This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 237

    BISErbisyong LENI Episode 237 

    ELY: Magandang umaga Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa nanamang edisyon ng BISErbisyong LENI sa RMN. At siyempre, mga kasama, ngayon ay araw ng Linggo, Sunday November 21, 2021. Mula pa rin ho dito sa DZXL Manila tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng ating inaabot ng broadcast nationwide, netwide. Magandang umaga, ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. At siyempre, mga kasama, espesyal din po itong edisyon ng BISErbisyong LENI at mamaya makakausap po natin ang isa po sa mga kandidatong senador ng ticket ho ni VP Leni. Pero samantala bahagi pa rin ng BISErbisyong Leni iyong pagbabalik-tanaw sa nakaraang linggo ng ating Bise Presidente, iyong kaniyang mga aktibidad.

    At ito nga po sya ay bumisita sa Nueva Ecija, mga kababayan, at nagkaroon po ng kumustahan with kalamansi farmers at mula sa Palay and Kalamansi Farmers Agriculture Cooperative. Nagsagawa rin po People’s Assembly with Senator Antonio Trillanes IV at labor leader Attorney Sonny Matula.  At siyempre bumisita din si VP Leni kay Senator Leila De Lima sa PNP custodial center dyan po sa Camp Crame. At ang pinakahuli ay noong Biyernes at kahapon, Sabado ay bumisita sa lalawigan ng Quezon si VP Leni at nakipagpulong din sa mga farmers at traders at sentrong pamilihan diyan po sa Sariaya Multi-sectoral Meeting. At nagkaroon ng Multi-sectoral Meeting at pagpupulong din sa Women Leaders at iyong Robredo People’s Council with volunteer groups, community leaders, frontliners, business groups dyan po sa Lucena City.

    So marami ho, punong puno po ang schedule ng ating bise presidente at tuloy tuloy din po ang pagtulong sa ating mga kababayan sa kabila po ng pandemya at dito rin ho, mayroon naman iyong ano, ano, pagdalo ni VP Leni sa Philippine Business Conference and Expo Presidentiables’ Forum na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce Industry o PCCI nitong Huwebes, November 18, 2021. At kabilang nga po sa dumalo si VP Leni at dito, ibinahagi ng Bise Presidente ang mga plataporma nya para sa iba’t ibang issue tulad ng COVID-19 Pandemic, kawalan ng trabaho, edukasyon imprastruktura, agrikultura, science and technology at iba pa. Dito nga po iyong tinatawag niyang Kalayaan sa COVID-19 plan, mga kababayan. At iyong pag-kontrol din sa pandemya at iyong mga mitigating—iyong mga gagawin ano, pagtugon dito pa rin ho sa pandemya mga kababayan. So napaka-importante iyong epekto ho nito, 'di ba. Dami ho, 'di ba? Trabaho, edukasyon, imprastruktura, agrikultura, science and technology. So iyon ho, at binanggit din po ng pangalawang pangulo iyong pagdadagdag, karagdagan suporta para po sa mga healthcare workers, at pagsasaayos at papapabuti sa hospital capacity 'di ba mga kasama at mas magkaroon po ng mga COVID testing na mas accessible sa lahat po ng mga Pilipino. Kasi ngayon po talagang napakahirap po eh 'di ba? Iyong iba talagang umiiwas po sa testing, bakit ho? Baka magbayad. Iyong iba naman may mga LGU na libre pero limitado mga kababayan. So iyon po ang mga binabanggit at isa rin ho sa maganda dito ay iyong pagtiyak din sa bakuna para po sa lahat no at dadagdagan po ng kapasidad iyong mga local health units at so, hahayaan po sila na ano, sila ho mismo mag-dispense ng vaccine on their own sa kani kanilang mga LGU.

    At siyempre ito importante din ho ito, mga kasama, hindi po naiisip ng kasalukuyang administrasyon iyong stockpiling ng iba’t ibang COVID treatment medicines, at pagpapakalat at pagde-deploy sa mga lugar na kung saan ay kulang na kulang iyon ho, mga kababayan, 'di ba. Eh kasi ngayon parang tumututok sila sa mga PPEs, iyong mga medical supplies, nakalimutan po iyong mga gamot, iyong mga tinatawag na treatment medicines, 'di ba ang daming mga nangamatay. Iyong iba talagang hindi po makabayad at napakamahal mga kasama. Iyong mga Remdesivir na iyan, iyong Tocilizumab. So napakarami ho, sana iyon ho iyong pagtuonan ng pansin ngayon pero hindi ho at tinake po yan ni VP Leni, mga kasama, na kanyang tutugonan at popondohan. So at least ito, iyong ipapasa din iyong mga stimulus package at least 100 billion pesos, mga kasama. So napakarami mga kasama ng mga binanggit po ng Bise Presidente at siguro ay maganda ay makasama na ho natin sa diskusyon ang isa po sa mga kandidatong senador o senatorial aspirant sa ilalim po ng grupo o ticket ni Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan, mga kasama. Okay so, okay iyong mikropono ha.

    ELY: Okay, samantala, mga kasama, ito na ho. Pakikilala na natin ang isa ho sa mga kandidatong senador ng ticket nina VP Leni at Senator Kiko Pangilinan, walang iba kundi si Atty. Alex Lacson. Atty., magandang umaga sa iyo.

    ATTY. ALEX LACSON: Magandang umaga po, Ka Ely, at magandang umaga po.

    ELY: Okay, sandali lang ho aayusin natin ang ating linya, sandali. Pakiayos nga, engineer. Iyon okay… Okay, Atty. Alex Lacson, magandang umaga po at siyempre mula dito sa Metro Manila tayo ay napapakinggan sa DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga at siyempre naka-Facebook live tayo. Atty., magandang umaga po sa inyo.

    ATTY. ALEX LACSON: Magandang umaga po, Ka Ely, at magandang umaga po sa lahat ng mga nakikinig sa atin ngayon, sa lahat ng mga kapatid, kababayan natin sa buong Pilipinas po, ano. At gusto ko rin po batiin si kung saan man po sila ngayon, si VP Leni, Senator Kiko at iyong ka-tropa po natin sa Tropang Leni at Kiko.

    ELY: Okay at ito ho espesyal po iyong ating pagtatanghal ngayong umaga dito po sa BISErbisyong LENI kasi nais po ng ating Bise Presidente na lubos ding makikilala, ano, iyong mga kasama nya sa ticket, iyong mga kandidatong senador kasi madalas syempre si VP Leni at si vice presidential aspirant Kiko Pangilinan ang nakakasama dito sa palatuntunan. Ngayon ho,  mapalad ho tayo dahil sa maganda malaman din natin mismo, manggaling sa bibig ni Atty. Alex Lacson iyong kanyiang siguro sa pangkalahatan, nasama ka sa ticket Atty. Lacson so naniniwala ho kayo dito sa plataporma ni VP Leni at ano ba iyong talagang nagustuhan niyo dito para ho sa taumbayan.

    ATTY. ALEX LACSON: Oo, maraming salamat Ka Ely, ano. Siguro kaunti, magpapakilala muna ako nang kaunti.

    ELY: Ay, oo sige ho.

    ATTY. ALEX LACSON: Baka marami pang hindi nakakakilala sa akin, ano.

    ELY: Sige po.

    ATTY. ALEX LACSON: Ako po si Atty. Alex Lacson. Isa pong abogado at isa pong manunulat ng libro, mga libro para sa po sa bayan no. at isa rin pong good governance and development leader po, ano. At isa rin pong tumutulong sa through sa mga organizations po na kasama po ako na tumutulong sa maraming mahirap na pamilyang Pilipino na magagawan po sila ng hanapbuhay at matulungan po iyong mga mahihirap na kabataan para po sila ay makapagtapos sa kanilang pagaaral through scholarships po, ano. Sige po bilang manunulat ng libro, essentially po writer po ako, ano Ka Ely. Iyong unang librong sinulat ko ay iyong 12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country na sinulat ko po ito noon 2005 at modesty aside, hindi naman sa pagmamayabang po no, sumikat po iyong libro pong iyon, ano at dahil po sa librong iyon may mga organizations po na nag-invite po sa akin. Halimbawa po is iyong Public Governance Institute. Naging—for the past 10 years po I’ve been involved po doon at naging presidente po ako doon, naging CO po ako doon. At itong IAC, bilang public governance institute, tumutulong po ito sa maraming LGUs at NGAs or National Government Agencies, para matulungan po sila na ma-achieve po iyong mga vision at development goals po nila ng five-year development goals, three-year development goals. So, nagke-create po tayo ng mga strategies at mga programs para po ma-achieve po nila iyong mga development goals po nila and transformational goals, ano.

    So iyon po, naging director din po ako ng, at Vice President po no for almost 15 years now ng Alay Buhay po, ano, Alay Buhay Foundation, tumutulong po sa maraming mahihirap ng Pilipino para matulungan po sila magkaroon ng hanapbuhay at doon din po sa maliliit na negosyo nila may microfinance din po tayo at tumutulong din po sa pagbibigay ng school, financial assistance and scholarship dun po sa mga anak po nila, ano. Naging director din po ako ng—for many years ng World Vision Philippines, ito po ay isang global organization nagooperate po in more than 100 countries no. at ito ay tumutulong sa pagpapaaral sa mahihirap na estudyante bilang scholars po. In fact po, taon taon libo-libong mahihirap na estudyante ang tinutulugan biliang scholars po ng World Vision, ano. So iyon po essentially po ako ganoon po iyong naging nature po involvement ko no pero taga-Negros po ako Ka Ely, ano.

    ELY: Kabankalan, Kabankalan kayo no?

    ATTY. ALEX LACSON: Kabankalan City po at hindi po tayo galing sa mayaman o malaking pamilya, simpleng pamilya po, ordinaryong pamilya may galing po sa kahirapan din po.

    ELY: Marami akong kamag-anak dyan, Atty., sa Kabankalan sa dati iyong nagsarang minahan.

    ATTY. ALEX LACSON: Oo. Okay po

    ELY: Sa Bacolod kasi may mga..

    ATTY. ALEX LACSON: Iyong minahan sa Kabankalan iyong sa Sipalay.

    ELY: Opo Sipalay, Sipalay pala.

    ATTY. ALEX LACSON: Sipalay, Maricalum po, ano, o tapos marami pong kilala din doon. Iyong nanay ko po public school teacher ng Grade 2 buong buhay niya po hanggang sa mag-retire siya. Iyong tatay ko naman po high school graduate ang natapos pero natutong mag—land survey, so naging land surveyor sya. So walo po kaming magkakapatid. Pangalawa po ako doon sa dulo, pero noong college kasi po medyo talagang medyo hirap kami noon so I had to—I had to work and study po—bilang working student. So working student po ako ng buong buhay ko sa kolehiyo. Nagtatrabaho sa araw tapos nag-aaral sa gabi hanggang matapos ko po iyong abogasiya ko.

    ELY: Atty., kasi iyong sinusundan kong palatuntunan, si Fred Mison. Pareho nating kaibigan. Nabanggit niya na nakakuha kayo ng full scholarship, ano, sa Philippine Military Academy sa Baguio. Parehas po kayong nag-PMA.

    ATTY. ALEX LACSON: Opo, opo.

    ELY: Pero bakit hindi niyo natapos? Parang dumiretso ka ulit sa UP pagkatapos ng PMA?

    ATTY. ALEX LACSON: Opo. Ginusto ko po na maging abogado so doon po ako nag-aral at naging abogado. Kapareho po ni Atty. Fred Mison, siya naman po nag-aral sa Ateneo, sa mga guwapo’t mayayaman kasi ang Ateneo, ano. [laughs] Sa UP naman po para sa mga guwapo na mahihirap na matatalino. [laughs]

    ELY: So pareho kayo ni VP Leni na taga-UP rin.

    ATTY. ALEX LACSON: Opo, opo.

    ELY: Pero, Atty., sa dami rin ng—iyong credentials ni Atty. napakahaba, talagang kapag binasa mo aabutin tayo ng mahigit isang oras, eh. Mauubos ang oras natin dito sa ating palatuntunan. Tapos parang nagkaroon din kayo sa Harvard Law School at saka iyong, ano ba ito, mayroon din iyong Christian Leadership Training.

    ATTY. ALEX LACSON: Opo, opo. That’s a leadership training sa Singapore. So diyan din po galing—diyan po nag-training si former Chief Justice Reynato Puno. Na-inspire nga ako sa kaniya, eh. Iyong pamangkin po ni Chief Justice Reynato Puno po iyong nag-encourage sa akin. At the time po, si Reynor was the president of Haggai Alumnus Philippines. Siya po nag-invite sa akin doon. So ayon po, ano. Si dating governor Grace Padaca din po alumnus din po diyan.

    ELY: Okay, so kilala niyo na ho ha—kilala ko na si Atty. Alex Lacson—para sa ating mga kababayan. So dito naman ho tayo sa—kasi ‘di ba may kaniya-kaniyang—bawat presidential candidate mayroon pong mga plataporma. Kayo po ano po ang nagustuhan niyo at talagang tumugma sa inyo pong adbokasiya at paniniwala dito po sa plataporma ni VP Leni?

    ATTY. ALEX LACSON: Alam niyo po ang unang-una po, bago po iyong plataporma, iyong klase po ng politika na dala ni VP Leni, iyon po, ano. Iyong parating sinasabi ni VP Leni iyong mas radikal ang magmahal. Alam niyo po, aligned na aligned sa akin iyan. Kaparehong-kapareho po kami ng klase ng politika na sinusulong—iyong politika ng pag-ibig at politika ng pagmamahal sa kapwa. Iyong partido po kung saan ako tumatakbo, ano, I was one of the founders of this po, ano. I was one of the original members of this. Naging first Secretary General po ako ng Kapatiran Party noong 2004, ano. Ang sinusulong po naming politika ay politika ng Kapatiran—iyong Kapwa ko, Kapatid ko. The politics of love po, ano. So iyong politika, again, ng pagmamahal sa kapwa. Mas radikal po talaga ang magmahal sa kapwa. Iyong instead na binabastos ka na, minamahal mo pa siya, ‘di ba. Binabastos ka na, nirerespeto mo pa siya. Kasi iyon lang naman ang klase ng politika na totoong magbabago sa lipunan natin, eh, ‘di ba. Iyong politika natin ngayon sobrang sama na ho, eh. Iyong politika natin ngayon sobrang dumi na iyong politika ng awaya, politika ng bangayan, ng siraan.

    ELY: Atty., nadagdagan pa ngayon sa social media.

    ATTY. ALEX LACSON: Oo, misinformation, ‘di ba.

    ELY: Fake news ang dami ngayon, grabe.

    ATTY. ALEX LACSON: Oo, fake news. So ang masama po niyan kasi ang dami nating kabataan ngayon na gumagawa sila ng desisyon nila base sa maling impormasyon, na which is wrong. At itong klaseng politika po na dala-dala ni VP Leni, ito lang po ang klase ng politika na mag-aayos ng ating lipunan, ano. Politika ng pag-ibig, politika ng pagamamahal sa kapwa, politika ng katotohanan, politika ng katarungan. Iyon lang po ang klase ng politika talaga na mag-aayos ng ating bansa, ano. So ako, tugmang-tugma po kami ni VP Leni po roon, ano. At saka iyong politika ng solusyon, ‘di ho ba. Si VP Leni talagang politika ng solusyon ang alay-alay niya. May solusyon siya sa pandemya, may solusyon tayo sa korapsyon, ‘di ba, may solusyon tayo sa kahirapan, may solusyon sa kakulangan ng trabaho, ano, ng mga kabataan at maraming pamilyang Pilipino. So tugmang-tugma ho kami roon ni VP Leni. In fact po, iyong isa sa mga tagline na dala-dala ko po iyong—bilang Alex Lacson, ang alay ko po ay solusyon. Kasi gusto ko po talagang tutukan iyong mga problema ng kabataan at problema ng maraming mahirap na Pilipino, na kapareho po alaga sa Angat Buhay program ni VP Leni na gustong-gusto po natin, ano.

    ELY: Okay, at siyempre ay kilala na ang pamilya ni VP Leni, hindi po sila—puwede sila lumikha ng dinastiya, eh, sa Naga pero ayaw po mismo ng yumaong Secretary Jesse Robredo. Kasi ‘di ba kadalasan dito, Atty., dito po sa atin sa bansa, halimbawa tapos na ang termino ng isang ama, ipapalit iyong asawa eh o mga anak.

    ATTY. ALEX LACSON: Alam niyo po pasama nang pasama ang sitwasyon ng bansa natin diyan, ano. Dati siguro, sabihin mo pa mga 1950s, 1960s, wala namang ganiyang klaseng kuwento na mag-ama, mag-ina, parehong mayor, vice mayor, ‘di ho ba. Fifty years ago wala namang ganiyan, magkapatid, mag-ama, ‘di ba, parehong governor, vice governor. Ngayon, lantaran. As in ginagawa na ng marami.

    ELY: Mayroon nga, Atty., nag-research ako, eh, sa Masbate, iyong tatay governor, iyong asawa vice governor, iyong anak congressman, iyong isa pang anak mayor. Sabi ko, iyong sa board member at saka konsehal, baka iyong driver puwede. [laughter] Ibig sabihin, baka puwedeng…

    ATTY. ALEX LACSON: Puwede ho.

    ELY: Pero, Atty., iyong Ateneo parang nag-ano rin po…

    ATTY. ALEX LACSON: May ginawang study. Si Dr. Ron Mendoza po iyan. Nagsimula po siya na Executive Director ng AIM. At tapos noong na-appoint po siya na Dean ng Ateneo School of Government, pinagpatuloy niya po ngayon. So more than 10 years na pong ginagawa ni Dr. Ron Mendoza iyan. At ang ganda po kasi talagang tinututukan niya itong—

    ELY: At nakita doon, Atty., kasi naging guest ko rin siya, na iyong mga probinsya o lugar na may talagang dinastiya, iyon ang mga mahihirap na lugar pa rin.

    ATTY. ALEX LACSON: Totoo po, totoo po. Pero kung papayagan niyo ako, Ka Ely, ano, kung idi-discuss natin ito kasi ang gandang topiko po ito. Sinulat ko po ito sa libro ko, doon sa latest book ko, iyong 500 years without love.

    ELY: Ah, hindi pa ako nabigyan ng isang—iyong nakaraan, iyong unang libro mo mayroon ako, eh.

    ATTY. ALEX LACSON: Dapat bigyan din kita.

    ELY: Next time. Magkikita pa naman tayo.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Ito po ay ni-launch ko siya, nilathala ko siya last year. Ito po iyong latest book ko. This is my fourth novel po—18 years in the making ito, Ka Ely. Binuhos ko talaga iyong buong puso ko at kaluluwa ko po rito, ano, at ang tawag ko po rito, pasensya na kayo, ha, ito iyong modern version ng Noli Me Tangere ni Rizal. So dini-discuss po sa librong ito iyong social cancer po. Iyong cancer ng ating lipunan, ano, at ano ba iyong mga ugat at root causes ng cancer ng ating lipunan. Bakit tayo mahirap? Bakit 80 percent ng ating mamamayan ay sadlak sa kahirapan, ano? At bakit parang pasama nang pasama ang sitwasyon natin? Nauungusan na tayo ng lahat na karatig-bansa natin, ano. So ‘di ba, 60 years ago itong Singapore, South Korea, even China, ‘di ba, mas backward sila compared sa atin. Mas nangunguna tayo noon. Tapos after 60 years, tingnan mo iyong sitwasyon nila tapos naungusan tayo. Ano bang problema natin, ano. Ano ba iyong pinaka-ugat ng social cancer at cancer ng ating lipunan? So diniscuss ko po roon sa libro at siguro, matutuwa kayo, Ka Ely, na iyong unang factor doon—ang unang pinaka-ugat na sinabi ko roon ay itong mga political dynasties po kasi sila po ang nagbibigay ng bad leadership sa ating bansa sa mga LGUs, ano. Tingnan niyo po, ano, ayon sa pag-aaral, sa pagsisiyasat ni Dr. Ron Mendoza, almost 82% ng ating mga probinsya sa bansa, nasa kamay po ng mga political dynasties, ano. Tapos more than 50% naman ng mga mayor po sa ating bansa nasa kamay din po ng mga political dynasties. At 76% ng miyembro sa Congress ay political dynasties din po. Ano pong masama doon sa political dynasties? Unang-unan po, they provide bad leadership, ano. Pangalawa po, iyong leadership po na nakatutok lang sa pamilya, sa sarili, but hindi talaga iyong leadership na babaguhin mo iyong sitwasyon ng ano tapos iangat mo iyong buhay ng iyong mga constituents.

     

    Pangalawa po, korapsyon, ‘di ho ba. 

     

    ELY: Iyan ang pinakamatindi diyan.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Kasi ang korapsyon ho halimbawa kung nakaupo ang tatay tapos ang papalit sa kaniya asawa niya o kamag-anak niya, hindi na po hahalungkatin iyong mga kalokohan.

     

    ELY: Hindi na iimbestigahan iyan.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Hindi na iimbestigahan.

     

    ELY: Itutuloy na lang.

     

    ATTY. ALEX LACSON: At lalo pa pong i-e-expand iyan, ano. So, tapos ang korapsyon hindi lang po doon sa pera. Ang korapsyon po including po roon sa mga kultura ng kabataan kasi wala pong meritocracy, eh. Alam niyo po iyong mga scholarships na binibigay ng maraming politiko, hindi naman po naka-base iyon sa merit, eh, ‘di ba. Ang scholarship na binibigay po nila base sa loyalty, hindi sa merit. So sinisira niya po iyong konsepto ng meritocracy ng mga kabataan. So iyon po, ano, nasisira niya po iyong including appointments doon sa lugar nila, hindi na po based on merits pero naka-base po roon sa loyalty.

     

    ELY: Okay, Atty., kung saka-sakaling kayo po ay palarin na mapunta po sa Senado, so ano ho ba iyong mga puwede niyong isuporta? Kasi nilatag na rin ni VP Leni iyong kaniyang iba’t ibang mga plano. Halimbawa, iyong kaniyang Kalayaan sa COVID-19 plan. So, anong mga puwedeng itulong pa ho rito bilang isang mambabatas?

     

    ATTY. ALEX LACSON: Tulad ng sinabi ko kanina, maraming programa si VP Leni pero ako po personally, ang tutok ko ho talaga, unang-una, gusto ko pong tulungan si VP Leni doon sa paggawa ng trabaho para sa mga kabataan po, ano. Kasi marami pong kabataan ngayon na kahit college graduates, wala po silang trabaho. At iyong kabataan po natin, kung ibabase mo lang doon sa voters’ profile natin, 60% ng mga botante natin nasa kabataan, ano. So iyon po, gusto ko pong tutukan iyon. Pangalawa po, gusto ko rin pong tutukan ulit iyong pagtulong kay VP Leni para magawa ng—or hanapan ng hanapbuhay ang milyun-milyon na pamilyang Pilipino na walang hanapbuhay. Marami sa kanila walang trabaho at hanapbuhay. Kasi sa aking paningin, Ka Ely, ang pinakamalaking problema natin sa bansa ay iyong kahirapan at kawalan ng trabaho ng ating mga kabataan at ng milyun-milyong pamilyang Pilipino. Kahirapan pa rin, ano. So kung ma-address natin iyong kahirapan, ma-address natin iyong maraming sangay ng problema, iyong problema ng kalusugan, ma-a-address natin iyan kung may trabaho at magandang hanapbuhay iyong mga tao. Iyong problema po ng, of course, iyong kalusugan, edukasyon, masasagot po natin iyan. So iyong iba’t ibang sangay ng problema including iyong kriminalidad, i-a-address po natin iyan, ano.

     

    So ang pinaka-malaking problema po na gusto ko pong tutukan na katuwang po si VP Leni iyong paghanap at paggawa ng trabaho po sa kabataan at paghaanp ng hanapbuhay para sa maraming pamilyang Pilipino. At doon po nakatutok iyong mga programa ko, iyong mga plataporma ko po, ano.

     

    ELY: Okay, so napakaganda ho, ano. Kasi alam niyo, importante’t lalo iyong epekto ng pandemya dito po sa ating bansa, kaya nga ako lagi kong sinasabi sa aking daily program na dapat ang susunod na mamumuno, may kakayahan. Kasi ang dami hong maiiwanang problema, bukod doon sa lubog tayo sa utang, iyong epekto ng COVID ang daming walang trabaho, bagsak ang negosyo.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Alam mo, Ka Ely, na-mention niyo iyong utang ng bansa, ano. Noong June 2016 po, noong pagkaupong-pagkaupo ni Pangulong Duterte, ang utang natin noon, iyong national debt natin was only P6.4 trillion. Ngayon po itong—P11.93 trillion po, ano. So in less than six years po, nadoble—almost nadoble iyong utang ng ating bansa. Iyong P6.4 trillion po na iyon na national debt natin, iyong pambansang utang natin, naging accumulated na utang po iyon simula nagkaroon ng gobyerno sa ating bansa. So 100 years ago, ‘di ba. P6.4 trillion ang naging utang ng ating bansa but in less than six years po, nadoble sa administrasyon na ito. So mayroon ho talagang malaking kababalaghan, mayroong malaking problema na nangyari, mismanagement at incomepetence po nangyari sa paghandle po sa problema.

     

    ELY: May plano ho ba kayong busisiin ito kung sakaling—kasi halimbawa, umutang—kasi alam naman natin may COVID response. Kinakailangan talaga magresponde ang ating gobyerno. Pero nasa—sumasagi ba sa isip niyo na dapat tingnan din, busisiin? Kasi lahat tayo magbabayad nito, eh.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Tama ho, tama ho. Pati mga anak natin at apo natin at mga apo natin sa tuhod hanggang sa mamatay na po tayo, iyong ating mga offspring pa natin, anak ng mga anak natin, talagang… Kailangang busisiin po talaga natin ito, ano. Kailangan natin i-investigate ito at kailangan po talaga nating tingnan at siyasatin bawat isa po iyong mga utang at mga transaksyon po na nagpalaki ng utang ng ating bansa. Pero, Ka Ely, kung mamarapatan niyo, gusto ko sanang i-discuss iyong mga specific programs ko po, ano.

     

    ELY: Sige, go ahead po.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Kasi I’m sure po marami tayong listeners ngayon na hindi lang po kabataan pero siguro po iyong mga mahihirap na pamilya sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, ano. So iyong isang programa po na gusto kong tutukan ay—alam niyo po iyong franchise, ‘di ba. So halimbawa kung Jolibee, McDonald’s, Chowking, Max’s Chicken, kung ano pa hong mga negosyo, ano. Kapag nag-franchise sila,  nag-set up sila doon ng branch, ng outlet o franchise po nila doon sa probinsya, ano, sino usually po ang bumibili ng franchise doon? Halimbawa, kung doon sa probinsya, isang bayan doon sa city po sa Mindanao or sa Negros, sino po usually ang nagiging may-ari ng McDonald’s outlet doon? Usually po kung hindi ang pamilya ng congressman, pamilya ng mayor o isang pamilya ng mayamang pamilya po, ano. So dahil mayaman na rin po ang bumili ng franchise ng Jolibee or McDonald’s or Max’s Chicken po roon, hindi po nagkakaroon ng spreading of prosperity, Ka Ely. Kasi mayaman na, binigyan mo pa ng additional na negosyo, lalo pa hong yumayaman, ano. Ang suggestion ko po diyan, Ka Ely, simple lang, ano, magpasa tayo ng batas. I-reform natin itong franchise law natin at gawin natin na 50-50. Iyong 50% kapag nag-franchise, halimbawa nag-franchise doon sa Tuguegarao iyong Jolibee, sige iyong 50% puwede ang may-ari niyan iyong isang mayaman na pamilya doon pero ang 50% must be owned by a cooperative of at least 100 poor na pamilya na taga-roon po lugar kung saan ise-set up po iyong franchise na iyan, ano. Tapos itong cooperative po na 100 na mga pamilyang Pilipino po, ano, na mahihirap, para po doon sa capital requirements, sa financial requirement nila, tutulungan natin sila. Papatulungan natin sila doon sa small business corporations. Iyan po iyong small business and guarantee corporation na tumutulong po sa mga cooperatives at maliliit na negosyo para po sa mga financial or capital requirements nila. Maliit po iyong interest rate po diyan. So ibig sabihin po, can you imagine po, ano, na kung bawat Jolibee, McDonald’s, Max’s Chicken, Chowking na nakikita niyo sa Pilipinas, kung ang kalahati ng bawat branch na iyan ang nagmamay-ari ay mga cooperatives of poor families po, ano, magkakaroon po ng spreading of prosperity. Maraming mahirap na pamilyang Pilipino aangat din ang buhay at mag-i-improve po iyong kanilang economic situation. So simpleng batas po na baguhin po natin iyong economic reform na ito in a very specific area pero it can really improve the lives ng maraming mahihirap na pamilyang Pilipino. Hindi lang po iyong mayayaman sa probinsya ang yayaman but kasama po iyong mga, iyong ownership, eh. Binabago po natin iyong ownership model, iyong ownership structure. And kung ako po ang tatanungin niyo, Ka Ely, this simple one reform can benefit, if not hundreds of thousands, millions of poor na mga pamilyang Pilipino po sa ating bansa, ano. So iyon po ang isa sa mga reporma po na gusto kong tutukan, Ka Ely.

     

    ELY: So maganda iyan ang binabanggit niyo, Atty., ay parang ikakalat natin, eh, ‘di ba. Kasi mas maraming makikinabang at sabihin natin, mas maraming aasenso bukod sa iba pang proyekto ng ating gobyerno.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Pangalawa, Ka Ely, ano, very specific ito, Ka Ely, ano. Very specific at ito ay pangsuporta doon sa programa ni VP Leni na Angat Buhay. So iangat natin iyong buhay ng mga mahihirap na ating mga kababayan, ano. Pangalawang proyekto, Ka Ely, economic reform din ito, Ka Ely, ano. Kung tingnan mo iyong, pag-aralan natin iyong last year, 402—ayon ito sa datos, ha—402 million kilos ng manok ang in-import natin. So kung isang manok ay isang kilo, ibig sabihin nag-import tayo last year ng 402 million kapiraso ng manok. So that’s roughly 20% ng mga manok na binenta sa mercado last year. 20% ng chicken na binenta sa bansa last year, imported. But, Ka Ely, hindi naman rocket science iyong manok, ‘di ba. Iyong pag-raise ng manok, kayang-kayang gawin iyan ng mahihirap na pamilyang Pilipino dito sa bansa, tulungan lang natin sila. So hindi natin kailangan i-import itong 402 million na kapiraso ng manok. Puwede nating tulungan itong mga mahihirap na pamilyang Pilipino, cooperatives, and instead na i-import, instead ang kumikita mga farmers doon sa ibang bansa ang kikita ay mga farmers dito sa atin.

     

    Pangalawa, Ka Ely, ano, last year, ang in-import natin na mga baboy ayon sa datos ulit, ano, 336 million kilos. Ang dami. Almost 18% iyan ng baboy na binenta sa merkado last year. So sabi ko, itong chicken, itong baboy, hindi ito rocket science na negosyo. Kayang gawin ito ng mga, ng maraming mahirap na pamilya sa probinsya, ano. Tulungan lang natin sila. So gusto kong tutukan ito, Ka Ely, kasi in my computation, Ka Ely, kapag ginawa natin ito, instead na i-import natin itong milyun-milyon na mga manok at baboy, in my computation at least 5 million na mahirap na pamilyang Pilipino ang mabibigyan natin ng disenteng trabaho. Hanapbuhay. At hindi lang manok at baboy ang ini-import natin, Ka Ely. Maraming vegetables, maraming fruits, ini-import natin. Kasi marami dito sa bansa imported kahit iyong ballpen imported, pardible imported.

     

    ELY: Ultimo toothpick.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Kahit toothpick din, oo. So may mga—ibig sabihin mayroon tayong mga items—basic food items, basic household items na imported sa ngayon na puwede naman nating gawin dito, tutukan lang natin, Ka Ely. At gusto kong tutukan iyan. Ito ang magke-create ng hanapbuhay sa milyun-milyon na mahihirap na pamilyang Pilipino, Ka Ely. So ito, gusto ko lang i-explain na may context, Ka Ely, one of the radical reforms na kailangan natin sa ekonomiya natin, iyong nasa agriculture. Sa ngayon, iyong agrikultura natin, nasa kamay ng mga big business at sa kamay ng wealthy families na may malalawak na lupain, ano. So ang biggest earners, iyong malalaking kumikita talaga, iyong malalaking beneficiaries sa agriculture natin itong malalaking negosyo, big businesses and itong mga wealthy na mga mayamang pamilya, ano. Hindi iyong mga small farmers, ano. Kailangan baliktarin natin iyan. Kailangan iyong the biggest earners and the biggest beneficiaries ng agrikultura natin, ito iyong maliliit na farmers. Papaano mo gagawin ngayon iyan? That's the direction that we should do sa agriculture.

     

    ELY: Kailangan maisabatas iyan.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Oo, so kailangan alam natin paano i-reengineer iyan, ano. Kailangan alam natin iyong direksyon na gusto nating gawin. So kailangan, ang pinakamalaking kumikita, the biggest earners, the biggest beneficiaries sa agrikultura natin, iyong mga maliliit na farmers. Papaano natin gagawin ngayon iyan? Mahirap kung tutulungan mo lang sila isa-isa. Ang pinaka-effective na modelo diyan, gawin mo silang cooperatives, ano. Tapos kapag nag-cooperatives, ang pagtulong diyan by groups, by cooperatives, ano. At kapag naging cooperatives sila, nagkakaroon sila ng financial muscles, nagkakaroon sila ng market muscles, nagkakaroon sila ng economic muscles to negotiate for themselves. At kung titingnan natin iyong mga bansa tulad ng Taiwan, ng Thailand, South Korea, Japan, even Spain, Germany, and the scandinavian countries—Finland, Norway, Denmark—ang pundasyon ng mga ekonomiya nila ay iyong mga cooperatives. Iyong cooperatives sa Germany, kasinlaki ng San Miguel natin dito kasi talagang tinulungan sila ng gobyernong palakasin iyon. Now, may problema pa sa cooperatives natin, ‘no, sa Cooperative Law natin may problema. Ang daming farmers na nagsasabi sa akin na, “Alex, kailangan nating i-review, i-revisit, at amyendahan iyong Cooperative Law natin.”

     

    So iyon, gusto kong tutukan iyon Ka Ely kasi kung gusto talaga natin ng radical na pagbabago sa economy natin, ng radical reforms sa ekonomiya natin, iyon po kanina, baguhin natin iyong istruktura ng ownership. And there are models na puwede po nating sundan para po gawin natin… Gusto kong tutukan iyan  Ka Ely, kasi 60 percent ng mga mahihirap sa ating bansa nasa agrikultura po talaga.

     

    ELY: Ayon, so maganda. At binabanggit niyo, local, suportahan natin iyong lokal…

     

    ATTY. ALEX LACSON: Correct, correct.

    ELY: Kasi, hindi naman siguro… Naaalala niyo mga kababayan, ‘di ba, sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee, ang pinagbibili, kayang-kaya ng mga Pilipino… ng mga mga manufacturers, iyong mga medical supplies, pero imported pinagkukuha natin.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Ka Ely, mayroon  pa akong pangatlo ha. Actually marami pa, walo itong programa na very specific, most of them are economic reforms. Kasi sa tingin ko Ka Ely, iyong reporma na kailangan natin sa bansa, hindi lang political, eh. Importante iyong economic reforms na magbabago talaga sa buhay ng maraming mahirap na pamilya sa ating bansa.

     

    So iyong pangatlong programa, Ka Ely, na gusto kong ibahagi sa inyo at sa ating mga nakikinig ngayon, ito po iyong National Dairy Program. Gusto ko pong sumulong, isulong itong 10-year National Dairy Program. Ano pong background niyan? Ito po very quickly. This is the same na programa po na ginamit ng dating King of Thailand, Bhumibol po iyong namatay na, tatay po ng incumbent king ngayon sa Thailand. Ano iyon, well-loved iyon, much respected iyon na King, kasi kahit na King siya, bumaba talaga siya sa level ng mga farmers at tinulungan po iyong mga farmers. Ano pong program iyong ginawa niya? Ito po iyong dairy program, iyong National Dairy program niya doon sa ano po, was one of the program po talaga na sinulong niya that uplifted po from poverty almost 15 to 20 million Thais po from poverty. Nasa record po iyan, ‘no. So itong programa po ng dairy program, puwede nating gamitin dito iyan  sa Pilipinas. Alam niyo po ba, Ka Ely, mayroong 3.4 million na mga small farmers sa bansa natin na ang tawag sa kanila ay AR-based, iyong Agrarian Reform beneficiaries—3.4 million na maliliit po na magsasaka na agrarian reform beneficiaries. On the average, ang kita po ng mga farmers na ito, between P4,000 and P4,500 buwan-buwan. On the average po, iyong lapad na sinasaka nilang lupain, 1 hectare, 2 hectares, 2.5 hectares, 3 hectares, on the average, ‘no. Pero ang kita po nila monthly, mababa—P4,000, P4,500 a month. Hindi po talaga sapat para buhayin iyong pamilya nila sa isang matino at matiwasay na paraan. Pero kung ipasok po natin itong National Dairy Program, kung bawat farmer po na iyon, bigyan mo sa simula ng dalawa o tatlong baka po na panggamit po doon sa dairy, panggatas po, ‘no—panggatas—ang income po nila, from P4,000, magiging P8,000, magiging P9,000, magiging P10,000 po. Ngayon, iyong mga baka po na ito, siyempre nanganganak iyan , so every year po dumadami. Habang parami po nang parami iyong number ng baka nila, pataas po nang pataas iyong income nila. So from P4,000 baka dumating pa naman po ng P15,000, P20,000 ang monthly income po nila. Now ano pong context nito, bakit ino-offer ko po ito National Dairy Program—kasi sa bansa po natin, iyong dairy industry po natin, mga P120 billion worth iyan , itong dairy industry natin. Pero nasa kamay—97 percent po ng dairy products natin—gatas, keso, at lahat po ng mga drinks na may dairy, ano po iyan , 97 percent po imported. And largely po, more than 90 percent, Nestle. Alam niyo po ba, Ka Ely, that the Philippines is the biggest market of Nestle in the world. The biggest market of Nestle. Why? Dahil hindi po developed ang dairy industry natin. So ang nakikinabang po dito largely, ng dairy po natin, ay Nestle at iyong mga imported po na nagsu-supply sa atin ng gatas, ng keso, at ng mga dairy drinks po. So P120 billion po, hindi ho ba. Eh kung i-target lang po natin iyong 50 percent niyan ang nagsusupply mga local farmers natin, P60 billion po iyan—so ang P60 billion po iyan , marami ka pong matutulungan na mga maliliit na farmers noon. Paano po natin gagawin iyan, paano po natin gagawin—tulad ng sinabi ko kanina, may 3.4 million tayo sa small farmers na agrarian reform beneficiaries, bawat isa po sa kanila, dagdagan lang natin ng dalawa o tatlong baka na ginagamit po na panggatas, tapos i-connect na po natin doon sa National Dairy Authority natin. Mayroon  po tayong NDA, eh—National Dairy Authority, pero ang nagbe-benefit diyan, hindi iyong mga small farmers, it’s the big farmers. Mayroon silang dairy farm but in the concept of hacienda, alam mo iyon, iyong isang pamilya owning 100 hectares, hacienda eh, ano. But ito, ang maraming dairy farms din natin, ganoon, in the concept of hacienda—kailangan po in the concept of cooperatives iyan , of small farmers. So iyon po ang gusto nating gawin po. In fact there is a successful story po sa Nueva Ecija, iyong story po ni Danny Fausto, iyong DVF farm niya po, iyong Danny Fausto farm niya. I think he has around 400 na mga—hindi po baka ang ginamit niya, ang ginamit niya po kalabaw…

     

    ELY: Kalabaw…

     

    ATTY. ALEX LACSON: Kalabaw… And successful story po, and iyong business niya ngayon, iyong dairy business niya is thriving. So we can build on that success to help the local farmers, Ka Ely, ano, para matulungan natin. So there are solutions available, solutions that are available na hindi lang dito sa Pilipinas, but available po successful stories sa ibang bansa tulad po ng stories ng Thailand, ng ginawa ng King of Thailand, na puwede po nating iimplement dito sa bansa.

     

    Tutukan lang po natin, Ka Ely. Iyon ang problema natin, ka Ely. Iyon ang problema doon, tutok. Tutok na may puso, na may tunay na malasakit sa mahirap at sa mga magsasaka po. Iyon po ang kailangan po natin.

     

    ELY: Okay samantala mga kasama, ang oras po natin, 9:53 na po ng umaga. Atty., maganda, siguro maganda ay magdiscuss din tayo nang kaunti, iyong mga nangyayari po sa ating paligid.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Sige, sige.

     

    ELY: Dito sa ano, iyong pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea. Atin ito, tapos iyong mga sundalo natin magahahatid sana ng mga pagkain sa mga sundalo. So ikaw, ano ang pananaw mo dito, Atty.? Ano ang dapat polisiya natin?

     

    ATTY. ALEX LACSON: Alam mo, Ka Ely, totoo iyan—iyong West Philippine Sea sa atin iyan , sa mga Filipinos iyan—para sa mga anak, at mga apo, at lahat ng henerasyon ng mga Pilipino iyan , sa atin iyan . Dineclare na iyan  ng United Nations doon sa UNCLOS, di ba, sa United Nation Convention on the Law of the Seas, na iyong West Philippine Sea islands, they are within the 200 nautical miles ng exclusive economic zone ng ating bansa—sa atin iyan.

     

    Pero bakit gustong-gustong kunin ng China iyan sa atin? May kuwento ako diyan sa iyo, Ka Ely. Noong 2014, may isang libro na isinulat si Dr. Robert Kaplan, he is a Harvard professor and he is a geopolitical expert. Ano ang librong isinulat niya—ang tawag niya, Asia’s Cauldron. Dito sa libro, sinabi ni Dr. Robert Kaplan na iyong West Philippine Sea, sa ilalim niyan, is a tremendous deposits of wealth. So tremendous oil and gas deposits, and sabi niya worth of trillions and trillions ang worth niyan. In fact ang sabi niya, ito exactly iyong sinabi niya Ka Ely ano, iyong deposits of oil and natural gas diyan sa ilalim ng West Philippine Sea is second only in terms of size and volume and magnitude doon sa Persian Gulf sa Middle East. That’s why tinawag niya itong West Philippine Sea as the second Persian Gulf.

     

    ELY: Wow.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Oo, sabi niya… So iyong oil daw and natural gas deposits diyan sa West Philippine Sea, sustain the economic power and the military power of China in the next 100 to 200 years. Iyan iyong interes ng China. Gusto niyang kunin sa atin kasi alam niya na iyong oil and gas deposits diyan can sustain the economic and military power of China in the next 100 to 200 years. Gusto niya talagang kunin sa atin iyan.

     

    ELY: So nako, sayang na sayang. Alam niyo ho, eh atin iyan e, kung ma-develop natin iyan na sarili, siguro iyong Pilipinas yayaman ito, di ba.

     

    ATTY. ALEX LACSON: So, Ka Ely, ire-remind lang natin na atin iyan, ipaglaban natin iyan . Kung gusto nila ng giyera, ibigay natin sa kanila iyong giyera, pero ‘wag nating ibigay iyan.

     

    ELY: Ipaglaban natin kahit saan makarating.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Ipaglaban natin iyan. Kahit na patayan, dapat ipaglaban natin iyan. Hindi naman, hindi duwag ang Pilipino. So kailangan ipaglaban natin iyan.

     

    ELY: So babanggitin ho natin, sana iyong susunod na administrasyon eh hindi maka-China. Importante iyan.

     

    ATTY. ALEX LACSON: Kailangan nating mag-elect ng mga leaders na tunay na isinusulong ang national interest ng mga Filipino at national interest ng bansa. Ipaglaban po natin iyan. Sa atin po iyan. Huwag nating payagan na kunin ng mga Chinese sa atin iyan.

    ELY: Okay, Atty., sa panghuli, ano pong inyong mensahe sa ating mga kababayan na nakikinig po nationwide?

     

    ATTY. ALEX LACSON: Tatlong bagay lang siguro, Ka Ely ano. Una, alam niyo po sobrang sama na ng politika sa ating bansa—iyong politika ng sarili lang at pamilya lang, political dynasties, at politika ng awayan, bangayan, siraan, patayan. Alam niyo po, hindi ganyan ang klaseng politika na mag-aayos at gaganda sa ating lipunan. Ang klaseng politika lang na solusyon at mag-aayos ng ating lipunan ay politika ng pag-ibig at politika ng radikal na pagmamahal sa kapwa—at iyon po ang politika na dala-dala namin VP Leni at Senator Kiko at ng buong TRoPa po. So pangalawa po, iyong problema natin sa kahirapan at walang trabaho, alam niyo po may solusyon diyan. Tulad noong ipinakita ko kanina sa inyo, solusyon po na klaro at very specific, galing po sa successful programs po ng ibang bansa at dito sa Pilipinas, kailangan lang po nating tutukan, ng pag-ibig, at tunay na malasakit sa kapwa. Tutok at pag-ibig at pagmamahal sa kapwa ang solusyon po diyan. Kaya po ng Pilipino iyon. Kaya ng Pilipinas. Kaya po nating iangat ang Pilipinas para ho matanggal, para po mawala itong kahirapan sa ating bansa. So maraming, maraming salamat, Ka Ely. Maraming maraming salamat sa lahat ng nakikinig sa atin po. Mabuhay po kayo!

     

    ELY: Salamat po. Mga kababayan, iyan po si Atty. Alex Lacson, isa sa mga kandidatong senador o senatorial aspirant sa ilalim ng ticket nina VP Leni at Senator Kiko.

    Maraming salamat mga kasama sa inyong pagsubaybay dito po sa ating palatuntunan. Sa pangalan po ni Vice President Leni Robredo, ako pa rin po ang inyong Radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

     

     

    - 30-

    Posted in Transcripts on Nov 21, 2021