This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 229

    BISErbisyong LENI Episode 229

     

    ELY: Good morning! Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas at Mindanao. Isa na naman pong edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. At siyempre ngayon po ay araw ng Sunday, Linggo, September 26, 2021. Mula po dito sa RMN DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng inabot ng broadcast nationwide, netwide, magandang umaga. Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Siyempre kasama po natin ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President, Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI:Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin sa DZXL ngayong umaga at saka nanonood sa ating Facebook live sa atin pong VP Leni Robredo at saka sa RMN Facebook page. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos. Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Good morning ulit, Ka Ely.

    ELY: Okay, Ma’am, good morning at kumusta po iyong atin pong isang linggo na inyong mga aktibidad? Kahapon nasa Pampanga kayo. Nandoon ho ako pero hindi po tayo nag-abot, sa ibang lugar ho ako sa Pampanga. Ma’am, kumusta po?

    VP LENI: Ayon, sayang Ka Ely. Kahapon nga, nasa Magalang kami. Iyon iyong Vaccine Express. Second dose ito, Ka Ely, ng A4 doon sa Magalang. Ang ganda, Ka Ely, noong ano doon—noong aming pagdala ng proyekto kasi noong nag-request sila, Ka Ely, noong nag-request sila sa atin at nagkaroon ng parang coordination meeting, doon lang natin napag-alaman na may mga lugar talaga sa bansa natin na ang pinaka problema hindi lang iyong supply, kung hindi iyong deployment ng vaccines. Halimbawa, doon, Ka Ely, while marami din silang nahuhugot na mga, ano ito, mga officials ng Magalang—mga officials ng munisipyo ng Magalang, halos solo iyong, ano, iyong health officer nila. Halos solong doktor siya na nag-aasikaso. So ang ikinukuwento niya, Ka Ely, kahapon kasama ko siya. Ang ikinukuwento niya, buti na lang pumunta kayo, kasi kung hindi kayo pumunta, talagang kayod—kayod talaga sila. So, ito, Ka Ely, kahapon, naka more than 2,000 tayo. Na-exceed natin iyong target natin doon. In fact, gulat na gulat kami, Ka Ely, kasi normally kasi, pagdating ng lunch time, hindi pa nangangalahati kasi usually mabagal kapag umpisa. Pero doon sa Magalang, lunch time pa lang, naka-1,800 na kami. So, nandoon ako ilang oras—siguro tatlong oras, Ka Ely, ako nandoon. Nakipagkuwentuhan, sa mga taga-Magalang, sa mga local officials, sa ating mga volunteers. Pero binisita ko rin, Ka Ely, iyong Community Learning Hub natin doon. Iyong Community Learning Hub natin doon, nasa simbahan, nasa compound ng simbahan at napaka-ayos kasi talagang involved iyong parish nila. Kausap ko iyong mga pari, kausap ko iyong mga church workers. Nakakatuwa kasi every time, Ka Ely, nagbibisita ako actually ng Community Learning Hub, ang lakas ng pasasalamat ko na itinawid namin iyon. Kasi noong nag-uumpisa kami kung naalala mo, Ka Ely, ino-oppose pa tayo. Ino-oppose pa tayo para gawin ito. Pero every time nagbibisita tayo, masaya kasi ang daming batang— nare-realize ko—ang daming bata iyong naseserbisyuhan dahil sa Community Learning Hub. Lalo pa ngayon, Ka Ely, kasi issue na iyong pag-pilot test ng face to face. Ilang beses ko na ito inulit na kung nakinig lang sila sa atin, naka-one year na sanang pumapasok iyong mga bata.

    ELY: Tama, opo.

    VP LENI: Pero ngayon na kasagsagan ng Delta variant, at saka sinusubukan ito. Last year, Ka Ely, noong pinu-push natin ito, ang kaunti ng cases, eh. Ikinukuwento ko pa nga,  ‘di ba parang kung naalala mo, Ka Ely, dito sa radio program natin, sinasabi ko pa kung gaano kadaming mga lugar ang wala namang COVID cases. So na-imagine mo, Ka Ely, kung nakinig lang sila at itinuloy iyon, naka-isang taon na sana nag-aaral iyong mga bata. So ngayon, iyong unang target natin ilang libo na gagawing pilot, parang binawasan to a few hundreds lang, Ka Ely. Mabuti na din na magpa-pilot na tayo. Kaya lang, sayang na sayang ako doon sa time lost. Pero, anyway, so kahapon, Ka Ely, nandoon kami sa Magalang.

    Buong linggo, ang dami ko na namang speeches na ni-record, Ka Ely, ngayon. Nag-post ako nito, Lunes ba? Lunes ako nag-post na for this week alone, 75 iyong speeches na shinoot namin. Padami ng padami ito, Ka Ely, at iba-ibang okasyon. Pero iyong linggo din na ito, dalawang budget hearings iyong pinuntahan namin. Iyong unang budget hearing, Ka Ely, virtual ito. Kasi ito iyong budget hearing sa Senate Committee on Finance na ang Chairman, Ka Ely, si Senator Sonny Angara. Pero noong Thursday ba iyon? Thursday yata. Pumunta kami sa House of Representatives dahil—sa plenary—ng aming budget. So, nairaos namin, Ka Ely, iyong dalawang budget hearings. Isa na lang iyong natitira, iyong plenary naman sa Senate, kasi tapos na kami sa Committee.

    Tapos, Ka Ely, ngayong linggo, marami rin iyong malalaking donors na ni-receive natin sa office. Marami pa din ang nagdo-donate para sa ating mga pang-araw-araw na tulong sa mga communities. Karamihan nito, Ka Ely, mga medical supplies at saka mga pagkain. Hindi ko na iisa-isahin iyong mga papasalamatan kasi naka-post naman ito sa Facebook page namin. Pero noong Wednesday, Ka Ely, nagkaroon ako ng meeting with former Prime Minister Tony Blair. Virtual iyong aming meeting kasi si Prime Minister—former Prime Minister ng UK—nagtayo siya, Ka Ely, ng Tony Blair Institute. At iyong kanilang tulong na ibinibigay ngayon, iyong magbahagi ng kaalaman at saka karanasan tungkol sa COVID response. So napakaganda ng meeting namin, Ka Ely. In fact, pagkatapos ng meeting, nagkaroon kami ng parang agreement na tutulungan kaming gumawa ng roadmap moving along sa mga susunod na… mga susunod na, ano ito, mga susunod na buwan at taon. Pero iyong parehong-pareho iyong aming paniniwala, Ka Ely, iyong mass access to testing strategy. Iyon din iyong kaniyang pinu-push. Ito, Ka Ely, sila iyong nag-reach out sa atin. Naka-receive kami ng e-mail sa kanila nitong August. Tapos ito nga, mayroong mga preliminary meetings iyong mga staff namin. Pero iyong meeting between us, nangyari noong Wednesday—ay, noong Tuesday pala, noong Tuesday.

    Tapos, Ka Ely—ano pa ba iyong nangyari ngayong linggo. Nag-courtesy call iyong European Ambassador, EU Ambassador sa opisina. Bago siya, Ka Ely, dumating siya noong December. So nag-courtesy call sa opisina, marami kaming napag-usapan. Maganda naman iyong relations ng opisina namin with the Embassy of the European Union, Ka Ely. Pinag-usapan namin iyong effect ng COVID-19 sa livelihood at saka sa education, iyong pag-suporta nila sa Mindanao at saka doon sa Bangsamoro transition. Nagkuwentuhan kami tungkol sa iyong mga COVID response operations ng opisina. So ano iyon, kasama niya iyong asawa niya noong nag-courtesy call sa amin. Pero, Ka Ely, siguro iyong buong linggong ito, many different things—connected sa COVID, connected sa pagno-normalize ng ibang mga bagay, so iyong opisina namin, Ka Ely, tuloy-tuloy lang.

    ELY: Opo. Okay, at ano, Ma’am, kasi may mga nagre-request din at mga nangako na sana gagawing P1 bilyon ang pondo. Matutupad po kaya ito?

    VP LENI: Ano naman, Ka Ely—actually, Ka Ely, iyong pondo namin, dahil din sa record namin, every year ini-increase nila nang kaunti. So, kami, Ka Ely, while P700 plus million lang iyong hinihingi namin, siyempre lagi kaming pasalamat kapag binigay. Pero kapag hindi naman binigay, okay lang sa amin, Ka Ely. Kapag hindi binigay, ilang beses ko na ito sinabi, sanay naman kaming mamaluktot. So mag-a-adjust kami kung ilan ang ibibigay. Pero kung bibigyan kami ng mas marami, mas mabuti kasi ang dami ngayon, Ka Ely, gusto namin dagdagan iyong aming medical assistance. Gaya ngayon, Ka Ely, nag-launch kami ng bagong programa, iyong mga hindi nakakapag-aral dahil iyong mga magulang nawalan ng trabaho dahil sa COVID, dahil sa pandemic pala. Iyong livelihood assistance program namin ngayon talagang dinagdagan namin dahil ang daming nawalan ng trabaho. So, kung bibigyan kami, malamang dito iyon mapupunta.

    ELY: Opo. Kasi nakikita ko, Ma’am, ano, iyong mga deliberasyon sa bawat ahensiya, ang daming mga ahensiya na halos hindi magastos iyong kanilang pondo, pero padagdag ng padagdag. At ‘di ba, iyong sa OVP, iyon pong inyong COVID response, talagang kumbaga sa ano, sulit na sulit. Kung sosobra pa iyong budget, mas marami po ang matutulungan na ating mga kababayan.

     

    VP LENI: Kami kasi, Ka Ely, naging maayos naman iyong utilization namin ng budget. Kasi unang-una, iyong pag-plano pa lang namin, iyong planning pa lang, iyong aming budget proposal, lagi siyang naka-base sa kung ano iyong plano namin. And iyong plano namin, Ka Ely, hindi naman namin iyong basta sinusulat lang. Iyong plano namin, mahabang deliberasyon iyon sa buong opisina. So kapag dumating iyong budget, alam namin, Ka Ely, kung saan siya gagastusin. And iyong dahil na-professionalize na namin iyong opisina, dahil lahat mahuhusay, hindi kami nagkaka-problema pagdating diyan. Noong dumating iyong COVID, na-adjust kaagad namin iyong budget para maging responsive siya sa pandemic. So, sa amin, Ka Ely, halimbawa, noong dumating kasi iyong pandemic, 2020 iyon ‘di ba? Marami kaming mga budget na… marami kaming plano na hindi pa pandemic. Pero kami, Ka Ely, dahil sanay naman kaming mag-adjust, dahil tumutulong talaga kami sa mga sakuna, hindi kami nahirapan. Nai-adjust kaagad namin iyong budget namin para responsive kami sa mga nangyayari. So sa amin, Ka Ely, hindi problema iyong utilization, hindi sa amin problema iyong— iyong COA dahil talagang from 2016 inayos namin iyong mga sistema namin.

     

    ELY: Opo. Okay. At, Ma’am, ngayon po ay iyong face shield ha, parang hindi na mandatory at kumita… kumita na. Hindi… [chuckles] Dahil sa ito ay pinatitigil na, at puwede na outdoor at sa labas, ano? Pero kayo po, ano ho ang take ninyo dito at dito po sa bagong panuntunan dito po sa face shield?

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely, hindi naman ako eksperto. Hindi naman ako eksperto, so hindi ko talaga alam. Kung ano iyong nalalaman ko, iyon lang ang nababasa ko. Hindi ko talaga alam iyong level ng protection na nabibigay sa atin ng mga face shield. Pero iyong kabutihan lang nito, pagkatapos ng napakahabang debate, mayroon na din desisyon. Sana lang hindi na urong-sulong. Kasi nakita ko kasi, Ka Ely, after may deklarasyon na hindi na kailangan sa outdoor pero sa indoor kailangan pa daw, mayroon pang mga public offices na may statement na kahit hindi na kailangan, kailangan dala niyo pa rin lagi. So sa akin lang, Ka Ely, sana huwag iyong urong-sulong. Sana hindi mixed iyong messaging. Kasi kung ano iyong sabi ng eksperto, sundin natin, pero ayusin natin iyong panukala, hindi iyong nalilito tayo ano ba talaga? Kasi kahit noong required siya, ang daming hindi nagsusuot, ‘di ba? So para sa akin, ano iyong kaibahan?

     

    Pero iyong kabutihan lang ng hindi na required, kasi nakikita natin sa deliberations ngayon sa Senate, ‘di ba iyong sa Blue Ribbon, nakikita natin na ilang milyon iyong ginastos natin. Doon pa nga sa hearing, Ka Ely, may pandadayang ginawa, ‘di ba? Mayroong isang witness na nagsabi na pinapapalitan sa kanila iyong manufacturing date. So may mga kumita. Dati tsimis lang, Ka Ely, iyong baka pinagkakakitaan. Pero ngayon kasi kung nanonood tayo ng Senate hearings, it appears na mayroong kumita talaga.

     

    ELY: Yes, Ma’am. Opo.

     

    VP LENI: So sa akin, hindi talaga siya, Ka Ely, forgivable. Hindi na nga forgivable iyong korupsyon at any stage, lalo pa ngayong pandemic. Kapag nanonood ako, Ka Ely, ang iniisip ko lang, “paano kaya nakakatulog sa gabi iyong mga taong ito? Na ang daming… ang daming Pilipinong naghihirap, iyong inisip pa nila iyong delihensya?”

     

    ELY: Yes, Ma’am. Dito, ang pinaka-matindi, Ma’am, ‘di ba, iyong si Krizle Grace Mago, eh kinumpirma—iyong naging testigo—ano, at iyong sa pagbabago.

     

    VP LENI: Totoo.

     

    ELY: Napaka-importante, Ma’am, sa mga healthcare workers kasi ito, proteksyon po nila ito, ‘di ba? Iyong face mask at face shield at iyong mga PPEs, dapat talagang napaka-magaganda at talagang matitibay po ito.

     

    VP LENI: Ano nga, Ka Ely, kahit siguro ikaw, ‘di ba? Kahit ikaw, bago pa pumutok ito, ang dami na nating naririnig. Pero tayo, wala—hindi tayo maka-react kasi hindi natin alam kung totoo. Pero ngayon kasi, kaya mahalaga din iyong mga Senate investigations, eh. Kasi nakikita natin na iyong naririnig pala natin, una, mukhang totoo. Pangalawa, mas grabe pa. Mas grabe pa siya kaysa doon sa naririnig natin before. Ang masakit na masakit dito, Ka Ely, iyong mga frontliners natin, iyong mga healthcare workers, hindi nabibigay iyong dapat nilang matanggap dahil sa inefficiency. Dahil sinasabi kulang sa budget. Iyong mga kababayan natin na nalo-lockdown, iyong mga kababayan natin na mga hindi nakakapagtrabaho, napakakaunti ng ayuda na nakuha. Ang sinasabi, kasi wala nang pera. Maraming hindi nakukuha iyong dapat makuha dahil walang pera. Kung totoo sana, Ka Ely, na walang pera, magtutulungan tayo para, ‘di ba, kahit papaano mapunuan iyong pagkukulang. Pero ang sakit sa loob na hindi pala totoo na walang pera. Mayroon palang pera pero pinagkakakitaan ng mga nakaupo. Iyon iyong pinakamasakit, Ka Ely, kasi hindi naman mangyayari itong Pharmally kung walang nakaupo na katulong. Ito iyong pinakamasakit doon, Ka Ely. Ang daming mga kababayan na natin iyong namatay, kulang iyong health workers sa ospital, kulang iyong medical equipment. Itong kinita dito, kung doon lang napunta, ang dami na sanang buhay iyong nasalba.

     

    Ngayon, Ka Ely, iyong testing napakahirap. Ang dami kong kausap—doon lang sa amin, ang dami kong kausap—na tintipid iyong RT-PCR test. Kung wala kang symptoms, kahit very close contact ka, hindi ka puwede i-test. Mayroon nang nag-positive sa loob ng bahay, iyong mga kasama ayaw pang i-test kasi tinitipid iyong test. Pero iyong kinikita nila dito, ang lalaki na, alam mo iyon, na hindi talaga siya makatarungan, Ka Ely, at a time na ang daming naghihirap, ito iyong mga iniisip nyo. So sa akin, makakatulong—sayang nga, Ka Ely, kasi hindi ko alam kung napapanood ng ating mga kababayan itong mga hearings na ito, pero sana, oo. Para mabukas naman iyong mga mata nila. Na iyong nababasa nila, Ka Ely, sa Facebook, iyong napapanood nila sa YouTube na mga fake news o hindi pinapakita iyong totoo, ito, iyong nasa Senate investigation, mismong si Mago, Ka Ely, ng Pharmally, inamin niya. Pero, Ka Ely, may news ngayong umaga na hindi daw siya ma-contact na.

     

    ELY: Incommunicado. Tama, opo. Hindi daw po siya ma-contact.

     

    Pero dito, Ma’am, mayroon ngang statement ang Department of Health na lahat daw ng mga idineliver, ano, na mga protective devices, dito po sa COVID, ay talagang maganda daw po iyong quality. Pero napanood ko, Ma’am, iyong hearing, eh, mayroong pag-amin doon na pinirmahan na. Na hindi pa nakakarating ang produkto, pirmado na, na na-inspeksyon na, ‘di ba? So papaano makasisiguro?

     

    VP LENI: Ka Ely, nakita naman natin iyong mga kahon, ‘di ba? Nakita iyong mga kahon, talagang papunta sa DOH. So sa akin, pinapanood—hindi ko pa napanood lahat kasi wala, nasa trabaho ako, Ka Ely, Monday to Saturday. Pero mamaya, magka-catch up ulit ako. Pero iyong mga portions na napanood ko, may mga nag-deliver na kahit wala pang P.O., ‘di ba? Talagang… talagang ang daming irregularities na nangyari. Tapos napakalaking pera iyong involved. Na sa akin, mabuti na lang na mayroong lumalabas na witness. Ang sa akin lang na pakiusap, na sa atin lang pakiusap, sana wala nang cover up. Sana hindi na i-cover up para, alam mo iyon, sana lumabas ang katotohanan para hindi na ito nauulit pa. Kapag may cover up kasi, Ka Ely, at makalusot, paulit-ulit lang itong gagawin.

     

    ELY: Opo. Okay, Ma’am, at dahil dito sa kaliwa’t kanan na mga alegasyon ng diumano’y anomalya at maling paghawak at dito po sa pag-responde sa COVID, ito’y pinakahuling survey ng SWS at iyong net satisfaction rating ng Pangulo ay bumaba nitong Mayo at Hunyo. So talagang—

     

    VP LENI: Totoo, Ka Ely. Ito, Ka Ely, hindi ko—actually, Ka Ely, hindi ko alam kung ano iyong mga factors. Siguro iyong… iyong isa sa mga dahilan kung bakit bumaba dahil… dahil dito sa COVID response ng pamahalaan. Pero, Ka Ely, iyong sa atin lang, iyong dapat lang kasi maintindihan ng tao na karapatan natin mag-demand sa pamahalaan ng klase ng pamumuno na dine-deserve natin. Kasi kung palpak na palpak na, Ka Ely, ayaw lang natin buksan iyong mga mata natin, sino ba iyong lugi, ‘di ba? Sino ba iyong lugi? Tayo din. Kaya obligasyon natin bilang mamamayan na kung hindi maayos iyong serbisyong binibigay, kailangan i-call natin iyong atensyon ng mga nakaupo. Kasi kung dahil kakampi mo, titingin ka na lang sa iba, kasi ayaw mong… ayaw mo ma-criticize, kasalanan mo na iyon. Kasalanan mo na iyon. Sa akin nga, Ka Ely, kung ito, ang daming namamatay, ang dami nang—ang dami nang lumabas na korapsyon, ayaw mo pa din umimik, kabahagi ka. Enabler ka na. Kaya sa akin, talagang… talagang iyong mamamayan, Ka Ely, ang magde-demand. Kasi kung ang mamamayan ayaw mag-demand, sino ang lugi? Mamamayan din.

     

    ELY: Opo. Okay, at dito ho naman, dahil sa papalapit na po ang eleksyon, Ma’am ano po ang take niyo dito sa may banta po ang Pangulo na gagamitin niya ang militar sa eleksyon para po sa 2022. Ang kanyang binabanggit naman, para siguraduhin daw iyong payapang pagdaraos ng halalan sa ating bansa.

     

    VP LENI: Ka Ely, ever since naman. Ever since naman, iyong militar, laging tumutulong. Ever since, iyong militar laging nandiyan para tumulong na hindi lang during the elections pero sa lahat ng oras na kinakailangan sila para ma-maintain iyong peace and order, nandiyan sila. Ang hindi ko lang alam kung bakit ganoon iyong tone na parang ginagamit na tuloy iyong militar para takutin. Ginagamit na sila para takutin na, “kung hindi kayo susunod, ganito ang gagawin.” Eh kahit sa COVID, kahit sa pandemic, Ka Ely, ganoon din, ‘di ba. “Kung hindi kayo susunod, wala kayong pass.” Lahat ganoon. Eh hindi naman—hindi iyon dapat ganoon, eh. Kasi iyong militar, Ka Ely, over the years, mga professionals ito, eh. Mga professionals ito na over the years, sino man iyong pangulo basta kinakailangan iyong tulong nila, lagi silang nandiyan. Pero sana, huwag silang gagamitin para takutin—para takutin iyong mga mamamayan. Kasi hindi naman—iyong militar kakampi natin iyan, eh. Hindi naman sila kailangang katakutan kasi kakampi natin iyan sa lahat ng bagay.

     

    So sa akin lang, given naman iyon na kapag eleksyon talagang tumutulong sila. Kapag eleksyon talagang tumutulong sila to maintain peace and order kasi talagang marami iyong lugar na nagkakaroon ng problema. Pero sana, huwag nang magamit iyong institusyon para sa pananakot. Kasi sa akin lang, noong nakita ko iyon, ang feeling ko lang: “ano ba naman iyan? Ganoon na naman. Every time na may gusto tayong—every time gusto nating mag-enforce ng isang policy, gagamitin na natin iyong militar.” “Kung hindi kayo susunod, ganito iyong gagawin.” Mali iyon. Mali iyon, Ka Ely, kasi iyong institusyon na iyan, kahit sino iyong nakaupo nandiyan iyan, eh. Kahit sino iyong nakaupo iyong obligasyon niyan hindi naman nagbabago.

     

    ELY: Okay, Ma’am, at dito ho tayo sa isa sa pinaka-tampok na isyu, pati sa akin ang daming nagtatanong dito, eh. Ma’am, kailan daw ho ba kayo mag-a-announce at ang dami pong nag-aabang sa inyong plano para sa 2022 elections. Kayo ho ba ay tutuloy o maggi-give way? Ano ho ba talaga, Ma’am? Kasi a-bente sais na po ngayon at October 1 to 8, Ma’am, ano, iyong filing.

     

    VP LENI: October 1 to 8 iyong filing, Ka Ely. Wala naman akong choice, Ka Ely. Wala naman akong choice kundi magdesisyon bago mag-October 8. Kasi kung ang desisyon ko, magfa-file kailangan handa na ako by October 8. Pero sa akin kasi, Ka Ely, dalawang linggo pa, eh. Dalawang linggo pa. Tinitingnan natin kung may pag-asa pang magsama-sama. Siguro mayroong iba na hindi na natin maaaya pero hanggang may communication lines pang bukas, patuloy ko iyong ipu-pursue. Klaro naman, Ka Ely, iyong aking—klaro naman lagi iyong aking dahilan kung bakit ko ito ginagawa. Kasi iyon nga, Ka Ely, iyong 2022 ang daming nakakatakot na scenario na puwedeng mangyari. Like number one na nakakatakot na scenario, makabalik iyong mga Marcos. Pangalawang nakakatakot na scenario, iyong nangyayari ngayon, patuloy pa ring mangyayari in six years. Iyon iyong dalawang iyon.

     

    So sa akin, Ka Ely, the more na magkaisa kami  or the more na mabawasan iyong tatakbo against sa administration, mas mabuti. O dahil may two weeks pa, hindi ko mamadaliin iyong sarili ko, Ka Ely, dahil mayroon pa namang pag-asa, eh. Again, sinasabi ko, while kinausap ko lahat, siguro ang iba sarado na, sana hindi pa. Pero basta may bukas pang communication lines, Ka Ely, patuloy kong ipu-pursue.

     

    ELY: So dito ho sa kampo ni Mayor Isko, kasi binabanggit talagang mukhang hindi na po sila magbabago, hindi na raw po niya igi-give up si Doc Willie. So dito, hindi na ito makakasama, Ma’am, sa inyo pong unification talks dahil sa kumbaga sa ano, sarado na. Sabi ho mismo iyan ng kaniyang campaign manager, si Lito Banayo.

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely, ayaw ko din kasing i-discuss iyong detalye kasi ayaw kong ma-compromise iyong mga pag-uusap at saka negotiations. Pero iyong sa akin, hanggang hindi pa nagfa-file may pag-asa pa naman, eh. Hanggang hindi pa nagfa-file may pag-asa pa. And sana, iyon naman iyong parati kong appeal, Ka Ely, eh, parati kong appeal na sana iyong desisyon namin lahat, kung ano iyong makakabuti sa bayan. Kasi totoo naman, Ka Ely, at ako, naiintindihan ko, Ka Ely, iyong difficulty. Iyong difficulty lahat kami may supporters, eh, ‘di ba. Lahat kami may supporters na kapag nag-desisyon kami na lalo na kapag ang desisyon namin magsa-slide down o ang desisyon namin hindi kakandidato, magtatampo sa amin iyong mga supporters namin. Hindi lang siguro tampo, iyong iba magagalit pa. Pero iyon nga, Ka Ely, iyong pinaka-punto lang naman doon ultimately sino ba iyong pinaninilbihan natin? ‘Di ba ultimately ang paninilbihan natin iyong bansa, eh, na sana iyong parameters na tinitingnan namin, kung ano iyong makakabuti. Hindi lang ito, Ka Ely, na kung sino iyong mas popular, kung sino iyong mataas iyong survey, hindi iyon, eh. Pero maraming mga factors na kailangang isaalang-alang sa pagdedesisyon. So ako, Ka Ely, doon sa mga bukas pa iyong communication lines, gusto ko pa rin siyang i-pursue. Madali naman, Ka Ely, mag-desisyon na kakandidato o hindi kakandidato, eh. Kahit sa October 7, puwede mong sabihin na ano ba talaga. Kung nag-fail lahat—sa akin, Ka Ely, personal ito; puwedeng iba iyong sa iba, pero iyong sa akin, siguro iyong—hindi siguro pero sigurado sa akin na iyong determining factor sa akin iyong parati ang itatanong ko sa sarili ko, iyong pagkakandidato ko ba makakatulong sa pagpigil ng pagbabalik ng mga Marcos o iyong pagkandidato ko ba makakatulong sa pagharang na patuloy pa rin itong ganitong klaseng paggo-gobyerno na ito? And iyon iyong parating tanong, Ka Ely, kasi kung lalong nakasama, bakit pa ako magkakandidato, ‘di ba. So sa akin, iyon. Siyempre ngayon hindi ko alam iyong sagot, Ka Ely, kaya maraming dasal na kailangan.

     

    Pero pagkatapos kasi niyan, Ka Ely, iyong pagdedesisyon hindi naman natatapos sa eleksyon, eh, ‘di ba. Hindi natatapos sa eleksyon. Kasi sabihin natin nanalo ka, nanalo ako, maraming mga tanong pa rin, Ka Ely, eh. Maraming tanong. Unang-una, iyong sistema ng pulitika natin, Ka Ely, hindi talaga puwedeng magpatuloy. Kasi iyong klase ng sistema natin talagang fine-favor niya iyong may pera. So sa akin, lalo pa ngayon na age of social media, naaabuso talaga iyong social media sa pagpapakalat ng fake news. So ang daming mga Pilipino iyong walang access sa katotohanan.

     

    So sa akin, Ka Ely, ang daming factors na kailangang i-consider. So sa akin, sana maintindihan noong mga supporters natin. Siyempre nagpapasalamat ako, Ka Ely. In fact, may bisita lang ako, Ka Ely, noong sinabihan ako na may mga tao sa labas ng opisina at nagpapaskil ng mga messages at saka ng mga ribbons. Inakyat sa akin iyong bulaklak. So nagpapasalamat ako sa kanila. Gusto ko lang sabihin, Ka Ely, pinapakinggan ko sila. Pinapakinggan ko sila, nagpapasalamat ako sa tiwala. Pero marami pa kasing kailangang isaalang-alang. Hindi, Ka Ely, nare-resolve iyong problema sa pag-file kasi iyong pag-file isang step lang iyon. May mas malaking—may mas complex na mga problema after the filing. So iyon, Ka Ely, iyong tinitingnan natin.

     

    ELY: Ma’am, pakilinaw niyo rin ito, ano, dahil sa mayroong mga report—alam niyo naman sa social media, eh—iyong sa isa raw na presidential bet, may monetary consideration daw ito, Ma’am, na pinag-uusapan—P1 billion para maging inyong VP. Ano ho ba ito?

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, kailan ba, noong Friday, noong Friday, Ka Ely, tinag ako sa isang—sa Facebook—sa isang Facebook post na nagsasabi na kaya raw nag-fail iyong talks namin doon sa isang presidential candidate kasi raw willing daw iyon na mag-slide to VP pero hinihingian daw ako ng P1 bilyon. Hindi iyon totoo, Ka Ely. Hindi iyon totoo kasi iyong presidential candidate na nire-refer nila, hindi pa naman namin pinag-usapan sino iyong magpe-presidente, sino iyong magva-vice, eh. So walang pinag-usapan, Ka Ely, na mga pag-slide. Ang pinag-usapan pa lang namin na magkaisa kami. Na magkaisa kami para magkaroon ng unity candidate.

     

    So sa akin, Ka Ely, ito lang iyong pakiusap ko: kung sino man iyong umimbento noon, huwag naman po. Huwag tayong magre-resort sa fake news kasi hindi iyon nakakatulong. Kapag gumawa tayo ng fake news, gumaya lang tayo sa mga trolls. Ito iyong pinaka-problema ng bansa natin ngayon, eh. Nakakalusot iyong mga hindi mabubuti dahil sila iyong may resources para, ‘di ba, para magpaabot ng mga kasinungalingan. So una, huwag tayong papatol. Pangalawa, huwag na tayong gagaya. Kasi sa akin po, walang ibang makakapagsabi ng katotohanan kundi kami na nandoon sa usapan. So walang bayaran, walang perahan na pinag-usapan at all. Kahit sinong presidential contender, Ka Ely, walang pinag-usapan na pera. Ang pinag-usapan kung papaano magkakaisa. Iyon iyong pinag-uusapan.

     

    So ito, sa akin inuulit-ulit ko ito, Ka Ely, hindi ko gustong sabihin na dahil hindi kapareho natin iyong paniniwala, masama sila. Hindi iyon ganoon. Dapat matuto tayong rumespeto sa pananaw ng iba kahit pa palagay natin mali sila. Eh possible din na palagay nila tayo iyong mali, eh. So sana, kung hindi tayo nagkakasundo, maghanap tayo ng points na magkakasundo tayo kasi hindi naman iyan black or white, eh, ‘di ba. So sa akin, huwag sanang ganiyan. Okay lang na magpahayag tayo ng ating saloobin pero walang kantiyawan, walang kasinungalingan. Huwag na tayong gumaya kasi punong-puno na ng kasinungalingan iyong social media so huwag na nating dagdagan pa. Kung naghahanap tayo ng pagkakaisa, hindi po nakakatulong iyong ganitong usapin. Marami tayong mga kasama na hindi naniniwala na dapat mag-unify. Ako, nirerespeto ko iyong kanilang paniniwala pero iyong paniniwala ko iba. Pinapakinggan ko sila pero—iyong paniniwala ko iba, pero hindi ko sila aawayin. Iyong sa akin ang gagawin ko, ipapaliwanag ko kung bakit palagay ko mahalaga ito. Pero hindi gustong sabihin na kapag iba iyong paniniwala nila, kailangan mo na silang awayin. Kasi kapag ganiyan, lalo lang tayong napo-polarize.

     

    [END OF FIRST GAP]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Okay, Ma’am. At dito ho, nasa linya na ho natin tamang-tama at importante ho ito para sa ating Istorya ng Pag-asa.

     

    VP LENI: Napakahalaga ng bisita natin ngayon, Ka Ely, napakahalaga. Iyong bisita natin ngayon si Mr. Carmelo Victor Crisanto. Siya iyong Executive Director ng Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission. At inimbitahan natin siya, Ka Ely, kasi nabalitaan natin iyong ginagawa nila para labanan iyong revisionism tungkol sa Martial Law. Nag-e-exist iyong opisina nila para siguraduhin na iyong mga biktima ng human rights violations ay nabibigyan ng katarungan. Nabibigyan ng katarungnan na dine-deserve nila. Pero ipakilala muna natin, Ka Ely, nandito na siya. Director Crisanto,  magandang umaga po sa iyo.

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: Magandang umaga po, VP Leni, at Ka Ely. Masaya po ako at naimbitahan niyo ako ngayong panahon na ito. Kung Setyembre ito, ito iyong mga panahon kung saan natin ginugunita ang mga malalalim at masasakit na pangyayari sa ating bayan.

     

    VP LENI: Ito, Sir, naimbita ka namin kasi nabasa namin iyong pagsalita mo sa De La Salle University at iyon iyong pinaka-problema pong hinaharap natin ngayon: ang dami na kasing kasinungalingan na nangyari and naging posible iyong pagkalat nito dahil sa social media, dahil iyong mga nagsusulat puwedeng maging public iyong sulat mo—iyong statement mo na anonymous ka, na wala kang accountability. Kaya naging napakadali ng kasinungalingan na isulat. Ngayon, parang nababaliktad kasi, Sir, iyong mga pangyayari sa kasaysayan natin. Pero ito po, marami akong itatanong patungkol diyan, pero siguro iyong ihihingi namin sa iyo, isang background kung ano iyong Human Rights Violations Victims’ Memorial Commission.

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: Noong 2013 po,  may pinasang batas, Republic Act No. 10368. Dalawang ahensya ang binuhay na ito ng ating Kongreso—so Human Rights Victims Claims Board na ang layunin ay tingnan lahat ng mga mag-a-apply na naging biktima sila ng Marcos Martial Law period at sila ang magbibigay ng reparations o danyos sa mga taong ito. 75,749 po ang nag-apply ngunit ang claims board po, dahil mayroon silang substantial evidence, 11,103 lang po ang nabigyan ng danyos. So saan nanggaling ang pera pambayad sa kanila? Ito, essential truth ito, katotohanan: mula sa mga deposito ni Marcos sa Swiss banks, naibalik po ang— bilyun-bilyon iyan—P10 bilyon, inilaan para pambayad sa mga biktima ng Martial Law. P10 billion po. Of that, maraming nabigyan. Bibigyan ko kayo ng kaunting datos sa Bicol Region, baka nais niyo lamang. Sa Bicol Region, 512 po ang nabigyan ng reparations. Of that 512, 205 na torture iyan, na-rape, pinatay, at hanggang ngayon may mga isang dosena na hindi pa natin nahahanap ang bangkay o kung saan man sila and forced disappearance, ika nga. Sa dami ng nag-apply, ang masakit sa atin ay 0.007 lang ang naitalang nabigyan ng reparations mula sa BARMM region. Napakaliit. Ibig sabihin, ang ating mga kababayan, ang ating mga kapatid na mga Muslim ay hindi nabigyan ng tamang rekognisyon o hustisya. Ito ang unang step, eh, reparation.

     

    VP LENI: Pero, Sir, ito kasi nangyari siya many decades ago, ‘di ba. So sa akin siguro iyong first step, papaano ina-assess ng opisina iyong mga applications. Kasi sabi mo kanina 75,000 iyong nag-apply pero iyong parang nabibigyan pa lang ay 11,000. Ini-imagine ko lang kasi ngayon, Sir, na siyempre babalikan mo lahat, ‘di ba. Babalikan mo lahat. Gaano ba siya kahirap? Gaano kahirap iyong proseso sa pagbalik, sa pagkalap ng datos, pagkalap ng testimonies, what was it like?

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: Hindi ako kasama po roon dahil iyon ang trabaho ng Human Rights Victims Claims Board na dating pinamumunuan ni General Lina Sarmiento. Ang role ng memorial commission ay lahat ng role of victims nila, iyan ang ilalagay natin sa isang museo. Itatatag natin sa isang museo and—

     

    VP LENI: Kung hindi ako nagkakamali, parang iyong museum na ito ay magbubukas na next year. Tama ba?

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO:  Hopefully dahil nagsimula na tayo na i-award sa contractor para magsimula na at sa 50th anniversary ng declaration of Martial Law may makikita na tayong istruktura. Kung papayagan niyo po kami, baka may picture iyong staff niyo how it will look like.

     

    VP LENI: Ayon. Sa loob ito, Sir, ng UP, ‘di ba?

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: Ito ay itatatag sa 1.4 hectares sa University of the Philippines. Ito iyong memorial hall kung saan ilalagay ng mga pangalan ng biktima — nakataga sa bato.

     

    VP LENI: Nakataga sa bato at totoo. [laughs]

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: At totoo.

     

    VP LENI: Ito, Sir, syempre kami, syempre kami—lalo na iyong tayo, tayo na lumaban sa diktadurya noon, iyong frustration, nasi-share—parang shinishare natin. Dahil ngayon, dahil sa kasinungalingan na nasa social media, nabaliktad tuloy, ‘di ba? Nabaliktad tuloy na parang pinapalabas na iyong kasamaan, iyong mga abuses, iyong pagtorture, iyong pamamatay, iyong pagnanakaw na nangyari during the Martial Law years, ngayon, because of social media, hindi lang na hindi alam karamihan ng ordinaryong Pilipino pero ang akala nila ay hindi totoo iyong paratang. So para po sa inyo, sa opisina ninyo, ano iyong mga kailangang gawin para mabalik sa consciousness ng Pilipino kung ano talaga iyong katotohanan?

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: Ibabalik ko po sa inyo at sa isang senate hearing. 2016. Si Senador si Bam Aquino. Tinanong po niya ang isang biktima na ating kalihim sa DepEd na si Sec. Liling Briones. Nagtaas siya ng isang libro ng Grade 5 Araling Panlipunan. Ang tanong niya, “bakit hanggang ngayon, ganito pa ang nakasulat sa ating mga textbook na ipinapamahagi sa lahat ng public school?” So challenge po iyon, challenge. Itong pandemya, nakikita ko pong isang magandang opportunity. Una, wala nang textbook na hawak ang mga estudyante so ang labanan, nasa internet. At ginanap po namin iyong second Martial Law Wikipedia Edit-a-thon at sa mga artikulo na binasa, these are the Google statistics—443,000 ang na-view na articles natin, ang engagements sa mga webinars on online database, 2,788 kung 100 lang ang shinare nila, eh that’s 278,000 people na nareach noong nagtakbo tayo ng webinars na kasama si Dr. Maris Diokno, JC Punongbayan, Atty. Byron Bocar ng HRVCB, si Sir Mzy—Dr. Trimzy Abdullah of the Mindanao State University tungkol sa Martial Law. Ang Facebook engagement natin, 28,218. If they had only 100 friends each, na-reach natin mga, 2.8 million. Ito na ang bagong labanan dito sa platform na ito. Online database, Wikipedia Edit-a-thon dahil itong mga kabataan natin, kapag magreresearch, ang unang pupuntahan, Wikipedia.

     

    VP LENI: Ito nga, Sir, nabasa ko ‘to, itong ginawa niyong, Edit-a-thon, napakahalaga nito. Napakahalaga para i-correct iyong revisionism na nangyayari ngayon. Pero sa totoo lang, Sir, para sa akin, kailangan ituloy-tuloy natin ito. Para sa akin, ituloy-tuloy natin kasi marami talaga tayong nakakasalamuha na ang pakiramdam nila, biktima pa ang mga Marcos—ang pakiramdam nila, biktima pa ang mga Marcos, ang pakiramdam nila naapi masyado, naapi masyado iyong mga Marcos na alam natin na hindi ito totoo at ang dami talagang lumalabas ngayon na kapag nabasa mo iyong mga articles, very frustrating. Very frustration. So iyong sa akin lang, Sir, papaano kaya matutuloy-tuloy? Kasi ako nga, kung tatanungin mo ako, sana nga ano, mas maagang natapos iyong museum, ‘di ba? Kasi itong museum iyong magpapakita na ito ang katotohanan. Na ang pupuntahan iyong—ang katotohanan, wala sa YouTube. Ang katotohanan, wala sa Facebook. Pero ang katotohanan, nasa sugat, hindi lang sa katawan pero sugat na talagang naiukit sa buhay ng mga biktima at saka sa pamilya ng mga nawalan noong time ng Marcos regime. Ito, Sir, alam natin—ako kasi naimbita na ako doon sa Bantayog ng mga Bayani. Iyong Bantayog ng mga Bayani, alam natin, nakaukit din doon iyong pangalan ng mga nabiktima. Pero dito sa tinatayo na museum, aside from nakaukit iyong pangalan ng mga biktima, ano iyong puwede nating maasahan na makikita?

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: May mga labing-apat na galleria ang nasa loob ng museo at nakuha na natin ang kung tawagin na AVSECOM van or Aviation Security Van kung saan doon nilagay si Ninoy Aquino pagkamatay niya sa Tarmac. That is one big artifact na hawak na natin, ngayon nire-restore po natin. Dalawa lang ang AVSECOM van sa buong mundo at ito mismo ang van kung saan tinapon po ang bangkay ni Ninoy Aquino. Hinahanap po namin at nakikita na namin kung saan iyong tangke na tinulak ng mga tao sa EDSA corner Ortigas. It’s a marine tank ng Marines. Hinihiling na namin sa Armed Forces of the Philippines na iyan ay kasama sa ating museo. Para iyong mga kabataan, puwede ring magtulak at mag-selfie doon to relive that momentous and triumphant occasion. Bukod doon, itong mga galleria, ilalabas na namin iyong bidding for the curator para malamanan na dahil ang laman ng museo kahit gaano kagandang istraktura, ang istorya ng bawat isang biktima, iyon ang inilalaman ng museo na iyon. Ilalabas rin natin sa galleria kung paano lumaban ang taumbayan sa iba’t ibang paraan. Iyong iba, naging marahas. Iyong iba naman, ang ginamit nila ay kapayapaan at ang nagwagi actually ay ang People Power na nationwide. Iyan ang ipapakita natin sa loob ng Museo. Ito ang kontribusyon ng Pilipinas sa komunidad ng mundo ng mga Human Rights museum—our first contribution po.

     

    VP LENI: Ako, Sir, isi-share ko lang sa iyo na ang isa sa mga napuntahan ko na lugar na ramdam na ramdam ko kung ano iyong karahasan na ginawa noon—iyong sa Laur. Iyong kung saan iyong solitary confinement ni Ninoy saka ni Senator Diokno and pagpasok ko doon, ramdam na ramdam ko iyong hirap na pinagdaanan nilang dalawa. Naalala ko mayroon doon—parang kay Senator Diokno yata iyon, hindi niya alam kung umaga o gabi so para alam niya lang na nagpapalit na iyong araw, iyong kulambo niya, iyong alam mo iyong pisi ng kulambo, nina-knot niya para alam niya na nagpapalit na iyong araw. Iyong sa akin, unimaginable eh. Unimaginable na pinagdaanan nila iyon pero lalo ding unimaginable iyong pinagdaanan noong mga na-torture. Napakinggan ko na si Ka Etta—Ka Etta Rosales ng pinagdaanan niya na marami kahit si Sec. Butch Abad, pinagdaanan niya. Pero iyong sa akin lang, napakamalagim na bahagi iyon ng ating kasaysayan. Nasaan ba tayo, Director, doon sa pagpush na sana iyong katotohanan about Martial Law, tinuturo sa mga paaralan?

     

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: Nais po naming itatag iyong Essential Truth Summit, siguro kahit sampung katotohanan tungkol sa Martial Law. Una, bakit nagka-Martial Law? Dahil ba kailangan isalba ang ating bayan o dahil ba nais talaga ni Marcos ipagpatuloy ang kanyang pamumuno? Sa mga ibang tao, truth number one, katotohanan number one, pinagdedebatehan pa eh dapat tapos na iyan—tapos na tapos na iyan. Pangalawa, itong mga karahasan na ginanap sa mga tao, ito ba ay ginawa lang ng isang sadistang koronel o state-sponsored? Ika nga, buong gobyerno. At makikita natin ang kahalagahan ng pag-aaral, pagsisiyasat ng panahon na ito kung bakit tayo narito ngayon dahil wala pong—itong masakit, nahusgahan, napiit at nabigyan ng sentensiya sa karahasan sa mga karapatang pantao kaya nagkaroon po ng impunity hanggang ngayon kasi hindi natin natutunan iyon eh. Hindi natin ginawa iyong hustisya na nararapat.

     

    Isa pang anecdote ko— natatandaan ko po ito eh, noong 2017, nasa Cagayan De Oro po ako. Bumaha. Kung natatandaan ng mga taga-Cagayan, ang lakas ng baha. May nagsabi sa atin, “Totoo ang climate change”. Ang sabi ko, kung babalikan natin ang panahon na Marcos Martial Law, kaya bumaha dahil pinutol ng mga cronies ni Marcos lahat ng puno sa taas. Iyan ang dahilan, hindi climate change. Greed. Kasakiman.

     

    VP LENI: Sir, ‘di ba, mayroon pa, Sir dalawa eh. Mayroon akong dalawa na paulit ulit na narrative na nababasa ko na nagko-cause talaga siya ng malaking frustration sa akin. Iyong number one, hanggang ngayon, hindi pa din—naniniwala pa din iyong mga tao na hindi talaga nagnakaw, hindi nagnakaw sa posisyon. Gusto ko itong balikan kasi nabanggit mo nga ito kanina, eh. Nabanggit mo nga ito kanina, eh, na iyong batas na naipasa noong 2013 ng Congress, iyong pagbigay nga ng reparation sa mga biktima galing doon sa ninakaw nilang yaman na nabawi ng ating mga gobyerno, ‘di ba?

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: Ito ang kauna-unahang beses na isang bayan—sinabi sa akin ito nasa Switzerland ako, eh—ito ang kauna-unahang beses, you should be proud of this, no other country has done that—recovered the loot of a former dictator and distribute it to its victims. Tayo lang po iyan. Kahit may frustration tayo, modelo parin tayo ng ibang mga bansa na dumaan mula diktadurya, hanggang demokrasya.

     

    VP LENI: At saka ano, Sir, eh, I think yung pinaka mahalaga nung pagkabawi natin, iyon iyong number one proof na mayroong nakaw na yaman eh ‘di ba? Kasi ngayon pag binasa mo ngayon—kapag binasa mo ngayon iyong mga social media pages na ginawa nung mga Marcoses, parang ano eh, pinapalabas nila na chismis lang iyon, pinapalabas nila na pagpapa—ano iyon, parang sinisiraan lang sila. When in fact itong pagkabawi nito, ito nga iyong biggest proof na talagang iyong nakaw na yaman nandiyan, tapos yung pangalawa, Sir Chuck, iyong pinaka-pangalawa iyong sinasabi iyong accomplishments, ‘di ba iyong pinaka-maraming, kahit hindi ito totoo. Halimbwa, kagabi lang nabasa ko pinaka maraming infrastructure na napagawa. Una hindi totoo, kasi iyong facts nagpapakita na hindi totoo na iyong pinaka maraming infrastructure nagawa during the time of President Marcos. Pero parang nakakalimutan ng tao na number one, 21 years silang nakaupo, number two, nung umalis sila, baon na baon tayo sa utang na hanggang ngayon binabayaran natin iyong utang na iyon. So sa akin, Sir, siguro iyong challenge at saka tatanungin din kita, para inyo, ano kaya iyong pinaka mabuting paraan para mapaintindi natin sa tao na iyong kasinungalingan na patu—parang iyon iyong ginagawa nilang narrative ngayon, hindi magpatuloy.

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: Una po, ang mga taong nasa 18 to 24 years old, sampung milyong Pilipino iyan. Sampung milyong Pilipino po iyan, iyan ang tinatawag naming magiging first time voters in a national election, sampung milyon. Itong mga bata na ito, they never lived through Martial Law, pero they will determine, sila, nasa kamay nila kung anong klaseng lipunan ang nais nila para sa atin. Dapat sila ang maabot natin. Ngayon, sinong magsasabi sa kanila anong tunay at anong hindi. Eh dapat po mga titser. Nung senate hearing nga na sinabi ko sa inyo noong 2016, nalaman namin na ang average age ng public school teacher ay 30 to 35 years old. Hindi din sila nakadaan na na panahon ng batas militar. Pero ang punto ko, hindi naman tayo dumaan sa Katipunan pero alam natin ang istorya ng Katipunan at ang kabayanihan ng ating mga lumaban laban sa Espanya at mga Amerika, bakit itong istorya natin ng Marcos Martial Law mahina ang pagsasalin, mahina ang pagtuturo. Alam niyo po, VP Leni, tinignan ko po ang curriculum ng lahat ng defense sectors natin, security sectors. Ano ang tinuturo sa PMA, anong tinuturo sa PNPA, ano ang tinuturo sa mga akademiya ng ating mga pulis at militar tungkol sa panahon na iyon? Wala po.

     

    VP LENI: Kaya ano, Sir, ano, ito talaga iyong pinaka problema. Ang pinaka problema siguro iyong failure din ng post Martial Law na mga administrations parang nakaligtaan na i-embed sa curriculum ng mga estudyante natin iyong katotohanan sa kasaysayan. Kaya paulit-ulit na nagkakamali tayo kasi ganoon naman eh, kaya tayo nagaaral ng history, para matuto tayo. So ngayon parang hindi tayo natututo kasi binigyan natin ng pagkakataon na iyong katotohanan sa ating kasaysayan ay mabaliktad.

     

    Pero sa akin, Sir Chuck, na siguro—wala na kasi tayong oras—pero sa akin magpapasalamat ako sa iyo sa na pinagbigyan niyo kami on a Sunday morning. Pero more importantly magpapasalamat din ako sa opisina ninyo, magpapasalamat sa opisina ninyo na isa ito sa mga konting institusyon na natitira na iyon iyong parang proof positive, na talagang iyong karahasan, iyong kadiliman, nangyari. Kasi ngayon iyong frustration talaga iyong nakaka—iyong may ability na mag-change ng narrative. Iyon iyong may hawak, may pera eh, and ano iyong assurance sa atin na parang iyong sarili nating pera ginagamit pa para maghasik ng mga kasinungalingan. So sa akin, Sir Chuck, sana hindi ito huli, sana maimbitahan namin in a succeeding na conversations like this iyong opisina ninyo, para patuloy na hingian ng datos, hingian ng enlightenment. Kasi tingin ko because of the 2022 elections lalo pang, lalo pang iyong kasinungalingan na tinutulak ngayon ay lalo pang pagkakagastusan, and ang magbe-benifit talaga niyan, iyon ding nang-api sa atin in the past years.

     

    So maraming salamat, Sir Chuck. Siguro hingian lang namin ikaw ng pang parang closing na message sa mga nakikinig sa atin ngayon.

     

    CARMELO VICTOR CRISANTO: Salamat, VP Leni. Sa mga nakikinig o nanonood pumasok po kayo sa thefreedommemorial.ph. Iyon po iyong website namin. Kami ang pinaka maliit na ahensya sa lahat ng mga hanay ng gobyerno ngayon, wala pa kaming 40 million sa budget, wala pa kaming 5% ng Commission of Human Right, pero lumalaban po kami mailabas ang katotohanan hindi propaganda. Triangulation of truth. Pero ito nga, itong Disyembre at itong mga buwan na ito, nakita namin in-attack rin kami ng trolls, subok na ibaba iyong site namin, day in and day out po. Palagi kaming may atake galing sa trolls, pero inaakyat po namin iyong seguridad natin para iyong katotohanan ay hindi mawala sa ating piling.

     

    VP LENI: Ayon, maraming Salamat, Sir Chuck. Bisitahin po natin iyong—ako hihikayatin ko iyong lahat ng mga kasama natin na mga groups na suportahan natin iyong site na ito at suportahan natin iyong lahat ng attempt na i-secure iyong tunay na, iyong kuwento ng tunay na nangyari sa kasaysayan natin noong mga nakaraang taon. So maraming, maraming salamat sa iyo. Mabuhay po kayo.

     

    [END OF INP SEGMENT]

    ELY: Okay, Salamat po. Okay, Ma’am, at bago tayo magpaalam, mensahe po ninyo sa ating mga kababayan ngayong umaga.

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely, magpapasalamat lang ako, mapapasalamat ako sa lahat ng supporters. Gaya po nung mensaheng inilabas ko noong Friday—Friday ba o Thursday na naririnig ko po kayo, sine-seryoso ko iyong mga pinapaabot niyong mga mensahe sa akin. Humihingi po ako ng paumanhin na patuloy na hindi lang nagdi-discern pero patuloy na naghahanap ako ng mga paraan para kung maaring pag isahin iyong mga grupong nandiyan. Ito po iyong mga grupo na not necessarily kapareho natin sa lahat ng paniniwala. Pero sana po naiintindihan natin na napaka-seryoso ng 2022 elections dahil doon sa danger na magbalik—magbalik iyong mga Marcoses, magpatuloy iyong ganitong klaseng pamamahala. Iyong laban kong ito, hindi lang para ilaban ako bilang kandidato, pero ilaban naman po natin iyong ating bansa. Iyon po iyong aking pinaka pakiusap. Hindi po—iyong nakakatagal po sa aking pag desisyon, dahil marami tayong isinasaalang-alang. Hindi po ito desisyon na gusto ko bang kumandidato o hindi, lampas na po iyon. Ang ngayon po iyong ating pagdedesisyon ano po iyong palagay natin pinaka makakabuti para sa atin. So humihingi po ako ng paumanhin. Nagpapasalamat ako sa inyong lahat.

     

    ELY: Okay, Ma’am, salamat po.

     

    VP LENI: Salamat, Ka Ely.

     

    ELY: Ingat, Ma’am. Mga kababayan iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat, ako pa rin po ang inyong radyoman, Ely Saludar. Muli po isang magandang umaga, Pilipinas.

     

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Sep 26, 2021