This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 234

    BISErbisyong LENI Episode 234

    ELY: Magandang umaga Pilipinas—Luzon, Visayas at Mindanao. Ito na po ang BISErbisyong LENI sa RMN. At siyempre, ngayon po ay araw ng Linggo, mga kababayan, October 31, 2021. Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Siyempre, ang makakasama po natin ngayon dito po sa BISErbisyong LENI ang opisyal po na tagapagsalita ng ating Bise Presidente, si Atty. Barry Gutierrez. Attorney, magandang umaga sa inyo.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga, Ka Ely. At magandang umaga sa lahat ng ating mga tagapakinig, sa ating mga kababayan, at mga kasama natin ngayong umaga.

    ELY: Ganda ng ribbon mo, ah.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughter] Siyempre.

    ELY: Iinom muna ako. Iinom muna ako. Ah, mamaya na. Okay, so, Atty., kumusta po? Bahagi po ng programa dito sa BISErbisyo malaman po natin iyong mga iba pang detalye kasi alam naman po nating lahat, busyng-busy po ang ating Bise Presidente at may iba’t-ibang mga aktibidad, at alam ko nasa Bicol pa siya. So siguro sa nakaraang linggo, ano ba iyong naging aktibidad ng ating Pangalawang Pangulo?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naku, punong-puno na naman, Ka Ely. Lalo pang mas puno ngayon dahil kasabay ng dati niyang ginagawang trabaho sa Office of the Vice President, siyempre may mga pakaunti-unting activities na ngayon na may kinalaman sa kaniyang pagtakbo bilang Presidente. So, halimbawa, noong nakaraang Martes, nagkaroon siya ng Zoom na meet and greet kasama ang mga Kasambahays for Leni. So napakalaking grupo nito, Ka Ely. balita ko umabot ng 1,000 iyong nasa Zoom meeting. So, Tuesday iyan. At siyempre, kagaya nga ng sinabi ko, mayroong kasabay na trabaho pa rin sa OVP. So noong Martes din, nagkaroon ng turnover ng sustainable livelihood subsidy sa mga magsasaka. Ito iyong Minto Farmers Irrigators Association. Dito lang iyan sa taga-Albay pero iyong turnover ginawa dito sa aming opisina sa Quezon City.

    Gaya nga ng nabanggit niyo, noong Wednesday nagpunta na siya ng Bicol. Unang punta, Naga. Nagkaroon ng isang malaking meeting kausap ang Solid Leni Bicol. Ito ang kaniyang mga supporters sa kaniyang sariling home region, Ka Ely. Pero, bukod doon sa pakikipag-meeting sa mga supporter tulad niyan, mayroon din siyang turnover ng apat na mga unit ng mga high-flow respirators sa Bicol Medical Center. Isa sa mga projects ito ng ating Angat Buhay Program, at ang partner dito iyong Tzu Chi Foundation. Noon namang Huwebes, sa Albay naman. Mula Naga, nagpuntang Albay. Nakita mo ba iyong picture, Ka Ely? Sinalubong siya sa Ligao at sa Tabaco. Lahat ng mga tao nagsilabasan sa kalsada, naka-pink. Ang daming mga pink na ribbon doon sa kanilang mga bahay-bahay. So napakainit ng pagtanggap, pagsalubong kay VP Leni sa Albay. Pero, gaya nga ng binanggit ko, bukod sa pagkakaroon ng mga ganitong klaseng events, tuloy pa rin ang trabaho. So may turnover ng mga—nagkaroon ng turnover ng assistance sa Añgas Small Fishermen Association sa Tabaco City ito, Albay mismo. Nagkaroon din ng turnover sa Mapulang Daga Fisherfolks and Weavers Association sa Bacacay, Albay. Hindi ko alam kung nakita mo iyong picture, Ka Ely. Sumakay sila ng bangka, pumunta sila sa isla. So tuloy-tuloy iyong trabaho. Ngayo namang Biyernes, nagkaroon ng malaking press conference sa Sorsogon. Lumipat naman sa Sorsogon. Pero kasabay nito, mayroon din turnover ng locally-funded project naman sa Progresibong Komunidad Street Vendors Association sa Irosin, Sorsogon.

    So ganiyan ang itsura ng buong linggo ni VP Leni ngayon, Ka Ely. may mga meeting, may mga pagbati sa mga supporters. Pero kasabay nito, tuloy-tuloy pa rin iyong mga ginagawa para sa Angat Buhay, iyong mga turnover ng mga projects, iyong pakikipag-meeting at pakikipagkita doon sa mga iba’t-ibang komunidad at iba’t-ibang sektor na lima’t kalahating taon na halos na tinutulungan at kaugnay ni VP Leni at ng kaniyang tanggapan. So iyan ang itsura ng napaka-busyng linggo ng ating Bise Presidente ngayon, Ka Ely.

    ELY: At siyempre, dito ho sa mga aktibidad ng ating Bise Presidente ay talagang kitang-kita iyong mga suporta ng ating mga kababayan. At isa ang mga—siguro ang magandang tanong dito, isa kasi sa mga pintas at kumakalat na fake news na mga bayad ang mga iyan. Pero may mga suporters naman na mismong sila ang nagsasabi. So, Atty., ano ang masasabi niyo dito?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una, Ka Ely, talagang fake na fake iyong mga kuwento-kuwento, iyong mga lumalabas na picture. Ang dali naman kumuha ng picture, ‘di ba? Kumuha ka ng sticker, kabit mo sa pera, picture-an mo, kung ano-ano na ang kuwentong puwede mong imbento. At idudugtong ko lang dito, Ka Ely, mayroon nang nabuo na grupo na mga volunteers, mga Lawyers for Leni at sinasabi nila kung may mga fake news na ganiyan, i-report niyo sa amin at kami ang magsasampa ng kaso. So mukhang umabot na tayo sa punto, Ka Ely, na kailangan na ng ano, eh, kailangan nang turuan ng leksyon itong mga gumagawa ng mga ganitong klase ng kuwento-kuwento. Nakita ko nga, Ka Ely, noong isang linggo mayroon nang nag-sorry. Kasi noong nag-post siya, “Naku, bayaran iyan! Hindi totoong volunteer iyan!” Noong biglang na-report iyong kaniyang post sa mga abogado, biglang nag-apologize. So ako naman, basta klaro kung ano ang katotohanan, Ka Ely.

    Pero ang katotohanan talaga, mula pa noong simula. October 7 pa lang noong unang nag-deklara si VP Leni, iyong dagsa ng suporta, iyong dami ng mga tao. At galing ito sa iba’t ibang ano, iba’t-ibang karanasan, iba’t-ibang walks of life, Ka Ely, iba’t-ibang lugar. Hindi lang ito mga middle-class, mga propesyonal. Kasama dito mga ordinaryong mga mamamayan, mga tricycle driver. In fact, Ka Ely, iyong ating BISErbisyo Guest mamaya sa Istorya ng Pag-asa, ‘di ba, isa iyon sa mga puwede magkuwento tungkol dito. Pero iba’t-iba talaga ang mga tao na lumabas para sumuporta, para mag-volunteer para kay VP Leni. Iyong caravan na naganap noong Sabado, kitang-kita naman niyo may mga kotse doon, may mga tricycle din, may mga bangka, may mga bisikleta, may mga motorsiklo. May kalabaw pa nga, ‘di ba, sa Bukidnon, tinalian ng ribbon. At ito, kahapon lang nagkaroon sa Aklan. Balita ko umabot ng 400 vehicles umabot. May mga kotse, may tricycle, mga motor. So kita talaga natin na madami talaga sa ating mga kababayan, galing sa iba’t-ibang lugar, iba’t-ibang background ay lumalabas na ngayon, tumitindig para ipakita ang kanilang suporta para kay VP Leni. At ang laki ng aming pasasalamat dito. Gaya nga ng sabi ni VP mismo, ito ang ating sinasandalan dahil ito ay kailangan maging people’s campaign dahil hindi ganoon kalaki ang ating pera, huli tayo nag-deklara kaya hindi ganoon kalaki at kalawak iyong ating makinarya. Pero iyong lakas ng mga tao na tumatayo ngayon, nagkakabit ng pink sa kani-kanilang mga bahay, sa kani-kanilang sasakyan, nagsusuot ng mga pink na ribbon at pinapahayag ang kanilang suporta at tiwala kay VP Leni. kinakausap ang kanilang mga kakilala, mga kapitbahay, mga kamag-anak, mga katrabaho para kumbinsihin na sumuporta na rin kay VP. Iyan ang—iyan ang ating inaasahan, Ka Ely. At ang laki talaga ng ating pasasalamat na ang daming kumikilos ngayon at tumutulong, sumusuporta sa ating Bise Presidente.

    ELY: Sa Norte, ano, may caravan din.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mayroon, Ka Ely!

    ELY: So hindi totoo iyong “Solid North.”

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sa totoo naman, Ka Ely, sa lahat naman ng lugar mayroon talagang supporter ng iba’t-ibang mga tao. Pero pinatunayan lang kahapon na kahit sa lugar na sinasabi natin o iniisip natin na dito talaga malakas ang ibang kandidato, mayroon pa ring sumusuporta kay VP at nag-matapang, Ka Ely, na lumabas sila. Pinahayag nila ang kanilang suporta kay VP Leni. So malaki ang ating pasasalamat sa kanila at ako, Ka Ely, wala akong duda. Tingin ko sa darating na mga linggo, sa darating na mga buwan, tuloy-tuloy lang iyan iyong mga ganiyang klase ng show of support para kay VP Leni. napaka-spontaneous, napaka-organic, kusa na ginagawa ng mga supporters niya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

    ELY: At siyempre, bukod dito sa ating bansa, maging sa abroad, Attorney. Mga OFWs, mga migrante–

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ah, oo!

    ELY: –iyong mga naninirahan o nagtatrabaho doon sa iba’t-ibang bansa ay– Kasi iba-ibang klase ngayon, Atty.. Iyong magsuot ka lang ng kulay, alam mo na agad na sumusuporta. Wala ka na ibang kailangan sabihin, ‘di ba.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Balita ko ngayon mayroon sa Hong Kong kaya shoutout sa ating mga kakamPINK Hong Kong.

    ELY: Ang dami sa iba’t-iba, pati sa Estados Unidos at maging sa Middle East napakarami ho ng ating mga kababayan. At dito, siyempre, balik dito tayo sa ating bansa. Maraming mga lokal na opisyal ang sumusuporta na kay VP Leni. so mukhang parami na nang parami.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Madami na, Ka Ely. Unti-unti nang naglalabasan ang ating mga local officials na nagpahayag na ng kanilang suporta kay VP Leni. Siyemrpe, noong  mga nakaraang linggo, nabalitaan na natin at napag-usapan na din natin, Mayor ng Cagayan De Oro, si Mayor Oscar Moreno, Mayor ng Iloilo City, si Mayor Jerry Treñas, Congresswoman ng Palawan, si Congresswoman Beng Abueg Zaldivar at iyong kaniyang kapatid, dating Deputy Speaker Eric Abueg na ka-batch namin ni VP Leni sa House of Representatives dati. Mayor ng Odiongan, Romblon si Mayor Trina Firmalo-Fabic. Mayor ng Alcala, Cagayan, si Mayor Tin Antonio. Siyempre iyong dinalaw ni VP Leni noong isang araw, Tabaco City Mayor, si Mayor Krisel Lagman-Luistro. At siyempre, iyong mayor ng sarili niyang hometown ng Naga, si Mayor Nelson Legacion at buong Team Naga. So ang dami na, Ka Ely, at umaasa tayo—at bago ko makalimutan—Muntinlupa Mayor Jimmy Fresnedi noong isang araw lang. Matagal na nating supporter, pero ito, lumantad na at idineklara ang kaniyang suporta para kay VP Leni. Madami pang iba, Ka Ely, mga Board Member, mga Konsehal, mga Vice Mayor. So klarong klaro na unti-unti, kahit na huling nag-deklara si VP Leni, iyong suporta ng local officials pumapasok na sa kaniyang kampanya. Kasi iyong iba nga dito nakausap ko, sabi nila, nakita namin ang suporta ng tao mismo, ‘di ba, at kami naman matagal na naming kilala si VP Leni at tiwala kami sa kaniyang kakayahan. Nakatrabaho namin siya, nakita namin kung gaano siya kasipag at kung gaano ka-epektibo iyong naging mga programa niya sa kaniyang opisina. Alam namin na mabuting tao siya kaya madaling desisyon na sumuporta. Lalo na ngayon, Ka Ely, na unti-unti nang nagpapakita rin ng kanilang masidhi at malalim na suporta ang mga kababayan natin sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

    ELY: Okay. Atty., ito pong panawagan ni VP Leni sa mga taga-suporta na “Tumulong sa kapwa, pakainin ang mga nagugutom.” Pakidagdag nga, paki-eksplika po, Attorney.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ito iyong mensahe ni VP Leni nitong nakaraang Martes. Kasi ang nakikita natin ngayon, Ka Ely, continuous na panawagan sa lahat ng mga supporters at volunteers iyong KakamPINK Wednesdays. Every Wednesday, magsuot tayo ng pink. Pero dinagdagan ito. Dinagdagan at lalo pang binigyang liwanag ni VP Leni itong panawagang ito na bukod sana sa maghayag tayo ng ating kulay—magsuot tayo ng pink, magtali tayo ng ribbon, mamigay tayo ng pink na sticker—ipakita natin na hindi lang ito kulay. Ipakita natin na ito ay pananaw, ito ay pag-uugali kaya tumulong tayo, ‘di ba? Kasi tungkol dito iyong ating kampanya. Ganoong klaseng tao din si VP Leni. Iyong taong ating sinusuportahan, ay isang opisyal na sa nakaraang lima’t kalahating taon, sa kabila ng pagbabatikos, panggigipit sa kaniya, tuloy-tuloy lang iyong kanilang pagkilos, pagtrabaho, pagbigay kalinga sa mga may kailangan. Nakita naman n’yo naman, Ka Ely. Alam naman n’yo, matagal na n’yong kasama si VP Leni. At iyong kuwento halos linggo linggo tungkol sa ano iyong mga lugar na pinuntahan niya. Iyong mga komunidad na binigyan ng tulong, iyong mga taong kaniyang nabigyan ng suporta. Talagang napakarami, Ka Ely. Alam ko sa Angat Buhay, almost 400,000 families na ang natutulungan. Almost 400 cities and municipalities sa iba’t-ibang lugar ang mayroong proyekto ng Angat Buhay. Labas pa dito sa ginawang mga pagkilos ng nakaraang dalawang taon dahil sa COVID at dahil sa krisis ng COVID. So sana makita ito doon sa mga supporter mismo. Sabi niya, bukod sa pagsuot ng pink, tumulong tayo. Puwedeng malaking bagay tulad ng mga nagpapa-feeding program, may mga nagpapalugawa para sa mga nagugutom. May mga nagvo-volunteer para sa kanilang mga community education center. Pero sabi niya puwedeng mas simpleng bagay. Bibili ka ng tinapay, dagdagan mo ng kaunti, ibigay mo sa taong nangangailangan. Kasi klaro kay VP Leni, eh. Kailangang magkaisa muli ang ating bansa. Iyong pag-aaway-away, iyong mga bangayan ng mga nakaraang mga buwan. Hindi makakatulong sa atin iyan. Lalo na kung pagkatapos ng eleksyon at kailangan nang muli tayong bumalik sa usapin kung paano aayusin itong ating krisis na kasalukuyang hinaharap. At sinasabi niya, ngayon pa lang, kailangan nating simulan iyong proseso ng paghihilom, ‘di ba. Iyong proseso ng pagkakaisa muli. At ang pinaka-malinaw at pinakamadaling paraan para gawin iyan, bukod sa suot mo iyong kulay ng iyong sinusuportahan at pinaniniwalaan, gawin natin iyong bagay na kailangan para makatulong sa ating mga kapwa, sa ating mga kababayan. Dahil kailangan natin ipakita sino tayo at sino rin si VP Leni sa pamamagitan nitong ganitong klase ng pagkilos.

    ELY: Atty., idadagdag ko diyan, kasi matagal na rin kaming magkasama dito sa VP Leni, ako nagugulat kasi iyong mga pinupuntahan niya, ginugusto niya iyong mga liblib na lugar.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Totoo, Ka Ely!

    ELY: ‘Di ba kadalasan, sa mga pangkaraniwang mga, sabihin natin politiko, pag may kalamidad, puro sa bungad lang ibinabagsak iyong tulong. Pero si VP Leni, iyong iba nga, hirap na hirap iyong mga kasama niya. Biro mo magbabangka ng ilang oras–

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Maglalakad sa bundok, Ka Ely, dalawang oras.

    ELY: Kaya nga ako, ayaw kong sumama.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughter]

    ELY: Hindi. Pero ‘di ba, si VP Leni, talagang sinusuong iyan. Ngayon ko lang nakita iyang ganiyang opisyal ng gobyerno. Kasi sa mga nakaraan, sa iba, bungad lang. Ang iba, picture-picture lang. Tapos, “Ilan ba tao diyan?” Kapag kakaunti, hindi na pupuntahan, eh. Pero dito ho, kaya makikita talaga may mga lumuluha na mga kababayan natin, na ni minsan hindi pa raw sila nadalaw ng mataas na opisyal ng gobyerno maliban kay VP Leni.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kasi, Ka Ely, hindi kasi politiko si VP Leni. Iyon iyong simpleng dahilan para doon. Ang background talaga niya, isang abogado na tumutulong sa mahirap. Sanay siya na doon siya pupunta talaga sa kung nasaan ang mga tao, kahit gaano kalayo. May kuwento siya diyan, ang pinakamalayong nilakad daw nila, kalahating araw daw silang naglalakad para mapuntahan iyoing sitio sa bundok.

    ELY: Tama. At saka iyong isa, may sumakay sila ng bangka.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sa ano iyan, sa Agutaya, Palawan. ‘Di ba, limang oras, anim na oras yata iyong ano, biyahe sa bangka. So tama ka, Ka Ely, pagdating doon, hindi naman ganoon kadami ang tao, pero hindi kasi iyon iyong habol niya. Ang habol niya, dalhin ang tulong kung saan kailangan. Iyon iyong kaniyang perspektibo.

     

    ELY: Tama.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyan ang kaniyang uri ng paglilingkod mula noong hindi pa siya pumapasok sa pulitika, hanggang naging Kongresista, at tinuloy ngayon hanggang siya ay Bise Presidente. At iyan ang maaasahan natin, Ka Ely, kapag naging Pangulo natin si VP Leni. Iyong ganoong klaseng serbisyo, ang tutok kung saan ang nangangailangan, kahit gaano kalayo, kahit gaano ka-liblib, makakaabot. Kasi iyon talaga ang kaniyang pananaw sa pagseserbisyo bilang isang bahagi ng pamahalaan.

     

    ELY: So mali itong “extraordinary housewife.” “Extraordinary lingkod bayan” dapat.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughter] Well, hindi naman mali kasi sa totoo lang, extraordinary housewife din naman talaga si VP Leni. Kasi, una, parang nakaka-ano rin. Tingin ko maling-mali na titingnan natin na parang pang housewife lang—

     

    ELY: Minamaliit.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: —parang minamaliit. Naku! Housewife, nanay, nanay natin! Isipin mo naman trabaho na ginagawa ng Nanay mo, ‘di ba? Mas maaga pang gumigising iyon sa lahat ng miyembro ng pamilya. Lahat ng problema ng buong household, siya ang umaasikaso, ‘di ba. Iba kung mawawala ang nanay mo, magkasakit, hindi na alam ng buong pamilya kung ano ang gagawin nila. Kalimitan, ganiyan ang nangyayari. Pero, ito ang idadagdag ko: Bukod sa pagiging isang extraordinary housewife, nakapagpalaki ng tatlong napakatino, napaka-successful na mga anak habang nag-aaral dati sa law school, habang nakapag-abogasya, ang dami pa niyang nagawa. Sabi ko nga noong isang araw, extraordinary lawyer din dapat, ‘di ba? Extraordinary legislator kasi napakadaming batas na ipinasa noong habang siya ay isang kongresista habang napaglingkuran niya nang maayos ang kaniyang distrito.

     

    ELY: Atty., kailan ba siya naging Congresswoman?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: 2013 to 2016, Ka Ely.

     

    ELY: Kaya ko naitanong ngayon iyan, dahil sa trending ngayon may litrato ni VP Leni 2015 ito, sa bus station, kasama niya iyong kaniyang tatlo niyang anak. So kongresista na pala siya noon.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Congresswoman na siya noon, Ka Ely.

     

    ELY: Nakatambay sa bus station.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyong nakaupo sila? Iyong nakaupo sila dahil late iyong bus? Oo.

     

    ELY: Iyon!

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako, naman, Ka Ely, Congresswoman siya, nagbu-bus siya papuntang Naga. Huwag na nga Congresswoman, Bise Presidente na siya, nagbu-bus siya ng Naga. Ilang beses ko na rin siya nakasabay. Sasakay kami ng bus diyan sa may terminal sa Cubao tapos ano iyon, overnight. Umaga, nandoon na kayo sa Naga. Pabalik, ganoon din. Sasakay kayo sa Naga, gabi, dadating kayo ng madaling araw, ‘di ba?

     

    ELY: Nasubukan ko na iyan.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ganoon siya. Iyon ang pagkatao ni VP Leni, ‘di ba. Simple, ‘di ba? Walang arte-arte, ‘di ba, hindi pa-VIP. Ganoon talaga siya. At saka iyon nga, extraordinary na abugado, naglingkod sa mahihirap, dinepensahan iyong mga nangangailangan. Tapos iyon nga, extraordinary na mambabatas, ‘di ba. Simple, nagpasa ng maraming batas. Nakatulong ng malaki sa kaniyang distrito, ‘di ba. At siyempre, extraordinary na Bise Presidente. Nakita naman natin sa nakaraang lima’t kalahating taon iyong sipag, iyong commitment sa serbisyo, iyong hindi nagpatinag kahit na kung ano-anong mga paninira at panggigipit ang ginawa sa kaniya. At idadagdag ko, Ka Ely, si VP Leni, tatlo ang degree. [laughter] Na inearn niya habang siya ay–

     

    ELY: Atty., hindi ba iyan special diploma? Hindi?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hindi! Totoong diploma. Degree holder sa UP School of Economics, ‘di ba, Law Degree galing sa University of Nueva Caceres, at mayroon pa siyang Masters alam ko sa San Beda.

     

    ELY: Pero, Atty., in fairness sa mga kababayan na, halimbawa, talagang hindi pinalad na makapagtapos, pero kung hindi ka naman nakapagtapos, huwag mo nang ilagay. Huwag mo na sabihin na nagtapos ka, ‘di ba? Hindi nama kuwestyon sa Saligang Batas kung may degree, ‘di ba?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, Ka Ely, ‘di ba? Hindi kabawasan iyon. Pero, huwag ka nang magsinungaling. Ang punto naman dito, hindi iyong hindi ka ano—hindi iyong hindi ka graduate. Ang punto, nag-iimbento ka pa, ‘di ba? Parang nagsisinungaling ka pa. Ibig sabihin, para sa kaniya, issue iyong “Dapat graduate ako,” ‘di ba, iyon iyong punto ‘Kaya magsisinungaling ako para mapabilib ko ang mga tao.’ Sa akin, para mapabilib ang mga tao gawin mo. Gawin mo ang totoo na trabaho. Gawin mo iyong aktwal na kailangang gawin para ito ay talagang puwede mong i-claim na sa iyo.

     

    ELY: Kunsabagay, ‘di ba sinasabi iyong mga medalya raw noong panahon ng giyera…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Nako, klaro iyan, Ka Ely. Isa ako doon sa mga nag-abogado para roon sa mga Martial Law victims noong 2016, ‘di ba. Iyong tungkol sa burial. Nag-testigo mismo, Ka Ely, iyong mga head ng National Historical Commission at nilabas nila iyong report, ‘di ba, na peke talaga iyong mga medalyang iyon. Pero sa akin, ano na iyan, eh, kumbaga, isyu iyan ng nakaraan, ‘di ba. Ang importante ngayon iyong isyu ngayon, ‘di ba. At sa akin, klarong-klaro na kung tiitngnan lang natin iyong sipag, titingnan lang natin iyong sinseridad, titingnan natin iyong pagka-simple, eh si VP Leni talaga ang nagpamalas ng ganiyan at malinaw sa buong panahon ng kaniyag pagseserbisyo sa ating gobyerno at sa ating bayan.

     

    ELY: At samantala ay ito, noong Biyernes naman, Atty., naging matagumpay ang operasyon ng ating militar dito sa pagtugis, ano, kay Salahudin Hassan, iyong lider ng Daulah Islamiyah - Hassan Group.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, Ka Ely.

     

    ELY: So, ito ho, mga kababayan, at talagang mayroong ginawang pagpupugay dito ang ating Bise Presidente at sa ating mga sundalo.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, naglabas siya ng pagpupugay nga, Ka Ely, dahil klaro naman ang suporta ni VP Leni sa ating mga miyembro ng Sandatahang Lakas, sa ating mga kapulisan, lalo na sa mga ganitong klaseng pagkilos laban sa terorismo, laban sa mga masasamang tao na alam naman natin ang intensyon ay manakit at magpahamak ng ating mga kababayan. So patunay ito, Ka Ely, na sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano, operasyon na ayon sa batas, puwede nating masugpo ang ganitong klaseng mga threats sa ating bansa at sa ating mga kababayan.

     

    ELY: Okay, dito naman, Atty., dumako naman tayo sa COVID-19 situation dito po sa ating bansa. Dito po sa Metro Manila, Alert Level 3 pa rin, ano, hanggang November 14. So may project ang OCTA Research na baka bumaba pa ito. So tingin ho ba natin realistiko ito na—kasi maraming mga negosyante na, “Dapat i-Alert Level 2 na, eh,” para lalong sumigla ang ating ekonomiya at maraming makapaghanapbuhay at maraming nagugutom kasi.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang posisyon naman ni VP Leni diyan dati pa, Ka Ely, kung ano mang hakbang ang gagawin, ano mang polisiya ang ipapatupad, kailangan ikonsulta talaga doon sa mga eksperto, doon sa mga doktor, doon sa mga frontliners na sila mismo ang araw-araw humaharap, ‘di ba, sa krisis na ito. Kasi ilang beses na ring nangyari iyan, Ka Ely, ‘di ba, pagkatapos ng isang surge, pababa iyong numero, magbubukas tayo, tapos aangat na naman, ‘di ba. So malinaw na dapat mag-ingat pa rin tayo. Pero ako, very optimistic itong nakikita nating pagbaba ng numero—tuloy-tuloy. Alam ko mahigit dalawang linggo na na continuous iyong pagbaba. Nakakapagbigay ng kaunting saya iyong mga projections ng OCTA na baka raw by December, 1,000 na lang per day ang kaso. Pero sa kabila nito, Ka Ely, tingin ko, klaro na kailangan pa rin nating mag-ingat. Kailangan hindi pa rin natin kaligtaan iyong mga precautions tulad ng pagsusuot ng mask, ‘di ba, pagme-maintain ng social distancing. Eh noong isang araw, Ka Ely, nagpunta akong airport. Grabe, nakakatakot. Parang iyong sa pila, minsan iyong ibang tao nakakaligtaan na nilang mag-maintain ng social distancing. Pero sa akin, natural lang. Pagod na tayong lahat, alam mo ba iyon. Parang magdadalawang taon na, tayo gusto nang matapos, ‘di ba, itong ganitong klaseng paghihirap. Pero iyon nga, eh, ang isang kailangan nating alalahanin, at sana maalala rin ng ating nagpapababa ng polisiya sa IATF, kailangang i-maintain pa rin iyong ganiyang klaseng mga precautions at tuloy-tuloy—ito iyong mahalaga—tuloy-tuloy iyong proseso ng rollout ng bakuna. Maganda iyong mga lumalabas sa balita ngayon na sa NCR halimbawa, mataas na ang vaccination rate pero sa probinsya, Ka Ely, marami pang lugar na napakarami pa ring lugar na napakababang porsyento ng ating mga kababayang nava-vaccinate. So kailangan, iyon talaga ang tutukan. At dahl matagal na rin tayong nagsimula ng vaccination, ang pinag-uusapan na ngayon boosters naman. Dahil ang lumalabas sa mga pag-aaral, after minsan six months or isang taon, kailangan magka-booster shot na. So iyan iyong mga kailangang paghandaan at tuloy-tuloy lang iyong pag-iingat. Pero kahit papaano, mabuti naman na humupa na itong surge na ito kasi talagang noong una, nakakatakot, ‘di ba. Umaabot tayo ng 20,000 mahigit sa isang araw. Ngayon, bumaba na ng 4,000 yata o 3,000 per day. So siyempre, malaking improvement iyan pero kailangan pa ring magbantay. Sa ibang bansa, Ka Ely, mayroong mga ibang variant na naman, eh, na nag-drive up ng kanilang kaso so hindi tayo puwedeng magpabaya, ‘di ba.

     

    Ito nga, sigurado ako—kung tatanungin mo rin sa akin ito—doon sa latest ranking na ginawa ng Bloomberg, number 53 na naman tayo.

     

    ELY: Kulelat na naman, oo.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kulelat na naman. At alam mo iyon, nagpapaliwanag iyong ating mga kasama sa gobyerno at siguro, mayroon naman silang pinanggagalingan. Pero ang importante kasi ritong sabihin, huwag nating ano, eh, huwag nating masamain. Gamitin natin na kumbaga…

     

    ELY: Gabay.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Gabay. Gabay. At anong tawag dito, lalong incentive para lalo pa nating paghusayin. Kasi lumalabas, kahit ano pang paliwanag mo, eh sa 53 countries nag-rank kang 53. Eh ‘di obviously mayroong hindi tamang nangyayari o may kulang na hindi nagagawa, ‘di ba. So kailangan nating tutukan pa rin. Dahil sa dulo, hindi ito tungkol sa numero, hindi ito tungkol sa rating, tungkol ito sa buhay at kapakanan ng ating mga kababayan na nagkakasakit, naoospital, nahihirapang maghanap ng ospital, at nawawalan ng trabaho’t naghihirap dahil lockdown, paulit-ulit. Magbubukas ka tapos magla-lockdown ulit. Iyon iyong ano, eh, iyon iyong talagang nakakapagpabigat, Ka Ely, eh. Iyon ang kailangang matapos.

     

    ELY: Tama. Kasi dito nga sa COVID, ayan sa booster shots na iyan, iyong binabanggit na problema rito iyong logistics, eh. Halimbawa, sa mga probinsya, Atty., mayroong panturok pero walang magtuturok.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ayon nga.

     

    ELY: Kaya last week nga sa BISErbisyo, binanggit po ni VP Leni, handa ang Office of the Vice President na tumulong—“Bigyan niyo kami ng supply kasi walang access ang OVP sa supply ng bakuna, eh. Pero napakaraming volunteers na puwedeng magturok ng bakuna.”

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ito iyong Vaccine Express, Ka Ely, kasi—ano ba iyong Vaccine Express? Ito iyong pagbibigay tulong sa mga LGU na mayroong supply pero kulang ang kanilang kakayahan na mag-distribute. Kulang iyong mga vaccinator, kulang iyong mga nurse, kulang iyong logistics para magawa iyong actual distribution at saka administration ng mismong pagtusok nga ng bakuna. So ito iyong kayang ibigay ng OVP at in fact, nagawa na ito sa madaming lugar. At patuloy na ginagawa ito. Next week, Ka Ely, mayroon na naman si VP Leni na Vaccine Express na gagawin. Tuloy-tuloy lang ito. At sa dulo kasi tulong-tulong lang tayo, ‘di ba. May kaniya-kaniyang kakayahan, may kaniya-kaniyang lakas, ang OVP maraming mga volunteers na nakakatrabaho. Maraming handang actually na tumulong. So kailangan lang nating mag-ambag-ambag lahat dito at magagawan natin ng paraan itong mga kasalukuyang problemang hinaharap natin.

     

    ELY: Ikaw, Atty., bilang taga-masid din, ano. Dito sa latest survey ng SWS, mukhang bumagsak ang rating ng Pangulo, ano, at ito iyong lowest, ano, mula 2018. So saan mo ito puwede nating mai-attribute, dito sa kanilang COVID-19 response o paano?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, mahirap sabihin, Ka Ely, pero tingin ko pinaka-klaro naman diyan, pagod na iyong mga tao, eh. Pagod na mga tao na halos dalawang taon na, parang nandito pa rin tayo, ‘di ba. Kapag nakikita mo o nababalitaan mo iyong mga kamag-anak mo sa ibang bansa, ‘di ba, na sa kanila hindi na sila nagma-mask, ‘di ba? Parang, nakakaikot na sila nang mas malaya, bumalik na sila sa trabaho, tapos dito tayo, hindi lang naka-mask, naka-face shield pa. Parang noong isang araw, sabi ko sa iyo, Ka Ely, lumabas ako naka-mask at face shield, parang pabigat talaga iyong face shield, eh, ‘di ba. Kaya well, ganoon talaga. Tingin ko talaga marami nang nabibigatan, marami nang napapagod dito sa paulit-ulit na—at siyempre ang hindi natin maiwasan dito iyong pangamba pa, eh. Parang iyong iniisip mo ba na, “Tapos na nga ba ito? Gaano pa kaya katagal ito magtutuloy?” Kasi hindi lang usapin na puwede kang magkasakit. Puwede ka pang mawalan ng trabaho, ‘di ba. Puwede kang mawalan ng kita. At ngayon, ito pa ang dagdag, Ka Ely, puwedeng iyong mga anak mo, magkaproblema pa sa eskwelahan kasi hanggang ngayon wala pa tayong face-to-face classes. Halos dalawang taon na at marami sa mga bata talaga, marami sa mga anak natin ang nahihirapan talaga doon sa distance learning, mga module-based na ginagawa ng DepEd. In fact, ang alam ko more than a million na ang nag-dropout, tumigil sa pag-aaral dahil sa hirap sa ilalim ng pandemya. So ang daming inaalala, eh. Papaano na lang iyong kinabukasan ng ating mga anak sa ganito, ‘di ba. Papaano na lang iyong mga pamilya sa  ganito. So iyong pangambang iyon at iyong kawalan ng malinaw na sagot kung papaano matutugonan itong ganitong klaseng problema, kung ano ang hitsura ng magiging kinabukasan natin bilang isang bansa at ‘di ba, kinabukasan ng ating pamilya at ating mga anak—iyon iyong tingin kong nakaka-contribute doon sa kaunting agam-agam, ‘di ba, at kaunting kawalan ng siguro, tiwala sa mga namumuno sa atin sa kasalukuyan.

     

    [END OF FIRST GAP]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Opo. Okay, Atty., dito na tayo dumako sa ating Istorya ng Pag-asa. Napakaimportante rin nito para malaman ng ating mga kababayan at magsilbing inspirasyon sa iba pa nating kababayan. Okay.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So nabanggit ko, Ka Ely, ‘di ba, noong isang araw na nagkaroon tayo ng—noong Sabado—ng Caravan of Hope para kay VP Leno at kay Senator Kiko at itong ating Istorya ng Pag-asa guest ngayon, isa sa mga nakilahok doon. Siya si Mang Ronald Carigo, isang tricycle driver na nagtatrabaho sa Alabang. Nag-viral iyong kaniyang photo noong nag-post iyong kaniyang anak na si Sheena noong October 23. So, magandang umaga po, Mang Ronald.

     

    RONALD CARIGO: Good morning po!

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good morning po! Kumusta po kayo?

     

    RONALD CARIGO: Okay lang po. Ito nagtatrabaho din po kasi ako sa gabi.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sensya na po kayo. Nagising po kayo ng maaga ngayon.

     

    RONALD CARIGO: Kaya medyo puyat-puyat pa.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So una, tatanungin ko po kayo tungkol doon sa karanasan niyo noong caravan. Kumusta po iyon at bakit po niyo naisipan na sumama doon sa Caravan of Hope noong Sabado at kumusta po ang karanasan niyo?

     

    RONALD CARIGO: Hindi naman po kasi lingid sa kaalaman ng karamihan na produkto rin ako ng nakaraang administrasyon noong panahon pa ng Martial Law. So noong kabataan ko rin, kinukuwento ng tatay ko na alam niyo na, iyong paghihirap namin dito sa Manila dahil coming from Cebu, tapos dito kami tumanda sa Manila. So naranasan ko iyong buhay sa Martial Law. Dito ako nag-aral sa Makati. Tapos napapansin ko pag nananawagan si Ninoy ng pagbabago, na nakakaulong siya, sa pamamagitan ng pagsasalita lang… Iyong noise barrage, iyong ginamit na para i-call out iyong government na marami nang tao ang gusto ng pagbabago. So nung narinig ko si… nung nakita ko sa Facebook iyong may caravan, sabi ko parang ito iyong the same way to call out dun sa mga tao na gusto nating magbago iyong ating pananaw sa pulitika, na hindi nilalaro. So nakita ko, sali ako dito sabi ko… naiiyak tuloy ako. From dito sa trabaho, tumakbo ako kaagad sa bahay. Kasi iyong utol ko gusto ko isali. Sabi ko eh ‘di… napadaan ako ngayon dun sa Alabang dahil sumakay ako ng PNR, baba ako ng Alabang. Pagtawid ko dito sa may—[inaudible], dito sa may harap nung ano, iyong ano talaga parang paradahan ng ano nila, iyong venue, marami nang mga sasakyan. Nagkakakaway ako sabi ko pwede ako makahingi ng tarpaulin kasi wala naman tarpaulin iyong motorsiklo ko. Sabi ko iyong traysikel ko isasali ko. Nung nakakuha ako, may nagbigay naman sa akin, sabi niya. “”ilagay mo. Tapos may nagbigay din na isang sasakyan ng mga stickers, sabi niya, “Pagawa ko lang yan, hindi talaga yan pinamimigay. Heto para sa iyo baka pwede mo makadikit.” So dalawang kotse nagbigay sa akin. So tuwang tuwa ako tumakbo kaagad ako sa bahay. Sa TikTok ko mapapanood niyo iyong pagkabit ng mga tarpaulin ni Leni. Nandun sa TikTok ko siya, pinost ko talaga siya sa TikTok na talagang ihahabol ko. Sabi ko 15 minutes na lang anak, baka ma-late ako. Nung humabol ako dun, although talagang late na ako, nakapasok na silang papuntang Las Piñas, hindi na pwede tricycle ko. Sabi ko hindi ako makakasabay… Kaya naiwan ako sa Alabang, dun sa may pinagpiktyuran. May dumaan na dalawang… hindi ko alam kung mag-asawa o magkasintahan siya. Sabi niya, “Sir, tama po yang ginagawa niyo.” Sabi niya. Ang hirap talagang kausapin nung mga kasama niya din sa trabaho. Siguro sa tagal na rin ng mga pangyayari, 30 years nang nakaraan, na iyong ano, mga bagong sibol, hindi nila naiintindihan iyong narasanasan kong paghihirap sa panahon ng mga Marcos. So sabi niya, “Pwede ko po ba kayong piktyuran?” Sabi ko sige. Sabi niyang ganun, “Ipopost ko sa Instagram.” Di ko naman ano yung… kung anong mayroon sa Instagram. So iyong anak ko kasi, mayroon din siyang Twitter. So pagkapiktyur sa akin, siguro umuwi ako bago mag alas dos, kasi nakalagay sa schedule 12 eh. Inaantay ko akala ko may bababapa galing sa San Pedro. Kasi po iyong Muntinlupa po kasi, talagang sinusuportahan po si VP Leni.

     

    ATTY. BARRY: Tama po.

     

    RONALD CARIGO: Iyong buong… iyong city ho namin. So naniniwala ako, tama iyong tinatahak namin. Umuwi ako. Tapos sinabihan ako ng anak ko na “Tay”, sabi niyang ganun, “minutes lang 700 na viewers mo.”  Tawa siya nang tawa. “Iyong picture mo pinost nung ano…” Hindi ko naman siya kilala eh. Anyway papasalamatan ko siya. Sabi ko, kung one way or another this is the way. Dahil panahon namin hindi kami nakapagsasalita. Kaming maliliit na tao. Wala kaming means para isabi dun sa kapitbahay namin, itsismis namin iyong mga bagay-bagay na dapat ganito gawin. Dahil nung panahon namin, anong tawag dun… nalulunod kami sa mga impormasyon na ginagawa ng mga Marcos. Kung kayo naranasan niyo din sa maliliit na ano… Alam niyo po ba iyong Cosmos Bottling Company?

     

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: Oo naman. Pagawaan ng softdrinks.

     

    RONALD CARIGO: Opo. Iyong Pop Cola, iyan po nung nasa Makati kami, nagdadala yan ng parang mga video na malalaki, parang sinehan. Dun lang kami nagiging para bang… aming hinanakit sa gobyerno, nawawalang pansamantala kasi may libreng painom ng softdrinks. Manonood ka pa ng pelikula. Iyong hindi kaya manood nasa kalye kami—[inaudible]—sa J. Victor Street. At kung gusto niyo maintindihan, iyong mga nanonood, nandiyan po iyon sa J. Victor corner Antonio. Diyan po ako, kasi po basurero po ang tatay ko. Mekaniko na nag change ng… namulot ng basura. Nandiyan po iyong junkshop na—[inaudible]—Pedro Tijadra, alam ko buhay pa yan. Iyong mga taga Makati, alam po iyan. Kilala na din po ako diyan sa Makati. Kaya iyong—[inaudible]—pamumulot ng basura sa buong Ayala, hanggang pati iyong confetti ng Ayala, iyong paglalaglag ng mga ano… nandiyan din ako namumulot ng basura. Dahil laki po talaga ako sa hirap. Kaya nung nakita ko iyong sabi na change, nandito na iyong tama, at nakita kong tama. Kumbaga lahat ng iisipin mo, walang bahid ng kaisipan na paglalamangan ang maliliit na tao. Sabi ko siguro ito nga iyong pipiliin kong pangulo dahil wala naman ako nakitang kandidato na ang iniisip iyong laylayan. Sa tuwing napapanood ko si Ma’am Leni,  tuwang tuwa ako, dahil sabi ko, parang feeling ko hihilahin ako nito, isasama ako, walang maiiwan. Iyong paglakad na parang lakad ng grupo na lalakad tayo hanggang sa dulo ng pagbabago. Dulo ng kapakinabangan. Dulo ng pagtatamasa ng magandang buhay. Sama-sama, walang maiiwan. Iyon lagi ko nakikita sa ginagawa ni Ma’am Leni. Kasi bundok ang pinuntahan niya. Never ako nakakita ng isang pulitiko na travel along the way, sa pamamagitan ng paa, sa pamamagitan ng traysikel, pupunta dun. Na ipakita sa maliliit na mahalaga kayo. Kasi sa TikTok, talagang nasasaktan ako pag nakikita ko iyong sinasabi nila sa amin na maliliit na tao na wala na kayo, 3% kayo, 97% kami sabing ganun. Parang sinasabi ko, mamamatay na lang pala akong ganito dahil kung anong gusto niyo, kaming mga 3% susunod na lang kami sa inyo? Kaya nung nakita ko na hinihila ni Ma’am Leni iyong maliliit, sabi ko, siguro ito nga, ito nga iyong tama. Kasi kahit maliit kami, hihilahin kami tuluy-tuloy. Hindi tayo iiwanan. Sabay-sabay. Walang maiiwan. Walang mahihirap. Sabi ko, sige, bahala na. Sabi ko sa anak ko, “Anak—[technical lag]—dahil ginasolinahan ko iyong motor ko. Sabi ko maubos man ito, at least para dito ito. Dun sa basher, maraming salamat din sa sinabi niyo na bayaran ako. Okay, wala ako magagawa kung iyan na ang pananaw niyo pero may sarili akong pera. Pero maliit man ito, tulong ko ito para sa ating lahat ito. Iyon ang pera ni Ma’am Leni. Pera ni Ma’am Leni, wala talaga sa bangko—nasa kamay ng bawat isang tao. Pera niya kami—kami ang pera niya. Kami iyong magtatarpaulin para sa kaniya. Iyon lan giyong nagustuhan ko sa caravan na yun. Sana araw-araw, linggo-linggo gawin para muling malaman ng tao na all-out na magbago.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Grabe. Ang hirap nga, Mang Ronald eh. ‘Di ba minsan gagawin mo na nga iyong tingin mong tama, di ba, sa iyong simpleng paraan, tapos iba-bash ka pa, di ba? Parang papalabasin kung anu-anong kwento eh. Paano niyo nalalagpasan iyon? Kasi alam ko nagko-call out din kayo ng fake news eh, sa TikTok tsaka sa Facebook eh. Paano kayo nakakahanap ng ganoong tapang tsaka ganoong lakas?

     

    RONALD CARIGO: Wala po talaga ako magawa kundi iyong karanasan ko lang talaga. Karanasan ko lang talaga. Hindi ko nga rin alam, ngayon ko lang din nalaman. Kung walang Tiktok, kung walang Facebook na magbubulgar ng mga bagay-bagay. Nung panahon namin walang ganyan. Diyaryo lang. Diyaryo lang ang binibili ng tatay ko at basa lang nang basa ang tatay ko. Kwento lang nang kwento ang tatay ko sa akin. Kinukwento niya kung ano ang maganda. Kinukwento niya anong buhay niya. Doon lang namin nalalaman. Ngayon, ang pagkakaintindi ko nga, huwag sana masasaktan iyong pamilya ng mga Marcos kung bakit kino-callout ko, sana nagsabi sila ng totoo. Pagkakaintindi ko ha, bilang isang simpleng tao, dahil malaking uri sila ng pamilya, lahat sila nagtapos, lahat sila nag-aral sa magandang paaralan… Kami, ako, tapatin ko kayo, kung hindi lang ako pinag-aral ng isang foundation, hindi rin ako tinulungan ng isang abugado na mag-aral, baka hindi rin ako nakatapos. Talagang iyong pamumulot ko ng basura, may inuutangan ako ng pamasahe from Alabang papunta dito sa Manila. Nilalabanan ko lang talaga. Ngayon ko lang nalaman. Ngayon lang itong taon na ito.

     

    Si—ipagpaumanhin niyo po—si Ferdinand Marcos Jr., sana sinabi mo na lang na hindi na nag—anong tawag ba doon? Hindi ka nag-aral man lang o hindi mo lang natapos. Ngayon ko lang naintindihan na hindi siya degree holder o whatever. Nasasaktan din ako. Wala kaming ganyan. Wala kaming ganyang nung panahon namin. Maintindihan kung anong tama. Despite sa sinasabi ko, syempre marami pa ring naniniwala.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Grabe. Ang hirap rin ng ano natin minsan eh. Pero anong ano, malapit nang matapos na ang oras natin, Mang Ronald. Pero talagang sobra akong nadala sa kwento niyo. Ang ano rin eh—ang isang nakakatuwa talaga nitong nakaraang tatlong lingo ito iyong mga tao na sa kanilang paraan lumalabas. Nagpapahayag ng kanilang suporta sa mailit na magagawa nila tumutulong. So ano ang puwede ninyong mensahe sa mga kababayan natin, sa mga nakikinig satin ngayon na gusto rin ng pagbabago at tapat na pamumuno, pagod na sa kanilang nararanasan? Ano ang mensahe sa kanila? Anong sa tingin niyo pwede nilang gawin sa kani-kanilang mga lugar?

     

    RONALD CARIGO: Iyong ganoong pagkukwento ng tama, ano po? Kasi sinabi din naman ni Ma’am Leni. Tawagin ko na lang siyang Mommy Leni kasi kapag naging pangulo naman siya, parang ina naman talaga siya. Lahat naman ng nasa paligid niya anak. Parang katulad ng anak ko. Sabi ng anak ko “Tay, pautang.” Sabi niyang ganun. Nagulat ako kasi syempre, anak mo yun. San naman siya kukuha ng pambayad? Paano mo ko babayaran? Sabi niya “Kapag binigyan mo kong allowance”. Edi ganun din pala. Umutang ka, ako rin magbibigay sayo ng pambayad.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughs]

     

    RONALD CARIGO: Tama naman siya. Ipunin niya iyong allowance niya, dun siya kumuha ng pambayad. Iyon din sanang hinihiling ko kay Ma’am Leni. Ito po sa mga nakikinig dahil hindi naman natin gaanong nalalaman. Ngayon ko lang rinnalaman. Matagal ko nang alam pero hindi ko nakita sa mga pangulo na na-elect. Sa batas po natin na sinasabi nilang Constitution. Tayo daw ay maraming batas na para sa mga mahirap. Kahit ika’y naghihirap pero marami kang batas na pwede sa mahihirap. Doon po sa binabanggit sa Article 13 Section 9 na tinackle naming at nagulat rin ako. May batas pala sa mga mahihirap. Hindi lang nasusugan ng mga pangulo. Na sinasabi dun kapag nagawa ng pangulo ng Pilipinas na tulungan ang mga taong homeless, mga less fortunate na magkaron ng decent houses malamang lahat ng tao sabay sabay aangat kasi may sarili ka nang tahanan. Iyon lang problema kaya ang dami nating nakakalat. Hindi nasusugan ng kasalakuyang adminitstrasyon yan eh, si Duterte. Wala akong nababalitaan sa kanya. Imagine niyo kinwento ko sa anak ko pano ko babayaran? Paano ka magbibigay ng bahay sa mga homeless, affordable na bahay. Kaya nga siya homeless kasi wala nga siyang pambayad. Iyon iyong logic na ano. Kaya sa mga nakikinig, kulang man ang oras. Ipamalit lang po ninyo  na ang pangulong mae-elect ninyo na si Ma’am Leni o si Mommy Leni, sama sama po tayo. Nakikita ko sa ginagawa niya sa mga mahihirap, hinihila niya paangat. Hindi niya hinila ang mga mahihirap para i-down kagaya ng sinasabi ng mga basher. “Kayo 3% na lang kayo. Kami 97%.” Wala na kaming pakinabang at honestly napakasakit saming mahihirap yan. Kahit basurero, kahit nagtitinda ng tinapa, kahit driver kami ng tricycle, lahat po iyan ay may ambag. Lahat po iyan ay may pakinabang sa ating bansa. Kaya po dapat wag niyo po silang isantabi. Kaming mahihirap po pag nakikita naming si Ma’am Leni, hihilahin niya kami pataas. Kapag sa susunod baka sa susunod na taon hindi na sa tricycle ang aming imaneho. Kasi sa tingin ko magiging maganda ang ekonomiya namin. May oprotunidad, may pagkakataong magbago ng buhay. So iyon lang po ang payo ko sa mga tao sa Pilipinas.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Maraming salamat po, Mang Ronald. Mabuhay po kayo.

     

    RONALD CARIGO: Mabuhay din po kayo.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tuloy-tuloy lang po tayo, Sir. Kayo po talaga. Kayo po at ang mga katulad po ninyo ang inaasahan naming sa kampanyang ito. Kayo po magpapanalo kay VP Leni.

     

    RONALD CARIGO: Opo.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Salamat po.

     

    ELY: Okay, maraming salamat po kay Mang Ronald Carigo, isang tricycle driver. Iyon nga ho. Ipinaliwanag niya kung bakit siya sumusuporta, Atty.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, Ka Ely, kapag narinig mo talaga iyong mga kuwento ng mga ordinaryong mamayan. Mga kababayan tulad ni Mang Ronald ‘di ba, at kung ano iyong buhay nila at bakit sila naniniwala kay VP Leni. Makikita mo talaga iyong totoo kasi iyon naman talaga si VP Leni eh. Iyon ang kanyang ginawa wala pa siya sa pulitika. Ian talaga ang kanyang tutok. Iyan ang kanyang focus. Iyan ang kanyang advocacy. Natatawa nga ako at nalulungkot sa mga basher ‘di ba na baliktad, sinasabi, pangmayaman hindi naman eh. Ito nga feeling ko iyong kauna-unahang kandidato para sa pagka-pangulo na ang kanyang buhay, ang kanyang track record talagang nakatutok sa pagtulong para sa mga taong nasa laylayan. Sa mga taong mahihirap.

     

    ELY: Tama.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Simpleng tao na iyon ang ginawa niyang adbokasiya sa kanyang buhay. So sana iyon ang lumabas, Ka Ely. At umaasa ako sa mga tao kagaya ni Mang Ronald, iyong kanilang mga kuwento sa kanilang mga makakausap, unti-unting makakumbinsi ng mas marami sa atin sa tunay na pagkatao ni VP Leni.

     

    ELY: Okay, iyan iyong mga kuwentong hindi scripted at hindi binayaran. At siyempre, sasabihin iyong headquarters nga, wala pa ano, Atty.?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughs] Wala pa. Wala pa, ka Ely. Ang headquarters ni VP Leni kung saan iyong mga tao willing na magsama-sama. Wala pa.

     

    ELY: Samantalang iyong isa rito, namumuyangyang kitang-kita, ’di ba  iyong ano…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ:  Parang hotel, Ka Ely. Grabe.

     

    ELY: Talang ang daming pera, ano. Okay, Atty.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Actually, pero ako Ka Ely kapag may nakakakita ako ng kandidatong malaki ang ginagastos, ang unang tanong lagi sa isip eh, “paano mo kaya babawiin iyan,” 'di ba kung sakaling mananalo?

     

    ELY: Ang tanong mo paano babawiin. Ako naman, “saan naman iyan galing?” muna. Atty. magpapalaam na tayo, mensahe ng Tanggapan ng ating Pangalawang Pangulo sa ating mga kababayan?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una, maraming salamat uli sa lahat ng mga sumusuporta. Tuloy tuloy lang tayo dito sa ating people’s campaign. Kita naman ninyo na sa mga nakaraang tatlong linggo, unti-unting dumadami. Unti-unting lumalakas. Unti-unting lalong lumalawak 'di ba ang hanay ng sumusuporta kay VP Leni. So tuloy lang tayo sa ating pakikipag-usap, tuloy lang tayo sa ating pagtulong sa ating mga kapwa. At huwag kaligtaang sumubaybay mga mensahe ni VP Leni tuwing Tuesday. Kada Martes mayroon siyang message. At tuwing Wednesday wag kalimutang mag-observe ng ating KakamPINK Wednesdays. Magsuot ng rosas at gumawa ng mabuti, tumulong sa kapwa sa araw na iyan. Tuloy tuloy lang to ka Ely. Mahaba pa iyan.

     

    ELY: Okay, Atty. Salamat. Ingat ka lagi.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ingat ka rin, Ka Ely. Magandang umaga sa lahat ng ating mga tagapakinig.

     

    ELY: Okay, maraming salamat. Iyan po si Atty. Barry Gutierrez—ang opisyal po na tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo. Susunod na ang “Sapagkat Mahal Kita” ni Don Lino Celle na napapakinggan Live dyian po sa Estados Unidos, tri-state po New Jersey, New York at Connecticut. Ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar. Magandang umaga, Pilipinas!

     

    - 30 -

     

     

    Posted in Transcripts on Oct 31, 2021