This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI – Episode 23

    15 October 2017

    ELY: Bago siguro natin idetalye ang mga naging aktibidad ng ating Bise Presidente sa nagdaang linggo, siguro ito maganda at malaman natin kung ano ang reaksyon ng ating Bise Presidente dito po sa naglabasang mga survey at pareho, SWS at Pulse Asia ay umangat po ang inyong survey at ano pong masasabi ninyo po rito ma’am?

    VP LENI: Parati namang masaya ka Ely pag umaakyat. Pero tingin ko kasi iyong surveys, parang ano ito, barometer. Barometer ng pakiramdam ng tao sa ginagawa natin. Gustong sabihin, pag mataas ka sa surveys, natutuwa iyong mga tao sa ginagawa mo, pag bumaba ka naman, mayroong problema. Tingin ko napaka-useful nito, kasi ito ang magsasabi, parang ito ang aming pagbabasehan kung okay ba ang ginagawa o hindi. Pero iyong danger din kasi ka Ely noong surveys, paminsan ang tama hindi iyon ang popular. Ang gustong sabihin, mayroong mga popular na hindi tama. Kaya tingin ko kailangan ding binabalanse ng mga public officials ang ginagawa. Hindi naman parating advisable na dahil lang popular, iyon ang gagawin natin. Paminsan may mga gagawin tayong mahihirap na ayaw ng tao, pero kailangan. Ayaw ng tao pero iyon ang tama. Kaya parating binabalanse pero napakahalaga ng mga surveys. Kung tumataas siyempre masaya tayo.

    ELY: So iyon ho mga kasama at samantala ma’am may mga nagtatanong, at kasi may nabunyag dito po sa, may mga issue po ano dito po sa Yolanda housing. Alam ko malapit din po sa inyong puso ito pong issue ng pabahay. Ano pong masasabi ninyo at may mga report na may mga anumalya, substandard po, kawawa naman ano ho iyong mga naging biktima po ng Yolanda.

    VP LENI: Actually ka Ely iyon ang inaasikaso ko noong ako ay nasa HUDCC pa. Pinuntahan ko kasi maraming housing programs doon sa Yolanda areas. Maraming naobserbahan. Una, mayroong mga relocation sites na napakalayo. Napakalayo sa sentro, hanapbuhay. Tapos iyong parang nakamura nga sa presyo ng lupa pero mas mahal naman lalabas kasi iyong mga facilities kailangan pa ilagay. Halimbawa, mayroon doon isang relocation site na napakalayo walang tubig. So gagastos ang gobyerno ng napakalaki para lagyan siya ng tubig. Pangalawa, tingin ko kasi ka Ely masyadong centralized sa NHA iyong pagpagawa ng bahay. Iyong mga nagku-qualify dahil napakalaki, napakalaki ng project contract, iyong nagku-qualify mga malalaking kontraktor na wala namang presence doon sa lokal.Dahil wala siyang presence doon sa lokal, ang tendency isu-subcontract. Pero ang problema hindi lang siya isang layer. Mayroon kaming na-find out doon, apat hanggang limang layers na. Pag ganoon, pagsina-subcontract mo siya napakadaming layers iyong natitirang gagamitin mo sa bahay kakaunti nalang. Siyempre substandard na iyong bahay. Kaya iyong bago ako umalis ka Ely, siguro mga dalawang linggo bago ako nag-resign, mimeet ko sana iyong mga governors. Iyong mga governors ng mga Yolanda-stricken areas. Kasi iyong tinatanong ko, ipopropose ko kasi na ibaba nalang sa mga probinsya iyong pagpagawa.

    ELY: So kanya-kanya ma’am?

    VP LENI: Kasi nandiyan naman ang pera. Nandiyan ang pera pero hindi pa nagagastos kasi parang hindi kinakaya ng NHA iyong marami, ganoon kadaming gagawin. Ang sabi ko sana, pag iyong governor, pag iyong probinsya handa, ibaba nalang ang pera sa kanila, na actually nangyari na ito sa Palawan. Pero gusto pa naming gawin sa Leyte, sa Samar, Northern at Eastern Samar at saka dito sa Panay islands, at saka sa Cebu. Kasi tingin ko pagbinaba iyan sa probinsya mas bibilis. At saka tingin ko pag binaba iyan sa probinsya, mga local contractors na ang magbibid. Pag local contractors na ang magbibid, alam mo iyon, ang accountability nandiyan. Iyong presyo, iyong natirang pera sa presyo ng bahay mas malaki. Parang lahat talaga magbebenepisyo.

    ELY: Opo. At saka siguro magiging maingat din po ang local official dahil sa pag may sablay, palpak…

    VP LENI: Sila ang sisisihin. Oo. Noong pumunta ako ka Ely parang nakakadismaya na kakaunti pa lang, apat na taon na. Kakaunti pa lang ng mga kabahayan ang nagagawa. Hindi, parang iyong absoptive capacity ng NHA, hindi talaga kaya ang ganoon kadami.

    ELY: Tama po ho ba iyon, may panukala kasi magkaroon po ng parang Department of Housing?

    VP LENI: Actually ka Ely iyon ang pinupush natin noon. Kasi ang HUDCC wala siyang ngipin. Halos wala siyang magawa kasi parang policy-making body lang siya, kaya talagang nilakad natin na magkaroon ng Department of Houseing at natutuwa tayo kasi parang isa ito sa mga priority bills.

    ELY: Nai-push ho iyan, noong chairman ng Housing Committee na si Congressman Albee Benitez.

    VP LENI: Oo at saka si Senator JV Ejercito.

    ELY: Maganda ho at may ugnayan mula sa mababang kupulungan hanggang sa senado.

    VP LENI: Oo at saka itong dalawang ito ka Ely, si Senator JV at saka si Congressman Albee, ilang taon na nilang adbokasiya ito. Ilang taon na silang nilalakad talaga na mapahusay iyong housing dito sa ating bansa.

    ELY: Opo. Okay so panghuli, ma’am iyon pong partisipasyon dito po sa nalalapit na ASEAN na gagawin dito sa ating bansa. Marami po ang nagtatanong ma’am.

    VP LENI: Nakakuha tayo ng dalawang imbistasyon. Ang isang imbitasyon para magsalita. Pero hindi pa nila ka Ely binibigay ang topic kung ano iyong laman ng ating speech. Ang pangalawa iniimbita tayo na magpanelist sa isang discussion patungkol sa mga kababaihan. Hindi ito unang pagkakataon na naimbita tayo ng ASEAN sa, magsalita tungkol sa women economic empowerment. Imbitado ng ASEAN Business Advisory Council kaya hinihintay lang natin iyong notice kung doon sa speech ko, parang opening speech siya. Kung doon sa speech ko ano ang inaasahan na topic.

    ELY: Okay samantala mga kasama, ito na alam na natin mga kasama ang iba pang naging aktibidad ng ating bise presidente sa nagdaang linggo. Importante ho ito, alam ninyo wala hong day off pala ang bise presidente natin.

    VP LENI: At saka bugbog ang linggo ko ka Ely. Noong Lunes, October 9, maagang-maaga nasa Senado kami. Nasa Senado para depensahan iyong budget ng aming opisina at iyong magandang balita ka Ely, hindi lang inaprubahan ang aming budget pero dinagdagan ng Php 20M para sa Angat Buhay. Malaking bagay na iyon. Pagka-alis ko sa Senate, dumiretso ako sa Fairmont Hotel. Mayroong dalawang events sa Fairmont Hotel. Iyong unang event ka Ely, sinalubong ko ang mga delegado ng FYLPRO iyon ang tawag nila, ang gustong sabihin, Filipino-American Young Leaders Program. Ito ka Ely, parang isang, competitive ito. Parang isang, ang daming nag-aapply na mga Filipino-American na mga siguro in their 20s, na nakatira sa US. Isa itong programa na pinakamahuhusay, pumipili sila ng sampu bawat taon, at ito ang pangalawang taon na nameet ko sila. Iyong ngayon bagong batch. Pagkatapos noon ka Ely, may malaking-malaking event na iyong limang pinakamalalaking mga business groups dito sa Pilipinas, naimbita tayo para maging keynote speaker. Ito iyong Makati Business Club Management Association of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry, iyong PhilExport, ito iyong mga grupo ng mga exporters at saka iyong semi-conductors parang association dito sa Pilipinas. Kasi lumalabas ka Ely, ito pa lang mga semi-conductors ito iyong isa sa pinakamalaki nating export. At saka isa sa pinakamalaking nagbibigay ng employment. Naimbita tayo sa kanilang joint meeting, bihira daw iyon mangyari na may joint meeting iyong limang business groups. At natutuwa tayo na binigyan tayo ng pagkakataon na makausap sila. Kasi pinapakiusapan natin na magpartner sa amin, para dito sa ilalaunch namin na bagong programa ng Office of the Vice President, iyong Angat Kabuhayan. Kasi mayroon na tayo ka Ely, nag-1 year na ang Angat Buhay pero gusto naming bigyan ng malaking emphasis ang kabuhayan.

    ELY: So iba pa ito ma’am, Angat Kabuhayan…

    VP LENI: Under pa rin siya ng Angat Buhay. Under siya ng Angat Buhay pero parang ano siya, parang bibigyan lang ng emphasis iyong trabaho.

    ELY: Mas nakatutok po ito sa kabuhayan, livelihood.

    VP LENI: Mas kabuhayan, iyan. Kaya ang tawag natin dito Angat Kabuhayan. Ito sa Martes ito ka Ely, sa SMX. Doon ang ating launch. Noong October 10, Martes at Miyerkules, lumipad tayo papuntang Bukidnon. Iyong October 10 kasi ka Ely, 10th year anniversary ito ng Sumilao March. Kung naalala mo ka Ely, ito ang mga magsasaka na pinapakipaglaban iyong kanilang mga lupa. Naglakad sila galing Bukidnon hanggang Maynila. Pero ang kabutihan nito, nabawi nila ang kanilang lupa, 144 hectares. Tenth anniversary ng kanilang pagmartsa, 20th anniversary ng kanilang pag-hunger strike. Pero iyong nakakatuwa ka Ely kasi, pagpunta ko, mayroon silang parang board meeting ng kooperatiba. Ina-announce nila na mula sa wala, ngayon mayroon na silang capitalization na 72 million, at mayroon na silang CBU na 1.5 million. Tapos marami na silang equipment na nabili, nag-inaugurate ako ng paaralan sa loob ng lugar nila, San Vicente Sumilao. Nakakatuwa ka Ely. Mayroon din kaming graduation kasama namin iyong Pilipinas Shell Foundation. Nagtrain sila ng 244 naman na mga magsasaka sa Sumilao, para ito ma-maximize nila ang gamit ng kanilang mga sinasaka. Iyong pangalawang araw, tatlong paaralan ang ininaugurate namin ka Ely. Mamaya kasama natin iyong namumuno ng PhilAm Life Foundation, sila ang ating partner. Sila ang ating partner sa pagpatayo ng paaralan, tatlong lugar sa Bukidnon. Sa Sumilar, Manolo Fortich, at saka sa Lantapan, buong araw ng Miyerkules namin iyon ginawa. Maliban sa PhilAm Life Foundation, partner din natin ang LBC Foundation. Tapos partner natin ang Dole Stanfilco, at saka iyong Kasilag Foundation. Mga katuwang sila ng PhilAm Life Foundation.

    ELY: So marami po talaga ang tumutulong po sa pribadong sektor.

    VP LENI: Oo at saka alam mo ka Ely, pag pinasok mo ang paaralan, ibang-iba ang school building. Napakaganda. Iyong programa ng PhilAm Life sa pagpatayo ng building, hindi talaga tinitipid iyong mga classrooms.

    ELY: Basta hindi lang masabi na may paaralan, kasi…

    VP LENI: Oo hindi lang.

    ELY: Mawalang galang na po sa ating gobyerno ha, kasi basta masabi, hindi nakapagpatayo ng eskwelahan. Pero dito po sa pribadong sektor, iyong quality maganda po.

    VP LENI: At saka ano ka Ely, malaki ang classrooms, nakatiles, may magandang banyo. Hindi lang iyong basta-bastang banyo, pero maganda ang banyo. Ang sabi nga, nakalimutan ko kung saan iyon, kung sa Manolo Fortich, Sumilao, o Lantapan pero ang sinasabi sa amin noong mayor yata, alam niyo po first time na makakaramdam iyong mga estudyante namin ng ganito. Iyong doon nga sa amin ka Ely iyong pinagawa ng PhilAm Life, sa ganda ng paaralan, hindi naman sanay iyong mga estudyante, na ganoon kaganda, bago sila pumasok sa paaralan, inaalis iyong kanilang mga tsinelas at mga sapatos. Kasi nakatiles talagang makintab. Iyon ang ginawa namin noong Martes at saka Miyerkules. Pagdating ko ng Huwebes, busy na naman ka Ely kasi nagcourtesy call sa atin iyong Ambassador ng Qatar. Pinag-usapan namin ang kalagayan ng mga kababayan natin na napakarami sa Qatar. Tapos nagkaroon din kami ng meeting with the President of PUP at saka Miriam College. Kasi iniimbita naman natin sila mag-partner sa opisina natin, doon naman sa isang programa ng opisinang Istorya ng Pag-asa. Noong Biyernes ka Ely hanggang Sabado mga paaralan naman iyong aking lakad. Noong Biyernes nasa St. Theresa’s College ako sa Quezon City. Naimbita naman ako, mayroon silang programa ang tawag I Lead. Nag-imbita sila ng mga apat pang paaralan, mga high school student-leaders ang nandoon. Pinag-usapan iyong community leadership. Iyong kahapon naman, imbitado tayo sa Ateneo. Ateneo de Manila University. Mayroon silang programa taun-taon, ang tawag nila TALAB, Talakayang Alay sa Bayan. Ito series ito ng mga talks, iba’t ibang topics. Iyong sa akin ang topic sa akin iyong ending poverty. Pero alam ko ka Ely bago ako nagsalita, ang nagsalita yata si Chief Justice Sereno. Nagsalita din si Atty. Christian Monsod tungkol sa Federalism. Marami sila. Maraming mga talks. Ang kuwento ng aking staff, kasi pagkatapos ko magsalita may lakad pa ako kaya umalis na ako. Iyong susunod daw sa akin, ang nagsalita naman Jollibee Foundation. Iyong Jollibee Foundation ka Ely, partner rin namin iyon. Pinag-aaralan namin ang mga bagong modelo ng pagsasaka ngayon at iyong ating panaginip, sinimulan na ito ng Jollibee Foundation sa Nueva Ecija. Ang ating panaginip magawa din natin sa ibang mga lugar.

    ELY: Opo. Hanggang Sabado tapos ngayong Linggo. Ang ating bise presidente walang pong day off.

    VP LENI: Wala pang day off. Kasi pagkatapos nito ka Ely mayroon pa akong lakad.

    ELY: Naku. [laughs] Sa bagay, talagang kasama po iyan. At ang ating bise presidente talagang naglilingkod po sa bayan. Maya-maya ang Angat Buhay anniversary, siguro ma’am iyong sa Bukidnon ano makakausap natin.

    VP LENI: Oo makakausap natin ang taga PhilAm. Tatanungin natin siya ka Ely hindi lang tungkol sa Bukidnon, pero ang lahat ng mga programa ng PhilAm Foundation.

    ELY: Okay. Sandali lang ho.

    [END OF GAP 1]

    ELY: Narito na po sa ating studio ma’am ang iyong katuwang ng OVP na iyong taga-PHILAM.

    VP LENI: Oo, napaka-napaka idol na idol po namin ‘to Ka Ely. Ang atin pong panauhin po natin ngayong umaga siya po ang namumuno ng PHILAM Life Foundation, Mr. Max Ventura. Magandang umaga sa iyo, Max.

    MAX VENTURA: Good morning po, Madam Vice President, Ka Ely at sa lahat NG MGA nakikinig po sa programa ng DZXL

    VP LENI: Ito ka ely tatanungin natin kay max iyong mga programa ng Philam Life foundation tapos iku-kwento siguro natin sa kanila Max, anu-ano na iyong mga programang pinag-samahan ng Office of the Vice President tsaka ng Philam life. Baka pwede Max, ikwento natin sa mga nakikinig sa atin, ano ba iyong mga ginagawa ng Philam life foundation?

    MAX VENTURA: Yes, mayroon po kaming programa, tawag po dito ay Philam Paaralan. Kami po ay tumutulong duon sa mga lugar an nasalanta, bahagi po ng pag-rehab sa mga lugar na nasalanta. At tumutulong din po kami doon sa mga lugar na hindi masyado nararating ng tulong at isa nga dito iyong ating paaralan na itinayo sa Calabangga na..

    VP LENI: Nasa itaas ng bundok.

    MAX VENTURA: Maliban doon, under sa Angat Buhay, nagtayo din po tayo sa Bote Integrated School sa Bato, Catanduanes.

    VP LENI: Ito ‘yong nasalanta ng bayo.

    MAX VENTURA: Yes, iyon naman. At ang pinakahuli nga po, iyong nabanggit kanina, nag turn-over po kami ng tatlong – eskwelahan no’ sa Bukidnon..

    VP LENI: Seven..seven classrooms lahat.

    MAX VENTURA: Bale seven lahat, so all in all mga labing isa na po ang naitatayo natin Madam Vice President under Angat Buhay.

    VP LENI: Ito Ka Ely, gaya ng nabanggit ko kanina, ‘yong classrooms na itinatayo under ng Philam Life Foundations Paaralan, sobrang ganda niya Ka Ely. Hindi sya ‘yong ordinaryong classrooms. Gaya ng sabi ko malaki siya sa ordinaryong classrooms, makintab ang sahig. Iyon ang parati nga sinasabi ng mga bata, ‘di ba Max. Na ‘pag bagong pasok sila, parati sinasabi na “wow” ang sahig ang kintab. Tapos anon a, kasama na ‘yong mga upuan ‘yong gamit sa loob, may banyo pa.

    MAX VENTURA: Actually ‘yon nga kompleto na po ito. Ang biro nga po namin,ang kulang na lang ay chalk at teacher sinasabi namin sa DEPed at sa mga Prinsipal. At ang maganda po dito sa aming paaralan din, ito po ay buhos no’. Hindi po ito gumagamit ng hollowblocks. Kaya matibay po ito. Kaya nya ang malakas na bagyo at tsaka sa mga lindol. Talagang pinag-aralan namin para talagang bahagi ng, na talagang disaster resilient na siya. Kaya napaka-ganda, gaya nga ng nasabi ni VP, ‘yong mga bata may isa doon nag-sabi na malapalasyo daw iyong classroom nila nakakatuwa.

    ELY: Sana ma’am maging modelo iyan ng gobyerno, na gayahin po may quality.

    VP LENI: Oo, at talagang Ka Ely, pag nakita mo sya, wala siyang katulad. Ngayon ko lang nga nalaman Max na buhos pala, akala ko..

    ELY: Talagang matibay.

    VP LENI: Akala ko hollowblocks. Pero ito, ‘yong curios lang siguro tayo, ito kailan sinimulan ng Philam Life Foundation itong Paaralan projects niya?

    MAX VENTURA: Yes ito pong aming Philam Paaralan , nag-simula po ito noong 2012. Dahil tugon na rin po ng tawag ng gobyerno noong panahon na ‘yon na malaking kakulangan sa klasrum kaya tumulong po kami. Pero dinaan nga po natin doon sa mga tinatamaan ng bagyo at tsaka sa mga hindi nararating ng tulong. So ng panahon po na iyon, 65th anniversary ng aming kompanya, Philam Life, nag-commit kami na magtatayo kami ng 65 classrooms in five years. At ikinagagalak ko po Madam Vice President na ipaalam sa inyo na sa ngayon po, sa aming 5th year, naka-150 classrooms na po kami sa buong bansa.

    VP LENI: Napakarami na. Parang na-alala ko Max, sinabi mo sa isa sa mga speeches mo, na ang target niyo ay ilan lang. Parang nag-shoot na kayo ng target.

    MAX VENTURA: 65 classrooms po in 5 years, 150 na ngayon. Nakakatuwa. Dahil din dito, napag-desisyonan din ng aming pamunuan na ipagpatuloy pa rin ang programa. Kasi nga po, ang dami pa ring nangangailangan at ang maganda nga pong nangyari ay naging ka-partner naming ang Angat Buhay medyo dumali po ang aming trabaho.

    VP LENI: Kasi Ka Ely ang ginagawa ng Angat Buhay Ka Ely, ay naghahanap ng mga lugar na mahirap abutin. O nag-hahanap ng mga lugar na nasira ang mga classrooms dahil sa sakuna o sa bagyo. Iyong mga, ‘yong kaibahan Ka Ely ng Philam Life Foundation, kasi karamihan sa mga nagbibigay ng mga classrooms, gusto sa Poblacion. Kasi madali nga naman, pag-dala ng materyales, pag-manage nung construction. Parang Philam life Ka Ely ang nagugusto na pumunta sa mga liblib na lugar. Gaya noong ginawa naming Ka Ely na pag-punta sa Burabod, Calabangga, Camrines Sur. Nasa taas siya ng bundok. Ang dami na naming nilapitan, pero ayaw pumunta doon. Pag-iniinspect na ang lugar, umaayaw na. Kasi Ka Ely ang lugar na iyon, wala siyang highschool nasa parang three barangays away. Na iyong mga bata naglalakad 2 kilometers everyday each way. Ang kwento nila, mga dalawang oras na lakad iyon. Kung iisipin mo apat na oras e, apat na oras ang nilalakad araw-araw. Iyong mayroong pambayad sa habal-habal, nakakasakay sa habal-habal. Ang iba naman may pambayad ng board and lodging, nakakapag-board and lodging. Pero iyong iba naman na walang-wala, umaayaw na lang, hindi na nag-aaral. Pero ang Philam Life Foundation naglagay doon ng classrooms sa taas ng bunbok. Ang katabi niya mga maisan. Ang sabi nga ni Max, dinala naming sila doon, kakatapos lang ng mamasapano, eh yung dadaanan mo Ka Ely talagang wala ka makikita na mga tao kasi nasa taas ng bundok. Pero malaking pasasalamat naming na gusto ng Philam life foundation na pumunta.Pero ‘yung sinasabi ko na kasama ko sila Max noong Wednesday, mga liblib din na mga lugar. Iyong sa Sumilao rough road iyong aming binyahe, nasa Mt. Kitanlad na sya, malayo. Sobrang layo yung pinunta nami. Tapos ‘yong pagpunta naming,parang ‘yong Mayor ba doon Max, iyong nagsasabi na first time nilang makakita ng ganoon ka kagandang classroom.

    ELY: Pero maganda po iyan ma’am magsisilbi na panimula na umunlad ang lugar na iyon liblib. Kasi kapag may nakita na istruktura na ganyan, eh pwede pong magsimula ng negosyo. Hindi po laging sa Cuidad o Poblacion.

    VP LENI: Tsaka iyong ano talaga, ito Ka Ely ano maraming hindi nag-aaral dahil walang malapit na paaralan. Ito Max, ito kasi Ka Ely, iyong pagpunta naming doon, parang ang Philam life foundation na ang naghanap ng partners, di’ ba. Kasama naming doon ang LBC Foundation, ‘yong DOLE Stanfilco. Ito Max, papano nabubuo iyong ganitong partnerships?

    MAX VENTURA: Well, isa ngang maganda din doon sa pakikipag ugnayan namin at pakikipag-trabaho sa Angat Buhay, nagkakaroon po talaga ng pagkakataon na magkakilala iyong may parehong adhikain. At isang.. nagbigay daan din ang Angat Buhay upang ma-meet po naming ang LBC Foundation at iba pang grupo na nakakatrabaho namin. Kaya malaki ho talagang pasalamat din na nagkaroon po kami ng pagkakataon na makatrabaho sa Angat Buhay at dumali talaga ang aming buhay. Kasi isang malaking bagay lang ang pagkikilatis nila doon sa mga maaari naming maging partner na LGU. Malaking bagay po iyon.

    VP LENI: Malaking bagay Ka Ely iyong LGU e. Kasi kapag mahirap kausap ang LGU nakakahiya sa mga partners namin. Kay kami naman sinusubukan naming irekomenda iyong hindi naman mahihirapan ang aming mga partners na makipagusap. Gaya noong sa Lantapan, ako Ka ely hindi na ako doon nakasama e. ‘yong staff ko na lang ang sumama kasi malilateflight, pero sila Max pumunta pa doon. Malayo din. Iyong isang pinuntahan namin, iyong Manolo Fortich walang paaralan dati doon. Iyong tayo ang nakapatayo ng bagong paaralan. Meron din doon iba, mayroon din PCCI, mayroon kay Senator Migz Zubiri. Pero tayo ito talagang parang ang kapalit na saya na nakikita mong sa mata ng mga tao, ng mga magulang, mga teachers, mga bata, hindi matatapatan, hindi ba Max.

    MAX VENTURA: Yes, actually isa nga sa mga pinaka gusto kong bahagi ng programa pag-ka po kami nagtuturn-over po ng classroom iyong hinahayan po naming ang mga student leader na mag-salita o mag-pasalamat tuwing nangyayari iyon, tuwing iyon ang nasa programa, nangingilabot po ako. Parang damang-dama mo sa kanilang pagsasalita iyong pasasalamat. At parang ang gagaling po ito po iyong mga student leader, kaya makikita mong may maganda talagang dudulutin iyong aming pagtulong.

    VP LENI: Iyong Ka Ely, aming turn-over na tatlo, sa lahat na turn-over may student leader na nag-salita. Napaka, kapag pinakinggan mo parang maiiyak ka sa saya e. Kasi iyong pagpasalamat nila.

    ELY: Ay talagang taos puso ang pasasalamat.

    VP LENI: Oo, iyong nakikita naming, gaya noong sa Sumilao, iyong classrooms na binigay ng Philam Life Foundations, classroom iyon ng grade six, di’ ba Max. Tapos sabi naman nasaan ba iyong dati ninyong klasrum. Ang sabi sa amin Ka Ely, wala naman po kami dating classroom. Saan sila nagkaklase? Kung saan-saan na gilid na hindi masyadong mainit doon sila, pero talagang mula sa wala, napakaganda na ng klasrum ngayon.

    MAX VENTURA: Ang maganda pa nga doon sa Sumilao, katabi po noong Philam Paaralan ay isa pong medyo nakakatakot na pong gusali na maano na po talagang parang paglumindol nga ho siguro siguradong guguho po ‘yon. Pero nakita doon pinag tiyatiyagaan ng mga bata, kaya parang ang saya-saya nila na nandoon na iyong classroom. At pinakiusapan nga po namin iyong head na, Principal, na grade six ho ang ilagay doon ng sa gayon lahat ng mga estudyante parang they can look forward na makapasok sila.

    VP LENI: Oo, iyon ang aspiration nila saka makaramdam man lang iyong grade six bago sila grumadweyt.

    ELY: Okay so, bukod ho diyan ay may nakalinya pa ho tayo na ibang lugar.. na proyekto natin?

    VP LENI: Oo, mayroon na ba tayo Max nakalinya for Angat Buhay?

    MAX VENTURA: Mayroon ho kaming tinitignan ngayon with LBC Foundation sa Dumaguete po, isa iyon sa mga gusto nating tulungan. At noong nag Angat Buhay, po sa Cebu mayroon po kaming mga partners na tinignan doon. Malamang po sa Argao, isa din sa mga tinitignan. Marami pa ho at mukhang wala din patid ang kanilang pakikipag-ugnayan e.

    VP LENI: Oo, ito kasi Ka Ely, ano e, halimbawa doon sa aking Distrito noong ako Congressman, ang pinaka-raget ko zero backlogs sa classrooms. Ano ang maa-achieve mo na magbabagyo dadagdag nanaman iyong kulang na classrooms. Kaya never ending ang pangangailangan sa classrooms. Kaya di ba Max, ito Ka Ely, siya mismo personal, iyong nag nag-vavalidate ng mmga requests. Pero pag nag-vavalidate ka Max, nakikita mo ba iyong mga classrooms na dapat sana hindi na ginagamit kasi parang babagsak na pero ginagamit pa rin diba?

    MAX VENTURA: Yes, marami po iyon. Iyon nga kaya lalo rin kaming nagsisikap sa aming organization na baka, mas makatulong pa no, na makalikom pa ng mga resources no. Kaya pasalamat din kami talaga sa among mga partners no tulad nga ng [partners], itong Kasilak sa recent naming turnover naming sa Bukidnon.

    VP LENI: Ayan, ayan Ka Ely, ang Philam Life Foundation, ano talaga,sinasabi ko idol namin ito si Max. Kasi walang pagod ito Ka Ely, kahit saan mo hilahin. Kahit saan mo hilahin na liblib na lugar walang reklamo, pinupuntahan niya talaga kaya maraming salamat sa Philam Life Foundation.

    ELY: Okay maraming salamat sa Philam at siguro mas marami pa hong kayong matulungan na ating mga kababayan. Siguro sa mga susunod antabayan po natin, pu-pwede ho bang ang ating mga kababayan na mga nasa liblib na lugar e magrerequest po sila.

    VP LENI: Oo, nakakapagrequest po sila, actually sa Philam Life Foundation pwede po dumiretso sa kanila at pwede din ipadaan sa amin kasi partner naman namin sila. At iyong bawat baba natin sa lugar ka ely parati naman na pinapaabot sa amin kung may pangangailangan, mahalaga kasi kung iniinspect. Kasi parati nating dinidisisyunan kung alin iyong mas may pinakanangangailangan. Kaya pasalamat siguro tayo Ka Ely kay Mr. Max Ventura sa pagbisita sa atin, sa pag-paunlak kahit po Linggo Max, maraming maraming salamat, pinatrabaho ka pa namin ngayong Linggo.

    ELY: Okay salamat po, Sir. Good morning po sa inyo.

    [END OF GAP 2]

    VP LENI: Ang susunod natin na guest ka Ely ito Istorya ng Pag-asa ito. Kasi unang-una, ito ka Ely kaklase ko ito. Kaklase ko ito sa UP dati. Pareho kaming Economics, nag-graduate kami 1986. Hindi lang kaklase magkasama pa kami sa dorm, sa Kalayaan Dorm, magkaklase kami. Pero hindi na kami nagkita, di ba hindi na tayo nagkita mula kami nag-graduate sa college. Tapos nagkita kami ngayon nalang ulit na nasa Office of the Vice President na ako. Pero nagkita kami ka Ely kasi sobrang matulungin nito. Alam mo pag nagkakaroon kami ng emergency na pangangailangan ng ating mga areas, ito ang unang sumasaklolo sa atin. Pero magbigay galang muna tayo sa kanya, good morning iyong atin pong bisita, si Ms. Judith Azarcon. Siya ang founder at saka CEO ng RAF International Forwarding Inc. Magandang umaga sa iyo, Judith.

    JUDITH AZARCON: Good morning sa inyong lahat.

    VP LENI: Ito Ms. Judith, siguro ang pinaka tanong lang namin. Papano nag-umpisa ang RAF International Forwarding?

    JUDITH AZARCON: Well, that was in 1992 ano. Nagtatrabaho ako noon sa DHL. Tapos kami ng kaibigan ko si Benjie Baluyot, ako in charge sa operations, tapos iyong kaibigan ko naman na naging partner, si Benjie Baluyot in charge sa customer service. So parang iyong mga boss namin alam namin hindi pa naman magreretire, hindi pa mareresign. So wala pang, sabi namin, siguro… At saka noong bata pa ako talagang negosyante na ako, alam mo noong college tayo. Noong college tayo para medyo madagdagan ang allowance ko, nagbebenta na ako ng bunker oil noon.

    VP LENI: Sa lahat ng ibebenta mo bunker oil [laughs]

    JUDITH AZARCON: Oo kasi iyong aking boyfriend noon, ang tatay niya namimili ng bunker oil sa mga probinsya. So dahil taga Capiz ako, mayroon kami doong electric company na, iyon ang binibilhan namin ng bunker oil tapos dinadala sa Maynila. Tapos noong nasa DHL naman ako, nagbebenta ako ng bangus. Kasi may fish pond kami. Tapos mga dried fish. So I think nandoon na talaga sa blood ko ang pagnenegosyo. So sinubukan namin ng partner ko na si Benjie, siguro magsarili na muna tayo.

    VP LENI: Pero at that time ilang taon ka na sa DHL?

    JUDITH AZARCON: Six years. So my first job from UP. So parang training ground.

    VP LENI: Pero parang malakas din ang loob mo ano?

    JUDITH AZARCON: Actually ang reason ko noon bata pa ako. Kung hindi man magsucceed, I can always go back to the workforce. So parang subukan namin di ba.

    VP LENI: Pero halimbawa, noong inuumpisahan ninyo siya noong 1992, palagay ko ang dami ninyong kahirapan na pinagdaanan ano?

    JUDITH AZARCON: Grabe, alam mo, especially kapag galing ka doon sa isang stable na good-paying job, para magdecide ka na iwanan iyon at magrisk ka, dapat talagang ready ka doon sa sacrifices. Kasi lima lang kami, so lahat iyon. May maliit kaming opisina, hole in wall. Tapos Christmas party namin, pancit lang. So maraming hirap talaga. Wala kaming mga sasakyan. So iyong mga personal namin na sasakyan, iyon lang. Courier namin nagko-commute lang pagpumipick-up, mag-oover-the-bakod para hindi masyadong malayo ang ikot. Mga ganoon. Lahat ng sakripisyo. Nag-umpisa kami lima lang kami, tapos sinuwerte lang talaga at saka pagod at hirap.

    VP LENI: At saka ito di ba kapag nag-uumpisa ka ng negosyo, talagang maghihirap ka sa umpisa. Parang mahirap ito ka Ely, sanay kang may nakukuha kang sweldo, buwan-buwan. Tapos bigla kang magnenegosyo, abunado ka lahat. Parang iyong lahat ng ipon mo paisa-isa nang nauubos.

    JUDITH AZARCON: Oo iyon nga kaya masuwerte na nga ako na medyo maaga ako nagnegosyo. May ipon kami.

    VP LENI: Oo, medyo mahaba ang pisi.

    JUDITH AZARCON: Actually hindi din. Marami na kaming naging kaibigan sa industry na tinutulungan kami. Kunwari wala pa kaming credit line sa airline, so kukuha muna kami sa kaibigan namin para doon muna kami makikisakay. So may utang kami doon sa kaibigan namin. So all these people that helped us from the beginning who really believed in us.

    VP LENI: So mga ilang taon bago ninyo naramdaman na medyo okay na?

    JUDITH AZARCON: VP masuwerte kami kasi bago mag-isang taon, iyong taga-Amerika, naghanap sila dito ng agent sa Pilipinas, Airborne Express iyon. At that time, Airborne Express was the second largest courier company in America. So kailangan dito sa Pilipinas ng agent and narinig nila na mayroong mga ex-DHL employees na nagtayo, which is us. Kinontak nila kami and [they] liked us kasi we were hungry and we knew the business. So they gave us a chance. Nakita niya ang opisina namin ang pa kalaban namin noon mga gusto maging agent din nila, iyong mga Aboitiz dati ganoon. Pero they chose us, kami na maliit.

    VP LENI: Pero sumugal siya ano. Kasi kadalasan sa ganyan magtitiwala sa mas established na mga kumpanya.

    JUDITH AZARCON: Kaya nga sabi ko kasama na talaga iyong panalangin at luck. Kasi so, iyon. They gave us a break. Iyon ang pinakasusi. Kaya after 2 years, talagang dumami na kami. From 5 naging 30, naging 40. Tapos 25 years kami this year. We celebrated 25 years.

    VP LENI: Alam mo kasi ka Ely, iyong RAF International Forwarding gaya ng sabi ko, halimbawa lumindol. Lumindol sa Surigao, sila ang unang sumasaklolo. Pagsinabing bumagyo, tinamaan sa Bicol, ayun nandiyan na ang RAF Forwarding. Ang lahat ng nagbibigay sa amin ng mga tubig, mga construction materials, mga kung anu-ano, sila ang nagdadala ng walang bayad. Sila ang nagdadala sa lugar at napakalaking tulong. At hindi lang iyon, pati ang ibang pangangailangan, hindi lang pagdala. Pero iyong ibang pangangailangan. Ito nga si Judith na ang naghahanap para sa amin. Kailangan namin ng ganito, siya maghahanap. Kailangan namin ng ganoon, siya maghahanap. Pero iyong nabalitaan namin na ganito sila, kasi ang parang CSR ng kumpanya nila, ang tawag nila Partners for a Future. Pero ito ang gusto naming itanong sa iyo, Judith. Ano ang Partners for a Future?

    JUDITH AZARCON: As you said ano VP, ito ang CSR namin. After 8 years in the business, naramdaman naman namin na maganda ang negosyo, kumikita. So sabi ko siguro talagang kailangan mag-give back na tayo. So naumpisahan namin ito. Actually ang nangyayari, for every shipment na pinapadala ng kliyente, we set aside a certain amount for the funds.

    VP LENI: Ano iyon, parang nakapeg na kung magkano?

    JUDITH AZARCON: Yes kunwari, 5php per kilo, or 10 cents US for every house airway bill you send through us. So kumbaga, lahat ng kliyente namin nakakatulong kasi, instead na going everything to profit, we set aside right away. So whether at the end of the day negative kami, mayroon na talagang naka-set aside iyon para doon. Kaya ongoing…

    VP LENI: Tapos hindi ninyo iyon ginagalaw, ginagalaw ninyo lang iyon para sa projects?

    JUDITH AZARCON: Ito, before Angat Buhay may mga projects kami.

    VP LENI: Kasi sa Yolanda tumulong kayo di ba?

    JUDITH AZARCON: Yes. Nag-adopt kami ng eskuwelas sa Capiz, nakapagtayo kami ng dalawang classrooms doon at saka library. Actually hanggang ngayon, adopted pa rin namin ang school na iyon. Inaalagaan namin may feeding program, and then iyong school supplies nila, galing sa Angat Buhay. Pero ngayon na we are part of Angat Buhay, inallocate na namin ang CSR namin sa Angat Buhay.

    VP LENI: Naku maraming salamat. Napakasuwerte namin.

    JUDITH AZARCON: Sinuwerte din kami, nagkaroon kami ng channel na mabigyan namin kasi dati kalat-kalat.

    VP LENI: Kaya nga Judith ito ang ano, parang ang dami nating natulungan, alam mo naman iyon, kasi kasama ka namin all throughout. Ang dami nating natulungan sa Angat Buhay, pero pag tinatanong kami, halimbawa sa Senate. Tinanong kami ni Senador Sotto, magkano ba ang budget ng Angat Buhay at marami na kayong natutulungan? Noong sinabi naming wala, parang hindi makapaniwala. Pero kasi ka Ely ito ang Angat Buhay. Ang ginagawa namin, ang ginagawa ng opisina namin siya ang naghahanap ng mga communities. Siya ang naghahanap ng mga communities, siya din ang naghahanap ng mga partners. Tapos parang ang ginagawa, minamatch. Ito ang community, halimbawa nangangailangan ng classrooms, maghahanap kami ng partner. O iyong mga toilet bowls, ayan ang daming toilet bowls na pinadala natin sa Cebu, sa Sorsogon. Hahanapin namin ang partners na puwede magbigay noon. Kaya ito, akala namin dati tulong lang ito sa communities. Hiyang-hiya na nga kami sa partners kasi sabi namin gasgas na gasgas na kayo. Pero lumalabas, tulong din sa partners. Kasi ang daming gustong tumulong. Halimbawa iyon, ang RAF International Forwarding mayroon silang Partners for a Future. Sabi nila napadali ninyo ang programa namin kasi sinasabi nalang ninyo sa amin kung saan puwede tumulong.

    JUDITH AZARCON: At sigurado kami na talagang diresto talaga doon sa community. Ganoon din ang Vice Squad.

    VP LENI: Oo. Alam mo mayroon pa kaming isang grupo ka Ely. Ang tawag nila Vice Squad. Kasi ito ang grupo ng aming mga kaklase sa UP School of Economics batch 86. Pagkapanalo ko pa lang Judith, di ba? Hindi pa ako, hindi pa nag-iinaugurate, nagmeeting na sila, inimbitahan ako, at sinabing tutulong kami. Tapos all throughout ka Ely, tumutulong talaga sila. In fact, magkakasama kami sa Puerto Princesa. Magkakasama kami sa Puerto Princesa, mayroon kaming mga pinuntahan na mga communities doon na tinutulungan at nakabuo kami ng isang partnership. Iyong Vice Squad with Astoria Hotel. Ang may-ari kasi ka Ely ng Astoria Hotel, ano din, kaklase din namin. Pero ang ganda ng partnership kasi ang ginawa ng Astoria, siya iyong parang magtetrain. Siya ang magtetrain ng mga locals para matuto sa hotel business. Ang ganda kasi pag punta namin, parang nag-graduation noong first phase nila. At iyong karamihan sa mga graduates mga members ni tribo. Mga indigenous peoples. Ito kung makita mo ang mga mukha nila, istorya ng pag-asa kasi nabigyan ng pagkakataon. At sinasabi ng kaklase namin na may-ari ng Astoria Hotel, karamihan dito mag-uumpisa lang dito sa amin pero lilipat din sa ibang hotel, pero okay iyon. At saka marami. Parang napapadami mo iyong tinutulungan. Pumunta din kami sa isang fishing community doon, tiningnan namin kung paano kami makakatulong. Nakita namin ka Ely na iyong hanapbuhay nila doon, iyong gumagawa sila ng particular kind of daing. Pero kakaunti ang kita nila kasi walang… Iyong magbebenta sa merkado, kaya iyon ang tinitingnan namin. May binisita din kaming isang tribo. Ang isang tribong iyon ka Ely, parang nakakalungkot Judith iyong…

    JUDITH AZARCON: Nawawalan sila ng lupa.

    VP LENI: Oo. Nauubos na ng mga kumpanya.

    JUDITH AZARCON: Nandoon na sila sa bundok na bundok na.

    VP LENI: Tapos naalala ko doon Judith, mayroon tayong nakausap doon na mga teachers. Iyong isa doon buntis. Ayon istorya ng pag-asa din iyon ka Ely. Buntis siya, pero apat na ilog ang tinatawid bago makarating sa paaralan. Tuloy pa din. Iyon ang mga kuwentong hindi nakikita ng mga taga Maynila na paminsan dito sobrang reklamo natin. Pati mga anak ko ka Ely pag nagrereklamo, pinapaalala ko sa kanila. Sa atin bumagal lang ang internet, nagrereklamo na. Pero doon ang mga tao walang kuryente, walang tubig na iniinom. Naalala ko pa nga Judith, tinanong ko sila kung mayroon silang tubig-inumin, ang sabi nila kumukuha sila sa ilog. Sabi ko sa ilog, papano hindi ba madumi iyon? Sabi nila hindi po malinis iyon, dumudumi lang po iyon kapag umuulan. Kaya pag uulan na, bumibilis na sila sa pagkuha ng tubig kasi pagkaulan daw madumi. Pero alam mo iyon ka Ely, ang kahirapan. Kaya mabuti, iyon masayang-masaya kaming magkakasamang magkakaklase kasi nakita namin. Kasi marami sa amin mga executive ng mga kumpanya. Pero pag nakikita ang kahirapan, parang hindi puwedeng wala kang gawin.

    JUDITH AZARCON: Yes. Talagang mamomove ka.

    VP LENI: Ito si Judith ano din, noong umpisa noong sumama sa amin, ano ito, lahat ng kahirapan pinagdaanan. Naalala mo doon sa Camarines Sur, katatapos lang ng Typhoon Nina. Hindi ako kasama, pumunta sila sa isang lugar na heavily damaged ng bagyo, parang hirap na hirap kayo noon di ba kasi ang sasakyan hindi na makaandar. Pero ganoon iyon. Parang si Judith mula noong naramdaman iyong kahirapan, hindi na namin tinatawagan siya na mismo ang tumatawag parati at nagtatanong, anong tulong kailangan ninyo.

    ELY: Opo. Pero sa mga ganito, malaking tulong po ang pribadong sektor kasi alam ninyo naman ho, lalo na sa OVP limtado po ang budget. At talagang alam mo naman ang proseso sa gobyerno pag lalabas po ng pondo.

    VP LENI: Oo. Actually ka Ely, pag pumupunta kami, ito alam ito ni Judith. Pag pumupunta kami sa communities after ng sakuna, kami pa lang ang nandoon. Kahit ang gobyerno mayroon na ding presence, ang tulong wala pa. Kasi sa kanila ang dami pang red tape na dadaanan. Iyong pag private, parang sa Angat Buhay, diretso agad. Lumindol, kailangan ng mga pagkain. Kailangan ng blankets kasi nasa evacuation centers, nandiyan na. Ito ang Marinduque naalala ko, iyong RAF International Forwarding din ang nagpadala doon ng mga construction materials. Ito alam mo ka Ely pag gobyerno kasi kailangan ng bahay, dadating siguro ilang buwan pa na tapos na ang bagyo. Hindi tulad sa Angat Buhay, dahil private iyong mga partners, bumagyo ngayon, the following day nandiyan na agad.

    ELY: Kasi sa gobyerno mag-o-ocular pa, itatanong pa kung anong kailangan, ililista pa.

    VP LENI: Tayo naman nag-o-ocular tayo ka Ely pero wala kasing masyadong mga, ang gusto kong sabihin, pag private kasi alam nilang sa mabuti iyong pupuntahan, nandiyan kaagad ang pondo. Ito din ka Ely, halimbawa si Judith, hindi lang RAF International Forwarding ang tumutulong. Pero pag mayroon pa silang hindi kaya, kung kailangan pa nila ng supplements, sila na ang naghahanap ng katulong.

    JUDITH AZARCON: Ayon naman kaya nagpapasalamat naman ako na natuto na ako. Sabi ko nga kay VP Leni, naging professional beggar na rin ako. [laughs] Marami naman sa industry namin sa forwarders na handang tumulong din na alam nila na maganda naman itong Angat Buhay.

    VP LENI: At saka ito talaga ang kabutihan talaga ng Angat Buhay na parang nagkaroon ng platform. Nagkaroon ng platform na mag-interface ang gobyerno at saka ang pribado. Tapos ang pribado kasi, kahit anong private organization, pag nakikita niyang maayos, parang napupunta sa maayos ang tulong niya, lalo siyang ginaganahang tumulong. At iyon ang… Kaya nagpapasalamat tayo ka Ely sa RAF International Forwarding sa lahat na tulong na ibinigay. Judith maraming maraming salamat, pati sa lahat na staff. Ang buong pamilya ng RAF International Forwarding kasi ka Ely, pag sakuna, talagang halughog namin ang buong staff ng RAF International Forwarding.

    ELY: Okay maraming salamat po, ma’am Judith.

    JUDITH AZARCON: Thank you din.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Oct 14, 2017