This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    BISErbisyong LENI Episode 206

    BISErbisyong LENI Episode 206

    ELY: Magandang umaga, Pilipinas—Luzon, Visayas, at Mindanao! Ngayon po ay araw ng Linggo, mga kababayan, Abril 18, 2021. Magandang umaga, Pilipinas! Mula po rito sa DZXL 558 Manila, tayo po ay napapakinggan sa RMN DYHP Cebu, RMN DXCC Cagayan de Oro, RMN DXDC Davao, RMN DWNX Naga, at siyempre sa lahat po ng ating naabot ng broadcast nationwide, netwide, magandang umaga. Ako pa rin ho ang inyong radyoman, Ely Saludar. At samantala, mga kasama, makakapiling po natin dito sa ating palatuntunan ang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas, si Madam Vice President Leni Robredo. Ma’am, good morning!

    VP LENI: Good morning, Ka Ely! Good morning po sa lahat na nakikinig sa atin ngayon. Sa atin pong mga listeners sa DZXL, magandang umaga sa inyong lahat. Sa ating mga—iyong mga sumusubaybay sa atin, Ka Ely, every Sunday sa ating Facebook page—Facebook page po ng RMN at saka Facebook page ng VP Leni Robredo, good morning sa inyong lahat! Iyong mga kababayan po natin sa Bicol, marhay na aga saindo gabos! Iyong mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao, maayong buntag. Ayon, good morning, Ka Ely.

    ELY: At sa Catanduanes, sapul ng bagyo. Ngayon, parang nasa Signal No. 2 po yata sila roon sa Catanduanes. Okay, samantala, Ma’am—

    VP LENI: Ayon, Ka Ely, pasensya ka na. Mahina iyong internet namin pero kapag nawawala ako bahala ka na. Pero iyon, Ka Ely, sinusubaybayan natin iyong track ng bagyo, kahapon tinitingnan natin parang nasa Northern Mindanao at saka iyong Samar, Leyte area iyong dadaanan, pati parts ng Bicol. Pero parang may mga forecast, Ka Ely, na parang hindi siya mag… parang hindi siya magla-landfall talaga. Medyo ano lang siya, hindi siya papuntang west. So iyong kaniya, parang nasa East siya pataas, Ka Ely. So sana tuluy-tuloy na. Sana tuluy-tuloy na para hindi na tayo ma-grabe kasi gaya ng Catanduanes, Ka Ely, medyo ramdam na nila ngayon pero alam naman natin na na-grabe sila noong Rolly at saka Ulysses kaya sana huwag naman ngayon. Iyon iyong pinagdadasal natin.

    ELY: Okay, at, Ma’am, kumusta po kayo at kasi kayo po ay naka-self-quarantine, ano, dahil iyong isa po sa inyong security ay nagpositibo sa COVID-19 at—

     

    VP LENI: Oo, Ka Ely, at nalaman lang namin iyon, Ka Ely, kasi papunta sana akong Bicol kahapon. Kahapon, Ka Ely, mayroon kaming Swab Cab. Pagkatapos sana ng Swab Cab namin babiyahe ako sa papuntang Bicol kasi iyong nanay, Ka Ely, ni Raffy, iyong isang staff namin, ay namatay. So pupunta ako sana sa wake ng kaniyang nanay. Buti na lang, Ka Ely, naging protocol namin na kahit APOR kami—iyong sinasabing authorized persons outside residence kasi mga government employees kami—buti na lang kahit APOR kami talagang protocol namin na nagpapa-test kami. Kasi doon sa test na iyon, Ka Ely, iyong kasama ko, doon nalaman na positive pala siya kasi wala siyang nararamdaman. So hindi kami tumuloy. Hindi kami tumuloy, Ka Ely, kasi kasama ko siya for almost a week. Actually, naka-duty siya hanggang Wednesday tapos noong Friday, nag-ano kami, nagpa-test. So hindi na muna kami sumama kasi very close contact ako, Ka Ely, kasi ito iyong… ito, Ka Ely, iyong mga sumasama sa akin na parang iyong ano, iyong close-in. Siya iyong kasama ko all the time. Siya iyong sumusundo sa akin sa bahay, kasama ko sa sasakyan, siya iyong kasama ko sa opisina. So very close contact ako, Ka Ely, kaya noong nalaman namin na nag-positive siya—ako, Ka Ely, noong tinest ako, negative ako noong Friday. Pero alam mo, it takes time kasi, ‘di ba, talagang bago ma-detect. So pasiguro pa rin.

     

    Ang aming protocols, Ka Ely, magka-quarantine kami, magka-quarantine kami ng seven days. On the eighth day, magpapa-test kami. So iyong eighth day ko, Ka Ely, ay sa Huwebes kaya hanggang Wednesday dito muna ako. Dito muna ako sa bahay. Dito muna ako magta-trabaho.

     

    ELY: Ayon, opo. At, Ma’am, siyempre ay marami pong humihingi ng update dito po sa napakaganda ho—talagang napakarami hong nakikinabang dito sa panahon ng pandemya ito hong pagresponde po ng Office of the Vice President tulad po ng Bayanihan E-Konsulta.

     

    VP LENI: Actually, Ka Ely, pang-ilang araw na ba ngayon… nag-start kami, Ka Ely, April 17. April 20 na ngayon. Ay, ano na bang date ngayon? Nag-start kami, Ka Ely, April 7. Hindi namin, Ka Ely, inaasahan na ganito siya kalaki. Noong una, Ka Ely, ang iniisip namin, parang, alam mo iyon, parang isa-isa iyong nagkokonsulta. Iyong hindi lang nakakapunta—iyong hindi makakapunta talaga ay iyong walang capacity talagang magkonsulta sa doktor. Pero apparently, Ka Ely, ang dami noon. Kaya iyong natatanggap namin, pinost ko ito, Ka Ely, sa Facebook page namin. Iyong natatanggap namin everyday, sobrang dami. Parang iyong pinakamataas namin na daily na natatanggap ay 3,000 plus. Mayroong mga araw na 2,000 plus. May mga araw na 1,000 plus. Bale iyong pinakamababa lang namin iyong first day, parang 500 plus. Pero dahil ganoon karami, Ka Ely, iyong nangangailangan, kailangan talagang mag-ano kami, maghabol. Kasi noong una, Ka Ely, nagtawag kami ng volunteers pero akala namin medyo simple lang iyong operations. May magmemessage sa amin, ililink namin sa doktor. Pero ngayon, Ka Ely, lumalabas ang dami kasing pangangailangan. Ang daming pangangailangan. Maraming kailangan gawin kasi may mga follow-up. Halimbawa, kailangan mag-follow-up na konsulta. Mayroong kailangan ng reseta. Mayroong kailangan ng financial assistance dahil sa pagpapagamot. Mayroong—dapat ano lang kami, Ka Ely, dapat kami ay outpatient lang, hanggang naman ngayon. Pero hindi maiiwasan na—ang COVID kasi talaga, Ka Ely, kahit mild iyong symptoms, parang may araw na dumarating na biglang bumabagsak. Biglang bumabagsak iyong katawan ng pasyente so nagiging emergency siya. Hindi naman kami, Ka Ely, equipped sa mga emergency situations dahil mayroon tayong One Hospital Command. So kung naalala mo, Ka Ely, noong linggo, in-announce ko at saka nilagay ko doon sa Facebook na kung emergency, puwedeng dumiretso na sila sa One Hospital Command. Kasi kapag sa amin, Ka Ely, tatawag, ganoon din iyong gagawin namin. Kapag sa amin tumawag, irerefer din namin sa One Hospital Command.

     

    Pero, Ka Ely, parang sobrang nakakadurog talaga ng puso iyong kakulangan ng ospital ngayon. Just the other night, nabulabog kami, Ka Ely, kasi mayroon kaming toxic na na pasyente na ilan na iyong ospital na napuntahan niya na hindi siya tinatanggap pero kailangan na iyong pasyenteng i-intubate kasi grabe na. Mahirap, Ka Ely. Sobrang hirap. Tinawag namin sa One Hospital Command. Ni-refer sa isang ospital pero pagdating doon hindi sila makahintay, Ka Ely. Ang sabi sa kanila maghintay pero hindi sila makahintay kasi siyempre kung ikaw iyong pamilya, nagpapanic ka na. So noong wala sa kanilang nakaasikaso agad, lumilipat-lipat sa ibang ospital, sobrang… sobrang nakakaawa iyong mga pasyente, Ka Ely. Marami kaming natatanggap na… marami kaming natatanggap na messages na, “tumawag na po kami pero an sabi sa amin sa Barangay muna kasi wala na talagang espasyo sa ospital.” Iyong mga ganoon. Kung sa pamilya mo iyon mangyayari, Ka Ely, talagang magpapanic ka kasi siyempre nakikita mo iyong pasyente na grabe na, mahirap talaga. So kami, Ka Ely, ang daming complexities iyong ginagawa.

     

    Pero ito, Ka Ely, marami sa akin nagpapasalamat, pero gusto ko lang ipaalam, Ka Ely, na hindi po ito dahil sa akin pero dahil sa staff namin—dahil sa staff namin, dahil sa volunteer doctors, dahil sa non-medical volunteers na sila talaga iyong nagpapatakbo ng buong programa. Iyong mga staff namin, Ka Ely, since Holy Week, walang pahinga talaga. Walang pahinga. At saka iyong oras, walang pili kasi lalo na iyong mga emergency, Ka Ely, kapag emergency, kapag tinawagan ka ng disoras ng gabi, kailangan mo rin asikasuhin. So ano talaga, grabe iyong pasalamat ko, Ka Ely, na sabi ko nga sa staff ko, nagi-guilty ako na parang sinubo ko sila rito. Pero lahat naman sila nagsasabi na ramdam kasi iyong pangangailangan. Kaya kami naman, Ka Ely, kung ano iyong magagawa namin, ginagawa namin. Pero mahirap talaga. Mahirap. Malaking ginhawa lang kapag binalikan kami ng family member na magsasabing, “malaking bagay na nandiyan kayo kasi mayroon kaming natatawagan kapag nag-aalala na kami kung anong nangyayari sa pasyente namin.” So pasalamat kami, Ka Ely. Pasalamat kami sa staff, sa medical doctors, na nagvolunteer at saka sa maraming mga non-medical volunteers na sila iyong sumasagot sa chat, sila iyong sumasagot sa tawag, sila iyong nagmemerge ng call between sa pasyente [at doktor], sila iyong nag-aasikaso ng mga pangangailangan after.

     

    Tapos, Ka Ely, noong Wednesday, may sinubukan kaming isang dagdag sa programa. Kumuha kami ng isang mobile laboratory at saka ambulansya kasi marami kaming pasyente, Ka Ely, na iyong advice ng doktor magpa-lab test pero mahirap pumunta sa ospital. Unang-una, grabe na iyong pakiramdam nila pero pipila sila ng mahaba. So sumubok kami, Ka Ely, pinark namin sa isang lugar dito sa Quezon City, nagpaalam kami, iyong lab. Kasi kailangan nito ng saksakan, may X-Ray, may CBC. Nilagay namin sa isang lugar tapos sinusundo na lang namin iyong pasyente. Pinapasundo namin sa ambulansya. Okay siya, Ka Ely. Okay siya in the sense na malaking ginhawa. Malaking ginhawa doon sa nangangailangan ng labwork pero hindi kayang pumunta sa ospital. Mayroon ding kaunti, Ka Ely, na nag-ano na lang tayo, nag-home service.Pero mas exception to the rule ito. Mas iyon talagang walang kakayahan pumunta sa ating mobile laboratory. Nag-ano tayo, nag-home service. Kami iyong nagrerequest ng test na hindi nakakakuha ng test. Kahapon, kahapon, Ka Ely, nasa Quezon City tayo. Partner natin iyong opisina ni Congressman Kit Belmonte. Nandoon tayo sa tatlong barangay sa Quezon City, sa Culiat, sa Pasong Tamo, at saka sa Tandang Sora. More than 600—parang 600, tama ba iyong numbers ko, 651 yata, Ka Ely, 651 iyong ating natest. Of the 651, mayroon tayong 57 na nagpositive. So ang laking bagay, Ka Ely, ang laking bagay kasi kung naalala mo sa Malabon, in two days, nakakuha kami ng 80 na nagpositive. Kahapon, one day nakuha natin 57. Malaking bagay kasi kung hindi tayo pumunta, baka… baka hindi alam ng mga ito na positive na pala sila. So iyong hawaan—iyong danger ng hawaan, nandiyan. So nagpapasalamat po tayo kay Cong. Kit, sa barangay councils ng tatlong barangay, at saka iyong mga BHERTs.

     

    Pero, Ka Ely, kapag pinopost kasi namin iyong Swab Cab, ang haba ng request na nakukuha natin. Maraming nagsasabi na puwede bang dito rin? Hindi lang sa Metro Manila, pati sa labas ng Metro Manila. Kahapon, maraming nag-contact sa atin na Batangas, Bulacan, parati natin, Ka Ely, sinasabi na ready tayo anytime pumunta kung saan kailangan, pero hindi tayo puwedeng pumunta na walang partnership with the LGU. Ayan, sinabi ko rin ito, Ka Ely, last Sunday. Puwede lang po kaming pumunta kapag mayroon tayong partnership with the LGU. Kaya doon po sa mga nakikinig na nagrerequest, hindi po tayo puwedeng pumunta na walang consent iyong LGU kasi hindi lang po siya test. Marami pang ibang gagawin, magga-groundwork iyong LGU, sila iyong mag-a-identify kung sino iyong ite-test. Kapag may nagtest positive po, kailangan nilang immediate na contact tracing. So maraming gagawin. Hindi po namin kaya iyon. Iyong kaya lang talaga namin iyong testing kasi siyempre hindi kami tagaroon sa lugar, Ka Ely.

     

    ELY: Okay, marami nga, Ma’am, na nagtatanong at gustong mag-inquire dito dahil sa parang ang sinasabi, dapat sana maipakalat pa ho ito, ano, lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID. Pero sabi ko nga, limitado na ho, ‘di ba, ang resources at pondo ng OVP kaya’t mangilan-ngilan lang. Ang sabi nga, Ma’am, ito’y sundin ng iba pang mga ahensya ng ating pamahalaan o mismo ng national government. Kasi mukhang maganda po ang epekto nito at malaking tulong para po sa ating mga kababayan.

     

    VP LENI: Malaking bagay talaga, Ka Ely, kung magagawa lang ito kahit nga isang Swab Cab lang per LGU. Pero hindi kasi, Ka Ely, kakayanin ng LGU na sila lang. Kailangan talaga may assistance from the national government kasi swamped talaga iyong LGU. Pero sa akin kasi, Ka Ely, sina-suggest naman natin ito, ‘di ba, pero wala kasing pagtanggap na may kakulangan. Kung naalala mo, Ka Ely, noong sina-suggest natin ito na mas, iyon nga, na magbigay ng free test, sinabi ni Secretary Roque na libre naman talaga. Libre naman talaga. Available. Pero, Ka Ely, iyong request na natatanggap namin, iyon iyong proof na hindi. Iyon iyong proof na totoong may mga libre sa LGU pero wala naman doon access lahat kasi may mga protocol na sinusunod. So sa akin lang, Ka Ely, kung may pagtanggap lang talaga ng pagkukulang, ang daming puwedeng gawin. Kung may pagtanggap, Ka Ely, na may kulang tayo rito, sobrang daming puwedeng gawin. Kasi na-prove na namin iyan sa Opisina. Kakaunti iyong tao namin, kakaunti iyong pondo namin, pero marami kaming nagagawa. Gusto kong sabihin, kung gusto lang, ang daming puwedeng gawin. Pero kapag sinabi mo kasi, Ka Ely, na satisfied ka na sa nangyayari, wala ka nang gagawin.

     

    ELY: Yes, Ma’am. At siyempre, parang kino-kompara sa ibang lugar, sa ibang bansa, Brazil, etc. Iyon nga po. Pero ang pinananawagan ho ng ating mga kababayan, ano, na madagdagan. Sana mapakinggan ho ito kasi mayroon ho tayong mga czar ho diyan, ‘di ba. Siguro matingnan po ito. Ang nangyayari, Ma’am, basta sa inyo nanggaling, kahit napakaganda ng programa, parang ayaw po sundan.

     

    VP LENI: Ako naman… ako naman, Ka Ely, sa akin naman, kung hindi buhay ng tao iyong nakasalang, ‘di bale nang hindi makinig. Pero buhay kasi ng tao, eh. Ang daming namamatay ngayon dahil sa kakulangan. Dahil sa kakulangan at saka iyong accessibility, may problema talaga. Kaya sa akin, Ka Ely, sana kalimutan na muna kung sino iyong nagsabi basta magtulung-tulongan.

     

    ELY: Tama, opo. So sa atin, Ma’am, patuloy po sa NCR Plus Bubble ang MECQ. Eh mataas pa rin ho ang kaso ng COVID. Hindi bumababa sa 8,000 ang kaso. Eh sana—dati nasa 2,000, 3,000 na lang, eh. So, iyong binabanggit niyo talagang dapat ipagpatuloy pa ito hong testing. Ano pong puwedeng gawin, Ma’am, para lalo pa hong mapababa ito hong kaso dito po sa atin?

     

    VP LENI: Iyong mga eksperto, Ka Ely, kahit mga doktor, ang suggestion sana nila i-extend pa ng another two weeks iyong ECQ kasi noong first two weeks ng ECQ, nakita, Ka Ely, na talagang nag-slow down. Talagang nag-slow down iyong transmission ng virus. Pero ito kasi, Ka Ely, madali lang siyang sabihin. Tingin din natin iyon iyong pinaka-mainam. Pero, Ka Ely, kapag nag-lockdown kasi kailangan marami kang gawin. Hindi puwedeng nag-lockdown ka tapos dati lang. Iyong sa atin, Ka Ely, una mahirap mag-lockdown nang matagal kung hindi natin tutulungan iyong mga tao sa pangangailangan nila sa pang-araw-araw. Hindi tayo makakapag-lockdown ng another two weeks kung hindi naman tayo willing na gumastos para magbigay ng ayuda sa mga tao. Iyon iyong number one. Ang number two, para sa akin, Ka Ely, noong nag-lockdown sana, sana doon natin ginawa talaga iyong hard lockdown pero iyong testing gawin na. Parang noong nag-lockdown, Ka Ely, nandoon pa rin tayo sa between 30,000 and 50,000 na tests a day. Iyon lang. In the past few days, ngayon lang yata umabot ng 60[,000]. Iyong sinasabi naman natin, Ka Ely, kahit iyong 60[,000]. Kahit nga 60[,000] kulang kasi ang taas ng positivity rate. Ang positivity rate kahapon parang 19 pa rin. Iyong average, iyong standard, Ka Ely, dapat less than 5% ito. So iyon iyong sinasabi natin na sana nag-lockdown, dramatically inincrease iyong testing. Pero again, hindi puwedeng testing lang. Dapat, siguraduhin—halimbawa, iyong sa mga ospital, iyong pagdagdag ng beds, ginagawa naman yata iyon, Ka Ely, iyong pagdagdag ng beds. Pero hindi ganoon kabilis at saka hindi ganoon karami na kahit nagdagdag ng beds, hindi pa masyadong ramdam kasi ang dami pa ring naghahanap.

     

    Gaya ng sabi ko, Ka Ely, kami willing kami to invest in antigen tests pero kailangan may willingness na gawin iyong buong programa. Hindi siya puwedeng testing lang. Kaya kami, Ka Ely, nirerequire namin na kung magtetesting kami, dapat na-groundwork sino ba iyong mga ite-test. Tapos kapag nag-test na, ano iyong susunod na mangyayari sa mga nag-test positive? So number one doon, contact tracing. Number two, isolation. Alamin sino ba roon sa mga nagpositive iyong mga hindi puwedeng mag-isolate sa bahay kasi wala siyang sariling kuwarto at banyo. So iyong mga ganoon, dapat ilipat sa isolation center. So handa na dapat lahat iyon, Ka Ely. Pero kung parang business as usual lang kapag lockdown, ganito pa rin.

     

    So iyong sa akin, Ka Ely, para na tayong sirang plaka. [chuckles] Para na tayong sirang plaka. Pero kami, para sa amin, Ka Ely, gagawin na lang namin iyong kaya naming gawin. Pero dahil ang dami rin namin na limitasyon—sa ngayon, parati ko itong pinauulit-ulit, Ka Ely, iyong first step kasi pagtanggap. Pagtanggap ng kakulangan. Kasi kung walang pagtanggap, Ka Ely, kaya siguro nangyayari ito, eh. Kaya siguro ang tagal na natin, kaya siguro mabagal, mabagal iyong pag-aksyon, kasi nga walang pagtanggap, eh. Para sa atin, hindi tayo nagkulang. Para sa atin, tama iyong ginagawa natin. O baka naman iyong nirereport sa atin hindi tama. Gaya noong sinasabi na accessible naman iyong testing sa lahat at saka libre, hindi iyon accurate. Hindi iyon accurate. Kasi kung accurate iyon, hindi sana kami dinudumog. Iyong mga ganoon, Ka Ely. Halimbawa, iyong mga ospital, ang dami talagang—ang daming kakulangan. At nakakaawa talaga, Ka Ely, iyong ating healthcare workers. Nakakaawa kasi nonstop talaga.

     

    ELY: At saka hindi rin accurate, Ma’am, na kapag kung sino ang nangailangan na pumunta ng ospital, mayroong bakante, ‘di ba, na kahit sino na puwedeng mangailangan. Kasi iyon po ang sinasabi na kapag nangailangan naman, eh, tutugonan kaagad. Nako, ang haba ng pila—sa PGH ang haba ng pila, eh. Iyong ating mga kababayan talagang hirap po sila. Maganda aminin na talaga nila na—

     

    VP LENI: Ako, actually, Ka Ely, kami kasi close coordination kami with One Hospital Command kasi sinasabi ko nga na iyong mga emergency cases, hindi namin iyon kaya. Hindi namin iyon kaya kasi may mga emergency cases, Ka Ely, na kailangan talaga ma-ospital. Halimbawa, hindi naman namin kaya na magkabit ng ventilator. Ang pinakatulong na namin, Ka Ely, iyong pansamantalang oxygen. Iyon iyong natutulong natin, pero kailangan talaga ospital. Pero in fairness, Ka Ely, sa One Hospital Command [Center], sobrang helpful ng mga tao doon. Talagang inaasikaso nila iyong mga pangangailangan. Pero iyong sistema mismo iyong may problema. Gustong sabihin kahit pa sobrang helpful ng mga tao doon, kung kulang iyong sistema, parang they can only help so much, ‘di ba. Kahit— Ako, hindi ko ma-imagine, siguro windang na windang na iyong mga tao doon, kasi lahat na tumatawag sa kanila emergency. Halimbawa, Ka Ely, iyong kinukuwento ko noong isang gabi, kasi ako iyong nagmo-monitor doon sa Emergency Thread namin, mayroong na-stroke, iyong anak iyong contact nang contact sa amin, ang dami na niyang ospital na napuntahan, lahat siya hindi tinatanggap, eh iyong pasyente niya kailangan na malagay sa ventilator. In fairness sa One Hospital Command [Center], tinutulungan kami, sa dami ng emergency na inaasikaso niya, pero siyempre ang limitasyon niya din, Ka Ely, iyong ospital na tumatanggap, at ang limitasyon niya, maraming hindi nakaka-go through sa kaniyang... ano ito... sa kaniyang mga numbers sa dami ng tumatawag.

     

    So iyong sa akin lang, Ka Ely, iyong sana mas aware kung ano iyong nangyayari on the ground. Mahirap kasi, Ka Ely, kung tumatanggap lang tayo ng report eh, ‘di ba. Kasi minsan iyong report hindi accurate. Pero kung sumabak talaga tayo, Ka Ely, doon sa day-to-day operations, ramdam na ramdam natin, ramdam na ramdam natin iyong kakulangan, ramdam na ramdam natin iyong kahirapan ng mga pamilya. Lalo na ngayon, Ka Ely, iyong mga tumatawag sa amin mga sobrang desperate—buong pamilya mayroong COVID—so papaano na iyong pag-aalaga sa isa’t isa? Mabuti kung may natitira na at least isa, kasi siya iyong kapag may bibilhin na gamot, etc., kaya niya. Pero ngayon, Ka Ely, pami-pamilya talaga. Gaya noong isang... gaya noong isang pasyente ng anak ko na tinatawagan, ano na, iyong oxygen level niya mababa na, so sinasabihan niya na “Mayroon po ba kayong oxygen tank?” Ang sagot sa kaniya, “Mayroon po, pero pinahiram muna doon sa isang family member sa Tarlac, kasi mas mababa iyong oxygen tank niya.” So para sa akin, Ka Ely, ‘di ba, sobrang hirap na ikaw nag-aagaw buhay na, pero kailangan mo pang mag-make ng choice na ilipat mo iyong tangke mo doon sa isa mong kapamilya, dahil mas grabe siya. Alam mo iyon? Iyong mga ganoon na dapat sana hindi naman nangyayari sa atin kung maayos iyong sistema natin.

     

    Kaya para sa akin, Ka Ely, sana mas alam kung ano iyong nangyayari on the ground, para nakaka-respond nang maayos. Kasi ako naman, Ka Ely, iniisip ko baka kasi iyong mga reports maganda. Hindi nare-realize na iyong reality sa ground ay iba. So para sa akin sana mas iyong awareness lang kung ano iyong pagkukulang, para nakaka-respond nang maayos. Ako, Ka Ely, dahil ako ang personal na nagsusupervise ng lahat na mga inaasikaso namin, nakikita ko talaga kung ano iyong day-to-day. Eh iyong inaasikaso namin, small portion pa lang ito ng malaki, ‘di ba. Eh how much more, how much more iyong iba. Siyempre ang inaasikaso namin iyong mga nakakarating lang sa amin, iyong nakakahingi lang ng tulong. Pero ang dami pa ding tao na hindi din alam iyong sa amin, siyempre hindi rin natin iyon natutulungan. Pero kami nga small percentage lang iyong lumapit sa amin, pero nakikita na namin kung gaano kalala, eh lalo na, lalo na kapag kita mo iyong buong picture. Kaya, Ka Ely, iyong mga nagsasabing wala naman masyadong problema, baka hindi masyadong aware kung ano talaga iyong pang-araw-araw na pakikibaka ng mga pasyente natin. Talagang nakakaawa.

     

    Saka araw-araw na pakikibaka ng mga doktor saka mga healthcare workers. Kasi halimbawa, Ka Ely, ang dami mong— Imagine mo na lang, ang daming tao sa ER, lahat na tao sa ER agaw-buhay, iyong ventilator mo ilan lang, iyong oxygen tank mo ilan lang. Kami nga, Ka Ely, may mga natulungan kami na nasa ospital na pero pinapadalhan pa namin ng oxygen tank, pinapahiram kasi kulang. Iyong mga ganoon.

     

    Iyong sa akin, iyong tamang paggamit ng pera ng pamahalaan, kasi siyempre limited iyong ating budget. So sana lahat na— Alisin na muna iyong mga nonessentials. Iyong mga puwede namang makahintay, kapag tapos na iyong pandemic, maghintay lang muna, pero ang pagkagastusan na muna ito, kasi buhay ng tao iyong nakasalalay.

     

    So iyon iyong mga... iyong mga usual nating sinasabi, Ka Ely, iyon kasi iyong nakikita natin. Nakikita natin— Iyong mga staff namin, Ka Ely, tinatanong ko nga sila, “Natutulog pa ba kayo?” Kasi ako— Ako, kaunti lang iyong tulog ko sa isang gabi, pero paggising ko nandoon na talaga iyong mga staff; pagtulog ko nandoon pa din sila. Ang inaasikaso iyong mga pangangailangan ng mga pasyente.

     

    So sa akin, Ka Ely, pagtulung-tulungan. Pero sana may pagtanggap ng kakulangan para ginagawan natin ng solusyon.

     

    ELY: Opo. At siyempre sa ganitong pandemya, emergency, dapat hands-on ‘di ba iyong ating mga opisyal, para matingnan lahat, kasi kadalasan, Ma’am, may mga report na puro positibo lang eh, para ‘di ba, huwag magalit ang boss. Parang ganoon po ang nangyayari.

     

    VP LENI: Mahirap talaga, Ka Ely, kapag hindi hands-on. Mahirap kapag hindi hands-on kasi kahit gaano kasipag ng mga staff, kahit gaano, Ka Ely, ka-reliable, kahit gaano kahusay— Halimbawa sa amin, ako, Ka Ely, iyong mga staff ko puwede mong—parang by themselves kaya nang i-run, pero iba pa din kapag ako na. Iba pa din, Ka Ely, kapag ikaw iyong nagme-make ng calls kasi bumibilis, nagagawan kaagad ng paraan. Kasi, Ka Ely, kapag— Alam mo iyon, kapag walang tumitingin na may distansya, maraming hindi nakikita eh. Kaya dapat— Kaya parati kong inuulit na dapat may nagkukundoktor, para iyong lahat na moving parts nakikita mo kung ano iyong kulang. Pero mahirap kasi, Ka Ely, kung report lang, kasi may tendency tayo na, siyempre— Halimbawa ako, ako, ka Ely, matagal din akong nagtrabaho na mayroon akong boss. Kapag magre-report ka, siyempre uunahin mo iyong magandang report. At kung ako iyong boss, kung hindi naman ako babad, most probably iyon iyong panghahawakan ko. Pero iba, Ka Ely, kapag kasama ka sa day-to-day operations.

     

    ELY: Okay. Ma’am, at siguro sa huling isyu natin bago tayo mamaya sa Istorya ng Pag-asa, ngayon ho ay talagang iyong kakulangan po ng bakuna, mukhang talagang ang mga alegasyon nga po ay hinohoard po ito ng mga mayayaman at malalaking bansa. So dito po sa Pilipinas, kasi isang mahirap po tayo na bansa, ano po iyong puwede nating gawin habang... kasi nagkakagulo po dito, iyong supply ng bakuna sa buong daigdig ay talagang nagkukulang at siyempre mauuna po iyong mga mayayaman at maiimpluwensiya, na sila po ay nag-invest dito po sa paggawa ng bakuna.

     

    VP LENI: Kung naaalala mo, Ka Ely, last year ko pa ito sinasabi, ‘di ba? I think between October saka December, inuulit ulit ko ito last year, habang wala pa tayong bakuna, na habang wala pa iyong supply ang dami na nating puwedeng gawin. Iyong puwede nating gawin, i-identify na by name, i-identify na by name iyong recipients, para lang sigurado tayo na iyong order of prioritization nasusunod. Iyong iyong number one.

     

    Number two, iyong logistics, iyong whole logistics operations, Ka Ely, dapat nakahanda na iyon. Kasi kapag tiningnan natin, nakailan na ba tayo ng bakuna na dumating? Parang 2 million plus. Nag-start tayo March 1, halos magdadalawang buwan na. iyong 2 million plus nga, kakaunti pa lang iyon, hindi pa natin maubos until now. So mayroon tayong problema sa speed. Kapag nakikita ko, Ka Ely, halimbawa lang iyong mga nagva-vaccine, makiki-partner iyong mga LGU sa ganitong private. Okay iyon kaya lang sana noon pa iyon ginawa, ‘di ba? Dapat sana noong hindi pa dumadating iyong bakuna, naka-set na iyon para pagdating, unang una alam mo kung sino iyong tatanggap, pangalawa wala ka nang problema kung sino iyong magbabakuna, pangatlo iyong.... ano ito... iyong flow naayos na.

     

    Ngayon kasi, Ka Ely, napapansin ko, hindi siguro sa lahat na LGU pero maraming LGU na online ang pagregister. Ang problema, ka Ely, sa online registration, marami tayong kababayan na hindi kaya iyon. Marami tayong mga kababayan na hindi kaya iyong online registration. Kaya sa akin, puwede namang hybrid, ‘di ba, Ka Ely—na mayroong online registration, pero iyong—ang gusto kong sabihin, baka puwedeng mayroon nang... halimbawa, mayroon akong... Sabihin natin na binigyan ako ng 500,000, 500,000 na bakuna. Maglalaan na ako ng so much number para sa online registration, pero sisiguraduhin ko na itong numerong ito of the 500,000, napupunta ito doon sa mga hindi kaya mag-register pero binahay-bahay, binahay-bahay ng mga, sabihin natin, mga BHERTs. Nagkaroon na siya ng survey sa mga bahay-bahay ng mga magpapabakuna, para pagdating ng bakuna, pasundo na lang siya sa bahay o sabihin, ‘di ba.

     

    Parang puwede naman iyon, Ka Ely, lalo na ngayon na grabe iyong resistance sa vaccine. Ngayon, marami pa ring takot magpabakuna. Eh lalo na, Ka Ely, kung naghihintay ka lang na mag-register siya—lalong hindi iyan pupunta. Pero sa akin, kung naplano mo na— Ito, Ka Ely, sa DOH ko mismo ito sinabi noon pa, noong isang briefing namin, siguro mga November—hindi ko alam kung November or early December—sinabi ko na na habang wala pang vaccine, gawa na kayo ng listahan na mga pangalan ang nandiyan. Ang problema kasi, Ka Ely, kapag hindi pangalan ang nandiyan, ang makikinabang talaga—hindi masusunod iyong prioritization. Hindi masusunod iyong prioritization kasi ano iyon eh, naging ugali na ng iba na kung may kakilala sumisingit. Eh mabuti, Ka Ely, kung fool-proof iyong ating sistema. Pero kung may pangalan na sana, mahirap sumingit. Mahirap sumingit kasi alam mo kung kailan ka dapat.

     

    So sa akin, iyon iyong worry ko doon. 2 million-plus pa lang iyong dumating, hindi pa din natin nauubos after almost two months. Eh kung naghahabol tayo ng herd immunity, iyong una kong kuwenta, Ka Ely—parang third week of March ba ako nagkuwenta—parang sinasabi ko na na almost 200,000 a day para maka-reach tayo ng herd immunity, kasi 70 to 80 million, Ka Ely, ang kailangan nating mabakunahan before the end of 2021. Kung ganito iyong pace natin, hindi talaga natin kaya.

     

    So sa akin, Ka Ely, kung kaunti pa nga lang iyong bakuna nagkakaproblema na tayo sa numero, nagkakaproblema na tayo sa proseso, lalo na kung dumagsa na iyong bakuna. Totoo na may supply problem tayo, pero may mga nag-aasikaso na noon. Hindi naman tayo kabahagi sa pag-aasikaso noon, pero may puwede na tayong gawin ngayon, ‘di ba? May puwede na tayong gawin habang naghihintay, para pagdating tuloy tuloy na iyong pagbabakuna—hindi iyong nagyayaya ka pa. Iyong kuwento sa atin, ka Ely, mayrooong mga ospital na hindi naubos iyong allocation sa kanila—[technical lag] Ang daming nag-refuse. Ngayon, Ka Ely, may ginagawa kaming project with creatives. Tinutulungan tayo ng mga direktor, ng mga artists, na maglalabas tayo ng mga short videos, maglalabas tayo ng mga short videos na hopefully makatulong doon sa mistrust sa bakuna saka sa iba pang mga issues. Pero iyon nga, Ka Ely, parang ang daming wasted opportunity, ang daming wasted opportunity. Dumaan na iyong October to December, alam natin na dadating iyong bakuna, parang hindi pa natin napaghandaan nang maayos. Walang problema iyong mga LGUs na very efficient, pero iba iba kasi eh, iba iba kasi. Kapag tiningnan natin, Ka Ely, halimbawa iyong ibang nabakunahan na, masaya. Sasabihin niya na, “Ako nabakunahan na, maayos iyong sistema.” Marami akong nakikita na mga kakilala na nabakunahan na, pero iyong tanong ko lang: Iyong mga tao nga na— Sinabi ko na ito last time—iyong mga tao na walang capacity mag-work-from-home, nabakunahan na ba sila? Halimbawa, ang example ko nga iyong mga driver, iyong mga vendors, iyong mga nagtitinda sa mga pharmacy, sa mga grocery, iyong mga construction workers—nabakunahan na ba? Kasi para sa akin, Ka Ely, mas essential sila kasi hindi nila kayang magtrabaho sa bahay. Pero ang kuwento noong mga kilala natin na nabakunahan na, maluwag. Maluwag ang—parang hindi mahirap kumuha ng appointment. Hindi mahirap kumuha ng appointment kasi maraming available. Nakakatakot ito. Kapag maraming available na bakuna despite the fact na 2 million plus pa lang ang bakuna natin, gustong sabihin maraming hindi nagpapabakuna. So kapag maraming hindi nagpapabakuna kailangan proactively—kailangan proactively, Ka Ely, anuhin natin sila, hanapin. So ito ang problema doon.

     

    [END OF GAP 1]

     

     

    ISTORYA NG PAG-ASA SEGMENT

     

    ELY: Opo. Okay, Ma'am at—

     

    VP LENI: Kaya lang, Ka Ely, tinitingnan ko ang oras, hindi ko alam kung andiyan ba ang ating guest?

     

    ELY: Andito na po ang ating panauhin dito po sa Istorya ng Pag-asa na kung saan ito pong ating segment, ito ho ang mga kuwento na talagang nakapagbibigay po ng pag-asa at lakas ng loob sa ating mga kababayan lalo't sa gitna po tayo ng pandemya.

     

    VP LENI: Napaka-espesyal ng guest natin ngayong umaga, Ka Ely. Kasi nabasa na natin siya ang pinakabrainchild nitong community pantry. Andito na pa siya, si Patreng?

     

    ELY: Yes, Ma'am. Nandito na po.

     

    VP LENI: Patreng, nandito ka na ba?

     

    ANA PATRICIA NON: Good morning po.

     

    VP LENI: Ayan. Good morning. Si Patreng ay Ana Patricia Non, iyon ang kanyang pangalan. Pero, Patreng, sobrang inspiring ka for many people. Dahil sa pagsimula mo ng isang community pantry sa Maginhawa. Ang tanong ko lang, Patreng, papaano mo ito naisipan? At kailan mo sinumulan?

     

    ANA PATRICIA NON: Ah, sige po. So backstory po muna. Nagsimula po siya—kaya ko po siya naisip kasi noong before ECQ, one week, naglockdown na sa area po namin, sa malapit na village lang po sa Maginhawa. Tapos po maski po ako apektado po and hindi po kami mayaman, may maliit na maliit lang po akong negosyo. Tapos iyong negosyong po iyon affected po ng lockdown. Since bawal po ang delivery outs—papasok at palabas, so iyon po hirap din po ako, wala po akong kita noon. Tapos iyong naipon ko po, saktong pang-every day food lang po, pang survive ganoon po. Tapos ano rin po, masuwerte rin po ako nagpapadala ang pamilya ko po ganoon po. Pero sabi ko sa mga kapatid ko, "Ano, ate ang hirap ng buhay. Affected din ako. Ang hirap bumawi." Tapos sabi ng kapatid ko, "Ang goal lang ngayon is mabuhay. Magpalakas, tapos kung may sakit ka magpagaling ka." Tapos ano po iyong mga kapatid ko po sobrang supportive din, and—pero lagi namin napag-uusapan masuwerte tayo kaya natin mag-survive pero iyong mga nasa labas na nakasalalay ang every day nilang pagkain sa pasada, sa panininda ano rin po sila, hirap din sila. Wala rin po sila talagang option na stay home, stay safe kasi po ano, walang kita, wala rin pong tao sa kalsada, ganoon. So ito pong mga taong ito wala pong mauuwi sa pamilya. Hindi sila safe sa COVID tapos gutom pa po sila. So sabi ko po after ng lockdown na ito, iyong mga naipon ko pong ayuda na hindi ko kaya ubusin at saka po iyong mga pinag-grocery ko, pinadala ng magulang ko, inipon ko lang. After nito, iseset-up ko ang Community Pantry, kasi itong mga taong ito, gutom. At least pantawid gutom lang, pero hindi niya po talaga maso-solve iyong problema ng hunger pero at least may mahuhugutan, hindi po maghahahan-hanap, alam niyo po iyon? Mahirap din mangutang, ganoon po. So ayon po, pagkatapos ng lockdown dito naglakad-lakad po ako sa Maginhawa tapos tulala lang po ako noong paglabas ko. Sabi ko, "Saan kaya puwede?" Madami po akong tinanungan na lugar. Tapos pumayag po sila, pagkapayag po nila, umuwi na po ako. Nagtricycle po ako pauwi, tapos kinuha ko na po ang mga gamit. Actually, po hindi pa po ako nakakahanap ng lugar. Hindi ko pa sigurado kung may papayag. Inimpake ko na po lahat sa bahay, sabi ko mas maganda na 'to sigurado impake ko na ito, kasi pagbalik ko may lugar na ako. Tapos ayon po, na-set-up ko na po iyon agad.

     

    VP LENI: Pero ano, ito Patreng, ‘di ba? Kasi napaka-innovative iyong naisip mo dahil ang ordinaryong tao magdadalawang-isip siyang gawin ito, ‘di ba? Magdadalawang-isip siyang gawin ito kasi parati siyang may takot na baka paglagay ko maubos kaagad lahat. Pero ikaw, saan mo hinugot iyong—ano ito, eh, parang iyong belief in the goodness of people, ‘di ba? I think ito ang pinaka—ito iyong pinaka parang value na pinaniwalaan mo. Naniwala ka na iyong tao basically mabuti. Kasi kung wala ang paniniwalang iyon, siguro hindi mo ito ginawa, ‘di ba? Saan mo hinugot iyon?

     

    ANA PATRICIA NON: Ano po kasi, tingin ko po sa mga tao hindi po siya entirely good, hindi rin entirely bad. So kahit sinong tao tingin niyong masama, mayroon iyang kabutihan. So magtitiwala nalang din po tayo doon, and sa practicality din po. Kunwari halos lahat naman po ng bahay naranasan na minsan sobra ang sinaing, sobra ang delata, sobra ang ganoon. So alam niyo po iyon, kulang lang ng ano ng venue kung saan nila ilalagay ang mga sobra nila. So at least po ang community pantry, simpleng-simple, ay may sobra akong pagkain, ipapatong ko lang po doon. Ano po ang mga tao gusto lang din po siguro tumulong pero wala lang pong nakikitang venue. And hindi naman kailangan magarbong effort para makatulong. Kahit sa simpleng paraan lang po, ganoon po.

     

    VP LENI: Ito, Patreng, nakita ko nga iyong cart mo, parang bamboo siya, ‘di ba? Interesado ako, Patreng, noong first few days na ginawa mo ito. Iyong paglagay mo ng bamboo cart, mayroon ka nang pagkain. Mayroon kang sign, ‘di ba? Mayroon kang sign na kunin mo ang pangangailan mo lang, tapos iyong gustong magdonate, iyong mga kaya niyong i-donate—papaano ito naging tuloy-tuloy?

     

    ANA PATRICIA NON: Ayon po. Kasi po kaya rin siya nagtuloy-tuloy kasi nandoon po talaga ang nangangailangan. So kung maubos po siya, laging narerefill. Tapos iyon po, katulad ng tanong niyo kanina, hindi rin pala po ako natakot na maubos. Kasi ang mga nakapatong doon, meant talaga para i-consume. Ang pagkain naman po ang goal niya is kainin, hindi di po siya display, hindi siya ano po ganoon. So kung maubos po ang pantry, okay maganda iyon, kasi iyon naman po ang purpose noon. Tapos po, iyong sa cart po kaya po siya ganoon po iyong kaya siya nagtuloy-tuloy, iyong mga donors po kasi nakita rin nila ang mga pangangailangan. Kung familiar po kayo sa Maginhawa, ano po siya booming street po siya dati, puro mga kainan po. Kaso po noong naglockdown, sarado na po talaga ang mga negosyo. Binenta na po nila. Actually po pati ang mga restaurants doon, kahit po nagsara tapos binenta na, madami pong lumapit sa akin sabi nila, magdodonate kami kahit affected kami kasi ano naintindihan namin ang mga tao. Kami kaya pa namin, pero sila hindi na. So malungkot pero tulong-tulong nalang tayo, fortunate pa din. So dahil po sa mga taong nagbibigay at saka kumukuha, kaya po siya nagtuloy-tuloy. And salubungan naman po siya. Ayan po, hindi siya charity na nakakaangat po ang tumutulong. Parehas po na nakakatulong ang kumukuha at nagbibigay po.

     

    VP LENI: Ito, Patreng, I think iyong pinakamalaking value din nito, marami kang na-inspire. Marami kang parang napukawan mo—napukawan mo ang kabutihan sa puso ng maraming tao. Hindi lang iyong nagdodonate doon sa pantry na sinet-up mo, pero naging maganda siyang example sa ibang mga lugar na gawin din. Kagabi nakita ko ang isang Rappler na article na nililista niya iyong marami na mga Community Pantry na umusbong di ba? Mayroon na sa iba-ibang streets sa may lugar ninyo sa UP Village, sa may Sikatuna, sa Loyola Heights mayroon na din, sa P. Noval mayroon na din. Tapos kagabi may nabasa ako sa Intramuros mayroon na din. Tapos sa ibang lugar outside Metro Manila. Sa amin lang, Patreng, sa Facebook—sa amin, sa Bicol, Patreng, may dalawa na. May dalawa na sa Naga, tapos mayroon sa Laguna, sa Lipa mayroon, sa Los Banos mayroon. Naimagine mo ba noong sinimulan mo ito na ganito iyong—parang ganito kalaki ang inspirasyon na naibigay mo sa ibang mga tao?

     

    ANA PATRICIA NON: Hindi ko po talaga inexpect at saka po hindi ko po plinano na magviral po sila. Kaya ko lang po pinublic iyong post para po ma-reach ang nasa community namin. So noong ginaya na po siya, sinusulat ko nga po ang mga observation ko po. So tingin ko naman po hindi po siya magvaviral kung hindi po siya nakakarelate iyong mga tao. Tapos tingin ko po kaya nakakarelate ang mga tao kasi literal na malapit po sa sikmura eh. Pagkain na po ang pinag-uusapan natin. Tapos siyempre po iyong pagkain doon tayo kumukuha ng lakas, ng parang energy para sa araw-araw. Tapos mahirap pong magtrabaho, mag-aral, mag-isip kapag gutom. So kung madami pong gumaya, madami pong nai-inspire, ibig sabihin po sa lugar po siguro nila nakikita po nila na marami ang nangangailangan din po. So ayon din po, masaya po siya na na-inspire ang mga tao tapos nagpapasalamat po ako sa pagtugon po ng mga tao, sa pag-gaya po ganoon po, pag-continue. Tapos ano rin po, medyo malungkot idin po kasi evident na talaga na kulang ang mga nakukuha ng mga tao. Tapos kailangan talaga ng—kailangan po natin magtulong-tulong. Ayon po, so parehas po siya balanced po siya ng saya at saka ng lungkot. Pero ang maganda po dito, iyong Community Pantry po naging movement po siya na magtulungan tayo, magkaroon tayo ng unity po.

     

    VP LENI: Ito Patreng grabe ang napukaw mo. Grabe ang napukaw mo na parang spirit of bayanihan. Kasi binabasa ko ito sa social media, pati mayroong mga farmers sa Tarlac na pareho mo—sinasabi mo kanina di naman kayo mayaman, pati ikaw nag-suffer ang maliit na negosyo mo during the break and yet iyong selflessness nandoon. Nabasa ko na iyong isa sa mga nahuli dati iyong PISTON driver, pati siya mayroon na din siya—[technical difficulty]. So sa akin, Patreng, kaya ka namin ginuest kasi sobrang inspiring ng story mo. Sobrang inspiring ng story mo parang pagpapakita siya na hindi mo kailangang maging mayaman para makatulong. Hindi mo kailangan na — alam mo iyon? Hindi mo kailangan na malaki agad iyong gagawin mo? Gaya sa iyo, maliit iyong ginagawa mo pero sobrang laki iyong reverberation na na-cause niya. Sa akin lang, Patreng siguro, itanong na lamang namin sa inyo para doon sa mga nakikinig sa atin at mga nanonood. Kung mayroong nakikinig sa atin na gustong tumulong pero wala sila dito— kasi nakita ko iyong panawagan mo, sabi mo better kung may supply sila, magbigay na lang. Pero halimbawa, OFW ako. Gusto kong tumulong, papaano ko ipapadala iyong tulong ko?

     

    ANA PATRICIA NON: Ay. Sorry, paulit po. OFW po tapos gustong tumulong?

     

    VP LENI: Kasi marami kaming listeners na OFW, eh. Kadalasan kapag may ganitong movement, nagtatanong sila paano kami makakatulong. Kapag ganoon, papaano?

     

    ANA PATRICIA NON: Ah, okay po. Actually sa Maginhawa po, okay po iyong tulong, madami po. Eh since madami na pong Community Pantries, okay lang po sa akin kung sa iba na lang po ibigay iyong donasyon. So, ililista po namin lahat ng Community Pantries para po pwede po sila doon magpadala, doon naman po iyong matulungan. Kasi marami rin po iyong sa Maginhawa para po balanced din.

     

    Tapos po, kunyari po sa mga ibang OFW naman, pwede rin po na makipag-partner po sila sa pamilya nila na maliit—kahit maliit lang po na Community Pantry—

     

    VP LENI: —Sila naman.

     

    ANA PATRICIA NON: Opo, kahit sila naman po iyong magsimula. Kahit sa tapat lang po ng bahay, ipatong lang po iyong sobra. Ganoon po. Tapos kahit nga po bawat kanto may community pantry, okay na din po kasi isipin niyo po sa isang street kung ilan iyong pamilya doon. So, gusto ko po i-encourage iyong mga tao na mag-start ng Community Pantry nila. I-empower po natin iyong isa't isa na magtulungan. Ayon po. Okay naman po kasi kami sa Maginhawa, madami na po iyong tulong. Sa ibang areas po, tingin ko, mas kailangan po nila po.

     

    VP LENI: Ayon. Ito, siguro last question ko na ito sa'yo kasi I think iyong mga nag-iisip na i-open iyong Community Pantry, iyong isang pinaka-isang—I think, iyong pinaka-concern nila— hindi ba nangyayari sa inyo, sa Maginhawa na may isang tao na hindi niya inisip pangangailangan ng iba, kumuha siya ng more than sa dapat niyang kumu—parang iyong kinuha niya, more than sa kanyang pangangailangan. Magsasuffer siyempre iyong pantry. Sa inyo ba nangyari ba ito? Na mayroong isang tao na parang ang daming kinuha, iyong ibang tao iyong naapektuhan?

     

    ANA PATRICIA NON: Okay po. Mayroon po talagang mga tao na sobra iyong kinukuha nila than usual. Mayroon po—actually, marami pong ganoon. Tapos po minsan, kapag nakita po namin, medyo sumasama po loob namin, napapatingin po kami minsan, talagang hindi maiwasan iyon.

     

    Pero po ano, minsan napagsasabihan din po ng ibang mga tricycle driver na, ”Uy, tama na 'yan." ganyan kasi sila po iyong marshalls. Pero kapag natapos po iyong araw, kapag naglilinis kami, lagi po naming narerealize na parang may guilt kami na dapat pala, hindi natin pinagsabihan or pinigil. Kasi po ano eh, iba iba po iyong struggle ng mga tao. Iba-iba rin iyong environment na kinalakihan po natin.

     

    Kunwari po, hindi rin natin alam iyong nawalan ba siya ng trabaho? Ilan po ang anak niya? or sa bahay nila, nasanay na sila na hindi nila alam kailan iyong next meal. Tapos po ano eh, minsan din po mayroon din pong nagpapalit ng T-shirt, iyong bumabalik balik po, ganoon. Marerealize niya rin po na kung ikaw iyong nasa posisyon na iyon, gagawin mo ba iyon? Tirik iyong araw? Maglalakad ka pauwi tapos pipila ka ulit? So ano po, minsan masakit sa dibdib po minsan sa iba kasi sobra iyong kinuha pero payo ko or observation ko po, i-delay po natin iyong judgement.

     

    Tapos po, kapag nangyari po iyon, instead na magalit tayo, ang magandang reaction is maging curious parang "Tay, ang dami mo namang kinuha. Kumusta ka ba? Ano ang trabaho mo?" ganyan. Kasi po minsan tayo po iyong matututo eh. Tayo po iyong mapapahiya na "Ay, ganito pala iyong nangyari sa kanya." So ano po, intindi lang po talaga siya. Ipag-intindi po at saka hindi naman lahat ng tao pare-parehas ang pangangailangan saka kwento. Iba iba din po. Kaunting pag-intindi, buksan po iyong puso at isip. Iyon po ang pinakamahalaga. Tapos ano po, eventually siguro, masasanay din iyong mga tao na iyong Community Pantry, nandiyan lang iyan, huwag kang mag-alala. Kahit kaunti iyong kunin mo ngayon, pwede ka bumalik mamaya, bukas, nandiyan lang kami. Huwag kang mag-alala. Kuha ka lang ulit. Parang ganoon po. Kasi bago pa lang po siya sa Pilipinas kaya sinusulit pa po siguro ng iba.

     

    VP LENI: Ayon. Alam mo Patreng, namamangha— pinapakinggan kita, namamangha ako sa'yo.

     

    ANA PATRICIA NON: Thank you po.

     

    VP LENI: Namamangha ako sa'yo kasi napakabata mo pa pero ganyan ka na mag-isip, na iyong understanding sa realities ng mga Pilipino ay napakalalim. Sana marami pang kabataan ang maging tulad mo na iniintindi iyong pinanggagalingan. I think napakahalagang lesson iyong sinabi mo. Napakahalagang lesson sa lahat na parang iyong gusto mong sabihin, magpasalamat pa tayo kasi hindi tayo iyong nanghihingi pero tayo iyong nagbibigay. Malaking blessing ka kaya Patring, sa akin lang, in behalf of so many people, ang aming taos-pusong pasasalamat for being an inspiration to so many Filipinos. Gaya ng sabi ko, iyong example mo, parang pinukaw mo iyong spirit of Bayanihan sa atin lahat. Sana marami pang tulad mo at sana maraming ma-inspire pa 'pag nalaman iyong kwentong ginawa mo kasi marami talaga iyong nakikinabang. Kaya maraming maraming salamat sa'yo, Patreng.

     

    ANA PATRICIA NON: Salamat din po. Thank you po.

     

    ELY: Okay, salamat.

     

    VP LENI: Ingat ka.

     

    ANA PATRICIA NON: Salamat po.

     

    ELY: Salamat po.

     

    VP LENI: Oo, sobra. Sobra, Ka Ely. Sobrang nakaka-inspire kasi ang bata niya pa. Ang bata niya pa pero ang lalim ng understanding ng kahirapan ng tao. Napaka-ayos ng pagpapalaki. Ako Ka Ely, sana marami pang makakilala sa kwento niya para marami iyong ma-inspire sa kanyang ginagawa. Alam mo, Ka Ely, napakalaking bagay na mayroong Community Pantry kasi parang sinisuguro mo na walang tao sa community mong magugutom. 'Di ba? Makakuha lang sila ng kaunti, siguradong isang pamilya iyong kakain. Kaya napakagandang proyekto na sana tularan ng marami pa nating kababayan.

     

    ELY: Okay, Ma'am, wala na po tayong oras. Sa panghuli, ano po ang inyong mensahe sa ating kababayan na nakikinig ho ngayong umaga sa ating palatuntunan?

     

    VP LENI: Ako, Ka Ely, gusto ko uli kunin iyong pagkakataon na pasalamatan iyong marami naming volunteers. Nabubuhay iyong mga programa namin, Ka Ely, dahil sa kanila. Dito sa Bayanihan E-Konsulta, mayroon tayong more than 600 na mga volunteer doctors. Mga busy na tao ito, Ka Ely, pero in the midst ng kanilang ka-busy-han ay nakukuha pa nilang maglaan ng oras para sa ating programa.

     

    Nagpapasalamat din tayo para sa mga non-medical volunteers. Mayroon tayong 1,900 plus Hininto muna natin Ka Ely kasi hindi pa natin lahat natitrain. Siguro nangangalahati pa lang tayo siguro sa pag-train. Pero nagpapasalamat kami sa kanila kasi grabeng dedication talaga, Ka Ely. Mayroon kami, Ka Ely, na monitoring team na tumatawag sa mga pasyente dalawang beses sa isang araw so maraming salamat sa kanila. Saka ano Ka Ely, saka iyong OVP staff. Iyong OVP staff talaga grabe iyong sakripisyo. Grabe iyong sakripisyo kasi sila talaga iyong nagpapatakbo ng programa so gusto kong pasalamatan sila. Sa mga hindi involved sa programa, iyong mga nangangailangan pa ng medical help, pumunta lamang po sa aming Facebook page— Bayanihan E-Konsulta. Mag-message po sa amin. Ipapaalala ko lang po ulit, outpatient na mga kaso po iyong matutulungan natin. Iyong emergency po, hindi natin iyon kaya, dapat sa ospital iyon so pinopost naman namin iyong mga numbers ng One Hospital Command.

     

    Kung mayroon po kaming mga bagong iro-roll out na projects ay i-ano ito, ipopost namin. Pero halimbawa, marami kaming nakukuhang request for test, marami kaming nakukuhang request from COVID Care Kits, marami kaming nakukuhang test for— request for labs. Mayroon po tayo niyan pero hindi po siya standalone. Bahagi po siya ng programa kaya iyong makaka-avail po noon ay iyong pumapasok sa programa natin kasi hindi po namin kaya lahat. So kung nangangailangan po ng ganoon, mag-message lang po sa Facebook.

     

    ELY: Okay, Ma'am, salamat po. Ingat ho kayo. Salamat po.

     

    VP LENI: Ingat din, Ka Ely. Maraming salamat.

     

    ELY: Okay mga kababayan, iyan po ang ating Bise Presidente Leni Robredo. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay, ako pa rin ho ang inyong Radyoman Ely Saludar. Muli po, isang magandang umaga, Pilipinas.

     

     

     

    -30-

    Posted in Transcripts on Apr 18, 2021