This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 226

    BISErbisyong LENI Episode 226

    ELY: Good morning! Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas at Mindanao. Ito na po ang BISErbisyong Leni sa RMN. At siyempre ngayon po ay araw ng Sunday, Linggo, September 5, 2021. Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Tuloy na ho tayo. Siyempre mula po dito sa DZXL RMN 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan De Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga. At siyempre sa lahat po ng inabot ng broadcast nationwide, netwide, mga kasama. Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. Kasama po natin– Okay, makakasama na po natin ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President, Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely. Good morning po sa lahat na nakikinig ngayong umaga sa RMN DZXL, sa mga sumusubaybay po sa ating Facebook pages—Facebook page ng RMN, at saka Facebook page ng Leni Robredo. Sa atin pong mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos. Sa ating mga kababayan sa Visayas at MIndanao, maayong buntag. Good morning, Ka Ely.

    ELY: Opo. Good morning, Ma’am. Sa ngayon ay, para po sa kaalaman ng ating mga listeners, ay kumusta ho ang ating mga ginawang aktibidad? At kayo po ay naka-quarantine pa rin, Ma’am? Tapos na

    VP LENI: Last day ko ngayon, Ka Ely.

    ELY: Lalaya na kayo?

    VP LENI: Makakalaya na ako bukas. Ang dami pa naman namin trabaho. Pero alam mo, Ka Ely, ngayon hindi ko naramdaman iyong quarantine ngayon kasi ang dami naming trabaho, so work from home kami. So bukas, Ka Ely, regular ano na ano, regular schedule kasi sa opisina na ulit ako. Marami-rami din, marami-rami din ang na-quarantine sa amin, Ka Ely, kasi very strict kami. Very strict kami sa quarantine at saka sinusunod talaga namin iyong protocols ng IATF. So ako, Ka Ely, Monday last week alam ko na na negative ako kasi nag RT-PCR ako. Pero iyong protocol kasi, Ka Ely, kahit na negative ka na, kailangan mo pang tapusin iyong 14 days na quarantine. So ngayon iyong ika-14th day ko kaya bukas nasa opisina na ako.

    ELY: Opo, Ma’am. At awa ng Diyons kayo po ay na-expose dito po sa mga nagpo-positibo pero hindi ho kayo nahahawa, ano, at tuloy-tuloy po ang serbisyo ninyo sa bayan.

    VP LENI: Tingin ko, Ka Ely, mahalaga talaga na sinusunod iyong protocols. Mahalaga na sinusunod ang protocols kasi halimbawa wala pa kaming nadedetect sa opisina na—walang outbreak sa opisina. Mayroong mga nagpa-positive, pero walang iyong mga hawaan. Wala kaming ganoon. Halimbawa, iyong pinaka-huli namin nag-positive, ang daming na-expose sa kaniya pero walang nahawa. So sa akin, Ka Ely, mahalagang ipaalala ito sa mga opisina. Mahalagang ipaalala sa mga opisina na ano talaga, eh, nasa kamay talaga nila iyong hawaan sa opisina. Kasi kapag medyo careless, Ka Ely, doon talaga. Doon talaga nagkakahawaan. Ito, inuulit-ulit ko. Ishe-share ko lang iyong protocols namin. Sa amin talaga, ang strikto lang ng protocols. Halimbawa, iyong mga unit heads namin, may listahan siya kung sino lang iyong puwede pumasok sa isang araw. Kapag wala ka sa listahan, hindi ka papapasukin ng guard. 

    ELY: Tama.

    VP LENI: Pangalawa, mayroon kami, Ka Ely, sa labas ng pinto namin, mayroon nakalagay kung ilang tao lang na puwede sa loob. Kapag more than that, mayroon na kaming mga upuan sa labas, so doon ka. Strikto kami doon. Ang pangatlo, na tingin ko pinakamahalaga, iyong walang kumakain nang sabay-sabay. Kasi kapag kumakain nang sabay-sabay, doon talaga nagkakahawaan eh. Kasi tinatanggal mo iyong mask, eh. So sa amin, halimbawa may birthday. Mayroon naman nagdadala ng pagkain. Ilalatag niya lang iyong pagkain. Parang may buffet table– O pa-minsan may nagdadala ng pagkain sa opisina, ilalatag lang sa table–kaniya-kaniyang kuha. Pero iyong kainan, kaniya-kaniyang opisina, babalik sa la mesa niya o maghahanap ng isang sulok na walang kasabay kumain. So tingin ko, nakakatulong siya. Kaya ilan na ba kami? One and a half years na tayo, Ka Ely. So far, may mga nagpo-positive sa amin pero kadalasan nakukuha sa labas. Nakukuha sa labas, sa loob, iyon nga. Hindi namin kinailangan mag-lockdown dahil ang daming na-infect. Kadalasan, Ka Ely, may mga pangilan-ilan. Pero grabe din iyong contact tracing namin. Iyong mga pangilan-ilan, Ka Ely, sa mga contact tracing halos wala pang nahahawa within the office. Iyon naman ang pasasalamat natin.

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    VP LENI: Pero Ka Ely, bago natin ituloy iyong ating program, ni-request ko sa team natin na unahin natin iyong Istorya ng Pag-asa. Kasi iyong bisita natin ngayon, Ka Ely, wala pang tulog. Wala pang tulog, kasi duty siya magdamag. Ano siya– Nakuwento ko na ito, Ka Ely, dati na ‘di ba mayroon kaming Bayanihan E-konsulta. Mayroon tayong almost a thousand volunteer doctors. Pero doon, Ka Ely, sa almost a thousand na iyon, karamihan sa  kanila, nagvo-volunteer on their free time. Pero mayroon tayong apat– Mayroon tayong apat na full-time na napakiusapan talaga natin, Ka Ely. Ano sila, volunteer na full-time. Iyong isa, naging bisita na natin dati, si Dr. RJ. Iyong isa, si Dr. Serge, hindi pa natin naging bisita. Iyong isa, si Tricia, iyong anak ko. Tapos ito, Ka Ely, iyong bisita natin ngayon, ipakilala ko muna. Si Dr. Keisha Mangalili. Nandiyan ka na ano? Hindi ka halatang walang tulog. Ito si Dr. Keisha, Ka Ely. Kinuwento ko sa kaniya, sobrang idol ito ng anak ko. Kasi ano, napaka-humble, napakahusay. Ano ito, Ka Ely, UP College of Medicine, Intarmed. Alam naman natin, Ka Ely, na iyong Intarmed napakahirap pasukan. Pero iyong puso nasa pagtulong talaga. Noong kino-conceptualize pa lang namin, Ka Ely, iyong program, kasama na namin siya. Kasama na namin siya noong kino-conceptualize iyong program. Tapos out of the doctors na kasama namin, siya talaga iyong mayroon nag experience sa telemedicine. Pero mag-good morning muna tayo sa kaniya para maya-maya makatulog na siya. Doc Keish, good morning sa iyo.

     

    1. KEISHA MANGALILI: Good morning po, Ma’am. Good morning po, Ka Ely.

     

    ELY: Good morning.

     

    1. KEISHA MANGALILI: Good morning po sa lahat ng nakikinig ngayon.

     

    VP LENI: Duty din ako kagabi pero ako may tulog na kasi parang alas tres pasado nakatulog na ako. Nakatulog na ako, gumising na ako, paggising ko, Doc Keish, pagtingin ko sa thread nandun ka na rin kaya alam kong wala ka pang tulog. Pero, Doc Keish, kasi gaya nga ng sabi ko, alam ko matindi iyong pinagdaanan mong journey noon ikaw ay medical student kasi alam natin na pag UP PGH, tapos ikaw Intarmed pa, ang tindi. Pero ikaw nasanay ka na sa kawanggawa. Nasanay ka sa kawanggawa. In fact, before ka nag-join sa amin sa Bayanihan E-Konsulta, volunteer ka na din sa isa pang teleconsultation service. Ano ba iyong nagtutulak sa iyo para ito iyong i-pursue na path?

     

    1. KEISHA MANGALILI: Actually, malaking bagay po noon iyong naging experience ko rin sa PGH. Dahil sa PGH parang na-expose kami sa iba’t ibang klase ng tao. Nakita namin doon na iyong problemang medikal, hindi lang po iyon ang inaalala nila, na maraming pang ibang factors na kailangan i-consider. So as much as possible, sinusubukan po namin na padaliin iyong access nila sa healthcare para isa po iyon sa bawas nilang iisipin. Kasi karamihan po sa mga nagiging pasyente namin sa PGH, iniisip nila magkano iyong gagastusin kapag nagpa-checkup, ano-ano iyong mga gamot, kakayanin ba ng pamilya kung kunyari hirap na po sa trabaho lalo na po ngayon nag-pandemic na ang dami pong nawalan ng trabaho. So parang isa iyon sa mga inaalala kaya kaya minsan hindi na sila nagpapa-check up. So sa amin po, sa part namin as doctor, siyempre gusto namin sila i-encourage. Pero mahirap po sila i-encourage kung basic needs nila ay pinoproblema nila. So kahit iyon po naman ay matugunan natin. Iyon po. Iyon ang goal natin as–

     

    VP LENI: Tapos ito, Doc Keish, naka-kuwentuhan na kita and tinatanong kita kung ano iyong plano mo in the future. Tama ba iyong pag-alala ko na sabi mo gusto mong i-pursue na path, public health talaga?

     

    1. KEISHA MANGALILI: Opo. Actually, mas na-reinforce siya nitong pandemic. And after noong naging experience po natin sa Bayanihan E-Konsulta. Kasi ang public health po hindi lang siya medical talaga. May kasamang policy. Tinitignan po lahat ng factors that would make the system work. Kaya iyon po sana iyong gusto ko sanang i-pursue.

     

    VP LENI: Oo kasi, ‘di ba, iyong konsepto kasi natin ng doktor, iba-iba din iyong dimension, ‘di ba? Pero ako kasi frontrow seat din ako dahil unang-una, iyong anak ko kasama mo si Tricia. And nakikita ko iyong sakripisyo ninyo. Tapos moreso kasi iyong mga kagaya mo na honed ng public institution na mahusay kagaya ng PGH, would choose na iyong public health talaga to pursue. Pero ito, Doc Keish, gusto ko siyang i-interweave sa mga pasyenteng nakakasalamuha natin sa Bayanihan E-Konsulta. ‘Di ba ang daming– kasi ako nakikita ko lahat ng thread natin. Na magre-recommend kayo na kailangan ito dalhin sa ospital kasi mababa na talaga iyong oxygen saturation. Iyong ating ano to iyong oxygen tank parang temporary relief lang siya pero kailangan na siyang i-ospital tapos ang laking percentage iyong ayaw, ‘di ba? Ang laking percentage iyong ayaw. Sa experience mo, ano usually iyong mga dahilan kung bakit ayaw magpa-ospital?

     

    1. KEISHA MANGALILI: Well, iyong mga naging experience ko po isa sa mga pino-problema talaga nila is financial. Kasi for some of the patients hindi po iyon iyong unang kapamilya nila na naka-experience ng COVID. So nakapagpa-ospital na rin sila dati, nakagastos ng medyo malaki and iyong iba po dahil walang trabaho, wala na silang parang ipangtutustos doon sa susunod na pagpapa-ospital. Iyong iba naman po natatakot din na baka dahil ang dami pong nagiging balita, ang dami information sa labas na hindi natin nave-verify tungkol sa COVID so mas marami po iyong parang natatakot na baka ms lalong lumala kapag dinala sa ospital or baka mamatay kapag dinala sa ospital so iyon po iyong mga nakita natin mga reasons ng mga pasyente natin kung bakit ayaw po nila.

     

    VP LENI: Tapos ito, Doc Keish, kahit– Kasi sa opisina natin, mayroon din tayong public assistance, minsan kahit ina-assure natin sila, natutulungan natin sila sa panggastos, ano pa rin mahirap pa rin silang kumbinsihin.

     

    1. KEISHA MANGALILI: Opo.

     

    VP LENI: At minsan nga frustrating ito sa atin kasi nakikita talaga natin iyong kalagayan nila tapos hindi naman natin sila mapipilit na pumunta sa ospital. Pero ayaw talaga. And the reason why gusto ko siyang i-take up ngayon kasi gusto nating ipakita sa nakikinig sa atin o nanonood sa Facebook Live na very real talaga iyong ano– Very real iyong fact na talagang ang daming ayaw mag-seek ng further medical attention dahil sa panggastos. Pero ito, Doc Keish, mayroon na naman tayo, April 7 tayo nag-start during the last surge. Iyong pansin mo ba, ano iyong difference ng last surge sa surge ngayon?

     

    1. KEISHA MANGALILI: Actually, iyong malaking difference po na napansin namin is iyong maraming actually ang gusto magpa-ospital. Maraming nag—parang humihingi po ng tulong mapa-ospital sila pero nahihirapan po tayo na maghanap ng vacancy for them. Minsan inaabot na nga po tayo ng ilang oras para maghanap. Iyong iba po napapalad na maadmit after some time, pero iyong iba hindi na natin naaabutan na madala sa ospital.

     

    VP LENI: At saka ano, Doc Keish, ‘di ba, i-share lang natin sa kanila na ngayon, ang struggle natin everyday, maghanap ng ospital.

     

    1. KEISHA MANGALILI: Opo.

     

    VP LENI: Naalala ko—hindi ko alam kung ikaw Doc Keish iyong– Ikaw yata, eh. Kayo yata ni Tricia iyong duty noong iyong isang pasyente natin na na-admit siya sa pang 9th niya na ospital. Alam mo iyon? Hirap na hirap nang huminga, tapos nasa sasakyan, minsan sa ambulansya natin. Tapos from one hospital to another, hinihindian sila. Tapos ‘di ba ano minsan ang pakiusap na lang natin kahit makapila lang sa ER. Pero maraming ospital na ayaw na silang papilahin sa ER. Napansin mo ba iyon?

     

    1. KEISHA MANGALILI: Opo and ang bigat po niya actually sa damdamin kasi nandiyan na po iyong pasyente. Willing na po silang mag-seek ng medical help pero walang available institution or facility na tatanggap sa kanila so…

     

    VP LENI: Tapos mag-e-expire iyong pasyente. Nag-e-expire iyong pasyente na hindi talaga na-admit. Naalala ko, Doc Keish, ikaw yata iyon or hindi ko maalala kung ikaw or si Doc RJ ang duty, na parang namatayan na sila ng lola sa COVID tapos ito, iyong hindi ko alam kung ano iyong relationship ng relative sa pasyente na– Parang taga-South siya na tinuro na natin sa isang ospital, tapos pinaasa tayo na sabi pang 15 sa ICU. Tapos nakapila na siya doon, tinatanong natin iyong ospital, “mga gaano kaya katagal siya maghihintay?” Ang sabi sa atin baka days. Baka days maghihintay kasi hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng bakante sa ICU kaya sobrang frustrating. Pero ito, Doc Keish, with all the experiences natin ngayon—frustrations, iyong kakulangan ng ating healthcare system—kung bibigyan ka ng wishlist ngayon, as a doctor, ano iyong mga on top of the wishlist na hihingiin mo?

     

    1. KEISHA MANGALILI: Well, for one po, added– Well, siyempre iyong healthcare workers natin, simula ng pandemic ang laki na ng sinasakripisyo nila so sana sila po na nag-aalaga ngayon sa mga COVID patients ay sana maalagaan din po. Isa rin po iyon sa naging reason ko kasi naging personal experience ko iyon na nung na-expose ako during a duty in the ER, sariling gastos iyong pagpapa-RT-PCR and all. So parang iyon po sana maalagaan natin iyong healthcare workers natin kasi part sila ng defense natin against this pandemic. And then isa po siguro is testing, mass testing. Isa po sa nagiging mahirap na problems ngayong pandemic is hindi natin ma-identify ang cases. And ang goal sana natin, ang plan sana natin is to identify and isolate, tapos treat. So hindi natin ma-isolate kasi hindi tayo nagte-test enough ng mga tao. So sana mas maging accessible po iyong testing kasi isa din po iyon sa napansin namin with our BEK patients.

     

    VP LENI: Oo, ang dami ‘di ba? Ang daming gustong magpa-test na walang...

     

    1. KEISHA MANGALILI: Opo. Walang—ang dami sana ng parang iyong ibang hospitals nagre-require na sana may result na para alam nila kung ilalagay nila sa COVID ward or sa non-COVID ward. Pero iyon nga po eh, hindi nila alam. Hindi alam ng patients kung saan magpapa-test so nahihirapan din po tayong i-trace. Tapos after the fact na lang po at saka lang tayo magsa-start mag-trace, hindi na alam kung gaano katagal na-expose or kani-kanino na po na-expose iyong mga patient. So iyon po, mass testing talaga ang nasa top ng aking wishlist.

     

    VP LENI: Ako, Doc, gusto ko i-emphasize iyon na totoo talaga na hindi readily accesible iyong testing kasi ang dami nagre-request sa atin, ‘di ba. Ang dami nagre-request na pa-minsan nga hindi naman sila nanghihingi. Nagpapatulong lang sila kung saan sila magkakaroon ng access.

     

    1. KEISHA MANGALILI: Opo.

     

    VP LENI: Tapos totoo din iyong reality na healthcare workers mismo sasagot ng kanilang testing. Kasi naalala mo, Doc Keish, mayroon ngang ospital na nag-request sa atin na i-test natin iyong mga healthcare workers kasi nagkaroon na naman ng outbreak. So ako nga noong nakita ko iyong request, parang, ospital na ito ha pero talagang–at public hospital. Pero talagang kinukulang iyong testing, so talagang iyong mga kakulangan ng healthcare system, na-e-expose talaga sa mga pandemyang ganito. And siguro makaka– 'di ba kasi ikaw, Doc Keish, nag-duty ka na magdamag. Si Tricia din, pareho mo. Kahit nag-duty na magdamag, kung may vaccination the following day, duty pa din. So siguro iyong last question ko para makatulog ka na, ano iyong nagbibigay ng fire sa sarili n’yo na maging ganoon? Na kahit walang tulog, sige pa rin nang sige.

     

    1. KEISHA MANGALILI: Sa akin po kasi, isa na lang– Parang iniisip ko na lang din na kailangan ipagpatuloy iyong laban kasi mahirap po kung susuko na tayo ngayon. Ang daming nangangailangan. Ang daming hindi– Parang iyong sa experience po natin sa BEK, hindi pa po natin nakikita kung gaano kalayo at gaano kalalim iyong extent noong laban. So mahaba pa po. So kahit in this small way, maka-contribute po tayo sa pag-solve nitong pandemic. Kasi masyado na pong malaki at marami ang kinuha nitong pandemya mula sa atin. And malaking bagay din po iyong mga kasama and katrabaho ko na parehas din po iyong drive, parehas din po ang passion to serve. Nakakatulong sa pagpapalakas ng loob. At siyempre iyong mga pasyente po natin na minsan kahit hindi po natin mabigay iyong tulong na hinihingi nila, pero iyong maramdaman po nila na may nakikinig sa kanila ay okay na po iyon sa kanila. Ibang bagay—malaking, malaking bagay po iyon na feeling nila hindi sila naiwan nitong pandemic.

     

    VP LENI: Totoo. Ayon. Doc Keish, maraming salamat. Papatulugin na kita kasi wala ka pang tulog. Pero, Ka Ely alam mo, ito si Doc Keish, hindi lang siya iyong naninilbihan sa mga ginagawa namin. Buong pamilya–mama niya, iyong younger sister na medical student din volunteer namin sa Vaccine Express. Kaya maraming salamat sa inyo. Maraming salamat sa inyo, Doc Keish. Pagpalain sana kayo sa dami ng sakripisyo n’yo para makapag-silbi lang.

     

    1. KEISHA MANGALILI: Thank you din po.

     

    ELY: Thank you, Doc. Good morning.

     

    VP LENI: Ayon, Doc Ely—[laughs] Ay, Doc Keisha, maraming salamat.

     

    [END OF INP SEGMENT]

     

    VP LENI: Ka Ely, ano talaga, sobrang saludo ako dito sa mga volunteers namin. Volunteer doctors, pati na mga non-medical volunteers na nagko-call bridging agents, nagmo-monitor ng mga pasyente. Kasi ang tagal na namin dito. Nag-start kami April 7. Napahingahan lang kami ng mga June, July. Hindi kami nag-stop. Pero iyong June, July lang iyong medyo bumaba iyong kaso. Dati, Ka Ely—hindi pala, ngayon nag-a-average kami ng parang almost a thousand a day na pumapasok na messages. Pero, Ka Ely, hihingi kami ng paumanhin kasi naglagay na kami ng cap. Naglagay kami ng cap, Ka Ely, in a day para maasikaso namin lahat kasi hindi na namin kinakaya. Kahit marami kaming volunteers, iyong volunteers din mismo gusto nila magbigay ng parang quality na medical attention sa mga pasyente namin. So iyong mga nakikinig pong sumusubok pumasok sa system, ang advice po namin pasok kayo as early as possible. Bukas na po kami ng 8 o’clock [a.m.]. Kasi kapag—ang nase-serve lang po namin everyday, iyong first 400. Kapag pumasok po kayo kahit hindi pa alas singko, may message na hindi na kayo maasikaso, gustong sabihin lampas na ng 400.

     

    Dati kasi, Ka Ely, wala kaming cap. Ang problema doon sa walang cap, lumolobo iyong aming—lumolobo iyong hindi namin naasikaso, na babalikan kaagad. Kapag hindi namin nababalikan kaagad, ang sama sa pakiramdam, Ka Ely. Kasi halimbawa, kapag nabalikan namin malala na o wala na. So ngayon, gusto naming siguraduhing maasikaso namin each and every patient. Ang problema sa amin, Ka Ely, siyempre volunteer-driven kami. Hindi rin kami maka-impose sa mga doktor na mag-full time. Apat lang iyong full time doctors namin. Kahit ang dami naming mga volunteer doctors, siyempre mayroon din—nagdu-duty pa iyon sa ospital. Nagdu-duty sa clinic. So magdu-duty samin, spare time lang. Nagpapasalamat nga kami, Ka Ely, kasi hanggang ngayon kahit ang tagal na, busy-ng busy sila sa kanilang—iyong kanilang full-time job, nakukuha pa rin nila mag-volunteer sa amin. So ano lang po, hihingi lang talaga kami ng paumanhin doon sa hindi kaagad naseserve. Kapag hindi po kayo—halimbawa mag-log-in kayo ngayon, kapag hindi po kayo na-serve, ang amin pong request na kinaumagahan mag-register po kayo as early as possible para nandoon kayo sa first 400.

     

    So ngayon, Ka Ely, iyon iyong aming average. Mayroong mga araw na lampas 1,000 iyong pumapasok. As of last week, nag-a-average kami mga 900 plus. So may mga days na less than 1,000. May mga days na more than 1,000. Pero kinap muna namin sa 400. Kapag  volunteers namin, saka lang kami makakadagdag. Saka kami makakadagdag ng cap in a day. So ngayon pong surge, first 400 lang talaga.

     

    ELY: Opo. Okay, Ma'am. At ngayon, Ma’am, ang taas ho ng kaso ngayon 20,741.

     

    VP LENI: Pangalawa ata ito, Ka Ely, na pinakamataas. Iyong pinakamataas nung August 30, 22,000.

     

    ELY: Yes, Ma'am.

     

    VP LENI: ‘Di ba? Ang nakakatakot dito, Ka Ely, kasi iyong DOH mayroon siyang estimate 'di ba? Mayroon siyang estimate na puwedeng lumobo to as high as 43,000 in a day. Sana naman huwag na. Sana, Ka Ely, hindi na mangyari ito.

     

    Kasi kung ngayon nga na 20,000 hirap na hirap na tayo maghanap ng ospital. Mas mahihirapan tayo.

     

    Pinakinggan ko, Ka Ely iyong press conference ng mga doktor, mga nurses, iba pang mga health professionals, iyong HPAAC. Nag-presscon sila noong Biyernes, talagang grabe, Ka Ely. Umiiyak na iyong mga doktor. Umiiyak sila kasi sinasabi nila, Ka Ely, “ang dami na naming hindi naasikaso. Ang dami naming kailangang hindian na nangangailangan ng—kahit agaw-buhay na, nahihindian namin kasi wala na kami. Wala na kaming tao. Wala na kaming gamit. Wala nang mga ventilator. Wala nang mga, iyong mga high-flow na oxygen.” Kaya talagang ano, Ka Ely, grabe talaga ngayon.

     

    ELY: Pero dito, Ma’am, ay, ano bang nakikita niyo? Kasi kayo madalas ho ang OVP ay patuloy na 'di ba iyong pagtulong po, iyong inyong COVID response. So, ano ho kaya ang kulang sa inyong pananaw?

     

    VP LENI: Maraming kulang. Ang pinaka-basic kasi talaga, Ka Ely. Bago pa man tayo maka-treat, ang pinakabasic talaga iyong trace, test, isolate, 'di ba? Ka Ely, sa testing pa lang, pag 28% ang positivity rate, pagpapakita na hindi tayo nagte-test enough.

     

    Gustong sabihin itong 20,000, Ka Ely, dahil 28% ang positivity rate, gustong sabihin na ang daming hindi detected. Ang problema, Ka Ely, ng hindi detected, kapag hindi mo iyan na-isolate naghahawa iyan ng iba. Lalo pa kasi karamihan naman—karamihan naman asymptomatic o karamihan mild, moderate. Ang iba dala-dala lang talaga iyong sipon saka ubo eh. Lalo na iyong mga kailangan magtrabaho. So ito, Ka Ely, since last year sinasabi na natin mag-test ng mas marami.

     

    Ngayon, Ka Ely, lumobo tayo ng iyon nga 22,000–20,000 kahapon. Kapag tiningnan mo iyong number of tests, isa na ito sa pinakamataas. Parang nasa 70[,000]. Ang baba pa rin nyan. Kasi nagtest ka ng 70,000, ang nag-positive sa iyo more than 20. Sinasabi mo ang positivity rate mo ay 28, kapag 28 ang positivity rate mo gusto sabihin na halos ano iyan ah, halos 1 in every 3, 'di ba? 1 in every 3 nagpa-positive. Ang mahirap nito hindi mo siya ma-a-isolate lahat kasi hindi mo tinetest lahat eh. Iyong natatanggap namin ngayon, Ka Ely, na requests for testing, ang dami! Ang dami na sinasabi na, “lumapit na po kami sa ganito, lumapit na po kami sa ganito hindi kami mate-test.” Bakit? Iyon iyong point ko. Ito iyong pinaka-basic. So kung hindi ka mag-test enough, hindi ka rin makaka-contact trace enough. So baka hindi ka nakaka-test enough dahil mahina iyong contact tracing mo, 'di ba? Kasi kung mahina iyong contact tracing mo, hindi mo alam kung sino iyong ite-test.

     

    ELY: Yes, Ma'am.

     

    VP LENI: So sa akin, Ka Ely, iyon kasi iyong pinaka-basic eh. So test, trace, isolate, treat. Iyong treat naman, iyong hospital capacity. And kapag sinabi nating hospital capacity, hindi lang ito number of beds. Kasi in fact, kaya may disparity doon sa—‘di ba nakikita natin dun sa report ng DOH 'di ba? 60% plus occupancy, 70% plus occupancy. Pero kapag pinuntahan mo iyong ospital, hindi ka na tatanggapin. Kasi totoong may bed, pero walang tao. Wala nang personnel. Bakit wala nang personnel? Kasi, Ka Ely, iyong remuneration nila hindi nabibigay eh. Iyong sapat na remuneration nila hindi nabibigay. Eh ito, Ka Ely, mga health workers, last year pa to. Last year pa sila walang pahinga. Last year pa sila exposed sa— exposed sa danger araw-araw. Hindi ito iyong ano lang ha—hindi ito iyong healthcare workers na nasa COVID ward lang. Lahat ng nagtatrabaho sa ospital pati nga sa barangay eh. Kabahagi dito iyong mga orderlies, iyong mga janitor, iyong mga security guard ng ospital na day in and day out talagang COVID patients ang nakakasalamuha lalo ngayon na grabe iyong kaso. So iyong iba nagkukuwento, Ka Ely, iyong ibang mga ospital, ang dami nang nagfa-file na ng kanilang resignation. Mayroon sa aming mga nag-SOS na LGU na mayroon silang pambayad pero wala na silang makuhang personnel. Mayroon namang mga ospital na nag-e-SOS na ang problema nila kulang na sila sa oxygen. Oyong high oxygen flow kasi iyong kailangan, Ka Ely. Iyong high-flow na oxygen kulang na ng ventilator.

     

    Pinapakinggan ko, Ka Ely, iyong press conference. Iyong provincial health officer ng Agusan, nagsalita siya. Babaeng doktor. Kinukuwento niya, Ka Ely, na ang kahirapan sa mga probinsya—kasi unang una, hindi siya pareho ng Manila na maraming ospital. Sa probinsya, kaunti iyong ospital, kaunti iyong gamit. So sila, karamihan sa pasyente parang walang means. Eh alam naman natin ngayon iyong mga gamot for COVID, iyong Remdesivir, ‘di ba, iyong Tocilizumab, ang mamahal! Ang mamahal, ang hirap pang hanapin. So sabi nila, kahit—iyong dami nilang hindi nase-serve dahil sa kawalan. Kaya ang dami talaga nila, Ka Ely, na aasikasuhin na hindi natin alam kung bakit hindi naaasikaso na one and a half years na tayong nandito sa pandemic.

     

    ELY: Opo. Ma’am, dito ho kasi iyong granular lockdown, mukhang ito ang ipapatupad, ano, simula po sa September 8 at iyong mga—wala na iyong mga quarantine restrictions. Kayo, Ma’am, tingin niyo epektibo kaya ito?

     

    VP LENI: Hindi natin—sana. Sana, Ka Ely, kasi nag-lockdown na tayo, ‘di ba. Nag-ECQ na tayo, nakita natin noong unang ECQ, naging effective siya in the sense na na-delay natin nang kaunti iyong biglang paglobo. Pero itong panghuling lockdown, Ka Ely, hindi umepekto. Nakita natin eh. Hindi siya umepekto kasi hindi natin naramdaman iyong pag-slow down ng number of cases. So sa akin, Ka Ely, iyong mga tao, walang ayuda. Iyong mga tao magpipilit talaga iyan magtrabaho kasi kulang ng ayuda. Sa akin, kung magga-granular lockdown tayo, okay naman iyong granular lockdown pero hindi puwedeng iyon lang. Kung magga-granular lockdown tayo, buhusan na natin ng test. Buhusan na natin ng trace. Iyong mga naka-lockdown, buhusan na natin ng ayuda para maging effective siya.

     

    Ako, Ka Ely, okay naman sa akin iyong may mga negosyo na as long as mag-conform sa strict standards, payagan na. Halimbawa, Ka Ely, pinapakinggan ko iyong isang interview kay Congresswoman Stella Quimbo, sinasabi niya na parang iyong studies pinapakita na in fact, nabibigyan ng access to healthcare services iyong mga tao sa opisina. Sa mga nagtatrabaho halimbawa  iyong mga pumapasok sa construction, iyong pumapasok sa mga factory. Iyon, nabibigyan sila ng testing. Nabibigyan sila ng medical attention. Nagkakaroon sila ng access sa bakuna. So okay iyon as long as iyong implementation istrikto. So sa akin, kahit kasi mag-granular lockdown tayo nang mag-granular lockdown, kung iyong pinaka-basic hindi naman natin ginagawa, wala din iyon epekto. Patuloy lang na tataas iyong kaso. So sa akin, Ka Ely, whether malawakan na lockdown iyon, whether granular lockdown iyon, pero iyong basic sana gawin.

     

    ELY: Okay, Ma’am. At marami na ang nangangamba rito sa ginawang pag-aalis po ng travel restrictions ng ating Pangulo. Kasama iyong India. Anong take niyo rito, Ma’am? Ako kinakabahan din ako, eh.

     

    VP LENI: Ako, actually, Ka Ely, hindi kasi tayo privy sa kung bakit ganun iyong desisyon. Ako, iyong sa atin naman na dating hinihiling natin, sana ano, ‘di ba, lahat ng policy, data-driven. Hindi ko alam kung bakit magtatanggal tayo ng restriction ngayong ang taas-taas ng kaso natin. In fact, nakikita natin, Ka Ely, iyong ibang bansa nga napaka-istrikto, ‘di ba? Nakita mo iyong Hong Kong? Iyong Hong Kong sinuspend iyong PAL, sinuspend iyong Cebu Pacific. Mayroon lang siyang pasaherong pagdating doon, nag-positive, sinuspend na. So ang tanong ko lang, hindi ko alam, baka ginagawa din natin iyon, pero ganoon din ba tayo ka-istrikto? Kasi para sa akin, in fact, iyong laki ng problema natin nag-umpisa doon, ‘di ba? Natagalan tayo na mag-lockdown na ganoon na iyong sitwasyon dati sa Wuhan. So sana ngayon, Ka Ely, naka-base sa datos iyong desisyon. Kasi kung pinipilit lang natin, Ka Ely, na magbukas na iyong ekonomiya, bukas-sara tayo niyan. Okay iyong pagbubukas ng ekonomiya kung may kasabay itong pagprotect, ‘di ba? Pagprotect sa bawat isa sa atin. Pero kung binuksan lang natin for the sake na bubuksan na wala namang kaakibat na pagsiguro na protektado tayong lahat, ganoon iyon, magko-close-open tayo na magko-close-open.

     

    ELY: Opo. At marami rin nagtataka maging sa mga mambabatas natin eh, iyong pondo ng DOH eh, iyong ano wala palang budget, ano, sa mga benepisyon ng ating mga healthcare workers, pati iyong RITM. So ang DOH dapat, mukhang nabawasan pa ang DOH, Ma’am iyong budget eh may krisis pangkalusugan tayo.

     

    VP LENI: Binawasan, Ka Ely. Binawasan, Ka Ely. Iyong napanood kong portion na tinatanong si Secretary Duque ni Congresswoman Stella Quimbo rin, parang mayroon silang proposed na nakalimutan ko, Ka Ely, iyong amount eh. Parang P40 plus billion. Binawasan. Pang ano sana, parang binawasan pa ginawang 19. Kasi inalis iyong allowances ng mga healthcare workers. Kasi parang ang justification, Ka Ely, nasa Bayanihan 3 na kasi iyong allowances. Pero ang fact kasi, Ka Ely, ang Bayanihan Bill 3 pala, ang Bayanihan 3 hindi pa siya naipapasa. Iyon iyong number 1. Number 2, ang Bayanihan 3, hindi sigurado iyong funding. Kasi ‘di ba kapag sinasabing hindi sigurado ang funding, magkakaroon lang siya ng pera pag mayroong sobra doon sa revenue minus expenses natin. Kung wala ding sobra, wala ding pondo. Gusto sabihin, hindi siya priority. Hindi siya priority ng pamahalaan. So ano nga iyan, Ka Ely, magugulat ka kasi at a time like this na nasa gitna tayo ng pandemya, bakit iyong mga babawasan, bakit mga babawasan iyong mga importanteng mga activities o mga programs gaya ng Department of Health, ng RITM? May sinasabi kasi sila, Ka Ely, kasi mayroon daw formula iyong DBM, na tinitingnan iyong absorptive capacity ng department. Kaya daw binabaan iyong DOH, kasi pinakita noong 2020, pinakita ng DOH noong 2020 ang absorptive capacity niya napakababa. Kasi ang laki noong hindi niya nagastos. Ang laki noong hindi niya nagastos. Iyon, hindi mo din maintindihan eh kasi ngayon na kailangan, mayroong pera, pero hindi magastos. Pero sa akin, Ka Ely, ang solusyon diyan hindi bawasan iyong budget eh. Pero maghanap ng ibang puwedeng makatulong mag-implement. Kasi kung ang problema ng DOH masyado na siyang swamped, hindi niya magamit iyong pera, eh ‘di hanapan ng paraan. Kaya nga may IATF eh. Kaya nga may IATF kasi ito iyong convergence ng lahat ng mga departments.  Pero kung ipa-punish mo iyong DOH dahil hindi niya nagastos iyong last year, ‘di ba, it doesn’t make—ang gusto kong sabihin pag hindi pandemya maiintindihan natin. Pero dahil pandemic, it doesn’t make sense.

     

    Halimbawa iyong RITM. Ang RITM siya iyong dapat na nagtetest, ‘di ba? Parang lahat ng testing nasa kan9ya dati. Kung bawasan—parang P170 [million]? Ilan ba iyong binawas, Ka Ely? P170 [million]? Hindi ko maalala iyong amount na binawas sa RITM, pero malaki. So tatanungin mo, bakit nila to gagawin? Na ito iyong pinaka kailangan na function natin ngayon tapos eto iyong tatanggalan? Hindi ko maintindihan, Ka Ely, parang ang daming disconnect sa taas.

     

    ELY: Yes, Ma’am. Ako nga nagugulat din ako kasi kung sino pa iyong may mga dapat talaga na gawin, halimbawa iyong COMELEC, mag e-eleksyon next year—binawasan ng budget. Pero iyong NTF-ELCAC, hindi ko alam bakit tinaasan? Parang 75% itinaas ng budget eh iyong sa NTF-ELCAC.

     

    VP LENI: Ano, Ka Ely, ang pinaka-halimbawa, ang laki din ng itinaas ng DPWH. Ako, Ka Ely, naiintindihan ko na mahalaga iyong infrastructure. Pero sa sitwasyon ngayon, na kailangan nga ang pinaka-ginagawa natin ngayon makontrol ang pandemic para makabwelo na tayo, ‘di ba?

     

    ELY: Yes, Ma’am.

     

    VP LENI: Kasi kahit anong pera iyong ipasok mo sa DPWH kung magkasakit at mamatay iyong mga tao, wala din. Kasi sinasabi kailangan ituloy iyong Build, Build, Build, kasi iyong ekonomiya para mag flourish. Agree naman ako doon eh. O iyong magbibigay siya ng employment, agree naman ako. Pero kung ganito kataas iyong kaso, tapos yan iyong binibigyan mo ng priority, parang mali. Bakit hindi mo unahin yung, halimbawa, Ka Ely, hirap na hirap iyong mga tao maghanap ng ospital. Bakit hindi… ang tagal na natin tong sinasabi, maggawa ng mga makeshift, mag-hire ng mas—maglagay ng mas maraming pera na pang-sweldo sa mga healthcare workers. Kasi kung maglagay ka ng makeshift hospital kung wala namang healthcare workers, wala din. Iyong mga LGU, tulungan. ‘Di ba, tulungan iyong mga LGU na ma-equip sila. Para puwede sila maka respond sa lahat na pangangailangan. Ano naman, Ka Ely, nakikita ko iyong mga LGU, talagang ano din, trying very hard na tugunan iyong mga pangangailangan ng mga constituents. Pero sa dami kasi ng problema ngayon, hindi rin talaga kinakaya eh. Halimbawa kami, Ka Ely, pag wala nang mapuntahan na ospital iyong mga pasyente, iyong LGU na talaga iyong hinahalughog namin. Kadalasan naman tumutulong, pero hirap din. So sa akin, may pera. Halimbawa, sinasabi nila na kailangan about P50 billion yata iyong kailangan para mabigay iyong utang para sa mga healthcare workers. Mayroong 50 plus billion [pesos] na hindi nagamit, bakit hindi na lang iyon iyong i-realign, ‘di ba. I-realign, ibigay na lang ito sa mga healthcare workers natin para hindi na tayo mawalan. Ang daming puwedeng gawin, Ka Ely, basta mas areglado lang sana iyong, ano ito, iyong pag-manage ng lahat. Ngayon kasi parang nagkakaniya-kaniya pa rin despite the fact na may idea.

     

    ELY: So dito, Ma’am, talagang parang nangunguna, walang lider dito, walang kumukumpas?

     

    VP LENI: Wala talaga, Ka Ely. Ang tagal na nating ginagawa ito, ‘di ba. Ang tagal na nating ginagawa na—ang tagal na pala nating hinihiling. Last year pa. Ang term ko nga last year, Ka Ely, konduktor, eh. Parang walang konduktor. Sabi ko nga, Ka Ely, kung puwede lang mag-volunteer na ako kaya lang mahirap din mag-volunteer. Kung hindi naman bibigyan ng blanket authority, wala ka ring magagawa, ‘di ba. Pero nakakaano na, Ka Ely, kasi 20,000 a day iyong mga kaso. Bumababa lang yata tayo Tuesday, Wednesday, eh, kasi ito iyong nare-reflect iyong weekend testing na may mga labs na sarado. Pero the rest of the week, ang taas. Kapag sinabi ng DOH na tataas pa—marahil tumaas pa ito ng 40,000 plus, marami sa ating mamamatay kasi hindi na talaga—hindi na kaya ng ating healthcare system.

     

    Kaya iyong sa akin nga, ang daming—may mga pera na hindi nagamit. Asikasuhin na lang sana nila kasi mahahanapan naman ng paraan, eh. Hindi ko alam, Ka Ely, kung bakit natatagalan doon. Halimbawa iyong bakuna, ngayon lumalabas na na… Lumalabas na ngayon na halimbawa, lalo iyong mga nakatanggap, Ka Ely, ng SinoVac—gaya sa inyo, Ka Ely, SinoVac ka, Ka Ely, ‘di ba? Parang ang sinasabi nila na ang data, parang nagwe-wane siya after six months so importante sana na magkaroon ng booster. Eh iyong karamihan sa mga healthcare workers natin iyon iyong nakuhang bakuna. Sila iyong exposed ngayon, ‘di ba. Hindi ko alam, Ka Ely, kung ano iyong latest tally ng bakuna natin, 55 million ba iyong dumating na sa atin? Parang hindi ko nakuha kung ilan. Kasi tinitingnan ko, Ka Ely, kung halimbawang 55 million, eh idi-divide pa natin iyon sa two, ‘di ba? Idi-divide pa natin iyon sa two kasi two doses, except iyong Janssen, eh kulang na kulang kung 55 million all in all.

     

    ELY: As of September 2, 52,792,130 doses.

     

    VP LENI: Total iyan na doses?

     

    ELY: Opo. As of September 2.

     

    VP LENI: Kung doses kasi, Ka Ely, per tao idi-divide by two pa natin iyon, ‘di ba.

     

    ELY: Yes, Ma’am.

     

    VP LENI: Kasi kinukuwento ko, Ka Ely, kung—sabihin natin 55 million—ano lang iyon, 27 million lang iyon na tao, 110 [million] tayo, ‘di ba, 110 [million] tayong tao. Tapos ang sabi ngayon, Ka Ely, because of the Delta variant, ang herd immunity hindi na lang 70%, kailangan at least 90%. Eh tinitingnan ko, Ka Ely, kung halimbawa 90%, ‘di ba, ano ba iyong 90% ng 110 million, ang 90% siguro ng 110 million mga—ilan iyon, mga 98 million, mga ganoon. Eh iyong 98 million na tao, iyon iyong herd immunity ng Delta, ita-times two mo pa iyon kasi two doses. Kung ita-times two mo iyon, 198 million ang kailangan mo. Kung magbu-booster ka pa, iyong 198 [million] plus, ‘di ba. Ang layo pa natin. Parang as of yesterday ba, Ka Ely, ilang percent na iyong fully vaccinated?

     

    ELY: 14.1 million ang fully vaccinated, sabi ni Secretary Galvez.

     

    VP LENI: Ang layo pa natin, ‘di ba.

     

    ELY: Or 18.22% sa target na population—iyong 77 million.

     

    VP LENI: Naka-first dose na iyon, Ka Ely?

     

    ELY: Iyong fully vaccinated na po 14.1 million. Kung 14.1 million na, malayo pa tayo, ano. Kasi kung Delta variant 90 plus million iyong kailangan. So gustong sabihin, sobrang layo pa natin. Eh iyong vaccination sana iyong makakatulong, ‘di ba, para maiwasan iyong severity. Lalo pa ngayon, sinasabi, Ka Ely, na karamihan sa mga nagiging severe ay unvaccinated talaga. So, ito, ang dami nating kailangang ihabol. Ang daming kailangang ihabol. Ang balita ko nga, Ka Ely, mayroon pang tirang—tama ba iyong pagka-ano ko, na 40 plus million na budget. Galing yata ito sa loan; nandiyan pa siya. Pambili ito ng bakuna. So sana, sana mas bilis-bilisan. Sana mas bigyan na—mayroon nang appropriation for the booster shots.

     

    Pero bago iyong booster shots, sana iyong mga nasa probinsya, sana mas dagdagan naman iyong allocation. Kasi sa probinsya talaga, Ka Ely, ito, common—common na—ano nga, kahit Cavite na hindi na probinsya kasi halos Metro Manila na iyong Cavite, ganoon iyong reklamo ni Governor Jonvic, ‘di ba, na paunti-unti iyong dating ng bakuna. Eh kung nagkakasakit na iyong mga tao, talagang malaki iyong problema natin. Kaya ito naman, Ka Ely, sana makinig. Sana makinig kasi ang tagal na nating paulit-ulit na sinasabi ito.

     

    ELY: Opo. At sa panghuli, Ma’am, ano na isyu, ito iyong mga ginagawang imbestigasyon diyan sa Senado at dito may mga sinasabi na mga overpriced na ano, na mga PPEs at naikumpara pa sa nakaraang administrasyon iyong PPEs na napakamamahal daw kaya doon nila kinukumpara. Pero may mga na-interview na rin ako, Ma’am, tulad nila SP Sotto, iba, eh. High-end pala iyong binili noon sa ilalim ng Aquino administration. Kumbaga sa kotse, Mercedes Benz iyon tapos iyong ngayon na binili nila made in China pero mataas ang presyo. [laughs]  

     

    VP LENI: Pero ito nga, Ka Ely, una, parang napaka-lame attempt naman nito para i-divert iyong usapan. Iyon iyong una. Ang number two, ang kaibahan noon sa ngayon, iyong aside from the fact na high-end iyon, etc. etc., dumaan iyon sa public bidding. Dumaan iyon sa public bidding so parang ano, wala ito—hindi ito gaya ngayon na basta lang nag-award. Pangatlo, iyong supplier—nakalimutan ko iyong pangalan noong supplier, Ka Ely—iyong supplier, matagal nang—

     

    ELY: 3M iyong brand, Ma’am.

     

    VP LENI: Oo, pero iyong local supplier parang, teka… Hindi ko maalala, Ka Ely, pero anyway, matagal na siyang—parang established na siya. 1980s pa established na siya na ito na iyong negosyo niya. In fact, even before talagang nagdi-deal na siya with DOH. Noong hinanap ngayon nagpa-interview kaagad. Mayroong maayos na opisina dito. Eh iyong pinanalo—iyong ano, Ka Ely, iyong nanalo ngayon, magkano ba lahat iyong pinanalunan niya? P8 billion?

     

    ELY: P8.7 billion.

     

    VP LENI: P8.7 billion. Mayroon pang dagdag iyon, Ka Ely. Ngayon pa lang 2021, mayroon pang apat pang kontrata na P2.1 billion ba, so P8 billion plus ito, so mga P10 billion. Pero bagong organized, bagong organized iyong kumpanya, napakababa ng capitalization, parang iyong only economic activity niya itong deal with the government, tapos walang opisina. Walang opisina dito. Tapos iyong mga tao pa na kabahagi noong kumpanya ay mayroong criminal record sa Taiwan. In fact, mayroong mga warrant of arrest na pending. So, ang daming questions, Ka Ely, eh. Unang-una, bakit natin tiniwalaan iyong ganoong kumpanya na obligasyon ng pamahalaan na due diligence, ‘di ba. Tingnan kung reputable iyong company na ito, etc. etc. Binusisi nila, Ka Ely, iyong mga papeles ng kumpanya, parang pinagkakitaan lang talaga ito, iyong kontratang ito. Tapos 2021 mayroon pa palang habol, apat pa. Iyong nakakadagdag dito kasi hinahanapan nila ng mga koneksyon, ‘di ba. Nahanapan nila ng koneksyon sa Pangulo.

     

    May bago na naman kahapon, Ka Ely. May another company na P1.9 billion ang in-award din sa kaniya. Medical supplies pero construction company based in China. Alam mo iyon, construction company pero magpo-provide ng medical supplies. Ano talaga—

     

    ELY: Ma’am, wala namang pinagkakaiba sa mga sanitary napkin tapos hardware, eh. [laughter]

     

    VP LENI: Pero ano talaga, Ka Ely, ang pinag-uusapan dito napakalaking pera, eh. Ini-imagine ko nga, Ka Ely, halimbawa, isang company lang ito, ha, P10 billion. Hindi nga P1 billion iyong aming budget. Hindi P1 billion iyong aming budget, Ka Ely, pero ang dami naming napo-provide. Ang dami naming napo-provide. In fact, noong nagkakaubusan—totoo iyon—nagkakaubusan, nag-local suppliers kami para nagbibigay ka pa ng trabaho sa mga Pilipino. Pero ito, ang dami nang questionable, hindi pa Pilipino iyong nakinabang.

     

    ELY: Tama. Okay, at talagang napakaraming problema. Pero dapat, Ma’am, hindi maapektuhan kasi may binabanggit si Secretary Galvez na iyong ibang ahensya apektado raw sa paghawak ng pondo dahil sa takot na ma-audit ng COA at maimbestigahan ng Senado.

     

    VP LENI: Alam mo, Ka Ely, lahat—iyong COA nandiyan kahit noon pa, ‘di ba. Alam natin kung bakit nandiyan iyong COA. Iyong COA nandiyan para siguruhin na iyong pera ng pamahalaan nagagastos sa tama. Totoong hindi ka buwelo dahil sa COA pero may dahilan. May dahilan para doon. Sa amin, Ka Ely, kahit kami nahihirapan din kami. Kahit iyong mga staff namin, Ka Ely, minsan nagrereklamo din kasi mayroon silang mga expenses na kinukuwestiyon pati halimbawa anong kinain, magkano ang kinain sa pinuntahan, kinukuwestiyon iyon. Pero iyong sa amin, may paraan. May paraan. Halimbawa ang COA nag-oopisina iyan sa opisina ninyo, eh. Gaya namin, Ka Ely, iyong COA namin nag-oopisina sa opisina namin. So kung mayroon kaming mga hindi sigurado, magtatanong kami sa kanila. “Puwede ba ito? Kailangan naming gastusan ito, ano ba ang dapat naming gawin?” Kasi all the time naman, nag-a-assist sila. Kaya sila nag-oopisina doon, ‘di ba, kaya sila nag-oopisina doon para ma-guide iyong opisina, maturuan kung papaano iyong tamang paggastos ng pera. Ito, Ka Ely, iyong pinaka-end nito iyong transparency at saka accountability dahil pera ng bayan iyong ginagamit natin, eh. So napaka-necessary na nandiyan iyong COA.

     

    ELY: Okay, Ma’am, wala na po tayong oras. Ang inyo pong mensahe sa ating mga kababayan sa gitna pa rin ng ating nararanasang pandemya.

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely, iba ngayon. Ang surge na ito ay iba. Iba ito doon sa mga naranasan natin kasi iyong mga pasyente namin ngayon, Ka Ely, members of the same household na. Gustong sabihin, highly transmissible talaga siya na kailangan talagang mag-ingat. Kaunting nararamdaman pa lang, Ka Ely, magsabi na, mag-isolate na. Kung hindi kinakailangan iyong—kasi ang dami ngayon, Ka Ely, na mga, hindi naman lumalabas ng bahay,—hindi naman sila lumalabas ng bahay pero na-infect sila kasi iyong koneksyon nila to the outside world hindi naging maingat. Kaya iyong sa akin, Ka Ely, hindi natin ito ibabasta-basta. Mahirap talaga siya. Magtulungan tayo. Iyong sa akin, iyong pagpapalakas ng katawan, iyong vitamins, iyong tamang pagkain, tamang tulog gagawin. Iyong mga lumalabas sa bahay—gaya sa amin, Ka Ely, ako lumalabas ako, iyong anak kong doktor nagdu-duty—doble ingat. Doble ingat kasi ang pinaka-ayaw natin madala natin iyong sakit sa bahay. Kapag nasa labas, uulitin ko, kapag nasa opisina po iyong very strict na health protocols sundin. Mayroong mga paraan na pag-iwas pero iyong number one doon, huwag masyadong kampante kapag nasa opisina. Ang pinaka-number one pong aayawan natin eating together. Kasi iyong eating together, iyon talaga iyong proven na number one na nakakahawa. So sana hindi natin ito makalimutan. Ilang beses ko na itong sinasabi, Ka Ely, kasi from experience sa mga pasyente namin, huwag kampante.

     

    Sa mga gusto pong mag-avail ng services sa amin, uulitin ko lang, kapag nag-log-in po kayo, nakatanggap kayo ng message na sarado na, mag-attempt po ulit the following day. Eight o’clock [a.m.] bukas na kami kasi iyon nga, first 400 lang everyday iyong aming nase-serve kasi iyon lang po iyong kaya ng staff complement namin. So mag-iingat po lahat.

     

    ELY: Okay, Ma’am. Ingat din po kayo at maraming salamat po. Good morning.

    VP LENI: Maraming salamat!

     

    ELY: Okay, mga kababayan, iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat po! Hanggang sa susunod na edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas!

     

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Sep 05, 2021