukan ito no ng Office of the Vice President, ‘yung paglulunsad po ng Vaccine Express para mas mapabilis po yung pagbabakuna, at bahagi pa rin ng COVID response ng ating gobyerno, partikular po ang OVP.

    At noong Biyernes mga kababayan, at hanggang kahapon ay alam niyo naman po siguro, nagtungo ho si VP Leni diyan po sa, sa Iloilo, mga kasama. So, ‘yun ho at talagang grabe ho yung pagsalubong ho sa kanya. At talagang napakainit ho ng pagtanggap kay VP Leni diyan po sa Iloilo, mga kababayan. At ‘yun ho, sa ngayon ay [inaudible] ay inaantabayanan natin kung saka-sakaling makakapag-join po siya no, at via Zoom si VP Leni.

    Pero, alam niyo ho ay isa po sa ginagawang, di ba, na segment dito po sa Biserbisyong Leni ay mabigyan po ng pagkakataon, lalo na po yung mga senatorial candidate sa ticket po ni VP Leni at Senator Kiko Pangilinan. Para isa-isa ho natin makilala, mga kababayan, at malaman din ho ‘yung kani-kanilang mga balakin sa muli, sa pagpasok ho muli sa Senado, mga kababayan. So, ‘yun po.

    At sa mga nakaraang episode ho dito po sa Biserbisyong Leni, ay mga nakausap nga po natin yung kasama po sa ticket ni VP Leni at Senator Kiko ay sina Atty. Alex Lacson at gayun din po si Atty. Matula, Sonny Matula. At sa pagkakataong ito ay makakasama naman natin, dito po sa palatuntunan ni VP Leni, ay walang iba, kilalang-kilala niyo na po ito, at magbabalik-Senado, walang hong iba kundi si senatoriable, Senator pa rin, no? Tawag natin, kasi dati na po ‘tong Senador. Si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV.

    Senator, magandang umaga po sa inyo.

    SENATOR SONNY TRILLANES: Magandang umaga po sa inyo, Ka Ely, at sa ating pong mga listeners and viewers, dito po sa DZXL.

    ELY: Opo, sa mga nakaraan, Senator, yung mga nagiging guest ko rito ay talagang iniisa-isa ko no, yung background, pero kayo kilalang-kilala na po kayo. At kayo ay magbabalik-Senado, siguro mas maganda, at para mas marami po tayong mapag-uusapan, uh, para po sa ating mga kababayan, alam niyo naman no, na galing military po no, ang ating Senator Trillanes. At kilala niyo naman ho, kung paano ho ito naging magiting at naging kilala po sa hanay po ng AFP.

    So, Senator, sa inyo pong pagbabalik sa Senado, ano po ba ‘yung mga sabihin natin, mga gusto niyo pa hong idagdag, may mga nagawa na po kayo sa nakaraan. Ano pa ho ‘yung gusto niyo pang maidagdag na inyo pong adbokasiya para po sa ating mga kababayan.

    SENATOR SONNY TRILLANES: Kung papalarin po tayong manalo bilang Senador muli, ay ang primary, or ang priority number one natin would be to support ‘yung post-COVID economic recovery plan ni VP Leni, ‘no. We’re hoping palarin po si VP Leni kasi maganda po yung plano niya para sa economic recovery natin. So, dito nga, nakasaad dito ‘yung pag-provide ng subsidy or grant sa mga micro-, small-, medium enterprises, para sa ganoon ay manumbalik ‘yung kanilang negosyo, matulungan sila at mag-generate ng employment.

    Meron din si VP Leni ‘yung tinatawag na unemployment benefits, ano. ‘Yung mga nawalan ng trabaho sa, nitong pandemya, ay bibigyan ng ayuda for a few months, para lang magkaroon sila ng oras sa… makahanap ng trabaho nang hindi naman mapapabayaan ‘yung sa pamilya.

    Ngayon ‘yung ano rin, meron din ano siya no, parang stimulus package na tinatawag or support para sa mga sectors na tinamaan like transportation sector, tourism sector, agriculture sector, at iba pa, no. So, lahat yan ay nilalatag niya. And of course, meron pa rin siyang ayuda para sa individuals at sa mga pamilya. Kasi, ganyan ngayon ‘yung modelo ng economic recovery plan sa iba’t ibang parte ng mundo. So, talagang isi-stimulate ‘yung economy para sumigla at mag-generate ng trabaho. Yun po.

    ELY: Opo, okay so talagang napakaganda ho at ito talagang kailangang-kailangan, pero, ito merong nagme-message po sa ‘tin at siguro, mas maganda Senator ay kayo ang sumagot, dahil sa nung una, bago po diba yung filing ng COC, eh parang ang sinasabi, naku pag hindi yan na-ano, hindi na tatakbong Senador yan eh. Ibig sabihin magsasarili kayo. Kasi sa mga nakaraan ang nangyayari po Senator, na napu-push na tatakbong Presidente o Bise Presidente, kapag hindi nangyari, lilipat ng ibang partido, o gagawa ng sariling partido.

    Pero kayo po, ay marami pong nagulat na talagang iba po ang inyong paninidigan, At dito po ay talagang nagpasakop po kayo at sumama po kayo sa ticket ni VP Leni at Senator Kiko.

    SENATOR SONNY TRILLANES: Opo. Nung, nung panahon po na ‘yun kasi, talagang si VP Leni ay, talagang hindi naman siya nagpa-plano na tumakbo ng pagka-Pangulo. So, tayo naman, sa oposisyon ay hindi naman puwedeng wala tayong kandidato. Pero naniniwala kami, simula’t sapul na si VP Leni ang pinakamagaling na kandidato sa hanay ng oposisyon. Kaya nung eventually nung nag-decide siya ay wala nang ano pa, no, wala nang drama pa at delay. Kumbaga eh, iba’t ibang, paikot-ikot pa, kundi suportahan na natin kaagad. ‘Yun po ang ginawa natin.

    ELY: At marami rin po ang nagulat at humanga mismo kay VP Leni dahil sa, ‘yung kasama niya po sa ticket, no at may mga guest candidate ho kayo, na talaga namang hindi natin maitatatwa, at alam ho natin, mga kababayan, na hindi kayo nagkaroon ng magandang relasyon noong ikaw pa’y nasa Senado pa, di ba?

    Pero papano ho kayo nakumbinsi? Kasi ‘yung iba talagang hindi, hindi ako sasama diyan kung nandyan si ganito. So, kayo ho ay, papaano ho ninyo tinanggap at paano kayo nakumbinsi ni VP Leni na sumama at itong ganitong personalidad, eh sabihin natin talagang, o kaaway niyo ho noong nakaraan, so papaano ho, ano’ng nangyari?

    SENATOR SONNY TRILLANES: Ang, ganito po ano, noong sinabi po sa amin yan, sa akin ni VP Leni, siyempre meron akong mga reservations. Pero, itong eleksyon na ito hindi ito tungkol sa kin, ano. Tungkol ito sa kinabukasan ng ating bansa, at ang lider na pinili namin ay si VP Leni. So siya ‘yung lider, ultimately ‘yung desisyon niya, kung anuman ‘yung aming reservations or opposition, kinonsidera naman, to be fair, ni VP Leni. Pero dun sa kanyang pangkalahatang pananaw, ay mas ikabubuti ito or makakatulong sa pag-accomplish nya ng mission.

    ELY: Opo. So dito masasabi natin na isa po talaga sa katangian dapat ng isang Pangulo, kasi pag ikaw naging Pangulo, pag pasok mo hindi naman lahat sa yo bumoto eh. Di ba? Hindi mo naman, ‘yung iba hindi kakampi. Kaya ‘yung iba, pag, pag napwesto, pag hindi tumulong, hindi kakampi, itsa pwera, eh.

    So dito lumilitaw at pina, pinaramdam na ni VP Leni na kahit na anong sektor ka o kampo, puwede pala mapag-isa.

    SENATOR SONNY TRILLANES: So yun naman ‘yung isang katangian nga ni VP Leni bilang lider, nakatingin na siya kaagad dun sa, in the event na mananalo siya bilang Presidente, ay hindi ‘yung magbubuklod-buklod, ano. So sa kanya, ready na siya talagang tutukan yung mga problema ng Pilipinas, which would require a national unity.

    ELY: Opo. Ok, at kayo po Senator, ano po ang inyong plano para sa susunod na, eto ‘yung mga sumusunod na isyu at usapin tulad po sa, ‘yung sa West Philippine Sea ngayon, talagang grabe at siguro hingan ko rin kayo ng reaksyon. Kasi nung isang araw nasa Zamboanga si Pangulong Duterte, sabi niya halos lahat ng kanyang pangako ay nato- natupad na ngayong papalapit nang matapos yung kanyang termino.

    SENATOR SONNY TRILLANES: Well, alam po natin na hindi po totoo yan. Malaking kasinungalingan yan, at ito no, ‘yung sinasabi niya na in three to six months ay tatanggalin niya ‘yung krimen, corruption, at illegal drugs. Pero lumala po ‘yung krimen, ano. Marami nang, in fact pati yung kapulisan na supposed to be sila ay ‘yung nagbabantay sa mamamayan ay sinasangkot sa mga criminal activities.

    Tapos, lumala din yung corruption. Nakita niyo naman ‘yung Pharmally, ano. At  PhilHealth, iba-iba, Customs, sa Bucor, iba-ibang forms of corruption. So alam niyo ngayon, Ka Ely, sa totoo lang, ‘yung bawat ahensya ng gobyerno, may sindikato ng corruption. At yan ‘yung kailangang basagin.

    Then finally, sinabi niya illegal drugs, eh tone-toneladang pinapasok na droga, primarily, itong mga ka-partner niya na si Michael Yang, no? Ito ay involved sa illegal drugs sabi nung PNP Deputy, dating Deputy ng Drug Enforcement Group. Ay, drug lord to, sabi din ni Lascañas, yun isang dating miyembro ng Davao Death Squad. Eh, ito ‘yung mga ka-partner ni Duterte sa Davao at pino-proteksyunan.

    So ‘yun palang drug war ni Duterte ay nakatarget lang sa kompitensya. So, sila ‘yung nagpasok, so lumala ‘yung droga, crime, and corruption. So paano niya ngayon masasabi na, na ito ay nagawa niya.

    And finally ‘yung sa West Philippine Sea. Maalala nung mga kababayan natin dun sa debate noon, ano, na magje-jet ski daw siya papuntang ano, Spratly para daw ipaglaban ‘yung sa atin. Pero anong nangyari? The past five years, talagang halos isinuko niya ‘yung sa atin at isinantabi pa ‘yung ruling ng arbitral tribunal. So, in fact, siguro sa, sa sampung pangako niya o sa isang daang pangako niya, baka mga dalawa, tatlo lang ‘yung nagawa niya diyan.

    ELY: Siguro, in fairness, ‘yung nagawa niya ‘yung ipataas ‘yung sweldo ng pulis at militar. Yun lang-

    SENATOR SONNY TRILLANES: Yun po, kasama na ‘yun sa dalawa-tatlo. [laughter]

    ELY: Pero, sa dami, kasi, ako mismo no, at bilang komentarista at marami pong lumalapit ho dito sa atin, mga manggagawa na madalas eh, parang, di ba nadedehado sa mga kumpanya. ‘Yung kontraktwalisasyon eh, na-approve po ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso, tapos hindi pinirmahan.

    SENATOR SONNY TRILLANES: So ‘yun.

    ELY: Oho.

    SENATOR SONNY TRILLANES: Eh ‘yun po, maliwanag talaga ‘yun, ipinangako niya ‘yun. Tapos, hindi niya masasabing ang Kongreso ang may kasalanan, kasi talagang in-approve sa Senado’t Kongreso at nilatag sa kanya, pipirmahan na lang niya. Pero di niya pinirmahan.

    ELY: Opo. Pero, kayo ho noong nasa Senado, meron din naman kayong mga isinulong na mga panukala na naging batas, di ba? Kasama diyan ‘yung sa AFP Modernization Law, at di ba na, nadagdagan ‘yung subsistence allowance ng mga uniformed personnel, at ‘yung Salary Standardization Law, at bukod ho diyan, Senator, kasi marami po ang talagang umaaray ho ngayon, eh. ‘Yung sa AFP at sa PNP medyo okay na eh. ‘Yung sa mga healthcare workers, at bagamat kayo po ay dating militar, pero marami pong umaasa sa ating mga healthcare workers, at ‘yung mga guro, ‘yung mga teachers.

    SENATOR SONNY TRILLANES: So ‘yun nga po, no. Alam niyo, dito sa panahon ng pandemya, talaga sila yung mga bayani, ‘ika nga, at itong, meron silang mga allocation na dito sa Bayanihan na  Law 1 and 2, meron silang para sa kanila. At the very least ibigay muna natin, di ba? Tapos tignan natin kung papaano pa natin mabibigyan sila ng added benefits kasi iba na ngayon ‘yung labanan sa mundo eh. Aside sa iba’t ibang kaguluhan, mga terorismo, ngayon meron na mga health scare, ano. Kaya kailangan ma-prepare natin ‘yung ating bansa for the next pandemic.

    ELY: Opo, ayun. At samantala mga kasama oras na po natin 9:26 na po ng umaga at tayo po ay napapakinggan mula po  dito sa DZXL Manila, sa DYHP Cebu, “Maayong muntag!” at DXCC Cagayan de Oro at ah DXDC, ‘yung paborito po na  lugar ni Senator, diyan po sa Davao, at DWNX Naga, at syempre sa lahat po ng naabot ng ating broadcast nationwide, netwide. So kasama po natin dito po sa Biserbisyong Leni si Senator Sonny Trillanes. So Senator, at ah ‘yun nga ho, siguro mas maganda ay mahimay din natin ‘yung, itong Duterte Administration. Kasi lumitaw ho di ba may ruling party, ibig sabihin sila ang pinaka malaka, pinaka malawak, biglang naging ano, nawalan ng kandidato, mismo, at ngayon maraming nagtatanong naku eh kung sino i-eendorso. So sa inyo po bang pananaw ay meron bang bigat pa ba kung mag-eendorso ang Pangulo kasi wala na siyang kandidato eh kaya yung iba may mga nagpaparamdam na siya raw eh, baka pag siya raw inendorso kung ano ang gagawin. So ano pong tingin niyo rito Senator?

    SENATOR SONNY TRILLANES: Ang pinakang, value ng endorsement na ni Duterte at this point is yung pondo, no? Maaring yung political base niya, parang nahigop na ni Bongbong Marcos, pero ‘yung Bong Go, being the admin candidate, yan ang inaantabayanan ng mga local candidates. So kung kunyari ay ang i-endorse nila o ang suportahan nila ay eh let’s say si Mayor Isko, eh ‘yun, talagang doon mag-pupuntahan 'yung mga local candidates nila, kasi doon sila hihingi ng pondo pangampanya.

    ELY: Pero dahil sa pera hindi dahil sa prinsipyo o kung ano man na parang para sa interes ng taong bayan?

    SENATOR SONNY TRILLANES: Never naman nag, itong samahan nila Duterte, ano ito, pera pera ito eh ‘no. Wala namang prinsipyong pinag-uusapan sa kanila, so ganoon yan. Kaya nga ang bilis gumuho noong samahan nila eh kasi pera pera lang naman kaya lang naman sila nagsama-sama the past five years.

    ELY: Opo. Okay, so Senator, at iilan din ano sa mga maiinit na isyu, tatanungin ko na rin po kayo at kasi bilang militar, ito hong pinag-uusapan na sa NTF-ELCAC. Kasi kinaltasan po ito ng malaki ano ng Senado, kasi natuklasan nila na sa dalawang libo mahigit na proyekto, programa, eh parang iilan lang ho ang natapos na programa, so kinaltasan. Pero noong isang araw, sa Zamboanga, may binabanggit si Pangulo na dapat ibalik ang ano, ang pondo na kinaltas ng NTF-ELCAC at binanatan pa nga ang mga senador eh na wala namang, kahit na ano, basta kaltas na lang ng kaltas eh wala naman daw sa ginagawa ang ating mga senador. So kayo po, ano pong pananaw niyo rito, Senator?

    SENATOR SONNY TRILLANES: Alam niyo po, lahat ng programa ng gobyerno pagka sinulat niyo yan, pagka binasa niyo 'yung sa papel niyan, eh maganda yung mga hangarin, 'yung objectives. Pero nasa implementasyon iyan at nasa level ng corruption ng administrasyon, ultimately. So 'yung nagiging kontrobersiya rito, it’s not really kung ano man  'yung programa kasi pag titignan ninyo 'yung NTF-ELCAC, ‘yung development program sa barangay level, eh maganda talaga no, at to be fair, meron talagang mga, mga barangay na naayos talaga so malaking tulong 'yun sa mga efforts ng AFP sa counter-insurgency, pero talagang mainit sa, malaking pondo, mainit sa mata ito noong mga kurakot ano. Eh kung itong pondo para sa pandemya eh kinalikot nila, di ito pang mga ganito so pero, sa inaano ko nga ano, kagaya ni VP Leni, pagka nasa kamay niya kung ano mang  counterinsurgency program eh medyo kumportable ka na hindi ito mapupunta sa bulsa ng iilan. ‘Yun’yung pinakapunto nung mga senador kung bakit kinaltasan niyan kasi eh ito ngang para sa pandemya pati bakuna hindi pa lumalabas yan ha, malaki kinita nila diyan sa bakuna, paano nila tinubuan? Eh 'yun ay pinagkakakitaan nila, ito pang mga papunta sa ano, sa ganyang mga programa.

    ELY: Opo, so binabanggit niyo ho parang nabanggit din ni VP na, 'yung pinaka layunin ng programa, napakaganda. Kaya lang nagkakaroon ng problema dito po sa implementasyon dahil sa dito nga ho 'yung mga posibleng korupsyon at ah, kasi talagang totoo naman di ba Senator, ang matagal nang binabanggit na talagang lumalakas 'yung terorismo at ah di ba 'yung insurhensiya dito sa ating bansa, ugat niyang kahirapan eh. Kaya tama naman talaga na sugpuin, unahin, 'yung ugat ng problema, 'yung kahirapan. Pero 'yung binabanggit niyo, kaso ho, 'yun nga eh baka 'yung nagpapa-implement eh nakaka, nakakakuha dahil sa napakarami rin di ba na mga programa na ganyan po ang nangyari.

    SENATOR SONNY TRILLANES: Opo, and aside from that, nasira itong reputation nitong NTF-ELCAC dahil sa iilang personalities doon na nag-subject sa witch-hunting, red-tagging, na ito 'yung kinakatakutan ng mga mamamayan na 'yung mga inosente ay matuturo ka na komunista ka na hindi naman tapos eh ikukulong ka o papatayin ka kaagad. So yan 'yung dangers naman doon.

     

    Kaya nga eh, pero itong, to be fair sa AFP, insulated naman sila doon sa political side of the program, nakatuon lang sila doon sa Whole of Nation approach na tinatawag which is 'yun naman 'yung essence noong NTF-ELCAC pero hindi lang yan 'yun 'yung programa na gumamit ng ganyang konsepto. Even noong panahon ni President Aquino, doon sa punto no, around 2013 to 2014, yan 'yung pinakamababa, pinakang konti na level ng CPP-NPA at ganyan din 'yung ginawa, 'yung Oplan Bayanihan na ginawa noong mga heneral dati ni President Aquino na 'yun 'yung naka-solve noong mga, or nakabawas drastically ng mga hanay nila. At kaya kinontra din nila 'yun, no, marami pang mga komander noon na nahuli na pag-upo ni Duterte eh pinakawalan niya. At ito ngayon 'yung mga pumapatay din ulit sa sundalo tapos nagpapanggap siya na gusto niya ngayong ubusin eh, teka pinalakas mo eh, noong binigyan niya ng tatlong Cabinet Secretaries 'yung CPP-NPA noong naupo siya kaya nakapagpasok ng maraming kadre sa hanay ng gobyerno. Tapos ngayon noong nagkahiwalayan na sila, ito naman ngayon extreme naman 'yung ginawa 'yung NTF-ELCAC, na while may development component which is good, pero itong witch-hunting and red-tagging component, yan 'yung nakasira.

     

    So 'yung palagay ko ang gustong sabihin ni VP dito is, kukuhanin 'yung, kung siya ay mauupo sa puwesto, kukuhanin niya 'yung mga magagandang ah components noong programa at tatanggalin niya 'yung mga nakakasamang components. So, di ba 'yun 'yung ideal na gagawin?

     

    ELY: Ayon, so 'yun ang talagang kung nakakabuti ay ipagpapatuloy at syempre 'yung mga hindi, eh talagang dapat na alisin. Ayun. So maganda po ito no at ah at least nalilinaw po natin. Pero sa ngayon Senator, kasi di ba kayo po ang nanguna sa at least na mahigit sa 300 junior officers at enlisted men 'yung sa Oakwood Mutiny laban po sa korapsyon sa ilalim po noon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. So ngayon ho kumusta po ang AFP? Talagang, maituturing ba, sabi nga ni VP noong parang nag-courtesy call siya sa bagong AFP Chief ay mukhang maayos naman parang puro talagang mga professional na po sila.

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Ah, iyan po ang ating assessment din dahil noong after noong Oakwood incident maraming repormang nangyari at nagkaroon ng parang soul-searching yung AFP na ayusin 'yung dapat ayusin kasi alam niyo lahat naman kami kunwari yung mga galing sa Philippine Military Academy, isang molde lang naman kami ano. So, alam nang tinuruan kami doon ng tama at ano 'yung mali, at given the right political environment, pag hahayaan mo iyang AFP, walang political intervention, ay ginagawa nila 'yung tama. So ganoon 'yung nangyari noong panahon ni, latter part actually, ni GMA merong mga na-appoint na mga magagaling na Chief of Staff, yan sila General Yano, sila General Ibrado, na doon pa lang nagsimula na, then noong nag-transition na eventually pag-upo ni President Aquino ang, hindi pinakialaman 'yung promotion system kaya 'yung mga magagaling talaga 'yun 'yung mga naupo sa puwesto. Kaya nagtuloy-tuloy yan at kahit na anong gawin na ni Duterte noong naupo siya sa puwesto, gusto niyang ipilit 'yung mga Davao group, 'yung mga nag-serve sa kanya dati, pero karamihan na kasi by then puro magagaling na, kahit nadaan pa sa Davao. So, pinipilit niya noon na sumama dun sa Tokhang 'yung AFP pero hindi sumama sa kanya. At  noong 2018 for example, inutusan niya 'yung AFP na damputin ako para i-subject sa court martial, hindi siya sinunod kasi alam nilang illegal order 'yun, unconstitutional 'yun. So masasabi mo talaga na hindi na sila nagpapakasangkapan sa political interest nunng mga nakapwesto.

     

    ELY: Opo, okay so at least magandang balita po ito at talagang masasabi natin eh dapat naman talaga kahit na sino’ng maupong pangulo, protektahan po 'yung mga institusyon tulad po ng AFP. Opo. Okay so sa ngayon po Senator, 'yung sa hanay ng PMA ano ho, di ba sa nakaraan eh nagkaroon po ng mga eskandalo at problema. Pero sa ngayon po mukhang maayos naman po tayong nakakapag-produce ng mga sundalo.

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Opo, noong bago nagsimula 'yung pandemya, umattend po ako noong alumni homecoming namin. At ganoon pa rin 'yung camaraderie. Kasi at the end of the day, kahit sino 'yung naka-upo diyan sa Malacañang, pagka nag-retire iyan, eh kayo pa rin eh, kayo kayo pa rin. So mararamdaman mo na even 'yung mga bagong mga graduate ngayon, ganoon pa rin 'yung values na itinuturo noong academy and ano siya, very inspiring na the future is, will be in good hands dito sa young officers na ito, at itong, even the current crop of senior officers.

     

    ELY: Opo, okay, 'yung sa PNP ata mukhang matitigil na rin po no 'yung mga galing PMA ano, at kailangan PNPA na lang. So mas maganda po 'yung ganoong pangyayari?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Ah, 'yun pong, tama po kayo. Hanggang Class ‘92 lang 'yung sa PMA doon sa PNP at ito supposed to be naman 'yung PNPA ay minolde rin sa PNP ay sa PMA kaya supposed to be eh ganoon din naman. Iyong namemention mo kasi kaninang mga miyembro ng PNP na na-expose sa criminal activities eh hindi naman ito pangkalahatan. Pero iba 'yung namamayagpag. Kasi kapag namamayagpag 'yung mga criminal elements within the PNP, kahit kakaunti sila, pero sila ngayon 'yung tinitingala at gustong gayahin noong mga iba so dapat eh ma-correct po 'yun para 'yung mga maayos, 'yung mga matitino sa PNP eh ma-save pa at hindi sila maimpluwensiyahan noong mga masasamang elemento.

     

    ELY: Opo, okay at sa ngayon po no papasok na po at malapit na po 'yung campaign period. Pebrero sa national at Marso sa local. At sa eleksyon marami po 'yung mga pangamba. Kayo po ay naniniwala naman na 'yung ating PNP at AFP eh magiging patas po sila no at talagang sila ay magbabantay para sa interes ng taong bayan?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Opo, tayo po ay kumpiyansa na gagawin nila 'yung kanilang mandato, kanilang duty para sa bansa so hindi po tayo nagdududa roon.

     

    ELY: Okay, oras na po natin mga kasama 9:39 na ho ng umaga at samantala 'yung mga, may madadagdag pa ho ba kayo na panu– bukod kanina binabanggit niyo kanina tungkol sa pandemya, 'yung iba pa hong mga panukalang batas sa mga hindi o naubusan ng oras o kapos po ng suporta, isusulong niyo pa rin ho ba ngayon?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Opo, ah ilan po dito 'yung ating anti-corruption advocacy. So meron tayong mga panukalang gustong itulak diyan ano 'yung exemption ng mga government employees sa Bank Secrecy Law, itong mandatory publishing ng SALN sa mga websites ng ahensiya, at the same time 'yung ano mandatory video recording ng lahat ng public bidding sa ahensiya, na itong recording na to, naka-livestream din, eh puwedeng gamiting ebidensya laban doon sa mga involved diyan sa ano no, sa mga, mga nangungurakot diyan sa mga bidding process. Kasi mahi– iyan 'yung pinakang ginagawa ng karamihan ng mga nangungurakot, nag-bibidding-biddingan lang, hindi sila actual bidding, so mga papel lang 'yung bidding ano. But kung merong video recording, hindi nila malulutasan iyan. So doon naman sa security sector reform, sa nais natin ulit bisitahin 'yung pag-increase ng benefits ng mga sundalo at pulis ano, 'yung kanilang pag-increase ng subsistence allowance muli, kasi while na-increase namin iyan noong 2012, pero 10 years ago P150 pa rin so iyan. Iyong quarters allowance nila, mababa pa rin, tapos itong combat duty pay ng mga ground troops ng AFP at PNP. So yan po 'yung ilang tututukan natin.

     

    ELY: Opo, so dapat mandatory rin po 'yung SALN ng Presidente, ihayag sa publiko?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Opo. Actually, dapat sya yung numero uno. Kung sino merong, silang mas mataas sa pwesto, silang dapat ang mas transparent sa kanilang mga finances.

     

    ELY: Kasi sa senado lahat ng mga senador eh ay ibinibigay at puwedeng makita ng mga taga-media at maging kay VP Leni pero 'yung sa ating Presidentd ay talagang, kasi nagtuturuan sila ng Ombudsman eh. Sabi nung Ombudsman, hindi, kailangan merong ano, may approval mula sa Presidente. Sabi ng Presidente, hindi bahala sa Ombudsman. So suma total, talagang ayaw.

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: So in short, talagang naglolokohan [laughter]. Alam niyo  kasi noong 2016 elections, noong kampanya inilabas ko iyan na nagpakita ako ng mga dokumento at in fact nagkita-kita kami doon sa BPI Ortigas. Sinasabi ko na may P2 billion si Duterte sa bangko. Doon pa lang, so doon mo lang malalaman na, doon pa lang kurakot na ano. At itong na-find out namin, galing 'yung pera ultimately kay Michael Yang. So malamang galing sa droga itong pera ni Duterte kaya matindi ang kapit niya sa pwesto kasi once mawala sila sa pwesto at palarin tayo ‘noh eh lalabas talaga iyan.

     

    ELY: Opo, okay at iyan ho sa mga issue no na pinaguusapan natin pero dito... Senator balik ho tayo sa personal niyo naman no at di ba kayo ay natapos ang  'yung termino sa Senado, at ah kamusta ho ang inyo pagtuturo at tinamaan nga lang ng pandemya puro online ho tayo ngayon no, virtual 'yung klase. So yung matapos po 'yung napakahabang taon din 'yung pagsisilbi sa militar tapos sa Senado, ay kamusta ho 'yung pagiging propesor?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Well, ano po Ka Ely, medyo–ano iyan–napaka-relaxed ng environment pagka ikaw ay nagtuturo at marami ka ring matutunan doon sa mga estudyante ano. So diyan nga sa UP, sa Ateneo, Public Policy rin 'yung tinuturo ko doon at Governance, so kung ano 'yung naging practice ko noon sa bilang Senador ay na-iimpart ko dito sa mga estudyante. So ibang-iba 'yung environment, napaka-relaxed.

     

    ELY: Opo. At siyempre, kadalasan kapag nasa serbisyo, lalo na serbisyong militar, talagang 'yung oras mo sa pamilya bawas na bawas eh. O kung minsan halos wala eh. Pero tapos sa Senado kayo, eh tapos naging propesor. Kumusta po ang 'yung buhay pamilya naman, Senator?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Ah talagang, lalo na ngayong pandemya, bawing-bawi lahat ng mga tatay at mga nanay na busy sa trabaho. Talagang nagkaroon ng bonding time sa pamilya at ganoon din naman 'yung naranasan natin. So 'yun lang nga siyempre mahirap din at maraming mga nawala sa buhay. So 'yun, but we’re coping through each other’s company.

     

    ELY: Okay. Kaya ko nabanggit iyan dahil sa para malaman din, ano, ng ating mga kababyan. Kasi kadalasan parang ang perception sa inyo medyo istrikto kayo Senator, eh. So kumusta ho ba ang pagiging tatay ng isang Senator Sonny Trillanes?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Naku, talagang kabaliktaran po ano doon sa perception nila. Ano tayo, spoiler tayo ‘ika nga. Kung, hindi naman 'yung , hindi rin naman, 'yung mga anak ko hindi rin naman sila humihingi ng mga kung anong magagarbong mga ano. But hindi ako mahigpit being a father.

     

    ELY: Ayun, okay.  Iyong ating mga kababayan ha, at least. Kasi parang lagi kang na-iinterview sa media puro seryosong issues Senator, eh, ang napag-uusapan natin.

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Opo, eh.

     

    ELY: So sa ngayon ay paano, namamasyal-masyal din ba kayo kasama 'yung pamilya?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Opo. Actually yon ‘yung aming mga pang-de-stress. Pupunta kami ng ano, kakain kami sa labas, or manonood ng sine noong prior to the pandemic. So 'yun po, we’re just like any normal Filipino family.

     

    ELY: Opo. At siyempre pagpasok po ng kampanya, bagamat limitado pero hindi maiiwasan na talagang lagi kayong wala sa bahay. So kumusta ang inyong mga preparasyon dito, Senator?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Ito nilalatag na po natin ‘yung mga plano sa mga sorties, pati 'yung mga pagpagawa ng mga materyales, at 'yung pag-peplace ng mga ads. Medyo may kamahalan talaga ano, but kailangan kasing– 60 million 'yung botante natin eh–kailangang malaman nila kung sino ka, ano 'yung nagawa mo, at ano 'yung plano mo na magbebenepisyo sa kanila. So that is the challenge ngayong–lalo na ngayong pandemya.

     

    ELY: Opo. Senator, kasi si VP Leni, matagal din kaming magkasama dito sa palatuntunan at talagang laging siyang biktima ano, paborito pati 'yung kanyang mga anak, ng mga fake news eh. Kayo ho ba at ang inyong pamilya ay–alam ko nabibiktima rin ho kayo–kumusta 'yung kanilang pagtanggap at paano ang paliwanag niyo sa kanila?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: For, ano meron nang mga mekanismo kung paano maiiwasan 'yun. So sila hindi sila pala-basa ng mga–oo, sa social media, mga comments so 'yung mga toxic iniiwasan nila 'yung political. Ako naman meron akong layer ano. While meron akong mga social media accounts, pero merong taga-basa noong mga comments. So fini-filter 'yun, 'yung mga nagmumura lang naman, hindi na natin, hindi na pinaparating sa akin 'yun. Kaya ay hindi rin naman ako nase-stress out doon sa mga trolls na 'yun. But alam niyo isang problema iyan na kailangan nating ayusin, ano, kasi alam niyo 'yung maraming mga kababayan tayo na nadadala sa disinformation, sa fake news. Iyong puti nagiging, ginagawa nilang itim, ano, kagaya ni VP Leni. Ang itim naman kaya nilang gawing puti dahil doon lang 'yung nagiging source ng information. Kaya kailangan makahanap tayo ng paraan na ganyan kasi ang hirap nang lumusot ng katotohanan sa social media at even sa mainstream media,.

     

    ELY: So sa ngayon nga ho, talagang marami po ano. Karamihan kasi sa mga Pilipino ay aktibo sa social media, kaya ito po ang ginagamit ano na pamamaraan ng ilang mga pulitiko at lalo na 'yung mga may pera, diba ba may mga troll army na tinatawag. So papaano niyo po ito lalabanan ng inyong tropa ni VP Leni?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Well, talagang ang–hindi natin bibitawan 'yung social media so itong mga volunteers talagang pumapasok na rin sila sa iba’t-ibang platforms. So malaking bagay 'yun para lang mailabas 'yung katotohanan, 'yung mga programa, at nagawa ni VP Leni. So talagang pinagtutulungan. But aside from that, ang advice ko nga ilabas natin sa social media 'yung kampanya. Doon sa person to person, kasi mas mabigat pa rin 'yung personal interaction kung sa pamilya niyo ay merong magpapaliwanag, mas mabibigyan nila ng halaga 'yun, ano. At siyempre 'yung mga ganito, sa mainstream media, iba kasi may disiplina at may ethics eh. Sa mainstream media, di ba, o sa–kayo bilang broadcaster, hindi kayo basta basta, instinctively ha, hindi kayo basta basta nagkakalat ng fake news. Pero 'yung mga iba lang, 'yung mga sa social media, they can do that. Walang…

     

    ELY: Wala po silang accountability.

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Walang accountability, wala silang training, walang ethics, walang disiplina to do that. So pagka nilabas naman sa kampanya at nakakausap mo 'yung mga ordinaryong mga Pilipino ay ano, mas maganda 'yung engagement. Hindi nagmumurahan, hindi…basta’t iba, iba 'yung Pilipino pagka kausap mo in person than 'yung nagkokommentaryo lang sa social media.

     

    ELY: Ayun, opo. So at least marami pong volunteers, ano, si VP Leni at 'yung buong tropa na mga kabataan na talagang hinuhuli nila 'yung mga fake news, eh. So at least magandang panlaban po ito. At base nga po sa, eto mga pinakahuling mga balita 'yung forum na inorganisa ng international research organization Stratbase ADR Institute, talagang 'yung, grabe ho 'yung korapsyon sa epekto dito sa COVID-19 eh. Kaya nga sa Bloomberg ba 'yun? Kulelat lagi tayo eh. Iyong sa COVID resilience, at 'yung pagbangon. So pagka upong upo, ano, at sa July 1, at sakaling kayo po ay palarin muli na mailuklok sa senado at si VP Leni. So isa ito sa ano talagang pagtutuunan, 'yung uugatin ang korapsyon para mapanagot 'yung mga nagsamantala sa panahon ng pandemya.

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Opo. Aside po doon sa mga panukalang batas na na-mention ko kanina, isa sa ni-request ko iyan, ano. Sabi ko nga kung papalarin ako, papalarin si VP Leni, ay isa sa hinahangad ko ay maging Chairman nitong Blue Ribbon Committee at nang sa ganon, ma-eexpose natin, makikita noong kababayan natin, kung gaano kalalim, at kung gaano kalawak 'yung korapsyon sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ngayon. Kasi doon lang nila makikita, akala kasi nila 'yung idea ng iba ng korapsyon is 'yung may mga humihingi ng lagay whether traffic enforcer, o kung ano sa mga LTO, 'yung mga ganoon lang eh. Iba, 'yung high level corruption palakihan po iyan. Bilyon 'yung nakawan diyan. At ito, ito ngang si Duterte siya 'yung mastermind. Kaya inaarbor niya itong mga opisyales na involved dito sa Pharmally. At makikita nila iyan pagka tayo ay papalarin, at lalo na kung si VP Leni ay papalarin.

     

    ELY: May binabanggit si VP Leni na 'yung kahalagahan ng pagiging malusog ng isang public official, o lahat po ng mga public officials ay napaka-importante. So kasi, alam naman natin na si Pangulo, at pag ang tagapagsalita ang nagsabi parang mga doktor, no? Pero importante bang maging issue rin ito, sa 'yung mga tatakbong Presidente na talagang dapat ay malusog at kasi Senator, pag Presidente ka, kailangan malinaw ang pag-iisip mo, lahat 'yung pangangatawan mo kasi ikaw ang magde-desisyon para sa mga taumbayan eh?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Yes. I totally agree with that. Aside din sa ano mo, 'yung pangkalusugan, 'yung medical exam talaga, at the same time…

     

    ELY: Hindi lang drug test. Siguro lahat na ano?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Oo yes. And 'yung, alam niyo 'yung drug test, hindi iyan 'yung mag-sasubmit ka lang ng sample. Kailangan iyan 'yung mga, in public ano, and random. Talagang makikita nila, kukuhanan ka ng hair sample, at 'yun ang gagamitin pang-drug test. Kasi pangmalaliman yan ano na examination. Malalaman talaga iyan. Kasi kung 'yung ano lang, unang-una hindi naman nakita kung sino bang nagbigay nung sample eh. Baka ano lang iyan, kung sinong tao lang, assistant lang 'yung nagbigay noong urine sample.

     

    ELY: Kasi ako, nagre-renew ako ng LTOPF, talagang binabantayan pa ko. Iyong sa urine drug test, may nakabantay pa sa likod ko, eh.

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Oo, may nakabantay, hindi ba, nakatingin. Pero hindi, eh, nilabas na lang resulta. Hindi naman puwede 'yung ganoon, kasi baka nagkaroon ng palitan in the process. So kailangan iyan random, talagang with the full view ng media, at 'yung sample 'yung hair follicle test na tinatawag nila. Mas ano daw 'yun, mas comprehensive 'yung exam na 'yun.

     

    ELY: So talagang doon makikita  kung talagang gumamit ka ng droga kahit na medyo matagal-tagal na. Kasi baka yung tatakbo na ito eh huminto na muna. Puwedeng ganoon eh.

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Oo, pero eh karamihan 'yung mga ganyan talagang hindi rin nila kayang huminto kung pag more than one week ano. At itong–itong mahirap ano, itong panahon ni Duterte, sinasabi nila galit na galit sila sa adik. Ngayon ang reasoning naman, okay na 'yung adik basta ang importante ay ano raw, kung anong gagawin. Sabi ko ano bang gagawin? Hindi rin masabi eh. Basta raw, so hindi puwedeng ganyan. Hindi puwede tayong maglagay ng adik na Presidente ng Pilipinas kasi nawawala sila sa hulog. Eh may mga desisyon na nakakaapekto ng buhay ng Pilipino, kaya kailangan alerto ano, listo 'yung pag-iisip nila.

     

    ELY: Ayon, okay. So kaya nga nagkukumpara po Senator, sa isang pangkaraniwang manggagawa, papasok sa trabaho, napakaraming requirements. May mga medical exam, lahat ho. Kung minsan may drug test, kumpleto ho eh. Pero sa pag-aapply bilang Presidente ng Republika ng Pilipinas, parang napaka-luwag.

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Well, ayon na nga. Kaya kailangan obligahin natin ano, 'yung mga, pressure iyan eh ng mga kababayan natin at ng mainstream media ‘no, na mag-ano kayo, sabay-sabay kayong lahat. Isang accredited na drug testing center, at an appointed time doon kayo magkita-kita. Ipakita niyo na walang tinatago, ano. At hindi lang iyan, pati 'yung credentials din. Ano ba 'yung talagang, eh ito hindi puwedeng, hindi ba pag nag-aapply ka sa trabaho, 'yung resume mo kailangang tapat iyan. Hindi puwedeng gumawa ka lang ng kuwento diyan. Hindi ba pagka nahuli iyan, sisante kaagad iyan eh. Hindi ba? Eh ito nahuli, hindi ka puwedeng magpanggap na graduate ka pero hindi ka naman graduate.

     

    ELY: Hindi ka puwedeng magpagawa sa Recto ng kung anong diploma. Hindi ka naman graduate.

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Pagka ginagawa niyo iyan, naku walang gagawing tama iyan sa gobyerno. Kasi alam niyo P5 trillion 'yung pondo ng gobyerno every year, tapos kung 'yung simpleng resume mo ay titirahin mo tapos sasabihin mo graduate ka nang di ka graduate, ay ano 'yun, ibig sabihin noon, kaya mong manloko sa taumbayan pagka nabigyan ka ng puwesto.

     

    ELY: Okay, naku napakabilis po ng oras. Tatlong minuto na lamang po bago sumapit ang alas-diyes ng umaga at siguro po Senator ay hingan ko kayo ng mensahe para po sa ating mga kababayan na nakikinig diyan sa Cebu, sa Cagayan de Oro, sa Davao, diyan po sa Naga. Sige po ano pong mensahe ninyo?

     

    SENATOR SONNY TRILLANES: Well, unang-una nagpapasalamat ako sa RMN DZXL at sa inyo Ka Ely for this opportunity to be heard ano ng mga kababayan natin. Alam niyo po napakaimportante ng eleksyon sa 2022, kailangan natin sumuri nang maayos, huwag tayong magpapapaniwala kaagad sa fake news ano, 'yung mga paninira na wala namang basis. Laliman po natin, hanapin natin talaga kung ano 'yung mga nagawa ng bawat kandidato. Tingnan natin kung may kakayanan silang gawin 'yung mga pinapangako nila. Kasi nabola na po tayo diyan nung 2016, ano. Sinasabi natin may, itong si Duterte, ang dami niyang sinabi pero hindi naman pala niya kayang gawin. So huwag na po tayong umulit sa ganoon. Kaya ayon po ano, magsuri tayo nang maayos at pumili nang tama at yoon ang mangangalaga ng kinabukasan ng Pilipinas for the next six years. So maraming salamat po sa inyo.

     

    ELY: Opo, okay maraming salamat mga kasama. Iyan po si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV. At isa po sa mga kandidatong senador sa ticket po ni VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan. Okay, maraming salamat mga kasama sa inyong patuloy na pagsubaybay at diyan sa mga taga-Cebu DYHP Cebu, sa DXCC Cagayan de Oro, DXDC Davao, at sa DWNX Naga. Maraming salamat po at magandang umaga. At siyempre, dito po sa DZXL Manila. Maraming salamat sa pangalan po ni VP Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong Radyoman Ely Saludar. Muli po isang magandang umaga, Pilipinas.

    [END 56:33]

    Posted in Transcripts on Dec 05, 2021