This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 208

    BISErbisyong LENI Episode 208

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! At siyempre ngayon po ay araw ng Linggo, Mayo 2, 2021—May 2, 2021, mga kasama. Ako pa rin ho ang inyong radyoman Ely Saludar. At siyempre, mula pa rin dito sa RMN DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng inaabot ng ating broadcast nationwide, netwide. Mga kababayan, ito po ang BISErbisyong LENI sa RMN. Oras na po natin, mga kasama, 9:07 na ho ng umaga.

    At para po sa ating mga kababayan na sumusubaybay dito ho sa palatuntunang ito ng ating Bise Presidente, wala po, hindi ho natin siya makakasama dahil sa mayroon pong problemang teknikal, ano. Iyong kanilang koneksyon, mga kababayan. Hindi ho kinaya, mga kababayan. Kaya panawagan natin sa PLDT kay Boss MVP, Sir Manny V. Pangilinan, Sir, baka puwede hong mapaayos hong ito hong serbisyo ng internet ng Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas. Noong nag-tweet nga si Liza Soberano, agad na nagpapunta kayo at pinaayos kaagad iyong kanilang internet dahil sa sobrang hina at palpak, hindi ho ba. Eh, alam niyo ho tuwing Linggo ho rito, mga kababayan, siguro nakakasubaybay naman ho kayo, na talaga hong napakahina ng internet, mga kasama, ng ating Bise Presidente. Eh nako, sa ngalan ho ito ng public service, eh, at alam niyo naman ho na napakaimportante iyong aming palatuntunan. Marami po tayong natutulungan at siyempre, marami rin ho ang sumusubaybay dito sa palatuntunang ito. Napakaimportante. So panawagan lang ho iyan, ha, sa PLDT, kay Boss MVP. Sir, baka puwede naman ho mapaganda ang serbisyo ng internet po, ha. Iyong mga kababayan natin, mga kaibigan nating nagmomonitor sa mga nasa media sa OVP, eh panawagan ho namin iyan sa PLDT.

    Okay, nasa linya na ho natin siyempre, mga kasama, ang tagapagsalita ng ating Bise Presidente. Si Attorney Barry Gutierrez. Attorney, magandang umaga ho sa inyo!

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga, Ka Ely! At magandang umaga sa lahat ng ating mga tagasubaybay. At isang Happy Labor Day—isang matagumpay na Labor Day sa lahat ng ating manggagawa lalo na iyong ating mga frontliners dahil May 1 kahapon.

     

    ELY: At iyon nga, binabanggit ko, Attorney, kasi ang dami na agad nagtatanong bakit wala ang ating Bise Presidente. May problema po sa internet. Linggo-linggo kasi talagang—siguro nasusubaybayan mo rin naman, ‘di ba, madalas bumagsak ang signal, eh, ng ating Bise Presidente. Kaya tayo ay nananawagan lang naman, ano, at siguro nakikiusap sa PLDT. Idiretso na natin kay Boss MVP na sana ay maisaayos ang serbisyo at siyempre, serbisyo ho ito para sa taumbayan. Okay, Attorney, kumusta naman ang naging, siyempre aktibidad ng ating Bise Presidente at siya ay nag-quarantine.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo. In-announce naman niya iyon, Ka Ely, ‘di ba, na na-expose siya sa isang close-in security niya na nagpositive kaya kahit na doon sa kaniyang initial result ay negative siya, kailangan sumunod sa ating health protocols at siya ay nag-quarantine ng isang linggo at pagkatapos noon nag-test ulit at nagpapasalamat naman tayo na doon sa kaniyang follow-up test after iyong one-week quarantine, eh wala nang ano, siya ay negative. So tuloy lang ang kaniyang trabaho.

     

    Itong nakaraang Linggo nga, busyng-busy ulit si VP Leni doon sa ating inisiyatibang tinutulak ngayon na Bayanihan E-Konsulta. Nakita niyo naman iyong ibang post, Ka Ely, siya mismo nagko-call center agent doon sa Bayanihan E-Konsulta project ng OVP. Talagang ang daming mga tumatawag, ang daming mga iba’t ibang naghahanap ng konsultasyon dahil sa panahon ngayon, lalo rito sa loob ng NCR Plus Bubble, ang hirap talagang magpunta ng ospital. Ang hirap makakausap ng doktor. Kaya nga natin sinimulan ito para may option iyong ating mga kababayan na hindi makapunta ng ospital, o kaya hindi kaya magbayad ng teleconsultation, kahit papaano mayroon silang makausap na isa sa ating mga volunteer doctors. So iyan iyong tuloy-tuloy lang na inaasikaso nitong nakaraang linggo. Siyempre, tuloy-tuloy din iyong pagtanggap natin ng mga donasyon sa OVP, sa ating opisina dito sa may Quezon City. Hindi ko alam kung nakadaan kayo roon recently, Ka Ely, pero parang warehouse talaga, ‘di ba.

     

    ELY: Nakita ko nga, Attorney. Hindi ko na makilala iyong opisina.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Punong puno ng mga relief goods. So tuloy-tuloy lang iyon. Tuloy-tuloy lang iyong pagtanggap, tuloy-tuloy iyong distribution natin sa mga komunidad, sa mga ospital, at ito talaga, eh. Kailangan nating magtulungan sa panahon ng krisis. May isang taon na tayong bumubuno nitong ating problema sa COVID-19. Ngayon, nagpapasalamat tayo kahit papaano medyo bumabagal ulit iyong pagdami ng kaso. Pero maraming nagugutom, dumadaming nawalan ng trabaho, so ginagawa lang natin kung anong ginagawa natin para makatulong.

     

    ELY: At iyong sa E-Konsulta, kasi maraming mga lumapit sa atin at sinabi ko magpunta lang sila sa FB page ng Bise Presidente. Nagulat sila, Attorney, ang bilis daw ng sagot!

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Eh, inayos talaga natin iyan, Ka Ely. Tuloy-tuloy iyong pag-activate ng system. Kasi ang dami talagang pumasok, eh. Sa kasalukuyan, alam ko mahigit 7,000 requests na ang nakapasok doon sa sistema. At mahigit 6,000 ang naaksyunan na dito sa mga requests na ito. Iba’t-ibang level kasi, Ka Ely, hindi lang COVID ang kino-konsulta dito. Isa sa mga naging problema nga, dahil dumami ang kaso ng COVID dito sa NCR Plus, kahit iyong mga ibang sakit eh hindi ka na makapunta ng ospital kasi walang doktor na puwedeng umasikaso sa iyo. Punong-puno talaga ng ano, puro COVID ang inaasikaso. So sinusubukan din natin bigyan ng tulong iyong mga iyon at nagpapasalamat tayo na marami tayong mga naging volunteer doctors dito na nag-sign up at nakakapagbigay ng libreng teleconsultation doon sa mga nagpupunta dito sa Bayanihan E-Konsulta Facebook page. So punta ka lang doon, mag-message ka, tulong, tuloy-tuloy na iyong mga tanong. Kailangan mong magbigay ng phone number at ikaw ang tatawagan. Hindi ka kailangan gumastos dito, Ka Ely. Ikaw ang tatawagan ng ating staff at pagkatapos ng initial interview at pre-screening, puwede kang ma-refer sa consultation sa ating mga volunteer. So tuloy-tuloy lang iyan, Ka Ely. Ang laki talaga noong tulong na nakuha natin galing doon sa mga volunteers na doktor, mga volunteers na nagpi-pre-screen, iyong parang mga call center agent nga. Pero kahit sa kabila ng lahat na ito, ang dami talagang pumapasok na requests, Ka Ely. So bugbog na bugbog din iyong aming staff, bugbog na bugbog iyong aming mga volunteers. Kaya noong nakaraang mga araw, humingi ulit si VP Leni, nanawagan ulit para sa mga volunteers. So kung mayroon kayong panahon, willing kayong tumulong, puwede kayong mag-sign-up muli as volunteer dito sa Bayanihan E-Konsulta.

     

    ELY: At marami ang natutuwa rin, ano, kasi bukod sa mabilis na pagsagot, ano, pagtugon, Attorney, iyong mga nagpositibo, agad na pinadalhan ng ano, iyong mga COVID care kit.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama iyan, Ka Ely.

     

    ELY: Nagulat sila, eh.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kasi kapag umabot ka na doon sa—kapag nakapagkonsulta ka na sa isa sa ating mga doktor at nag-recommend iyong doktor na padalhan ka ng COVID care kit dahil kailangan i-monitor, ipapadala sa iyo iyong care kit sa bahay. Doon sa address na iyong binigay. At kasama dito iyong monitoring sheet, kasama dito iyong oximeter, may mga vitamins, may mga gamot. Kasi nga ang idea talaga natin dito, iyong mga hindi talaga makalabas, iyong mga hindi makapunta ng ospital at nakakaramdam ng sintomas na puwede namang ma-monitor at mabantayan lang sa bahay, hindi siya emergency case, eh tutulungan natin hangga’t kaya. Kaya kasama doon—bukod sa konsultasyon—kasama dito iyong pagpapadala ng care kit. At nakakatuwa, Ka Ely, kapag nagpopost sila at nagpapasalamat, iyong iba nagugulat dahil ang bilis nga raw ng response. Nagugulat na within 24 hours nakakatanggap sila noong care kit at nakakataba ng puso iyon. Pagod na pagod iyong ating mga volunteers, pagod na pagod iyong ating mga staff, pero natutuwa sila tuwing nakikita na may ganoong natutulungan, mayroon talagang totoong tao na kahit papaano nakikinabang dito sa serbisyong ito.

     

    ELY: At siyempre, kasi sabi mo kanina hindi lang sa kahit may kinalaman sa COVID, kasi gusot ng ating Bise Presidente na pati iyong mga ano, lalo na iyong mga senior citizen, Attorney, na hindi talaga makapunta sa ospital, at iyong iba naman talagang delikado na pupunta sa ospital, nandito iyong mga senior citizen, matagal na, mahigit isang taon nang hindi nakakapagpa-check up, ito ang pagkakataon, ‘di ba, kaya inilunsad iyong programa ng ating Bise Presidente.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama iyan, Ka Ely. Kasi ang realidad, gaya nga ng sinabi ko kanina, bukod sa iyong mga tao na nagkakaroon ng sintomas, iniisip nila may COVID sila, ang daming iba na may sakit, diabetes, halimbawa, na hindi nakakapagkonsulta sa kanilang mga doktor dahil nga wala, eh. Hindi ka makalabas, puno ang mga ospital, nakakatakot magpunta sa mga ospital at baka ikaw ay mahawa. So kahit papaano, sa pamamagitan nitong Bayanihan E-Konsulta, puwede kang makapagkonsulta, teleconsultation sa isang doktor over the phone at mabibigyan ka ng payo, mabibigyan ka ng advice, at kahit papaano makakagaan ng loob dahil mayroon kang nakausap na doktor.

     

    ELY: Ayon. Okay at siyempre ngayon, Attorney, pinalawig iyong MECQ dito sa NCR plus bubble hanggang Mayo 14. At sa panig ng OVP sa inyo, ano sa tingin niyo na dapat gawin pa. Kasi lahat naman ito ninanais na lalo pang mapababa iyong kaso ng COVID. Iyong average nasa 8,000 pa rin, eh. So ano bang nakikita mo, Attorney, iyong tamang COVID response dito, o ano pa iyong mga dapat. Tayo, nagbibigay tayo ng suhestiyon at siyempre nangunguna ngayon ang ating gobyerno sa pamununo ng DOH.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mula’t mula naman simula, Ka Ely, sinabi namang pangunahin ni VP Leni na pakinggan natin iyong mga doktor, pakinggan nating iyong ating mga frontliners at health professionals. At klaro iyong kanilang posisyon na bukod sa pag-i-impose ng ECQ, ng MECQ o anumang tinatawag natin, ginagamit dapat natin iyong panahon na iyon para lalong palakasin iyong delivery at iyong kapasidad ng ating healthcare system at pabilisin iyong rollout ng vaccines. Kasi sa dulo, iyon ang ano, eh, iyon ang solusyon na makakapag-ahon sa atin dito sa problemang ito. Kaya ka nagla-lockdown, kaya ka nagka-quarantine, para bumagal iyong ano, iyong pagkalat ng impeksyon. Iyong flattening the cruve, ‘di ba, na matagal na nating sinasabi. Pero kapag na-flatten natin iyong curve, kailangan may kaakibat na pagpapalakas ng ating healthcare system. Dumadami iyong mga healthcare professionals, iyong mga facilities ng mga ospital, para tumanggap ng ganitong klaseng mga kaso at dahil nga mayroon nang vaccine ngayon, bumibilis dapat iyong rollout noong vaccine dahil ang solusyon lang naman talaga rito herd immunity. Kapag nakapag-vaccinate tayo ng 70 million na Pilipino, eh iyon, puwede na tayong bumalik sa, parang normal na pamumuhay natin. Hindi tulad ngayon na dahil napakakaunti pa lang noong nava-vaccinate, talagang napakahigpit pa rin ng mga protocols na kailangan nating sundin. Hindi ko alam, Ka Ely, kung nakita mo iyong mga pictures galing Israel. Sila kasi ang bilis ng ano, ng naging rollout ng vaccination program kaya ayon, hindi na naka-mask kapag lumalabas. Parang wala nang COVID.

     

    ELY: At saka ano kasi, Attorney, ‘di ba bumili sila ng bakuna kahit na mahal…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo, kasi inisip nila iyong dagdag nating bayad na iyon, mababawi natin iyan kasi mas maaga tayong makakapagbukas ng ating ekonomiya, ng ating lipunan, mas maagang mali-lift iyong mga restrictions. Sa US ngayon, Ka Ely, dahil natupad, naglagpas-lagpas iyong target ni President Joe Biden na dapat—una, 100 million vaccinations in 100 days, nagawa nila in 58 days, iyong 100 million vaccination. So ngayon, medyo nagluwag na ng kanilang mga protocols. May mga outdoor gathering na hindi na kailangang mag-mask. So ganoon iyong ano, eh, ganoon iyong gusto nating makita para sa ating bansa sa lalong madaling panahon. So sana, bukod sa nag-i-impose ng ECQ, ng MECQ, tuloy-tuloy iyong ating efforts para mapabilis iyong ating vaccine rollout at magamit nga natin iyong panahon para mapalakas iyong ating healthcare system para hindi natin nararanasan iyong nararanasan natin ngayon na talagang mahirap pa ring makahanap, makakuha ng admission sa mga ospital para sa marami nating mga kababayan na nagkakaproblema sa COVID.

     

    ELY: Pero ako nalilito ako rito, Attorney, dahil sa ito, si Secretary Duque admits Philippines may reach goal of herd immunity versus COVID-19 this year. Tapos nagbasa naman ako sa kabila, Secretary Carlito Galvez Jr. expressed confidence that Philippines will achieve herd immunity against COVID-19 within the year. Parehong—

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Well, ako, Ka Ely, hindi ko alam kung anong—pero ang rinig kong—ganito, eh, sa kasalukuyan, kung gusto nating makapagreach ng herd immunity bago matapos ang taon, on average kailangan nating mag-vaccinate ng mga 300,000 araw-araw. So sa isang linggo, mga 2 milyon iyon. Ngayon, ang vina-vaccinate natin on an average 35,000 araw-araw. So mga, ‘di ba, kailangan pabilisin talaga natin almost 10 times iyong ating rate ng vaccination. Ngayon, sabi ni Secretary Galvez by August daw, posible na every week, two to three million ang mava-vaccinate. So kung magagawa iyon, mabuti. Tingin ko kung makakayanan natin iyon, mabuti kasi ibig sabihin noon, aabot tayo ng—maaabot natin iyong target na 70 million bago matapos ang taon. So sana nga, ganoon. Pero hindi ko alam, Ka Ely, kung nakita mo na iyong ano, eh, iyong herd immunity tracker. Mayroon sa Twitter, eh. Ngayon doon sa current rate natin na 35,000 on average na vaccinations a day, eh 10 taon bago tayo aabot doon sa target—2031. Eh wala naman siguro sa atin na may gustong ganoon katagal mag-intay. So umaasa naman tayo na iyong ipinapangako ni Secretary Galvez na by August, two to three million a week ang ating rate, ay magawa, para nga sa lalong madaling panahon, ma-vaccinate natin iyong target na 70 million at makaahon tayo dito sa kasalukuyang problema na hinaharap natin dahil dito sa COVID. Kasi ang hirap talaga, eh. Tingin ko klarong klaro na na maraming taong nawalan ng trabaho, nahihirapan. Itong nakaraang dalawang linggo, nakita naman natin iyong mga pila doon sa mga Community Pantry, Ka Ely, ‘di ba. Nakikita mo ang dami talagang taong nagugutom, ang dami talaga sigurong walang kakayahang bumili ng pagkain para sa kanilang pamilya. So gusto natin talagang makaahon na dito, gusto na nating matapos ito — at ang tanging paraan diyan ay makapag-acquire tayo ng herd immunity, makapag-vaccinate tayo ng sapat na mga tao, para puwede na ulit magbukas at bumalik tayo sa isang sitwasyong hindi na naka-impose lahat ng restrictions na ito.

     

    ELY: Okay. Opo. So lahat ho tayo— Pero sa kabilang bansa, ang binabanggit, sana habang— Kasi lahat ngayon puro kuwenta ang gobyerno, na “ito, darating mga bakuna,” “ganito,” etc. Pero sana naichecheck din ng ating gobyerno, sabi nga ni Senator Ping Lacson, dapat siguraduhin na lahat ng Pilipino mataas ang kumpiyansa, kasi hanggang ngayon marami pa ring walang tiwala sa bakuna. May mga hindi naniniwala sa bakuna. Siguro ito iyong talagang paigtingin kasi baka dumating iyong mga bakuna, Attorney, tapos masayang. Pera nating lahat iyan. Inutang ho iyan ng gobyerno, na tayo ang magbabayad.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama iyan, Ka Ely. Kaya nga kung aalalahanin ninyo, noong mga Marso, naglabas si VP Leni ng isang video para nga sagutin iyong ilang mga katanungan tungkol sa pagbabakuna, para ipahiwatig na safe ang bakuna, at dapat lahat tayo ay pagpabakuna. Kasi tama iyan, sa mga lumabas na surveys, napakababa ng kumpiyansa ng marami sa ating mga kababayan sa pagbabakuna. Siguro hindi natin maiwasan dahil nagkaroon ng pananakot dahil sa Dengvaxia, tapos maraming mga kuwentong umiikot ngayon na may side effects daw, ganiyan. So kailangang magkaroon talaga ng klarong information program na “ito iyong totoo.” Hindi totoong iinjectionan ka ng live na virus. Hindi totoo iyon. Hindi totoo na ikamamatay mo kapag ikaw ay nagpabakuna. Lumalabas na, Ka Ely, iyong mga studies mula doon sa experience ng maraming ibang bansa doon sa iba’t ibang mga vaccines, at lumalabas dito na bagamat may side effects, napakakaunti ng percentage ng mga tao na nagpapakita ng side effects. Sabi nga nila, mas malamang pang tamaan ka ng kidlat kaysa sa magkaroon ka ng side effects na malala dito sa bakunang ito. So kailangan talaga itulak natin, i-encourage nating patuloy na magpabakuna iyong mga puwedeng magpabakuna na, para lumakas lalo ang kumpiyansa ng ating mga kababayan.

     

    ELY: Pero tayo, nagmomonitor naman tayo, pero ang sinasabi— Ito, may lumabas na memo mula sa PCOO, na kung saan ay talagang gustong... hindi ko alam kung gustong linlangin ang publiko, dahil sa ang sinasabi, inaatasan lahat ng news agencies ng gobyerno na iparating sa publiko na mas mabuti ang katayuan ng Pilipinas kontra COVID-19 kaysa ibang bansa. Parang binabanggit na parang tayo ang pinakamagaling sa COVID response, Attorney.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ako, ganito eh: kailangan lang na itigil natin iyong pagtingin sa mga bansa na mas malala ang sitwasyon. Halimbawa, ang paulit-ulit na nakikita ko ngayon, “Eh sa India ganito.” Unang una, Ka Ely, ang India isang bilyon ang populasyon no’n eh, ‘di ba? Tayo 100 million lang. So walang comparison na puwedeng ibigay doon.

     

    Pangalawa, kung gagawa ka ng— ‘Di ba, kung ihahambing mo sarili mo sa iba, hindi ba gusto mong ihambing ang sarili mo doon sa pinakamagaling, ‘di ba? Halimbawa kung nag-aaral ka, tapos nag-exam kayo, tapos ito iyong score mo — sabihin mo nang 75 ang score mo — bakit mo ikukumpara iyong score mo doon sa ang nakuha 50? ‘Di ba gusto mong ikumpara iyong score mo doon sa mga mataas, 90 ganiyan, para maengganyo kang galingan. Kasi sa dulo, ang gusto natin, iyong pinakamagandang serbisyo, iyong pinakamagandang programa ang mapatupad natin dito. At napakaraming halimbawa ng mga magandang naging handling ng COVID. Hindi natin kailangang puntahan iyong mga malalayo at mayayaman na bansa. Sa mismong ASEAN, Vietnam, Taiwan, ‘di ba.

     

    ELY: Iyong Vietnam na lang, Attorney. Alam mo kasi, nagulat ako, sila ang unang una kaagad nagpatupad nu’ng app, iyong sa contact tracing.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

     

    ELY: Eh tayo... mas techie ang mga Pilipino doon eh. Advanced tayo. Bakit ganoon?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sa dulo... Ako, Ka Ely, huwag na muna nating tingnan iyong comparison sa ibang bansa eh. Ang focus natin, ano ba iyong target natin, ano ba iyong gusto nating maabot? Sa kasalukuyan, mataas na rin ang ating positivity rate. Kahapon yata nasa 16%. Ang recommendation ng WHO, dapat nasa 5% lang iyan. Dumadami pa rin ang mga kaso natin, kahapon nasa mga 9,000 ang mga dagdag na kaso. Lumagpas na tayo ng isang milyon na kaso ng COVID. So iyan ang mga kailangan nating tingnan eh. Paano natin mapapabuti iyan? Paano natin mapapababa iyong transmission rate? Paano natin mapapababa iyong positivity rate? Paano natin mapapabilis iyong rollout ng vaccines? Kaysa tinitingnan natin iyong India at pinipilit natin, “Pero mas masama doon eh.” Anong tulong sa atin no’n?

     

    Kami, dito sa Bayanihan E-Konsulta na lang, Ka Ely, grabe, ang dami talagang naghahanap ng tulong, ang daming mga nagpo-post, ang daming nangangailangan ng konsultasyon sa doktor. At ang pinaka-nakakabasag talaga ng puso, Ka Ely, iyong mga tumatawag na emergency cases. Kasi hindi talaga kaya ng Bayanihan E-Konsulta kapag emergency, kasi ospital na iyon eh. So kapag ganoon, ang ginagawa namin ay nire-refer namin sa One Hospital Command Center, iyong OHCC, kung sa NCR, o kung sa labas, sa mga LGUs. Pero kita mo talaga, Ka Ely, ang daming taong naghahanap ng mapapasukang ospital para sa kanilang mga kamag-anak, sa mahal sa buhay — at ang hirap eh. So iyon ang dapat nating tinututukan: Paano natin matutulungan itong ating mga kababayang nangangailangan na ito? Kasi kung iyan ang mga taong kaharap mo, iyan ang humihingi ng tulong, alangan namang sabihin mo sa kanila, “Pasalamat pa rin kayo dahil sa India mas maraming namamatay.” Ano sa kanila iyon, ‘di ba?  Sa dulo—

     

    Hindi ko alam, Ka Ely, kung naranasan mo ito, pero ako, nitong nakaraang buwan, punong puno iyong aking social media feed, sa Facebook at sa Twitter, ng mga taong namatay. ‘Di ba? Mga kakilala, mga kamag-anak, mga kaibigan ng kaibigan, mga kamag-anak ng kaibigan na namatay dahil sa COVID. At ang bigat. Para na talagang ano eh, parang obituary na iyong Facebook feed. So iyon iyong kailangan nating tutukan sana. Sana iyon iyong ating asikasuhin.

     

    Si VP Leni at tayo dito sa OVP, ginagawa natin ang ating magagawa. Nagpapasalamat tayo na nakikita din natin na maraming ordinaryong mamamayan na kumikilos din para magawa ang kanilang... para makapag-ambag at magawa ang kanilang makakaya para makatulong dito — mula doon sa mga nagtayo ng Community Pantry o nagdodonate sa Community Pantry, hanggang doon sa mga nagvovolunteer para sa iba’t ibang initiatives tulad ng sa OVP. Pero sa dulo, kailangan mismong gobyerno natin kumilos din, ‘di ba? Nasa kanila iyong resources eh, nasa kanila iyong mandato. At alam ko namang nagtatrabaho sila, alam ko na maraming mga empleyado ng pamahalaan na talagang ginagawa ang lahat para makatulong dito. Pero kailangan nating tugunan iyong pangangailangan, dahil malinaw na kulang pa, mayroon pa rin talagang hindi nasasalo. At ang tanong dapat natin sa ating sarili ngayon: Ano ang magagawa pa natin para masigurado natin na walang maiiwan dito sa ating pagkilos laban sa COVID?

     

    ELY: Okay. Dito naman sa isyu ng West Philippine Sea, Attorney. Siguro alam naman ng ating mga kababayan ang banat ni Retired Justice Carpio at former DFA Secretary Albert del Rosario dito sa isyu ng West Philippine Sea. Sabi nga ni Justice Carpio eh dapat gisingin si Pangulo sa kaniyang pagkakatulog dito ho sa isyu ng West Philippine Sea. Pero ngayon may buwelta ang Malacañang, si Executive Secretary Salvador Medialdea, at ang sinasabi niya — sasabihin ko na ang binanggit niya. Sabi niya, “For the stupid actions they have done during their regime, they want President Duterte to solve the problems they have created in the West Philippine Sea.” Eh siyempre siya ang pangulo ngayon, kung mayroon naman talagang problema — Ikaw, Attorney, anong masasabi mo dito sa isyu ng West Philippine Sea?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Naku, Ka Ely... Una, nalulungkot ako. Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Senator Ping Lacson noong isang araw, na nalulungkot ako na imbes na nakatutok tayo na mga Pilipino doon sa problema papalabas — ‘di ba, kasi China ang nanghihimasok eh — parang bakit tayo iyong nagbabangayan at nagsisisihan dito? Kasi sa dulo, Ka Ely, ang dapat natin pananaw ay ito: Nanghihimasok ang Tsina. Klaro naman iyon eh. Wala namang... tingin ko wala namang tumatanggi doon. Nanghihimasok, ‘di ba? Pinarada nila iyong kanilang mga barko ng halos isang linggo, ‘di ba, doon sa ating karagatan. At kung hindi pa nagkaroon ng military exercises kasama ang US, ‘di ba, hindi pa umalis, ‘di ba? So ang totoo nanghihimasok. So ang tanong, anong magagawa natin ngayon? Iyon iyon eh. At ang sa akin, hindi sagot iyong, “Eh kasalanan iyan no’ng dati.” Sa dulo, iyong desisyon na panig sa atin sa arbitral tribunal noong 2016, ‘di ba, pagkatapos ng eleksyon, si Pangulong Duterte na ang nakaupo — ang tanong, anong magagawa natin ngayon para lalo nating maiassert, lalo nating maitulak iyong panalo doon sa desisyon na iyon? Kasi ginagamit iyong desisyon na iyon ng ibang bansa — EU ginagamit, US inaassert iyon. Bakit tayo mismo, na tayo ang nagsampa ng kaso, parang medyo malamya iyong ating sitwasyon diyan? At iyon nga, sa dulo, ang kalaban nasa labas. Iyon dapat ang ating tinututukan, hindi iyong nagtuturuan tayo dito. Ang tanong: Ito iyong problema, anong magagawa natin? At hindi puwedeng sagot iyong “Wala tayong magagawa.” Kapag may problema, kayo iyong nandiyan eh para tumugon sa problema eh.

     

    ELY: At saka siyempre bilang Pilipino, bilang presidente, manguna ka. Kung anuman ang sitwasyon ngayon, ‘di ba? Tama nga ang sabi ni Senator Lacson, binanggit n’yo po kanina, na dapat sama-sama ang mga Pilipino laban dito sa panghihimasok ng Tsina.

     

    [END OF GAP 1]

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Okay, Attorney, ito na, dito na tayo sa ating Istorya ng Pag-asa, at mamaya iyong ating mga texter, susubukan natin na makapagbasa tayo ng kanilang mga message sa text saka sa Facebook. Maya-maya lang ho.

     

    Ito, importante itong ating Istorya ng Pag-asa, dahil sa alam naman natin, ito po ay nagbibigay ng inspirasyon para po sa ating mga kababayan, lalo na siyempre dumadaan sa iba’t ibang mga pagsubok at ngayon sa gitna ng pandemya. Attorney.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Banggitin ko lang muna, Ka Ely, kagabi nagkaroon tayo ng Harana, parang thank-you concert para sa ating frontliners sa panahon ng May 1. At iyong ating... maraming mga artists na nag-perform. Inistream din iyan sa ilang ospital.

     

    At ngayong umaga, ang ating bisita, isa sa mga magigiting na mga frontliners natin, na talagang inaasahan natin sa nakaraang taon: si Doc Andro Umali, isang chief resident sa Medical City, at katrabaho din natin sa OVP, hindi bilang consultant sa ating Bayanihan E-Konsulta, pero dahil siya ay isa ring mobility advocate at bike enthusiast, siya mismo ang nag-volunteer para magdala ng ating mga care kits doon sa ilang mga nag-avail ng consultations. So magandang umaga, Doc Andro.

     

    1. ANDRO UMALI: Good morning po sa inyong lahat.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Baka puwede kayong magkuwento nang kaunti doon sa naging karanasan n’yo in the past year, at ano iyong nag-prompt sa inyo na mag-engage sa ganitong klase ng volunteer work, ito ngang pagbaba-bike at pagdadala ng care kits doon sa mga nangangailangan?

     

    1. ALEJANDRO UMALI: So nabanggit niyo nga po na ako ay isang emergency medicine physician sa Medical City. So isa po ako sa mga frontline healthcare workers na been treating patients po of COVID patients since actually December of 2019 because initially noong nagkaroon na tayo ng news about the pandemic, actually nagprepare na ang hospital namin in anticipation of that. So siyempre, being an emergency physicial kami po ang unang tumitingin sa mga COVID cases natin, especially doon sa mga critical and severe COVID patients ano. Together with other physicians and our nurses, and our other staff po sa hospital especially sa emergency department po ano. So the past year siyempre like kami naman po na nasa frotnline, pare-parehas lang po kami ng kuwento. Kahit po sa private o public hospitals siyempre overwhelmed pero ginagawa pa rin po natin ang dapat nating gawin. Doon sa OVP po kasi actually junior ko po kasi si Dr. Tricia Robredo, naging intern ko po siya since nanggaling po kami sa parehas na med school. Sabi nga namin it's the best med school along Ortigas Avenue [chuckles]. So ngayon po kasi siyempre naghanap—naisipan ko po kasi siguro marami—although may sign-ups na po for doctors na tumulong sa E-Konsulta, naisipan ko kasi na I want to do something different. Nakita ko po ang idea na iyon noong napansin ko na nagdedeliver noong healthcare kits po via Grab and Lalamove. Tapos parang naisip ko medyo since limited ang funds ng OVP at saka siyempre medyo mahal ang pagdeliver ng kits, and at the same time po ano, I can mention I am a cycling and mobility advocate, saka I'm a bike commuter so I always bike to work. And parang iyong bike ko kasi touring bike. So nag-reach out po ako kay Tricia. Sabi ko, naisip kong maging volunteer courier for the OVP. Tapos parang iyon, simula noon nabigyan naman ako ng chance magvolunteer para magdeliver noong mga packages. Naisipan ko din po ito gawin kasi tinuro po sa amin about social determinants of health ano, it's not just about getting a consult from a doctor, getting a prescription, but actually getting the resources that you need to be able to address your health concerns. And the E-Konsulta kits actually help those people with limited resources or no resources at all to be able to get those kits. Problem ngayon is logistical naman. How to get those resources to them. So I wanted to volunteer in that aspect po.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Kumusta naman ang experience? Mga ilan—sa isang araw, ilan ang—sa isang typical day na umiikot kayo, ilan ang napupuntahan at ano naman ang experience? Kamusta ang perception ng inyong mga nadadalhan?

     

    1. ALEJANDRO UMALI: Sabi ko kasi sa staff kay Aira, kaya ko anim. Kasi ang bike kaya ko talaga anim o walo na boxes. So cost-effectivity. Tapos ang strategy ko kay Aira is ika-cluster namin in areas na medyo magkakalapit. Para at least ano, siyempre naka bike ako, hindi naman ako kasing bilis ng motor. So okay naman po, nagugulat siguro sila kasi nakabisikleta ang nagdedeliver. And I always tell them na volunteer courier ako kasi minsan nag-eexpect ata sila ng Grab or Lalamove, pero siyempre nakabike so—I think ang pinakatumama sa aking kuwento, iyong nagulat sila na wala na silang babayaran, wala na silang ika-cash-out pa, na talagang sa tulong ito ng OVP so, nagulat sila doon. And napaka-appreciative nila sa ginagawa ng OVP with regards to this type of effort po.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mayroon ba kayong message o learning dito sa experience na ito at how do you think na, ano dapat ang ating maging mindset to, you know, moving out itong crisis na ito?

     

    1. ALEJANDRO UMALI: So iyon nga po, I think the most important thing talaga is to understand that health is not just about ano—it's also about the social and economic structures around us. So, puwede kasing sabihin na i-blame natin ang mga tao for not taking care of themselves, puwede nating sabihin na nagpabaya sila, pero that's not entirely true. We have to understand that there's so much more things that revolve around people and their healths that these things actually alter how people perceive or get healthier. COVID19 po is actually showed us na about we must continue to strive for better healthcare access ano. I think that's the most important thing. Healthcare access. And the OVP has been augmenting the gaps in that healthcare acccess part ano, especially contacting doctors ano. Hindi naman lahat kaya makapag-contact sa doctor. Hindi naman po lahat may resources para makabili ng materials or equipment na kailangan. And at the same time it helps empower patients to be comfortable about taking care of themselves and their loves ones at home. So ngayon po kasi, siyempre overwhelmed na po ang hospitals. Even us in our hospital, we've already done homecare packages, homecare consultation, teleconsultation. But as a private institution, this is ano—this is expensive. But the OVP and the E-Konsulta care kits actually help those who don't have that type of economic or financial resource to be able to avail the type of care that they need to get through COVID. So I think iyon po talaga na in a systems perspective, kailangan po talaga na magtulong-tulongan ang institutions, government, private and public institutions to be able to get through this crisis po. So iyon nga po, kaya I think the reason why I did not sign-up as a doctor is because I realized that hindi naman—hindi lang talaga consultation ang—marami pa pong aspeto ng healthcare ang kailangan tugunan upang magkaroon po ng magandang healthcare outcomes po.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay. Ka Ely, baka kayo may tanong kayo Doc Andro?

     

    ELY: Okay so, talagang ngayong at least eh marami talaga tayong ano ano, na mga kababayan natin na nasa gitna ng pandemya ay patuloy na tumutulong at nagbibigay ng kanilang serbisyo ano para sa ating mga kababayan. So sa ngayon, Doc, ay bukod diyan, ano pa ba ang naisip niyo na pupuwede na maitulong pa ano, sa ating mga kababayan?

     

    1. ALEJANDRO UMALI: Sir, sa ngayon po, siyempre marami po tayong mga issues ngayon sa lipunan natin na kailangan po tugunan ng pansin po ano. Isa po dito is iyong not just access to healthcare but of course access to basic needs, lalo na and in iyong mga people have lost their jobs ano, nawalan ng trabaho—we need to augment that po ano. So iyon nga po, I think is that na-mention kanina about the Community Pantries and other social, I mean, people-run efforts po ano. If we can do out part to—para po tumulong sa mga initiatives na ginagawa ng taongbayan para po makatulong sa kapwa, maganda po iyon. And I think in terms of ano, other issues, kailangan po natin maging maingat. Ipagpatuloy maging maingat. Alam ko po na nakakapagod na po mag-follow ng minimal health protocols ano. Hirap po—iyong iba sa atin may tinatawag na quarantine fatigue, pero kinakailangan po natin talaga magpatuloy sa pagsunod ng mga health protocols kasi malaki po itong tulong especially sa mga population po natin na vulnerable po. And finally, siyempre, get the best help that you can, get vaccinated, wash your hands, and wear your facemask po.

     

    ELY: Okay, Doc. Buti kayo hindi kayo napapagod sa pagtulong ano, sa ating mga kababayan.

     

    1. ALEJANDRO UMALI: Napapagod din po. I've always told people na we are not heroes, we are human too. And a lot of my colleagues are already at the peak of being tired, pero siyempre may sinumpaang tungkulin. As long as we are physically and spiritually able, we'll try to do that. But I think the people should also realize na tao lang po kami. And you know, napapagod din po kami talaga.

     

    ELY: Pero, Doc, bilang kayo nag-volunteer ano dito sa E-Konsulta at bilang isang doktor, ano ba ang mas lalong makakagaang sa inyo kapag nakikita ninyo, ano ang mga dapat parang kumbaga hindi naman ito pinansiyal o pera ano, isukli para sa inyo. Iyong para mas maging magaan ang inyong pagtulong sa ating mga kababayan?

     

    1. ALEJANDRO UMALI: Para po sa akin, actually malaki na pong katuwaan na nakikita po silang nagre-recover ano. Actually kaya po ako tumulong din sa OVP kasi I want to ano, outside the usual kasi sa totoo lang po, as my work as an emergency physician like sabi nga ni Atty. Gutierrez na parang ano na orbituary na ang nangyayari sa social media. It's very heavy but then we try to find hope talaga outside our situation. And when I see patients recover ano, kahit makita mo lang sila sa hallway, na discharged na sa ER, nagpapasalamat sila na nakatulong po kami sa pag-alaga sa kanila. Kahit trabaho po namin iyon, malaking bagay na po iyon na may significance, may meaning po ang ginagawa namin. Kasi siyempre pandemya, hindi lagi nananalo, hindi lagi nakaka-survive. Pero each story that leads to a good outcome, to patients na nadischarge, fuels us to keep going talaga.

     

    ELY: Okay salamat sa iyong oras. Attorney?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Thank you, Doc Andro.

     

    1. ALEJANDRO UMALI: Thank you rin po.

     

    ELY: Doc, ingat lagi ha. Thank you!

     

    1. ALEJANDRO UMALI: Salamat po. Ingat din po.

     

    ELY: Mga kasama iyan po si Doc Andro, si Dr. Alejandro Umali. So iyan po nagbibigay po sila ng serbisyo at sa ating mga kababayan, eh kasi, Atty., talagang napakahirap din ngayon sa mga sa panig ng ating mga manggagawa ano, mga doktor na kung saan ay nagboboluntaryo.

     

    [51:00]

     

    ELY: Okay, mga kasama, iyan po si Doc Andro. Si Doc Alejandro Umali.  Iyon po, nagbibigay po sila ng serbisyo sa ating mga kababayan, eh kasi attorney, talagang napaka hirap din ngayon sa panig ng ating mga manggagawa o mga doktor na kung saan nagboboluntaryo. Eh masuklian man lang, iyong talagang makita lang nila na talagang sumusunod din iyong mga pasyente, eh masaya na rin sila.

     

    Attorney, dito tayo sa ating ano, iyong mga mensahe natin mula sa ating mga listeners at tagas ubaybay, taga suporta ng ating Bise Presidente. Hindi lang po dito sa Pilipinas kundi pati sa iba’t ibang panig ng daigdig.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Mayroon ba kayo, Ka Ely? Wala pa yata sa akin eh.

     

    ELY: Parang mabagal din iyong internet kay Attorney, ah.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo. Mukhang kinakailangang ipanawagan na din ako…

     

    ELY: Ito kanina…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ito, ito, ito! Meron. Galing kay Josie Vergara ng Hong Kong: God bless kay VP Leni. Kay Funzalida Estillon, galing din sa Hong Kong: Good morning. Good morning din sa inyo. Kay Shalom Israel, galing sa Dasmariñas City: Kapayapaan, Ka Ely Saludar. Greetings from Dasmariñas City.

     

    ELY: Thank you po.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ito naman, kay Dingdong Ugalde: Good morning po. Watching from London, UK.  Ayos ah. Ito, kay Paul John Lagunzad: Good morning, VP Leni. From your supporter from LP Davao Chapter.

     

    ELY: Wow..

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay!

     

    ELY: Maayong buntag diyan.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Ito, Shusie Serundo: Good morning from KL… Kay Ely Abao: Watching live from Winnipeg, Canada. So talagang madami tayong international audience tayo, Ka Ely.

     

    ELY: Worldwide, oo.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Worldwide. So… Ayan, madami pa tayo mga greetings dito. Kay Lennieanne Verdadero: Good morning Attorney Barry! God bless, stay safe. Good morning din po. Kayo din, laging mag-iingat. Kay Sunshine Kirstie Segovia: Good morning, VP Leni and Ka Ely. May our Lord continue to guide you. Good health, wisdom na ipagpatuloy ang pagserve sa Filipino people. Yan, Ka Ely. Madami pang iba dito. Good morning Ka Ely and Attorney Barry, galing kay Lolita Mendez. Mabuhay and God bless. Protect our beloved Busy President Leni. Dios Mabalos saindo gabos. Bikol.

    So madami tayo mensahe dito, Ka Ely. Teka.

     

    ELY: Okay. Dito naman sa akin. Iyong kay Marvin Lositano ng Daraga, Albay: Good morning po sa inyo. Elisa Andrade… Babanggitin ko na lang mga pangalan para lahat lahat mabanggit po natin: Lory Casili, MG Amanrich, Jeff Erson… Iba-iba e, Thailand ho ito. Si Joel Velasco, Bataan. Delia Relato, Singapore. Reia David Caparos, Eden Rivera, Gynn Flores, Normelita Dela Cruz, Manuel San Pedro, Marife Dimaunahan, Joepaz Manzanares Oquendo, Pombo Cristopher Paligutan, Aida Marasigan, Rotzen Gamali, Jover B Jabagat, at Remedios Yodico. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsubaybay…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Maraming salamat.

     

    ELY: —dito po sa palatuntunan ng ating Bise Presidente. Mayroon ka pa ba diyan, attorney? Ang dami. Ang dami nating mga text at mga…

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Talagang punung-puno, Ka Ely. Pero iyon nga, malaki ang ating pasasalamat sa mga nagpapadala ng kanilang mga messages at sa kanilang patuloy na pagsubaybay dito sa ating programa. Pasalamat tayo sa kanilang mga dasal at sa kanilang pagsasabi na mag-iingat tayo. Sana mag-iingat din kayo, kung nasaan man kayo sa Pilipinas o sa ibang bansa. Ingat lang. At ‘di ba, malalampasan natin ito. iyon naman ang laging sinasabi ni VP Leni. Mahirap itong ating pinagdaanan, mahigit isang taon na nating binubuno, pero kahit papaano, nakikita na natin  iyong liwanag sa dulo, ‘di ba?

     

    Maganda iyong sinabi ni Doc Andro kanina, Ka Ely, di ba, na dapat tingnan natin ng kabuuan. Hindi lang nakatutok sa isang aspeto na dapat padamihin ang mga doktor, dapat makapag konsultasyon sa doktor. Pero iyong ating kakayahan na malagpasan ito, madaming ibang mga factors e. Di ba? Kailangan nakakakain ka nang maayos. Kailangan may kita ka. Paano ka maso-social distancing kung wala kang espasyo sa iyong bahay. So sa dulo, kailangan magkaintindihan at magtulungan. At iyan ang isang, para sa akin, ang isang pinaghuhugutan ko ng inspirasyon at pag-asa, dito sa mga nakaraang taon na ito. Kung nakita mo iyong dami ng ating mga kababayan na handang tumulong, handang mag volunteer, handang mag donate, handang kumilos para makatulong sa kapwa. Dahil iyon iyon e. Sa dulo, ang aasahan lang natin ang isa’t isa. At kahit na merong mga nahihirapan, mayroon naman laging handang tumulong. Nakikita namin yan halos araw-araw, Ka Ely, sa aming pagtatrabaho sa OVP. Alam naman niyo, walang masyadong budget ang opisina, pero nakakakilos at nakakapag implement ng maraming programa, dahil sa suporta ng ating mga donors, ating mga partners at volunteers. So sana patuloy lang, huwag tayo magsawa. At nagpapasalamat kami nang taos-puso sa inyong pag step up sa panahong ito. At ayon, sigurado ako malapit na nating malampasan ito.

     

    ELY: At siyempre, kahapon ay iyong Araw ng Paggawa, attorney, at siyempre, iba’t ibang aktibidad ang isinagawa kahapon, at paki ulit mo ulit iyong mensahe ng ating Bise Presidente sa ating mga manggagawa dito po sa ating bansa.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Siyempre pasasalamat lagi, Ka Ely, at pagkilala sa napakalaking kontribusyon ng ating mga manggagawa, lalo na iyong mga frontliners ngayon sa ating lipunan. Sa panahon ng krisis ngayon, madami sa atin nakaasa talaga sa trabaho na ginagawa, hindi lang ng mga frontliners, Ka Ely, sa ospital ha. Kailangan din siguro natin bilangin pati iyong mga frontliners natin na nagdedeliver. Di ba, kanina binanggit ni Doc Andro, ang laking ng ating inaasa sa mga courier services – Grab, Lalamove, kung ano pa – dahil sa panahon ngayon na maraming di lumalabas, sila ang nagko-connect sa ating lipunan. Nagdadala ng pagkain, nagdadala ng gamot. At kailangan talagang kilalanin at pasalamatan natin iyong mga kumikilos nating manggagawa sa panahon na ito.

     

    Siyempre, nanawagan muli si VP Leni, na panahon na para tapusin ang ENDO. Matagal na nating ipinaglalaban ito. Dapat sa simula pa lang ng termino, isa ito sa priorities, sabi ng administrasyon. Umaasa tayo na sa panahon na ito, nakita talaga natin kung gaano kaimportante at gaano kahalaga iyong kontribusyon ng ating mga manggagawa sa ating lipunan, ay maibigay na itong matagal na nilang hinihingi na ito. At gaya ng ang binanggit ko, Ka Ely, kanina nang saglit… Kahapon, May 1 nung gabi, nagkaroon tayo ng concert para sa mga frontliners, online. Kasi binanggit kanina ni Doc Andro, di ba, isa sa mga realidad ng kasalukuyang sitwasyon, napapagod na rin at medyo nauubusan na rin ng baterya iyong marami sa ating mga inaasahang mga doktor at nurse at medical professionals dahil siyempre, isang taon na natin binubuno ito. Hindi madali iyong trabahong kanilang ginagawa, tao din naman sila. So naisipan natin kahapon, kahit papaano, May 1, magkaroon ng handog na concert. Para kahit papaano, makapag angat nang konti ng kanilang morale. Ni-livestream ito sa ilang mga ospital na partner natin. Nagkaroon ng mga messages ng pasasalamat mula sa mga pasyente, mula kay VP Leni. At sana kahit papaano, munting ambag, para mapatibay ang loob, at maiangat ang morale ng ating magigiting na mga frontliners. Dahil talagang ang laki ng utang na loob natin sa kanila dIto sa nakaraang taon na ito.

     

    ELY: Okay, Attorney. Salamat sa iyong oras at ikumusta mo na lang kami sa ating Bise Presidente.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sige, Ka Ely. Salamat din. Natutuwa ako, nagkita uli tayo. Matagal na din tayong hindi nagkikita. Ingat ka lagi.

     

    ELY: Marami nga nagtetext ngayon na magpalit na raw ng internet provider ang ating Bise Presidente. Pero hindi siguro isyu iyon. At ito naman, pansarili ko lang naman tong panawagan ha. Dahil sa walang kinalaman dito ang Bise Presidente, ‘di ba? Kung maaari, ayaw… hindi kumikibo ito no. Kasi ayaw niyang sabihin na ginagamit iyong kaniyang kapangyarihan, hindi ba, Attorney?

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Oo naman…

     

    ELY: Panawagan lang natin ito, attorney, ‘di ba? Na pagandahin naman iyong serbisyo ng internet, at siguro hindi lang sa ating Bise Presidente, sa lahat na ng mga Pilipino.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Tama.

     

    ELY: Okay. Maraming salamat, Attorney. Magandang umaga, ingat ka lagi.

     

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Magandang umaga at ingat ka lagi, Ka Ely at maraming salamat. Ingat din lagi sa ating mga tagasubaybay.

     

    ELY: Okay, iyan po mga kasama si Attorney Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ng ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat. Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

     

     

     

    - 30 -

     

     

     

    Posted in Transcripts on May 02, 2021