This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 235

    BISErbisyong LENI Episode 235

    ELY: Magandang umaga Pilipinas—Luzon, Visayas at Mindanao! Ito na po ang Meet the Boss– Ay, BISErbisyong LENI sa RMN. Iyong Meet the Boss, araw-araw ko ho iyong programa, mga kababayan. [chuckles] At siyempre, mga kasama, ngayon po ay araw ng Linggo, November 7, 2021. Ito na po ang BISErbisyong Leni sa RMN. At mula po dito sa DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga. Siyempre sa lahat ng po inabot ng broadcast nationwide, netwide. Magandang umaga, ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Siyempre kasama po natin ang nag-iisang spokesperson ng tanggapan ng Pangalawang Pangulo, si Atty. Barry Gutierrez. Atty., magandang umaga.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga, Ka Ely. At magandang umaga din sa lahat ng ating mga regular na tagapakinig, at mga bagong nakikinig sa ating programa.

    ELY: At siguro, magbalik-tanaw po ulit tayo nitong nakaraang linggo, at bising-busy si Bise Presidente Leni Robredo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughter] Lagi naman, Ka Ely, 'di ba. Pero last week, 'di ba, kaya nga tayo rin ang magkasama noon, noong nakaraang linggo, siya ay nasa Camarines Norte at Camarines Sur, hindi lang para makipag-usap o makipag-meeting sa mga supporters, pero para dumalaw sa ilang mga benepisyaryo ng Angat Buhay Program sa ilalim ng Office of the Vice President. So, noong Linggo, October 31, nagpunta si VP Leni. Nagkaroon ng farm visit sa Agripreneur Farmers and Producers Association. At mayroong ceremonial planting and harvesting of produce and turnover ng mga seedlings sa Omasenso Farmers sa Mambalite, Libmanan, Camarines Sur. So, iyan iyan, Ka Ely. Tuesday, nakabalik na siya sa Maynila. Naglabas siya ng kaniyang regular na PINKiusap. Ito iyong every Tuesday. Nagsasalita siya tungkol sa hinihiling sa mga supporters para sa KakamPINK Wednesdays. At kung maaalala natin, Ka Ely, nitong nakaraang Martes, ang pakiusap ni VP Leni, bukod sa magsuot ng pink, magtali ng pink na ribbon o magkabit ng mga pink na sticker o gumamit ng pink na parol, ay kumausap at makitao sa isang nagkaroon ng mahirap na panahon dito sa panahon ng COVID. So puwedeng iyong may pumanaw na mahal sa buhay, puwedeng siya mismo nagkasakit, iyong nawalan ng trabaho. Ang hanap kasi natin dito, Ka Ely, at ito iyong ating objective sa KakamPINK Wednesdays. Bukod sa pagususuot ng pink, pagtatayo at pagtataguyod ng isang kultura na mapagkalinga, na mabuti, na nakikinig sa ating kapwa. So iyan iyong regular na panawagan ni VP Leni sa ating lahat tuwing linggo.

    Ngayon, noong Wednesday naman, bukod sa KakamPINK Wednesday, ay ni-release na iyong Kalayaan sa COVID Plan ni VP Leni. Napanood ba niyo iyong video, Ka Ely? Nilabas iyong video, 'di ba? So, pinag-usapan na diyan iyong tatlong hakbang sa kaniyang COVID plan. At bukas magkakaroon ng isang pagharap—magkakaroon ng press briefing. Haharap sa media si VP Leni at magkakaroon ng mas malalim na diskusyon tungkol dito sa kaniyang plano para tayo na ay tuluyang lumaya sa COVID. Matapos na itong parang pabalik-balik, urong-sulong na na nagiging pagtugon natin sa problemang ito. Kasi, Ka Ely, halos dalawang taon na. Magla-lockdown, bababa ang kaso, luluwag, tataas na naman ang kaso, lockdown na naman. Paulit-ulit. Nakailang balik na tayo. So mayroon nang malinaw, klarong solusyon, si VP Leni diyan na inihain nitong nakaraang Linggo, at pag-uusapan na ang detalye bukas.

    Pagkatapos nito, Ka Ely, nagkaroon siya ng Vaccine Express naman, second dose sa Capas, Tarlac. Kung nakita niyo iyong video, parang ang daming taong nagpunta rin at sumalubong sa kaniya. So bahagi na rin ng campaign event na may mga taong nakausap sa Tarlac mismo, Ka Ely. At patuloy pa rin ang trabaho na ginagawa ni VP Leni. Ito nga, second dose sa Capas, Tarlac. At tulad ng dati, mga volunteers naman ang nag-staff dito at sila mismo ang nag-administer ng vaccine sa mga benepisyaryo—so mga doktor, nurses, medical students galing sa iba’t-ibang mga ospital. Sa UST Hospital, Philippine Heart Center, St. Luke's Medical Center-Quezon City, Cardinal Santos, Smile Symmetry Dental Clinic, Makati Medical Center, Our Lady of Fatima University, DOH mismo, San Beda College of Medicine, FEU-NRMF, and siyempre mga taga-UST mismo. So medyo madaming mga volunteers ang naging bahagi dito.

    Thursday, hindi ko alam kung nakita ninyo ang picture, nag-courtesy call ang bagong British Ambassador, si Laure Beaufils kay VP Leni. At nag-usap sila sa aming tanggapan dito sa Quezon City Reception House sa Quezon City. Biyernes, lipad naman si VP Leni papuntang Bacolod.

    At kung nakita niyo iyong salubong sa kaniya, iyong mula highway, mula iyong Silay Airport, 'di ba, hanggang sa boundary ng Talisay at ng Bacolod City, 15 kilometers iyon, Ka Ely, napuno ng mga sasakyan at ng mga tao. Ang kuwento sa amin, 1,500 vehicles at mahigit 5,000 na supporters. Stationary caravan ang tawag nila. Hindi sila gumagalaw. Talagang naghintay lang sila sa gilid ng daan para kumaway at magpakita ng suporta kay VP Leni at kay Senator Kiko na dumalaw noong araw na iyon. So talagang kapag nakita mo iyong mga picture, Ka Ely, nakakatuwa talaga. Umaandar iyong—dumadaan sina VP Leni, kumakaway sila, at kita mo iyong mga tao napakasaya, napaka-exciting ng nangyari. May mga nagsayaw pa yata sa gilid ng daan.

    ELY: Parang Dinagyang.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, parang fiesta atmosphere nga daw. So magandang maganda. So bukod doon, nagkaroon siya ng meeting kay Governor Bong Lacson at ceremonial signing ng MOA sa pagitan ng OVP at ng province ng Negros Occidental. Ito ay para sa suporta at medical assistance sa mga pasyente ng Teresita L. Jalandoni Provincial Hospital sa Negros Occidental, Ka Ely. Malapit ito sa Silay. So tutulong ang OVP at magbibigay suporta sa mga nangangailangang pasyente, iyong mga nasa laylayan para makapag-pagamot dito sa ospital na ito. Kasi alam naman natin, Ka Ely, mula pa ng simula ng termino ni VP Leni, tuloy-tuloy ang medical assistance na binibigay sa ating mga kababayan na nangangailangan. Halos 100,000 patients na ang natutulungan natin mula 2016 hanggang sa kasalukuyan sa pamamagitan nitong proyektong ito sa ilalim ng OVP. Bukod dito, siyempre, humarap din siya at nakipagpulong sa mga supporters sa Negros. Pinapangunahan ni dating Governor Lito Coscolluela at mga sectoral leaders. Mayroon ding people’s assembly and consultation. At kahapon, Ka Ely, pagkatapos ng isang napakahabang linggo, at nasa Negros pa rin siya, dumalaw siya sa Murcia Women’s Association Lakas ng Kababaihan, isa sa mga Angat Buhay partners natin. Sa Murcia ito sa Negros Occidental. Nagkaroon din ng pa-lugaw sa Murcia. And, finally, dumaan siya sa blessing and inauguration ng ating headquarters sa Bacolod City. iyong Leni-Kiko Negros Headquarters sa Bacolod City. So, punong-puno, Ka Ely.

    At gaya ng nakaraang linggo na pinagkukuwentuhan natin, sabay na ginagawa iyong pagkausap sa mga supporter, pakikipag-meeting sa sumusuporta sa kaniyang pagkampanya doon sa patuloy na pagtatrabaho sa mga proyektong nasimulan na so hindi ka magtataka kung busy si VP dati sa trabaho, ngayon doble kabusyhan sa kaniyang mga schedule. Punong-puno talaga, Ka Ely.

    ELY: So bising-busy talaga?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Bising-busy ang ating Bise, 'di ba? Ayan!

    ELY: Next year, baka hindi na busy.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naku, ano na? [laughter]

    ELY: Hindi na. Hindi na b-i-s-e.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ:  B-u-s-y na, 'di ba? Iyan!

    ELY: Okay. Samantala, iyon ho, napaka-importante kasi alam naman natin, Atty. Barry, ano, ngayon bagama’t lumuluwag tayo, Alert Level 2. Pero ang sinasabi nga, wala pa itong katapusan. Hindi pa natatapos itong pandemya. Kasi sa mga ibang bansa, mga mayayamang bansa, kumpleto bakunado pero pabalik-balik itong virus na ito. So abangan nila iyong komprehensibong pag– Iyong detalyado na pagpe-presenta ng ating Bise Presidente dito sa Kalayaan sa COVID Plan. So—pero dito sa Alert Level 2, marami ang mga– May ilang health expert nagsasabi, bakit masyadong biglaan? Okay naman na i-Alert Level 2 na, pero sana ay paghandaan ng kaunti kasi parang balik na tayo sa dati, Atty. Siguro ako, nakikita ko sa mga pampasaherong mga jeepney, apaw eh. Hindi lang 70%, eh. Mahigit sa 100%, may mga sabit pa. At sa mga mall, naku, dagsa, parang piyesta ang ating mga kababayan at parang akala nila tapos na. Tapos na ang giyera dito sa COVID.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon nga ang nakakabahala, Ka Ely, kasi alam naman natin, kapag tiningnan mo ang mga numero bawat araw, nasa bandang 2,000 plus tayo ngayon, 'di ba? At ang ating positivity rate, nasa gitna ng mga 5 to 7%, depende sa araw. Kung ating aalalahanin, actually, umabot na tayo sa ganito dati. Sa nakaraang mga buwan, minsan ganiyan na kababa rin iyong kaso. Pero nagkaroon ng surge, tumaas na naman. So sa katotohanan, kahit na madami sa atin vaccinated na—at least dito sa NCR. Marami rito nakapagpabakuna na mataas ang vaccination rate dito, madami pang lugar sa ating bansa na hindi pa vaccinated iyong ating mga kababayan. In fact, iyan ang hinahabol ngayon ng ating pamahalaan. At iyon, talagang importante na maabot natin iyong mas mataas na vaccination, iyong herd immunity nga kung tawagin na matagal ng sinasasabi ng mga eksperto. So kailangan mag-ingat pa rin talaga. At gaya nga ng binanggit n’yo, maging sa mga mas malalaking mga bansa, na mas maagang nakapagpa-vaccinate ng mas marami kumpara sa atin, nagkakaroon pa rin sila ng mga surge dahil itong mga variants na bago nitong COVID. Ito, naranasan natin iyan sa Delta variant nitong nakaraang dalawang buawan lang. Talaga namang umabot sa napakataas na numero ang nagkakasakit. Pero hindi ko rin naman masisi kasi, Ka Ely. Alam mo, eh, halos dalawang taon na, 'di ba? Pagod na rin ang mga tao. Pagod na sa lockdown. Pagod na sa lahat ng mga restrictions na ipinapataw. Pero iyon nga, ang gusto natin ipaalala dito at kailangan tayong mag-ingat pa rin. Isa sa mga pinuntirya talaga, tinutukan ng plano ni VP Leni, iyong lumaya na tayo doon sa pangambang magkasakit, 'di ba? Iyon iyong unang prong, actually, ng kaniyang COVID plan. Iyong iyong unang punto doon. Pero bukod doon, pati iyong mga ibang problema na lumabas noong nakaraang dalawang taon dahil sa mahahabang lockdown, iyong pangalawa, 'di ba, Kalayaan sa Gutom. Ang dami sa ating mga kababayan, nawalan ng trabaho, humina ang kita. At dahil doon, hindi nakakakain nang maayos iyong kanilang pamilya. Isa iyon sa mga gusto rin nating tutukan dito sa plano ni VP Leni. At iyong huli, kalayaan sa hindi tuloy-tuloy na edukasyon. ‘Di ba, iyong paputol-putol. Kasi ilang taon na—magdadalawang taon na tayo halos, Ka Ely, na iyong mga anak natin hindi nakakapasok ng sa face-to-face classes. Walang face to face classes. Distance learning, 'di ba? Sinabi ng DepEd ngayon—

     

    ELY: CHED.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sinabi ng CHED ngayon na puwede na daw mag 50% capacity iyong mga unibersidad. Pero karamihan pa rin ng mga nag-aaral, high school at saka elementarya, hindi iyan iyong magiging sitwasyon. Ang narinig ko, Ka Ely, sa mga ekspertong nakausap natin, mahigit isang milyon na ang nag-drop out dito sa last two years na mga estudyante dahil nahihirapan doon sa sitwasyon. Isa rin iyan sa mga pinagpaplanuhan ni VP Leni. Mayroon siyang klarong plano diyan. At bukas nga, kaniyang madi-discuss. Pero, para sa mga hindi—gusto nang mabasa ngayon, bukod doon sa video, punta lang kayo sa lenirobredo.com at nandoon iyong komprehensibong detalye ng plano ni VP Leni. Kasi si VP, kilala naman n’yo, Ka Ely, 'di ba? Hindi iyan iyong tipong tao na basta magsasabi lang ‘Ito plano ko,’ 'di ba? Talagang mayroong detalyado iyan na pinag-usapan sa mga eksperto, pinag-isipan, tinrabaho. At makikita natin iyon sa lenirobredo.com. At bukas, siya ay– Idi-discuss pa niya ito nang mas malalim sa lahat ng ating mga kababayan.

     

    ELY: Okay. At dito naman sa National COVID-19 Vaccination Day, planong isagawa ito para ngayong Nobyembre, ano, kasi talagang kailangan maramihan, sabayan na pagbabakuna. So anong take n’yo rito, Atty.?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Maganda iyan, Ka Ely, kailangan talaga nating mataas iyong vaccination. At ako, kung magiging matagumpay ito, magandang hakbang ito para sa ating bansa. Kasi ang target ng IATF ngayon, umabot tayo ng at least 1 million doses na ma-administer araw-araw. Pero sa mga nakaraang araw, minsan umaabot lang tayo 500, 'di ba? So kailangan doblehin iyon. So hamon ito, pero kung magagawa, mabuti, Ka Ely. Ang isang malaking question mark lang dito, iyong kanilang pinaplanong mandatory vaccination. Iyong sapilitang pambabakunahan. Halimbawa, isang nakita kong pinapalutang na ideya ng DILG, kung ano ka daw, kung benepisyaryo ka ng 4Ps, tapos hindi ka—ayaw mo magpabakuna, hindi ka bibigyan ng suporta. Ako—si VP Leni sinabi na niya ito, sa kaniyang pananaw, hindi dapat pilitan ang ginagawa. Hindi dapat pananakot. Kasi sa karanasan ng OVP sa kaniyang Vaccine Express, mayroon talagang mga tao na may agam-agam tungkol  sa pagbabakuna. Pero pinagmumulan ng agam-agam na iyon, minsan natatakot sila na kapag sila ay nagkasakit, iyong side effects, hindi sila makakapag-trabaho. At pag hindi sila makakapag-trabaho. Hindi sila kikita at hind makakakain ang kanilang pamilya. So minsan ang kailangan lang habulin, incentive. Bibigyan mo ng katiyakan na kahit ikaw lagnatin, kailangan mo magpahinga ng isa o dalawang araw, hindi mo kailangan alalahanin ang iyong pamilya. Iyong iba naman, 'di ba, may takot talaga. May takot sa pagbabakuna, may takot sa injection. Kailangan lang paliwanagan. Ang isang epektibong nakita namin, Ka Ely, kung nakita nila na iyong kanilang mga kapitbahay, iyong kanilang mga kaibigan ay nakapagpa-bakuna at maganda naman iyong naging resulta—sila ay nakakalabas na, wala na iyong agam-agam na kapag nagkasakit ka, ikaw ay magkakaroon ng malalang sakit at kailangan mong magpa-ospital, ayon. Nakukumbinsi sila na magpa-bakuna na rin. So madaming solusyon na hindi kailangang puwersahan, iyon ang sinasabi ni VP Leni.

     

    ELY: Tama.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon ang batay sa kaniyang sarling karanasan.

     

    ELY: So, Atty., hindi pabor si VP Leni na gawing mandatory iyong pagbabakuna. Sa halip, walang takutan, bigyan ng insentibo para boluntaryo na magpabakuna at sundin iyong mga payo ng mga eksperto.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Insentibo, Ka Ely, at lalong mas malalim na pagpapaliwanag, paggamit ng komunidad. ‘Di ba, iyong community-based ba, 'di ba, na proseso sa pag-encourage sa ating mga kababayan na mag—kasi iyon nga, kapag nakikita mo na kapamilya mo, kapitbahay mo, nagpabakuna na, maayos ang nangyari, hindi sila—hindi kailangang matakot, marami ang nakukumbinsi. Mas mabuti iyon kaysa takutin mo na, “Sige, kapag hindi ka magpabakuna, gugutumin namin ang pamilya n’yo.” ‘Di ba? Parang hindi yata maganda.

     

    ELY: Pero dito naman sa dapat parusahan iyong mga LGU na mabagal at hindi makakasbay dito sa vaccination efforts ng pamahalaan, ano ang masasabi mo rito?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Balik tayo, Ka Ely, doon sa ano ba ang dahilan, 'di ba? bakit ba mabagal? Kasi minsan talaga, hindi nabibigyan ng akmang suporta. Hindi din naman kasi madali, 'di ba, iyong logistics ng pag-administer ng vaccine. Kaya nga sa Office of the Vice President, mayroon tayong Vaccine Express. Kaugnay dito iyong LGUs, ang pino-provide ay iyong tulong para ma-organize iyong mga—iyong pagpapa-vaccinate, at iyong tulong ng mga volunteers mismo. Kanina, 'di ba, binasa ko iyong listahan ng iba’t ibang mga ospital at mga medical schools na handang tumulong. Kasi maraming LGU, tanggapin natin, lalo na iyong nasa labas ng mga urban centers, iyong mas maliliit na LGU, mas mahihirapan na kumuha ng ganoon karaming mga tutulong sa kanila sa pag-administer ng vaccine. So minsan, hindi naman usapin, Ka Ely, ng ayaw nilang gawin, ‘di ba. Pero usapin na nahihirapan talaga silang ipatupad. Hindi naman simpleng proseso iyan. So, imbis na unahan kaagad natin sa, ‘di ba, takutan, parang parusa kaagad ang nakabanta, eh hindi ba alamin muna natin kung bakit nga ba nagkakaproblema, ano iyong pagkukulang, at sikapin nating bigyan ng suporta. ‘Di ba iyon naman ang trabaho dapat ng gobyerno—tulungan ang ating mga mamamayan, tulungan ang ating mga local government units. At sa dulo, ang habol natin, ma-vaccinate ang maraming tao, ‘di ba. Eh kung tatakutin mo ba iyon, biglang bibilis ba iyon, ‘di ba? Hindi naman ganoon iyon, eh.

     

    ELY: Okay, at samantala, ito, epekto pa rin ito ng pandemya, ano, at iyong bilang ng mga Pilipino na walang trabaho tumaas sa 4.25 million ngayong Setyembre.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, grabe, Ka Ely, nakakadismaya, ‘di ba. Parang isipin mo, apat na milyong mahigit nawalan ng trabaho. Kaya nga kasama doon sa Kalayaan sa COVID-19 plan ni VP Leni, doon sa pangalawang punto niya, iyong Kalayaan sa Gutom, iyong mga paraan kung papaano puwedeng suportahan ng gobyerno: una, ang mga small to medium-scale industries na manatiling bukas at ma-retain nila iyong kanilang mga empleyado, hindi sila kailangang mag-lay-off, hindi sila kailangang magsara so iyong mga empleyado nila at iyong mga nagtatrabaho sa kanila ay magpapatuloy na magkakaroon ng kasiguruhan sa trabaho. At pangalawa, Ka Ely, iyong patuloy na suporta—unemployment insurance, halimbawa, iyong pagbibigay ng ayuda para doon sa mga talagang nawawalan, ‘di ba. Hindi maiwasan dahil nagsara iyong kanilang ano, hindi sila kailangang mag-alala at mabibigyan sila ng tulong na makatawid hanggang sila ay makakuha ng trabaho muli. So, malaki talagang isyu iyan, Ka Ely, at hindi siya kataka-taka dahil talagang nagulpi ang ating ekonomiya dito sa nakaraang dalawang taon halos, ‘di ba, dahil nga ang daming lockdown, ang daming nagsara, ang dami tuloy nawalan ng trabaho kaya isa talaga iyan sa mga kailangan nating bunuin. In fact, Ka Ely, iyong pinaka-malaking pagliit ng ating ekonomiya, ‘di ba, negative growth rate talaga dito nangyari sa nakaraang dalawang taon na ito. At ito, sa buong kasaysayan natin bilang isang bansa, ang medyo malapit-lapit lang dito iyong pagliit ng ekonomiya natin noong panahon ni Marcos, ‘di ba, na talagang nagulpi rin iyong ating ekonomiya. Ang taas ng naging unemployment at kahirapan. Ito rin, ‘di ba, sa panahon na ito. So kailangan talagang tutukan iyan, Ka Ely, at klarong-klaro iyong plano at proposals ni VP Leni diyan. Ulitin ko lang, iyong lenirobredo.com. Panoorin niyo rin iyong video—available sa VP Leni Robredo sa Facebook at sa YouTube at bukas, antabayanan natin iyong kaniyang diskusyon dito sa planong ito.

     

    ELY: At samantala, habang maraming naghihirap na mga Pilipino, nawalan ng trabaho, maraming nagugutom, eh sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa Senado, Atty., nasisiwalat iyong mas marami pang detalye ng anomalya. Ako, madalas akong maglaway, eh, sa gara ng mga sasakyan, luxury cars at parang nagkamali ako ng pasok ng kumpanya. Dapat sa Pharmally. [laughs]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ikaw, Ka Ely, naglalaway, ako nag-iinit ang ulo ko, grabe, tuwing nakikita ko iyang ganiyan. ‘Di ba parang hindi ko talaga matanggap, eh, na—‘di ba, alam naman natin kahit papaano may korapsyon, ‘di ba, at nakakagalit ang korapsyon. Alam mo na, ‘di ba, ang daming taong naghihirap, ang daming taong nangangailangan, tapos ito, mga papetiks-petiks lang, bilyun-bilyon, milyun-milyon ang kinikita, ‘di ba. May mga lumilitaw ng Lexus sa kanilang mga garahe, ‘di ba. [chuckles]

     

    ELY: ‘Di ba, may biglang darating na ano…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magigising ka may Lexus na sa garahe mo. Pero ang hindi ko talaga maatim, Ka Ely, lalo na sa panahon na ito, pandemya, eh! Ang daming taong namamatay! Ang daming taong nagkakasakit. Milyun-milyon ang nawawalan ng trabaho, ‘di ba, hindi mapakain ang kanilang pamilya, tapos magnanakaw pa kayo? Ewan ko. Ibang klaseng ka-walang hiyaan iyong nagawa ng ganiyan. Kaya ako, sang-ayon ako nang buong-buo sa sinasabi ni VP Leni: hindi puwedeng palagpasin iyong ganiyang klaseng krimen kasi ibang klase, eh. Tipong, Ka Ely, nasusunog na iyong bahay mo, nanakawan ka pa? ‘Di ba, iyong ganong tipo. Nalulunod ka na sa baha, imbes na sagipin ka, eh kukunin pa iyong gamit mo, ‘di ba. Parang ganoon, eh. Ganoong level, eh. Sa akin, hindi ko talaga maano, maintindihan kung saan kumukuha ng kapal ng mukha itong mga ganitong klaseng tao, ‘di ba. Na parang happy-happy sila habang nagdurusa ang napakarami.

     

    ELY: Iyong isang stockholder ng Pharmally, ha, tumatakbong kongresista diyan sa Quezon City.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo.

     

    ELY: Si Rose Nono Lin.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, Ka Ely, at kung hindi ako nagkakamali, nasa slate siya ni Bongbong Marcos, ‘di ba. May picture akong nakita, eh.

     

    ELY: So parang may gusto kang ibig sabihin, Atty., ha… [chuckles]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi naman. Ano lang, FYI lang, Ka Ely. Alam naman natin, ‘di ba, iyong mga—pero sa akin, ‘di ba, iyong mga isasama mo sa slate mo, ibig sabihin okay lang sa iyo, ‘di ba.

     

    ELY: Kahit may bahid. [laughter]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi lang sa may bahid, Ka Ely, para talagang—‘di ba ito iyong si Lexus. Siya iyong nagkaroon bigla ng—lumitaw na Lexus sa garahe niya.

     

    ELY: Sana sa garahe ko ganiyan din pagka-gising ko.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sana all. Sa lahat sana sa atin, Ka Ely, sa buong bansa sana pagka-gising, aba, may sasakyan sa garahe.

     

    ELY: Pero parang napaka-imposible naman na hindi mo alam kung saan iyon [nanggaling]. Nagulat ka na lang, ‘di ba.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ikaw ba, Ka Ely, biglang may lumitaw na kotse sa garahe mo, hindi ka ba magtataka man lang? Sasakyan mo na lang, gagamitin mo basta-basta? Ibang klase rin naman.

     

    ELY: Basta may masakyan lang daw, eh. Okay, ito pa, baka uminit ang ulo mo. Inom ka muna ng tubig. [laughter] Ito pa isa. Ayon, kalma ka na ha.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [drinks water] Kalma, kalma.

     

    ELY: Iyong sa COMELEC, nako, nilagdaan [ang] mahigit sa kalahating bilyon ito na kontrata ng F2 Logistics ni Dennis Uy. Iyong BFF ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ‘di ba, sinasabing nagbigay ito ng kontribusyon noong 2016 elections. So…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ayon nga, Ka Ely, una talagang, ‘di ba, iyong propriety ba, kung tama ba iyon. Parang, alam mong malaking donor, alam mong kaibigan, alam mong dikit na dikit sa isang partikular na politiko, tapos bibigyan mo ng ano, bibigyan mo ng ganiyang kontrata sa COMELEC na dapat impartial, ‘di ba. Taga-bantay dapat sa eleksyon. Walang kinikilingan. Hindi ka magtataka bakit mayroon talagang mga nagdududa at maraming nababahala dito. Pero sa tingin ko, talagang patuloy lang dapat ang pagbabantay sa COMELEC. Patuloy lang talaga iyong pangungulit sa kanila. Iyon nga, ngayon maraming nagre-raise ng questions tungkol diyan at kailangan talagang ipaliwanag at mas importante sa ipaliwanag, kailangang patunayan na may mga sapat na mga safeguards na naipapatupad para hindi talaga magkaroon ng magic, ‘di ba, sa darating na eleksyon. Kasi importanteng-importante, Ka Ely, ‘di ba, iyong kredibilidad ng COMELEC sa kahit na ano mang eleksyon. Eh kung ganito pa lang kaaga, ‘di ba, mayroon nang duda dahil nga sa ganiyang klaseng mga hakbang, eh hindi magandang simulain para sa kampanya at para sa eleksyon na ito. So umaasa tayo na iyong mga nagtatanong, mabibigyan ng kasagutan. Iyong humihingi ng kasiguruhan, ‘di ba, na magiging—na may mga safeguards tayo rito, mabibigyan sila noon. At patuloy lang tayo na lahat kailangan magbantay dito sa prosesong ito.

     

    ELY: Siguro pahapyawan ko lang, Atty., para sa ating mga listeners na nakikinig at nanonood dito sa BISErbisyong LENI, itong F2 Logistics ni Dennis Uy, iyong kaibigan ni Pangulong Duterte, nakakuha ng kontrata. Sila po iyong—sila iyong magde-deliver, ano, sa pamimigay ng mga balota, pati iyong mga VCMs, iyong mga vote-counting machines.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sila iyong magdadala doon sa iba’t ibang lugar, tama.

     

    ELY: Oo, so siyempre, may mga—hindi mo maaalis iyong pangamba na baka pag-deliver, Atty., iba na ang laman, ‘di ba. Sa biyahe hindi naman natin mababantayan iyan, eh. Pero agam-agam lang iyan.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Agam-agam lang iyan.

     

    ELY: Iyon lang ang mga agam-agam at baka mabigyan ng bahid ng pagdududa ang resulta ng eleksyon. Sana, iyong COMELEC mismo, umiwas sila sa ganitong eksena.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, Ka Ely, kasi huwag masamain na may mga taong nagtatanong. Kasi siyempre ang gusto ng mga tao ano, eh, walang bahid, walang duda, klaro na magiging malinis at maayos iyong eleksyon. Ngayon, kung simula pa lang mayroon nang ganiyang ka-prominenteng supporter ng isang politiko na bibigyan mo ng ganiyan ka-importanteng kontrata, eh huwag kang magtaka na may mga magtatanong. Kaya kailangan talaga rito, Ka Ely, iyong mga nagtatanong, mabigyan ng malinaw na sagot. At iyong hinihingi nga nilang mga safeguards, eh mabigay at maipaliwanag sa kanila. Kasi iyon ang ano, eh, iyon ang habol dito, lahat naman tayo nagkakaisa na kailangan maging malinis ang eleksyon. Walang bahid ng duda. Walang pagkakataon na magkaroon ng manipulasyon, ‘di ba, dito sa prosesong ito. So iyon ang binabantayan nating lahat dito, Ka Ely. Sana maintindihan ng COMELEC iyon, sana tugonan nila iyon, at para sa ating lahat, gaya nga ng binanggit ko kanina, eh, kumbaga senyales lang ito na kailangan lahat tayo alisto at nagbabantay dito sa buong prosesong ito.

     

    ELY: Kahit na aboveboard pa iyong deal na iyan. Pero kasi siyempre, hindi lang iyan ang titingnan mo, eh, ‘di ba, Atty. At ‘di ba, iyong sa Malampaya deal lang, eh. [laughter]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako, mahaba pang kuwento iyan, Ka Ely.

     

    ELY: Sana maimbestigahan ito ng Senado rin para sa kapakanan ng ating mga kababayan. At samantala, Atty., isingit ko lang din ito, ano, kasi mayroong resulta, iyong sa [Radyo Veritas]…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyong poll, oo.

     

    ELY: At nanguna si VP Leni Robredo rito. Nakakuha siya ng ano…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thirty seven percent, tama ba?

     

    ELY: Thirty seven percent dito po sa 2,400 respondents. At pumangalawa si Marcos Jr. na 27%, Ping Lacson 19% at Isko Moreno, 9%. So dito, iyong sinasabi dito iyong parang ano, iyong tungkol sa Catholic values and beliefs, ano. At ikaw, anong reaksyon dito ng OVP? Ikaw, Atty., bilang tagapagsalita ng ating Bise Presidente?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, unang-una, malaking pasasalamat sa lahat ng mga patuloy na nagpapakita ng tiwala kay VP Leni. Kasi ang pagkakaintindi ko rito, Ka Ely, ‘di ba ang tanong sa kanila, “Sino iyong tingin niyong kandidato na pinaka-kumakatawan sa mga values ng pagiging mabuting katoliko,” ‘di ba? At ang karamihan pinili si VP Leni at siyempre ako, hindi ako nagugulat, Ka Ely, dahil marami naman talagang mga tao at ito naman talaga ang katotohanan na ang pananaw kay VP Leni, mabuting tao siya. Kita naman niyo, eh. Kapag na-meet niyo si VP Leni, iyong pagiging simple, iyong pagiging malumanay, pagiging mabait na tao. Kita naman niyo kung papaano niya pinalaki iyong kaniyang tatlong anak. Kita naman niyo iyong mga ginawa niyang trabaho habang siya ay Bise Presidente at habang noong siya pa ay kongresista. Kita naman niyo kung paano magsalita, ‘di ba, kahit binabastos na, sinisiraan, hindi nagagalit, ‘di ba. Hindi nambabastos, hindi nagmumura, ‘di ba. Pero kung kailangang tumindig, kung kailangang gumuhit para sa karapatan at kapakanan ng ating mga kababayan, eh ‘di lumalabas iyong tapang. Parang nanay ba, Ka Ely, ‘di ba. Nanay mo, ‘di ba, parang mabait iyan pero kapag umabot na sa punto na kailangang depensahan iyong anak 'di ba? Kailangang ipaglaban iyong karapatan ng pamilya eh gagawin ang kailangan. So ako, hindi ako nagugulat, Ka Ely, pero nagpapasalamat pa rin ako na ito ay naging klaro dito sa survey na ginawa ng Veritas na ito.

     

    ELY: Siguro idagdag ko rin, Atty., at maraming humahanga kay, sa pamilya mismo ni VP Leni iyong sa kaniyang yumao na asawa Jesse Robredo hindi sila lumikha ng  isang dinastiya.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, saka hindi nag-iba iyong pamumuhay, Ka Ely. ‘Di ba dito sa atin, Ka Ely, karamihan kapag nakaupo nang mayor o congressman, aba bigla-bigla may Lexus na. Malaki na ang bahay. Itong kaniyang wala sila—kung saan iyong tinirahan nila na apartment noong nagsimula si Sec. Jesse na mayor iyon pa rin. Si VP Leni iyong tinitirhan nila na condo dito na maliit sa Quezon City hanggang ngayon iyon pa rin, 'di ba? Hindi nagbabago 'di ba? So ayan lang sa ibang bansa, Ka Ely, actually kapag tinitignan mo magugulat ka, tayo nagugulat tayo kapag nakakakita tayo ng balita na prime minister nag-bisikleta lang papunta sa trabaho, o sumasakay sa public transport, o simple lang iyong pamumuhay. Pero dapat ganoon, eh. Dapat doon tayo masanay. Mali nga  iyong nasanay tayo na kapag public official dapat marangya iyong pamumuhay. Ang tanong nga dito paano niya nabayaran iyan? Eh hindi naman ganoon kalakihan ang sinusweldo natin sa ating mga public officials. Hindi kagaya ng iba diyan na, 'di ba—si VP Leni bumibiyahe bus papuntang Naga. Iyong iba diyan eroplano hindi sumasakay ng economy, dapat first-class lagi.

     

    ELY: Ayaw nga ng business eh. Gusto first-class.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: First-class, ‘di ba. [laughs] Buong buhay ko actually hindi pa ako nakakasakay ng first class eh. Para talagang ibang mundo iyon eh 'di ba? Tapos sila magsasabi na simple, si VP Leni talaga iyong simpleng totoong tao talaga at naintindihan kung ano iyong sitwasyon ng karaniwang Pilipino. Hindi iyong pa first-class first-class kapag bumibiyahe, ‘di ba.

     

    [END OF FIRST GAP]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Okay, mga kasama, oras natin ay 9:44 in the morning. Samantala, uy nasa linya na natin, Atty., iyong ating kasama sa Istorya ng Pag-asa para magbigay po ng inspirasyon sa ating lahat.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, Ka Ely. So ngayong umaga ang ating bisita ay mga galing sa Lawyers for Leni—si Atty. Ram Ramos at si Atty. Dion Romano. Si Atty. Dion kasama namin sa OVP dati, Ka Ely, para alam ng lahat. Kumusta ka, Atty. Dion?

     

    ATTY. DION ROMANO: Okay naman. Dito sa bahay lang naka work-from-home.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So ngayon magkukwento sila dito sa Lawyers for Leni nitong mga nakaraang linggo, Ka Ely. Laging nafi-feature iyong mga post nito sa Facebook at sa Twitter ng mga taong gusto magsumbong sa Lawyers for Leni. Gusto mag-report ng fake news. So, Atty Dion, Atty. Ram, mag-kuwento naman kayo paano nabuo itong Lawyers for Leni?

     

    ATTY. RAM RAMOS: Good morning, good morning, Atty. Barry. Good morning, Ka Ely. Iyong Lawyers for Leni nabuo ito actually online lang. Nagsimula ito sa isang, ang nagsimula nito isang human rights lawyer si Atty. Gonzales Gonzales posted online around July, na humihikayat sa mga abogado na sumama na suportahan si VP Leni—well, iyong panahon na iyon, para kumbinsihin siya na tumakbo bilang presidente. So nauna siya sa deklarasyon, July pa lang iyon nagsimula. Noong umpisa iyong core group niyan nagsimula sa pitong abogado noong nag-umpisa ka. Iyong first namin na GA nasa 70 hanggang sa lumaki ng lumaki. Mas lumaki pa noong nagdeklara si Ma’am so ngayon nasa 900 na so…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Grabe! 900?

     

    ATTY. RAM RAMOS: 900 na full-fledged lawyers!

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kayo na yata iyong pinaka-malaking law office sa Pilipinas!

     

    ATTY. RAM RAMOS: So iyan nasa 900 na mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas Luzon hanggang Mindanao. May taga Tawi-Tawi pa nga, saka mayroon ding abroad iyong mga Filipino lawyers natin sa Abroad. So lahat iyan sumusuporta sa atin hanggang ngayon. Actually lumalaki pa siya eh parang may mga pumapasok pa na mga bagong sign-ups doon sa aming volunteers’ form. Palagay namin aabot pa ito ng libo bago umabot ng Mayo.

     

    ATTY. DION ROMANO: Add ko lang, Barry and Ram, kasi ako nag-join ako actually medyo late na. Tapos akala ko noong una siyempre dahil volunteer group bale kapag spare time mo lang saka ka makakapag-volunteer. Pero ito, Barry, sasabihin ko sa iyo, “Hala, bakit parang full-time iyong ginagawa nila.” [laughter]

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sabi ko nga sa iyo law firm na iyan eh!

     

    ATTY. DION ROMANO: Kaya nga sabi ko effort lahat. Iyong chat group namin every time mayroong message, walang araw na wala. So masasabi ko na sa kanila palang sila Ram, sila Murphy lahat ng nasa core talagang very dedicated to helping in the campaign of VP Leni.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So ano ba iyong mga activities niyo? Ano ba iyong mga pinagkakaabalahan niyo sa araw-araw na ginagawa ng Lawyers for Leni?

     

    ATTY. RAM RAMOS: So iyong pinaka major talaga na activities namin ay—nakikita ko yan tatlo iyong talagang na-i-identify. Una, iyong laban natin against disinformation, we have this group so called Lawyers Against Disinformation. Ayan iyong tinitignan niya not just only from the legal standpoint, iyong disinformation kasi alam naman natin natin iyan systemic, organized well-funded. Hindi lang naman iyan overnight na nangyari iyong disinformation sa social media. So matagal siyang pinagplanuhan. So lahat ng iyan tinitignan ng grupo na iyon, tinitignan iyong pakikipag usap sa iba’t ibang stakeholders, sa iba’t ibang platforms, sa iba-ibang grupo na may pare-parehas na may ipinaglalaban against disinformation. So iyan iyong tinitignan nila. So iyan iyong isa sa ginagawa ng grupo. Pangalawa, iyong pinaka-importante iyong free legal assistance na ginagawa ng grupo. Sa ngayon ginagawa namin siya online, pero sa ngayon bumubuo na rin ng local chapters eh kasi medyo masigasig iyong mga volunteers on the ground. Gusto nila kasi buoin iyong—gumawa ng local activities. So ang plano namin ngayon online iyong legal assistance pero eventually ang plano ay ibaba siya sa local tapos magkaroon ng face-to-face. So kunwari in a certain province, halimbawa Lawyers for Leni Pampanga magho-hold sila ng mga legal aid diyan on the ground, So iyong legal assistance iyong intake niyan lahat online. May form kami sa Facebook at sa Twitter. Doon lang sila magsa-sign-up, tapos magse-set lang ng appointment iyong nangangailangan ng serbisyong legal na libre, I mean legal advice. Mayroon silang maximum 25 minutes per lawyer. Puwedeng via video call, via phone call o text. Basta inaalam muna namin iyong background ng gusto nila isangguni tapos kakausapin sila, bibigyan sila ng advice. Ngayon, kung gusto ng lawyer na mag-usap sila at i-take on iyong kaso na iyon for legal assistance, may mga lawyers din na pumapayag na gawin nila pro-bono. Ang sinasabi nga namin diyan, Atty. Barry, lahat tayo, iyong 900 lawyers na iyan, lahat kahit papaano may paisa-isa tayong ginagawa na ganiyan eh na pro-bono. Pero ang gandang tingnan kapag pinagsama-sama mo siya sa Lawyers for Leni kasi isang grupo tapos alam mo na iyong mga abogadong nandiyan, ito naman talaga iyong ginagawa nila before pero nakikita mo na ginagawa nila as a group. Nakikita mo na ginagawa as a group bilang advocacy, na parte din ng advocacy ni VP Leni. Alam naman natin iyong background ni VP Leni.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon nga, eh. Iyon talaga, doon siya nanggaling talaga.

     

    ATTY. RAM RAMOS: Doon siya nanggaling talaga, eh. So iyon iyong gusto naming highlight also. Kasi iyon din iyong ginagawa natin eh hindi lang natin pino-post online, alam mo iyon, ngayon parang nalalaman ng tao na kaya iyon—kaya iyong gawin ng mga abogado basta naniniwala sila sa mga lider na tinitingala nila. So iyon iyon iyong isa pa.

     

    Another is iyong voters’ education program ng Lawyers for Leni. May isang grupo rin yan isang committee na iyon naman iyong nagtuturo sino o anong klaseng lider iyong dapat iboto. Tapos sila din iyong nagibigay ng information tungkol sa voters’ registration. Ano ba dapat iyong mga gawin para mag-file, kailan iyan. After ng voters’ registration ano iyong mga dapat pagisipan bilang botante, ano ba dapat mong malaman. So iyon iyong tatlong major na ginagawa ng Lawyers for Leni, pero hindi lang naman nakakahon sa tatlong iyon. Kasi nga ang taas ng energy ng mga volunteers eh. Hindi mo mapipigilan,  eh, bigla nalang sasabihin, “Atty., mayroon kaming ganito sa aming province gusto naming gawin…” Walang problema basta aligned ‘yan basta alam natin iyong values pinaglalaban natin. Alam natin iyong advocacy natin. Gagawin natin iyan.” So iyon ang nangyayari ngayon.

     

    ATTY. DION ROMANO: At ssaka banggitin ko rin, Ram, ano. I think iyong Lawyers for Leni rin ang naunang nag-caravan. After the filing, October 9, nag-caravan ang Lawyers for Leni. We were not expecting talaga na ganoon kadami ang dadalo. Akala namin kami-kami lang na Lawyers for Leni iyon noong Sabadong iyon, pero nandoon na rin lahat: bankers, bikers, lahat ng iba’t ibang sectors. After that parang every week na ata may caravan, hanggang ngayon may caravan. So iyon iyong mga… kumbaga outside our profession, no, na mga services na binibigay. Mayroon rin kaming mga activities na ganiyan on the ground.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Talagang ano eh, ano, iyong excitement and energy ang taas talaga sa volunteers. Pero ako marami akong nakausap na mga volunteer groups nitong nakaraang isang buwan—kasi isang buwan pa lang naman since October 7, 'di ba, iyong declaration ni VP. Isang madalas itanong sa akin, ano ang magagawa namin o papaano natin mababantayan iyong mga agam-agam na may araw ng magic sa eleksyon. Kanina, napag-usapan na namin ni Ka Ely. Anong ina-advise niyo kapag natatanong kayo ng ganyan.

     

    ATTY. DION ROMANO: Yeah oo, totoo nga iyan. Actually Barry, after the filing, no. Nagkaroon kami ng malaking general assembly. Lahat ng lawyers. Pinag-usapan namin paano tayo makakatulong doon sa… apart from voters generation or campaigning… ano iyong gagawin natin for voters protection, especially for the e-day. So presently, ang ginagawa, nabanggit kanina ni Ram, unti-unti na naming pinoporma iyong mga provincial chapters. Actually ang iba, down to city and municipal level, kasi we want na merong volunteer na Lawyers for Leni na nakaposte dyan, para una, i-train rin nila ang sarili nila. Ano ba iyong bagong rules and regulation ng Comelec, kasi siyempre mababago because of the pandemic. So magkakaroon rin ng training for that no, in preparation for the election day. At pangalawa, malaman kung ano ba iyong mekanismo or proseso kung merong reklamo, pag may complaint, pag may anomaly. Saan ba siya ieelevate. So magkakaroon rin ng quick response ang team na maghahandle, at maganda, abogado ang lalapitan nila para alam iyong gagawin, makakapag-advise ano iyong pwedeng gawin at that moment. At ‘yun, mahalaga rin na makipag connect kami sa mga other local groups kasi hindi naman kakayanin ng Lawyers for Leni lahat. Pero nandoon kami sa mga critical areas na kakailanganin talaga na protektahan ang boto, na maensure na bawat boto ni Maam, ni VP Leni, ay talagang mabibilang.

     

    So far, ganoon muna iyong ginagawa namin. In the coming days, in the coming months, mas icacapacitate namin iyong mga volunteer lawyers na maging handa sa kanilang magiging trabaho na protektahan ang boto ni VP Leni.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: I’m sure maraming matutuwa na marinig yan. Lagi kong sinasabi yan e. Marami tayong abogadong mga volunteer, at naghahanda na sila dito, at yan na nga.

     

    Nabanggit mo kanina Atty Ram ‘yung, isa sa mga una talagang ginagawa ng Lawyers for Leni is disinformation, at 'di ba, nakikita ko lagi yan e. Kapag may nagrereport ng fake news, kayo lagi ang tinatag eh. Ano ba iyong kasalukuyang proseso ninyo dyan? Ano ang maaasahan halimbawa, ng mga nagtatag sa inyo? Ano ang ginagawa ninyo dyan?

     

    ATTY. RAM RAMOS: Totoo iyan, Atty. Barry. Sa totoo lang punong-puno na iyong inbox natin.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nakikita ko nga eh, ang dami!

     

    ATTY. RAM RAMOS: Saka hindi lang iyong inbox ng mismong page! Pati iyong inbox ng, kami mismo…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyong mga individual members.

     

    ATTY. RAM RAMOS: Oo, pati mga individual members. Pero noong… kasi nagsimula ito noong, ano, eh, pagkatapos ng malakihang caravan, iyong nationwide caravan. Doon talaga nagsimula. At ang naging… ang nangyari talaga diyan, maraming volunteers ang lumapit sa amin, humihingi ng tulong. Kasi iyong mga taong ito, iyong lumabas sa caravan, mga volunteers iyan e, mga KKB. Kanya-kanyang print ng tarpaulin, kanya-kanyang gasolina. Talagang kahit kami, kanya-kanyang print. Sa sobrang… importante kasi nito sa mga volunteers, noong kumakalat ang balita na binayaran sila and all, masakit iyon sa mga volunteers na talagang tumaya on a Saturday morning, lumabas, gumastos, tapos pagsasabihan ka na ganoon, 'di ba? So ang daming lumapit sa amin, na iyong mga picture nila, pinopost online. Tapos dahil doon sa pinost na kumalat online na binayaran iyong mga nag-caravan, ang daming lumapit sa amin, may mga napopost na picture online, mga pangalan nila online. Baka inadvertently, hindi naman talaga pinipinpoint pero sinasama iyong mga picture  nila kasi madali eh, alam mo naman ang social media.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Madaling mag-imbento ng kuwento e, tama.

     

    ATTY. RAM RAMOS: Maglagay ka ng picture, lagyan mo ng caption, kakalat na ‘yun, lalo na kung controversial 'di ba. So yan iyong nangyari.

     

    So sabi namin, paano ba namin sila matutulungan? Tayong mga volunteers, tayo-tayo rin lang iyong magtutulungan eh. Sabi nga ni Ma’am, iyong makinarya niya tayo rin lang. So sila, iyong mga taong lumabas na yan, walang resources, hindi mo naman aasahan rin lang na magbabayad pa ng abogado para lang habulin iyong mga tao.

     

    So sabi ng Lawyers for Leni, sige, tulungan natin. Ang daming lumalapit, tulungan natin. So bumuo ng special task force ang Lawyers for Leni, against iyong mga ganito. iyong mga cyberbullying, iyong mga pagpopost ng personal pictures, personal names online, na dahil sa fake news. iyong pag-atake ng Lawyers for Leni dito, hindi lang iyong fake news perse, pero iyong epekto rin niya. Kasi iyong fake news, hindi lang siya simpleng pagpopost ng maling information online eh. Mayroon yang call to action, mayroon iyang… ang nangyayari diyan, kapag may nagpost—ang nakita natin ha—kapag may nagpost ng maling impormasyon online, may mga taong nagagalit, may mga taong naniniwala at nagpopost na rin ng ganoon, hanggang to the extent na may mga volunteers na natatamaan ng mga post nila. Pero sabi nga namin, bumuo kami ng special task force, may mga abogadong tumitingin sa mga reklamong ganoon, ang sinasabi namin, hindi namin layong habulin iyong mga ganoon, iyong mga nagpopost ng mga naninira sa volunteers. Hindi kami… hindi tayo nandito para makipag-away. Naniniwala kami kahit sila mga biktima noong naging kultura na ng false information.

     

    Pero gusto lang rin namin na maeducate sila na may mga legal consequences iyong mga ganoon. Kasama na rin iyon sa responsibilidad natin bilang mga tao sa social media, bilang gumagamit ng social media, na bago tayo magpost, alamin natin kung totoo, siguraduhin natin na di tayo nakakasakit ng ibang tao. So yan ang nangyayari ngayon. It’s not about… hindi kami gigil na mag-file ng mga kaso, hindi kami gigil na makipagdebate, makipag-away sa mga nagpopost. Ang gusto namin maayos siya. Iyon ang ambag ng Lawyers for Leni sa pag-ayos dun sa mga nangyayaring kultura on disinformation and cyberbullying.

     

    ELY: Okay, Atty. Barry, wala na tayong oras. Pero ang ganda ng kanilang layunin. Eh parang gusto lang nilang turuan na maging responsable sa paggamit ng social media. iyon magandang mensahe iyon. So wala na tayong oras, Atty., sana sa susunod makausap po natin sila.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo nga, so salamat sa pagdalaw sa amin ngayong umaga. Tuloy lang, dahil ang laki talaga ng inaasahan sa volunteers.

     

    ATTY. DION ROMANO: Thank you!

     

    ELY: Salamat kay Atty. Ram at kay Atty. Dion!

     

    ATTY. RAM RAMOS: Salamat po! Salamat!

     

    [END OF INP SEGMENT]

     

    ELY: Okay mga kasama, Atty. Barry, ano ang mensahe ng ating Bise Presidente sa ating mga kababayan bago tayo magtapos sa ating palatuntunan?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, una, bantayan natin iyong kaniyang diskusyon sa Kalayaan sa COVID plan bukas, at sa Tuesday, asahan natin ulit iyong kanyang PINKiusap tuwing Tuesday kung ano ang kanyang hihilingin sa lahat ng ating mga volunteers, lahat ng ating suporters. 183 days pa, Ka Ely, bago eleksyon, pero tiwalang-tiwala tayo, sa pamamagitan nitong People’s Campaign, sa pagkilos ng mga volunteers tulad nga ng Lawyers for Leni at iba-iba pa, sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at sa labas ng Pilipinas, kaya nating ipanalo ito. Alam natin na mahirap ang laban, pero sabi nga ni VP Leni, 'di ba, ang kaniyang inaasahan, iyong lakas mismo ng taumbayan na kumikilos para sa kaniyang kampanya. So tuloy lang, Ka Ely. Kayang-kaya natin ito.

     

    ELY: Salamat! Mga kababayan iyan po si Atty Barry Gutierrez, ang opisyal po na tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo. Ako pa rin po ang inyong Radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

     

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Nov 07, 2021