This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 230

    BISErbisyong LENI Episode 230

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Ito na po ang BISErbisyong LENI dito po sa RMN. At siyempre, mula po rito sa DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa DYHP RMN Cebu, DXCC RMN Cagayan de Oro, DXDC RMN Davao, DWNX RMN Naga, at siyempre sa lahat po ng ating naabot ng broadcast nationwide, netwide, magandang umaga! Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. At kasama po natin ngayong umaga, ang nag-iisang spokesman—ang nag-iisang spokesman po ng nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Atty. Barry Gutierrez. Atty., magandang umaga sa iyo!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga, Ka Ely, at magandang umaga sa ating mga tagasubaybay. Salamat naman at sinabi mo, kaisa-isang spokesman ng kaisa-isang Bise Presidente kasi maraming mga nagsasalita para kay VP Leni sa mga nakaraang linggo, eh. [laughs]

    ELY: Pero in fairness may ano, ha, may nagsasabi—pero iyong iba nami-misinterpret nila, Atty., kasi katulad kay Bro. Armin Luistro, ang binabanggit abangan at bago matapos iyong October 8, maglalabas ng desisyon. Hindi sinabing nagdesisyon na.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. Kasi klaro naman iyong mga sinasabi ni VP dati pa, eh.

    ELY: Yes, oho. So nagulat ho iyong ating mga kababayan at maging iyong ating mga kababayan sa media. Alam mo, Atty., maraming nag-aabang sa ano, eh… [chuckles]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naiintindihan naman namin, Ka Ely. Malinaw naman na marami nang excited, ‘di ba. Marami nang nag-aabang, sabi mo nga. So kaunting hintay na lang, ‘di ba. Sabi naman ni VP, October 8 ang huling araw ng filing at bago mag-October 8, ipaalam na niya ang kaniyang desisyon. So hindi na matagal. Iyong mga matagal nang naghihintay, iyong mga matagal nang nagsusubaybay, iyong mga matagal nang ganadong-ganado na marinig kung ano ang magiging pasya ng ating Bise Presidente, ilang araw na lang ang ating kailangang paghihintay at malalaman na natin kung ano ang kaniyang magiging desisyon.

    ELY: Okay, so limang tulog na lang po bago mag-October 8—iyong huling araw po ng paghahain ng COC. Pero sa kabila niyan, Atty., dito ho muna siguro tayo sa—nako, napakaraming aktibidad ng ating Bise Presidente at mamaya rin, kahapon busyng-busy ang ating…

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kahapon, busy.

    ELY: Siguro umpisahan muna natin dito, iyong pagtungo niya sa Bicol—sa Naga at sa CamSur na nako, pumutok iyong mga balita dahil sa inayos niya iyong kaniyang registration. Sige nga, pakipaliwanag muna, Atty.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sabi na namin, Ka Ely, noong pinagplanuhan pa lang ito, magiging malaki na namang source ito ng kung ano-anong kuwento, eh. Pero simple lang naman iyong kuwento rito. Pinayuhan si VP Leni ng kaniyang mga abogado—iyong mga abogado niyang matagal nang tumutulong sa kaniya doon pa sa panahon ng may protesta. At sabi sa kaniya, dahil nga lumipat siya ng kaniyang residence sa bagong bayan sa CamSur, natural kailangan iyong registration niya, kailangan doon din sa residence na iyon dahil iyon na nga ang requirement: kung saan ka nakatira, kung saan ang iyong address, dapat iyon din ang lugar ng registration. So pinayuhan siya na gawin niya iyon. So sumunod naman si VP Leni. Pero kina-klaro lang namin dito: hindi ibig sabihin nito ay siya ay tatakbo sa lokal sa CamSur. Wala itong kinalaman sa anumang plano na tatakbo sa lokal. Klarong-klaro iyong sinasabi ni VP Leni: ang kaniyang priority sa kasalukuyan, ang kaniyang desisyon na kailangang gawin ay ang pagtakbo sa national—pagtakbo bilang pangulo ng ating bansa. At anumang desisyon, maari niyang gawin, ano mang option ang maaari niyang habulin na may kinalaman sa pagtakbo sa lokal, ay kailangang maghintay hangga’t hindi pa niya nabibigyan ng desisyon, hindi pa niya nabibigyan ng klarong direksyon, itong kaniyang gagawin para sa national.

     

    At ilang beses na rin niyang pinaliwanag iyan sa kaniyang mga sinasabi. Kinlaro na rin niya iyan doon sa kaniyang mga kasama at supporters sa sarili niyang home province. So huwag na nating dagdagan iyong kuwento. Ang problema kasi, Ka Ely—naiintindihan natin, excited so bawat bagong impormasyon, kung ano-anong spekulasyon ang lumalabas pero hindi po ito patagong pagkilos para mag-file sa lokal. Hindi po iyon.

     

    Alam naman po natin—kilala naman po natin si VP Leni, diretsong tao iyan. Napaka-transparent. So sinabi niya, “maririnig niyo mula sa akin ang aking desisyon.” So, hintayin na lang natin at hindi na matagal, siya ay magpapahayag mismo kung ano ang kaniyang magiging pasya para sa 2022.

     

    ELY: Okay, so ito siguro maganda linawin mo rin, Atty., from Naga bakit kinakailangang lumipat pa siya, ano. Kasi ang pagkakaalam ko, hiwalay iyong mga taga-Naga sa CamSur, ‘di ba.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. Independent component city ang Naga, Ka Ely.

     

    ELY: Ayon, so kailan siya eksaktong narehistro na nakalipat na siya?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Noong Thursday. Noong Thursday, tama.

     

    ELY: Eh ako, kino-compute ko kung Thursday pormal siyang nalipat, eh isang taon ang ano, ang residency, eh ‘di ibig sabihin hindi puwedeng tumakbong governor. [chuckles] Sige, huwag na nating pag-usapan iyan kasi…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughs] Hayaan mo na lang iyong mga nag-aabogado diyan, Ka Ely. Pero klaro—ang klaro talaga rito at ito, uulit-ulitin ko para sa lahat ng ating mga tagapakinig at sa lahat ng ating mga supporters na nagtatanong, si VP Leni mismo ang magsasabi kung ano ang kaniyang desisyon. Hindi kailangang manghula, hindi natin kailangang gumawa ng kung ano-anong kuro-kuro, ilang araw na lang siya ang magsasabi mismo ng kaniyang pasya. So, tiwala lang, pasensya lang.

     

    ELY: At linawin natin, Atty. Barry, na kapag sinabi niyang tatakbo o hindi tatakbo, gagawin niya. Hindi iyong kapag sinabi mong—noong 2015 nag-retire na tapos ilang beses mong sinabi na magre-retire na, iyong huli hindi ganoon.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kaya naman, Ka Ely, si VP Leni pinag-iisipan, ‘di ba. Hindi iyong parang, “hindi ako tatakbo,” tapos biglang magbabago ang isip. O kaya tatakbo ako tapos aatras. Walang ganoon, ‘di ba. Klaro sa kaniya, kapag siya ay nagdesisyon, “tatakbo ako ng pagka-pangulo, dire-diretso iyon.” Sinabi niya iyon ilang beses. 

     

    ELY: Yes, at natatandaan ko rin, Atty. Barry, na kaya nga parang hindi nagkaroon ng—hindi napunta sa kasunduan, ‘di ba, iyong kampo nila ni Senator Ping, kasi parang ang sinasabi, “takbo tayo lahat tapos kung sino ang aangat sa survey, siya ang magtutuloy, aatras iyong iba.” Ang gusto ni VP, hindi, kapag tumakbo ako, tatakbo ako dire-diretso. Walang atrasan.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iyon. Iyon ang kaniyang paniniwala talaga, eh. Kasi ang sabi niya, “kapag ako ay tumaya, may mga sumuporta sa akin, may mga taong umasa, may mga taong tumaya kasama ko, eh alangan namang iwan ko sila, ‘di ba. Alangan namang biguin ko sila.” So sa kaniya, kapag siya ay nag-file, kapag siya ay nagdesisyon, kapag tumuloy na talaga siya, eh dire-diretso iyon. Tuloy-tuloy na laban. Iyon ang kaniyang paninindigan.

     

    ELY: So kung saka-sakali, kapag tumuloy, walang iwanan. Tuloy ang laban. Ayon.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Walang iwanan, walang atrasan, ‘di ba, dire-diretso hanggang sa dulo.

     

    ELY: Okay. So, ako kasi may inaabangan ako, eh, may binabanggit siya na kapag tumakbo iyong isa, tatakbo na rin siya, eh. Sinabi niya rin naman, ‘di ba. Inaabangan ko rin iyon.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: [laughs] Ikaw talaga, Ka Ely, ha.

     

    ELY: Okay, Atty., eh kahapon ay simula pa noong Biyernes, marami nang abala na nagfa-file ng kani-kanilang COCs. Si VP Leni kahapon nako, nasa Tarlac pa—Capas, Tarlac—para sa Vaccine Express. Kumusta ang ano, iyong aktibidad doon ng ating Bise Presidente?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ito iyong Vaccine Express ng OVP ka-partner ang local government ng Capas. At ang sinusubukan nating ma-target dito para mabigyan ng bakuna ay iyong mga Aeta community sa Tarlac. So bukod sa vaccination, mayroon ding medical consultation na ginawa. So iyong iba pang mayroong kapansanan o iba pang mayroong mga gustong ikonsulta sa doktor na hindi lang bakuna, may mga doktor na available para doon. At bukod dito, sinabay na rin iyong relief operations. So may distribution ng mga relief goods doon sa mga Aeta communities. So alam ko, Ka Ely, mahigit 500 na indibidwal ang na-vaccinate kahapon dahil patuloy ito doon sa adbokasiya at paniniwala ni VP Leni mismo at ng OVP na ang solusyon dito sa ating kasalukuyang problema sa pandemya ay ang vaccination talaga. So lahat ng magagawa namin, lahat ng ating maitutulong lalo na sa mga LGUs para mapabilis iyong vaccination, para mas maraming mga Pilipino ang mabakunahan na nga ay ginagawa natin. So ito ang pinaka-latest na activity nitong Vaccine Express. Sa mga nakaraang buwan, nagkaroon na rin tayo sa Manila, nagkaroon na rin tayo sa Quezon City, nagkaroon na rin tayo sa Bicol—

     

    ELY: Pampanga mayroon din.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pampanga at marami pang ibang lugar. So kahapon, iyong mga kapatid nating mga Aeta sa Capas, Tarlac at mga naging target naman at beneficiaries nitong proyektong ito.

     

    ELY: So kaya ko natanong iyan, Atty., iyong pinakahuli iyan at napakaraming ginawang aktibidad ng ating Bise Presidente. Siguro, ito iyong puwedeng isagot sa isang nag-aambisyong maging VP na wala raw—ano raw ba ang nagawa ni VP Robredo? Ikaw, anong masasabi mo? Kasi siguro—banggitin ko na… Babanggitin ko ba, Atty.?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh ikaw, Ka Ely. [laughs]

     

    ELY: Hindi, iyong nag-aambisyong VP si Lito Atienza na dating Maynila—Manila Mayor—‘di ba at ewan ko kung may nagawa sa Manila, ‘di ba ito iyong mga—saan ba niya puwedeng makita—siguro dito lang sa Facebook page ni VP Leni Robredo makikita niya lahat ng mga aktibidad, ‘di ba, mula 2016?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Klarong-klaro, Ka Ely, lahat ng mga proyekto, lahat ng mga natulungan, lahat ng mga kilos na ginawa ni VP Leni at ng kaniyang opisina mula 2016, lalo na nitong nakaraang 18 months dahil mula noong tayo ay nagkaroon ng problema sa COVID-19. So mula March 2020 hanggang ngayon, klarong nakasaad lahat iyon sa Facebook page. Pero maski hindi sa Facebook page, Ka Ely, magbasa ka lang ng mga lumalabas na news articles sa iba’t ibang mga diyaryo, sa radyo, sa TV, klarong-klaro kung ano at napakarami ang mga ginawa ni VP Leni dito mula pa distribution ng mga PPEs sa mga ospital, mula pagbibigay ng libreng sakay noong panahon na walang transport services dito sa NCR at sa Cebu dahil sa lockdown, ngayon, itong [Vaccine] Express, nagkaroon tayo ng Swab Cab, iyong testing sa community. Nitong nakaraang surge ngayong taon, iyong ating Bayanihan e-Konsulta, iyong teleconsultation na libre. Hindi mo kailangang magpunta sa ospital. Magpo-post ka lang doon sa Facebook, tatawagan ka at makakapag-konsulta ka sa doktor. Lahat iyan, mga proyekto ni VP Leni. So hindi ito pagmamalaki, hindi ito pagbubuhat ng bangko pero pagse-set lang ng record. Kasi ang daming paninira, Ka Ely, eh, ‘di ba, at napakaraming mga troll diyan, napakaraming mga tao na anonymous account na sinasabi wala naman daw ginawa si VP Leni. Pero sa katotohanan, Ka Ely, sa tingin ko si VP Leni ang isa sa pinakamaraming ginawa sa lahat ng mga naging Bise Presidente natin sa bansa kahit na wala siyang Cabinet position, kahit na wala siyang dagdag na designation mula sa pagiging Bise Presidente. Sa sariling kusa at sa tulong ng mga partners sa private sector, mga partners na NGO, mga local governments, mga partner sa civil society, ang daming natutulungan. Alam ko iyong Angat Buhay, Ka Ely, halos kalahating milyong pamilya ang natulungan ng mga iba’t-ibang proyekto ng Angat Buhay. Sa medical assistance, Ka Ely, mahigit isang bilyong piso ang na-distribute at nabigay sa mga taong nangangailangan ng tulong dahil sa—para sa kanilang mga hospitalization, o konsultasyon sa doctor o pambayad sa gamot. So, nakakaano lang, Ka Ely, nakakalungkot na sa kabila ng lahat ng ginawa ni VP Leni, sa kabila ng lahat ng trabaho na kaniyang nagawa para makatulong sa ating mga kababayan, may mga magbabato, magbibitaw ng mga ganitong klaseng salita na alam naman natin hindi naka-angkla sa katotohanan. Alam naman natin ang pinagmumulan ay hindi aktwal na impormasyon o tamang datos kundi—kundi man paninira, eh hakahaka na mali naman ang batayan. So sana, mag-ingat din. Lalo na kung ikaw ay tatakbo ‘di ba? Gusto mong tumayo bilang kandidato para sa mataas na puwesto, ’di ba, ang unang responsibilidad mo tiyakin mo muna iyong sinasabi mo tama. Tiyakin mo muna na iyong sinasabi mo ay nakabatay sa katotohanan. Simple lang naman iyon, Ka Ely, ‘di ba?

     

    ELY: Tama. Okay so, pag sinisilip ko iyong budget ng OVP napakaliit, eh. Kumpara sa iyong intelligence fund ng Pangulo walong bilyon, eh. Dito wala pang isang bilyong piso sa OVP pero maraming nagagawa, ano.

     

    Dito naman—good morning kay Monsi Serrano. Samantala Atty., itong 1Sambayan, iyong pag-endorso kay VP bilang presidential candidate para po sa 2022 elections. So, ito ba ay sabihin natin makakdagdag ng bigat habang iyong proseso ng pagdedesisyon ng ating bise presidente na tumakbo?

     

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: Lahat naman ng nagpapahayag ng kanilang suporta, lahat naman ng nagpapaabot ng kanilang pagdarasal, ng kanilang encouragement, kanilang tiwala kay VP, lahat naman iyan mabigat, eh. Siyempre once sabihan ka na, “sa tingin naming ikaw talaga ang dapat pangulo,” o “nagtitiwala kami sa iyo na ikaw ang lider na kailangan natin sa panahon ngayon,” siyempre ano iyon, mabigat na bagay na kailangang pag-isipan at tingnan ni VP Leni. So, hindi naman iyan usapin ng naghahanap lang siya or naghahabol ng mga taong susuporta sa kaniya. Pero ang tingin ko—paulit-ulit na ring sinasabi ni VP Leni, ang tinitingnan niya dito sa kaniyang pagdedesisyon na ito ay ano iyong talagang makakabuti sa ating bayan at anong ibig sabihin niya noon? Sa kaniya, hindi na puwedeng magpatuloy itong ganitong klaseng pamamahala, ‘di ba? Na parang medyo minsan walang direksyon. Minsan parang umaabot sa punto na nalalagay na sa panganib at disgrasya ang ating mga kababayan. Minsan parang hindi na klaro kung saan tayo pupunta. Ewan ko, 'di ba, Ka Ely sa latest na ranking na ginawa ng Bloomberg sa 53 na bansa, ang Pilipinas number 53. Kulelat. Tayo ang pinakamahina na polisiya at pag-manage ng COVID ayon sa kanilang assessment. So, nakakalungkot ito, ‘di ba. Bakit tayo napunta sa ganitong punto? Paano tayo umabot dito? So ang sinasabi ni VP Leni, ang 2022 eh eleksyon iyan para tiyakin na hindi na magpatuloy itong ganito, ‘di ba? Hindi na puwedeng iyong ganitong klaseng pamamahala ang magpatuloy. So iyon iyong kaniyang iniisip, ‘di ba: ano iyong kailangan kong gawin para masigurado na iyong susunod ay hindi na mauulit sa ganiyang klaseng liderato, sa ganiyang klaseng pamumuno. So iyon ang kanyang pinag-iisipan. At klaro naman sa kaniya. Sabi niya, kung sa dulo ako talaga dapat ang tumindig eh gagawin niya. Hindi naman niya iyon tinatalikuran. Pero sa kabila no’n, sinasabi rin niya, “gusto ko magkaisa sana para mas malakas iyong ating pag-asa.” Kaya naman nakipag-usap siya sa mga ibang mga kandidato, sa ibang mga kampo at hinabol niya iyon hanggang sa kadulu-duluhan. So hintayin na lang natin sa darating na mga araw kung ano ang kaniyang sasabihin tungkol dito. Ano ang kaniyang magiging huling pasya dito. At kung talagang nagtitiwala tayo sa kaniya, magtiwala na lang tayo ng ilang araw pa at suportahan natin kung ano man ang desisyon na kaniyang gagawin.

     

    ELY: Okay, so mag-anta-antabay tayo sa ating mga kababayan. Samantala, Atty., dito sa pautloy na imbestigasyon ng Senado, ano, dito sa Pharmally. Kasi si Pangulong Duterte—napanood ko ito sa Talk to the People, eh—pinagbabawalan na niya iyong mga miyembro ng Gabinete na humarap sa Senado. At may binanggit pa siya bilang Commander-in-Chief ng AFP at PNP na huwag nilang iintindihin iyong mga sinasabi ng Senado. So, anong posibleng implikasyon nito? Kasi ang binabanggit ho rito iyong constitutional crisis na posibleng mangyari kung magmamatigasan iyong dalawang sangay ng ating pamahalaan. Kayo po bilang abogado, ano pong masasabi niyo rito, Atty.?

     

    ATTY: BARRY GUTIERREZ: Nako, ewan ko, Ka Ely. Klarong klaro naman na iyong batas nating diyan, eh. Una, klarong-klaro 2006 pa lang kasi kung maalala natin panahon ni Pangulong Arroyo, nagkaron din ng ganitong issue. Pinipigilan niya iyong kaniyang mga Cabinet members na mag-attend ng imbestigasyon sa Senado. So nauwi ito sa kaso sa Supreme Court, Senate v. Ermita. At kinlaro doon ng Supreme Court: hindi puwedeng ipagbawal ng Presidente ang pagdalo sa imbestigasyon ng Senado o ng Kamara dahil bahagi ito sa kapangyarihan ng legislative branch, ‘di ba, iyon mag-conduct ng inquiries in aid of legislation kung tawagin. Ang tanging exception dito ay kung mag-i-invoke siya ng personal na executive privilege at may kinalaman sa national security o diplomatic relations iyong issue na kaniyang i-a-assert as covered by executive privilege. So hindi puwedeng basta, “huwag kayong magpunta. “Kailangan sabihin niya, “itong issue na ito, aabot sa punto na kailangang magsalita ng inyong mga ipapatawag sa mga bagay na pasok sa national security o sa diplomatic relations at hindi nila puwedeng gawin iyan.” Iyon yon. Eh ito, wala namang kinalaman doon eh. Ito ay pribadong kontrata, ‘di ba, sa isang supplier ng mga medical supplies, mga face masks at kung ano-ano pa. At lumalabas, may anomalya. May korapsyon. Sa gitna ng pandemya, may mga nagnanakaw. Eh 'di ba inamin nga nung testigo na, ‘di ba, parang sini-swindle nila iyong gobyerno. Ibig sabihin, talagang niloloko at mayroon talagang korapsyon na malinaw na nangyari dito. So hindi dapat ito covered ng executive privilege at nakakagulat na iyon ang gagawing dahilan. Alam mo naman si Pangulong Duterte, abogado naman iyan. Dapat alam niya iyan dahil hindi naman iyan isang bagong issue sa ilalim ng ating batas at mayroon nang klarong desisyon ang ating Korte Suprema diyan.

     

    Iyong isang binanggit niyo, Ka Ely, iyong pagpapa-aresto, malinaw din. Mayroon din tayong kaso diyan. Ito, parang 1950s 1960s pa Arnold v. Nazareno, na mayroong kapangyarihan ang Senado at Kongreso na magpa-aresto ng mga tao kapag hindi sumunod sa kanilang summon. Kasi mayroong power na mag-issue ng summons. Puwede kang ipatawag para magtestigo. Kung hindi ka magpunta, puwede kang ipa-aresto. At kung maaalala natin, Ka Ely, nangyari na rin iyan. Panahon ni Pangulong Arroyo may mga hindi gustong magpunta, pinaaresto, ‘di ba. Siyempre nung inaresto na, nagkasakit na kaya—[chuckles]—nasa ospital muna. Alam naman natin dito kapag iyong mga ibang tao, maayos naman ang kalagayan. Mukha naming malulusog kapag bigla-bigla napatawag na sa imbestigasyon, aba, kung ano-anong sakit na ang nararamdaman. Pero ibang usapan na iyon. Ang punto, malinaw iyong kapangyarihan, malinaw iyong jurisdiction ng Senado at ng Kongreso at dapat klaro sana iyon sa lahat ng ating mga opisyal sa pamahalaan.

     

    ELY: Okay. Pero papaano kaya rito ang mangyayari naman kasi ito, dalawang kapulungan ng kongreso, parang nagsulutan, ano, sinulot ng Kamara iyong testigo. Iyong si Krizle Grace Mago ng Pharmally.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, si Mago.

     

    ELY: ‘Di ba nagsalita siya sa Senado na sini-swindle nila at pinalitan iyong expiry date ‘no?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama. Noong mga face shield.

     

    ELY: Face shield. Sabi nga ng Pangulo, “Nag-e-expire ba iyong face shield?” Sabi mismo ni Health Secretary Duque, mayroon. Iyon iyong tinatawag na medical grade face shield.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

     

    ELY: Oo. So, kasi ang akala rin ng ibang tao, noong ako noong una, akala ko rin. Iyong halimbawa, nabibili natin sa palengko na tigsa-sampung piso, iba pala iyon.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Iba iyon, iba iyon.

     

    ELY: Sa healthcare workers. So papaano kaya ang mangyayari dito? May tinatawag na inter-parliamentary courtesy diyan.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Inter-parliamentary courtesy, tama, Ka Ely. Kumbaga, ang mangyayari lang diyan, kailangan i-resolba ng Senado at ng Kamara kung sino ba talaga ang hahawak, papaano magpapatuloy iyong imbestigasyon. Kasi ang kasing ito, ganito, nauna iyong imbestigasyon ng Senado. Napatawag siya sa Senate investigation. Tumestigo siya doon. Biglang nawala siya, ‘di ba? Pagkatapos ng ilang araw, lumitaw siya sa House na at ang sabi niya humingi siya ng—

     

    ELY: Protective—

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Proteksyon, ‘di ba, mula sa House na binigay naman ng Karmara de Representante, at magsasagawa din sila ng kanilang imbestigasyon. ‘Di ba siya naman ang tetestigo doon. So, kailangan nila mag-usap, ‘di ba, kasi wala naman ano iyan. Tama ka, Ka Ely, inter-parliamentary courtesy. Sa aking pagkakaintindi dati, kung sino iyong nauna, iyon muna ang pinag-bibigyan, ‘di ba, hanggang matapos, ‘di ba? Or kung hindi man, sabay silang mag-uusap kung papaano iyong schedule ng mga witnesses, ‘di ba? Kailan mag-a-attend ng hearing, sino’ng makakapag-attend, etcetera. So kailangn nilang klaruhin iyon, ‘di ba? Kasi malinaw naman sa atin na kung hawak ng House, ‘di ba, binigyan ng proteksyon, magasasagawa ng sariling imbestigasyon ang House, puwede din naman i-request dapat ng Senate sa House na “Pinagpapatuloy pa, hindi pa tapos ang imbestigasyon namin, dito, baka naman puwedeng dalhin n’yo iyong testigo dito para makapagpatuloy,” ‘di ba? “Pagkatapos, ibabalik namin sa inyo iyong custody dahil kayo iyong nag-take on nitong responsibilidad na bigyan ng proteksyon itong testigong ito.” So pag-uusap, iyan, Ka Ely, sa pagitan ng dalawang house natin sa legislature, iyong Senado at iyong House of Representatives.

     

    ELY: Ayun. so napaka-importante niyan kasi ang binabanggit ko dito, Atty., ang kinakatakot ko, iyong institusyon. Dapat protektahan ng magkabilang panig.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama, Ka Ely. Sa dulo, isa sa mga dapat nating bantayan dito iyong integridad ng mga institusyon at iyong pagsunod at paggalang doon sa mga patakaran natin sa Konstitusyon. Iyon naman iyong klarong dapat ma-protektahan dito. Labas pa doon sa dapat lumabas talaga iyong katotohanan doon sa imbestigasyon. Kasi ako, sang-ayon na sang-ayon ako sa sinabi ni VP Leni dito. Ano ba naman, gitna ng pandemya. Ang dami-daming nagkakasakit, ang dami-daming namamatay, tapos magnanakaw kayo? Para namang– Ewan ko, ibang klase ng tao talaga ang makakagawa na lang noon, Ka Ely, hindi ba?

     

    ELY: So iyon nga una, ‘di basinabi nga natin, iyong mga Senador, nagtiwala. Iyong Bayanihan Law ipinasa kaagad. Siguro naman may konsensiya, hindi nila pagka-kuwartahan iyan. Iyon pala, walang konsensiya.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, nakakadismaya talaga, Ka Ely. Nakakapanghina na malaman na sa kabila ng nakikita natin na ang dami-daming nahihirapan, nagkakasakit, di makukuha ng ospital. Kasi araw-araw, nakikita namin sa OVP iyan, iyong mga taong nagpapatulong para makahanap ng ospital na papasukan, o mga nagpapatulong na mabayaran iyong mga gastusin dahil sa sila ay nagka-COVID, o iyong mga nagpapatulong dahil sila ay namatayan. Parang ano, eh, hindi ko maisip na sa kabila ng lahat ng noon, maatim ng kahit sino na magnanakaw ka pa, ‘di ba? Magnanakaw ka ng ganito kalaking halaga. Magbibigay ka ng mga expired na face shield, iibahin mo lang iyong expiration date. Parang ewan ko, ibang klase talaga. Hindi ko alam paanong nasisikmura nitong mga taong ito na sa gitna ng pandemya, doon ka pa mangko-corrupt, doon ka pa magnanakaw.

     

    ELY: Pero dito sa mga kaganapang ito, Atty., kasi tama ba iyong mga persepsyon na parang ipinagtatanggol ng Pangulo itong Pharmally. At iyong mga diumano—kasi ito lahat naman mga alegasyon—na diumano’y sangkot dito po sa—biro mo ang laki ng kontratang nakuha, ang liit ng kapital ng kumpanya. Tapos hindi lang pala itong Pharmally. May mga natuklasan pa sina Senator Kiko Pangilinan na iba pang kumpanya na maliit ang kapital, nakakuha ng napakalaking kontrata. So tama ba na magkaroon ng persepsyon na ganoon, mukhang pinagtatanggol ng Pangulo. So dalawa lang ang sabi, hindi, parang, “walang iwanan.” Iyong iba naman, “Baka kumita,” so ganoong alegasyon—persepsyon, Attorney.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kaya nga, Ka Ely, napaka-importante sa tingin ko sa larangan ng ating Pangulo at ng mga iba pang opisyal sa gobyerno na, ‘di ba, ngayong lumalabas na itong buong kuwentong ito at mukha ngang nagkaroon ng malaking korupsyon sa gitna ng pandemya, hindi ba dapat lahat tayo ay sumuporta na lumabas talaga iyong buong katotohanan? Si Pangulo mismo, ‘di ba, siya rin ang nagsabi na hindi siya magto-tolerate ng kahit ‘whiff of corruption,’ ‘di ba? Ibig sabihin, kahit na kaunting katiting na duda na mayroong korupsyon, hindi niya papayagan, ‘di ba?. Agad-agad niyang kikilusan. Sana ganoon ang mangyari dito, ‘di ba, sa isyung ito dahil talagang ano eh, hindi talaga katanggap-tanggap. Na sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan natin bilang isang bansa, sa lahat ng mga taong nagkakasakit at namamatay, sa lahat ng mga taong nawalan ng trabaho at naghihintay ng ayuda. Maraming hindi pa nakatanggap, nahihirapan silang pakainin ang kanilang mga pamilya, ganito kalaking ano– Bilyon-bilyong piso, ninanakaw, ‘di ba, lantarang inaaamin: “Oo, sinwindle namin ang gobyerno.” Grabe! Sa tingin ko dapat magalit tayong lahat. Lalo na kung opisyal ka at dapat ipa-imbestiga mo talaga iyan. Suportahan mo na lumabas ang buong katotohanan, tapos kasuhan at habulin iyong mga taong responsable. Kaya nakakagulat na parang iyong ibang hakbang, imbes na sumuporta, imbes na tumulong, gaya nga ng sabi mo, Ka Ely, parang tila ano pa, pagtatakip or at least parang pinapahirapan iyong imbestigasyon. Iyon ang kailangan nating lalong bantayan.

     

    [END OF FIRST GAP]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Okay. so, Atty., at ito na. Dumako na muna tayo sa ating Istorya ng Pag-asa. Napaka-importante po ito dahil isa ito sa napakahalagang segment dito po sa BISErbisyong LENI, para po sa mga tao na, di ba, nagbibigay po ng inspirasyon. At iba’t-iba dito, hindi po parang mayroong ibig sabihin na porke yumaman ka, tagumpay ka na. So dito ho iba’t-ibang mga linya. At ito, ready na, Atty., iyong ating panauhin dito sa Istorya ng Pag-asa.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ka Ely, iyong ating bisita ngayong umaga, isang doctor. Siya ay isang OBGYN dito sa Quirino Memorial Medical Center. At… pero hindi tungkol sa pagdo-doktor ang ating pag-uusapan ngayong umaga, kundi ang kaniyang pag-participate bilang bontante sa pagdating ng eleksyon. So i-welcome natin, Ka Ely, si Dr. Janine Camille Maulit. Magandang umaga po, Ma’am.

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Magandang umaga po, Atty. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una, kumusta kayo Dok Janine? Alam ko siyempre doktor kayo, nagtatrabaho kayo sa ospital, nakikita ninyo kung ano iyong ating pinagdadaanaan. Kumusta naman kayo?

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Totoo po na napakahirap ng aming sitwasyon ngayon. Kitang-kita ng mga mata namin kung ano iyong totoong kalagayan lalo na ng healthcare system natin. So ito po, patuloy pa rin po tayong lumalaban kahit na araw-araw ay siyempre nakikta natin iyong problema, or araw-araw tayong napapagod, lumabalaban pa rin naman po tayo.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ang alam ko, Doc Janine, nagka-COVID din daw kayo nitong mga nakaraang buwan?

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Yes po. Actually, na-infect po ako ng virus twice po.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Wow, grabe! Pero wala, maraming salamat sa iyong patuloy na pagtatrabaho at pagkilos. Kasi alam naman natin, patuloy talaga iyong mga frontliners, iyong kanilang mga risks na hinaharap sa kanilang pang-araw-araw na trabaho talagang napakalaki kumpara doon sa mga ibang tao na hindi naman kailangang magtrabaho sa ospital o iba pang mga lugar na talaga namang exposed ka. So maraming salamat sa inyong patuloy na paglilingkod sa ating mga kababayan sa panahon ng pandemya.

     

    Pero, Doc Janine, ang pag-uusapan natin ngayon iyong ano, pag-rehistro bilang botante. Mayroon ka daw kuwento tungkol sa registration. Baka gusto ninyong i-share sa amin.

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Okay po. From the start kasi po, hindi ko—I mean, actually, first time ko talaga mag-register. So 29 years old na ako, ngayon pa lang ako nag-register at saka ngayon pa lang po ako boboto. At hindi ko ako nakaboto dati dahil maraming reasons, pero tingin ko I didn’t put in the effort kasi hindi naman po talaga ako naniniwala noon na actually mababago ang sistema. I could also say that I was slightly aware, but actively avoided politics. Nababasa naman po ako ng mga current events. May mga sarili akong paniniwala, pero hindi ako ganoon ka-engaging pagdating sa discussion. Una, masyado pong intimidating. Parang ang daming nangyari na sabay-sabay. Pangalawa, masyadong parang toxic iyong mga discussions. So toxic na ang life as a doctor, toxic pa iyong mga discussions so parang I tried to avoid it. So ang pakiramdam ko po ay to speak out of—it is inviting yourself to be a target for harassment. Alam naman natin ang daming trolls, fake news, and even to the point of just thinking about politics is really tiring. So pero—

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tingin ko, Doc Janine, madami sa ating mga kababayan, ganiyan ang nararamdaman. ‘Di ba, nakakapagod, ‘di ba ayaw mong ma-troll, ayaw mong makipag-away. Lalo na iyon nga na ang trabaho nila napaka-stressful na, tapos parang papasok sa sa social media lalo ka pang mase-stress pag iyan ang mga papasukin, ‘di ba? Pero ano’ng nagbago? Bakit ka ginanahang mag-rehistro for the first time?

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Ah, okay po. Iyong—kasi doon sa personal experience ko po, so iyong tanong, “Ano iyong nagbago?” Sa akin po, may dalawang reasons talaga kung bakit. Una, obligasyon iyon. Ambag mo iyon para finally maayos ang pandemic response at maging magbuting gobyerno tayo. We deserve a good government made up of good, qualified and honest na official, and I’d like to highlight on the word “honest” po na official. Pangalawa, ito po ay medyo personal sa akin. So iyong boto ko po for 2022 is somehow holding those actually in power accountable. I’d like to believe na iyong single vote ko ay mag-ma-matter. So kami pong magkakapatid, actually, very close kami sa grandmother namin. Ikuwento ko na lang po, Atty.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sige po, Doc.

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Noong April, namatayan kami ng dalawang lola due to COVID. And that was very—

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Condolence po, mahirap po talaga iyon.

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: That was actually my first time na na-infect ako kasi nakaalalay din ako sa kanila. So that was tragic kasi sobrang hirap noon na isa kang doktor pero ang iniisip mo every duty is, “Kumusta kaya iyong mga lola ko? Makaka-survive kaya sila today? Bukas ba, nandiyan pa sila?” Hala, medyo emotional po ako pagdating sa mga kuwento sa lola namin. Sabi nila kasi, totoo po—parang, I’d like to share na totoo iyong sabi nila na kahit gaano katagal, iyong pain is still there. It just hits you less and less but when it hits, it hits the same. Sobrang masakit talaga. So for me, senseless iyong death nila and preventable sana, had we had a good government na capable of handling the pandemic. So if I could go back to save them, I would do everything. Kaya lang so sad na ito na talaga iyon. Wala na, this is the reality. Lahat tayo, I believe may kaniya-kaniyang istorya. Lahat tayo namatayan or almost lahat tayo may kaniya-kaniyang istorya about COVID and we can’t afford to lose another one. So what we can do now is to prepare for the future. Iyong pagboboto sa 2022 ay somehow paniningil or somehow I want to believe na puwede pang may magbago at puwede pang kalakip ng boto ko sa 2022 ay ang pangarap na magkaroon ng malaking pagbabago sa hinaharap po.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sana nga ganoon ang mangyari. Una, talagang nakikiramay ako, Doc Janine. Ang hirap talaga mawalan ng isang mahal sa buhay, lalo na sa COVID. Lalo na kung nakikita mo naman na puwede naman ma-prevent. Puwede naman maiwasan. Natutuwa lang ako na nagamit n’yo ang mahirap na pinagdaanan n’yo para maging inspirasyon para kumilos at maghabol ng pagbabago at maayos na pamamahala para hindi na kailangang dumaan ang ibang pamilya, ang ibang tao dito sa mahirap na inyog pinagdaanan. Paano ang naging experience n’yo sa registration naman? Saan ka nag-register? At kumusta iyong karanasan?

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Sa ano po ako, sa Taytay kasi ako naka-address. So after my duty, dumiretso ako doon. Actually, ang hirap po makakuha ng sched po talaga. Iyong mga time na gusto ko pong mag-register, sobrang toxic ko naman sa duty na hindi ako nakakauwi ng maaga po. At iyong mga free time ko naman, pasensiya na po sa mga nakikinig pero maraming beses po na talagang ginusto ko po magpahinga kasi talagang tiring ngayon sa duty. And iyong mga nakaw na sandali na pagbisita sa pamilya kasi sobrang tagal mo na silang hindi nakikita. Pero nag-register ako noong wala pa pong extension, noong September 29. One day before the deadline po iyon. Pumila po ako 1 a.m. after my duty po.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Grabe, dire-diretso galing sa duty?

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Parang nag-nap po ako ng mga one hour—one to two hours. Tapos pumunta po ako 1 a.m. with few hours of sleep po. Actually, maraming lumalabas po na parang maghe-help sila na ibigay iyong slot sa mga frontliners na hindi makapag-register, at just give ng information, ganiyan. I tried, binigay ko lahat ng info kasi gusto ko talagang mag-register. Kaya lang, walang naging feedback so pumila na lang po talaga ako. So ang dami ko rin friends na wala din pagkakaiba ang naranasan na nag-try din mag-register online na magbigay ng info pero wala din po nangyari. So iyong experience ko, sobrang dami pong nakapila. As in, parang 1 a.m. pa lang, ang dami na. Nagkakagulo po talaga sila kasi nag-aagawan sila ng slot. Nag-aaway sila, inaaway na nila mga guard kasi gusto talaga nila. Sinasabi nila na senseless naman na pipila kami ng maaga, pero hindi rin pala kami ma-a-accomodate. So ang daming gustong mag-register talaga. Siguro, marami na rin pong kagaya ko na nakakita ng totoong sitwasyon ng bansa natin ngayon. Iyong mga narinig ko pong kuwento habang nakapila ay sobrang stress, pagod, puyat na ng mga tao. Pero marami po sa kanila hindi umalis, bumitaw. Actually, marami po akong kasabayan na mga senior citizen, mga with disability, opo. Talagang nag-stay sila. Natapos po ako, Atty., parang mga 10 na.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: So nine hours? Grabe! Siyam na oras, grabe! Pero naka-register ka naman? Natapos naman, na-register ka?

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Opo. actually noong nakuha ko po iyong receipt kung saan akong precinct magvo-vote, sobrang overwhelming po talaga ng feeling. As in, hindi mo ma-explain iyong emotion. I felt like I was doing somehow justice for my grandparents po, iyong lola ko. Parang sobrang saya sa feeling po.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Grabe, talagang… Pero grabe, siyam na oras. Ibang klaseng pinagdaanan din iyon. Ano’ng mensahe mo, Dok Janine, para sa ating mga kababayan? Iyong hindi pa naka-rehistro pero gusto magpa-rehistro, iyong mga natatakot dahil dito sa nga mga kuwento na matagal na pila pero gusto nilang makaboto para sa 2022, ano’ng mensahe na gusto mong ipaabot sa kanila?

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Okay po. Sa message ko po, naiintindihan ko po na ang nararamdaman ng iba sa atin na interesadong bumoto po o mag-rehistro lalo na ngayong pandemic. Siyempre mahirap ang sitwasyon kasi pipila ka buong araw, magbubuhos ka ng isang araw na wala kang kikitain lalo pa sa mga nagtatrabaho o talagang very important sa kanila ang kikitain nila within the day po. May danger pa, of course, of getting the virus, ma-infect ka din. Pero ito po iyong sitwasyon natin ngayon, eh. Parang it’s largely because of the people who are supposed to do their jobs to take us out of this pandemic, the soonest time possible, who are apparently not doing their sworn duty. So mas maraming mawawala sa atin if we let this kind of failure continue po. So, alam ko po na marami po sa kabataan and young professionals na gusto po pumila ngayon. And kaya lang, ginugusto na piliin ang peace of mind and lumayo sa pulitika. Pero hindi po kasi tayo magkakaroon ng peace of mind if we continue to do this. It will always be a cycle of pagtaas, pagbaba ng kaso ng mga… ng COVID, pagkalagas ng trabaho, pagkaubos ng mga ayuda. So habang tayo po ay nahihirapan, unfortunately na iyong iba naman ay nakaupo lang sa kinauupuan nila ngayon at hindi nahihirapan or kasi hindi… dahil hindi napapalitan iyong posisyon nila. So attorney, binasa ko iyong sinabi ni Ma’am Leni [tungkol sa] 2022. Ang sabi niya: “2022 is a fight for the soul of this nation.” Ako po ang tingin ko po, ang 2022 ay our generation’s most important part. So iyong pangarap, trabaho, kalusugan, oportunidad at buhay natin ay nakasalalay sa maayos na opisyal, na dapat ay mailagay natin sa pwesto. At sana gawin po natin iyong parte natin para sa sarili, sa pamilya natin, at lalong lalo na po sa bansa natin. So iyong boto po natin is very important po. Nakita ko po iyon all throughout the years. Iyong mga panahon na pinili ko na hindi bumoto, at feeling ko hindi magma-matter iyong vote ko, nagkamali po ako. Kaya po ako nag register ngayon kasi alam ko na iyong single votes natin, kapag pinagsama-sama together po ay napakalaking importansya at kaya pong isalba iyong ating bansa.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Salamat sa mensahe, Doc Janine. Ka Ely, mayroon ka bang gustong itanong o idagdag?

     

    ELY: Okay na. At least, maganda rito, Attorney Barry, iyong mga kabataan, talagang gusto nilang makilahok para sa 2022 elections, at talagang hindi alintana iyong mahabang pila. So, kasi importante iyan. Mahirap kasi, lalo na yung mga kabataan, baka magreklamo sila, eh. Tapos hindi pala sila sumamasa botohan. Mas maganda kasama sila sa proseso. Para kung ano mapili, eh ‘di ba? Iyon ang—kasi, ano, sa… sabihin natin eh, iyong kinabukasan ng ating bansa.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo. Pero bilib ako kay Doc Janine. Siyam na oras pumila.

     

    ELY: Grabe, ano?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Pero tama iyong sinabi niyo Doc Janine eh, ‘di ba? Siyam na oras iyon, pero kung ang katapat no’n ay makakapag-participate tayo, makakalahok tayo sa pagpili at pagsigurado ng mas maayos na gobyerno sa darating na eleksyon, isang sakripisyong sulit iyon, ‘di ba? Iyon ang kailangan natin isipin kahit na mahirap gawin. At ako nga, hindi ko maintindihan bakit napakahirap magrehistro, eh. Hindi ba dapat tinitiyak natin na maging mas madali para sa ating mga kababayan dahil gusto natin sila ay makapag-participate, pero wala, yan ang ating sitwasyon.  At kung gusto nating magbago, gusto nating bumuti, eh kailangan talaga nating tumaya at mag-participate, kahit na, iyojn nga, pipila tayo ng siyam na oras sa kasalukuyan. Pero salamat sa inyong kuwento, Doc Janine, talagang nakaka-inspire. Salamat at binahagi niyo ito sa amin. Sana iyong mga ating tagapakinig na nag-aalinlangan pa kung sila ay pipila o hindi para makapagparehistro ay pagkatapos kayong marinig, dumiretso na, tumuloy na at bumoto sa 2022. So thank you. Thank you.

     

    ELY: Okay, salamat, Doktora. Doc, thank you po.

     

    1. JANINE CAMILLE MAULIT: Thank you po.

     

    [END OF INP SEGMENT]

     

    ELY: Si Dr. Janine Camille Maulit. Okay, so, Atty., ayon. Ang ganda ng siyam na oras. Anong gusto mo? Dagdag na anim na taon ulit na pahirap?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama naman, Ka Ely, ‘di ba? Simple lang. Parang ano lang din iyan eh. Parang bakuna, ‘di ba? Siyempre, nakakatakot minsan magpabakuna. Pupunta ka doon, iineksyunan ka. Tapos baka magkasakit ka ng isa o dalawang araw. Pero ang kapalit naman no’n, hindi mo kailangang mamatay o hindi mo kailangang gumastos ng libu-libo, milyun-milyon pag ikaw ay naospital sa COVID. Eh di ba, madaling desisyon. Parang ganito din. Anong importante, siyam na oras na makikipagsapalaran ka para makarehistro, o anim na taon na naman ng nagtitiis ka ng gobyerno na hindi maayos. Madali lang iyong desisyon dapat.

     

    ELY: So gusto mo bang mapa… maulit pa ulit to, ‘di ba? Or magkaroon ng pagbabago para sa kinabukasan ng mga Pilipino? Okay, Atty., mayroon tayong mga mensahe diyan. Siguro bago tayo magtapos, kasi marami iyong mga bumabati sa atin, lalo na sa ating Bise Presidente. Puwede nating basahin. Nandiyan sa iyo, may kopya ka na diyan.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: May kopya ba ako? Wala yata ako kopya, Ka Ely. Ikaw na lang.

     

    ELY: Pinadalhan ka ni Ehla. Sige. Okay, dito kay Vicente Balanos, good morning! O mayroon ka na?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, ito, ito… Okay.

     

    ELY: Sige.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Si Dootis Shalipnas. Very good manager daw si VP Leni, honest and hardworking. “Let her lead the country come 2022.”

     

    ELY: Okay, okay.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Si Arc Bry, solid VP Leni. Tapos puso; Si Floro M. Camenforte IV: Mabuhay, madamme VP Leni; Lhynn Florendo: God bless VP Leni at Pilipinas; Rey Rivera: Praying for VP, for president of the Philippines; Cooky Espero: Praying for VP Leni Robredo. Ito si Jeffrey Espinas Siao: Watching from Saskatchewan, Canada. Aba, malayo iyon ha. Lhynn Florendo: Salamat VP Leni sa pagmamahal, malasakit. Serbisyong tunay sa Pilipinas; Francis Anquillano: watching from Abra. Aba. Trinidad Estrella: Watching from Toronto! Love Leni; Mark Nolasco: “Atty. Barry, please alagaan niyo ang future president ng Pilipinas.” Aba, siyempre talaga namang ginagawa namin lahat para si VP ay maging ligtas. Iyon nga lang, si VP talaga labas nang labas dahil yun ang kaniyang trabaho kaya ilang beses nang nagpa testing, ‘di ba, Ka Ely?

     

    ELY: Hindi siya pumapasok nang once a week ha.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, haha! Talagang araw-araw. Hanggang umaga.

     

    ELY: Pati Linggo nga, eh. Pati Linggo nga kahit dapat day off niya eh, ‘di ba?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Hay nako, oo.

     

    ELY: Para sa pamilya eh… Pati kahapon nakasama pa iyong anak niya, si Dra. Tricia, ‘di ba?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo.

     

    ELY: Doon sa Capas, Tarlac.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ilan na lang, Ka Ely? Nida Bernardo Restua: May isang salita, walang drama. Let Leni lead. Honest and good governance; Tomas Morato: God bless the Philippines. Leni na!

     

    Ayan, so nagpapasalamat kami lahat sa inyong mga pagpapaabot ng mensahe ng tiwala at suporta at encouragement kay VP. Gusto ko lang sabihin, Ka Ely, Tiwala lang tayo. Maghintay na lang tayo. Malapit nang magpahayag si VP Leni. Ilang araw na ito. Alam ko madami nang matagal naghihintay. Matagal na—gaya ni Doc Janine, di ba? Mataas na ba iyong level ng frustration, Ka Ely, at naghahanap ng kahit papaanong konting ilaw ng pag-asa, ‘di ba sa panahon na parang ang daming mabibigat na kailangang pasanin. So ilang araw na lang. Hintayin na lang natin. Lalabas na. Magsasalita… mag-a-announce si VP Leni ng kaniyang desisyon. Malalaman na natin kung ano ang kaniyang pasiya. At magtiwala lang tayo. Kung ano man ang magiging desisyon, sana iyong sinabi ni Doc Janine kanina, huwag natin kalimutan, ‘di ba? Ang 2022, nakataya dito ang kinabukasan ng ating bansa. Kung gusto natin ng pagbabago, kung gusto natin ng pag-aayos sa ating kasalukuyang nakikita, kailangan nating lumahok, kailangan nating magrehistro, kailangan nating tumaya, kailangan nating bumoto. So, nasa sa atin iyan.

     

    ELY: Okay. Habol ko lang ito ha. Kay Maria Corazon Castro, Monsi Serrano, good morning sa inyo. Elmer Sarmiento Luna, sa ating mga sumusubaybay.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Good morning kay Monsi. Kaibigan ko yan, Ka Ely.

     

    ELY: So nanunuod sa atin, ano, sa ating Facebook Live. So sa ating pagtatapos, Atty. Barry, at sa pangalan ng ating Bise Presidente, ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon nationwide, netwide?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Una, Ka Ely, lagi naman sinasabi, ingat tayo lagi, ‘di ba? Hindi pa tayo tapos dito sa ating problema sa COVID-19. Kailangan natin alagaan ang ating sarili. Kailangan natin alagaan ang ating mga pamilya. Kailangan nating mag-ingat para sa ating mga kaibigan at komunidad. So ano lang, kapit lang. Malalampasan natin ito. At sa lahat ng mga naghihintay at matagal nang naghihintay kay VP Leni, ilang araw na lang. October 8 ang sinabi niyang malamang huling araw ng kaniyang pagninilay, ng kaniyang pag-iisip. So hindi na matagal. Sandali na lang at malalaman na natin kung ano ang kaniyang desisyon. At salamat nang marami sa inyong walang sawang suporta, sa inyong walang sawang tiwala, sa inyong patuloy na paninindigan para sa katotohanan at para sa ating bansa. So, mabuhay kayo. At sana, kahit siguro, Ka Ely, next week, alam na natin sa susunod na programa ng BISErbisyong LENI, klaro na kung ano ang mangyayari.

     

    ELY: Tama.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: ‘Di ba?

     

    ELY: Sakto, tama, dahil sa iyong ano, ang otso ay Biyernes iyon eh. So tamang tama. Eh, Linggo ayos na.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

     

    ELY: Okay, Atty. Salamat sa iyo ha. Ingat ka lagi. At siyempre, ingat din iyong ating Bise Presidente at lahat ng ating mga kababayan. Ingat tayong lahat. Salamat.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ingat ka rin, Ka Ely. Ingat kayong lahat.

     

    ELY: Mga kababayan, iyan po si Atty. Barry Gutierrez, ang spokesperson ng ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat, mga kasama. Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

     

     

     

    - 30 -

     

     

     

    Posted in Transcripts on Oct 03, 2021