This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 231

    BISErbisyong LENI Episode 231

     

    ELY: Magandang umaga Pilipinas—Luzon, Visayas at Mindanao! Ito na naman po isa nanamang edisyon ng BISErbisyong LENI sa RMN. At siyempre ngayon po ay araw ng Linggo, Sunday, October 10, 2021. Mula po dito sa DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga. Siyempre sa lahat ng inabot ng broadcast nationwide, netwide. Magandang umaga, ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. At siyempre, mga kasama, tulad ng dati ay makakapiling po natin ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President, Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayong linggo ng umaga dito po sa RMN DZXL, sa mga nanonood sa Facebook live sa Facebook page ng VP Leni Robredo at saka ng RMN. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Good morning, Ka Ely!

    ELY: Okay. Good morning! At siyempre, Ma’am, ay magbabalik-tanaw tayo sa nakaraang Linggo. At matapos po iyon inyong mahaba-habang proseso ng desisyon. At sabi natin pinaka-memorable, ano? Makasaysayan. Kumusta ho, Ma’am?

    VP LENI: Actually, Ka Ely, ngayon parang hindi pa rin ako makapaniwala. Kasi iyong mga araw bago noong Huwebes, naging napakahirap talaga para sa akin. Updated ka naman, Ka Ely. Alam mo na in the past months, sumusubok na tayo na kausapin iyong ibang mga kandidato, iyong ibang mga grupo, naghahanap sana ng paraan para magkaisa. Iyon iyong daan na tinatahak natin, Ka Ely. Hindi rin lingid sa kaalaman mo na iyong balak ko talaga dalawa na lang—either magpapahinga ako or magkakandidato ako ng lokal. Iyon talaga iyong daan na tinatahak natin kaya nag-exert tayo ng maraming effort na magkaroon sana ng unification para tutulong lang ako sa mga national candidates, and uuwi ako sa amin para doon naman magbuhos ng serbisyo. Pero hindi naging maganda. Hindi naging—iyong pinagdadasal natin na magiging katapusan ng lahat ng usapan hindi nangyari. Doon ko, Ka Ely, na-realize na mahirap talaga. Mahirap mag-unite kapag mayroong hindi alignment sa paniniwala, mayroong hindi pareho sa daan na gustong tahakin. Kaya noong tinanggap ko iyon, Ka Ely, na mukhang wala na talagang unification na mangyayari, pinag-aaralan natin, Ka Ely, kung hindi ba unified, sino ba iyong tutulungan natin?

    ELY: Opo.

    VP LENI: And actually, Ka Ely, nandoon na tayo sa pag-assess, sino ba sa mga kakandidato iyong tingin natin ang acceptable sa ating base at magiging acceptable siya kasi pinapakita nila na iyong mga tayo nila sa mga napakahalagang mga issue, pareho sa akin. Pero hindi… hindi iyon nangyari, Ka Ely. Kaya late last week lang—ay hindi pala, noong nakaraan—kasi Sunday na pala ngayon. Pero iyong—I think Huwebes noong linggo bago last week. Noong ni-nominate tayo ng 1Sambayan, doon talaga, Ka Ely, iyong parang nagbago na seryosong inisip natin na talagang tumakbo na. Alam natin, Ka Ely, kung gaano kahirap kasi wala tayong makinarya ngayon, hindi tulad noong 2016. Wala tayong resources na kailangan na kailangan sa kampanya, kasi hindi tayo naghanda. Alam natin na marami sa mga kumakandidato, Ka Ely, ilang taon nang naghahanda. Tayo ay wala talaga. Pero lagi ko naman ito sinasabi, Ka Ely, na tayo kahit mahirap, kapag naramdaman natin kung ano ang dapat gawin, handa tayong isuong iyong kahirapan. Kaya nag-fa-file na, Ka Ely, iyong mga kandidato, hindi pa tayo nakakapag-decide. Kasi noong ni-nominate tayo ng 1Sambayan, humingi tayo ng ilang araw pa para pag-isipan, para pagnilayan. And iyon nga, nag-decide tayo with finality noong nakaraang Huwebes. Hindi natin inaasahan, Ka Ely, iyong overwhelming na reaksyon ng tao. Akala namin, Ka Ely, matutuwa lang iyong dati nang supporters. Pero iyong nakikita namin ngayon, Ka Ely, ibang-iba. After the announcement, ang dami talagang—ang daming nagvo-volunteer, ang daming gumagastos ng sariling pera. Ang iba nga, Ka Ely, nakikita ko na lang sa Facebook. Ang daming nag-iisip ng paraan kung paano makatulong. So sa akin, Ka Ely, malaking pasasalamat. Malaking pasasalamat sa lahat na nagpahayag ng suporta. Malaking pasasalamat sa lahat ng nag-sakripisyo. Kasi ano talaga, hindi po namin ito inaasahan. Parang ito iyong affirmation na siguro tama naman iyong desisyon na ginawa natin. Kasi iyon talaga iyong dasal ko, Ka Ely, in the last week or so, sabi ko sana klaro iyong mensahe ng nasa itaas kung ano iyong dapat kong gawin. So noong after ng announcement, Ka Ely, nakita mo naman, Ka Ely, ‘di ba? Nakita mo kung papaano mag-react iyong tao so nakaka ano talaga, nakaka-antig din ng damdamin.

     

    ELY: Opo. Siguro, Ma’am, at ako nagulat din ako lalo na sa iyong mga bata at mga beteranong celebrities dito po sa atin, kasi noong nagsuot ng kulay, alam no na kaagad eh at may mga hashtag. So sila po ay sumusuporta, na hindi ko akalain na ganoon. So ano, Ma’am, ang mensahe niyo sa kanila?

     

    VP LENI: Ako, una, pasasalamat. Pero ako kasi, Ka Ely, iyong pakiramdam ko hindi naman iyon pagsuporta lang sa akin. Pero pakiramdam ko, iyong mensaheng ibinigay natin sa kanila during the acceptance, nag-resound sa kanila, eh. Ang gusto kong sabihin, siguro iyong pakiramdam na inihayag natin sa taumbayan, iyon din ang pakiramdam nila kaya nakiisa sila. Iyon ang tingin ko kasi maraming nagpahayag ng suporta, Ka Ely, hindi natin inaasahan. Hindi natin inaasahan. Iyong dati nating supporters, alam natin kasi sila iyong nagtutulak sa amin na alam natin na ang tagal na nilang naghihintay. Ang tagal na nlang nagdadasal na mag-desisyon tayo na tanggapin iyong hamon. Pero after noong Thursday, Ka Ely, parang may floodgates na nagbukas. Parang may floodgates na nagbukas. Nagugulat talaga kami. Nagugulat kami, halimbawa nagbubukas kami ng social media—Twitter, Facebook, YouTube—iyong mga taong hindi namin inaasahan na akala namin kadalasan apolitical ito pero nag-make ng stand. And I think iyong pag-make ng stand na iyon, Ka Ely,  hindi iyon dahil sa akin, eh, pero dahil sa laban na nire-represent ko. Ang gusto kong sabihin, maraming nakakaramdam ng nararamdaman natin.

     

    ELY: Okay. So ako, Ma’am, inisa-isa ko. Talagang nilista ko at ini-screenshot ko pero hindi ko na mabanggit, mauubos ang oras natin. At siguro sa mga susunod nati na palatuntunan. Yes, Ma’am?

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, ngayon pa lang na umaga, may nagpadala sa akin parang Twitter link. Mayroong isang grupo na inipon nila lahat. Inipon nila lahat, ito mga artista pa lang ito, Ka Ely, wala pa iyong hindi artista. Ang dami. Ang dami, Ka Ely, nagpahayag kaya ako nagpapasalamat ako. Pero ito, Ka Ely, sabi ko nga kanina, wala akong resources. Wala tayong resources, wala tayong makinarya. Pero iyong suporta ng taumbayan, Ka Ely, nagpapakita na kapag taong bayan na talaga iyong nag-desisyong gumalaw, wala nang laban iyong laki ng makinarya ng iba. Kasi tao na ito, eh. Kami, Ka Ely, kasi ako, ayaw kong lumusong kasi sabi ko mababa iyong numbers ko, walang resources na aasahan. Pero nakikita ko ngayon, Ka Ely, ang dami nang streamers, ang dami mga tarps, ang daming mga stickers. May mga nagka-caravan kung saan-saan. In fact, may nagpadala sa akin ng video, Ka Ely, sa Iloilo, video sa Bacolod. Kahapon tinawagan ako, wala ako sa opisina pero ang daming tao sa opisina namin. Apparently, parang ang nagsimula daw Laywers for Leni. Nag-motorcade sila kahapon, more than 100 na mga sasakyan. Pero ang daming ibang sumalubong na ibang grupo. Pinadala sa akin, Ka Ely, iyong video. In fact, tinawagan ako ng isang organizer dito at—ano iyon–nag-address ako ng mga taong nandoon. So ano talaga ito, kapag tiningnan mo nga, Ka Ely, iyong Shopee at saka iyong Lazada, iyong mga platforms, ang daming—Ang dami ng mga merchandise tapos ang daming mga Facebook pages, mga websites na nagsulputan.

     

    So iyong challenge namin ngayon, Ka Ely, kung papaano ayain lahat. Kung papaano i-ano ito—i-grupo iyong lahat na may mga initiatives na ganito. Ayaw naming mag-dikta. Ayaw namin isailalim sila sa official campaign. Mas mabuti na parang mga parallel na mga grupo ito, basta mayroon lang coordination iyong lahat para hindi sabog. Iyon iyong ginagawa namin ngayon. So humihingi lang kami ng paumanhin, Ka Ely. Iyong mga nakikinig po na mga nag-sign up sa ating link na binigay for volunteers. Humihingi lang po kami ng paumanhin na hindi kayo mababalikan agad—agad-agad. Kasi sobrang dami po. Sobrang dami ng sign-ups na halimbawa, Ka Ely, iyong parang half day pa lang noong Thursday hapon, iyong kinukuwento sa akin mayroon nang 11,000 na sign-ups, iyong nababalikan pa lang nila, 5,000. So ngayon kasi, Ka Ely, nagse-set-up pa lang tayo kasi ang late ko nga nag-desisyon. Nagse-set up pa lang tayo ng organisasyon kaya kulang pa tayo ngayon sa tao, kulang pa sa pag-organize ng volunteers. So bigyan lang po kami ng mga one or two weeks para ayusin lahat.

     

    ELY: Opo. At diyan po, Ma’am sa Vancouver, sa Canada, bukas, Monday ay Thanksgiving Day. At may mga nag-organisa na doon Leni for President 2022. Sina Amado Mercado, Rey Fortaleza at si Danny Barrozo, Ma’am. At nandoon na sila. Nag-organisa na sila. Hindi lang mga Pilipino—

     

    VP LENI: Nako, maraming salamat.

     

    ELY: Hindi lang mga taga-Bicol daw. Talagang halos lahat ng mga Pilipino doon sa Vancouver. At iyong kapatid niyo, Ma’am, ‘di ba nasa Canada?

     

    VP LENI: Nasa ano, siya, Ka Ely, nasa Calgary.

     

    ELY: Ayon. Opo.

     

    VP LENI: Nasa Calgary iyong kapatid ko. Pero nagpapasalamat po tayo sa mga… sa mga kababayan natin na nasa labas ng Pilipinas. Kasi in the last two or three days, ang dami po naming messages na natatanggap sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas na mayroon din silang sinisimulang initiative doon. So nagpapasalamat po tayo at talagang—talagang ano, Ka Ely, nakikita natin na kapag tao na talagqa iyong gumalaw, parang iyong plahat na agam-agam, nawawala. Alam mo na iyon, Ka Ely, ‘di ba? Ang dami ko talagang agam-agam sa pagtakbo. Pero iyong pinapakita nila ngayon na paglabas, pagsuporta, parang ina-assure tayo na tama naman ang desisyon natin. Iyong pakiusap lang natin, Ka Ely, sana ma-sustain natin ito. Sana mapalawak pa natin iyong ating hanay. Kasi ito lang kasi iyong puwedeng lumaban sa fake news, eh. Nahihirapan kaming, Ka Ely, ma-penetrate iyong mga sites na lahat talaga propaganda at saka fake news kasi gumagastos talaga sila ng napakaraming pera. At maraming naniniwala. Maraming naniniwala kasi iyon iyong nababasa nila. At nahihirapan kami doon kasi wala naman kami, Ka Ely, resources. Pero kapag taong bayan na talaga iyong gumalaw, walang sinabi. Walang sinabi, Ka Ely, iyong mga propaganda na ginagawa nila. So pakiusap lang namin sa volunteers, huwag tayo makuntento na iyong circle lang natin iyong ating parang nahahalughog. Siguraduhin po natin na lalabas tayo sa mga nakasanayan.

     

    ELY: Opo. At iyong mga kababaihan ngayon talagang nagiging makulay, Ma’am, ano? At isa rito si Maria Ressa. Unang Pilipinong nakasungkit ng Nobel Prize, Nobel Peace Prize.

     

    VP LENI: Grabe! Ito, Ka Ely, ang laking—ang laking bagay na may Pilipino na naging Nobel Peace Prize. Tinitingnan ko nga, Ka Ely, iyong mga articles. Iyong last time na may journalist na nanalo ng Nobel Peace Prize awardee, noong panahon pa ni Hitler. Noong panahon pa ni Hitler, mayroong, Ka Ely, isang European journalist na lumaban nang lumaban talaga doon sa diktadorya ni Hitler. Siya iyong naparangalan noon. And ngayon lang iyong pangalawang pagkakataon na mayroong dalawang pinaparangalan na pareho journalist. And ito, Ka Ely, iyong isa, Russian, nasa Russia, Russian siya na journalist. Tapos iyong pangalawa, si Maria Ressa. Parehong klase ng pamumuno iyong nilalabanan. Parehong klase ng pamumuno na talagang may deliberate attempt na—na iko-control iyong media and freedom of expression. At si Maria Ressa, sobrang deserving, Ka Ely.

     

    Naalala ko, early days pa lang ng pagiging VP ko, wala pa kaming kamuwang-muwang sa nangyayari sa social media, siya na iyong naririnig namin na nag-umpisa pag-aralan kung ano iyong nangyayari. Naririnig namin iyong kaniyang mga statements, parang mag-isa siyang lumalaban. Mag-isa siyang lumalaban at a time na hindi pa tayo masyadong aware na ito palang mga nakikita natin, mga trolls pala itong bayaran. Na iyong mga nakiktia natin na mga engagements sa social media, lalo sa Facebook, ngayon nasa YouTube at TikTok na, na ito pala ay well-orchestrated infrastructure for disinformation na binabago iyong kuwento ng kasaysayan. Binabago iyong katotohanan. Kaya ito talaga, Ka Ely, sobrang deserving ni Maria Ressa. Iyong sa akin lang, nagpapaslamat tayo sa kaniya. Pero at the same time, sana naiintindihan natin iyong bigat ng award na ito. Na si Maria Ressa, siya iyong nakikipaglaban para iyong freedom of the press, iyong freedom of expression patuloy na mapangalagaan.

     

    ELY: So, Ma’am, sigurado pong may masasabi rin kay Maria Ressa ito pong si Senator Kiko Pangilinan, makakasama natin. Siguro makaka-kuwentuhan natin ngayon. Siguro isama na natin ngayon sa talakayan. Yes, Ma’am.

     

    VP LENI: Siya iyong ating special guest ngayong umaga, Ka Ely.

     

    ELY: Okay. Senator Kiko, magandang umaga po.

     

    VP LENI: Nandiyan na?

     

    ELY: Opo, naka-standby. Ayon!

     

    VP LENI: Hi, Senator Kiko!

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Hi, Vice President Leni and kay Ely at sa mga nanonood at nakikinig. Magandang umaga! Good morning to everyone.

     

    ELY: Senator, nabanggit na ni VP iyong kay Maria Ressa. Kayo naman, anong masasabi niyo dito?

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Siyempre, tayo rin ay nagse-celebrate at tuwang-tuwa, naipanalo o naibigay niya ang karangalan sa ating bansa, iyong Nobel Peace Prize. Talagang sunod-sunod at puro babae pa, ‘di ba, ang nagbibigay ng parangal at honor sa ating bansa. Si Hidilyn, first time mag-gold. At ito, first time ang Pilipino ay nakatanggap ng Nobel Peace Prize so we are really very proud. And tama nga ang sinabi ni Vice President Leni, na right after 2016 kami ay nag-uusap na sa ilang meetings at pinapaliwanag niya, ni Maria, iyong network ng disinformation na napakatindi. In fact, I remember distinctly, sabi niya, “Minonitor namin ang around 20– We were able to dissect around 30 sites—30 fake news sites. At ang kanilang saklaw ay around 30 million people.” Kumbaga, 30 milyong tao. At sabi niya sa amin noon, 30 lang ang aming na-monitor. Hindi pa namin na-da-dissect—mga 300 daw kasi iyong site. So talagang 2016 pa lang, ipinapaliwanag na niya iyong problema ng ganitong klaseng propaganda machinery, iyong disinformation, iyong kasinungalingan, iyong panlilinlang, ano? Panlilinlang sa ating mga kababayan at sa buong mundo, in fact. So talagang we are very proud that she has achieved itong pagkapanalo niya.

     

    VP LENI: Ito din, Senator Kiko, iyong jubilation natin sa pagkapanalo ni Maria Ressa, parang binawi naman ng kalungkutan dahil sa passing ni Chito Gascon.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Yes, Ma’am.

     

    VP LENI: Alam ko, Senator Kiko, na kilala mo siya on a very personal level. More siguro than kilala ko siya. Kaunting trivia lang, na noong fourth year ako in college sa UP, si Chito iyong aming—iyong ating student council President. Noon ano lang ako, follower ako, pero naalala ko, Senator Kiko, na iyon iyong year na grabe iyong mass actions natin against the Marcos Dictatorship. And si Chito talaga iyong nangunguna ng aming mga street demonstrations. Naalala ako kasama ko pa siya sa jeep, eh. Kasama ko siya sa jeep, noong February parang before the presidential elections. Hindi ko alam kung meeting de avance iyon ni President Cory. Pumunta kami doon sa Plaza Miranda– Ay hindi, parang sa Luneta. Pumunta kami sa Luneta, oo. Magkasama kami sa jeep, pero siya iyong aming leader. Pero alam ko kasi, Senator Kiko, na halos same time tayo nasa UP. Pero kung ako noon, follower lang, ikaw, student leader. So ano ba iyong mga naaalala mo na memories about Chito Gascon?

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Una, tama po iyon. He was the student council president ng UP Diliman noong 1985 hanggang 1986. At kasama siya sa Tugon Party. Ako iyong nasa kabila, iyong katunggali ng Tugon.

     

    VP LENI: Samasa.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Iyong Samasa. And 1985, I was with him in the student council but in the other party. I was—ano ho ako noon, University Student– USC Councilor. Iyong USC Councilor din, ine-elect ng lahat ng mga college, tulad ng Chairman at Vice Chairman. So we were together in the Student Council. Talagang mainit na debate ang nangyayari noon dahil iba nga iyong aming punto de vista sa kanila. Pero all throughout, he was really—talagang wala siyang ginawa kung hindi subukang pagkaisahin kami, magkasundo, magtulungan. And then after him, ako naman ang naging student council president noong 1986.

     

    VP LENI: Magkasunod pala kayo?

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Yes, Ma’am. Tapos noong si Cory na ang Presidente, in-appoint naman ni Cory si Chito bilang Youth and Student Representative sa Kongreso. Kasama din, Ma’am—again, we were both youth leaders organizing young people. At, Ma’am, si—actually, sa totoo lang, si Chito din ang nag-recruit sa akin sa Partido Liberal in the 90’s, late 90’s. So talagang we go a long, long way. And ang biro nga namin noon, eh, dati magkasalungat kaming partido sa college pero ngayon, iisa na ang partido natin. And it’s always been a recurring joke sa amin nni Chito. But talagang he was such a fighter. He was such a strong presence sa lahat ng mga activities namin sa partido. And then, obviously, itong nakaraang ilang taon, under the current adminsitration, iyong kaniyang presensya bilang Commision on Human Rights chairperson ay talagang hindi siya nagpatinag. Talagang ginawa niya ang tungkulin niya at iyong trabaho niya kahit na sunud-sunod din ang paninira at pang-iinsulto na hianrap niya bilang Chairman on the Commission on Human Rights.

     

    VP LENI: At saka, Sen., siguro napakahirap maging Chair ng Commision on Human Rights at a time na ang daming extra judicial killings na nangyayari sa present administration. Naalala ko, Sen., iyong parang ano niya—parang iyong vision niya sa Congress na nakaupo siya doon sa gallery tapos pinagbobotohan ng congressmen iyong piso na budget ng Commission on Human Rights. Kaya iyon iyong naaalala natin. Pero, ‘di ba, Sen., sa maraming laban, maraming laban sa pag-protect ng karapatang pantao, isa si Chito talaga laging nangunguna. Kaya nalulungkot po tayo sa pagpanaw niya. Pero ito, Sen., ngayon lang yata namin ikaw naging guest ni Ka Ely dito sa aming radio program. Alam ko kilalang-kilala ka ng mga kababayan natin. Kilalang-kilala ka ng mga kababayan natin dahil matagal ka nang nanilbihan bilang senador, bilang miyembro ng gabinete ni Presidente Aquino, pero maraming hindi nakakakilala iyong mas personal sa iyo at iyon sana, Sen., iyong gusto kong maitanong sa iyo ngayon. Iyong iba dito alam ko na pero ano iyong side na hindi nakikita ng tao na senador ka, siyempre iyong asawa mo hinahangaan ng napakaraming tao, pero ako, Sen., on a very personal level nakita ko kung gaano ka ka-simple. Nakita ko kung gaano ka ka-simple. Pero ito, Sen., hindi ko pa sa iyo ito nasabi. Pero naalala mo ba, Sen., na noong una kang tumatakbo, in-assign kami ni Jess, iyong asawa ko, na samahan ka every time pupunta ka sa Naga. Tatlo kaming magkakaibigan—ako, si Judy, at saka si—[technical lag]—kung naaalala mo. Sinasamahan ka namin pag-ikot. Iyong naalala ko, Sen., iyong relo mo noon hanggang ngayon iyon pa rin iyong relo mo na ginagamit. [laughter] Hindi pa kita nabibiro noon. Pero sabi ko, napakasimple talagang tao nito ni Sen. Tapos sa office po namin, kapag pumupunta ka parati kang pinag-uusapan ng mga staff namin kasi ikaw iyong nagda-drive. Nagkukuwento sila na, “Akala po namin kung sino iyong katabi namin sa parking lot na nagpa-park ng sasakyan. Paglabas, si Senator Kiko pala walang kasama, walang driver.” So ang una kong tanong, Sen., sa iyo, papaano ka naging ganito o papaano mo na-maintain? Papaano mo na-maintain iyong kasimplehan mo considering na ang tagal mo nang senador, naging cabinet secretary ka, asawa mo Megastar, how do you do it?

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Well, siguro iyon na iyong kinalakihan naming magkakapatid. Siyam kasi kaming magkakapatid, Ma’am, eh. At siguro dahil hindi naman kami masasabing malaki ang, kumbaga, mayaman kasi nga sa totoo lang, Ma’am, noong tatlo na silang magkakapatid, wala pa ako, kinailangang lumipat from PhilAm Homes, Quezon City to U.P. Village kasi masyado nang malaki ang gastos at hindi na mabayaran iyong amortization namin doon sa bahay sa PhilAm. So, lumipat—so ganoon, ano, hanggang sa naging siyam kami. Laging ang turo sa amin ay hindi ka puwedeng magastos, hindi ka puwedeng ganoon, kasi laging mayroong hihingi, eh. Sabi ko nga, tuwing mayroon akong hihingiin, mayroong walo na nanonood. Paano naman kami? Ang biro rin, Ma’am, sabi niyo iyong tungkol sa relo. Si Sharon naman, iyong sinturon. Iisa lang ho iyong sinturon ko. Tapos ano pa, reversible para puwedeng brown, puwedeng black. At siguro, umabot ng mahigit isang dekada iyong sinturon, eh. Eh sabi ko iisa lang naman iyong baywang alangan namang isabay ko. So ganoon, Ma’am. Very…

     

    VP LENI: Sen., naalala ko paminsan kapag nagkukuwentuhan tayo, kinukuwento mo na parang—pang-anim ka ba o pampito?

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Panglima po.

     

    VP LENI: Ah, panglima. Iyong kinukuwento mo, Sen., na pati iyong sa pagkain, parang mayroon kayong budget na ito iyong share mo.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Yes. Kapag bumili ng M&Ms, iyong imported na chocolate, ‘di ba marami ho iyon, ano, para ho kaming nagsusungka kasi siyam din iyong tasa—cup. Tapos iisa-isahin iyan. Dapat naka-sukat. Tapos iyan, ibibigay. So talagang growing up, it was always sa amin iyong magpasalamat ka na mayroon. Pati nga ho, Ma’am, iyong ketchup. Kapag wala nang laman, lalagyan namin ng tubig tapos ishe-shake. So may—

     

    VP LENI: Para walang sayang.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Opo, naidadagdag kasi ang dami namin, eh. At saka ang sabi nga, ang biro nga, I remember si KC noong bagong kasal kami ni Sharon, tinanong niya sa akin: “Daddy, why do you eat so fast?” Bakit daw ang bilis kong kumain. Napaisip ako, “You know, kasi kapag siyam kayong magkakapatid kapag hindi ka mabilis kumain ang matitira sa iyo sa manok iyong leeg. Mauunahan ka na.” So iyon, Ma’am, we were taught to—we cannot be ostentatious. Hindi tayo puwedeng maging extravagant, maluho. Ang reklamo pa nga ni Sharon, Ma’am, eh ano, eh, nakakalimutan kong magsuklay. Nasa  labas na ako ng bahay hindi pa ako nagsusuklay. Sabi niya, “Ano ba iyan? Ayusin mo nga iyan.” Tapos binibilin niya sa driver o kaya sa staff ko, “Sabihin niyo kay Francis ha magsuklay siya.” Tine-text pa nga niya sa akin just to remind me. So iyon, Ma’am, I guess iyong pinaka-basic is because we were growing up na marami kami, hindi kami naging maluho, ano. Hindi tama iyong pagiging maluho. At maging kuntento kung ano iyong mayroon.

     

    VP LENI: Kasi, Sen., kaming lahat na nakakakilala sa iyo, siyempre alam namin na kung gaano ka kahusay, kung gaano ka katapang. Pero ito talaga iyong nakikita naming side mo na hinahangaan namin na despite the fame, despite what you  have achieved, ganito ka pa rin hanggang ngayon. Pero ito, Sen., iyong susunod kasi iyong pamilya niyo, sabi mo nga nine kayo, pero napaka-accomplished. Napaka-accomplished ninyong lahat. Siyempre mas kilala namin si Anthony. Si Anthony kilala namin. Siyempre si Angeli, kilala namin. Pero all the other siblings, sina Joseph, sina Maricel, lahat talaga parang all of you found your place under the sun. Iyong tanong kong susunod, saan mo ito ma-a-attribute? Bakit kayo naging—halimbawa ikaw, at a very young age ano ka na, very involved sa… sabi ko nga, Sen., ako very apolitical pa ako noon, eh, pero ikaw pagpasok mo sa UP naging very involved ka na. Saan iyon nanggaling?

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Ma’am, sa aming mga magulang. My father and my mother. Pareho ho rin silang student leader sa UP, eh. Noong panahon ng father ko, siya iyong corps commander ng ROTC. Noon kasi noong 50s, sikat—ang dalawang ano ng leadership sa UP, iyong student council at iyong corps of cadets. Iyon iyong dalawang pinaka, sabihin na nating prestihiyoso o prestigious na mga leadership positions. So iyong tatay ko was the corps of cadets corps commander. Ang mother ko naman noong panahon na iyon, Ma’am, ang kuwento sa akin, lahat ng babae—female na estudyante—automatic magiging member ng UP Women’s Club. Iyong opisina ng Women’s Club nandoon, Ma’am, sa likod Vinzons Hall at ang mother ko naman ang naging presidente ng UP Women’s Club. So they were both student leaders. Fairytale romance nga sa UP, eh. Campus sweethearts sila. And that’s what they taught us, na we should also aspire for leadership, service, naging… Ang tatay ko ang pinakamalaki naming—at ang nanay ko… Sabi ko nga, Ma’am, iyong mother ko kasi, my growing up years she was pregnant every other year, eh, kasi siyam kami tapos mayroon pang dalawang ano, nakunan pa nang dalawang beses. So iyong talagang—

     

    VP LENI: Eleven dapat. [chuckles]

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Eleven dapat. So ganoon karami. So she was—eh masalimuot siyang maglihi. So noong naaalala ko hindi siya makakasama pero iyong father ko laging nandoon. Laging—iyong aming declamation contest nandoon siya. Iyong volleyball games ko sa high school nanonood si Mommy at Daddy. So they were always very supportive, but they also pushed us to positions of leadership. Kasama rin, Ma’am, siyam kaming magkakapatid, lahat ho kami UP—siyam. Wala akong—ako, noong nag-entrance exam ako, isa lang ang kinunan kong entrance exam, UP lang ho. Kasi nga parang—panlima na ako, lahat UP, wala na akong ibang choice…

     

    VP LENI: Parang iyon na iyong naging tradisyon sa pamilya.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Yes, yes. At dahil, well, kasama na rin po iyong malayong bahay namin at saka nagshe-share kami ng sasakyan, apat, lima sa isang sasakyan para—eh mahirap na iyong ikaw iyong pupunta pa ng La Salle, ‘di ba, papaano ka… So, sige, para lang sama-sama tayo sa sasakyan, doon tayo sa UP lahat. And sa amin naman…

     

    VP LENI: Naalala ko, Sen., ano, parang magkakasunod ba kayo nila Anthony at saka si Felicci?

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Yes.

     

    VP LENI: Kasi parang kayo iyong mga nakasabay ko sa UP.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Yes, after ni Anthony. After ni Anthony is Felicci.

     

    VP LENI: Ah, kayo nga iyong mga nakasabay ko.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Si Felicci College of Business Administration. Si Anthony laging nasa School of Econ dahil sa AIESEC. Ayon, Ma’am, kaya niyo siguro sila nakikita noon. BA lang at saka Econ magkatabi.

     

    VP LENI: Oo nga, Sen. Si Anthony noong president din siya ng AISEC, eh, kaya nakikita ko tapos si Felicci sa BA ko nakikita. Kasi karamihan sa aking mga electives ay BA so nakikita ko siya sa BA. Pero ito, Sen., student leader ka na, so siguro naiintindihan ko kung bakit ka pumasok sa public service kasi iyong kurso mo, nandito talaga. So you were a senator for 12 years, ano. 2001 ka, Sen., nag-start. So senator ka for 12 years. Pero ang alam ko, while you were in the Senate, doon nag-umpisa iyong passion mo for agriculture, for food security. In fact, nakikita namin iyong farm mo sa Cavite. Ito, saan ito nagsimula?

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Well, Ma’am, sa totoo lang, again, talagang iyong plano natin at iyong plano ng Diyos sa atin talagang nag-iiba. Hindi ko talaga pinlano na pumasok sa agriculture pero dahil hindi ako pinalad noong Senate presidency race noong 2010, noong nanalo na po si PNoy, I sought the Senate presidency, I felt I could help President Aquino in that regard, ano. Eh hindi ho ako pinalad. Hindi ako nakakuha noong tamang suporta. Kulang ngdalawang boto yata iyon, Ma’am, o isa—isang boto, actually. Pero—so noong nagkausap kami ni Senate President-elect Enrile, sabi niya, “Oh, Kiko, agriculture committee is available.” Sabi ko, “Wala ho akong alam diyan.”  Pero naisip ko noong nagkampaniya po tayo noong 2010, we campaigned in 2010, ‘di ba ang ating ano noon is corruption? Anti-corruption and anti-poverty. Eh noong mga panahon na iyon, masyadong notorious iyong corruption sa agri, ‘di po ba.

     

    VP LENI: Oo, naaalala ko, Sen.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Iyong fertilizer scam, ‘di ba. So corruption, sabi ko. Iyon iyong problema. Sa agri matindi rin ang corruption and then poverty. Sabi ko, ang pinaka-mahirap na mga sektor ay iyong sektor ng pangingisda at pagsasaka and rural is where poverty is most acute. So sabi ko, since kinampaniya ko ng isang taon iyong walang korap, walang mahirap tapos ngayon binibigay sa atin iyong agriculture na very laganap o kaya very notorious sa corruption tapos poverty pa ang hinaharap, sabi ko, “Sige. I will walk the walk.” Tanggapin ko iyong agri, hanapan ko ng solusyon doon sa corruption at saka iyong usapin ng poverty at iyon, tuloy-tuloy na. Sabi ko nga, Ma’am, eh sa mga nanonood o nakikinig na mga abogado, sabi ko the last time akong nagbasa ng napakarami na mga materyales, sabi ko sa sarili ko noon, ay noong nagba-bar ako. Ngayon naman, ang binabasa ko mga agriculture na mga ano, na mga materyales.

     

    VP LENI: Oo nga, Sen. Alam ko, Sen., kung gaano ka ka-passionate about agriculture, eh. Kasi ‘di ba kapag nagkukuwentuhan tayo, ano talaga, lumalabas iyong passion mo doon. Ito lang, Sen., naaalala ko lang, siguro ang hindi rin alam ng mga tao, ano ka, passionate ka rin sa mga—iyong mga natural remedies. Naalala ko parang bawat—after kang kumain ba? Nagte-take ka ng…

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: After every meal.

     

    VP LENI: O after every meal, mayroon kang lalagyan ng mga gamot pero iyong nandoon sa lalagyan mo ng gamot, sili. Tine-take mo.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Siling labuyo.

     

    VP LENI: Oo, siling labuyo. Ilan nga, Sen., iyong tine-take mo after every meal?

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Kailangan, Ma’am, green. Hindi iyong hinog. Dalawa o tatlo na mga—kasi maliliit na mga siling labuyong green and after every meal at saka hindi ho nginunguya. Parang tableta.

     

    VP LENI: Oo, iniinom talaga.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Iniinom talaga. Iniinom na parang capsule. Ganoon, oo. Iinumin. And that is because dati po ako, Ma’am, mataas masyado iyong aking cholesterol at aking triglycerides na dapat nagme-maintenance meds na ako at medyo borderline ako ng diabetes noon. Eh sabi ko, organic farmer ako, eh. Bakit ako iinom ng kemikal? Eh nabasa ko po iyong kay Secretary Jimmy Tan—Jaime Galvez Tan—na dating secretary of health, ano, mayroong ito na nga, alternative, natural remedies. At sabi nga niya, nabasa ko iyong siling labuyo na green. Ano iyan, fat burner, cholesterol burner, high-blood—matutugonan ang high-blood, etc. So sinubukan ko. Ayon, Ma’am. Talagang…

     

    VP LENI: Parang tatak mo na iyan, Sen., ano. Tatak mo na iyan na every after meal, iinom ka niyan.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Yes, Ma’am. Talagang ano ko iyon—and it’s just really—iyon iyong aking maintenance medicine. Hindi kemikal, iyon. At naging normal, Ma’am, iyong aking, sa blood sugar ko, nag-normalize lahat talagang… Pero, Ma’am, mabalikan ko lang iyong sa farming, Ma’am, I just remembered. Kasi before farming, iyong advocacy ko justice…

     

    VP LENI: Oo, naaalala ko iyon, Sen.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: So noong nabasa ko nga iyong naging sitwasyon ng ating mga magsasaka, sabi ko hindi makatarungan na iyong mga nagpapakain sa atin, nagbabanat ng buto, nagkakanda-kuba na sa kaka-saka, hindi sila makakain nang maayos. Sila iyong naghihirap. Naalala ko, Ma’am, nakilala ko si Mang Romeo sa Nueva Ecija, 76 years old siya, Ma’am. Tinanong ko sa kaniya, “ilang tanong ka noong nag-umpisa kang magsaka?” Rice farmer ito. Sabi niya, “Nag-umpisa akong magsaka ano ako, 12. Twelve years old.” So sabi ko, 65 years na siyang nagsasaka at nagsasaka pa rin, ‘di po ba. And then—at mahirap pa rin.

     

    VP LENI: Totoo.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: So sabi ko, hindi ito tama, ‘di ba. Nakakasakit ng—parang kung sino pa ang dapat retired na, ine-enjoy na niya iyong kaniyang mga apo, at for a job well done na talagang pinakain niya ng ilang dekada, dapat sana ay ang reward sa kaniya ay mahimbing at maayos na buhay. Pero hindi, nagsasaka pa siya at mahirap pa siya. So iyon, Ma’am, sa akin, it’s really the sense of justice na nauna sa—I guess all my life, ano, kung hindi makatarungan, dapat ayusin.

     

    VP LENI: Pero, Sen., iyong sa akin, iyong kaibahan mo siguro kasi iyong ina-advocate mo ginagawa mo mismo, ‘di ba? Kasi farmer ka talaga, eh.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Kasi nga, Ma’am, sabi ko hindi ko maintindihan nang lubos iyong pinaglalaban ko kung hindi ko mismo, eh maranasan. Kaya, Ma’am, naranasan ko iyong maubos iyong aking tanim. Halos isang toneladang lettuce binagyo, naubos. Iyong pagha-harvest na lang at direct hit kami ng Typhoon Glenda. Nawasak iyong aming mga greenhouse. Naranasan ko rin, Ma’am, mapeste iyong mga suso. So talagang doon ko nakita na grabe pala ang dinadanas ng ating mga magsasaka. Pero doon ko rin nakita ang tindi ng kanilang pagmamahal sa kanilang pagiging magsasaka at ang tibay ng kanilang dibdib. Talagang pagtapos kang tamaan, bangon ka ulit. Magtanim ulit. Umasa ulit. Manalig na sa susunod, gaganda na ang ani. Doon, sabi ko, doon ako nagkaroon ng kakaibang respeto sa ating mga magsasaka at mangingisda. Kaya nga si Frankie, Ma’am, noong nine years old tapos that was my first year as chairman on the committee of agriculture, nine years old si Frankie siya mismo nagsabi sakin siguro naririnig po niya ako sa radyo, sabi niya we should treat our farmers like our parents. In other words, ang trato natin sa ating mga magsasaka dapat parang trato natin sa ating mga magulang. So tinanong ko, why? Because they’re the ones who feeds us. Sila ang nagpapakain satin. So only a nine-year-old, ‘di ba, Ma’am, can think of it that way. O sino bang nagpapakain sa atin sa bahay, ang bumibili ng pagkain, ‘di ba mga magulang natin? So ganoon sila, parang ganoon siya, so talagang… Pero paano nga natin trinatrato iyong ating mga magulang? ‘Di ba dapat inaalagaan natin, minamahal natin, hindi natin pinapabayaan, inaalalayan natin, ‘di ba? Tinitingala natin at nirerespeto. Pero lahat iyong ang kaiba—ang opposite ang ginagawa natin sa farmer, ‘di ba, na-neglect.

     

    VP LENI: Ako, Sen., agree ako diyan, Sen. kasi ‘di ba mayroon tayo, Sen., programa before naalala ko nasa Congress pa ako nito, eh, nali-link talaga natin iyong malnutrition sa, sa food security at saka sa income ng farmers. Iyong nakaka… nakakaantig doon, Sen., kasi ang daming mga malnourished na mga bata na anak ng mga farmers. So gusto ko sabihin talaga na hindi talaga natin sila naalagaan. Kaya ‘di ba, Sen., pareho natin ina-advocate iyong, iyong hunger maso-solve mo hindi lang feeding, pero sa pagpabuti ng buhay ng, buhay ng mga pamilyang Pilipino.

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: Na maari siguro magkaroon sila ng dagdag na kita, ‘di po ba?

     

    VP LENI: Totoo.

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: Para mayroon sila mas malaking—mas malaki ang spending power nila para makapagbili sila ng tamang pagkain, tamang sustansyang—masustansyang pagkain, hindi lang iyong, iyong cup noodle, o kaya iyong, kasi iyan na ho iyong nagiging ano, pinaka—at marami nagkakasakit dahil diyan, iyong noodles, ‘di po ba.

     

    VP LENI: Ito, Sen., iyong pinakabuod nung batas na inauthor mo, ‘di ba? Iyong batas na in-author mo, ito talaga iyong parang pinaka-sentro ng objective niya. Na siguruhin na iyong mga maliliit na magsasaka nabibigyan ng pagkakatoon na maging entrepreneurs at saka makipag-compete, mabigyan ng opportunities—mabigyan ng opportunities ng pamahalan kasi kadalasan kasi sa purchasing, Sen., ‘di ba? Sa purchasing kapag sinabi na natin lowest price, iyong maliliit na magsasaka hindi na sila nakakapag-compete. Pero itong batas na inauthor mo parang binigbigyan ng special consideration, na iyong mga maliliit magkaroon ng pagkakataon na maki—makipaglaban o mag-supply, maging supplier, maging supplier sa mga proyekto ng pamahalaan at saka magkaroon ng break sa market. Pero ito, Sen…

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: Ma’am, ang biro ko. Ang biro ko nga doon, Ma’am. Sorry, Ma’am. Ang biro ko nga doon Republic Act no. 11321, iyong Sagip Saka, eh sabi ko nga eh dati lagi nawa-one, two, three ang mga magsasaka. Kaya ngayon dahil dito sa batas na ito kabaligtaran na kasi three, two, one, 11321—kabaligtaran na ang mangyayari, mabibigyan na ng suporta ang ating mga magsasaka.

     

    VP LENI: Oo at saka napakadali pala, Sen., alalahanin ano? Napakadaling alalahanin iyong Republic Act no. 11321.

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: 11321 .

     

    VP LENI: Pero, pero ito, Sen., ano, sana… Sana mas lalo pang ma-operationalize, ano? Kasi nandiyan na iyong ano eh, nandiyan na iyong policy. Kailangan na lang mamaximize sa lahat ng mga transaksyon ng pamahalaan kasi pamahalaan naman iyong pinaka biggest na market, ‘di ba? Kaya sana, Sen., ano, sana mas lalo pa siyang, mas lalo pa siyang magamit. 

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: Para lang—just one more point, Ma’amm if you may, if you may allow. Para lang maintindihan ng tao iyong Republic Act Sagip Saka, iyong Sagip Saka Act 11321. Dati kasi walang negotiated contracts from the government at iyong farmers. Kaillangan mag-public bidding ang purchases ng gobyerno pag dating dito sa mga food, bigas, etc. o kaya diresto sa ano. Ngayon, exempted na sa public bidding so pati ang LGU, pati ang national government puwedeng direkta nang bumili sa mga accredited farmers at fisherfolk ng produktong agrikultura. Para—

     

    VP LENI: Kasi, Sen., ano, ‘di ba? Kasi kasi, Sen., ‘di ba kapag public bidding kasi ang nagkakaroon ng pagkakataong magbagsak-presyo iyong malalaki.

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: Iyong malalaki. That’s right, Ma’am.

     

    VP LENI: ‘Di ba? Iyong maliliit wala silang chance na makabagsak kasi iyong scale nga nila sobrang liit, but with the Sagip Saka Law, puwede na iyong negotiated. Kapag may gusto kang farmer group na tulungan, gaya ngayong pandemic, actually, Sen., ginamit namin siya many times over during the pandemic. Iyong mga, iyong mga farmers from the north, mayroon ding farmers from the south binibilhin natin ng mararaming mga produkto para pang feed natin sa mga communities na nangangailangan kaya sobrang laking tulong talaga siya.

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: Yes, Ma’am, and kinompute natin, Ma’am, for 2021 ang maaring pondong total na pambili ng produktong agrikultura ng mga agency tulad ng DepEd, DOH, DILG, DSWD ang pinakamalaki mga P41 billion, Ma’am, ng gastusing pang pagkain, pang bigas, pang gulay, pang karne, eh biro niyo iyon ang laking tulong sa ating magsasaka at pinakamahalaga sa lahat, dahil alam nilang hindi sila babaratin, maeengganyo ho sila magtanim nang mas marami. So pati iyong supply—kaya nga, Ma’am, ang mangyayari no’n gaganda, lalaki ang ani, babagsak ang—dahil nga law of supply and demand—babagsak ang presyo ng pagkain, eh matutugonan na ang gutom. So iyon ho ang pinaka-resulta ng Sagip Saka Act, Ma’am, iyon ang gusto natin mangyari.

     

    VP LENI: Ang galing nga, Sen., eh kasi parang for the first time dahil sa batas na ito, nagkaroon talaga ng opportunity iyong mga maliliit ng magsasaka na makakuha naman ng kaunting break, ‘di ba, through the government.

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: That’s right. Alam niyo, Ma’am, kapag bumili iyong gobyerno ng negotiated market price, Ma’am…

     

    VP LENI: Oo nga.

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: So times 3, times 4, times 5 po ang napupunta sa bulsa ng mga magsasaka kasi kapag middleman, nako, susmaryosep talagang.. sa dami nalang ng—tapos nabubulok pa kapag middleman hindi inaalagaan, ang middleman kasi hindi masyadong particular. Kaya—mababawi naman niya. Bawi na sya bawi na siya dahil ang laki na ng kita niya kaya kahit may tapon, okay lang, okay lang. Eh sa farmer hindi puwede iyang ganiyan.

     

    VP LENI: At saka ano, Sen., at saka ano, Sen., parang mas marami pa ang kinikita ng middlemen kaysa sa, kaysa sa mga magsasaka, ‘di ba?

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: That’s right, Ma’am. Halimbawa, halimbawa lang…

     

    VP LENI: Iyong mga magsasaka alas tres, alas kuwatro ng umaga nasa, nasa sakahan na.

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: Exactly.

     

    VP LENI: Sila’y—na nag-ano to nabababad sa init ng araw sa lahat ng elements sila talaga iyong nagpapagod pero ang, ang kakaunti ng kita nila. Iyong may pera iyong—

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: Ma’am, for example—yes tama, Ma’am. For example iyong North Cotabato si Governor Catamco, sabi noong mga vegetable farmers sa Aklan, Aklan, North Cotabato, ang bili sa kanila nung middleman piso isang kilo ng kalabasa. Pero ang bili ng local government—provincial government—ay limang piso so doon palang times five na ang napunta sa bulsa ng ating mga magsasaka. Dito naman, Ma’am, sa palay, dito sa Pampanga, kasagsagan ng COVID, bagsak iyong presyo, Ma’am, nung palay. Dinagdagan nung barangay binili—dinagdagan ng dalawang piso o ‘di per kilo nung palay. Eh ‘di tumaas iyong kita nung farmers.

     

    VP LENI: Ang laking bagay noon.

     

    SEN. FRANCIS PANGILINAN: Ang laking bagay, Ma’am, talagang—at ito nga, Ma’am, eh pagka may pang gastos na iyong farmer, bibili iyan ng sapatos, bibili iyan ng rubber shoes, bibili ng cellphone, bibili ng kung ano-ano eh ‘di iyong ating ekonomiya talagang lalago.

     

    VP LENI: Iyong purchasing power tumataas din kaya ang daming nakikinabang hindi lang talaga mga magsasaka pero iyong lahat ng mga negosyo na nasa periphery nila.

     

    Pero ito, Sen., kulang na iyong oras natin, almost 10 o’ clock na. Siguro iyong last question ko na lang, kasi si Jillian at saka si Frankie nagkita kahapon. Nagkita kahapon si Jillian at saka si Frankie, and hindi ko sa yo ito, Sen., na-kuwento pero after malaman ni Jillian na—kasi, kasi ina-anticipate niya na magpapahinga na ako. Either… either lalabas na ako sa pulitika o maglo-lokal na ako mas marami na iyong oras ko sa kanila. Pero all of a sudden, nagkaroon ng sudden shift, kandidato na ako. And sinabi ko nga ito sa Facebook post ko na sa, sa tatlo kong anak si Jillian took it the hardest kasi siguro feeling helpless siya, malayo siya, tapos iyong ina-anticipate niya na mas magkakaroon na ako ng maraming oras biglang naging opposite noon. So iyong tanong ko, Sen., what was it like for your children? Kasi bigla din ‘di ba? They were expecting na magse-senador ka tapos all of a sudden VP pala, pero iyong mas mabigat for you, Sen., kasi may family—may family dynamics na ma-a-affect na hindi mo naman ginusto pero you were answering a call.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: That’s right, ma’am. Si Frankie ayaw rin. Ayaw rin niya na ako’y tumakbo. Sabi niya, “dapat paghandaan natin, hindi puwede iyan.” Ayaw rin niya. Kaya rin siguro dapat… kaya rin siguro tama na silang dalawa ang nag-uusap, Ma’am eh. Para they will, kumbaga, they will share each other’s heartaches. Pero in the end, nakita nila iyong ating ano, Ma’am. Nakita nila iyong ating… of course una, we were praying about it. Dinasal talaga namin. At sa buhay naman namin, for the longest… regular ang ano ng prayer. Ipinapasa-Diyos, nananalangin. Iyon din ang tinuro sa amin ng nanay ko, Ma’am. Magsindi ng kandila. So noong gabi na iyon, magdedesisyon ako, nagsindi ako ng kandila. So alam nila. So we prayed about it, and she accepted it, si Frankie. Hindi naman madali, pero alam niya naman siguro na iyong iba, si Frankie, fighter rin yan. Talagang—

     

    VP LENI: Ang lakas ng loob rin, Sen.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Matapang at outspoken. Pero alam niyo, Ma’am, hindi sa akin galing iyong ganoong tapang. Kay Sharon po iyon. Iyong kanyang outspoken na tapang, hindi ako iyon. Kasi ako introverted ako pagdating sa mga ganiyan eh. Kay Sharon iyon, iyong outspokeness niya.

     

    VP LENI: Pero ito, Sen., hindi ko pa ito nakukwento kasi kahapon pa lang. Nagkukuwento sa amin si Jillian, kumain sila together. Tapos sabi niya, “mas malala pala iyong kay Frankie,” sabi niya sa amin. Kasi ako, ang sama na ng loob ko noong nalaman kong tatakbo ka, parang four days before the announcement. Sabi niya, si Frankie, as in literally less than two days before the announcement saka niya nalaman. So ‘di ba, Sen., parang… hindi ko alam kung alam ng iba kung gaano ito kabigat for us. Na iyong mga… Tayo, hindi tayo iyong problema, pero ine-expose natin iyong ating pamilya sa mga bagay na wala naman silang kinalaman. Halimbawa ako, Sen. Kapag tumatakbo ako, kung ano-ano iyong binabato sa akin dati at damay iyong mga anak ko. And I am sure ganoon ka rin, ‘di ba. So iyon lang siguro, Sen., ang ipagpapasalamat ko. Sinabi ko ito during the presscon, na I was already… noong inaya kita, I know na ikaw iyong perfect fit. Pero at the same time, kung magsasabi ka ng “no”, maiintindihan ko. Pero iyong pagsabi mo, Sen., ng “yes”, naalala ko iyong sinabi mo sa akin, eh. Parang… sabi mo sa akin na parang, “Wala akong karapatan humindi. Kasi noong tinulak ka namin, hindi ka rin humindi.” So ang sa akin, Sen., in-encapsulate niya iyong pagiging compatriot mo. Na kahit alam namin gaano kahirap, pero ginawa mo pa rin.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Ma’am, wala na tayong oras pero mayroon pa akong maraming kuwento eh… Pero ito. Ma’am, kung pupuwede pa siguro. Naalala ko noong 2007 elections, kung gaano kahirap sa kandidato. Araw-araw akong lumalabas. Iyong anak kong si Miel naman, she was only three years old. So iyong naalala kong kuwento napaluha ako sa kampanya. Kasi ang kuwento noong yaya niya, galing siya doon sa shower, para hindi ako ma-miss, nilagay iyong poster ko doon sa banyo. Na iyong mukha ko nandoon. So nandoon ang mukha ko sa banyo! So bagong lagay. So bagong paligo siya… si Miel. 3 1/2 [years old]. Nakita niya iyong picture, kasi bagong… hinalikan niya! Ma’am. Paghalik niyang ganoon, nabasa! So sabi niya, “Ay nabasa si Daddy!” Pinunasan niya. Noong kinuwento sa akin iyon, iyon ang parang hindi ko… iyon iyong parang hindi ko na nakikita iyong ating mga anak. Ang oras natin ay wala sa kanila. Si Frankie rin noon. Frankie was around six. Nag-ano siya, nagsutil. Kasi akala niya ganoon na ang buhay namin, araw-araw wala ako. Kasi dati hindi ganoon. Nagsutil. Noong pinaliwanag ko sa kanya, “Hindi hanggang May lang ito, anak. Matatapos rin ito.” Doon, bigla siyang… so it’s really very difficult when we make these decisions that affect our loved ones.

     

    But sabi ko nga, in the end… naisip ko, I happen to be in a position to do something about it. And therefore I will do something. And I will do it. Kasi sino pa? Nagkataon lang na ako ang nasa posisyon na gawin ito, at matindi ang problema. Eh ‘di gawin natin, Ma’am. Saka naisip ko kagabi, sabi ko, ito siguro ang laban ng ating henerasyon, Ma’am, eh. Pagkatapos nito ipapasa na natin sa ating mga anak, sa susunod na henerasyon. So kung ito ang laban ng ating henerasyon, at doon sa mga nakikinig, iyon ang paniniwala na ito ang laban ng ating henerasyon, ano pa ang choice natin? Tumaya na tayo, ilaban na natin. Tapos masasabi natin, na noong panahon nga na may ganitong krisis—pinaka-matinding krisis sa ekonomiya in the last 40 years and pinakamatinding krisis sa kalusugan in the last 100 years—at least masasabi natin na noong kasagsagan noong krisis, nanindigan tayo, tumaya tayo. Gumawa tayo ng paraan.

     

    VP LENI: Ito, Sen., utang namin sa iyo lahat. Alam namin kung gaano kabigat iyong desisyon mo. Kaya ano, Sen., talagang kami—hindi lang ako, Sen., pero kami lahat nagpapasalamat sa pag-agree mo to take on this sacrifice para sa bayan.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Salamat din sa tiwala, Ma’am. Sabi ko nga sa mga kapatid ko, “Hoy, lahat kayo iskolar ng bayan. Pinag-aral kayo ng mga taxpayers, dahil libre ang edukasyon natin, halos libre. Kaya isauli natin. Balik natin. Mangampaniya tayong lahat.” Tungkulin natin na ibalik sa ating mga kababayan iyong ating edukasyon. ‘Di ba iyon maam, kapag mga iskolar ng bayan.

     

    VP LENI: Oo nga eh. Pero ito, Sen., sayang, ang dami pa sana nating puwedeng mapagkuwentuhan, pero overtime na tayo. Nagpapasalamat lang kami, Sen., we hope to have you again in the future. Pero maraming salamat sa pagpapaunlak.

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Salamat rin, Ma’am, and salamat sa inyong tiwala. Thank you, Ma’am.

     

    ELY: Senator, salamat ho at kailangan namin matitikman iyong seafood pasta. [laughter]

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Hahaha! Oo!

     

    ELY: Napanood ko kasi!

     

    SEN. KIKO PANGILINAN: Madali lang iyon, ipagluluto ko kayo!

     

    ELY: Sige, matikman namin! Thank you po, Senator.

     

    VP LENI: Thank you, Sen.

     

    ELY: Okay, Ma’am. Wala na tayong oras. So inyo pong mensahe sa mga kababayan na nakikinig ngayon nationwide.

     

    VP LENI: Sa akin lang, Ka Ely, una, nagpapasalamat kami ni Senator Kiko sa pagbuhos ng suporta after naming nag-announce saka after naming mag-file. Gaya ng sinabi ko kanina, bombarded po tayo by offers to volunteer, offers to donate. Marami pang ibang talagang gustong sumali dito sa laban na ito. Kami po humihingi lang kami ng kaunting paumanhin. Alam niyo po na ngayong linggo lang ako nakapag decide. Ilang araw lang bago nag-announce. So ngayon pa lang po kami magse-set up ng lahat. Ngayong linggo pong padating, ito ang gagawin namin. Ise-set up namin iyong buong organisasyon, iyong buong istruktura. Mayroon na pong nabuksan na link; mayroon nang link para sa volunteer signups. Tingnan niyo po iyong aking Facebook Page, iyong post po ako kahapon, nandoon ang link. Puwede po kayo doon mag sign-up. Maghintay po kayo ng email o tawag, pero it might take a few days kasi nga po dahil sa dami ng dagsa. Pero iyong lahat pong mayroon nang mga initiatives na ginagawa, ituloy lang po natin iyon. Ituloy lang. This is really going to be a peoples campaign, so hindi po namin kampanya ito, pero kampanya nating lahat.

     

    ELY: Ma’am, ang susunod na palatuntunan natin, si Don Lino Celle iyong RMN New York. Baka may mensahe ka sa mga kababayan natin sa New York at ngayon nakikinig na ho sila sa atin ngayon. Susunod na ho sila sa atin.

     

    VP LENI: Ayon, napakaraming mga kababayan natin, Ka Ely, ang nasa New York. And iyong mga kababayan natin doon are really making us proud. Alam natin kung gaano ka pinag-aagawan basta Pilipinong manggagawa kasi talagang kapag tayo ay nagcommit, buong puso talaga. Hindi namimili ng trabaho, buong puso ibinubuhos iyong sarili. So magpapasalamat tayo, Ka Ely. Nagpapasalamat tayo sa lahat ng ating kababayan na nandoon. Hindi lang siguro sa New York pero pati sa New Jersey area, maraming salamat na kahit napakalayo niyo sa Pilipinas, patuloy ninyong pinapakita ang pagmamahal sa bayan natin.

     

    ELY: Okay, Ma’am, salamat po, ingat po lagi! Mga kasama, iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Don Lino, susunod ka na. Maraming salamat, mga kasama. Ako pa rin ang inyong Radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga Pilipinas.

     

     

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Oct 10, 2021