This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 209

    BISErbisyong LENI Episode 209

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Isa na namang edisyon ng BISErbisyong LENI dito po sa RMN. At siyempre, ngayon po ay araw ng Linggo, May 9, 2021, Mother’s Day. Alam niyo ho rito sa BISErbisyo kapag Mother’s Day, iyan po iyong anibersaryo ng palatuntunang ito, mga kasama. At siyempre mula po rito sa DZXL Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng inaabot ng ating broadcast nationwide, netwide. Magandang umaga! Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. At siyempre, kasama po natin ang nag-iisang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayon sa DZXL at saka nanonood sa ating Facebook Live, sa Facebook page po ng RMN at saka Facebook page ng VP Leni Robredo. Happy Mother’s Day sa lahat ng mga mothers na kasama natin ngayong umaga at saka happy anniversary din sa atin, Ka Ely, kasi ito iyong anniversary ng ating radio program. Sa ating mga kababayan sa Bicol, marhay na aga saindo gabos! Sa ating mga kababayan sa Visayas at Mindanao, maayong buntag! Ka Ely, good morning ulit.

    ELY: Okay, Ma’am. Good morning at happy anniversary po sa inyo. Natatandaan ko naging guest po natin ang inyong butihing ina, ‘di ba, noong Mother’s Day at ngayon po ay wala na po siya. So iyon po lahat, mga kababayan, iyong mga anak, batiin niyo ang inyong mga magulang ng Happy Mother’s Day dahil sa talagang napakatindi ng kanilang sakripisyo para sa kanilang mga anak. Lalo na ngayon, Ma’am, sa harap po ng pandemya. Talagang grabe po ang—

    VP LENI: Na-doble, Ka Ely. Na-doble iyong trabaho ng mga nanay kasi all the time, iyong mga anak nasa bahay. Ito, Ka Ely, nakikita ko ito sa mga kasama namin sa OVP kasi kahit naman hindi pumapasok iyong iba, iyong trabaho sa opisina ginagawa sa bahay. Paminsan mas mahirap pa nga kasi walang oras, lalo na sa ginagawa namin, Ka Ely, wala talagang oras kasi 24 hours iyong operations namin. Hirap na hirap—nai-imagine ko kung gaano kahirap sa mga staff namin lalo na iyong may mga anak na maliliit pa na kailangang asikasuhin. Iyong mga anak na kailangan pang gabayan sa school from home din nila. So hindi na lang sila working moms kundi ano rin, teacher sa bahay. Kaya talagang nadoble iyong trabaho ng mga nanay.

     

    ELY: Ma’am, kumusta po kayo at iyong mga aktibidad dito po sa OVP at siyempre, iyong patuloy po na pagresponde ng OVP dito po sa COVID?

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, bigyan ko lang ng kaunting correction at saka clarification kung bakit wala ako noong Sunday. Kasi maraming nag-aakala, Ka Ely, nandito ako sa Manila noong Sunday. Actually po nandoon ako sa Camarines Sur. Umuwi po ako noong Sunday—umuwi po ako noong weekend kasi iyong driver po namin na matagal na ay namatay. Namatay at nilibing, Ka Ely, noong Saturday. Kaya noong Biyernes na gabi, nagbiyahe ako pauwi para makapag-attend ng funeral. Tapos, ‘di ba, Ka Ely, kinukuwento ko naman ito palagi, mayroon kaming housing projects doon, noong Monday, kaya nagstay pa ako ng hanggang Sunday pa sa amin kasi noong Monday, pauwi ng Manila dinaanan ko pa iyon. Kasi noong Monday, Ka Ely, mayroong—nandoon iyong Boysen. Alam mo iyong Boysen paint, partner namin sila sa Angat Buhay, magdodonate sila, Ka Ely, ng mga pinta doon sa mga residente na ginagawan ng bahay. Pero iyong konsepto kasi noon, Ka Ely, iyong Angat Buhay Village namin sa Lupi, Camarines Sur, iyong konsepto iyong mga residents mismo iyong gumagawa ng mga bahay. So noong Monday, kaya ako nag-extend ng one day sa CamSur kasi iyon iyong pagtrain ng Boysen sa mga residents kung papaano iyong tamang pagpinta ng bahay. So napakasaya, Ka Ely, dinaanan ko iyon. Masaya kasi kapag kausap mo iyong resident, sobrang proud sila sa mga natutunan nila. Kasi tinuruan din silang magmason, tinuruan silang maging karpintero, tinuruan silang mag-electrical kasi ito nga, pagpipinta. So para sa kanila, Ka Ely, malaking bagay na parang hindi dole out iyong bahay pero sila talaga mismo iyong gumawa. So kaya ako nakabalik ako dito, Ka Ely, Monday na ng gabi. Bumalik ako ng Monday ng gabi pero iyong Tuesday hanggang kahapon sobrang busy. Iyong Tuesday to Friday namin, Ka Ely, sobrang busy sa Bayanihan E-Konsulta.

     

    Tapos pinost ko ito, Ka Ely, sa Facebook noong Friday ito nangyari. Nakipag-meeting kami with US Embassy at saka USAID. Ito, Ka Ely, second time na kaming inimbitahan na makipag-meet sa kanila. Iyong last year, pandemic na rin, pina-present sa amin iyong mga programa namin for education and kabataan. Tapos after noong una naming presentation, Ka Ely, nagkaroon kami ng partnership. Hindi ko alam kung nakuwento ko na ito sa iyo, iyong TrabaHOPE. Iyong TrabaHOPE, Ka Ely, ang ginagawa namin mga out-of-school youth, pinopondohan namin iyong training, iyong allowance, iyong lahat na kailangan. Ite-train sila pero after noong training, mayroon silang trabaho. Mayroon din silang trabaho sa mga partner companies natin. So ito, Ka Ely, in partnership with USAID tapos iyong Philippine Business for Education. Iyong nilaan namin na pondo rito, Ka Ely, good for 1,000 na mga out-of-school youth. As of Friday, mayroon na kaming parang 875 na mga out-of-school youth na tinutulungan. Iyong first batch, nagtatrabaho na ngayon. Iyong second at saka third batch, nagte-training na ngayon, tapos papunta na kami sa fourth batch. Tapos iyong meeting namin noong Friday, pina-present kami tungkol sa aming livelihood programs. So nag-present kami, Ka Ely, ng aming livelihood programs tapos ang kabutihan nito, after noong presentation namin, parang natuwa sila kasi ang dami nilang parang gustong gawin na aligned doon sa ginagawa na namin. So magkakaroon ng follow-up meeting para pag-usapan iyong detalye. So most probably, magkakaroon ulit ng programa in partnership with USAID pero this time, livelihood naman. So iyon iyong Friday, Ka Ely.

     

    Nagkaroon din kami ng several na mga briefings. Nagkaroon kami ng briefings with doctors, with heads ng mga pharmaceutical companies, kasi pinag-uusapan namin, Ka Ely, parang bini-brief kami tungkol sa mga available treatments, sa mga gamot, kasi siguro, Ka Ely, naririnig mo na iyong mga Remdesivir, iyong mga binibigay sa mga pasyente—COVID patients na nagkakasakit—so nagkaroon kami noon ng briefing.

     

    Kahapon, Ka Ely, siguro dahil May 8, alam mo naman kapag otso maraming nagpapakasal, so kahapon mayroon akong dalawang weddings. Iyong isa dito sa Makati, iyong isa sa Lipa. Ibang-iba na talaga iyong mga kasal ngayon, Ka Ely. Ibang-iba na iyong mga kasal ngayon. Sa tingin ko nga, parang blessing in disguise din na nagiging very intimate iyong mga kasal dahil sa mga pagbabawal. Mas strikto iyong sa Makati dahil MECQ pa tayo pero iyong sa Lipa, GCQ na sila, mas marami-rami iyong nag-attend. Iyong sa Makati, Ka Ely, ano talaga, family lang, iyong entourage niya mga ninong lang at saka ninang, wala na iyong mga secondary sponsors, mga bridesmaids, wala na. So nakauwi ako, Ka Ely, kagabi, gabing-gabi na talaga.

    Pero siguro iyong gusto ko lang i-report na tuloy-tuloy, iyong ating Bayanihan E-Konsulta. Just to update everyone, tingnan ko lang iyong latest numbers, Ka Ely—pasensya na—tingnan ko lang iyong—as of now, Ka Ely, sa Bayanihan E-Konsulta, iyong total doctors na nag-sign up na to volunteer—ito, Ka Ely, sobra kaming overwhelmed na alam natin na at this time iyong mga doktor busyng-busy. Pero as of now, iyong nag-volunteer na sa atin ay 888 doctors—888 doctors na iyong [nag-volunteer]. Halo-halo na ito, mayroong mga general practitioners, marami iyong mga specialista, so binibigay nila kung anong mga oras during the week sila magduduty. Kaya natin napapagsilbihan iyong ating mga pasyente dahil sa kanila. Kasi kung wala namang doktor na mag-volunteer, hindi natin magagawa iyong Bayanihan E-Konsulta. Pero, Ka Ely, ito, pasalamat din kasi mayroon ding mga non-medical volunteers. Mayroon tayong mga non-medical volunteers na together with our staff, sila talaga iyong nagpapatakbo ng entire operations. As of now, Ka Ely, ang nag-sign-up na ng mga total—ang nag-sign-up na ng non-medical volunteers ay 2,784. So ang dami talaga, Ka Ely. Anong gustong sabihin ng numbers? 888 doctors ang nag-sign-up, 2,784 na non-medical personnel ang nag-sign-up as volunteers. Gustong sabihin, Ka Ely, iyong Pilipino likas talagang matulungin. Iyong Pilipino kapag oras ng kagipitan, talagang gustong mag-alay ng sarili para makatulong sa iba. Ayon, dito talaga kami, Ka Ely, nata-touch masyado. Dito kami nata-touch masyado na alam natin kung gaano kagrabeng hirap ang pinagdadaanan natin because of the second surge, pero noong nakaisip tayo ng programa, ang dami talagang dumamay. So magpapasalamat tayo. As of yesterday din, Ka Ely, ang total na pumasok na mga messages sa aming Bayanihan E-Konsulta page ay 28,142 so ang dami. Ang dami pero 28,142 messages iyong pumasok. Hindi naman iyan lahat for consultation, Ka Ely, mayroong ang iba may mga tinatanong lang. Iyong iba, parang magpaparefer lang kung saan, pero ganoon karami iyong gumagamit ng platform. So talagang salamat sa volunteers kasi—actually, Ka Ely, nasabi ko na ito ilang beses na na hindi namin inaasahan na magiging ganito siya kagrabe, na magiging ganito siya ka-complex. Kaya ang plano namin, Ka Ely, sobrang simple lang na parang Messenger lang iyong teleconsult pero habang nandiyan na kami, hindi mo rin matalikuran, hindi mo puwedeng sabihin na, “Ay, huwag ka na dito sa amin. Hindi iyan puwede rito sa amin.” Talagang lahat na hihingi ng tulong, kahit labas na doon sa una mong pinlano, kailangan mo talagang matugonan. Halimbawa, Ka Ely, iyong pinakauna naming plano, doon lang kami sa mild, asymptomatic—at saka mild cases. Pero kapag may pumapasok na emergencies, alangan naman na hindi mo tulungan. So talagang—as of now, parang iyong pumasok na emergencies sa amin, iyong hindi naman namin binalak na magdagdag ng emergencies, 683 na. So iyong 683, Ka Ely, napilitan kaming kumuha na ng ambulansya. Mayroon kaming 24 hours na na Emergency Medical Team na naka-standby at iyong mga teams namin, Ka Ely, ito iyong mga sumasaklolo. Ito iyong mga sumasaklolo kapag may nag-e-SOS—iyong mga nangangailangan ng ambulansya para dalhin iyong pasyente sa ospital o mayroong pasyente na dati—ito, Ka Ely, very common ito with COVID. Mabuti na lang na kapag may nagreregister sa amin na COVID patient ang una naming ginagawa, ina-assess ng doktor, papadalhan ng COVID care kit. Kasi kapag napadalhan ng COVID care kit, puwede nang i-monitor everyday kasi mayroon nang gamit, eh. Mayroon nang oximeter, mayroon nang thermometer. Paminsan nga, Ka Ely, kung kailangan ng pang-BP, pinapadalhan pa rin. Pero iyong kabutihan nito, kapag kailangan na siyang i-monitor, namo-monitor siya everyday kasi, Ka Ely, marami iyong dati asymptomatic naman biglang naging severe. O dati mild naman biglang naging severe. Nagpa-briefing kami nito. If I am not mistaken, si Dr. Benjie Co iyong nagsabi sa amin na iyong pinaka, parang pinaka-crucial, iyong pinaka-crucial na days sa COVID, iyong 5th to 10th day kasi kadalasan, Ka Ely, iyong 5th to 10th day, doon talaga, naririnig ko iyong mga doktor namin na kapag sinasabi, nagde-desat iyong pasyente. Iyong biglang bumababa iyong oxygen level, biglang nahihirapan. Kasi, Ka Ely, minsan walang symptoms tapos biglang intubated na kasi ang bilis talaga ng pag-iba. Tingin ko, Ka Ely, ano ito, eh, sa viral load, sa comorbidities din ng mga pasyente. So maigi talaga, iyong mga nakikinig po, lalo iyong mga LGUs na hindi kasama sa Bayanihan E-Konsulta natin, maigi talaga iyong daily monitoring. Mabuti, Ka Ely, iyong mga pasyente na may access sa doktor, hindi na kailangan mayroong team na nagmo-monitor. Pero karamihan kasi walang access sa doktor, eh. So nakakatulong iyong pag-monitor. Kasi halimbawa, Ka Ely, kapag bumaba na ng 94 iyong oxygen level, emergency na iyon sa amin. Iko-close monitoring na. Baka kailangan na ng oxygen tank, etc. Ano talaga, mahirap iyong panahon.

     

    Kapag tiningnan natin, Ka Ely, iyong numero na nirereport, nag-improve na. Nag-improve na kasi ‘di ba kung naalala mo, mayroong mga araw na iyong mga cases 14,000. Parang—kailan ba iyon, kung hindi ako nagkakamali, iyong pinaka-huling report ay 6,000 plus at mayroon, Ka Ely, na prediction iyong OCTA. Iyong OCTA Research Group, ito iyong tinututukan namin. Parang ang sinasabi niya, kapag nagtuloy-tuloy iyong numbers na ganito between May 9—kailan ba iyon? Hindi ko mahanap iyong date—pero parang between May 9 to May 14 yata, baka bumaba na iyong seven-day average to mga 3,000 plus cases. So kami naman, Ka Ely, kaya naman namin ginawa iyong Bayanihan E-Konsulta para makatulong sa pag-decongest ng mga ospital. So kapag maluwag na iyong mga ospital, hindi na masyadong mahirap maghanap ng hospitals, baka ibahin na namin iyong programa, Ka Ely. Baka hindi na siya ganito ka-grabe kasi iyong problema din namin ang laki-laking operations nito, napo-prohibit din kaming gawin iyong gusto naming gawin in response to COVID kasi halos lahat na personnel namin, involved na rito. As of now, Ka Ely, more than 100 sa staff na namin ay involved na sa Bayanihan E-Konsulta. So kapag bumuti iyong sitwasyon, titingnan namin iyong week na ito. Kapag bumuti na, Ka Ely, iyong sitwasyon, baka hintuin namin. Baka hintuin na namin after this week. Pero iyong medical assistance, nandoon pa rin. Nandoon pa rin iyong medical assistance pero siguro hindi na ganito ka-complex para mapahingahan naman iyong mga doktor. Kasi naaalala ko, Ka Ely, mula Holy Week, noong kino-conceptualize pa lang namin, wala na talagang pahinga. Wala nang pahinga iyong mga doktor, wala nang pahinga iyong staff, wala nang pahinga iyong mga volunteers. So sobrang importante sa amin ng week na ito. Itong week na starting today kasi kapag bumuti na, Ka Ely, i-a-announce na namin kung mayroon nang changes sa programa. Pero again, ang assurance lang, kahit siguro hindi na siya E-Konsulta, iyong medical assistance namin patuloy. Titingnan na lang namin kung ano pa ba iyong mga, parang urgently needed. Doon naman kami magfo-focus.

     

    ELY: Okay. Ma’am, maraming nagtatanong, kailan daw ho kayo magpapabakuna? At iyong brand ba na kung sakali na kayo ay puwede na ay iyong siguradong may EUA?

     

    VP LENI: Ah, oo naman. [laughter] Oo naman, Ka Ely. Ako, baka mapabakuna na ako. Ngayon kasi nakita ko sa balita, parang all in all, mayroon na tayong mga 7 million shots available, o 7 million na iyong dumating. In the last two days or so, marami iyong dumating, Ka Ely. Marami iyong dumating na AstraZeneca, parang 2 million yata, Ka Ely, if I’m not mistaken. Two million iyong dumating na AstraZeneca. Mayroong mga Sinovac na dumating. Basta ang balita kahapon, as of now, mayroon na tayong 7,571,000 doses. Kulang na kulang pa din para ma-achieve iyong herd immunity. Pero ako kasi, Ka Ely, iyong classification ko, A3 ako eh, kasi hindi ako senior pero mayroon akong comorbidity. Dapat nabakunahan na ako kasi—

     

    ELY: Dapat tapos na po kayo.

     

    VP LENI: Dapat oo na, kasi ngayon yata ay A4 na. Pero hindi kasi ako, Ka Ely, pumila, kasi kulang pa nga iyong supply. Tapos nakita ko, Ka Ely, parang iyong sa health workers — ewan ko kung nagpalit na iyong figures, pero parang sa health workers, 63% pa lang, 63% pa lang iyong nababakunahan. Sana nag-improve na ito, kasi parang iyong 63%, as of last week pa ito, pero sana nag-improve na. Tapos iyong seniors sana matapos na. Pero kung marami nang supply, Ka Ely, pipila na din ako. Kung marami nang supply, pipila na din ako.

     

    Sa akin lang, Ka Ely, sana mas efficient iyong— Kasi nakikita ko, Ka Ely, may mga LGU na nakapa-efficient naman eh. May mga LGU na napaka-efficient ng pagbabakuna. Pero karamihan kasi ngayon, parang mababakunahan ka kung online registration, ‘di ba? Ako, ieemphasize ko pa din na sana mas proactive, sana mas proactive iyong pagbabakuna. Ako nga, iniisip ko na kung marami lang, Ka Ely, na available na vaccines, iyong Swab Cab namin ikoconvert namin siya na parang vaccine cab, para iyong—alam mo iyon, iyong mga taong hindi nakakaregister online, mapuntahan. Halimbawa, Ka Ely, iyong mga nagtitinda sa market. Siguro sa mga terminal ng mga jeep, ng mga bus. Kasi ito iyong ano eh, ito iyong... Ka Ely, ito iyong vulnerable aside from health workers, saka aside from seniors. Kung siguro makahanap kami ng partnership with an LGU, mag-ooffer kami ng ganoong service. Iyon iyong mga tinitingnan namin na wala pang definite, Ka Ely, kasi hindi pa namin alam kung gaano kaluwag iyong supply for vaccines. Pero kami, very much willing to help sa rollout ng vaccines. Hindi sa online registration, kasi iyong online registration, Ka Ely, okay na iyon. Gusto kong sabihin iyong may capacity na mag-register online, wala naman iyong problema. Pero ang mas tinitingnan namin, Ka Ely, iyong walang capacity na mag-online registration pero kailangan na sanang ma-prioritize.

     

    So ngayon, Ka Ely, kung marami lang supply, pipila na ‘ko. Sinabi ko sa office, Ka Ely, na— Sa opisina namin, may listahan na kami kung sino iyong lahat na may comorbidities. Iyong suggestion ko kay Usec. Boyet Dy, ang suggestion ko, ang unahin iyong may comorbidities pero parating nasa communities, kasi iyon iyong pinaka-exposed. Ako, Ka Ely, nagko-community naman ako eh, pero hindi kasing lala no’ng iba naming staff. Halimbawa mayroon kaming local affairs division, sila talaga... sila iyong naghahatid ng mga pagkain sa mga communities, sila iyong... ano ito... sila iyong bumababa on the ground. Iyong mga drivers, iyong aming EMS team, dapat siguradong mabakunahan. Iyong aming Swab Cab team, dapat mauna pa iyon sa akin. So inaasikaso namin. Pero kung may enough na, magpapabakuna na ako, Ka Ely. Pero sigurado namang may EUA.

     

    ELY: Opo. Pero siguradong may EUA. Kasi ito pong Sinopharm, naging kontrobersyal ito dahil sa iyong Pangulo natin eh ito ang ipinaturok sa kaniya. Wala ngang EUA, bagamat nabigyan po ito ng compassionate special permit ng FDA. Pero sa paniniwala ng marami, kaya nabigyan iyon para hindi na makuwestiyon ang PSG sa diumano’y smuggling ng bakunang ito. So mas maganda siguro, Ma’am, lahat tangkilikin natin iyong mga may EUA.

     

    VP LENI: Oo naman, Ka Ely. Kasi kapag hindi natin tangkilikin iyong may EUA, parang walang saysay tuloy iyong FDA, ‘di ba? Kaya tayo may regulatory agencies, kaya tayo may regulatory agencies kasi sila naman iyong experts, sila iyong may capacity na mag-assess, sila iyong may obligasyon na siguruhin na iyong makakapasok dito sa bansa ay dumaan talaga sa rigorous na assessment. Kapag hindi natin ito inasikaso, ano pa iyong saysay, ‘di ba? Kailangan maging maingat tayo sa, una, sa pag— Kasi halimbawa, kung public official ako, nagpaturok ako tapos pinahayag ko iyon in public, in a way promotion iyon, ‘di ba? In a way pino-promote mo iyong klase ng bakuna na itinurok sa iyo. Tapos kung iyong pinopromote mo walang EUA, mahirap iyon, kasi parang mockery iyon ng existing na regulatory agencies natin. So sana maging maingat.

     

    Ako naman, Ka Ely, kung ano iyong available — pero sa akin nga, iyon: alam ko naman na puwede na akong magpabakuna, pero gusto ko lang siguruhin na wala akong maaagawan na iba, wala akong maaagawan na iba na dapat mas nauna sa akin. So baka ngayon mas maluwag na.

     

    ELY: Opo. Ito, Ma’am, iyong kautusan po ng Pangulo na arestuhin iyong mga hindi po magsusuot ng face mask o hindi maayos iyong pagsusuot. Ito po ba ay puwede? Kasi ngayon may mga ordinansa naman sa bawat LGU at sa mga lumalabag dito sa health protocols, partikular dito sa pagsusuot ng face mask.

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely, hindi ko alam bakit default natin iyong aresto. Kung hindi nga ako nagkakamali, parang nagkaroon na ng statement nito si Justice Secretary Guevarra, na iyong mga lumalabag ay community service na lang. Hindi ko alam kung bakit iyong bukambibig natin aresto.

     

    Unang una, ang iba mali ang pagsuot ng face mask kasi hindi alam kung paano isuot. Dapat paigtingin iyong pagturo paano ba isusuot. Kung ako naman, Ka Ely... Halimbawa, kung ako... sabihin natin na barangay tanod ako, kapag may nakita akong constituent ng barangay na naglalakad sa kalye na iyong face mask nakalabas iyong ilong, biglang nalalaglag. Aarestuhin ko ba iyon? Hindi naman yata iyon iyong tamang response doon, Ka Ely. Turuan — turuan kung paano iyong tamang paggamit.

     

    Ako, para sa akin, Ka Ely, hindi nakakatulong na ang default natin, aresto. Unang una, ang sitwasyon nga sa mga jail natin, grabe. Mag-aaresto ka kasi gusto mong i-protect iyong mga tao, pero lalong counterproductive iyon eh. Ako, kapag mayroong mali iyong pagsuot ng face mask, turuan.

     

    ELY: Itama na lang.


    VP LENI: Oo, itama. Kung matigas talaga iyong ulo, eh ‘di siguro mayroong—gaya ng sabi ni Justice Secretary Guevarra, community service. Pero huwag naman maging default iyong aresto.

     

    ELY: Puwede ring may multa, Ma’am, ano. Sa bawat ordinansa kasi mayroon.

     

    VP LENI: Actually sa ibang bansa, Ka Ely, mas multa. Sa ibang bansa— Pero para sa akin nga, Ka Ely... para sa akin, iyong multa, iyon na iyong mas later step. Iyong sa akin, mag-warning, turuan. Kapag matigas talaga iyong ulo, saka isipin kung ano iyong mga puwedeng penalties na ibigay. Pero huwag naman iyong parang sasabihin mo sa smallest infractions ay arestuhin. Kasi alam natin na mayroong malalaking tao na mas malalaki din iyong mga naging infraction na hindi naman inaresto. So maling... parang maling response. Mas mabuti, Ka Ely, tulungan iyong tao na hindi nakakaintindi kung paano niya iyon gagamitin.

     

    ELY: Opo. Okay, ito pa ho, sa huling isyu natin: Si Pangulong Duterte, siya ang unang naghamon kay Supreme Court Retired Justice Antonio Carpio. Tungkol po ito sa isyu po ng West Philippine Sea. Pero umatras po at sa halip ay nagpa—mayroong proxy, si Secretary Roque. So kayo, Ma’am, ano ho ang take ninyo sa isyung ito?

     

    VP LENI: Ako, sa akin, Ka Ely, nakikita ko kasi iyong statement ni Secretary Roque saka ni Secretary Panelo. Iyong statement nila, Ka Ely, parang lumalabas na si [Associate] Justice Carpio iyong naghamon—naghamon pala. Si Justice Carpio naghamon kay Presidente. Hindi naman ganoon, ‘di ba? Si Presidente iyong gumawa ng dare, parang inaccept lang naman ni Justice Carpio iyong dare. Nakita ko kasi— May nakita akong meme. Honestly, Ka Ely, hindi ko naman nakita iyong interview ni Secretary Roque at ni Secretary Panelo, pero parang baligtad. Si Justice Carpio, tinanggap niya iyong hamon, tinanggap niya iyong hamon — pero ang naghamon si Presidente. In fact, iyong Philippine Bar Association —

     

    Actually, Ka Ely, sa totoo lang, na-excite ako doon, noong nagsabi iyong Philippine Bar Association na sila iyong magso-sponsor ng debate. Kasi ang katotohanan talaga, Ka Ely, marami sa mga kababayan natin ang hindi klaro iyong isyu sa West Philippine Sea. So kung magkaroon ng discussion — hindi naman nga kailangan na away ito eh, ‘di ba, pero kung magkaroon ng public na latagan kung ano talaga, tingin ko magiging very educational ito sa publiko eh. Sayang kasi nag-back out si Presidente. Pero iyon nga. Alam naman natin na hindi si Justice Carpio iyong nagbigay ng hamon. Iyong mga statement kasi ngayon, parang iyon iyong lumalabas.

     

    ELY: Opo. Pero dito, Ma’am, kasi ang isyu po sa West Philippine Sea, talagang masyadong naipaparamdam ng kasalukuyang administrasyon na parang napakalambot at pagkiling sa China. Ito nga, iyong binabanggit na iyong napanalunan natin dito po, ang sinasabi, “papel lang iyan, puwedeng itapon sa basura,” iyong dito po sa West Philippine Sea.

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, may dalawa akong... May dalawang sinabi si Presidente na tingin ko very serious, very serious iyong concern ko.

     

    Iyong number one, iyong pagsabi niyang iyong desisyon ng arbitral tribunal ay “mere scrap of paper”. Seryoso iyon, Ka Ely. Seryoso iyon kasi ano iyon eh, kasarinlan natin saka sovereignty iyong pinag-uusapan dito, na hindi mo puwedeng i-take lightly iyong naging desisyon, kasi kaya tayo umabot sa ganoong punto dahil sa pananakop sa... dahil sa pananakop sa mga pag-aari natin. Napakalaking win iyon sa atin, Ka Ely, eh. Iyon iyong number one.

     

    Number two na serious iyong aking concern ay iyong sinabi niya iyong China ang may possession ng West Philippine Sea. Hindi iyon totoo. So para sa akin, Ka Ely, iyon iyong dalawa.

     

    Ako, Ka Ely,  umiiwas akong magkomento ng anything political ngayong nag-2nd surge, kasi para sa akin, Ka Ely, dapat all hands on deck tayo ngayon, dahil malala iyong pinagdadaanan natin as far as COVID is concerned. Pero iyong statements na iyon, iyong dalawang statements na iyon, seryoso iyon. Seryoso siya kasi mali. Seryoso siya kasi iyong sovereignty na natin iyong parang tinatapon mo sa labas ng bintana.

     

    Kaya sa akin, Ka Ely, hindi lang simpleng hamunan sa debate, pero para sa akin, iyong dalawang statements na iyon ay hindi na bansa natin iyong—may pagkiling na talaga, may pagkiling na sa China. So para sa akin, Ka Ely, seryoso iyon. At iyon sana ay kung natuloy iyong debate, mapapakita natin na hindi totoo—hindi tama, hindi totoo. Kasi ano iyon eh... Beyond iyon sa amin, Ka Ely. Beyond iyon sa amin, kasi kami, lilipas lang kami eh. Gustong sabihin iyong termino namin ay next year tapos na. Pero iyong isyu na sinabi ay sa bansa natin iyon. Long after wala na kami, mahalaga pa din iyon para sa Pilipinas. Kaya para sa akin, Ka Ely, kailangan ito i-take seriously.

     

    Nakakalungkot lang na may mga statements na ganito sa gitna ng pandemya. Na at a time na dapat sana ay inaasikaso natin lahat iyong mga kababayan nating nagkakasakit, namamatay— Kami lang, Ka Ely, every time na may namamatay, parang personal loss talaga para sa amin, kasi may mukha, Ka Ely, iyong numero eh. Eh kapag sinasabing “We’re better off kasi kaunti iyong namamatay sa atin,” hindi ko talaga iyon... hindi ko siya ma-absorb. Kasi para sa akin, Ka Ely, bawat isang taong namamatay ay isang pamilya iyong nawawalan, lalo na kung iyong namatay iyong naghahanapbuhay sa pamilya. Alam mo iyon? So dapat hindi siya sinasantabi, na sasabihin mo, “Mas mabuti kami sa kanila kasi kaunti lang iyong namatay.” Para sa akin, Ka Ely, ang daming namamatay sa atin. And kapag death ang pinag-uusapan, Ka Ely, dapat tinitingnan natin ito hindi iyong numero, hindi iyong numero na kinukumpara natin sa iba, pero iyong death para sa atin, dapat tinitingnan natin na sa bawat numero may mukha, may pangalan, may pamilya. So para sa akin, Ka Ely, dapat ito iyong tutukan natin ngayon, kasi very real talaga, Ka Ely, iyong mga namamatay.

     

    Halimbawa, iyong briefing namin last Thursday ba o Friday. Parang of the 17,000 deaths, 22% no’n nangyari April lang. Alam mo iyon? 22% ng 17,000, isang buwan lang nangyari. So sobrang dami ng namatay talaga noong April. So ito, seryoso tayo dito, na hindi ito... Hindi ito simpleng bagay, Ka Ely, eh. Na kapag kinumpara mo tayo sa mga bansa na mas malala iyong sitwasyon, hindi mo ina-acknowledge iyong hirap na pinagdadaanan ng mga pamilyang may nagkakasakit, nawawalan.

     

    Ngayon, Ka Ely, iyong mga tinutulungan namin, pami-pamilya. Pami-pamilya talaga, Ka Ely, iyong nagkakasakit. At ang pinakamasakit dito, Ka Ely, halimbawa iyong mga doktor namin magre-recommend na ng hospitalization, kailangan nang maospital iyong pasyente dahil ganito, ang dami, Ka Ely, na ayaw kasi ang inaalala iyong pambayad. Ang daming ayaw kasi hindi sila sigurado kung saan sila kukuha ng pambayad. At kami, Ka Ely, mayroon kaming medical assistance program: kapag umyaw sila dahil sa pambayad, inaassure namin sila na tutulungan namin sila, hindi pa din silang sigurado na iyong tulong namin would be enough, kasi ang daming complications, Ka Ely, ‘di ba? Kapag naospital ka, gaano ka ba katagal sa ospital? Kasi kapag naospital ka dahil sa COVID, hindi ito iyong ordinaryong hospitalization na three days tapos ka na, pero iyong naoospital sa COVID, Ka Ely, halos isang buwan na nasa ospital kung magsusurvive ka. At iyong hospital bills, napakataas. Napakataas kasi una iyong mga gamot na sinasaksak sa katawan mo para magsurvive ka, mahal. At hindi lang iyon, hindi lang mahal, pero ang supply ay problema. So marami talaga, Ka Ely—

     

    Para sa akin, sana ngayong... ‘di ba, sana ngayon na nag-2nd surge na ang lala natin, ito sana iyong focus. Pero nakikita natin, pati iyong dolomite mayroon na namang 2nd batch, kung ano-ano ang inaasikaso. Nakakafrustrate, nakakafrustrate na dapat sana tutok na tutok na tayo, mayroon tayong mga kasama na halos 24 hours wala nang ibang ginawa, mag-respond. Iyong mga doktor na lang natin, Ka Ely: magduduty sa ospital, kapag off nila magvovolunteer pa sa amin. Parang respeto sana doon sa mga sakripisyong ginagawa na ito na iyong tutukan natin. Ito iyong tutukan natin kasi ito iyong problema natin. Hangga’t hindi natin ito tinututukan nang maayos, humahaba lang nang humahaba eh. Iyong economy natin nagsasuffer. Iyong kabuhayan, ang daming nawalan ng trabaho. So para sa akin, Ka Ely, tama iyong OCTA, na bubuti lang iyong numbers, magiging sustainable lang iyong pagbaba kapag pinagtulung-tulungan natin ito. Pero kung para sa inyo, okay na iyong ginagawa natin, mas mahusay tayo kaysa sa India... alam mo iyon, parang iyong peg natin, Ka Ely, iyong mas mahina kaysa sa atin, may problema tayo.

     

    ELY: Naisip ko nga iyan, Ma’am, parang sa isang klase, iyong isang estudyante kinukumpara, “Eh siya nga bagsak eh.” Dapat doon ka sa Top 1, ‘di ba? Doon mo ikumpara mo iyong sarili mo sa Top 1, doon sa nangunguna, hindi doon sa kulelat—“eh siya bagsak, ako nakapasang-awa.” [chuckles]

     

    VP LENI: Totoo talaga iyon, Ka Ely, na parati kang makakahanap ng mas mahina sa iyo. Pero kung gusto mong mas maayos iyong pagsilbi, dapat kinukumpara mo iyong pinakamahusay. Dapat iyon iyong goal mo. Dapat inaabot mo iyong pinakamahusay. Huwag kang papayag na may mas mahusay sa iyo. Dapat ganoon. Kasi mabuti kung pinagsisilbihan mo sarili mo lang... kung sarili mo lang, para sa akin bahala ka kung ano gusto mong gawin. Pero kung nagsisilbi sa tao, dapat parating aim natin tayo iyong pinakamahusay—at hindi natin iyon ginagawa.

     

    [END OF GAP 1]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Opo, okay. Ma’am at dito naman ho tayo sa ating Istorya ng Pag-asa at isa po ito sa pinakamagandang segment dito po sa ating palatuntunan dahil sa ito po ay nagbibigay ng siyempre inspirasyon sa ating mga kababayan lalo't tayo po'y ngayon dumadaan sa isang matinding pagsubok, ito hong pandemya.

     

    VP LENI: Ang bisita natin ngayon, Ka Ely, binasa ko ang kuwento niya. Grabe ang pinagdaanan niya over the past year. Kasi ang bisita natin, Ka Ely, ay isang COVID-19 ward nurse. At nanay siya. Nanay siya, apat ang anak, pero pakilala muna natin. Ang bisita po natin ay si Enza Nuada. Enza, nandiyan ka na?

     

    LORENZA NUADA: Yes po, ma'am. Good morning po.

     

    VP LENI: Ayan si Enza. Enza alam mo, happy mother's day muna sa iyo!

     

    LORENZA NUADA: Ay, happy mother's day din po!

     

    VP LENI: Enza, binabasa ko ang kuwento mo at parang nadudurog ang puso ko doon sa kuwento mo. Kasi 'di ba Enza, isa kang ward nurse na naka-assign ka sa COVID ward ng isang malaking private hospital, sa Pasig?

     

    LORENZA NUADA: Yes, ma'am. Yes po.

     

    VP LENI: Nasa floor ka talaga ng COVID, so COVID patients ang inaasikaso mo?

     

    LORENZA NUADA: Yes, ma'am.

     

    VP LENI: Pero may apat kang anak. Iyong panganay mo, tama ba 12? Twelve years old ang panganay mo?

     

    LORENZA NUADA: Yes, ma'am. Ang eldest ko po 12 years old na lalaki po.

     

    VP LENI: Tapos ang sunod ay 9?

     

    LORENZA NUADA: Seven po ma'am, and then 5. Opo, ang pinakabunso ko po is iyong only girl namin, mag-2 years old po this coming May, ay this May po, sorry.

     

    VP LENI: Grabe, mag 2 years old na siya?

     

    LORENZA NUADA: Yes, ma'am.

     

    VP LENI: Pero noong nag-umpisa ito, 8 months pa lang siya, Enza ‘di ba?

     

    LORENZA NUADA: Yes, ma'am.

     

    VP LENI: Tapos ang parang iyong first—ang nabasa ko sa kuwento mo Enza, bago nagka-pandemic, iniisip mo na sana mag-resign para matutukan ang mga anak mo. Di ba iyon ang kuwento?

     

    LORENZA NUADA: Yes, ma'am. Kasi parang natakot po ako kasi magkakasama kami. So noong nagkaroon po kami talaga ng first COVID patient sa floor, sa floor namin, parang naisip ko na po agad na mag-resign. Pero at that time po kasi nasabayan po ng lockdown so nawalan din po ng work ang husband ko. Tapos inisip ko po, aside from iyon nga po, na nakakatakot naisip ko rin po paano ang family ko kung pareho po kaming walang work. Naisip ko rin po kasi nurse po ako, parang sa ngayon po ako mas kailangan. So parang, iyon nawala ko na sa isip ko—

     

    VP LENI: Pero, Enza, ang hirap noon, ‘di ba? Ang hirap noon para sa iyo kasi may baby ka. Pero kahit takot, dahil takot ka na madala mo sa bahay iyong sakit, nagdecide ka nalang na—hindi ka ba umuuwi, o iyong mga anak mo ang pinaalis mo muna sa bahay?

     

    LORENZA NUADA: Ma'am, iyong mga anak ko po ang pinaalis ko ng bahay. Actually magkakahiwalay po kami, kaming anim. Kami pong mag-asawa nagstay kami sa inuuwian po naming bahay. And then iyong tatlo ko pong anak, iyong 8 months, 5 years old, and iyong 7, dinala po namin agad bago maglockdown sa bahay po ng in-law ko, ng sister-in-law ko po sa may Rizal. And then iyong eldest ko po, dinala ko po sa second—iyong kapatid ko po na sumunod sa akin.

     

    VP LENI: Ang hirap noon!

     

    LORENZA NUADA: Yes, ma'am.

     

    VP LENI: Ang hirap noon na—

     

    LORENZA NUADA: Sa magkakahiwalay kayo, pati po ang expenses, ano po iyon—ihihiwahiwalay mo rin. Kasi hindi naman po puwedeng ipasa ko sa kanila ang obligation for the month.

     

    VP LENI: Pero, Enza, gusto mong sabihin nag-one year old iyong anak mo na wala ka?

     

    LORENZA NUADA: Yes, ma'am. Wala po ako.

     

    VP LENI: Ang hirap noon kasi kinukuwento mo nga parang hindi mo na-witness iyong mga first niya

     

    LORENZA NUADA: Yes, ma'am. Iyon unang hakbang niya, iyong first word niya, lahat po ng first niya nasakripisyo po namin noong pandemic. Sorry, iyakin talaga ako.

     

    VP LENI: Pero, Enza, kahit sobrang sakit noon for you. Parang tama naman ang naging desisyon mo, di ba? Tama ang desisyon mo na sakripisyo muna, inuna mo muna ang safety ng mga anak mo, kasi June nahawa ka di ba? Nagkaroon ka ng COVID?

     

    LORENZA NUADA: Opo. June 2020 po. Ano po iyon, buti nga po noon, medyo hindi na po siya kasagsagan ng COVID, mayroon na pong mga treatment na binibigay and management. Parang sobrang lucky po ako that time kasi ayun nga po hindi na po siya, di katulad noong mga nauna po. Pero natakot pa rin po ako kasi like iyong youngest ko po parang 9 months lang siya noon, or nag-1 year lang po, parang 8 months ko lang po siyang nakasama. So kinabahan po ako, as in takot na takot ako. Like mga 5 days po, tuloy-tuloy lang ang iyak ko doon sa room. Kasi unang-una hindi po nila alam na—iyong mga anak ko—na nagpositive ako. Hindi po namin sinasabi ng asawa ko. Iyon, marami pong kaming inisip that time pero after 5 days parang naisip ko po na kapag hindi ko po nilabanan, baka hindi ko na po talaga makita ang mga anak ko.

     

    VP LENI: Tapos ano, nabasa ko din Enza, na natakot ka talaga noong umpisa naconfine ka sa ospital, di ba? Naconfine  ka sa ospital, tapos tama ba na at one point, inisip mo na magpirma ka na ng parang Do Not Resuscitate, DNR. Bakit naisip mo iyon?

     

    LORENZA NUADA: Yes, po. Upon admission pa lang po, chinat ko na po iyong head nurse ko po, kay Sir Marlon, na if ever po na lumala ako, ayaw ko na po ng kahit anong management. Parang gusto ko na po is DNR-DNI nalang po, umabot po ako sa point na iyon. Pero ayon, luckily po, hindi naman po ako umabot sa DNR-DNI.

     

    VP LENI: Pero bakit mo naisip na ayaw mo, alam mo iyon. Kasi nakikita—I'm sure nakikita mo ang mga pasyenteng ini-intubate, pero mayroon namang gumagaling kahit ganoon kagrabe. Pero naisip mo na kung ikaw iyon, ayaw mo na?

     

    LORENZA NUADA: Kasi ma'am, tama po kayo. Nakikita ko po kasi ang sitwasyon. Iyong mga COVID patients po na nahihirapan po, so parang sa isip ko po ayaw ko na pong mangyari sa akin iyong matubuhan, tapos pahirapan ko po ang family ko, iyong asawa ko, eh apat ang anak namin. Gusto ko nalang po na iyon po, to leave peacefully sana po kapag ganoon.

     

    VP LENI: Pero ano, mabuti naman na nalampasan mo iyon. Ang nakakabilib, Enza, kasi grabe ang pinagdaanan mo. Nahiwalay ka sa mga anak mo, nagka-COVID ka, na-ospital ka. Pero balik ka na naman sa duty, di ba? Parang after 1 year, mag-a-anniversary na—mag-a-anniversary na ang pagka-ospital mo, pero nasa duty ka pa din. And the reason why ikaw ang gusto namin i-feature on Mother's day, para ipakita na ganito ang pagmamahal ng isang nanay, di ba? Na kung nanay tayo, gusto nating kasama ang mga anak natin, pero dahil sa nature ng trabaho mo pinili mo na mawalay sa kanila para ma-protect sila. Kasi di ba kung medyo selfish ka, eh namimiss ko sila, gusto ko silang kasama, bahala na. Pero sa iyo, di mo iyon ginawa. Iyong sa iyo, tiniis mo.

     

    LORENZA NUADA: Actually ma'am mayroong one instance na na-swab kami ng hospital and then after ko po mag-negative, pinuntahan ko po talaga ang mga anak ko and iyong heartbreaking po doon, iyong pinakamasakit talaga is niyayakap ko po ang bunso ko, pero hindi niya ako kilala, umiiyak siya. Hindi niya lang po ako talaga kilala. And then umiiyak siya, nagpapakuha po siya sa mga lolo at lola niya. Iyak din po ako ng iyak that time.

     

    VP LENI: Ako, hindi ko ma-imagine kung gaano ka painful iyon, sarili mong anak hindi ka na kilala. Pero ang sa iyo kasi, Enza, representative siya sa hirap na pinagdaraanan ng healthcare workers ngayon, di ba? Kasi hindi lang, parang karamihan kasi, halimbawa kami grabe ang pagpapasalamat namin sa mga nurses, sa mga doktor, sa mga health personnel dahil busing-busy kayo. Pero hindi nakikita iyong sakripisyong ginagawa niyo beyond sa trabaho niya, di ba? Gaya sa iyo, hindi lang iyon ang pag-duty mo sa COVID ward, pero the mere fact na iniwan mo talaga ang pamilya mo, para lang makaduty ka. Kaya Enza, kami nagpapasalamat sa iyo. Para sa akin, in behalf of a grateful nation, nagpapasalamat kami sa iyo, nagpapasalamat kami sa mga  kagaya mo na pinili na manilbihan pa din sa bayan kahit may sakripisyong ginagawa para sa pamilya. Kaya ito Enza, ngayon na ano na May na tayo ngayon, May of 2021, I'm sure busy pa din kayo.

     

    LORENZA NUADA: Yes, Ma’am.

     

    VP LENI: Busy pa din kayo sa Med City. Isa kayo sa mga ospital na marami talagang COVID patients since last year. Ano iyong thoughts mo, one year after? Ano iyong nararamdaman mo sa pag-aasikaso ng mga pasyente? Sabi mo nga, maswerte ka na nagkasakit ka ng June, kasi kung nagkasakit ka siguro ng March o April, baka—‘di ba? Hindi natin alam.

     

    LORENZA NUADA: Wala na po ako sa harapan niyo ngayon. [laughs]

     

    VP LENI: Totoo yun. Totoo yun. Pero halimbawa ngayon, halimbawa ngayon, Enza. Ngayon marami ulit namamatay dahil sa kakulangan ng ospital. Para sa inyong nurses, anong epekto ng ganitong sitwasyon?

     

    LORENZA NUADA: Actually Ma’am, nakakadurog po ng puso na we can only do so much po for the patients. Iyong management po ng nurses. Iyong after mo po magawa iyong lahat para sa kanila, hirap pa rin po sila huminga. After mo pong palakasin iyong loob nila, ganun pa rin po iyong situation nila. So nakakadurog po ng puso na everytime may kaliwa’t kanan kayong code blue, ang hirap hirap po nun sa pakiramdam. Tapos being, you know po, frontliner and being COVID patient rin po nung nakaraan, mas nararamdaman ko po iyong hirap nila kasi naranasan ko rin po iyong naranasan nila before ng pasyente. So ang lagi ko pong sinasabi sa kanila, there’s always light after COVID. Kailangan lang po talaga, Ma’am, is pasensya. Kasi ang COVID po, hindi po siya iyong 3 days, okay ka na. Hindi po eh. Mayroon kaming mga patients 3 months po. So lagi ko pong ina-advise sa kanila na magpasensya po. Kasi iyon po iyong pinakakalaban sa COVID, Ma’am. Kasi after a long stay sa hospital, ang kalaban niyo na po is iyong isip niyo, iyong thoughts niyo -

     

    VP LENI: Oo, totoo.

     

    LORENZA NUADA: Na gagaling pa ba kayo? Iyong ganun po. Saka ang COVID po kasi Ma’a, one day you’re okay and then di mo namamalayan, the next day –

     

    VP LENI: Iba na.

     

    LORENZA NUADA: Opo.

     

    VP LENI: Ito Enza, curious ako. Kasi nakakabasa ako ng mga ganito. May na-handle ka na ba na patient na ikaw iyong kanyang link sa kanyang pamilya? Kasi 'di ba bawal silang bantayan? Tapos iyong pamilya, syempre, gusto nilang malaman kung kamusta iyong patient. And kayo iyong nagiging tulay. So sa iyo ba, naranasan mor in ito na ikaw iyong tulay ng pasyente sa kanyang pamilya?

     

    LORENZA NUADA: Yes, Ma’am. Actually Ma’am, sa unit namin, mayroon po kaming family connect na tinatawag. So mayroon po kaming mga instances na talagang binibigyan po naming ng time iyong family to connect with the patient po na nasa amin. Marami na rin po, Ma’am. Minsan nga po ikaw pa iyong sasagot sa phone nila kapag tumatawag iyong relative. May naranasan rin Ma’am, heartbreaking Ma’am iyong habang kino-call mo, nagpapaalam po iyong relative sa phone. So habang nagpupump ka po, umiiyak ka din kasi ranas mor in po maging pasyente, hindi lang po maging nurse. Iyon po.

     

    VP LENI: Ito, ito. Ako, ako kasi, Enza, 'di ba mayroon din kaming Bayanihan E-Konsulta at iyong mga volunteers naming na grabe rin iyong pinagdadaanan. Gumagawa kami ng isang programa for their mental health. Kasi iyong na-aabsorb mo, iyong na-absorb mo na parang lahat na kahirapan will probably take a toll sayo. Iyong sa mga kagaya mo ba, papaano niyo pinapangalagaan iyong sarili niyo?

     

    LORENZA NUADA: Actually Ma’am, ako po, I keep iyong positive thoughts lang po. Tapos iniiisip ko na lang po na ginagawa ko to dahil sa mga anak ko para mabigyan sila in the future ng healthier world po. Para pagtapos ng lahat ng to, iyong maranasan po nila iyong mga bagay na dapat nararanasan nila. So di po ako nag-iisip ng negatibo na mga ano. Nung nagkasakit lang po ako. Pero right now po, parang tinitingnan ko na lang po sya as, you know po, maging positive, na malalampasan rin po natin lahat to. Naging mahirap rin po kapag pinasok niyo na po sa isip niyo eh. Kasi magiging kalaban niyo na po iyong sarili niyo. Kasi naranasan ko po iyong nung nagging pasyente ako. Like 5 days, ang feeling ko po talaga down na down ako. Tapos pumasok, lahat na po pumapasok sa isip ko. And then naisip ko po, kung magpapatalo ako talaga, lalong hindi ko na po mababalikan iyong mga anak ko.

     

    VP LENI: Tingin ko, Enza, napakahalaga nung sinabi mo. Napakahalaga nung sinabi mo kasi marami din kaming mga pasyenteng tinutulungan na ganun. Na yung, alam mo yun, iyong anxiety. Pag pasyente ka, iyong anxiety na gagaling ba ko? Baka bukas lumala na ko etc etc. Tapos for health workers din, lalo na kung nakakaface ka ng maraming deaths. Diba? Iyong mga nawawalan, lalo pa kasi wala iyong pamilya parang ikaw iyong –

     

    LORENZA NUADA: Ikaw iyong nagsisilbing family nila.

     

    VP LENI: Iyong family. So jusko, grabe. Ako Enza, hindi naman ako nurse. Hindi ako anything. Nagvovolunteer ako sa aming E-Konsulta pero grabe na iyong dala-dala na rin naming na baggage na, alam mo yun. I am sure na kayo, mas grabe. So ako nagpapasalamat ako sayo. Wala na tayong oras pero nagpapasalamat ako sayo sa pagsasakripisyo.

     

    LORENZA NUADA: Welcome po, Ma’am.

     

    VP LENI: Dasal naming na lagi kayong ligtas. Sana na-vaccinate ka na Enza. Na-vaccinate ka na ba?

     

    LORENZA NUADA: Yes po, Ma’am. Last month po.

     

    VP LENI: Buti naman. Iyong ating aim na 100% san ana mga health workers natin ay fully vaccinated na.

     

    LORENZA NUADA: Yes, Ma’am.

     

    VP LENI: Dasal ko iyong, syempre lakas ng pangangatawan saka lakas ng loob dahil kayo talaga iyong nag-aabsorb. Kayo iyong nag-aabsorb ng maraming maraming problema ng ating bansa patungkol sa COVID19 ngayon. So maraming salamat sayo. Happy Mother’s Day and sana nasa mabuting kalagayan iyong apat mong anak.

     

    LORENZA NUADA: Ay nandito po sila pinapanood po ako.

     

    VP LENI: Buti naman kasama mo kasi special day ito. So Enza, sana pagkatapos nila, ma-meet kita in person.

     

    LORENZA NUADA: Yes Ma’am. I’m also hoping for that po.

     

    VP LENI: Thank you, Enza. Happy Mother’s Day.

     

    LORENZA NUADA: Thank you, Ma’am. Happy Mother’s Day din po. Ma’am, batiin ko lang iyong sa unit namin.

     

    VP LENI: Sige sige.

     

    LORENZA NUADA: Hi guys, [inaudible] head nurses po and supervisors and my manager, Ma’am Percy. Thank you po Sir Ferdy and [inaudible]. Thank you po, Ma’am.

     

    VP LENI: Ayon. Sir Ferdy, Ma’am Percy, sa inyo po, maraming maraming salamat. Madalas din akong pumunta ng MedCity pero parang hindi pa ako nakapunta ng 14th floor. Sorry mga taga-14th floor po, salamat sa sakripisyo nyo. Happy Mother’s Day din sa lahat.

     

    LORENZA NUADA: Thank you, Ma’am.

     

    VP LENI: Thank you.

     

    LORENZA NUADA: Thank you po.

     

    [END OF INP SEGMENT]

     

    VP LENI: Ayan, Ka Ely.

     

    ELY: Opo.

     

    VP LENI: Grabe, Ka Ely no?

     

    ELY: Sakripisyo. Ma’am, iyan ang hero.

     

    VP LENI: Oo, sobra. Sobra. At ang ano, Ka Ely, ang nakikita lang natin, Ka Ely, iyong pagod nila. Eh iyong pagod na nga nila, grabe na iyong pasasalamat natin. Pero iyong kwento sa likod ng bawat health worker, grabe talaga Ka Ely sakripisyo. Biruin mo iyong kay Enza, mayroon kang baby. Mayroon kang baby na kailangan mong iwan para lang makapagsilbi ka. Ang hirap nun, Ka Ely.

     

    ELY: Opo. At siyempre hindi lang siya nag-iisa. Napakarami ho ngayon no, na mga medical health workers ang patuloy na nagsasakripisyo dito po sa pandemya. So Ma’am, batiin ulit natin ng Happy Mother’s Day iyong ating mga listeners at batiin ko rin iyong aking mother no, si Mama Paz at—

     

    VP LENI: Happy Mother’s Day po.

     

    ELY: Ang aking misis. Si Luz.

     

    VP LENI: Luz, Happy Mother’s Day, Luz!

     

    ELY: At siyempre, sa lahat po ng nanay, iyong matinding sakripisyo. Ma’am, ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan bago po tayo magpaalam?

     

    VP LENI: Sa akin, Ka Ely, pasasalamat. Una, pasasalamat kasi itong past—since March, late March until April nakita talaga namin, Ka Ely, iyong kabutihan ng Pilipino. Hindi lang sa time na ito pero kahit noon during our donation drives. Pero iyong kabutihan, Ka Ely, na talagang laging handa na tumulong. Nakikita naman natin iyong success ng community pantries, ‘di ba? Iyong success ng community pantries, nagpapakita talaga ng—ako nagpapasalamat tayo kay Patreng na siya iyong nag-umpisa nito. Pero nagpapasalamat tayo sa mga tao na tuloy-tuloy. Alam kong naghihirap din iyong karamihan pero tuloy-tuloy iyong tulong na dumadating. Sa amin lang, ka Ely, mga doctor, mga non-medical volunteers, grabe talaga. So iyon iyong number one, salamat.

     

    Iyong pangalawa, pagpapaalala lang ulit. Pagpapaalala lang ulit, ka Ely, na mag-iingat. Kasi nakita ko na, Ka Ely, at close hand, kung gaano ka—hindi ko alam iyong term pero kung gaano ka-traydor na sakit iyong COVID. Dahil at one point, okay ka. Bigla na lang na hindi magiging okay. Kaya ito po, COVID is very real. Kaya iyong pag-aasikaso sa kalusugan natin ay talagang dapat primary importance. Patuloy na paghihikayat din. Ito na siguro, Ka Ely, iyong last. Pero paghihikayat din na kahit po isang pamilya lang, kahit isang tao lang iyong matulungan natin, ang laking bagay na. Marami tayong kababayan na naghihirap. Marami po tayong kababayan na walang pagkain. So sa atin, iyong pag-asikaso lang ng ating—ng neighbor natin, ng kakilala natin, kung nadaanan natin sa daan na kinakailangan ng tulong, ang laking bagay na. So sa akin, Ka Ely, sa Mother’s Day, sa paghikayat lang na maging nanay iyong lahat sa pag-aasikaso ng lahat ng ating kababayan na nangangailangan ng tulong sa panahon ngayon.

     

    ELY: Opo. At Happy Mother’s Day din kay Milky Rigonan ng DZRH. At iyong masipag Ma’am, na nagcocover sa Office of the Vice President, si Raymund Antonio ng Manila Bulletin.

     

    VP LENI: Oo, si Raymond. Raymond, Happy Mother’s Day kay misis mo saka sa nanay.

     

    ELY: Opo.

     

    VP LENI: Happy Mother’s Day

     

    ELY: Ma’am, paalam na tayo. Good morning po sa inyo.

     

    VP LENI: Ayon.

     

    ELY: Ingat lagi.

     

    VP LENI: Thank you, ulit Ka Ely. Happy Mother’s Day po sa lahat ng mga nanay na nakikinig ngayon, Ka Ely. Kahit mga tatay, Ka Ely, kahit mga tatay na nag-aact as nanay. Happy Mother’s Day din po sa inyo.

     

    ELY: Opo. Okay maraming salamat, mga kasama. Iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat at muling sumainyo ang BISErbisyong LENI dito po sa RMN . Muli po, isang magandang umaga Pilipinas.

     

     

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on May 09, 2021